Print Sermon

Ang mga pangaral na manuskrito at mga videyo ay ngayon lumalabas sa 1,500,000 na mga kompyupter sa lampas na 221 na mga bansa kada taon sa www.sermonsfortheworld.com . Daan-daang iba ang nanonood ng mga videyo, sa YouTube, ngunit di nagtatagal ay iniiwan ang YouTube at nagpupunta sa aming websayt, dahil bawat pangaral ay nagtuturo sa kanila papalyo mula sa YouTube tungo sa aming websayt. Ang YouTube ay nagdadala ng mga tao sa aming websayt. Ang mga pangaral na manuskrito ay ibinibigay sa 46 na mga wika sa halos 120,000 na mga kompyuter kada buwan. Ang pangaral na manuskrito ay hindi nakarapatang magpalathala, kaya nagagamit ng mga mangangaral ang mga ito na walang pahintulot. Mayroong daan-daang mga videyo ni Dr. Hymers at ng kanyang mga estudyanteng nangangaral. Ang mga manuskrito ay hindi nakarapatang magpalathala, ngunit lahat ng mga videyo nakarapatang magpalathala. Paki-klik ito upang matutunan kung paano ka maaring gumawa ng isang buwan-buwanang donasyon upang tulungan kami sa dakilang gawaing ito ng pagkakalat ng Ebanghelyo sa buong mundo, kasama ang mga Muslim at mga Hindu na mga bansa.

Tuwing nagsusulat kay Dr. Hymers, laging sabihin sa kanya kung anong bansa ka nakatira, o hindi ka niya masasagot. Ang email ni Dr. Hymers’ ay rlhymersjr@sbcglobal.net .




SA PAMAMAGITAN LAMANG NG PANANALANGIN AT
PAGPAPALIBAN SA PAGKAIN

ONLY BY PRAYER AND FASTING

ni Dr. R. L. Hymers, Jr.

Isang pangaral na ipinangaral sa Baptist Tabernacle ng Los Angeles
Umaga ng Araw ng Panginoon, Ika-14 ng Hunyo taon 2009

“Ang ganito ay hindi mapalalabas ng anoman, maliban sa pamamagitan ng panalangin [at pagpapaliban sa pagkain]” (Mark 9:29) – KJV.


Naisip ni Spurgeon na ang pangyayaring ito ng sinapiang bata, sa Mateo 17 at Marcos 9, ay napaka importante na nangaral siya sa mga talatang ito ng paulit-ulit. Naglimbag si Spurgeon ng 3 sermon sa talatang ito sa Mateo 17, at 6 pang mga sermon sa Marcos 9. Gayon sa palagay ko mahirap na makahanap ng isang makabagong sermon sa mga bersong ito. Magbuhat ng bandang huling bahagi ng ministro ni Spurgeon ang makabagong tekstwal na pagkikilatis ay nag-alis ng mga bersong ito mula sa ating mga Bibliya. Kahit ang Scofield na Pang-aral na Bibliya, sa “i” na sulat sa gitnang hanay sa Mateo 17:21, ay nagsasabing, “Ang dalawang pinaka-maiging MSS. ay inalis ang bersong 21.” At ang sulat sa “u” sa Marcos 9:29 ay nagsasabing, “Ang pinaka-maiging MSS. ay inalis ang ‘at pagpapaliban sa pagkain.’”

Ngayon, hindi ako makapupunta sa detalye nito. Simpleng sasabihin ko na dalawang lumang mga dokumento, na nag-iiwan ng bersong ito, ay nadiskubre sa bandang huli bahagi ng ika-19 na siglo. Nagdala ito sa halos lahat na alisin ang mga salitang “at pagpapaliban sa pagkain.” Bilang isang di-diretsong resulta nalimutan ng mga Kristiyano ang halaga ng pagpapaliban sa pagkain para sa pagbabagong loob ng mga makasalanan. Tinatawag ko ang inyong atensyon sa maraming puntong konektado rito.

I. Una, ang tekstwal na pagkilatis, na nag-aalis ng tekstong ito, ay nagpahina ng mga simbahan ng mga huling araw.

Alam kong mayroong mga hindi sumasang-ayon. Sinasabi nila na dakilang akademikong ilaw ay sumilaw sa mga bagay na hindi alam noon. Ngunit ang dati kong pastor na si Dr. Timothy Lin ay di-sumasang-ayon. Nakakuha siya ng Ph.D. sa Semtikong mga Lenguahe. Nagturo siya ng Biblikal na Hebreo sa paaralan ng pagtatapos ng Unibersidad ni Bob Jones, at naging presidente ng Tsinang Ebanghelikal na Seminaryo sa Taipei, Taiwan. Gayon palaging sinasabi ni Dr. Lin na ang mga lumang mga komentaryo, nauna pa sa makabagong panahon, ay mas mapagkakatiwalaan. Sinabi niya na kahit mga makabagong konserbatibong eskolar ay madalas makaligtaan ang espirtiwal na ibig sabihin ng Bibliya, nagiging mas-abala sa akademiya kay sa sa nabubuhay na Kristiyanismo. Hindi na ako maka-sasang-ayon sa kanyang higit! Nagsasalita tungkol sa mga Kristiyano sa mga “huling araw,” nagsasalita ang Bibliya tungkol sa kanila bilang

“Na may anyo ng kabanalan, datapuwa't tinanggihan ang kapangyarihan nito” (II Timoteo 3:5).

Sinasbi ng paghuhula sa atin na

“Ihihiwalay sa katotohanan ang kanilang mga tainga, at mga ibabaling sa katha” (II Timoteo 4:4).

Parurusahan ng Diyos ang mga huwad na Kristiyano sa “mga huling araw” sa pamamagitan ng pagpapadala ng hudisyal na paghahatol.

“Dahil dito'y ipinadadala sa kanila ng Dios ang paggawa ng kamalian, upang magsipaniwala sila sa kasinungalingan”
      (II Mga Taga Tesalonica 2:11).

Patungkol sa Laodiceang Kristiyanismo ng “mga huling araw,” sinasabi ni Kristo,

“Isusuka kita sa aking bibig” (Apocalipsis 3:16).

Ngunit bago Niya sila isusuka, magpapadala Siya ng “paggawa ng kamalian, upang magsipaniwala sila sa kasinungalingan” (II Mga Taga Tesalonica 2:11). Bahagi ng imahinasyong iyan ay ang karaniwang tangap na paniniwala sa “mas mataas” at “mas mababang” pagkilatis, na nag-aalis sa ating teksto mula sa Banal na Kasulatan.

“Ang ganito ay hindi mapalalabas ng anoman, maliban sa pamamagitan ng panalangin [at pagpapaliban sa pagkain]” (Mark 9:29) – KJV.

Habang ang iba ay nalimutan, na dapat nating tandaan na ang malaking nakararami ng mga lumang teksto ay mayroon ang mga salitang ito. Dalawa lamang na Alexandriyang teksto ang wala nito. Bakit? Dahil ang Alexandria ay pinamunuan ng Nostisismo, na pinawalang bahala ng pag-aaral ng demonyo, at ang halaga ng katawang tao. Iyan ang dahilan na ang dalawang tekstong naimpluwensyahan ng Nostisismo ay nag-alis ng mga salitang “panalangin at pagpapaliban sa pagkain.” Ang gamit nitong mga nabaluktot na mga tekstong ito ay nagpahina sa mga simbahan ng mga “huling araw.” Ang mga naimpluwensyahan ng Nostisismong mga “Bibliya” ng mga huling araw ay nagtangal ng lahat ng pagtutukoy sa isa sa pinaka dakilang paraan ng pagtangap ng kapangyarihan sa ebanghelismo – pagpapaliban sa pagkain at pananalangin.

Sasabihin ko na ang tekstwal na pagkikilatis sa lahat ng anyo nito ay pinahina, kay sa pinalakas, ang mga simbahan sa ating panahon. Tama ba ako? Magbasa ng kaunting kasaysayan ng Kristiyanismo. Ang Kristiyanismo ba ay mas malakas kay sa kung paano ito noon bago ng tekstwal na pagkikilatis, o mas mahina ito? Siyempre kahit sinong nag-aral ng kasaysayan ng Kristiyanismo’y alam na higit na mas mahina ito ngayon. Kaya ang aking posisiyon ay na parehong mas mataas at mas mababang tekstwal na pagkikilatis ay nagpahina ng Kristiyanismo – at sa kahigitan ay nagpatalikod mula sa espiritwal papunta sa iba’t ibang mga anyo ng Kanlurangang rasyonalismo. Ito ang dahilan na ang mga simbahan sa Tsina ay mas malakas kay sa mga Kanlurangang mga simbahan. Sila’y na protektahan ng Komunistang pag-uusig mula sa Kanlurang rasyonalismo. Sa Tsina alam nila na,

“Ang ganito ay hindi mapalalabas ng anoman, maliban sa pamamagitan ng panalangin [at pagpapaliban sa pagkain]” (Mark 9:29) – KJV.

Kung gayon mayroon silang muling pagbabangon sa Tsina – habang ang mga Kanlurang simbahan ay nawawalan ng mga miyembro at humihina. Iyan ang unang kaisipan na aking ilalabas sa ating teksto.

II. Pangalawa, ay isang pagkakulang ng pagkilala ng halaga ng tekstong ito ay nagbalakid sa mga Kanlurang simbahan mula sa pag-eebanghelismo ng kanilang sariling mga anak.

“Ang ganito ay hindi mapalalabas ng anoman, maliban sa pamamagitan ng panalangin [at pagpapaliban sa pagkain]” (Mark 9:29) – KJV.

Ano ang kalagayan noon? Bakit ibinigay ni Kristo ang pagpapayong ito sa Kanyang mga Disipolo? Ito’y malinaw na dahil hindi nila matulungan ang batang lalaki na dinala sa kanila ng kanyang ama. Sinubukan ng mga Disipolo ang lahat, ngunit hindi nila makuhang maligtas ang batang ito. Nagreklamo ang kanyang ama tungkol rito kay Hesus.

“Dinala ko siya sa iyong mga alagad, at hindi nila siya mapagaling” (Mateo 17:16).

Ang mga Kanlurang simbahan ay nasa parehong kaawa-awang kalagayan ngayon. Natatakot ako na maraming mga Asyanong simbahang matatagpuan rito sa Kanluran ay nasa malungkot rin na kalagayan. Ang sensus ay nagsasabi sa atin na ang mga simbahan sa Amerika ay nawawala ang 88% ng kanilang mga kabataan. Simpleng hindi nila maisip ang pagbabagong loob at ng Krisitiyanismong paglaki ng mga kabataang pinalaki sa sarili nilang mga simbahan. Bilang resulta, malapit sa 90% ng kanilang mga kabataan ay umaalis ng simbahan at napupunta sa mundo. Ito ay dahil hindi talaga sila minsan napagbagong loob, gaya ng ipinupunto ng Apostol na si Juan,

“Sapagka’t kung sila’y sa atin ay nagsipanatili sana sa atin: nguni’t nangagsilabas, upang sila’y mahayag na silang lahat ay hindi sa atin” (I Juan 2:19).

Hindi ako sumasang-ayon kay John MacArthur sa Dugo ni Kristo, ngunit tama siya noong sinabi niya na,

Umaangat sila mula sa loob ng simbahan at umaalis…Ang pangwakas na pagsubok ng tunay na Kristiyanismo ay pagtitiis. Ang pag-alis ng mga tao mula sa…simbahan ay kanilang pagkakabunyag (Isinalin mula kay John MacArthur, D.D., The MacArthur Study Bible, Word Publishing, 1997, p. 1967; note on I John 2:19).

Ang mga Kanlurang simbahan ay naghihikayat sa kanilang mga “bata sa simbahan” na gumawa ng isang walang pag-iisip na “desisyon” bilang maliliit na mga bata, at pagkatapos ay sinusubukan nila ang bawat hibang na paraan na posible para mapanatili silang nagpupunta sa simbahan kapag sila’y naging mga binata’t dalaga! Gayon nabibigo sila 88% ng panahon! Ang kanilang tinatawag na “progresibong” mga sistema ay hindi umuubra, dahil ito’y mga gawang-taong mga ideya, ayon sa rasyonalismo kay sa Kasulatan. Ang simpleng katunayan ay ito: ang mga “bata sa simbahan” ay hindi minsan napagbagong loob sa umpisa pa lang! Gayon, kapag sila’y may pinansyal na kakayahan na, nagkakasala sila sa pamamagitan ng pag-alis ng simbahan. Sinasabi ng Bibliya,

“Ang gumawa ng kasalanan ay sa diablo” (I Juan 3:8).

Sila pa rin ay mga anak ng “diablo.”

“Kayo’y sa inyong amang diablo, at ang mga nais ng inyong ama ang ibig ninyong gawin” (Juan 8:44).

Ang nag-iisang paraan para ang mga “bata ng simbahan” na mga ito ay maging tunay na mga miyembro ng simbahan ay sa pamamagitan ng pag-kalaya mula kay Satanas. Dumarating lamang ito sa pamamagitan ng pagtangap ng bagong isipan sa pagbabagong loob!

“At huwag kayong magsiayon sa mundong ito: kundi magiba kayo sa pamamagitan ng pagbabago ng inyong pag-iisip” (Mga Taga Roma 12:2).

Ang pag-iiba ng isipan ay nangyayari sa tunay na pagbabagong loob.

“Kaya’t kung ang sinoman ay na kay Kristo, siya’y bagong nilalang” (II Mga Taga Corinto 5:17).

Ang mga “bata ng simbahan” ay dapat magkaroon ng isang bagong isipan, at maging bagong mga nilalang. Ito’y nangyayari lamang sa pamamagitan ng tunay na pagbabagong loob. Ito’y di-ordinaryong gawain ng Diyos. Ang bagong pagkapanganak ay hindi maaring mangyari sa pamamagitan ng isang simpleng “desisyon kay Kristo.”

III. Pangatlo, ang halaga ng tekstong ito ay dapat maisip at maisagawa para ang mga kabataan sa simbahan ay mapagbagong loob.

“Ang ganito ay hindi mapalalabas ng anoman, maliban sa pamamagitan ng panalangin [at pagpapaliban sa pagkain]” (Mark 9:29) – KJV.

Sinabi ni Spurgeon,

Ano ang ibig niyang sabihin dito? Naniniwala ako na ibig niyang sabihin ay na sa mga…kalagayang ito ang ordinaryong pangangaral ng Salita ay hindi magbibigay sagana, at ang ordinaryong panalangin ay hindi sapat. Mayroon dapat isang kakaibang pananampalataya, at upang makuha ito mayroon dapat isang di-karaniwang antas ng panalagin; at upang maitaas ang panalanging iyon sa tamang taas, dapat mayroong, sa maraming pagkakataong, pagpapaliban sa pagkain din (Isinalin mula kay C. H. Spurgeon, “A Desperate Case – How to Meet It,” The Metropolitan Tabernacle Pulpit, Pilgrim Publications, 1991, volume X, p. 35).

Sinabi ng Apostol Santiago,

“Malaki ang nagagawa ng maningas na panalangin ng taong matuwid” (Santiago 5:16).

Sinabi ni Spurgeon,

Mayroon dapat isang di-karaniwang antas ng panalagin; at upang maitaas ang panalanging iyon sa tamang taas, dapat mayroong, sa maraming pagkakataong, pagpapaliban sa pagkain din (isinalin mula sa ibid.).

Sa isang sitwasyon, ang mga Disipolo ay higit na nagulat. Sinabi nila,

“Sino nga kaya ang makaliligtas?” (Marcos 10:26).

Tinignan sila ni Hesus at sumagot,

“Hindi maari ito sa tao, datapuwa’t hindi gayon sa Dios: sapagka’t ang lahat ng mga bagay ay may pangyayri sa Dios” (Marcos 10:27).

Kaya, kapag tayo’y magpapaliban sa pagkain at mananalangin, tayo ay tumatawag sa Diyos na gawin ang hindi natin magawa. Tayo na’t ipagpaliban ang pagkain at manalangin, sa kakayahan natin, para doon sa mga di ligtas sa simbahan. Dapat tayong manalangin para sa kanila upang mapunta sila sa ilalim ng tunay na pagkakatagpong nagkasala ng kasalanan. Dapat tayong manalangin para sa kanila upang madama nila ang kanilang kasalanan. Dapat tayong manalangin para sila’y magsisi, at magkaroon ng isang tunay na pagtatagpo sa napako sa krus at bumangong Tagapagligtas, at mahugasang malinis mula sa kanilang mga kasalanan sa pamamagitan ng Kanyang Dugo. Tayo na’t ipagpagliban ang pagkain at manalangin na makapagsisi sila at tunay na sabihin sa kanilang mga puso,

Panginoong Hesus, Iyong nakikita akong nagtiyatiyagang naghihintay,
   Magpunta ngayon, at sa loob ko isang bagong puso’y ilikha;
Doon sa mga naghanap sa Iyo, Hindi minsan Mong sinabing “Hindi,”
   Ngayon hugasan ako, at ako’y magiging mas maputi pa sa niyebe.
Mas maputi pa sa niyebe, oo, mas maputi pa sa niyebe,
   Ngayon hugasan mo ako, at ako’y magiging mas maputi pa sa niyebe.
(“Mas Maputi Pa Kaysa sa Niyebe” Isinalin mula sa
     “Whiter Than Snow” ni James Nicholson, 1828-1896).

(KATAPUSAN NG PANGARAL)
Maari ninyong mabasa ang mga sermon ni Dr. Hymers linggo-linggo sa Internet
sa www.realconversion.com. I-klik ang “Mga Pangaral sa Tagalog.”

Pagbabasa ng Kasulatan Bago ng Pangaral ni Dr. Kreighton L. Chan: Mateo 17:14-21.
Kumanta ng Solo Bago ng Pangaral si Gg. Benjamin Kincaid Griffith:
“Pagkatapos Si Hesus Ay Dumating” Isinalin mula sa
“Then Jesus Came” (ni Homer Rodeheaver, 1880-1955).


ANG BALANGKAS NG

SA PAMAMAGITAN LAMANG NG PANANALANGIN AT
PAGPAPALIBAN SA PAGKAIN

ni Dr. R. L. Hymers, Jr.

“Ang ganito ay hindi mapalalabas ng anoman, maliban sa pamamagitan ng panalangin [at pagpapaliban sa pagkain]” (Mark 9:29) – KJV.

I.   Una, ang tekstwal na pagkilatis, na nag-aalis ng tekstong ito, ay
nagpahina ng mga simbahan ng mga huling araw,
II Timoteo 3:5; 4:4; 3:1; II Mga Taga Tesalonica 2:11;
Apocalipsis 3:16.

II.  Pangalawa, ay isang pagkakulang ng pagkilala ng halaga ng
tekstong ito ay nagbalakid sa mga Kanlurang simbahan
mula sa pag- eebanghelismo ng kanilang sariling mga anak,
Mateo 17:16; I Juan 2:19; 3:8; Juan 8:44; Mga Taga Roma 12:2;
II Mga Taga Corinto 5:17.

III. Pangatlo, ang halaga ng tekstong ito ay dapat maisip at maisagawa
para ang mga kabataan sa simbahan ay mapagbagong loob,
Santiago 5:16; Marcos 10:26, 27.