Print Sermon

Ang mga pangaral na manuskrito at mga videyo ay ngayon lumalabas sa 1,500,000 na mga kompyupter sa lampas na 221 na mga bansa kada taon sa www.sermonsfortheworld.com . Daan-daang iba ang nanonood ng mga videyo, sa YouTube, ngunit di nagtatagal ay iniiwan ang YouTube at nagpupunta sa aming websayt, dahil bawat pangaral ay nagtuturo sa kanila papalyo mula sa YouTube tungo sa aming websayt. Ang YouTube ay nagdadala ng mga tao sa aming websayt. Ang mga pangaral na manuskrito ay ibinibigay sa 46 na mga wika sa halos 120,000 na mga kompyuter kada buwan. Ang pangaral na manuskrito ay hindi nakarapatang magpalathala, kaya nagagamit ng mga mangangaral ang mga ito na walang pahintulot. Mayroong daan-daang mga videyo ni Dr. Hymers at ng kanyang mga estudyanteng nangangaral. Ang mga manuskrito ay hindi nakarapatang magpalathala, ngunit lahat ng mga videyo nakarapatang magpalathala. Paki-klik ito upang matutunan kung paano ka maaring gumawa ng isang buwan-buwanang donasyon upang tulungan kami sa dakilang gawaing ito ng pagkakalat ng Ebanghelyo sa buong mundo, kasama ang mga Muslim at mga Hindu na mga bansa.

Tuwing nagsusulat kay Dr. Hymers, laging sabihin sa kanya kung anong bansa ka nakatira, o hindi ka niya masasagot. Ang email ni Dr. Hymers’ ay rlhymersjr@sbcglobal.net .




ANG LAMBAK NG MGA TUYONG BUTO

THE VALLEY OF DRY BONES

ni Dr. R. L. Hymers, Jr.

Isang pangaral na ipinangaral sa Baptist Tabernacle ng Los Angeles
Umaga sa Araw ng Panginoon, Ika- 21 ng Hunyo taon 2009

“At kaniyang sinabi sa akin, Anak ng tao, maaari bagang mabuhay ang mga butong ito? At ako'y sumagot, Oh Panginoong Dios; ikaw ang nakakaalam. Muling sinabi niya sa akin, Manghula ka sa mga butong ito, at sabihin mo sa kanila, Oh kayong mga tuyong buto, inyong pakinggan ang salita ng Panginoon. Ganito ang sabi ng Panginoong Dios sa mga butong ito: Narito, aking papapasukin ang hinga sa inyo, at kayo'y mangabubuhay” (Ezekiel 37:3-5).


Inilimbag ni Spurgeon ang tatlo sa mga sermon na kanyang ipinangaral mula sa talatang ito ng Kasulatan. Isa sa mga ito ay napakatanyag. Tinatawag itong “Ang Restorasyon ng Pagbabagong Loob ng mga Hudyo” [“The Restoration ang Conversion of the Jews”] (Isinalin mula sa The Metropolitan Tabernacle Pulpit, Pilgrim Publications, 1991 printing, volume X, pp. 425-436). Kahit na si Spurgeon ay hindi isang dispensasyonalista at kaunti lang ang alam sa paghuhula sa Bibliya, palagi naman siyang wagas sa mga Kasulatan. Ang mga bersong 11 hangang 14 ay malinaw na nagsasabi na ang talatang ito ay tumutukoy sa restorasyon ng Israel sa kanilang sariling lupain, na tinatawag na ngayong “Palestine.” Dahil iyan ay malinaw na ibinaggit, iyan ang ipinangaral ni Spurgeon, noong 1864. Sinabi niya,

Ang Israel ay ngayo’y binubura mula sa mapa ng mga bansa; ang mga anak niya ay nakakalat ng malalayo at malalawak… Ngunit siya ay itatayo muli; siya ay itatayo muli “na parang nangaling sa pagkamatay”…Siya ay muling aayusin; ang kanyang mga buto ay ipagsasamasama. Magkakaroon ng isang katutubong gobyerno muli; magkakaroon muli…ng isang bansa (Isinalin mula kay Spurgeon, ibid., p. 428).

Ang pananaw ni Spurgeon sa pangakong ito ay literal na natupad noong ika-14 ng Mayo 1948 noong ang pagtatatag ng makabagong bansa ng Israel ay iprinoklama ng mga Hudyong nasyonal na komite sa Palestine. Ang bagong bansa ay nagtatag ng isang gobyernong pinamunuan ni David Ben-Gurion bilang punong ministor at ni Chaim Weizmann bilang pangulo. Simula noon ang mga Hudyo mula sa iba’t ibang bahagi ng mundo ay nagsibuhos pabalik sa Israel, at ang unang hati ng paghuhulang ito ay nagsimulang literal na matupad,

“Ganito ang sabi ng Panginoong Dios: Narito, aking bubuksan ang inyong mga libingan, at aking pasasampahin kayo mula sa inyong mga libingan, Oh bayan ko; at aking dadalhin kayo sa lupain ng Israel” (Ezekiel 37:12).

Ang mga Bautista at ibang mga naniniwala sa Bibliyang mga Kristiyano ay lagi ng sinoportahan ang Israel, simula sa ating Bautistong pangulong si Harry S. Truman. Ang mga naniniwala sa Bibliyang mga Kristiyano sa Amerika ay ang pinaka-malalakas at pinaka maasahang mga kaibigan ng Israel. Ito ay tama at ang ayon sa Kasulatan na dapat itong gawin, ano man ang sabihin ng mga laban sa mga Semetiko ngayon. Ang restorasyon ng Israel ay ang literal na paliwanag ng Ezekiel 37.

Ngunit si Spurgeon ay nangaral ng isa pang sermon sa talatang ito ng Kasulatan noong 1882. Sa pangalawang sermon na ito, sinabi ni Spurgeon na ang mga bersong ito ay

…isang kapansin pansing larawan ng kaligtasan ng Israel mula sa pambansang kamatayan [ngunit] Maari na may kapantay na kasaktohan nating makita rito ang isang malinaw na representasyon ng gawain ng biyaya sa mga puso ng lahat noong mga napabibilis sa kanilang espiritwal na buhay sa pamamagitan ng kapangyarihan ng banal na biyaya (Isinalin mula kay C. H. C. H. Spurgeon, “Despair Denounced and Grace Glorified,” The Metropolitan Tabernacle Pulpit, Pilgrim Publications, 1973 edition, volume XXVIII, p. 469).

Gayon, ang mga bersong 3 at sinusundang larawan ng pagbabagong loob ng mga nawawalang makasalanan.

“At kaniyang sinabi sa akin, Anak ng tao, maaari bagang mabuhay ang mga butong ito? At ako'y sumagot, Oh Panginoong Dios; ikaw ang nakakaalam. Muling sinabi niya sa akin, Manghula ka sa mga butong ito, at sabihin mo sa kanila, Oh kayong mga tuyong buto, inyong pakinggan ang salita ng Panginoon. Ganito ang sabi ng Panginoong Dios sa mga butong ito: Narito, aking papapasukin ang hinga sa inyo, at kayo'y mangabubuhay” (Ezekiel 37:3-5).

Magsitayo at kantahin ang koro, “Hingahan Ako.”

“Breathe On Me” ni B. B. McKinney, 1886-1952).

Maari ng magsi-upo. Narito ay tatlong mga bagay na sinasabi ng Diyos sa teksto.

I. Una, sinasabi ng Diyos,Magsitayo at kantahin ang koro, “Hingahan Ako.”

Hingahan ako, hingahan ako,
Banal na Espiritu, hingahan ako;
Kunin Mo ang aking puso, linisan ang bawat bahagi,
Banal na Espiritu, hingahan ako.
(“Breathe On Me” ni B. B. McKinney, 1886-1952).

Maari ng magsi-upo. Narito ay tatlong mga bagay na sinasabi ng Diyos sa teksto. "Niya ako sa tabi ng mga yaon sa palibot: at, narito, may totoong marami sa luwal na libis; at, narito, mga totoong tuyo. At kaniyang sinabi sa akin, Anak ng tao, maaari bagang mabuhay ang mga butong ito? At ako'y sumagot, Oh Panginoong Dios; ikaw ang nakakaalam” (Ezekiel 37:1-3).

Sinabi ni Dr. McGee na ito’y isang larawan ng mga di-napagbabagong loob na mga tao sa simbahan. Sinabi niya,

Bawat kongregasyon na kinakausap ng mangangaral ay kasali yoong mga ligtas at yoong mga di-ligtas…ang mga ligtas ay patay sa pagsalangsang at mga kasalanan – hindi pa sila napapalaya. Ang mangangaral ay kasing hina ni Ezekiel, para sa kahit sinong mangangaral na nakaiintindi ng tunay na kalagayan at kondisyon noong mga nawawala ay nakikilala ang kanyang sariling kahinaan sa pakikipag-usap sa kanila (Isinalin mula kay J. Vernon McGee, Th.D., Thru the Bible, Thomas Nelson Publishers, 1982, volume III, p. 509; note on Ezekiel 37:4).

Kapag ang isang mangangaral ay tumitingin mula sa pulpito, iyan ang nakikita niya. Marami ay tulad lang ng mga buto,

“Patay dahil sa inyong mga pagsalangsang at mga kasalanan”
     (Mga Taga Efeso 2:1).

“Patay dahil sa inyong mga kasalanan”
     (Mga Taga Colosas 2:13).

“At narito, mga totoong tuyo” (Ezekiel 37:2).

Iyan ba ang iyong kalagayan ngayong umaga? Ikaw ba’y napaka patay na walang nakakapagpakilos sa iyo? Ang iyong puso “totoong tuyo” sa paningin ng Dios? Kantahin ang koro, “Hingahan Ako.”

Hingahan ako, hingahan ako,
Banal na Espiritu, hingahan ako;
Kunin Mo ang aking puso, linisan ang bawat bahagi,
Banal na Espiritu, hingahan ako.

Ngayon basahin ang Ezekiel 37:3 ng malakas.

“Anak ng tao, maaari bagang mabuhay ang mga butong ito? At ako'y sumagot, Oh Panginoong Dios; ikaw ang nakakaalam”
     (Ezekiel 37: 3).

Tinawag ng Diyos si Ezekiel “Anak ng tao.” Ipinapakita nito na ang mangangaral ay isa lamang tao. Ang mangangaral ay isa lamang tao, isang “Anak ng tao.” Ang mangangaral ay walang kapangyarihang tulungan ka. Kaya kong mangaral sa iyo, ngunit ang mga salitang sasabihin ko ay babagsak lamang sa mga patay na mga tenga. Madalas sa akin mukhang tinatanong ako ng Diyos ng parehong tanong, “Anak ng tao, maari bagang mabuhay ang mga butong ito?” Iyan ang pinaka-nakagugulat at mapagsaliksik na tanong na maaring itanong ng Diyos sa isang mangangaral, “Maari bagang mabuhay ang mga butong ito?”

Tinanong akong mangaral sa isang simbahan isang gabi ng Lingo. Tinanong ko ang isang taong kilala ang simabahan kung ano ang dapat kong ipangaral. Sinabi niya, “Ano mang gawin mo, huwag kang mangaral ng isang Ebanghelyong sermon. Naririnig nila iyang palagi. Ligtas silang lahat.” Hindi ko alam ang gagawin ko. Mukhang sinasabi ng Diyo sa akin magpangaral ng isang simpleng Ebanghelyong sermon. Ngunit isang lalaking kilala ang simbahan ay nagsabi na huwag itong gawin – ang lahat ay ligtas na. Nawalan ako ng pag-asa. Iginugol ko ang buong hapon sa panalangin. Mayroon lamang akong isang simpleng Ebanghelyong sermon. Ako’y nanginginig na nagpunta sa pulpito.

“At kaniyang sinabi sa akin, Anak ng tao, maaari bagang mabuhay ang mga butong ito? At ako'y sumagot, Oh Panginoong Dios; ikaw ang nakakaalam” (Ezekiel 37:3).

Sinabi ng Diyos, “Maari bagang mabuhay ang mga butong ito?” Sumagot si Ezekiel, “Oh Panginoong Dios, ikaw ang nakakaalam.” Inilagay ito ni Dr. McGee, “Sa ibang salita, sinabi niya, ‘hindi ko nakikita kung paano. Ito’y lampas pa sa akin – ikaw mag-isa ang nakaaalam kung ang mga butong ito ay mabubuhay o hindi’” (Isinalin mula kay McGee, ibid.). Napunta ako sa pulptitong iyon na nanginginig at pinapawisan. Nagsimula akong mangaral. Pagkatapos ang Banal na Espiritu ay bumagsak sa kongregasyon! Tumayo at kantahin ito!

Hingahan ako, hingahan ako,
Banal na Espiritu, hingahan ako;
Kunin Mo ang aking puso, linisan ang bawat bahagi,
Banal na Espiritu, hingahan ako.

Magdasal para ang Banal na Espiritu ay bumaba rito ngayong umaga! (lahat magdasal). Kantahin ito muli!

Hingahan ako, hingahan ako,
Banal na Espiritu, hingahan ako;
Kunin Mo ang aking puso, linisan ang bawat bahagi,
Banal na Espiritu, hingahan ako.

Maari ng magsi-upo.

II. Pangalawa, sinasabi ng Diyos, “Manghula ka sa mga butong ito.”

Basahin ang berso 4 ng malakas.

“Muling sinabi niya sa akin, Manghula ka sa mga butong ito, at sabihin mo sa kanila, Oh kayong mga tuyong buto, inyong pakinggan ang salita ng Panginoon” (Ezekiel 37:4).

Sinasabi ng Diyos, “Manghula” – mangaral sa mga tuyo, patay na mga buto! Sabihin sa kanila, “Oh kayong mga tuyong buto, inyong pakinggan ang salita ng Panginoon.” Iniisip ng mangangaral, “Paano maririnig ng isang tuyong buto ang salita ng Panginoon? Paano nila maririnig? Paano nila maririnig?” O, Diyos ko, alam ko hindi nila ito magagawa. Ang kanilang mga isipan ay nasa ibang lugar. Sila’y nagpapatuloy sa parehong patay na mga ayon sa kaisipang mga balangkas. Hindi nila marinig ang sinasabi ko!

“At dinala nila sa kaniya ang isang bingi at utal; at ipinamanhik nila sa kaniya na kaniyang ipatong ang kaniyang kamay sa kaniya. At siya'y inihiwalay niya ng bukod sa karamihan, at isinuot ang kaniyang mga daliri sa mga tainga niya, at siya'y lumura, at hinipo ang kaniyang dila; At pagkatingala sa langit, ay siya'y nagbuntong-hininga, at sinabi sa kaniya, Ephatha, sa makatuwid baga'y, Mabuksan. At nangabuksan ang kaniyang mga pakinig, at nakalag ang tali ng kaniyang dila, at siya'y nakapagsalitang malinaw… At sila'y nangagtataka ng di kawasa, na nangagsasabi, Mabuti ang pagkagawa niya sa lahat ng mga bagay; kaniyang binibigyang pakinig pati ng mga bingi, at pinapagsasalita ang mga pipi” (Marcos 7:32-35, 37).

Magsitayo at magdasal para buksan ng Diyos ang mga binging tenga sa Ebanghelyo! (lahat magdasal). Kantahin ito muli!

Hingahan ako, hingahan ako,
Banal na Espiritu, hingahan ako;
Kunin Mo ang aking puso, linisan ang bawat bahagi,
Banal na Espiritu, hingahan ako.

“Muling sinabi niya sa akin, Manghula ka sa mga butong ito, at sabihin mo sa kanila, Oh kayong mga tuyong buto, inyong pakinggan ang salita ng Panginoon” (Ezekiel 37:4).

Ito ang salita ng Panginoon – si Hesu Kristo ay namatay sa Krus upang bayaran ang multa para sa iyong mga kasalanan! Ibinuhos ni Hesu-Kristo ang Kanyang Dugo sa Krus upang hugasan ang lahat ng iyong mga kasalanan! Si Hesu-Kristo ay bumangon mula sa pagkamatay! Si Hesu-Kristo ay buhay sa itaas sa Langit, sa tabi ng Diyos! Ito ang salita ng Panginoon! Tayo’y kumanta “Malapit sa Krus.” Ibigay sa amin ang kwerdas!

Nasa krus, nasa krus,
Maging aking luwalhati magpakilan man;
Hangang sa ang aking maligayang kaluluwa’y mahahanap
Pahinga sa kabila ng ilog.
(“Malapit sa Krus” Isinalin mula sa “Near the Cross”
    ni Fanny J. Crosby, 1820-1915).

Kantahin ito muli!

Nasa krus, nasa krus,
Maging aking luwalhati magpakilan man;
Hangang sa ang aking maligayang kaluluwa’y mahahanap
Pahinga sa kabila ng ilog.

Sa Krus Siya namatay at nagbayad para sa iyong mga kasalanan. Sa Krus Niya ibinuhos ang Kanyang Dugo upang hugasan ang iyong mga kasalanan!

Nasa krus, nasa krus,
Maging aking luwalhati magpakilan man;
Hangang sa ang aking maligayang kaluluwa’y mahahanap
Pahinga sa kabila ng ilog.

Maari ng magsi-upo.

Takot ako noon. Maraming mga tanyag na mga mangangaral ay naroon. Sinabi niya sa akin, “Ano mang gawin mo, huwag kang mangaral ng isang Ebanghelyong sermon. Naririnig nila iyan tuwing Lingo. Ligtas silang lahat!” Tama ba siya noon? Nagpunta ako sa pulpito na ang puso ko’y tumatambol, na may pawis na tumutulo sa aking mga kamay! Nagsimula akong mangaral.

“Oh kayong mga tuyong buto, inyong pakinggan ang salita ng Panginoon” (Ezekiel 37:4).

Paano kung walang makikinig? Paano kung walang magpupunta sa harap? Paano kung mabigo ako? Anong sasabihin nila?

“Muling sinabi niya sa akin, Manghula ka sa mga butong ito, at sabihin mo sa kanila, Oh kayong mga tuyong buto, inyong pakinggan ang salita ng Panginoon” (Ezekiel 37:4).

“Saysayin mo sa kanila, Ganito ang sabi ng Panginoong Dios; sa didinggin man nila, o sa itatakuwil man nila” (Ezekiel 3:11).

Ipangaral ang Ebanghelyo ni Kristo, marinig man nila o hindi! Isarado man nila ang kanilang tenga o buksan ang mga ito,

“sabihin mo sa kanila, Oh kayong mga tuyong buto, inyong pakinggan ang salita ng Panginoon” (Ezekiel 37:4).

Iyan ang pagtatawag sa akin! Iyan ang aking layunin! Iyan ang sinabi sa akin ng Diyos na Makapangyarihan na gawin ko!

III. Pangatlo, sinasabi ng Diyos, “Aking papapasukin ang hinga sa inyo, at kayo'y mangabubuhay.”

Basahin ang berso 5 ng malakas.

“Ganito ang sabi ng Panginoong Dios sa mga butong ito: Narito, aking papapasukin ang hinga sa inyo, at kayo'y mangabubuhay” (Ezekiel 37:5).

Sinasabi ng Diyos, “Aking” (hindi ako, kundi ang Diyos) “Aking papasukin” (hindi ikaw, kundi ang Diyos) “Aking papapasukin ang hinga sa inyo, at kayo’y mangabubuhay.” Iyan ang dapat mangyari! Ang Diyos ang Banal na Espiritu ay dapat pumasok sa iyo. Pagkatapos ika’y mabubuhay! Sinabi ng Diyos,

“Aking ilalagay ang aking Espiritu sa loob ninyo” (Ezekiel 36:27).

Magsitayo at kantahin ito ng isa pang beses ng mahinhin,

Hingahan ako, hingahan ako,
Banal na Espiritu, hingahan ako;
Kunin Mo ang aking puso, linisan ang bawat bahagi,
Banal na Espiritu, hingahan ako.

Tumayo ako upang mangaral noong gabing iyon. Ang pinaka magagaling na mga mangangaral ay naroon. Lahat sila’y nakatingin sa akin. Sinabi noong lalake sa akin, “Ano mang gawin mo, huwag mong ipangaral ang Ebanghelyo. Lahat sila’y ligtas na!” Ang puso ko’y tumatambol. Pawis ay tumututulo sa aking mga kamay. Nagsimula akong mangaral. Ipinangaral ko ang Ebanghelyo! Tangapin ito o itakwil ito! Iyan ang maririnig mo! Ika’y nawawala! Ika’y nawawala! Wala sa iyo sa Kristo! Mayroon kang relihiyon – ngunit ika’y nawawala! Pumunta ka’y Kristo! Mahugasan sa Kanyang Dugo! Sinabi ko, “Umalis sa inyong mga upuan at bumaba rito ngayon na.” Nagsimula kaming kumanta. Naisip ko, “Walang pupunta.” Kinanta namin ang pangalawang estropa. Tatlong may edad ng mga lalake ang bumaba mula sa pagitan. Inilabas nila sila palabas ng silid. Kumanta kami ng isa pang estropa. Mayroong sumigaw, “Isang mangangaral ay naligtas!” Isa sa mga nagpunta ay isang mangangaral! Ang Banal na Espiritu ay bumaba sa kongregasyon na parang ulap! Isang matandang lalake ay nagpunta na gumagapang sa pagitan sa kanyang mga kamay at tuhod sumigaw siya ng malakas, “Ako’y nawawala! Ako’y nawawala!” Iyan ang gawain ng Diyos! Iyan ay pagbabagong loob! Iyan ang katotohanan! Nagpatuloy ito ng tatlong oras. Lampas sa 75 na mga tao ang nagpunta sa harap, lumuluha at humihiyaw, sumisigaw at umiiyak, ikinukumpisal ang kanilang mga kasalanan sa Diyos.

“Aking papapasukin ang hinga sa inyo, at kayo'y mangabubuhay” (Ezekiel 37:5).

Sinabi ni Hesus,

“Ang ipinanganak ng laman ay laman nga; at ang ipinanganak ng Espiritu ay espiritu nga. Huwag kang magtaka sa aking sinabi sa iyo, Kinakailangan ngang kayo'y ipanganak na muli” (Juan 3:6-7).

Ating kakantahin ang “Nasa Krus” muli. Ibigay sa amin ang kwerdas!

Nasa krus, nasa krus,
Maging aking luwalhati magpakilan man;
Hangang sa ang aking maligayang kaluluwa’y mahahanap
Pahinga sa kabila ngilog.

Ika’y isang makasalanan! Ika’y nawawala! Walang makaliligtas sa iyo kundi si Hesus! Iyan ang dahilan na Siya’y namatay sa Krus. Namatay Siya sa Krus upang bayaran ang iyong mga kasalanan at mahugasang mawala ito gamit ang Kanyang Dugo! Kakantahin natin ito muli. Habang kumakanta kami, bumaba rito sa pagitang ito at sabihin, “Ako’y nawawala! Ako’y nawawala!” Ngayon na, oo, ikaw! Umalis sa inyong upuan at bumaba rito! “Ako’y nawawala! O, Hesus, hugasang pawala ang aking mga kasalanan gamit ang Dugong iyong ibinuhos sa Krus!” Kantahin ang “Nasa Krus” muli.

Nasa krus, nasa krus,
Maging aking luwalhati magpakilan man;
Hangang sa ang aking maligayang kaluluwa’y mahahanap
Pahinga sa kabila ngilog.

Hingahan ako, hingahan ako,
Banal na Espiritu, hingahan ako;
Kunin Mo ang aking puso, linisan ang bawat bahagi,
Banal na Espiritu, hingahan ako.

(KATAPUSAN NG PANGARAL)
Maari ninyong mabasa ang mga sermon ni Dr. Hymers linggo-linggo sa Internet
sa www.realconversion.com. I-klik ang “Mga Pangaral sa Tagalog.”

Pagbabasa ng Kasulatan Bago ng Pangaral ni Dr. Kreighton L. Chan: Ezekiel 37:1-14.

Kumanta ng Solo Bago ng Pangaral si Gg. Benjamin Kincaid Griffith:

“Hingahan Ako” Isinalin mula sa “Breathe On Me” (ni B. B. McKinney, 1886-1952).
 

BALANGKAS NG

ANG LAMBAK NG MGA TUYONG BUTO

ni Dr. R. L. Hymers, Jr.

“At kaniyang sinabi sa akin, Anak ng tao, maaari bagang mabuhay ang mga butong ito? At ako'y sumagot, Oh Panginoong Dios; ikaw ang nakakaalam. Muling sinabi niya sa akin, Manghula ka sa mga butong ito, at sabihin mo sa kanila, Oh kayong mga tuyong buto, inyong pakinggan ang salita ng Panginoon. Ganito ang sabi ng Panginoong Dios sa mga butong ito: Narito, aking papapasukin ang hinga sa inyo, at kayo'y mangabubuhay” (Ezekiel 37:3-5).

(Ezekiel 37:12)

I. Una, sinasabi ng Diyos, “Maaari bagang mabuhay ang mga butong ito?”
Ezekiel 37:1-3; Mga Taga Efeso 2:1; Mga Taga Colosas 2:13.

II. Pangalawa, sinasabi ng Diyos, “Manghula ka sa mga butong ito,”
Ezekiel 37:4; Marcos 7:32-35, 37; Ezekiel 3:11.

III. Pangatlo, sinasabi ng Diyos, “Aking papapasukin ang hingasa
inyo, at kayo'y mangabubuhay,” Ezekiel 37:5; 36:27; Juan 3:6-7.