Print Sermon

Ang mga pangaral na manuskrito at mga videyo ay ngayon lumalabas sa 1,500,000 na mga kompyupter sa lampas na 221 na mga bansa kada taon sa www.sermonsfortheworld.com . Daan-daang iba ang nanonood ng mga videyo, sa YouTube, ngunit di nagtatagal ay iniiwan ang YouTube at nagpupunta sa aming websayt, dahil bawat pangaral ay nagtuturo sa kanila papalyo mula sa YouTube tungo sa aming websayt. Ang YouTube ay nagdadala ng mga tao sa aming websayt. Ang mga pangaral na manuskrito ay ibinibigay sa 46 na mga wika sa halos 120,000 na mga kompyuter kada buwan. Ang pangaral na manuskrito ay hindi nakarapatang magpalathala, kaya nagagamit ng mga mangangaral ang mga ito na walang pahintulot. Mayroong daan-daang mga videyo ni Dr. Hymers at ng kanyang mga estudyanteng nangangaral. Ang mga manuskrito ay hindi nakarapatang magpalathala, ngunit lahat ng mga videyo nakarapatang magpalathala. Paki-klik ito upang matutunan kung paano ka maaring gumawa ng isang buwan-buwanang donasyon upang tulungan kami sa dakilang gawaing ito ng pagkakalat ng Ebanghelyo sa buong mundo, kasama ang mga Muslim at mga Hindu na mga bansa.

Tuwing nagsusulat kay Dr. Hymers, laging sabihin sa kanya kung anong bansa ka nakatira, o hindi ka niya masasagot. Ang email ni Dr. Hymers’ ay rlhymersjr@sbcglobal.net .




KONSYENSYA AT PAGBABAGONG LOOB

CONSCIENCE AND CONVERSION

ni Dr. R. L. Hymers, Jr.

Isang pangaral na ipinangaral sa Baptist Tabernacle ng Los Angeles
Gabi ng Araw ng Panginoon, Ika-14 ng Hunyo taon 2009

“Na nangagtatanyag ng gawa ng kautusang nasusulat sa kanilang puso, na pinatotohanan ito pati ng kanilang budhi, at ang kanilang mga pagiisip ay nangagsusumbungan o nangagdadahilanan sa isa't isa” (Mga Taga Roma 2:15).


Ang Repormasyong Pang-aral na Bibliya ay naglalaman ng isang mainam na artikulo sa “Konsensya at Batas.” Sinasabi nito,

Ang Konsensya ay ang permanenteng kapangyarihan…upang magbigay ng moral na paghahatol sa ating sarili, sumasang-ayon o di-sumasang-ayon sa ating mga kilos, mga pag-iisip, at mga plano, at nagsasabi sa atin, kung ang ginawa natin ay…mali, na nararapat tayong magdusa para rito…sinabi ni Pablo na nagsulat ang Diyos ng isang tiyak na kaalaman ng Kanyang utos sa bawat puso ng tao (Mga Taga Roma 2:14-15) at karanasan ang nagbibigay patunay nito (Isinalin mula sa The Reformation Study Bible, Ligonier Ministries, 2005 edition, p. 415).

Sinasabi ng pambukas na teksto natin ay,

“Na pinatotohanan ito pati ng kanilang budhi [konsenysa]”
     (Mga Taga Roma 2:15).

Tignan natin ang sagot ng Bibliya sa tatlong tanong tungkol sa konsensya ng tao.

I. Una, saan nagmula ang konsensya ng tao?

Noong nilikha ng Diyos ang tao, tayo ay sinabihan na,

“Nilalang ng Panginoong Dios ang tao sa alabok ng lupa, at hiningahan ang kaniyang mga butas ng ilong ng hininga ng buhay; at ang tao ay naging kaluluwang may buhay”
       (Genesis 2:7).

Ang bagay na gumawa sa taong iba mula sa mga hayop ay ang “hininga ng buhay.” Ang Hebreong salita ay “neshamah.” Naisalin itong “hininga ng buhay.” Itinuturo ni Strong na ibig sabihin nito’y “espiritu” (#5397). Ang “neshamah” ay naging espiritu ng tao, hiwalay mula sa kaluluwa (isipan) at katawan na gumagalaw. Ang “hininga ng buhay” na ito ay nagbigay sa tao ng dalawang mga bagay na walang hayop ang mayroon – (1) ang kakayahang makilala ang Diyos at (2) ang kakayahang malaman ang tama sa mali. O maari nating sabihin, ang “hininga ng buhay” na nasa kanya ay nagbigay sa tao ng kanyang makataong espiritu na pagkatapos ay ang kanyang isipan (kilala bilang kaluluwa) ay napagana. Ang bagay na ito na nasa kanyang isipan magagawa niyang mag-isip at gumawa ng mga desisyon. Ngunit ang mga hayop ay mayroon ding mga isipan. Ito’y ang espiritu ng tao, na nangaling mula sa “hininga ng buhay,” na gumawa sa taong naiiba. Ang “neshamah,” o “hininga ng buhay,” ay naging espiritu ng tao, at nagbigay ito sa tao lamang ng kakayahang makilala ang Diyos ng personal, at ang kakayahang malaman ang tama sa mali.

Ang layunin ng konsensya ay ibinigay sa Mga Kawikaan 20:27,

“Ang diwa ng tao ay ilawan ng Panginoon, na sumisiyasat ng mga pinakaloob na bahagi ng tiyan.”

Ang “espiritu” sa bersong ito muli mula sa Hebreong salitang “neshamah” na ang ibig sabihin ay “banal na inspirasyon” o “espiritu,” at nangagaling mula sa parehong salita para sa “hininga ng buhay.” Mga Kawikaan 20:27 ay nagpapakita sa atin na ang “neshamah,” na ibinigay ng Diyos kay Adan, ay naging “ang diwa [espiritu] ng tao” (Mga Kawikaan 20:27). Ito ang una sa tatlong naglalayuning elemento ng isang tao – espiritu, kaluluwa, at katawan. Ang kaluluwa ay ang isipan. Ang espiritu ay ang konsensya at ang kakayahang makilala ang Diyos. Ang katawan ay ang laman. Ang “neshamah” ay naging ang espiritu ng tao, na ang konsensya nito’y sumisiyasat sa mga nasa loob na bahagi ng tao. Iyan ang konsensya ng tao. Iyan ang bahagi ng tao na nagsasabi sa kanya kapag siya ay mali.

“At ang puso ni David ay sinaktan niya pagkatapos na kaniyang nabilang ang bayan” (II Samuel 24:10).

“Puso” sa ganitong pagkakaintindi ay tumutukoy sa “neshamah” ni David, ang layunin ng kanyang konsenya. Iyan ay, ang kanyang konsensya ay nagugulohan dahil nagkasala siya sa pamamagitan ng pamimilang niya ng bayan. (Ako’y nagkakautang kay Dr. Timothy Lin sa mga kaisipang ito, siya’y aking pastor ng mahabang panahon, dating propesor ng Lumang Tipang Hebreo sa pagtatapos na departemento sa Unibersidad ng Bob Jones at dating pangulo ng Ebanghelikal na Seminaryo sa Tsina sa Taipei, Taiwan.)

Ang di-makakalimutang kwento ni “Pinokyo” ay tumutukoy sa isang papet na nagnanasang maging isang tunay na bata. Hangang siya ay isang papet, mayroon siyang isang kuliglig bilang kapalit sa kanyang konsensya. Ngunit noong siya ay naging isang tunay na bata, nakatangap siya ng isang tunay na konsensya sa kanyang puso, upang magsabi sa kanya ng tama sa mali. Ang ating unang mga magulang ay nilikha na mayroong nabubuhay na gumaganang konsensya, ngunit ang kanilang mga konsensya ay nawala sa hugis pagkatapos, kaya sila’y kasing di-mapagkakatiwalaan tulad ng kuliglig ni Pinokyo!

II. Pangalawa, anong nangyari sa konsensya ng tao?

Ang unang mga magulang natin ay nagkasala sa Hardin ng Eden. Sa Pagbagsak, ang imahen ng Diyos ay nasira sa loob ng tao, at ang konsensya ng tao ay nagkapintasan. Dahil sa dahilang ito, noong si Adan ay hinarap ng Diyos dahil sa kanyang kasalanan, nagkaroon siya ng maraming pagdadahilan, gaya ni Eba (Genesis 3:11-13). Ni isa sa kanila ay di nakaramdam ng pag-sisisi dahil ang kanilang konsensya ay naibang hugis at namantsahan. Katulad nito ay totoo sa unang anak ni Adan, si Kain. Kahit na noong nahuli siya ng Diyos na pinapatay ang kanyang kapatid, wala siyang nadamang pagkakasala, at idinahilan lamang ang sarili. Ito’y nagpapakita na ang konsensya ng tao ay hindi na mapagkakatiwalaan pagkatapos ng Pagbagsak sa Hardin ng Eden. Gayon, ang isang di-mapagkakatiwalaang, nasirang mukhang konsensya ay naipapasa sa atin mula kay Adan.

Ngunit ito’y lumulubha. Mas higit na isang tao ay nagkakasala mas higit na kumukupas at nasira ang kanyang konsensya. Mas higit na magkasala ang tao mas madilim at mas di-mapagkakatiwalaan ang kanyang konsensya. Sa lumang mundo, tayo ay sinasabihan, na sila’y

“…bagkus niwalang kabuluhan sa kanilang mga pagmamatuwid at ang mangmang nilang puso ay pinapagdilim”
       (Mga Taga Roma 1:21).

At, sa panahon ni Pablo, ang tao ay inilalarawan bilang,

“Na sa kadiliman ng kanilang pagiisip, ay nangahiwalay sa buhay ng Dios, dahil sa kahangalang nasa kanila, dahil sa pagmamatigas ng kanilang puso: Na sila sa di pagkaramdam ng kahihiyan ay napahikayat sa kalibugan, upang kalakalin ang lahat ng karumihan ng buong kasakiman”
       (Mga Taga Efeso 4:18-19).

“Sa nangahawa at di nagsisisampalataya ay walang anomang malinis; kundi pati ng kanilang pagiisip at kanilang budhi ay pawang nangahawa” (Tito 1:15).

At habang ang tao nagpapatuloy sa kasalanan, kanilang sinusunog ang kanilang konsensya sa pamamagitan ng pagsasala ng higit higit pa,

“Sa pamamagitan ng pagpapaimbabaw ng mga tao na nagsisipagsalita ng mga kasinungalingan, na hinerohan ang kanilang mga sariling budhi ng waring bakal na nagbabaga”
     (I Timoteo 4:2).

Madalas kong ibinibigay ang halimbawang ang aking ina na nagdadala sa akin sa isang “maliit na palabas” sa Ringling Brothers, Barnum at Bailey na Sirkus, noong mga unang taon ng 1950, noong nasa isang tolda pa ito na may kusot sa sahig. Ngunit ika’y nagpunta sa isang “maliit na palabas” upang makita ang iba’t-ibang mga kakaiba at katakatakang palabas, bago ka nagpunta sa sirkus. Ako’y nalulungkot na lumayo na sila sa lumang “maliit na palabas.” Ito’y isang nakamamanghang bahagi ng di malilimutang toldang sirkus.

Sa “maliit na palabas” nakakakita ako ng isang taong may kaluskos na tulad ng isang buwaya. Ito’y totoo. Nakakita ako ng isang babaeng may dalawang ulo. Nakita ko ang pinaka matangkad na tao sa mundo. At pagkatapos ay nakakita ako ng isang mamang naglagay ng isang espada sa harap ng isang mainit na apoy hangang sa ang bakal ay nagbabaga. Pagkatapos inilagay niya ang nagbabagang espada sa kanyang dila. Usok ay lumabas sa kanyang bibig. Napakalapit ko sa kanya. Ito’y hindi daya. Inilagay niya ang mainit na bakal sa kanyang dila! Talagang makapaglalagay ang taong ito ng nagbabagang espada sa balat ng kanyang dila na hindi nakadarama ng sakit! Sinabi ng nanay ko sa akin na ginawa niya ito ng paulit-ulit, napaka raming beses na hindi niya na nararamdaman ang kahit anong sakit. Ang kanyang dila ay hinerohan ng napaka raming beses na nagkaroon na ito ng kalyo, kaya hindi na ito nakararamdam ng kahit anong sakit! O anong paglalarawan nito ng isang tao “na hinerohan ang kanilang mga sariling budhi ng waring bakal na nagbabaga” (I Timoteo 4:2)! Sa madaling salita, mas higit kang magkasala, mas higit na ang iyong konsensya nagkakakalyo, hangang ito’y napaka hinerohan ng apoy ng kasalanan na hindi mo na nararamdaman ang kahit anong sakit ng iyong konsensya, gaano man kahigit ang kasalanang nagawa mo.

Si Hitler ay nagkasala ng napaka tagal na, na sa panahon ng Ikalawang Makamundong Digmaan kaya niyang iutos ang pagpapahirap ng mga batang Hudyo sa pamamagitan ni Dr. Mengele, isang walang awang Nazing mamamatay tao, na gustong-gustong hiwaing bukas ang mga tiyan ng mga Hudyo upang makita kung gaano katagal bago sila mamatay. Kayang iutos ni Hitler na 6 milyong mga Hudyo ang patayin sa gas, dahil sila’y mga Hudyo, na wala ni kaunting sakit sa kanyang konsensya. Kaya, kaya ni Henry VIII na putulin ang mga ulo ng kanyang dalawang inosenteng batang mga asawa. Pagkatapos, na walang kaunting sakit ng konsensya, kaya niyang kumain ng malaking hapunan at matulog ng mahimbing, napaka “hinerohan […] [ng] bakal na nagbabaga” ang kanyang konsensiya!

At kailangan ko kayong balaan kayong mga kabataan sa ating simbahan na ang inyong mga konsensya ay nasira na noong kayo ay ipinanganak. Nakamana ka ng isang sirang konsensya mula sa iyong ninunong si Adan. Kaya ika’y mayroon nang sirang konsensya noong maliit ka pa! Dagdag pa riyan ay ang mga kasalanan mo noong kamusmusan. Sa bawat beses na ika’y nagsinungaling sa iyong ina, ang iyong konsensya ay namamantsahan. Sa bawat beses na nagnakaw ka ng isang bagay, sa bawat beses na nandaya ka sa eskwelahan, sa bawat oras na nag-isip ka ng sekswal na bagay, ang iyong konsensya ay higit-higit pang namamantsahan – hangang sa wakas aktwal na nagsisimula mo na itong hineherohan. Gaya ng mainit na bakal, nagsisimula mo ng aktwal na hineherohan ang iyong konsensya. Hineherohan mo ito ng may kakaibang ngiti sa iyong mukha – nakangisi at tumatawa habang inilalagay mo ang nagbabagang bakal sa iyong kasalanan – hineherohan ang iyong konsensya muli’t muli ng mas matindi pang mga kasalanan – na hindi ko babangitin dito sa simbahan. Ang ilan sa inyo’y nahihibang na hinerohan ang inyong konsensya, na natutuwang lubos sa mga nakakapag hinerohan sa mga kasalanang hinehoran ang konsensya. Hindi ko na sila kailangan bangitin. Alam mo kung aling mga kasalanan ang mga ito. Alam mo kung paano nila hinerohan ang iyong konsensya. Alam mo kung paano pinudpod ng mga ito ang pagkaintindi mo sa mali. Alam mo kung paano ito naging halos imposibleng para sa iyong makadama ng kahit anong pagkakasala sa mga ito. At naisip mo, ng maraming beses sigurado ako, na maari ka nang naisuko sa kahamakan, nagkakasala ng mga di-mapapatawad na kasalanan, dahil sinasadya mong hinerohan ang iyong konsensya, sinasadya mong tinatawanan ang mukha ng Diyos, habang ika’y nagkasala na may malawak na kamay, at sinira ang iyong sariling dating malambot na konsensya!

At ngayon pumupunta ka sa akin para matulungan na madamang natagpuang nagkasala! Anong magagawa ko para sa iyo? Ikaw ang nakasira sa iyong sarili. Ikaw ang nagheron ng iyong sariling konsensya. Anong magagawa ko para matulungan ang isang tao na pumatay sa sarili niyang puso, at sinunog ang kanyang konsensya lampas pa sa pagkakilala? Ako’y walang maitutulong. Matitignan lamang kita ng may awa – bilang isang sirang nilalang, na walang hinaharap at walang pag-asa. Maka-aawaan lamang kita. Hindi kita matutulungan sa kahit anong paraan – dahil ika’y sira na. O, oo, isang tao na may hinerohang konsensya ay sira na at hinatulang tao. Sinabi ni Hesus,

“Ang hindi sumasampalataya ay hinatulan na” (Juan 3:18).

Hindi ito’y dahil ika’y hahatulan kapag ika’y mamamatay, sa hinaharap. O hindi, kinaawaan kita dahil ika’y “hinatulan na” (Juan 3:18). Ang iyong sunog, hinerohan, at sirang konsensya’y hindi maibabalik sa dati, at kaya walang pag-asa para sa iyo. Ika’y “hinatulan na” – kasing sigurado ng Impiyerno na parang naroon ka na. At wala sa mga sasabihin ko o gagawin ay makatutulong sa iyo sa kahit anong paraan.

III. Pangatlo, paano mapupunta sa larawan ang Diyos?

Maaring…pansinin na sinabi kong “maari.” Kung pawawalang bahala mo ito, ika’y sirang sira na. Ito’y lubusang, nakatatakot na panganib na bagay na pawawalang bahala, kaya sinasabi ko na may matinding pag-iingat – maaring ipagkaloob ka ng Diyos ng pagkaalam ng pagkakasala. Hindi Niya ipinapangakong magbigay ng pakakaalam ng pagkakasala sa lahat. Kung binigyan ka niya ng kaunting pagkakaalam ng pagkakasala noon, walang katiyakan na ibibigay Niya ulit ito sa iyo. Napaka dalas yoong mga minsan nakaranas ng pagkakaalam ng pagkakasala ay hindi na muli pinupuntahan ng Espiritu ng Diyos. Ngunit maari Niyang bigyan ka ng ilang pagkakaalam ng pagkakasala

“tungkol sa kasalanan, at sa katuwiran, at sa paghatol”
       (Juan 16:8).

Pagkatapos ng lahat ng pagtatangi at pagbibiro at pangungutya at kahangalan na iyong ginawa, hindi nararapat sa iyo ang isang sandali ng pagkakaalam ng pagkakasala – kaya kung bibigyan ka ng Diyos ng kahit anong pagkakaalam ng kasalanan, ingatan ang iyong pagkakasalang pakiramdam na para bang gawa ito sa laryo ng ginto. Kung mawawala mo ang iyong pakakaalam ng pagkakasala, maaring hindi mo na ito makukuha muli!

Pumunta sa harap ng Diyos na parang isang pulubi! Pumunta na nakayukong mababa na may pagkukumbaba, nalalaman na ang makapangyarihang Hari ay walang pagkakautang sa iyo! Dinuraan mo ang Kanyang mukha sa iyong puso sa lahat ng taong ito. Pag-isipan ito! Dinuraan mo ang mukha ni Kristo sa iyong pinaka ugali. Ngayon walang pagkakautang si Kristo sa iyo. Poot lamang ang pagkakautang niya sa Iyo, parusa sa apoy ng Impiyerno – at ngayon lang, maaring sinasabi mo sa iyong puso, “Totoo – walang pagkakautang ang Diyos sa akin kundi ang mga apoy ng Impiyerno. Wala ng ibang nararapat sa akin!” Pagkatapos, kung nadarama mo na isang teribleng paghahatol ang nararapat sa iyo. Inuudyok kitang pumunta kay Hesus gaya ng babaeng nagkasala at pumunta sa Kanya at hinalikan ang Kanyang paa. Pumunta sa Kanya tulad mong isang miserableng uod. Pumunta sa kanya na umiiyak at humihiyaw sa Kanya, gaya ng ginawa ni John Sung sa gabing iyon sa kanyang silid sa dormitoryo. Gaya ni Bunyan at Whitefield na nagpuntang umiiyak, at sumisigaw ng awa, pumunta sa Kanya at ikumpisal ang iyong mga kasalanan. Marahil maaring maawa Siya sa iyo. Ngunit sinasabi ko lamang “marahil,” dahil hindi ito tiyak kung ang oras para sa iyo ay lumipas na. Maaring napalayo mo na sa pagkakasala ang araw ng biyaya magpakailanman. Pumunta kay Hesus na umiiyak at marahil bigyan ka Niya ng isa pang pagkakataon – kahit na sa iyong kalagayan ito’y hindi tiyak na gagawin Niya ito. Pumunta sa lugar na ito sa harap ng pulpito. Pumunta rito, at lumuhod, at lumha para sa awa, at maaring marinig ka Niya at bigyan ka ng isa pang pagkakataong matangap ang Kanyang awa at mahugasan ka gamit ang Kanyang Banal na Dugo. Itinuturo ng Bibliya na ang “dugo ni Kristo” lamang ang makakapag

“maglilinis ng inyong budhi sa mga gawang patay upang magsipaglingkod sa Dios na buhay” (Hebreo 9:14).

(KATAPUSAN NG PANGARAL)
Maari ninyong mabasa ang mga sermon ni Dr. Hymers linggo-linggo sa Internet
sa www.realconversion.com. I-klik ang “Mga Pangaral sa Tagalog.”

Pagbabasa ng Kasulatan Bago ng Pangaral ni Dr. Kreighton L. Chan: Titus 1:10-16.
Kumanta ng Solo Bago ng Pangaral si Gg. Benjamin Kincaid Griffith:
“Siyasatin mo ako, O Diyos” Isinalin mula sa
“Search Me, O God” (Mga Awit 139:23-24).


BALANGKAS NG

KONSYENSYA AT PAGBABAGONG LOOB

ni Dr. R. L. Hymers, Jr.

“Na nangagtatanyag ng gawa ng kautusang nasusulat sa kanilang puso, na pinatotohanan ito pati ng kanilang budhi, at ang kanilang mga pagiisip ay nangagsusumbungan o nangagdadahilanan sa isa't isa” (Mga Taga Roma 2:15).

I.   Una, saan nagmula ang konsensya ng tao? Genesis 2:7;
Mga Kawikaan 20:27; II Samuel 24:10.

II.  Pangalawa, anong nangyari sa konsensya ng tao? Genesis 3:11-13;
Mga Taga Roma 1:21; Mga Taga Efeso 4:18-19; Titus 1:15;
I Timoteo 4:2; Juan 3:18.

III. Pangatlo, paano mapupunta sa larawan ang Diyos? Juan 16:8;
Hebreo 9:14.