Print Sermon

Ang mga pangaral na manuskrito at mga videyo ay ngayon lumalabas sa 1,500,000 na mga kompyupter sa lampas na 221 na mga bansa kada taon sa www.sermonsfortheworld.com . Daan-daang iba ang nanonood ng mga videyo, sa YouTube, ngunit di nagtatagal ay iniiwan ang YouTube at nagpupunta sa aming websayt, dahil bawat pangaral ay nagtuturo sa kanila papalyo mula sa YouTube tungo sa aming websayt. Ang YouTube ay nagdadala ng mga tao sa aming websayt. Ang mga pangaral na manuskrito ay ibinibigay sa 46 na mga wika sa halos 120,000 na mga kompyuter kada buwan. Ang pangaral na manuskrito ay hindi nakarapatang magpalathala, kaya nagagamit ng mga mangangaral ang mga ito na walang pahintulot. Mayroong daan-daang mga videyo ni Dr. Hymers at ng kanyang mga estudyanteng nangangaral. Ang mga manuskrito ay hindi nakarapatang magpalathala, ngunit lahat ng mga videyo nakarapatang magpalathala. Paki-klik ito upang matutunan kung paano ka maaring gumawa ng isang buwan-buwanang donasyon upang tulungan kami sa dakilang gawaing ito ng pagkakalat ng Ebanghelyo sa buong mundo, kasama ang mga Muslim at mga Hindu na mga bansa.

Tuwing nagsusulat kay Dr. Hymers, laging sabihin sa kanya kung anong bansa ka nakatira, o hindi ka niya masasagot. Ang email ni Dr. Hymers’ ay rlhymersjr@sbcglobal.net .




ANG MGA NAUNANG SIMBAHAN

THE EARLY CHURCHES

ni Dr. R. L. Hymers, Jr.

Isang pangaral na ipinangaral sa Baptist Tabernacle ng Los Angeles
Umaga sa Araw ng Panginoon, Ika- 31 ng Mayo taon 2009

“At nang unang araw ng sanglinggo, nang kami’y nangagkakapisan upang pagputolputulin ang tinapay, si Pablo ay nangaral sa kanila, na nagaakalang umalis sa kinabukasan; at tumagal ang kaniyang pananalita hanggang sa hating gabi” (Ang Mga Gawa 20:7).


Ang bersong ito ng Kasulatan ay nagpapakita na ang Pampitong Araw na Adventista at ibang mga Sabatariano ay maling gawin ang Sabado ang araw ng pagsasamba. Ang “unang araw ng sanglinggo” sa Romanong kalendaryo ay Linggo. Ang Linggo pa rin ay sa bawat kalendaryo ngayon ay ang unang araw ng linggo. Iniisip natin ito na huling araw, ngunit sa ating mga kalendaryo ipinapakita ito bilang “unang araw ng linggo.” Ang mga Pampitong Araw na Adventista at ibang mga Sabatariano ay gusto tayong bumalik sa Lumang Tipan at magsamba sa Araw ng Kapahingahan [Sabbath], tuwing Sabado. Ang Araw ng Kapahingahan sa Sabado ay nagpapaalala ng pagpapahinga ng Diyos sa pampitong araw ng paglilikha,

“At binasbasan ng Dios ang ikapitong araw at kaniyang ipinangilin, sapagka’t siyang ipinagpahinga ng Dios sa madlang gawang kaniyang nilikha at ginawa” (Genesis 2:3).

Ngunit ang “uang araw ng sanglinggo,” sa Linggo, ay nagpapaalala ng muling pagkabuhay ni Kristo, at ang Bagong Tipan. Si Kristo ay bumangon mula sa pagkamatay sa unang araw, sa Linggo. Si Kristo ay bumangon mula sa pagkamatay umaga ng Linggo. Ang unang gabi ng Linggo, sa araw na Siya ay bumangon mula sa pagkamatay, Siya’y nagkipagtagpo sa Kanyang mga Disipolo.

“Nang kinahapunan nga, nang araw na yaon, na unang araw ng sanglinggo, at nang nangapipinid ang mga pintong kinaroroonan ng mga alagad, dahil sa katakutan ng mga Judio ay dumating si Jesus at tumayo sa gitna, at sa kanila’y sinabi, Kapayapaan ang sumainyo” (Juan 20:19).

Si Kristo’y nakipagtagpo sa mga Disipolo at ipinagdiwang ang unang Kristiyanong paglilingkod kasama nila sa gabing iyon, parehong araw na Siya’y bumangon mula sa pagkamatay, sa unang araw ng linggo, gabi ng Linggo.

Si Kristo’y nakipagtagpo sa kanila muli sa sumunod na Linggo, noong nanampalataya si Tomas (Juan 20:28-29). Kaya, ito’y malinaw na ang mga maaagang Kristiyano ay sinamba si Kristo ng Linggo, mula sa pinaka-unang Linggo na bumangon si Hesus mula sa pagkamatay. Iyan sakto ang patuloy na ginawa ng mga Disipolo, maraming taon pagkatapos, gaya ng nakikita natin sa ating teksto,

“At nang unang araw ng sanglinggo, nang kami’y nangagkakapisan upang pagputolputulin ang tinapay, si Pablo ay nangaral sa kanila, na nagaakalang umalis sa kinabukasan; at tumagal ang kaniyang pananalita hanggang sa hating gabi”
       (Ang Mga Gawa 20:7).

Ang mga Pampitong Araw ng Adventista at ibang mga Sabatariano ay nabigong sapat na parangalan ang muling pagkabuhay ni Kristo, at ang Bagong Tipan, sa pamamagitan ng pagbalik sa Araw ng Kapahingahan sa Lumang Tipan, imbes na nagsasamba sa araw na bumangon si Kristo mula sa pagkamatay upang dalhin ang Bagong Tipan. Iyan ang unang aral sa ating teksto.

Ang pangalawang aral ay ito: upang magkaroon ng isang simbahan na nakaaakit ng mga kabataan, dapat tayong bumalik sa paraan ng naunang simbahan, gaya ng pagkatala nito sa Aklat Ng Mga Gawa. Karamihan sa pagsasamba sa maagang simbahan ay naganap ng gabi. Ipinunto ni Dr. Charles John Ellicot ang “primitibong pagsasabuhay ng isang panggabing pagdiriwang” (Isinalin mula kay Charles John Ellicot, Ellicott’s Commentary on the Whole Bible, Zondervan, n.d., volume VII, p. 139). Ang naunang simbahan ay nagkaroon ng mga pananalanging pagpupulong sa gabi (Ang Mga Gawa 12:5, 6, 12). Nangaral sila ay nagbinyag sa gabi (Ang Mga Gawa 16:29-34). Isinagawa nila ang Hapunan ng Panginoon at nagkaroon ng oras ng pagkain sabay-sabay sa gabi ng Linggo (Ang Mga Gawa 20:7, 11). Ito’y isa sa mga pinakamatitinding pang-akit ng naunang simbahan. Mayroon silang kaganapan para sa mga kabataan bawat gabi ng Linggo! Isa iyan sa mga dahilan na literal na libo-libong mga kabataan ay nagsipunta sa mga simbahan sa unang siglo! At dapat nating sundin ang kanilang halimbawa ngayon! Umuwi sa – simbahan – mamayang gabi! Maiibigan ninyo ito! Wala itong katulad sa Los Angeles sa gabi ng Linggo!

“Sa ganito’y mangakikilala ng lahat ng mga tao na kayo ay aking mga alagad, kung kayo’y may pag-ibig sa isa’t isa”
       (Juan 13:35).

Tayo na’t magkaroon ng samahan mamayang gabi, gabi ng Linggo, gaya ng ginawa ng mga naunang mga Kristiyano! Ipakita natin sa lahat ng tao na mahal natin ang isa’t isa mamayang gabi! Umuwi – sa simbahan – mamayang gabi! At magahapunan kasama namin, at pakinggan ang sermon mamayang gabing Linggo!

Ngayon, ang talata sa Kasulatan (Ang Mga Gawa 20:7-12) ay nagtuturo sa atin ng modelo at paraan ng naunang simabahan. Mayroong sa kaliitang tatlong mga bagay na dapat natin matutunan mula sa talatang ito kung gusto nating mapasali ang mga kabataan sa ating simbahan, gaya nila.

I. Una, sila’y nagpulong-pulos sa gabi ng Linggo.

Tignan ang ating teksto muli,

“At nang unang araw ng sanglinggo, nang kami’y nangagkakapisan upang pagputolputulin ang tinapay, si Pablo ay nangaral sa kanila, na nagaakalang umalis sa kinabukasan; at tumagal ang kaniyang pananalita hanggang sa hating gabi” (Ang Mga Gawa 20:7).

Hindi ako mangangaral hanggang madaling araw ngayong gabi. Mangangaral lamang ako ng mga limampung minto, at pagkatapos ay magkakaroon tayo ng samahan. Ngunit sa bihirang mga okasyon maari akong mangaral ng masmatagal. Isang beses ay nangaral si Dr. W. A. Criswell mula sa isang dulo ng Bibliya hanggang sa kabilang dulo sa isang gabi ng Linggo. Iyan ang tanyag na sermong, “Ang Pulang Sinulid Mula sa Isang Dulo Hanggang sa kabilang Dulo ng Bibliya [The Scarlet Thread Through the Bible],” na kanyang ipinangaral ng 4½ na oras sa gabi ng Linggo, ika-31 ng Disyembre taon 1961 sa Unang Bautistmong Simbahan ng Dallas, Texas. Ito’y isang nakamamanghang sermon, at maari mong itong marinig na nairekord sa pamamagitan ng pag-kiklik sa umuugnay rito sa pamagat sa itaas. Nais ko sanang mayroon tayong nairekord na mahabang sermon ni Apostol Pablo sa gabing iyon sa simbahan sa Troas. Maari lamang nating maisip na ito siguro’y mas nakamamangha pa kay sa sa dakilang apat-at-kalahating oras na sermon ni Dr. Criswell sa di-malilimutang okasyon sa Dallas sa gabing iyon ng Linggo mahabang panahon ang nakalipas.

Ngunit ang mahalagang bagay na pansinin sa Ang Mga Gawa 20:7 ay na ang mga naunang simbahan ay nagkita sa gabi ng Linggo! “Nang unang araw ng sanglinggo” ay sa Linggo ng Romanong kalendaryo, at sa ating mga kalendaryo rin ngayon. Sinabi ni Dr. J. Vernon McGee,

Ang ibig sabihin nito’y kanilang ipinagdiwang ang Hapunan ng Panginoon sa Linggo. Sa Linggong ito na si Pablo ay nangaral sa kanila. Ang naunang simbahan ay nagkita sa unang araw ng sanglinggo [sa Linggo]. Iyan ang mahalagang araw dahil ito’y ang araw noong si Hesus ay bumalik mula sa pagkamatay. Sa ilalim ng lumang paglilikha sa pampitong araw, ang Araw ng Kapahingahan. Iyan ay kasama sa lumang paglilikha. Sa Araw ng Kapahingahan si Hesus ay patay, sa loob ng libingan. Sa unang araw ng sanglinggo [sa Linggo] Siya ay pumaharap. Nagkikita tayo sa araw na iyon, dahil tayo na ngayon ay pinagsasama sa isang nabubuhay na Kristo. Iyan ang patunay ng [Linggo] ang unang araw ng sanglinggo (Isinalin mula kay J. Vernon McGee, Th.D., Thru the Bible, Thomas Nelson, 1983, volume IV, p. 602).

Dinagdag ni Dr. Ellicott, “At sa araw na ito [Linggo] sila’y nagpulong-pulong, kapansin pansing sa gabi pagktapos ng paglubog ng araw” (isinalin mula sa ibid., p. 138). Ang naunang simbahan ay mayroong gabi ng Linggong paglilingkod. Iyan ay lubusang mahalaga. Sa palagay ko ay iyan ang susi sa kanilang matinding tagumpay sa pananalo ng mga kabataang – kasing rami na tulad nila.

Kapag ang isang simbahan ay nagsisimulang sumentro sa mga matatanda, makauugaliang ilaglag o kakalimutan ang gabi ng Linggo. Ngunit kung gusto nating makaakit ng mga kabataan, edad 18 hangang 30, dapat tayong magkaroon ng masiglang mga paglilingkod ng Linggo – gaya ng ginawa nila sa Aklat Ng Mga Gawa! Umuwi sa simbahan – ngayong gabi! Maiibigan mo ang pangangaral – at ang samahan! Bakit maging malumbay? Umuwi – sa simbahan nitong Linggo ng gabi. Bumalik ngayong gabi!

II. Pangalawa, narinig nila ang pangangaral sa gabi ng Linggo.

Ang sermon na ibinigay ni Apostol Pablo ay kapansinpansin na mas malalim noong gabi ng Linggong iyon kay sa sa pangangaral sa kahit anong umaga ng Linggo. At sa palagay ko mahalagang mangaral ng mas malalim na mga katotohanan mula sa Bibliya sa gabi ng Linggo. Nagbibigay kami ng mga simpleng mga sermon sa umaga sa Linggo – ngunit pumupunta kami sa mas malalim na mga katotohanan ng Bibliya sa gabi ng Linggo. Ako’y magsasalita tungkol sa pagbabagong loob mamayang gabi. Magpunta kayo rito at pag-aralan ang dakilang paksang ito mamayang gabi! Palalakasin nito ang iyong pananampalataya, at tutulungan ka nito! Pangako ko na hindi ako magsasalita na kasing haba ni Pablo sa okasyong ito, ngunit susubukan kong bigyan kayo ng ilang mga bagay na pag-iisipan, at maiuuwi ninyo.

Naniniwala ako na mahalagang ipangaral ang Ebanghelyo sa lahat ng okasyon. Sinabi ni Pablo,

“Sapagka’t aking pinasiyahang walang maalaman anoman sa gitna ninyo, maliban na si Jesucristo, at siya na napako sa krus”
     (I Mga Taga Corinto 2:2).

Sinusubukan kong panatilihing ang Ebnanghelyo ni Kristo ang sentro sa lahat ng aking mga sermon. Ngunit sa mga gabi ng Linggo, tayo’y nagpupunta ng mas malalim sa Ebanghelyo at kaugnay na mga paksa.

Madalas sabihin ng aking pastor si Dr. Timothy Lin,

Obserbahin ang buong araw ng Araw ng Panginoon bilang tunay na sa Panginoon. Simulang sambahain ang Diyos bilang Manlilikha sa umaga hangang sa pagsasamba sa Diyos bilang Ama ng Kalangitan sa gabi sa paglilingkod sa gabi (Isinalin mula sa The Testimony of a Shepherd, 1994, p. 8).

Sa tingin ko’y tama si Dr. Lin noong sinabi niya iyan sa loob ng mga taong ng 1960 at 1970! Kung gusto nating manalo at maidisipolo ang maraming mga kabataan, dapat tayong magkaroon ng masigla, at nakakaakit, at nakatutulong ng mga paglilingkod tuwing gabi ng mga Linggo!

III. Pangatlo, nagkaroon sila ng nakamamanghang pagsasamahan sa gabi ng Linggo.

Sa Ang Mga Gawa 20:11 nabasa nating,

“At nang siya’y makapanhik na, at mapagputolputol na ang tinapay, at makakain na, at makapagsalita sa kanila ng mahaba, hangang sa sumikat ang araw, kaya’t siya’y umalis”
       (Ang Mga Gawa 20:11).

Sinabi nina Jamieson, Fausset, at Brown,

Napaka buhay ng ulat na ito ng minamahal na Kristiyanong pagsasamahan – kasing laya at kagalak gaya sa ganoong pangyayari, ito siguro’y naging…payapa (Isinalin mula sa A Commentary on the New Testament, Eerdmans, 1976, volume III, p. 147).

Hindi dapat natin isipin na ito ang nag-iisang gabi ng Linggong na nagkaroon sila ng isang hapunan “at nag-usap ng mahabang oras.” Hindi, ito’y nangyari ng madalas, tuwing gabi ng Linggo, sa mga unang simabahan, ayon sa Ang Mga Gawa 2:46-47. Hindi nakakapagtakang

“Idinaragdag sa kanila ng Panginoon araw-araw yaong nagngaliligtas” (Ang Mga Gawa 2:47)!

Si Justin Martyr (c. AD 100-165), nagsusulat sa pangalawang siglo, ay nagsasabi sa atin na ang mga naunang mga Kristiyano ay nagkita ng Linggo, na kanilang tinawag na “Araw ng Panginoon,” na kanyang sinasabi na, “Lahat, parehong sa lungsod at sa bayan, ay nagkita sa isang lugar para sa relihiyosong pagsasamba” (isinipi ni Dr. John Gill, sulat sa Ang Mga Gawa 20:7).

Sinasabi sa atin ni Mathew Henry na ang mga naunang mga Kristiyano ay nagkaroon ng nakamamanghang pagsasamahan:

Minamahal nila ang isa’t isa, at napaka mababait. Ang kanilang kabutihan ay kasing importante ng kanilang kabanalan, at ang kanilang pagkakasama sa banal na ordinansya ay nagdurugtong ng kanilang mga puso sa isa’t isa, at lubos na nagpamahal sa kanila sa isa’t isa (isinalin mula sa kumento sa Ang Mga Gawa 2:46-47).

Ang mga taong ito ay hindi lang “nagpunta sa simbahan” ng isang oras o dalawang oras sa umaga ng Linggo! Sila ay magkakasama ng maraming beses sa isang linggo, karamihan sa mga gabi. Hindi dapat natin isipin na iginugol nila ang lahat ng kanilang oras na magkakasamang nakikinig sa mga sermon at nagdarasal, kahit na ginawa nga nila ang mga ito. Ngunit “[nag-uusap rin sila ng matagal]” (Ang Mga Gawa 20:11). Impotante para sa ating maging magkakasama sa simbahan at mag-usap ng “mahaba.” Kailangan nating mag-usap. Ito’y bahagi ng gumagawa sa simbahan na pangalawang tahanan. Iniibig nating umuwi sa simbahan upang makaupo lang na magkakasama at mag-usap ng matagal.

Isang malamig at malungkot na mundo sa labas – sa mga kalye. Mayroong mga libo libong mga tao, ngunit mukhang walang nakapapansin sa iyo. Nadadama mong mag-isa ka sa karamihang oras. Umuuwi ka, at madalas ang iyong mga di-Kristiyanong mga magulang ay masyadong abala upang kausapin ka. Umuupo kang mag-isa sa harapan ng isang telebisyon o isang kompyuter. Karamihan sa mga kabataan ay nadaramang nag-iisa sa karamihan ng oras. Isang makailan lang na sensus ay nagpapakita na ang pagkalumbay ay nakaantas na pinaka matinding problema ng mga kabataan na kanilang hinaharap.

Nakadarama ka ba ng ganyan minsan? Nadarama mo ba minsan ang kumikirot na pagkalumbay na gumugulo sa maraming mga kabataan ngayon? Isang kabataan ang nagsabi sa akin, “Naiiyak ako sa sobrang lungkot, at hindi ko alam ang gagawin ko.” Sasabihin ko sa iyo ang gagawin mo – umuwi sa simbahan! Gawin ito mamayang gabi! Gawin ito sa sunod na Linggo! Umuwi sa simbahan – para makaupo tayo at makapag-usap at magkaroon ng pagsasamahan ng matagal. Iyan ang ibig sabihin ng Kristiyanong samahan! Umuwi sa simbahan bawat linggo! At siguraduhing magpunta mamayang gabi! Gawin mo ito!

Sasabihin ko sana ang kwento ng binata na natulog habang si Pablo ay nangangaral – ngunit wala na akong oras! Sapat ng sabihin na hindi ka dapat maging tulad niya! Gagawin ko ang lahat para mapanatili kang gising pagbalik mo mamayang gabi! At dapat kang makinig ng mabuti sa sermon mamayang gabi. Maari nitong mabago ang iyong buong buhay!

Ang mga Kristiyano sa unang siglo ay nagkita-kita sa gabi ng Linggo upang makinig sa pangangaral at magalak sa piling ng isa’t isa. Di nakakapagtaka na napaka raming libong mga kabataan ang nagsipunta sa mga simbahan noong mga araw na iyon!

Umaasa ako na tutulungan mo akong gawin ang ating simbahan na kasing katulad ng mga naunang mga simbahan. Umaasa at nanalangin ako na tatanggapin mo si Hesu-Kristo at mapagbagong loob. Si Kristo ay namatay sa Krus upang bayaran ang multa ng iyong mga kasalanan. Pisikal na bumangon si Kristo mula sa pagkamatay upang bigyan ka ng walang hangang buhay. Si Kristo ay nanalangin para sa iyo ngayon – sa itaas sa Langit, sa kanang kamay ng Diyos. Lumapit kay Kristo at mahugasang malinis mula sa iyong mga kasalanan sa pamamagitan ng Kanyang Dugo, at mapagbagong loob kay Kristo sa pamamagitan ng Diyos.

“Ang lahat ng sa kaniya'y nagsitanggap, ay pinagkalooban niya sila ng karapatang maging mga anak ng Dios” (Juan 1:12).

At gagawin Niya rin iyan sa iyo!

(KATAPUSAN NG PANGARAL)
Maari ninyong mabasa ang mga sermon ni Dr. Hymers linggo-linggo sa Internet
sa www.realconversion.com. I-klik ang “Mga Pangaral sa Tagalog.”

Pagbabasa ng Kasulatan Bago ng Pangaral ni Dr. Kreighton L. Chan: Mga Gawa 20:6-12.
Kumanta ng Solo Bago ng Pangaral si Gg. Benjamin Kincaid Griffith:
“Pagpalain ang Tali,” Isinalin mula sa
“Blest Be the Tie” (ni John Fawcett, 1740-1817).


ANG BALANGKAS NG

ANG MGA NAUNANG SIMBAHAN

ni Dr. R. L. Hymers, Jr.

“At nang unang araw ng sanglinggo, nang kami’y nangagkakapisan upang pagputolputulin ang tinapay, si Pablo ay nangaral sa kanila, na nagaakalang umalis sa kinabukasan; at tumagal ang kaniyang pananalita hanggang sa hating gabi” (Ang Mga Gawa 20:7).

(Genesis 2:3; Juan 20:19, 28-29;
Ang Mga Gawa 12: 5, 6, 12; 16:29-34; 20:11; Juan 13:35)

I.   Una, sila’y nagpulong-pulos sa gabi ng Linggo, Ang Mga Gawa 20:7.

II.  Pangalawa, narinig nila ang pangangaral sa gabi ng Linggo,
I Mga Taga Corinto 2:2.

III. Pangatlo, nagkaroon sila ng nakamamanghang pagsasamahan sa
gabi Linggo ng, Ang Mga Gawa 20:11; 2:46-47; Juan 1:12.