Ang mga pangaral na manuskrito at mga videyo ay ngayon lumalabas sa 1,500,000 na mga kompyupter sa lampas na 221 na mga bansa kada taon sa www.sermonsfortheworld.com . Daan-daang iba ang nanonood ng mga videyo, sa YouTube, ngunit di nagtatagal ay iniiwan ang YouTube at nagpupunta sa aming websayt, dahil bawat pangaral ay nagtuturo sa kanila papalyo mula sa YouTube tungo sa aming websayt. Ang YouTube ay nagdadala ng mga tao sa aming websayt. Ang mga pangaral na manuskrito ay ibinibigay sa 46 na mga wika sa halos 120,000 na mga kompyuter kada buwan. Ang pangaral na manuskrito ay hindi nakarapatang magpalathala, kaya nagagamit ng mga mangangaral ang mga ito na walang pahintulot. Mayroong daan-daang mga videyo ni Dr. Hymers at ng kanyang mga estudyanteng nangangaral. Ang mga manuskrito ay hindi nakarapatang magpalathala, ngunit lahat ng mga videyo nakarapatang magpalathala. Paki-klik ito upang matutunan kung paano ka maaring gumawa ng isang buwan-buwanang donasyon upang tulungan kami sa dakilang gawaing ito ng pagkakalat ng Ebanghelyo sa buong mundo, kasama ang mga Muslim at mga Hindu na mga bansa.
Tuwing nagsusulat kay Dr. Hymers, laging sabihin sa kanya kung anong bansa ka nakatira, o hindi ka niya masasagot. Ang email ni Dr. Hymers’ ay rlhymersjr@sbcglobal.net .
MGA KUMENTO SA UNANG DAKILANG PAGISING COMMENTS ON THE FIRST GREAT AWAKENING ni Dr. R. L. Hymers, Jr. Isang pangaral na ipinangaral sa Baptist Tabernacle ng Los Angeles “At samantalang siya’y lumalapit, ay ibinuwal siya ng demonio, at pinapangatal na mainam. Datapuwa’t pinagwikaan ni Jesus ang karumaldumal na espiritu, at pinagaling ang bata, at isinauli siya sa kaniyang ama” (Lucas 9:42). |
Dalawang Sabado ang nakalipas nakabasa ako ng mga bahagi ng “Isang Mapagpanalampalatayang Kwento ng Nakagugulat na mga Pagbabagong Loob” [“A Faithful Narrative of Surprising Conversions”]. Ngayong gabi babasahin ko ang bahagi ng “Mga Kwentong Buhay” [“Memoirs”] ni Edwards. Inayos ko ito at isinalin sa modernong Ingles. Ang Unang Dakilang Pagising ay nagsimula sa simbahan ni Edwards sa Bagong Inglatera. Ibinigay ni Luke Tyerman ang paglalarawang ito ng pisikal na itsura ng mga pagpupulong ni Jonathan Edwards:
Sa maraming pagkakataon ang pagkakatagpong nagkasala at ang pagbabagong loob ay binigyan ng matinding pisikal na kaguluhan. Maraming bilang [ng tao] ay nagsibagsak na desperado [sa] lapag, at nagsihiyaw ng malakas para sa awa. Ang mga katawan ng iba ay nangtog at [naging walang malay]…mga kalalakiha’y literal na nagsihiyaw para sa awa… mga makasalanan ay nanginig; ngunit hindi mas higit sa gagawin ng mga pilosopo ng kasalukuyang araw, kung mayroon silang parehong malinaw na mga pananaw ng mga paghihirap ng mga nakondena [sa Impiyerno] kung saan ang kasalanan ay nakalantad sa kanilan. Mayroon mga pag-uungol at pagkahimatay…ang walang patatantong mga makasalanan ay maling napagbagong loob, at naging bagong mga nilalang kay Kristo Hesus (Isinalin mula kay Luke Tyerman, The Life and Times of the Rev. John Wesley, Tentmaker Publications, 2003 reprint, pp. 218-219; kumento sa Pagising sa Bagong Inglatera sa ilalim ng pangangaral ni Jonathan Edwards).
Ang mga kaguluhang ito ay napaka iba mula sa karismatikong at Pentekostal na pagpupulong ngayon. Sa modermong pagpupulong mayroong mga pagbabagsak at paghihiya, ngunit sila’y inuugnay sa tinatawag na “pagpupuno ng Espiritu,” at “pagagaling.” Wala sa mga iyan ang nangyari sa mga pagpupulong ni Jonathan Edwards. Sa pagpupulong ni Edwards bumagsak sila sa ilalim ng matinding pagkakatagpo ng kasalanan. Nanginig sila at nagsi-iyak dahil sa kanilang mga kasalanan na may “malinaw na mga pananaw ng paghihirap ng mga nakondena kung saan ang kasalanan ay [nailantad] sa kanila.” Kaya ang mga karismatikong kaguluhan ngayon ay hindi lahat pareho. Hindi sila dumarating na may “pagkakatagpo ng kasalanan.” Iyan ang pagkakaiba sa pagitan ng pekeng muling pagbabangon at tunay na mga pagbabangon. Kung saan ang malalim na pagkakatagpo ng kasalanan ay liban, dapat nating bawasan ang kahit anong ganoong “pisikal na kaguluhan.” Tunay na pagkakatagpo at tunay nag pagbabagong loob, kasunod ng tunay na Kristiyanong buhay, ay hindi maaring mapeke.
Sa kwentong buhay ni Edwards, isinulat niya na ang isang sermon ay ipinangaral sa isang grupo ng mga tao sa isang bahay. Malapit sa katapusan ng sermon “isa o dalawa sa mga taong nagkukunwang mga Kristiyano ay matinding naapektuhan ng kadakilaan ng luwalhati ng Diyos. Ito’y nagkaroon ng isang napaka kapansinpansing epekto sa kanilang mga katawan.”
Ilang sandali, sa isang silig ng bahay, isang grupo ng mga kabataan ang dumating sa ilalim ng malalim na pagkakatagpong nagkasala, at marami ay natalo ng paghihirap tungkol sa kanilang miserableng makasalanang kondisiyon, “upang ang buong silid ay napuno ng walang iba kung mga paghihiyaw, pakawalang malay, at mga tulad nito.” Mas maraming mga tao ang dumating mula sa ibang bahagi ng barangay at natalo sa parehong paraan. Ito’y nagpatulog sa loob ng maraming oras. Pagkatapos nito ibang mga pagpupulong ay naganap kung saan ang mga kabataan at kahit mga bata ay nagsihiya, nawalang malay at nagsi-ulong sa ilalim ng pagkakatagpo ng kasalanan. Dinala sila ni Edwards sa ibang bahay at pinayuhan sila tungkol sa kanilang kaligtasan. Ang mga bata ay “naapektohang lubos sa mga babala at pagpapayong ibinigay sa kanila, at marami ay lubos-lubos na natalo; at ang silid ay puno ng pahihiyaw; at noong sila’y pinauwi sila’y nagpunta sa mga kalyeng nagsisihiyaw ng malakas…ang kanilang pagkakatagpong nagkasala ay kumapit ng lubos sa kanila, at nanatili sa kanila [hangang sa sila’y napagbagong loob]” (Isinalin mula kay Jonathan Edwards, Memoirs, Banner of Truth Trust, 1992 edition, volume I, p. lviii).
Sa kanyang aklat, Isang Kwento ng Pagbabagong Loob, madunong na sinabi ni Edwards na ilan sa mga paghihirap na nadama ng mga tao ay dahil “siguro’y may matinding kamay si Satanas [dito] upang paluputan sila, at harangan ang kanilang daan [kay Kristo]…naglalagay ng isang tubo sa pagitan nila, Pinagsasamantalahang lubos sila [ni Satanas]” (p. 351).
Ang humiwalay sa mga “paghihiyaw na mga ito, pagkakawalang malay, at mga tulad nito” mula sa modernong karsimatikong pangyayri ay sila ay nagsisihiyaw sa ilalim ng pagkakatagpong nagkasala ng kasalanan – na nagdadala sa pagbabagong loob. Hindi sila mga pangyayari para sa alang-alang ng pangyayari, gaya ng nakikita natin sa mga modernong pagpupulong na ito.
Ang iba pang bagay na kailangang pagdilidilihan ay ang sinabi ni Edwards: “may matinding kamay si Satanas [dito] upang paluputan sila, at harangan ang kanilang daan…” Mukhang di-pangkaraniwan na napakaliit ang nasasabi tungkol kay Satanas sa mga aklat na nabasa ko sa muling pagbabangon. Marami sa kanila’y di siya binabanggit kailan man. Ang iba’y binabanggit lamang si Satanas bilang isang balakid sa muling pagbabangon, ngunit hindi kailan man bilang isang peke, sa kaliitan sa maraming aklat na nabasa ko sa paksa ng muling pagbabangon. Nagkumento si Dr. Asahel Nettleton tungkol diyan sa loob ng ilang daan at limam pung taon ang nakalipas:
Madalas akong nagugulo ng pangyayaring ito sa paraan ng pangangaral, na walang narinig sa panganid ng huwad [pekeng] pagbabagong loob. Sa loob ng mga buwan magkasamang, ang kaisipan ay mukhang hindi kailan man tinitignan, na mayroong kahit anong ganoong bagay na satanikong impluwensya ni Satanas sa anyo ng relihiyon (Isinalin mula kay Asahel Nettleton, D.D., quoted in Bennet Tyler and Andrew Bonar, The Life and Labours of Asahel Nettleton, The Banner of Truth Trust, 1975 edition, p. 367).
Bilang isang resulta ng “desisiyonismo” lahat noong gumawa ng isang panlabas na pagkukunwa ng pananampalataya ay tinanggap bilang mga napagbagong loob. Nagsimula ito sa banding huli ng katapusan ng Pangalawang Dakilang Pagising bilang isang resulta ng “desisiyonistang” teyolohiya at tradisyon ni Finney. Si Dr. Nettleton ay kalaban ni Finney. Sinabi niya na ang “desisyonismo” ay nagbunga ng isang pagkakulang ng paghuhusga na lahat ng mga pagkukunwa ng pananampalataya ay tinanggap bilang tunay na mga pagbabagong loob, “ang kaisipan ay mukhang hindi kailan man tinitignan, na mayroong kahit anong ganoong bagay na satanikong impluwensya ni Satanas sa anyo ng relihiyon (isinalin conversion).
Naniniwala ako na mayroong isang matinding Satanikong impluwensiya sa Unang Matinding Pagising, gaya sa lahat ng mga tunay na muling pagbabangon. Naniniwala ako na yoong mga nagsihiyaw at naibato pababa ay madalas na mga nasa ilalim ng impluwensya ng Satanas. Nakikita natin ito sa Bibliya. Paki lipat sa Lucas 9:37.
“At nangyari nang kinabukasan, nang pagbaba nila mula sa bundok, ay sinalubong siya ng lubhang maraming tao. At narito, isang lalake sa karamihan, ay sumigaw na nagsasabi, Guro, ipinamamanhik ko sa iyo na iyong tingnan ang aking anak na lalake; sapagka’t siya’y aking bugtong na anak; At narito, inaalihan siya ng isang espiritu, at siya’y biglang nagsisigaw; at siya’y nililiglig, na pinabubula ang bibig, at bahagya nang siya’y hiwalayan, na siya’y totoong pinasasakitan. At ipinamanhik ko sa iyong mga alagad na palabasin siya; at hindi nila magawa. At sumagot si Jesus at nagsabi, Oh lahing walang pananampalataya at taksil, hanggang kailan makikisama ako sa inyo at magtitiis sa inyo? dalhin mo rito ang anak mo. At samantalang siya’y lumalapit, ay ibinuwal siya ng demonio, at pinapangatal na mainam. Datapuwa’t pinagwikaan ni Jesus ang karumaldumal na espiritu, at pinagaling ang bata, at isinauli siya sa kaniyang ama” (Lucas 9:37-42).
Nangaral si Spurgeon ng maraming mga sermon sa talatang ito at ang katulad na talata sa Mateo at Marcos. Sa kanyang sermong, “Ang Huling Pagtapon ng Diablo,” [“The Devil’s Last Throw”] sinabi ni Spurgeon,
Ako’y nagsalita tungkol sa diablong nagtatapon ng ilan at pinupunit sila kapag sila’y papalapit kay Kristo. May ilan ba sa inyong hindi alam ang kahit ano tungkol rito? Ako’y natutuwa na hindi ninyo alam. Kung lalapit ka kay Kristo na hindi naitatapon at napupunit ikinatutuwa ko ito. Aking nasubukang tulungan yoong mga naghirap ng matindi; ngunit kung hindi ka masyadong pagod, huwag kang maghiling na ito’y maging…(Isinalin mula kay C. H. Spurgeon, “The Devil’s Last Throw,” The Metropolitan Tabernacle Pulpit, Pilgrim Publications, 1973 reprint, volume XXIX, pp. 587-588).
Naisip ko na ang paksang ito ay pipintasan ng marami sa ating panahon. Sinabi ni Iain H. Murray, “Ang tunay na ibig sabihin ng rasyonalismo ay ito’y nag-aalalang magpaliwanag ng lahat ng bagay na walang pagbabangit mula sa di-karaniwan” (Isinalin mula kay Iain H. Murray, A Scottish Christian Heritage, The Banner of Truth Trust, 2006, p. 383). Ang mga rasyonalista sa ating panahon ay iniisip na ang kahit anong pagbabangit kay Satanas o sa Diyos kaugnay sa pagbabagong loob ay maaring mapaliwanag sa pamamagitan ng medical o psikolohikal na paraan. Ngunit sa ibang sermon sa Lucas 9:42, na pinamagatang “Ang Gulo ng Sulok,” inilagay ni Spurgeon ang tanawin ang di-karaniwang mga elemento ng pagbabagong loob.
“At samantalang siya'y lumalapit, ay ibinuwal siya ng demonio, at pinapangatal na mainam. Datapuwa't pinagwikaan ni Jesus ang karumaldumal na espiritu, at pinagaling ang bata, at isinauli siya sa kaniyang ama” (Lucas 9:42).
Sinabi ni Spurgeon,
Ang batang sinapian ng isang masamang espiritu ay isang pinaka sumasaktong simbolo ng bawat walang diyno-diyos at di napagbagong loob na tao. Kahit na tayoy hindi sinapian ng mga demonyo, ngunit sa kalikasan ay sinapian ng mga mala-demonyong bisyo at mga luho na…siguradong sisira ng ating mga kaluluwa. Wala pa kailan man na isang nilalang na sinapian ng masasamang espiritu ay mas malala kaysa sa gulo ng isang taong wala ang Diyos sa kanya, na wala si Kristo, na walang pag-asa sa sanlibutan. Ang pagpapalayas ng mga di-malinis na espiritu ay mas higit na isang bagay na imposible sa tao at posible lamang sa Diyos; at ganoon din ang pagbabagong loob ng isang walang diyno-diyos na makasalanan isang bagay malayo sa abot ng abilidad ng tao, at magagawa lamang sa pamamagitan ng kapangyarihan ng [Diyos]. Ang teribleng pagsisigaw, pagbubula, at pagpupunit na nasanhi sa di-masayang batang ito sa pamamagitan ng di-malinis na espiritu, ay isang larawan ng mga kasalanan, kasamaan, at mga bisyo na ang mga walang diyno-diyos na mga tao’y patuloy na minamadaling…papalapit na mga makasalanan, kapag palapit sila sa Tagapagligtas, ay madalas ibinabato ni Satanas at pinupunit, upang ang sila’y maghirap ng lubusan sa kanilang mga isipan, at malapit sa handang sumuko sa kawalan ng pag-asa (Isinalin mula kay C. H. Spurgeon, “The Comer’s Conflict With Satan,” The New Park Street Pulpit, Pilgrim Publications, 1981 inilimbag muli, volume II, p. 369).
“At samantalang siya'y lumalapit, ay ibinuwal siya ng demonio, at pinapangatal na mainam. Datapuwa't pinagwikaan ni Jesus ang karumaldumal na espiritu, at pinagaling ang bata, at isinauli siya sa kaniyang ama” (Lucas 9:42).
Mayroon rito ngayon, gayon man, na tatawa sa ipinangangaral ko ngayon umaga. A! mga ginoo, maaring gawin ninyo ito [ngunit sana’y paniwalaan ninyo ito]. Kahit na malungkot ang karanasan ng pagiging napunit kapag lumalapit kay Kristo, mas gusto ko pang makita kang ganoon kay sa makita kang buo, malayo kay Kristo. Mas maiging mapunit ng pira piraso palapit sa Tagapagligtas, kay sa magkaroon ng tumutunog, na buong puso malayo sa kanya. Manginig, makasalanan, manginig, dahil kung hindi ka lalapit kay Kristo, ika’y kanyang pipilasin sa huli… “Mag-ingat kayong nakalilimot sa Diyos, sa takot na ika’y kanyang pipilasing pira piraso at maging walang kahit anong maliligtas”… Anong makukuha mo kung matamo mo ang buong sanglibutan at mawala ang iyong kaluluwa? (isinalin mula sa ibid.. p. 376).
Ibibigay ko ang umaga ng Linggong sermon bukas sa II Mga Taga Corinto 4:3-4,
“At kung ang aming evangelio ay natatalukbungan pa, ay may talukbong sa mga napapahamak: Na binulag ng dios ng sanglibutang ito ang mga pagiisip ng mga hindi nagsisisampalataya, upang sa kanila'y huwag sumilang ang kaliwanagan ng evangelio ng kaluwalhatian ni Cristo, na siyang larawan ng Dios” (II Mga Taga Corinto 4:3-4).
Natatapos it okay Bulag na Bartimeo na nagpunyaging makalapit kay Kristo upang mapagaling ang kanyang pagkabulag. Ang pagpupunyagi ni Bartimeo upang makapunta kay Kristo sa kanyang pagkabulag ay, naniniwala ako, isang larawan noong mga di-napagbabagong loob upang malampasan ang Satanikong pagbubulag ng iyong isipan, upang maaring mabuksan ni Kristo ang iyong espiritwal na mga mata at maligtas ka. Naniniwala ako na dapat kang magpunyari tulad niya upang makalaya mula sa nakabubulag na kapangyarihan ni Satanas at mahanap ang kaligtasan kay Kristo Hesus.
Ibibigay ko ang gabi ng Linggong sermon bukas ng gabi sa Mateo 11:12,
“At mula sa mga araw ni Juan Bautista hanggang ngayon, ang kaharian ng langit ay nagbabata ng karahasan, at kinukuha nang sapilitan ng mga taong mararahas” (Mateo 11:12).
Ang paksa sa gabi ng Linggong sermon ay ito: mga kabataang desperado para sa kaligtasan ay mahahanap ito sa bawat beses. Ngunit yoong mga walang malakas na pagnanais na mapagbagong loob, ay hindi magiging kailan man. Ang pamagat ng panggabing sermon ay “Ang mga Marahas Lamang ang Maliligtas! Lahat ng Marahas ay Ligtas!”
Hindi ka gusto ni Satanas na mapagbagong loob. Parehong mga sermon bukas ay magpapakita sa iyo na dapat kang magpunyaging makapasok kay Kristo, dahil lalabanan ka ni Satanas gamit ng lahat ng kanyang kapangyarihan mula sa pagsasagawa nito.
Ang mga pagpupunyaging dapat mong pagdaanan ay isang pagpupunyagi kay Satanas. Itinuro ni Dr. Nettleton na dapat kang maging
1. Natagpuang nagkasala ng panlabas ng mga kasalanan.
2. Tapos ay dapat kang matagpuang nagkasala ng mga makasalanang kaisipan.
3. Tapos dapat kang magkaroon ng malalim na pagkatagpong nagkasala – isang pagkatagpong nagkasala na ang iyong puso ay matigas dahil ito’y lubusang napasama ng orihinal na kasalanan. Dapat kang mapunta sa matinding pagkawalan ng pag-asa na iyong kailan man matatagpuan ang kaligtasan hangang baguhin ni Kristo ang iyong pinaka-puso – hangang sa ika’y kanyang pagbaguhing loob, babaguhin ka sa iyong puso mula sa pagiging anak ni Satanas na maging anak ng Diyos. Dapat kang maging sumasakit na may pagkabatid na kung hindi babaguhin ng Diyos ang iyong puso sa pamamagitan ng biyaya, ika’y hindi kailan man mapagbabagong loob. Kung hindi mo pa kailan man nadama ang iyong sariling puso ay sira at lubos na nasa ilalim ng kasalanan at ang kapangyarihan ni Satanas, ika’y di kailan man magpupunyaging makalalaya mula sa kasalanan ng iyong pinaka kalikasan at ng kapangyarihan ni Satanas. Sinabi ni Dr. Nettleton, “Kung hindi pa nararamdaman ng makasalanan [ang teribleng kasalanan ng kanyang sariling puso] siya’y hindi pa rin napupunta sa ilalim ng [tunay] na pagkatagpong nagkasala ng kasalanan, o nadama ang pangangailangan niya [para sa kaligtasan na na kay Kristo].” (Isinalin mula kay Dr. Asahel Nettleton, from Bennet Tyler and Andrew Bonar, Nettleton and His Labours, Banner of Truth Trust, 1975 inilimbag muli; pinasimple mula kay Nettleton, ibid.).
Naway mapagpasyahan mong makinig sa dalawang sermon bukas na parang ang buhay mo’y nakasalalay rito – dahil nakasalalay nga ito rito. Naway magpunyago ka sa lahat ng iyong lakas, bilang resulta ng mga sermong ito bukas, maging malaya mula kay Satanas at makahanap ng pagpapahinga at kapayapaan sa pamamagitan ni Hesus, at paglilinis mula sa iyong kasalanan sa pamamagitan ng Kanyang Dugo, dahil
“nililinis tayo ng dugo ni Jesus na kaniyang Anak sa lahat ng kasalanan” (I Juan 1:7).
Pagpasyahan mo ngayon na kung ika’y magpupunyagi laban sa Satanas, at lumapit kay Kristo, dahil Siya mag-isa ang makaliligtas sa iyo mula sa kasalanan, impiyerno, at sa hukay. Naway tulungan ka ng Diyos sa iyong pagpupunyagi bukas! Amen.
(KATAPUSAN NG PANGARAL)
Maari ninyong mabasa ang mga sermon ni Dr. Hymers linggo-linggo sa Internet
sa www.realconversion.com. I-klik ang “Mga Pangaral sa Tagalog.”