Print Sermon

Ang mga pangaral na manuskrito at mga videyo ay ngayon lumalabas sa 1,500,000 na mga kompyupter sa lampas na 221 na mga bansa kada taon sa www.sermonsfortheworld.com . Daan-daang iba ang nanonood ng mga videyo, sa YouTube, ngunit di nagtatagal ay iniiwan ang YouTube at nagpupunta sa aming websayt, dahil bawat pangaral ay nagtuturo sa kanila papalyo mula sa YouTube tungo sa aming websayt. Ang YouTube ay nagdadala ng mga tao sa aming websayt. Ang mga pangaral na manuskrito ay ibinibigay sa 46 na mga wika sa halos 120,000 na mga kompyuter kada buwan. Ang pangaral na manuskrito ay hindi nakarapatang magpalathala, kaya nagagamit ng mga mangangaral ang mga ito na walang pahintulot. Mayroong daan-daang mga videyo ni Dr. Hymers at ng kanyang mga estudyanteng nangangaral. Ang mga manuskrito ay hindi nakarapatang magpalathala, ngunit lahat ng mga videyo nakarapatang magpalathala. Paki-klik ito upang matutunan kung paano ka maaring gumawa ng isang buwan-buwanang donasyon upang tulungan kami sa dakilang gawaing ito ng pagkakalat ng Ebanghelyo sa buong mundo, kasama ang mga Muslim at mga Hindu na mga bansa.

Tuwing nagsusulat kay Dr. Hymers, laging sabihin sa kanya kung anong bansa ka nakatira, o hindi ka niya masasagot. Ang email ni Dr. Hymers’ ay rlhymersjr@sbcglobal.net .




ANG TUNAY NA PAGBABAGONG LOOB NI DR. JOHN SUNG

THE REAL CONVERSION OF DR. JOHN SUNG

ni Dr. R. L. Hymers, Jr.

Isang pangaral na ipinangaral sa Baptist Tabernacle ng Los Angeles
Sabado ng Gabi, Ika-6 ng Hunyo taon 2009

“Sapagka't ano ang mapapakinabang ng tao, na makamtan ang buong sanglibutan, at mapapahamak ang kaniyang buhay?” (Marco 8:36).


Ang ika-4 ng Hunyo ang nagtanda sa ika-dalawampung anibersaryo ng “Masaker sa Tiananmen Square.” Sa loob ng anim ng linggo noong taong 1989, libo libong mga Tsino, karamihan ay mga estudyante, ay payapang nagprotesta laban sa Komunistang gobyerno, tumatawag para sa mas higit na kalayaang mag-isip. Pagkatapos, sa maagang oras ng ika-4 ng Hunyo, pinagbabaril ng hukbo ng gobyerno ang libo-libong mga di-armadong mga demonstrador, pinapatay ang di mabilang na mga libo-libo at iniwan ang marami pang sugatan. Pinanood ni Hong Yujian ang brutal na pagpapakita sa telebisiyon sa Beijing na isang ipinagpalit na estudyante sa Unibersidad ng Pennsylvania. Sinabi niya na nagawa niyang kwestyonin ang pag-asa niya sa siyensa at demokrasya at nagdala sa kanyang maging isang Kristyano.

Sinasabi niya na ang masaker sa Tiananmen ay nakatulong sa kanilang makita niya at ng iba pa ang kanilang sariling kasalanan at pangangailangan kay Kristo: “Sa tingin ko ginamit ito ng Diyos upang ayusin ang daan at ihanda ang puso ng mga Tsino” (Isinalin mula sa World Magazine, Ika-6 ng Hunyo taon 2009, p. 38).

Sinasabi ng World Magasin,

Ang antas ng paglago ng Kristiyanismo sa Tsina ay sumabog nitong lumipas na 20 taon. Ang mga dalubhasa ay tumukoy ng mabilis na urbanisasyon at isang lumalaking bilang ng mga ma-impluwensyang mga taga-isip na tumatanggap kay Kristo. Ang OMF Internasyonal (dating Lokal na Misyon sa Tsina [China Inland Mission]) ay hinuhulaan na mayroong ilang 70 milyong mga Kristiyano sa Tsina. Sinasabi ng grupo na ang mga Protestanteng mga Kristiyano sa Tsina ay ibinilang na kaunti pa sa 1 milyon noong 1949 [noong ang komunistang gobyerno ay umupo sa position] (ibid.).

Si Dr. C. L. Cagan, isang dalubhasa ng estatistiko, ay hinuhulaang mayroon na ngayong mga 700 na mga pagbabagong loob sa Kristiyanismo bawat oras, 24 oaras bawat araw, sa Tsina.

Ang kasaysayan ng Kristiyanismo sa Tsina ay dapat lubusang nakakaakit sa mga Kristiyano sa lahat ng lugar. Ang modernong misyonaryong kilusan sa Tsina ay masasabing nagsimula kay Robert Morrison (1782-1834). Si Morrison ay ipinadala sa Tsina ng Kapisanan ng mga Misiyonaryo sa London noong taon 1807. Katulong ng kanyang kasamahang si William Milne, isinalin niya ang buong Bibliya sa Tsino ng mga taon 1821. Sa loob ng kanyang 27 taon sa Tsina kaunti lamang ang Tsinong nabinyagan – gayon lahat sila ay nanatiling mapagpanalampalatayang mga Kristiyano. Ang isinalin sa Tsinong Bibliya ni Morrison, at lahat ng mga paglilimbag ng literature ng ebanghelyo, ay naging pundasyon ng ebanghelikal na Kristiyanismo sa Tsina.

Noong 1853 isang Ingles na doktor ng medisina, si James Hudson Taylor, ay naglayag patungong Tsina. Noong 1860 itinatag niya ang Lokal na Misyon sa Tsina, ngayon ay kilala bilang Banyang Misyonaryong Samahan. Ang mga koneksyon ni Taylor ay sa huli’y kumalat sa buong looban ng Tsina. Namatay si Hudson Taylor sa Changsha noong 1905.

Noong 1901 si John Sung ay ipinanganak. Siya’y nakilala bilang pinakadakilang ebanghelista sa kasaysayaan ng Tsina. Libo-libo noong mga napagbagong loob ay napagbagong loob sa ilalim ng kanyang pangangaral ay nanatiling nananampalataya kay Kristo pagkatapos ng okupasyon ng mga Komunista noong taong 1949. Sa huling 60 taon ang bilang ng mga Kristiyano sa Tsina ay sumabog sa pinaka-matinding muling pagbabangon ng Kristiyanismo sa makabagong kasaysayan. Ngayong gabi sasabihin ko sa inyo ang nakamamanghang kwento ni Dr. John Sung. Sisimulan ko sa pagbibigay ng balangkas ng kanyang buhay mula kay Dr. Elgin S. Moyer.

Si John Sung (1901-1944), tanyag na Tsinong ebanghelista sa buong bansa; ipinanganak sa Hinghwa, Fukien, Tsina; anak ng isang Metodistang pastor. Idineklara si Kristo sa edad na siyam [?]. Matalinong estudyante; nag-aral sa Unibersidad na Wesleyan, sa Unibersidad ng Bansa ng Ohio, at Uniyong Teyolohikal na Seminaryo. Tumangap ng Ph.D. sa kimika. Bumalik sa Tsina upang ipangaral ang Ebanghelyo kay sa magturo ng siyenya. Iginugol ang labing limang taon sa ebanghelistikong pangangaral sa buong Tsina at sa mga pumapaligid na mga bansa na may kakaibang kapangyarihan at impluwensya (Isinalin mula kay Elgin S. Moyer, Ph.D., Who Was Who in Church History, Moody Press, 1968 edition, p. 394).

Ngayon iya’y isang maiksing balangkas ng buhay ni John Sung. Bumabalik na mas ma-detalye, hindi ako naniniwala na siya ay napagbagong loob sa edad na siyam. Hindi ako naniniwala na siya napagbagong loob hangang Pebrero, taong 1927.

Si John Sung mismo ay naniwala na hindi siya napagbagong loob hangang sa siya ay dumaan sa isang espiritwal na gulo sa Amerika maraming taon pagkatapos. Noong siya ay siyam na taong gulang isang muling pagbabangon ang naganap sa Hinghwa. Sa loob ng isang buwan mayroong mga 3,000 mga pagdedeklara. Sa umaga ng Biyernes Santo narinig niya ang isang sermon kay “Hesus sa Hardin ng Gethsemane.” Ang ikinumpara ng mangangaral ang mga natutulog na mga Disipolo sa walang takot na si Hesus. Maraming mga tao ang naiyak sa dalamhati sa katapusan ng sermon.

Sa pulong ng mga nagsiluksa ay si John Sung, ang siyam na taong gulang anak ng Metodistang mangangaral. Para sa akin mukhang “inialay” ni John Sung ang kanyang buhay kay Kristo ngunit hindi talaga tunay na napagbagong loob sa oras na ito. Tulad ng aking dating pastor, si Dr. Timothy Lin (na ang kanyang ama ay isang mangangaral din), nagsimulang mangaral si John Sung at tinulungan ang kanyang ama sa edad na labin tatlo. Ngunit, tulad din ni Dr. Lin, hindi pa niya nararanasan ang tunay na pagbabagong loob. Siya’y masikap na estudyante at natapos ang kanyang Mataas na Paaralang pag-aaral na una sa kanyang klase. Sa loob ng panahong ito siya’y nakilala bilang “maliit na pastor.” Ngunit sa di-kabutihan ng lahat ng kanyang pagpupunyagi at gawain ang kanyang puso ay di-lubusang kontento. Ang gawaing kanyang ginagawa sa ministro ay kanyang inilarawang “nakamamangha tulad ng asul ng balahibo ng piskador, masagana tulad ng yabong ng tag-init, ngunit wala ni isang pagpitas ng hinog na prutas na iaalay sa Panginoong Hesus” (Isinalin mula kay Leslie T. Lyall, A Biography of John Sung, China Inland Mission, 1965 edition, p. 15).

Noong 1919, si Sung, ngayon ay 18 taong gulang, ay nagpasyang magpunta sa Amerika, at natangap sa Wesleyang Unibersidad ng Ohio ng libre. Nagsimula siya ng pangunang medikal at pangunang teyolohikal na kurso, ngunit inilaglag ang pangunang teyolihikal na mga kurso at nagpasyang magpaka-dalubhasa sa matematiko at kimiko. Nagpunta siya sa simbahan ng regular at inorginasa ang ebanghelistikong grupo sa mga estudyante. Ngunit sa gitna ng kanyang panghuling termo nagsimula niyang pabayaan ang pag-aaral ng Bibliya at panalangin, at nandaya sa isa sa kanyang mga eksam. Nagtapos siya noong 1923 ng cum laude, bilang isa sa apat na estudyante na nasa unaahan ng klase ng tatlong daaan. Ginawaran siya ng gintong medalya at ng pera para sa pisiko at kimiko, at nahalal sa Phi Beta Kappa Fraternity, isang ekslusibong samahan ng mga nangungunang mga eskolar, at binigyan ng isang gintong susi, isang butones ng dakilang pagkakatangi sa mga karunungan.

Ngayon ay pinaunlakan na siya ng mga karunungan mula sa maraming mga unibersidad, pati ng Harvard. Tinangap niya na isang karunungan para sa isang Master ng Siyensyang grado sa Unibersidad ng Bansa ng Ohio. Natapos niya ang gradong ito ng siyam na buwan lamang! Pinaunlakan siya ng librang pagaaral ng medisina sa Harvard. Siya ay binigyan ng isa pang paunlak upang mag-aral sa isang seminaryo. Nadama niyang dapat niyang pag-aralan ang teyolohiya, ngunit ang katanyagan ay nagpunta sa kanya ay pumudpod sa kanyang kagustuhang maging isang ministor. Imbes ay pumasok siya sa isang doktoral na programa sa kimiko sa Unibersidad ng Bansa ng Ohio. Natapos niya ang kanyang Ph.D. ng dalawam pu’t isang buwan lamang! Gayon siya’y naging unang Tsinong nakakuha ng isang Ph.D. Inilarawa siya sa mga peryodiko bilang “Ang pinaka tanyag na estudyante ng Ohio.” “Ngunit sa kailaliman ng kanyang puso ay walang kapayapaan. Isang lumalagong ispiritwal na walang kapahingahan ay ipinikakita ang sarili nito sa mga panahon ng malalim na pagkaaba” (Isinalin mula kay Lyall, ibid., p. 22).

Sa mga oras na ito siya’y napunta sa ilalim ng impluwensya ng liberal na teyolohiya, at ang kanilang pagtuturo ng “paghahalubilong ebanghelyo.” Itinuturo ng liberal na teyolohiya na si Hesus ay isang dakilang halimbawa, ngunit hindi ang Tagapagligtas. Para sa akin mukhang naisip ni John Sung na si Hesus ay isang “dakilang halimbawa” noong siya ay siyam na taong gulang, at dahil sa dahilang iyan siya’y nagkaroon ng huwad na pagbabagong loob noon. Ngunit tinatawag pa rin siya ng Diyos. Isang gabi habang siya ay nakaupong mag-isa mukhang naririnig niya ang boses ng Diyos tumatawag sa kanya, “Ano ang mapapakinabang ng tao, na makamtan ang buong sanglibutan, at mapapahamak ang kaniyang buhay?”

Noong sumunod na araw nagkaroon siya ng usapan sa isang liberal na Metodistang propesor. Sinabi niya sa propesor na sa simula’y nagpunta siya sa Amerika upang pag-aralan ang teyolohiya. Hinamon siya ng propesor na magpunta sa New York upang mag-aral ng relihiyon sa puspusang liberal na Unyong Teyolohikal na Seminaryo. Na mayroon lamang isang sandaling pag-aalinlangan nagpasya siyang pumunta. Sa Unyong Seminaryo siya ay binigyan ng libreng edukasyon at ng sapat na sustento. Pagkatapos sinabi niya na hindi siya interesado sa ministro, ngunit gusto lamang mag-aral ng teyolohiya ng isang taon upang makontento ang kanyang ama, at pagkatapos ay bumalik sa siyentipikong propesyon. Ang kanyang puso ay puno ng kaguluhan at kadiliman.

Sa tag-ulan ng taon 1926 pumasok si Dr. John Sung sa Unyong Teyolohikal na Seminaryo. Ang puspusang liberal na si Dr. Henry Sloane Coffin ay kakaupo lamang bilang pangulo. Kasama sa mga tagapanayam ay ang mga puspusang mga liberal gaya ni Dr. Harry Emerson Fosdick, ang may akda ng maraming mga aklat laban sa Pundamentalismo, gaya ng “Ang Makabagong Gamit ng Bibliya [The Modern Use of the Bible]” at ang “Katauhan ng Panginoon [The Manhood of the Master].” Ang kanyang tanyag na panayam ay “Ang mga Pundamentalista ba’y Dapat Manalo?” (1922). Nangaral siya laban sa nagkatawang muling pagkabuhay ni Kristo at ang katotohanan ng Bibliya bawat linggo sa kanyang programa sa radiyo. Ang Seminaryo ay isang mainit-na-kama ng pangungutya ng Bibliya at ang pagtatangi ng ebanghelikal na teyolohiya. “Ang kahit anong bagay sa Bibliya na hindi siyentipikong mapapatotoo ay tinatangihan bilang di-nararapat ng paniniwala! Ang Genesis ay pinanghawakang di-ayon sa kasayasayan at ang paniniwala sa mga himala ay hindi siyentipiko. Ang makasaysayang Hesus ay inilahad si Hesus bilang isang perpektong kopya, habang ang pakikipagpalit na halaga ng Kanyang kamatayan at Kanyang pisikal na muling pagkabuhay ay ipinagkait. Ang pananalangin ay pinanghawakang humahalang sa halaga. Ang [sumalungat sa] mga ganoong pananaw ay pagiging isang bagay na kinakaawaan o isang ikinalilibak” (Isinalin mula kay Lyall, ibid., pp. 29-30).

Lumubog si Dr. Sung sa kanyang pag-aaral ng lahat ng lakas ng kanyang talino. Sa loob ng taong iyon nakakuha siya ng matataas na grado, ngunit tumalikod mula sa Kristiyanismo habang inaral niya ang Budismo at Taoismo. Nagsimula siyang magbigkas ng mga Budistong kasulatan sa katahimikan ng kanyang silid, umaasa na ang pagkakait sa sarili ay magdadala sa kanya ng kapayapaan. Isinulat niya, “Ang kaluluwa ko’y lumaboy sa ilang.”

Sa ganitong kalagayan ng isipan siya’y naging malapit na kaibigan ng isang Tsinong kaklase, ngunit ang bagay na siya’y ikakasal sa isang babae sa Tsina ay gumawa sa kanyang putulin ang relasyon nila. Ang buhay niya’y hindi katiis-tiis. Isinulat niya, “Hindi ako makakain o makatulog man…Ang puso ko’y puno ng malalim na kalungkutan.” Ang mga opisyal ng Seminaryo’y nag-ulat na siya ay nasa isang kalagayan ng patuloy na pagkaaba.

Sa emosyonal na kalagayan na ito na siya’y sumama sa ibang mga estudyante upang pakingan si Dr. I. M. Haldeman, ang pundamentalistang pastor ng Unang Bautismong Simbahan ng New York City [First Baptist Church of New York City]. Si Dr. Haldeman ay tanyag sa pagsasabing, “Siyang nagkakait ng birheng pagkapanganak ay ikinakait ang Kristiyanismo sa Bibliya.” Si Dr. Haldeman ay nasa isang gulo kay Harry Emerson Fosdick at Uniyon ng Teyolohikal na Seminaryo. Si John Sung ay pumunta upang pakingan siyang mangaral dahil sa pagtataka. Ngunit si Dr. Haldeman ay hindi nangaral noong gabing iyon. Imbes ay isang labing limang taong gulang na bata ay nagbigay ng kanyang testimonyo. Binasa niya ang mga Kasulatan at nagsalita tungkol sa pakikipagpalit na kamatayan ni Kristo sa Krus. Sinabi ni Sung nadarama niya na nasa piling sila ng Diyos. Ang kanyang mga kasama mula sa Seminaryo ay nagtawanan, ngunit siya ay bumalik ng apat na sunod-sunod na gabi ng ebanghelistikong paglilingkod.

Siniumulan niyang basahin ang kwento buhay ng mga Kristiyano upang tuklasin ang kapangyarihan na nadama niya sa mga ebanghelistikong pagpupulong. Sa gitna ng isa sa mga pulong sa Seminaryo, isang taga-panayam ang nagsalita ng malakas laban sa pakikipagpalit na kamatayan ni Kristo sa Krus. Si John Sung ay tumayo sa katapusan ng panayam at sinagot siya sa lahat ng mga nagulat na mga estudyante. Sa wakas, noong ika-10 ng Pebrero taon 1927 naranasan niya ang isang tunay na pagbabagong loob. “Nakita niya ang lahat ng kanyang mga kasalanan nakakalat sa harapan niya. Sa umpisa’y mukhang walang paraan upang maalis ang mga ito at dapat siyang mapunta sa Impiyerno. Sinubukan niyang kalimutan ang mga ito, ngunit hindi niya ito magawa. Tinusok ng mga ito ang kanyang puso…Tumingin siya sa kwento ng Krus sa Lucas xxiii, at habang siya nagbasa ang kwento’y nabuhay…mukhang siya’y naroon sa paanan ng Krus at nagmamakaawang mahugasan mula sa lahat ng kanyang mga kasalanan sa mahal na Dugo…Nagpatuloy siyang lumuha at nananalangin hangang madaling araw. Pagkatapos [mukhang narinig] niya ang boses muli na nagsasabing, ‘Anak, ang iyong mga kasalanan ay napatawad na,’ at ang lahat ng bigat na kanyang kasalanan ay mukhang bumagsak bigla mula sa kanyang balikat…tumalon siya ng sumisigaw ng ‘Alleluya!’” (Isinalin mula kay Lyall, ibid., pp. 33-34). Tumakbo siyang sumisigaw at pinupuri ang Diyos sa dormitoryo. Nagsimula ngayon siyang magsalita sa lahat tungkol sa pangangailan nila kay Kristo, pati sa kanyang mga kaklase at mga guro sa Seminaryo.

Inisip ng Pangulo ng Seminaryo na siya ay nawawala sa kanyang isipan dahil sa lubos na akademikong pagsisikap, at inilagay siya sa isang kwartel para sa may problema sa pag-iisip sa isang asaylum para sa mga baliw. Nanatili siya roon ng anim na buwan. Sa panahong iyon binasa niya ang Bibliya mula sa simula hangang sa katapusan ng apat na pung beses. “Ang ospital para sa mga baliw ang naging tunay na teyolihikal na kolehiyo para kay John Sung!” (Isinalin mula kay Lyall, p. 38). Siya ay sa wakas pinakawalan sa kondisyon na babalik siya sa Tsina. Pinutol ni John Sung ang kanyang koneksyon sa Unyong Seminaryo noong sinunog niya ang kanyang teyolohikal na mga aklat, tinatawag niyang mga “aklat ng mga demonyo.” Ang Unyong Seminaryo ay hindi kailan man nagmalaki sa koneksyon nito sa pinaka dakilang ebanghelista sa kasaysayan ng Tsina.

Sa kanyang paglalakbay pabalik sa Tsina alam niya na madali niyang makukuha ang posisyon bilang isang propesor ng kimika sa isang Tsinong unibersidad. “Isang araw, habang ang bapor ay palapit sa katapusan ng paglalakbay nito, bumaba si John Sung sa kanyang silid, inilabas ang kanyang diploma, kanyang mga medalya at kanyang mga susi sa pagkakapitaran at itinapo ang mga ito sa dagat. Lahat maliban sa kanyang diploma sa pagkadoktor, na kanyang iniwan para makontento ang kanyang ama” (Isinalin mula kay Lyall, p. 40).

Si Dr. John Sung ay bumaba mula sa bapor sa Shanghai noong taglagas ng taong 1927, upang maging ang pinaka tanyag na ebanghelista sa kasaysayan ng Tsina. Madalas siyang tawaging “Wesley ng Tsina.” Si John Sung ay naging lubos na makapangyarihang mangangaral ng Ebanghelyo. Libo-libo ang mga napagbagong loob. Nangaral din siya sa Burma, Cambodia, Singapore, Indonesia at Pilipinas. Laging siyang nangaral na may tagasalin, kahit sa Tsina. Tulad ni Whitefield, si John Sung mismo ang gumabay doon sa mga sumagot sa kanyang mga pangangaral. “Ang mga Kristiyano ngayon sa Tsina at Taiwan ay nagkakautang ng higit sa ministro ni Sung; isa siya sa pinaka dakilang aguinaldo ng Diyos sa Malayong Silangan sa ika-dawalampung siglo” (Isinalin mula kay T. Farak, in J. D. Douglas, Ph.D., Who’s Who in Christian History, Tyndale House, 1992, p. 650). I-klik ito para bilhin ang kwento ng buhay ni Dr. John Sung. I-klik ito para bilhin ang talaan ni Dr. John Sung, na pinamagatang “Ang Talaang Minsan ay Nawala.” [Ang mga aklat na ito ay sa wikang Ingles.]

Namatay siya ng kanser noong 1944, sa edad na apat-na-pu’t dalawa.

“Sapagka't ano ang mapapakinabang ng tao, na makamtan ang buong sanglibutan, at mapapahamak ang kaniyang buhay?” (Marco 8:36).

(KATAPUSAN NG PANGARAL)
Maari ninyong mabasa ang mga sermon ni Dr. Hymers linggo-linggo sa Internet
sa www.realconversion.com. I-klik ang “Mga Pangaral sa Tagalog.”