Ang mga pangaral na manuskrito at mga videyo ay ngayon lumalabas sa 1,500,000 na mga kompyupter sa lampas na 221 na mga bansa kada taon sa www.sermonsfortheworld.com . Daan-daang iba ang nanonood ng mga videyo, sa YouTube, ngunit di nagtatagal ay iniiwan ang YouTube at nagpupunta sa aming websayt, dahil bawat pangaral ay nagtuturo sa kanila papalyo mula sa YouTube tungo sa aming websayt. Ang YouTube ay nagdadala ng mga tao sa aming websayt. Ang mga pangaral na manuskrito ay ibinibigay sa 46 na mga wika sa halos 120,000 na mga kompyuter kada buwan. Ang pangaral na manuskrito ay hindi nakarapatang magpalathala, kaya nagagamit ng mga mangangaral ang mga ito na walang pahintulot. Mayroong daan-daang mga videyo ni Dr. Hymers at ng kanyang mga estudyanteng nangangaral. Ang mga manuskrito ay hindi nakarapatang magpalathala, ngunit lahat ng mga videyo nakarapatang magpalathala. Paki-klik ito upang matutunan kung paano ka maaring gumawa ng isang buwan-buwanang donasyon upang tulungan kami sa dakilang gawaing ito ng pagkakalat ng Ebanghelyo sa buong mundo, kasama ang mga Muslim at mga Hindu na mga bansa.
Tuwing nagsusulat kay Dr. Hymers, laging sabihin sa kanya kung anong bansa ka nakatira, o hindi ka niya masasagot. Ang email ni Dr. Hymers’ ay rlhymersjr@sbcglobal.net .
MGA ISIPANG BINULAG NI SATANAS! MINDS BLINDED BY SATAN! ni Dr. R. L. Hymers, Jr. Isang pangaral na ipinangaral Umaga Baptist Tabernacle ng Los Angeles “At kung ang aming evangelio ay natatalukbungan pa, ay may talukbong sa mga napapahamak: Na binulag ng dios ng sanglibutang ito ang mga pagiisip ng mga hindi nagsisisampalataya, upang sa kanila'y huwag sumilang ang kaliwanagan ng evangelio ng kaluwalhatian ni Cristo, na siyang larawan ng Dios” (II Mga Taga Corinto 4:3-4). |
Madalas akong nagsasalita tungkol sa I Mga Taga Corinto 2:14,
“Nguni't ang taong ayon sa laman ay hindi tumatanggap ng mga bagay ng Espiritu ng Dios: sapagka't ang mga ito ay kamangmangan sa kaniya…”
Sa mga sermong iyon sinabi ko, kasing simple na magawa ko, na ang “mga bagay ng Espiritu ng Dios” na tinutukoy sa “salita ng krus ay kamangmangan sa kanila na nangapapahamak” at “si Jesucristo, at siya na napako sa krus” (I Mga Taga Corinto 1:18;2:2). Pagkatapos ay kinausap ko ang ilang mga di-napagbagong loob ng mga kabataan. Ang lahat maliban sa isa ay hindi man lang matandaan ang “salita ng krus” o “si Jesucristo, at siya na napako sa krus.” Nangaral ako ng matindi kay Kristong napako sa krus – ngunit hindi nila ito matandaan. Ang pagpapako sa krus ni Kristo ay ang unang punto ng Ebanghelyo. Ngunit, simula noong ipinangaral ko ito sa isang naiiba ng kaunting paraan, hindi nila ito matandaan.
“Si Cristo ay namatay dahil sa ating mga kasalanan”
(I Mga Taga Corinto 15:3).
Narinig nila ang mga salitang iyon, ngunit nalimutan sila agad!
Sa loob ng maraming taon, natagpuan ko na ito’y totoo sa mga di-nagising na mga makasalanan. Sila ay halos literal na bulag sa Ebanghelyo. Nakatago ito sa kanilan. Sinasabi ng ating teksto,
“At kung ang aming evangelio ay natatalukbungan pa, ay may talukbong sa mga napapahamak” (II Mga Taga Corinto 4:3).
Pansinin ang salitang “napapahamak” sa hulihan ng berso tatlo. “At kung ang aming evangelio ay natatalukbungan pa, ay may talukbong sa mga napapahamak.” Itinuturo ng Bibliya na ika’y maaring ligtas o napahamak [nawawala]. Kung ika’y hindi ligtas, ang Ebanghelyo ay nakatago sa iyo. Ang “ebangheliyo” ay ang magandang balita na si Kristo’y namatay upang bayaran ang iyong mga kasalanan at bumangong muli mula sa pagkamatay upang iligtas tayo. Mukhang simple ang sa tunog ang mga salitang iyon – ang simple, malinaw na mga salita ng Ebanghelyo. Ngunit sa katotohanan ng mga ito ay isang lubusang nakatagong salita mula sa iyo kung ika’y napahamak o nawawala. Maari mong memoryahin ang mga salitang “Si Cristo ay namatay dahil sa ating mga kasalanan at siya'y muling binuhay nang ikatlong araw” (I Mga Taga Corinto 15:3-4), ngunit ang katotohanan at ang kahalagahan ng mga salita ay na memorya lamang, para manatiling lubos na nakatago mula sa iyo,
“At kung ang aming evangelio ay natatalukbungan pa, ay may talukbong sa mga napapahamak” (II Mga Taga Corinto 4:3).
Ang dahilan para rito ay ibinigay sa sunod na berso,
“Na binulag ng dios ng sanglibutang ito ang mga pagiisip ng mga hindi nagsisisampalataya …” (II Mga Taga Corinto 4:4).
Noong ako ay maliit na bata pa nagkwento ang nanay ko sa akin ng tungkol sa isang batang lalaking ang kanyang mga mata’y “inalis” gamit ng isang matalim na istik. Natatandaan kong naiisip ko na terribleng masundot sa mata ng isang piraso ng kahoy, na teribleng mabulag buong buhay mo. At gayon iyan sakto ang ginagawa ng “diyos ng mundong ito” sa mga nawawala. Ang mga salita ay literal na “diyos ng panahong ito.” Ang parirala’y hindi tumutukoy sa Diyos at Ama ni Hesus. Ito’y tumutukoy kay Satanas. Ang Diablo’y tinatawag na, “diyos ng panahong ito.” At ang Diablo ang nag-aalis ng mga mata. Ang Diablo ang bumubulag sa iyong isipan patungkol sa Ebanghelyo.
Ang isang tao’y ay maaring maging napaka talino. Maari siyang makakuha ng napaka tataas na mga grado sa paaralan at magkaroon ng napaka galing na isipan pagdating sa kanyang akademikong gawain sa paaralan. Maari siyang maging isang unang-klaseng mangangalakal, o isang kinokonsiderang mataas na siyentipiko, o isang tanyag na propesor ng kolehiyo; o maari siyang nagpunta sa isang simbahang nangangaral ng Ebanghelyo ng mahabang panahon – at gayon man ay maging lubusang bulag pagdating sa kaligtasan kay Kristo. Bakit ganito ito? Binulag ng Diablo ang kaniyang isipan tungkol sa Ebanghelyo.
Ano pa ang mas kapansinpansin kay sa rito ay ang isang tao’y maaring makaalam ng marami tungkol sa Bibliya. Maaring alam niya, at makaya niyang makasipi, ng marami tungkol sa teyolohiya, at maging isang pundamentalista, tradisyonal at tama sa kanyang paniniwala. Maaring magawa niyang makasagot ng maraming mga tanong mula sa Bibliya – at maging lubosang bulag pa rin sa katotohanan ng Ebanghelyo at ng bagong pagkapanganak, tulad ni Nicodemus, na nagpunta ng gabi upang makita si Kristo.
Madalas nating marinig ang mga taong mag-usap tungkol sa biyaya at kasalanan at kaligtasan, at si Kristo at ang Banal na Espiritu, na hindi minsan nagkaroon ng kahit anong tunay na karanasan ng kahuluguhan ng mga salitang iyon. Nakikita nila, ngunit hindi nila naiintindihan. Naririnig nila, ngunit hindi nila naiintindihan. Si Satanas, ang diyos ng panahong ito, ay bumulag sa kanilang isipan. Magsitayo habang binabasa ko ang teksto muli.
“At kung ang aming evangelio ay natatalukbungan pa, ay may talukbong sa mga napapahamak: Na binulag ng dios ng sanglibutang ito [si Satanas] ang mga pagiisip ng mga hindi nagsisisampalataya, upang sa kanila'y huwag sumilang ang kaliwanagan ng evangelio ng kaluwalhatian ni Cristo, na siyang larawan ng Dios” (II Mga Taga Corinto 4:3-4).
Maari ng magsi-upo. Nagtataka ako kung ika’y sa mga tinutukoy ng teksto. Isa ka ba doon sa mga nabulag ni Satanas tungkol sa kaligtasan kay Kristo? Pansinin natin ang maraming mga bagay tungkol diyan.
I. Una, ang kabulagang ito ay malawakan.
Ang mga tao ay malawakang bulag patungkol kay Hesus at ang Ebanghelyo. Wala pang gumawa nitong masmalinaw kay sa kay propetang Isaias, na nagsabi nito tungkol kay Kristo,
“Siya'y hinamak at itinakuwil ng mga tao [iya’y ng sangkatauhan]…at gaya ng isa na pinagkublihan ng kanilang [ng sangkatauhan] mukha ng mga tao, na siya'y hinamak, at hindi natin hinalagahan siya” (Isaias 53:3).
Ito’y isang malawakang paglalarawan ng buong lahi ng sangkatauhan patungkol kay Kristo at ng Ebanghelyo. Si Kristo ay “itinakwil ng mga tao.” Ang sangkatauhan, sa kalahatan, ay hindi “hinahalagahan” o “nirerespeto” (Isinalin mula kay Strong) si Kristo. “Hindi natin hinahalagahan siya.” Iya’y, “Wala tayong nakikitang halaga sa kanya,” dahil tayo’y binulag ni Satanas.
Ito’y napaka karaniwan sa mga kabataan ngayon. Wala silang nakikitang halaga kay Kristo o sa Kanyang Ebanghelyo. Totoo ba iyan sa iyo kung ika’y hindi pa rin napagbagong loob? Totoo ba na si Kristong namamatay sa Krus ay hindi talaga ganong ka importante sa iyo? Hindi ba totoo, na kahit na ika’y nagpupunta sa simabahan ng medyo matagal na, ay hindi ka talaga naglalagay ng halaga sa pagpapako sa krus ni Kristo? Hindi ba totoo na ang Ebanghelyo ni Kristo ay isang bagay na hindi mo talaga pinag-iisipang madalas, kahit na ika’y nasa simbahan at naririnig akong mangaral tungkol nito ng madalas? Hindi ba totoo na hindi ka halos nag-iisip tungkol sa pagpapako sa krus ni Kristo? Hindi ba iyan totoo? Marami sa inyo’y alam na iya’y totoo! At bakit ba napaka liit ng pag-iisip mo tungkol sa Kanyang pagpapako sa krus? Ang sagot ay narito sa ating teksto.
“At kung ang aming evangelio ay natatalukbungan pa, ay may talukbong sa mga napapahamak: Na binulag ng dios ng sanglibutang ito [si Satanas] ang mga pagiisip ng mga hindi nagsisisampalataya …” (II Mga Taga Corinto 4:3-4).
Ang pagbubulag na ito ni Satanas, patungkol sa Ebanghelyo ni Kristo ay laganap. Halos lahat ng kilala mo (kasama ka) ay nabulag sa Ebanghelyo ni Satanas. Ang pagkabulag patungkol sa pagpapako sa krus ni Kristo ay napaka karaniwan. Karamihan sa mga tao’y hindi nakakakita ng tunay na halaga sa mga salita,
“si Cristo ay namatay dahil sa ating mga kasalanan”
(I Mga Taga Corinto 15:3)
dahil ang kanilang espiritu’y nabulag ni Satanas. Hindi sila makikinig kay Kristo kapag sinasabi Niyang,
“Datapuwa't ang hindi sumasampalataya ay parurusahan”
(Marcos 16:16)
dahil nabulag ni Satanas ang kanilang mga isipan sa mga dakilang katotohanang ito. Maaring totoo kaya iyang sa iyo rin? Sinabi ni Spurgeon,
Ang mga tao’y hindi napupunta sa teribleng panganib na ang kanilang mga mata’y bukas. Gayon marami [sa inyo] ay papunta…sa pinaka [dulo] ng [paghahatol] na walang pag-iisip ng panganib. [Ika’y] siguro’y bulag. Ang teribleng kapayapaan ng konsensya, itong pagpapatay ng Espiritung tuwing ang konsensiya’y [gumugulo sa iyo], ang pagwawalang bahala sa kamatayan at paghahatol, ay nagpapatunay na [ika’y] bulag (Isinalin mula kay C. H. Spurgeon, “Blinded by Satan,” The Metropolitan Tabernacle Pulpit, Pilgrim Publications, 1975 reprint, volume XXXIX, p. 183).
Ang pagbubulag ng Satanas ay napaka karaniwan na ikaw na di-napagbagong loob ay bulag patungkol sa pagpapako sa krus ng ating Panginoon para sa ating kasalanan.
II. Pangalawa, binubulag ng Diablo ang mga tao sa iba’t ibang mga paraan.
Ang ilan ay nabulag ng mga bagay ng mudong ito. Sinabi nila, “hindi ako makakapunta sa simbahan bawat umaga ng Linggo at bawat gabi ng Linggo. Masyado akong maraming mga gawain sa eskwelahan.” Ang iba ay nagsasabi na, “sapat na ang mayroon ako upang gawin akong abala sa aking trabaho. Wala akong oras para sa lahat ng mga paglilingkod na iyon sa simbahan.” Ang trabaho, ang iyong paaralan, iyong pera – ang mga ito lamang ang mahahalagang mga bagay sa iyo. Sinasabi ng Bibliya,
“Huwag ninyong ibigin ang sanglibutan” (I Ni Juan 2:15).
Ngunit ang iyong isipan at puso ay nag-aalala lamang tungkil sa mga bagay ng lupa. Binubulag ni Satanas ang iyong puso sa pamamagitan ng lubusang kamunduhan, sa pamamagitan ng pag-aakit sa iyong maisip lamang ang mga makamundong bagay.
Maraming iba ang nabubulag dahil sa ang kanilang pamilya ay naniniwala sa isang huwad na relihiyon. Sinasabi nila, “maniniwala ako kay Kristo, ngunit mapagagalit nito ang aking ina at ama.” Mukhang hindi nila naiisip na halos lahat ng iba dito sa simbahan ay nagkaroon ng parehong problema! Iniisip nila na ang kanilang kalagayan ay nag-iisa. Gayon karamihan sa mga tao rito ngayong umaga ay nagkaroon din ng mga magulang na hindi mga tunay na Kristiyano, mga magulang na sinubukang pigilan sila mula sa pagpupunta sa simbahan. Sinabi ni Hesus,
“Ang umiibig sa ama o sa ina ng higit kay sa akin ay hindi karapatdapat sa akin” (Mateo 10:37).
Ngunit natatakot ako na hindi mo kailan man makikilala si Kristo dahil ang iyong isipan ay nabulag ni Satanas sa pamamagitan ng paniniwala sa mga maling kaisipan at huwad na paniniwala ng iyong mga magulang.
Ang iba ay nabulag ni Satanas sa pamamagitan ng panunulak ng kanilang mga nawawalang mga kaibigan. Pumupunta ka sa simabahan at naliligayahang sa pagpunta rito. Ngunit bumabalik ka sa iyong paaralan o trabaho at “nakikisama” sa mga nawawalang mga tao na kumakaladkad sa iyo pababa, pinupuno ang iyong isipan ng mga maling mga kaisipan at pagkalito tungkol sa Diyos. Ang kanilang pagsasalita ay makamundo – at ginagamit sila ni Satanas upang bulagin ka. Iyan ang dahilan na sinasabi ng Diyos na,
“Huwag kayong makipamatok ng kabilan sa mga di nagsisisampalataya” (II Mga Taga Corinto 6:14).
Ako’y umaasa na hindi mo pababayaan na gamitin ni Satanas ang iyong mga nawawalang mga kaibigang kaladkarin ka pailalim at ikondena ang iyong kaluluwa sa walang hangang apoy. Ako’y umaasa na hindi mo pababayaan na gamitin sila ni Satanas upang hatakin ka pababa sa Impiyerno. Maraming mga kabataan ay nabulag ng mga masasamang mga kaibigan at ng panunulak ng kanilang mga nawawalang mga kaibigan.
“Kaya nga, Magsialis kayo sa kanila, at magsihiwalay kayo, sabi ng Panginoon…At kayo'y aking tatanggapin, At ako sa inyo'y magiging ama… sabi ng Panginoong Makapangyarihan sa lahat” (II Mga Taga Corinto 6:17, 18).
Ito’y madalas na totoo kahit sa loob ng lokal na simbahan. Kung ika’y nakakapi sa mga nawawalang “mga bata ng simbahan,” ika’y dapat pumalag sa kanilang panunulak at tumayong mag-isa, o gagamitin ni Satanas ang kanilang kahipokritahan upang bulagin ka. Kung hindi ka tatayong mag-isa, ang kanilang masasamang pananalita, ang kanilang nangungutyang ugali, ang kanilang nakapanliliit na pananalita ay gagamitin ni Satanas upang bulagin ka. Sinasabi ng Diyos, “Magsialis kayo sa kanila…At kayo’y aking tatanggapin.”
Ngunit mayroong isa pang paraan ng pagiging bulag, at iya’y napaka karaniwan. Ito ay ang mga taong binubulag ni Satanas sa pamamagitan ng pamumuhay ng panlabas na porma ng Kristiyanismo. Ito ay mga taong mayroong “na may anyo ng kabanalan” (II Kay Timoteo 3:5). Ngunit hindi lamang sila nakaugat kay Kristo. Ang kanilang puso’y walang ugat kay Kristo Hesus. Sila’y masaya at di-naiistorbo dahil pumupunta sila sa simbahan at mayroong panlabas na paniniwala sa Diyos. Ngunit ang kanilang mababaw na relihiyon ay bumubulag sa kanila sa katotohanan ng Ebanghelyo ni Kristo. Kung hindi magising ngayon, ang ganoong mababaw na tao ng simbahan ay, sa wakas, magigising sa Impiyerno. Magiging huli na pagdating noon. Ngunit ngayon sila’y mananatiling bulag sa pamamagitan ng isang panlabas, walang lamang anyo ng Kristiyanismo.
“At kung ang aming evangelio ay natatalukbungan pa, ay may talukbong sa mga napapahamak: Na binulag ng dios ng sanglibutang ito ang mga pagiisip ng mga hindi nagsisisampalataya …” (II Mga Taga Corinto 4:3-4).
III. Pangatlo, paano mapagagaling ang kabulagang ito’y.
Ngunit, sinasabi mo, “Paanong ang kabulagan ko sa Ebanghelyo ay mapagagaling?” Una, dapat mong madama ang iyong kabulagan. Ika’y dapat magulo. Hangang sa ika’y magulo ng iyong espiritwal na kabulagan hindi mo kailan man mahahanap ang gamot para rito kay Kristo. Ika’y magpapatuloy na nalalaman na
“…hindi mo nalalamang ikaw ang aba at maralita at dukha at bulag…” (Apocalipsis 3:17).
Ang teribleng kondisyon ng iyong kabulagan ay dapat maging isang teribleng bagay para sa iyo. Sinabi ni Spurgeon,
Mag-ingat sa takot na ang kabulagan ay maging [tanda] ng iyong katapusan. Bago nabitay si Haman, ang unang ginawa ng mga tagasilbi niya ay takpan ang kanyang mukha; at noon gang tao ay muntik ng mawala magpakailan man, ang unang bagay na ginawa ng diablo ay ang bulagin ang kanyang mata para hindi siya makakita. Ngayon ang kawawang bulag na si Samson ay magagawang palaruin ng mga taga-Philistine; ngayon umaasa silang mapatay siya kailan man nila gusto. Mag-ingat sa mga nabulag na konsiyensya; ito’y ang pasimula ng walang hangang pagkasira. Naway iligtas ka ng Diyos mula rito! (Isinalin mula sa ibid., p. 188).
Kung hindi mo nadarama ang iyong pagkabulag, at hindi mo gustong mapagaling mula rito, ika’y maheheleng patulog ng Satanas – na mapabubukas lamang ang iyong mata sa Impiyerno! Sinabi ni Kristo sa mayamang lalake,
“At sa Hades na nasa mga pagdurusa ay itiningin niya ang kaniyang mga mata” (Lucas 16:23).
Anong teribleng bagay kung ang iyong mga mata ay hindi mabuksan hangang sa ito’y huli na, sa Impiyerno! Kung gusto mong mapagbagong loob, ika’y dapat mapagbagong loob ngayon. At upang ito’y mangyari, dapat mong madama ang iyong pagkabulag, maging lubusang magulo ng mga ito, at adhikaing mapagaling sa pagkabulag na ito ni Hesus.
Pangalawa, ang gamot sa iyong pagkabulag ay dapat mahanap. Dapat mong hanapin si Hesus, dahil Siya lamang ang makabubukas ng iyong bulag na espirituwal na mga mata. Ang Bulag na si Bartimeo ay hindi mapatahimik. Habang si Hesus ay pababa sa daan, sumigaw siya,
“Jesus, ikaw na anak ni David, mahabag ka sa akin”
(Marcos 10:47).
Sinubukan ng madlang patahimikin siya. Sinubukan nila siyang pigilin. Ngunit hindi nila magawa. Siya’y determinadong makapunta kay Hesus at mapagaling ang kanyang pagkabulag. Hindi nila siya mapigil! Hindi nila siya mapatahimik!
“At siya'y pinagwikaan ng marami upang siya'y tumahimik: datapuwa't siya'y lalong sumisigaw, Ikaw na Anak ni David, mahabag ka sa akin” (Marcos 10:48).
Tumigil si Hesus. Tumingin Siya lampas sa madla sa lugar kung saan naroon nakatayo ang bulag na lalake.
“At tumigil si Jesus, at sinabi, Tawagin ninyo siya”
(Marcos 10:49).
At kaya, siya’y lumapit papunta kay Hesus. Bulag pa rin siya habang siya’y papalapit. Ngunit narinig niya ang boses ni Hesus. Lumapit siya, nanginginig kung paano ang isang bulag, papunta sa tinig ni Hesus. Noong nakarating siya kay Hesus, sinabi ng Tagapagligtas,
“Ano ang ibig mong gawin ko sa iyo? At sinabi ng lalaking bulag, Raboni, na tanggapin ang aking paningin…At pagdaka'y tinanggap niya ang kaniyang paningin” (Marcos 10:51-52).
Alam ni Bartemeo na siyang isang miserable at bulag at nawawalang makasalanan. Alam niya na walang iba kundi si Jesus ang makapagbabalik ng kanyang paningin. Sinubukan niyang mahanap si Hesus sa buong lakas ng kanyang puso. Ang pinaka-importanteng bagay para sa kanya ay ang mahanap si Kristo. Noong nakarating siya sa Tagapagligtas, binuksan ni Kristo ang kanyang mata. Iyan ay isang larawan ng bagong pagkapanganak. Iyan ay isang malinaw na paglalarawan ng pagbabagong loob. Iyan ang maaring magawa para sa iyo ni Kristo! Ngunit dapat kang maging kasing seryoso patungkol sa paghahanap kay Kristo na tulad ni Bartimeo!
Binulag ni Satanas ang iyong puso sa pamamagitan ng kapangyarihan ng kasalanan. Si Kristo lamang ang makakapagpatawad sa iyong kasalanan, buksan ang iyong mga mata, baguhin ang iyong makasalanang puso, at pagbaguhing loob ka – mula sa isang bulag na makasalanan sa isang tunay na Kristiyano. Maaring nabulag ka ni Satanas sa pamamagitan ng kasalanan ng maraming mga taon, ngunit maaring buksan ni Hesus ang iyong puso at pagbaguhing loob ka sa isang sandali. Maaring nagpupunta ka na sa simbahan sa isang nabulag na kalagayan ng mahabang panahon, ngunit
“Si Cristo ay namatay dahil sa ating mga kasalanan”
(I Mga Taga Corinto 15:3).
Namatay Siya sa Krus upang mamatay para sa ating mga kasalanan. Mahuhugasan ng Kanyang Dugo ang iyong mga kasalanan. Mapapatotoo ka Niya at gawin kang malinis gamit ng Kanyang mahal na Dugo! Mabubuksan Niya ang iyong mga mata at maligtas ang iyong kaluluwa mula sa pagkakasala ng kasalanan. Sinabi ni Spurgeon,
Siguro habang ako’y nagsasalita ng mga salitang ito, ang kislap ng isang banal na ilaw ay papunta sa isang madilim na puso! Ang Kaligtasan ay hindi tumatagal ng maraming oras; ito’y nasa nag-iisang pagkakataon na tayo’y dumadaan mula sa kamatayan papunta sa buhay. Sa sandaling tayo ay maniwala kay Hesus, tayo ay maliligtas. Sa sandaling tumingin tayo sa kanyang nakasabit sa krus, ang ating pagkakasala ay mapapatawad (Isinalin mula sa ibid., p. 189).
Tayo’y magsitayo at kantahin ang himno bilang anim sa inyong kopya ng mga kanta. Kantahin ang pang-apat na saknong. Pag-isipan ang mga salita habang kinakanta natin ang pang-apat na saknong.
Bilang ako lamang, miserable’t, bulag;
Paningin, kayamanan, paggaling ng isipan,
Oo, ang lahat na kailangan ko, sa Iyo nahahanap ko,
O Kordero ng Diyos, ako’y papalapit! Ako’y papalapit!
(“Bilang Ako Lamang” Isinalin mula sa
“Just As I Am, Without One Plea” ni Charlotte Elliott, 1789-1871).
(KATAPUSAN NG PANGARAL)
Maari ninyong mabasa ang mga sermon ni Dr. Hymers linggo-linggo sa Internet
sa www.realconversion.com. I-klik ang “Mga Pangaral sa Tagalog.”
Pagbabasa ng Kasulatan Bago ng Pangaral ni Dr. Kreighton L. Chan: Marcos 10:46-52.
Kumanta ng Solo Bago ng Pangaral si Gg. Benjamin Kincaid Griffith:
“Tapos ay Dumating si Hesus” Isinalin mula sa
“Then Jesus Came” (ni Homer Rodeheaver, 1880-1955).
BALANGKAS NG MGA ISIPANG BINULAG NI SATANAS! ni Dr. R. L. Hymers, Jr. “At kung ang aming evangelio ay natatalukbungan pa, ay may talukbong sa mga napapahamak: Na binulag ng dios ng sanglibutang ito ang mga pagiisip ng mga hindi nagsisisampalataya, upang sa kanila'y huwag sumilang ang kaliwanagan ng evangelio ng kaluwalhatian ni Cristo, na siyang larawan ng Dios” (II Mga Taga Corinto 4:3-4). (I Mga Taga Corinto 2:14; 1:18; 2:2; 15:3-4) I. Una, ang kabulagang ito ay malawakan, Isaias 53:3; II. Pangalawa, binubulag ng Diablo ang mga tao sa iba’t ibang mga paraan, III. Pangatlo, paano mapagagaling ang kabulagang ito’y, Apocalipsis 3:17; |