Print Sermon

Ang mga pangaral na manuskrito at mga videyo ay ngayon lumalabas sa 1,500,000 na mga kompyupter sa lampas na 221 na mga bansa kada taon sa www.sermonsfortheworld.com . Daan-daang iba ang nanonood ng mga videyo, sa YouTube, ngunit di nagtatagal ay iniiwan ang YouTube at nagpupunta sa aming websayt, dahil bawat pangaral ay nagtuturo sa kanila papalyo mula sa YouTube tungo sa aming websayt. Ang YouTube ay nagdadala ng mga tao sa aming websayt. Ang mga pangaral na manuskrito ay ibinibigay sa 46 na mga wika sa halos 120,000 na mga kompyuter kada buwan. Ang pangaral na manuskrito ay hindi nakarapatang magpalathala, kaya nagagamit ng mga mangangaral ang mga ito na walang pahintulot. Mayroong daan-daang mga videyo ni Dr. Hymers at ng kanyang mga estudyanteng nangangaral. Ang mga manuskrito ay hindi nakarapatang magpalathala, ngunit lahat ng mga videyo nakarapatang magpalathala. Paki-klik ito upang matutunan kung paano ka maaring gumawa ng isang buwan-buwanang donasyon upang tulungan kami sa dakilang gawaing ito ng pagkakalat ng Ebanghelyo sa buong mundo, kasama ang mga Muslim at mga Hindu na mga bansa.

Tuwing nagsusulat kay Dr. Hymers, laging sabihin sa kanya kung anong bansa ka nakatira, o hindi ka niya masasagot. Ang email ni Dr. Hymers’ ay rlhymersjr@sbcglobal.net .




ANG BANAL NA ESPIRITU AY NAKASENTRO KAY KRISTO

THE HOLY SPIRIT IS CHRISTOCENTRIC

ni Dr. R. L. Hymers, Jr.

Isang pangaral na ipinangaral sa Baptist Tabernacle ng Los Angeles
Umaga sa Araw ng Panginoon, Ika-10 ng Mayo taon 2009

“Siyang magpapatotoo sa akin” (Juan 15:26).


Nabubuhay tayo sa panahon ng kasaysayan ng Kristiyanismo na mayroong matinding pag-uusap tungkol sa Banal na Espiritu. Gayon sa parehong beses walang tradisyonal na muling pagbabangon sa Kanlurang mundo. Idiniin ng mga simbahan ang Banal na Espiritu, ngunit hindi ito nagdala ng tunay na muling pagbabangon, tulad noong nakaraan. An gating teksto ay nagbibigay linaw sa kung bakit nangyari ito.

“Siyang magpapatotoo sa akin” (Juan 15:26).

Tunay na muling pagbabangon ay palaging naka sentro kay Kristo; iyan ay si Kristo ay ang sentro ng pangangaral.

Sa Repormasyong muling pagbabangon na dumating sa loob ng isang pagdidiin sa pagpapatotoo. Ang pangangaral ni Luther ay naka-tuon sa katunayan na tayo ay napatotoo lamang sa pamamagitan ng pananampalataya kay Kristo – na ang isang tao’y hindi magagawang makatuwiran ang kanyang sarili sa paningin ng Diyos sa pamamagitan ng paggawa ng mabubuting bagay – na dapat kang mapatotoo kay Kristo lamang, sa pamamagitan ng pananampalataya sa Kanya. Ang pagdidiin na iyan ay pinagpala ng Diyos, at matitinding muling pagbabangon ang dumating, dahil si Kristo ang nasa sentro ng pangangaral.

Sa Dakilang Paggigising ng ika-walong siglo, muling pagbabangon ang dumating sa loob ng isang pagdidiin sa muling pagbabangon. Ang pangangaral ni Whitefield, Wesley at mga iba ay nakasentro sa muling pagbabangon, ang bagong pagkapanganak. Muli, ito ay nakasentro kay Kristo. Ang pangangaral ay nagdidiin na ang tao ay maipapanganak lamang muli sa pamamagitan ng pananampalataya kay Hesu-Kristo. Si Kristo ay nasa sentro nito. Ang pagdidiin na ito ay nagpatuloy sa Pangalawa at sa Pangatlong Dakilang Pagigising sa gitna ng ika-19 na siglo.

Ngunit pagkatapos ng Pangatlong Pagigising ng taong 1859, ang pagdidiin ay naging malayong lubos mula sa gawain ni Kristo, patungo sa gawain ng tao. Si Charles G. Finney at ang kanyang mga tagasunod ay nagdidiin ng mga “desisyon” ng tao imbes na gawain ng Diyos.

Sa ika-labin dalawang siglo ang nakasentrong taong “desisyonismo” ay naging tuyo at walang bunga. Maraming mga tao ang nakadama na mayroong maliit na pagdidiin sa mga hindi natural. Nasaan ang Diyos sa lahat ng mga ito? Kaya, mayroong isang paglipat sa kabaliktarang direksyon, at isang bahago ng ebanghelikalismo ay nagsimulang idiin ang hindi natural. Ngunit sa pagsasagawa nito napaka rami sa kanila ang nakagawa ng nakamamatay na pagkakamali – at iyan ay para ilagay ang Banal na Espiritu sa sentro, imbes na si Kristo. Ang pangangaral ng mga kalalakihang ito ay hindi na nakasentro kay Kristo. Si Kristo ay nababanggit, ngunit ang Banal na Espiritu talaga ang sentro ng kanilang mensahe.

Ngayon, mayroon tayong mga estasyon sa telebisyon na ibinibigay sa Banal na Espiritu. Ngayon ay mayroon tayong maraming mga simbahan at mga pagkikilos na nagpapatuloy na ine-endorso ang Banal na Espiritu. Mayroong madalas na pangangaral tungkol sa Banal na Espiritu sa gitna noong mga nasa kilusang ito. Gayon man katapat ng mga kalalakihang ito, sa palagay ko sila ay mali. At naniniwala ako na ang ating teksto ay nagpapakita sa atin kung bakit sila mali. Sinabi ni Kristo,

“Siyang [ang Banal na Espiritu] magpapatotoo sa akin [si Kristo]” (Juan 15:26).

Ipagsama iyan kasama ng mga salita ni Kristo sa kapitulo labin anim,

“Siyang magpapatotoo sa akin” (Juan 15:26).

At tapos ay tandaan ang sinabi ni Kristo sa susunod na berso,

“Luluwalhatiin niya ako” (Juan 16:14).

Ang mga bersong ito ay nagpapakita sa atin kung ano ang mali sa makabagong sanga ng ebanghelikal na Kristiyanismo, na nagbibigay ng isang di-kinakailangan at di-ayon sa kasulatang pagdidiin ng Banal na Espiritu

.

“Hindi siya magsasalita ng mula sa kaniyang sarili” (Juan 16:13).

“Luluwalhatiin niya ako” (Juan 16:14).

“Siyang magpapatotoo sa akin” (Juan 15:26).

Ang tunay na gawain ng Banal na Espiritu ay inilalagay kay Kristo sa pinaka sentro ng ating pangangaral, upang ilagay si Kristo sa pinaka sentro ng ating pagkaligtas at na ating Kristiyanong buhay.

Nagkaroon ng isang reaksyon laban sa di-pagka-ayon sa kasulatang pagdidiin ng Banal na Espiritu. Ngunit hangang ngayon ang reaksyon ay lumipat sa direksyon ng pagdidiin sa kaalaman at teyolohiya ng Bibliya. Ang mga kalalakihang ito ay nagsasabing, sa epekto, “Nagkaroon ng masyadong maraming pag-uusap tungkol sa Banal na Espiritu. Ang kailangan nating idiin ay ang pag-aaral ng Bibliya at teyolohiya.” Ngunit, muli, gayon mang katapat sila, at sigurado akong marami sa kanila ay mali. Sinabi ni Hesus,

“Saliksikin ninyo ang mga kasulatan, sapagka't iniisip ninyo na sa mga yaon ay mayroon kayong buhay na walang hanggan; at ang mga ito'y siyang nangagpapatotoo tungkol sa akin”
     
 (Juan 5:39).

Kaya muli, nakikita natin ang pagkakamali ay nangagaling sa hindi pagiging sentro kay Kristo, ng paglalagay ng dokritna ng Bibliya sa lugar ni Hesu-Kristo Mismo. Ang kaalaman ng Bibliya ay madalas umuusog ng maraming mga di-karismatikong bilog.

Ang Banal na Espiritu at ang pag-aaral ng Bibliya, mahalaga man sila, ay hindi dapat ang sentro ng ating pangangaral.

“Siyang magpapatotoo sa akin” (Juan 15:26).

Ang kaalaman ng Bibliya mismo, mahalaga man ito, ay hindi dapat ang sentro ng ating mensahe. Itinuturo tayo ng Bibliya kay Kristo.

“Ito'y siyang nangagpapatotoo tungkol sa akin” (Juan 5:39).

O, gaya ng paglagay nito ng Apostol Pablo,

“Ang mga banal na kasulatan na makapagpadunong sa iyo sa ikaliligtas sa pamamagitan ng pananampalataya kay Cristo Jesus” (II Kay Timoteo 3:15).

Si Kristo Hesus ay dapat nasa sentro ng lahat ng ating mga ebanghelistikong sermon!

Ang ibig sabihin ng Griyegong salitang “magpatotoo” sa Juan 5:39 ay “saksi.” Ang gawain ng Banal na Espiritu at ng pagtuturo ng Bibliya ay dapat “magsaksi” o “magpatotoo” tungkol kay Kristo, “ang Kordero ng Diyos, na nag-aalis ng kasalanan ng sanglibutan” (Juan 1:29).

“Siyang magpapatotoo sa akin” (Juan 15:26).

Sa ika-labing anim na kapitulo ng Juan tayo ay binibigyan ng tatlong mga bagay ginagawa ng Banal na Espiritu sa puso ng isang di-naniniwala upang gawin si Kristo ang sentro sa kanya. Gusto kong pag-isipan nating mabuti ang tatlong mga bagay na ito na ginagawa ng Banal na Espiritu. Kung hindi ka pa rin napagbabagong loob kay Kristo, dapat kang makinig ng mabuti.

I. Una, ang Banal na Espiritu ay nangungumbinsi sa atin ng
kasalanan upang ituro ka kay Kristo.

Pansinin ang Juan 16:8-9,

“At siya, [ang Banal na Espiritu] pagparito niya, ay kaniyang susumbatan ang sanglibutan tungkol sa kasalanan, at sa katuwiran, at sa paghatol: Tungkol sa kasalanan, sapagka’t hindi sila nagsisisampalataya sa akin” (Juan 16:8-9).

Ang salitang “susumbatan” ay isinalin mula sa Griyegong salitang “elencho.” Ayon kay Leon Morris, ang ibig sabihin ng salitang ito ay,

“Upang magbunyag, magpakitang nagkasala, upang ieksamen para sa layunin ng pangungumbinsi o pagsasalungat ng isang kalaban, lalong ginagamit sa mga legal na pangyayari” (Isinalin mula kay Leon Morris, The Gospel According to John, London: Marshall, Morgan and Scott, 1972).

Ngayon hindi ba iyan isang maiging paglalarawan ng kung ano ang ginagawa ng Banal na Espiritu sa puso ng isang nawawalang tao? Mayroon iyong mga nagsasabing hindi kailangan nitong mangyari bago ang isang ligaw na tao’y mapagbagong loob. Minamaliit nila ang gawaing ito tinatawag iton “preparasyonismo.” Ngunit mali sila upang tignan itong gawaing ito bilang di-kailangan. Kung ito’y di-kailangan para sa Banal na Espiritu na gawin ang gawaing ito sa puso ng isang makasalanan bago siya umikot kay Hesus, gayon bakit ibibigay ito ni Kristo bilang kanyang unang gawain ng Banal na Espiritu sa Juan 16:8-9? Kung hindi mo kinakailangang masumbatan ng kasalanan ng Banal ng Espiritu, bakit sasabihin ni Hesus na kailangan mo ito?

“At siya, pagparito niya, ay kaniyang susumbatan ang sanglibutan tungkol sa kasalanan” (Juan 16:8-9).

Yoong mga laban sa tinatawag nilang “preparasyonismo” ay nagsasabi sa atin na ang makasalanan ay hindi kailangang masumbatan. Sinasabi nila na ang di nasumbatang mga makasalanan ay maaring makalapit kay Kristo at maligtas na walang gawaing ito ng pagsusumbat na ginagawa sa kanilang mga puso sa pamamagitan ng Banal na Espiritu. Ngunit mali sila. Alam natin na sila’y mali dahil sinabi ni Hesu-Kristo ang gawaing ito ay kinakailangan.

“At siya, pagparito niya, ay kaniyang susumbatan ang sanglibutan tungkol sa kasalanan” (Juan 16:8-9).

Gaya ng paglagay nito ni Dr. Morris, ang gawain ng Banal na Espiritu sa pagsusumbat ay

“Upang magbunyag, magpakitang nagkasala, upang ieksamen para sa layunin ng pangungumbinsi o pagsasalungat [di-pagsang-ayon] ng isang kalaban, lalong ginagamit sa mga legal na pangyayari” (ibid.).

Iyan ay tiyak na ang ginagawa ng Banal na Espiritu upang ihanda ang isang puso ng tao upang tangapin si Kristo sa pagbabagong loob. At hindi ako nag-aalinlangan sa bahagyang gamit ng salitang “paghahanda” upang ilarawan ang Kanyang ginagawa.

Makita mo, ang puso at isipan ng isang ligaw na makasalanan ay binubulag ng kasalanan. Napaka bulag ng di-napagbagong loob na puso na hindi naniniwala ang sarili nito bilang makasalanan tulad nito talaga. Ngunit ang Bibliya ay nagtuturo na ang di-napagbagong loob na puso ay nabaluktot at nabago. Sinasabi ng Kasulatan,

“Ang puso ng mga anak ng mga tao ay puspos ng kasamaan, at kaululan ang nasa kanilang puso” (Eclesiastes 9:3).

Kung makakikita tayo sa kailaliman ng iyong puso, anong kaululan, anong kahibangan at kasalanan ang matatagpuan natin doon! Anong kasamaan ang mahahanap natin kung alam natin ang kaisipan at pakiramdam na dumadaloy sa iyong puso bawat araw! Hindi mo ba minsan naiisip ang tungkol diyan? Hindi mo ba minsan ikinahihiya ang iyong mga kaisipan mayroon ka?

Isang ligaw na kabataan ang nagsabi sa akin, “Pastor, mayroon ako makasalanan, hibang na mga kaisipan sa lahat ng oras!” Nakadama ka nab a ng tulad niyan?

Pagkatapos, itinuturo ng Bibliya na ang iyong puso ay puso ng pakana at pandaraya. Wala kang tapat na puso ano man! Sinasabi ng Bibliya,

“Ang puso ay magdaraya ng higit kay sa lahat na bagay, at totoong masama” (Jeremias 17:9).

Ibig sabihin nito na ang iyong puso ay puno ng pag-iiwas at pagdadahilan, at pagpapagaan ng sarili at sariling pagkahibang, na pumipigil sa iyo mula sa pangingilala kay Hesu-Kristo. Hindi mo lamang dinadaya ang iyong sarili, kundi dinadaya mo rin ang iyong sarili sa pag-iisip na ika’y isang mabuting tao – na ang katotohanan ay ang kabaligtaran: mayroon kang isang mandaraya, traydor, malupit na lubusang puso.

Ngayon, hangang sa aminin mo na, ika’y hindi handang itapon ang iyong sarili sa awa ni Kristo. At ito’y ang gawain ng Banal na Espiritu ng Diyos upang gawin kang makita mo ang kasamaan, kaululan, pandaraya at kasamaan ng iyong sariling makasalanang puso. Iyan ang dahilan na ang Banal na Espiritu ay “sumusumbat” sa iyo sa iyong kasalanan – upang ihanda ka upang makita ang pangangailangan mo kay Kristo.

“At siya, pagparito niya, ay kaniyang susumbatan ang sanglibutan tungkol sa kasalanan” (Juan 16:8).

Ang Banal na Espiritu ay kumikilos na parang isang nang-uusig na abogado upang kumbinsihin ka na ika’y isang sirang makasalanan sa iyong puso. Inilalantad niya sa iyo ang iyong mga kasalanan. Ipinapakita niya ito sa iyo. Maari niyang gawin ito sa pagdadala ng iyong isipan sa isang particular na kasalanan na iyong nagawa. Maari niyang gawin madama ng iyong konsensya ang pag-kakasala ng kasalanang ito. Sinasabi ng Bibliya,

“At sila, nang ito'y kanilang marinig, [nahanap na may sala ng kanilang sariling konsensya] ay nagsialis na isa-isa” (Juan 8:9) – KJV.

Ito ang gawain ng Banal na Espiritu, kinukumbinse ka ng iyong sariling konsenya ng kasalanan.

Kung gagawa ka ng dahilan dahil sa pagkakasala, di sasang-ayon sa iyo ang Banal na Espiritu, tulad ng nag-uusig na na abogado sa isang pag-uusig. Nakikipagtalo sa iyo ang Banal na Espiritu, sa iyong konsensya, hangang ika’y makumbinsi na mayroon kang malubhang makasalanang puso, hangang sa ika’y nagnanais na magsabi, sa iyong sarili, “Ang aking pinaka kalikasan ay makasalanan. Ako’y sira at ligaw. Hindi ko maliligtas ang aking sarili.” Iyan ang unang gawain ng Banal na Espiritu – upang mangumbinsi ng kasalanan, upang kumbinsihin ka na ika’y makasalanan sa kalikasan.

Hangang sa mapunta ka sa puntong ito, ang ebanghelyo ni Kristo ay magmukhang malayong kasaysayan, o tulad ng isang kwento sa Griyegong mitolohiya. Hindi ka mag-iisip masyado ng tungkol sa kamatayan ni Kristo o magbayad para sa iyong kasalanan hangang sa ika’y makumbinsi sa iyong kalooban ng kasamaan, kalupitan, kadayaan, at nakabaluktot na katraydoran ng iyong lubos na makasalanang puso.

Bago ka kukumbinsihin ng Banal na Espiritu ng iyong makasalanang puso at kalikasan, hindi mo maiisip na mataas si Hesus. Sinasabi ng Bibliya sa atin na

“Siya'y hinamak at itinakuwil ng mga tao… at gaya ng isa na pinagkublihan ng kanilang mukha ng mga tao” (Isaias 53:3).

O, para maging sigurado, maari mong bangitin si Kristo, o aralin ang mga berso sa Bibliya tungkol sa Kanya, at sabihin ang pangalan ni Kristo sa panalangin. Ngunit ang tunay na katotohanan ay na ikinukubli mo ang iyong mukha mula kay Kristo – dahil wala kang nakikitang tunay na pangangailangan sa Kanya – hangang sa kumbinsihin ka ng Banal na Espiritu na ika’y sira at nakondena na wala Siya. Kapag ika’y tunay na makumbinsi na ika’y makasalanan na makikita mo ang kahit anong tunay na pangangailangan na manampalatayang makapagliligtas kay Kristo Hesus. Sa Juan 16:9, sinabi ni Hesus,

“Tungkol sa kasalanan, sapagka't hindi sila nagsisampalataya sa akin” (Juan 16:9).

Kaya, ang Banal na Espiritu ay mangungumbinsi sa iyo patungkol sa iyong makasalanang kalikasan, na hindi mo alam o nadama noon. Inilalagay ng Banal na Espiritu si Kristo sa sentro kapag inilalagay ka Niya sa ilalim ng pagkakahanap na nagkasala ng iyong kasalanan. Ito’y sa pamamagitan ng pagkakahanap na nagkasala na ang Espiritu’y magbibigay sa iyo ng isang “nadamang pangangailangan” para kay Kristo. Gayon, si Kristo’y ginawang sentro sa iyo sa pamamagitan ng pagkakahanap na nagkasalang gawain ng Espiritu ng Diyos.

“Siyang magpapatotoo sa akin” (Juan 15:26).

II. Pangalawa, ang Banal na Espiritu ay mangungumbinsi sa iyo ng iyong pagkamakatuwiran upang ituro ka kay Kristo.

Tignan ang berso sampu,

“Tungkol sa katuwiran, sapagka't ako'y paroroon sa Ama, at hindi na ninyo ako makikita” (Juan 16:10).

Ibinibigay ni Dr. J. Vernon McGee ang kumentong ito,

Hindi tayo makatatayo sa presensya ng Diyos kung tayo’y mga pinatawad na mga criminal lamang. Inilagay ni Kristo ang Kanyang katuwiran…hindi Niya lamang binabawasan ang ating kasalanan, ngunit idinadagdag ang Kanyang katuwiran. Kung tayo’y magkakaroon ng kahit anong katayuan sa harap ng Diyos, dapat tayong na kay Kristo at Siya ay ang ating katuwiran…Siya ay ipinadala para sa ating mga krimen, at Siya ay ibinangon muli para sa ating pagpapatotoo [pagkatuwiran] (Isinalin mula kay Dr. J. Vernon McGee, Thru the Bible, Thomas Nelson, 1983, volume IV, p. 473).

“Tungkol sa katuwiran, sapagka't ako'y paroroon sa Ama, at hindi na ninyo ako makikita” (Juan 16:10).

Habang si Hesus ay nasa lupa, ipinakita Niya sa mga ligaw na tao na sila ay di makatuwiran, kailangan nila ng Kanyang katuwiran. Ngayon na Siya’y umakyat sa kanang kamay ng Diyos sa Langit, ang Banal na Espiritu ay nagpapatuloy na ipakita sa mga ligaw ng mga tao na sila ay di makatuwiran, at na kailangan nila ng katuwiran ni Kristo maidamay sa kanilang talaan. Sinasabi ng Bibliya na ang katuwiran ng Diyos ay inilalagay sa atin sa pamamagitan ng pananampalataya kay Kristo,

“Datapuwa't sa kaniya na hindi gumagawa, nguni't sumasampalataya sa kaniya na umaaring ganap sa masama, ang kaniyang pananampalataya ay ibibilang na katuwiran. Gaya naman ng sinasambit ni David na kapalaran ng tao, na sa kaniya'y ibinibilang ng Dios ang katuwiran nang walang mga gawa” (Mga Taga Roma 4:5-6).

Ngayon bumalik tayo’t pag-isipang muli ang bersong iyan sa Juan 16:10.

“Tungkol sa katuwiran, sapagka't ako'y paroroon sa Ama, at hindi na ninyo ako makikita” (Juan 16:10).

Una, ang ibig sabihin nito’y ang Banal na Espiritu ay kukukmbinsi sa iyo nag si Hesus ay isang makatuwirang tao. Hindi Siya isang manungayaw o isang malupit na manloloko, gaya ng sinasabi ng mga tao. Sa araw ng Pentekostes, kinukumbinsi ng Banal na Espiritu ang marami sa mga taong ito na si Hesus ay aktwal na makatuwirang tao. Sinabi ni Pedro,

“Si Jesus na taga Nazaret, lalaking pinatunayan ng Dios sa inyo sa pamamagitan ng mga gawang makapangyarihan at mga kababalaghan at mga tanda na ginawa ng Dios sa pamamagitan niya sa gitna ninyo” (Mga Gawa 2:22).

Ipinapakita sa kanila ng Banal na Espiritu na si Hesus ay talagang tunay na “lalaking pinatunayan ng Diyos,” isang makatuwirang tao, hindi isang manungayaw, o isang sinapian ng demonyong manloloko, gaya ng sinasabi ng maraming mga Fariseo. Ginagawa ng Banal na Espiritu ang parehong gawain ngayon. Ipinapakita niya sa iyo na si Hesus ay makatuwiran, ang walang salang Anak ng Diyos. Ipinapakita sa iyo ng Banal na Espiritu na si Kristo lamang ang makagagawa sa iyong makatuwiran.

Ngunit pangalawa, ipinapakita sa iyo ng Banal na Espiritu, na kapag ika’y lalapit kay Hesus, ang Kanyang perpekto, walang salang katuwiran ay malalagay sa iyong talaan at ika’y ginagawang makatuwiran sa paningin ng Diyos, upang hindi makita ng Diyos ang iyong kasalanan, ngunit ang katuwrian lamang ni Kristo. Gaya ng paglagay nito ng tanyag na himno,

Kapag Siya’y darating na may tunog ng trumpeta,
   O, naway ako’y gayon mahanap sa Kanya;
Nakadamit sa Kanyang pagkamakatuwirang mag-isa,
   Walang salang nakatayo sa harap ng trono.
   (“Ang Matiga na Bato” Isinalin mula sa
     “The Solid Rock” ni Edward Mote, 1797-1874).

“Nakadamit sa Kanyang pagkamakatuwirang mag-isa, Walang salang nakatayo sa harap ng trono.” Anong perpektong paraan upang ilarawan ang inilagay na katuwiran ni Kristo na ibinigay sa isang nagsisising makasalanan!

Si Kristo ay nagpunta na sa Ama, at hindi mo Siya nakikita. Ngunit ang Banal na Espiritu ay nangungumbinsi sa iyo na Siya ay naroon. Ang Banal na Espiritu ay nangungumbinsi sa iyong magtiwala sa Kanya. Kapat magtitiwala ka kay Hesus, ika’y nadadamitan sa Kanyang katuwiran. Ika’y na

“…kay Cristo Jesus, na sa atin ay ginawang…katuwiran at kabanalan…” (I Mga Taga Corinto 1:30).

Ang maging na “kay Kristo” ay parang pagiging nasa daong ni Noe. Ginawa ni Noe ang daong at pumasok sa loob nito sa pamamagitan ng pananampalataya.

“Sa pananampalataya si Noe…dala ng banal na takot, ay naghanda ng isang daong sa ikaliligtas ng kaniyang sangbahayan… at naging tagapagmana ng katuwiran na ayon sa pananampalataya” (Mga Hebreo 11:7).

Pumasok si Noe sa daong. Prinotektahan siya ng daong mula sa paghahatol ng Diyos at dinala siya sa kaligtasan. Si Kristo ay parang isang daong. Kapag ika’y na “kay Cristo Jesus” (I Mga Taga Corinto 1:30) ika’y maproprotektahan mula sa paghahatol at magiging “tagapagmana ng katuwiran na ayon sa pananampalataya” (Mga Taga Hebreo 11:7). Ika’y kasing ligtas kay Kristo gaya ni Noe sa daong!

Gaya ng pagkadala ni Noe sa daong ng Diyos, gayon din ang paglalagay sa iyo ng Banal na Espiritu sa iyo “kay Cristo Jesus.”

Nakadamit sa Kanyang pagkamakatuwirang mag-isa,
  Walang salang nakatayo sa harap ng trono.

Hindi iyan pinaniniwalaan ng sanglibutan. Nito lang ay nakabasa ako ng isang panayam ng isang Katolikong pare na nagsabi na ang paraan ng pamumuhay mo ay nagpapakita kung ika’y pupunta sa Langit o hindi. Sinabi niya ika’y pupunta sa Langit kung bubuhayin mo ang isang mabuting buhay.

Ito ang isa sa mga pangunahing pakakaiba ng pinaniniwalaan ng mga Katoliko at ng itinuturo ng Bibliya. Sinasabi ni’a na ika’y pupunta sa Langit sa pamamagitan ng pamumuhay ng isang mabuting buhay. Ngunit hindi ba iyang ang iniisip ng lahat sa sanglibutan? Halos lahat ay nag-iisip niyan! Ngunit sila ay mali.

At iyan ang iisipin mo, sa ilang anyo o iba, hangang sa kumbinsihin ka ng Banal na Espiritu na ang iyong makasalanang puso ay masyadong makasalanan na makabubuhay kailan man ng isang sapat na mabuting buhay – hangang sa kumbinsihin ka ng Banal na Espiritu na dapat kang maligtas ng pagkamakatuwiran ni Kristo mag-isa. Dapat kang lumapit kay Hesus at madamitan sa Kanyang katuwiran o ika’y hindi tunay na naligtas.

Si Noe ay hindi naligtas dahil “bumuhay siya ng isang mabuting buhay!” Hindi- siya ay naligtas dahil siya’y nasa loob ng daong! Dapat kang na kay Kristo! Si Kristo mag-isa ang makaliligtas sa iyo! Si Kristo mag-isa ang makabibigay sa iyo ng Kanyang kabutihan at Kanyang katuwiran. Dapat kang maging na “kay Cristo Jesus” (I Mga Taga Corinto 1:30). Ang Banal na Espiritu mag-isa ang makabibigay sa iyo niyan. Inilalagay niya si Kristo sa sentro ng iyong puso at buhay sa pamamagitan ng pagpapakita sa iyo ng pangangailangan para sa Kanyang ipinatong na katuwrian.

“Syang magpapatotoo sa akin” (Juan 15:26).

“At siya, pagparito niya, ay kaniyang [kukumbinsihin] ang sanglibutan tungkol sa kasalanan, at sa katuwiran, at sa paghatol” (Juan 16:8).

III. Pangatlo, ang Banal na Espiritu ay magngungumibinsi ng paghahatol upang ituro ka kay Kristo.

Tignan ang berso labing isa,

“Tungkol sa paghatol, sapagka't ang prinsipe ng sanglibutang ito ay hinatulan na” (Juan 16:11).

Ang “prinsipe ng sanglibutan” ay si Satanas. Tinawag ni Hesus si Satanas “ang prinsipe ng sanglibutan” sa Juan 14:30, gaya ng ginawa Niya sa bersong ito. Si Satanas ay tinawag na “pangulo ng mga kapangyarihan ng hangin” sa Mga Taga Efeso 2:2. Pansinin na si Satanas ay tinawag na “prinsipe,” hindi “ang Hari.” Ang Diyos mag-isa ang Hari. Ngunit “ipinadala” ng Diyos ang makasalanang sanglibutang ito kay Satanas – at nalalapit na isang araw kukunin muli ng ito ng Diyos, dahil ang Diyos ay mas dakila kay sa sa Satanas.

“At iniakyat pa siya [si Hesus] niya, at ipinakita sa kaniya sa sandaling panahon ang lahat ng mga kaharian sa sanglibutan. At sinabi sa kaniya ng diablo, Sa iyo'y ibibigay ko ang lahat ng kapamahalaang ito, at ang kaluwalhatian nila: sapagka't ito'y naibigay na sa akin; at ibibigay ko kung kanino ko ibig” (Lucas 4:5-6).

Oo, pinahintulutan ng Diyos si Satanas upang maging “prinsipe ng sanglibutan” ng ilang panahon.

Ngunit sinasabi sa atin ng Juan 16:11 na si Satanas ay hinatulan na,

“Tungkol sa paghatol, sapagka't ang prinsipe ng sanglibutang ito ay hinatulan na” (Juan 16:11).

Ibinibigay ni Dr. McGee ang madunong na kumentong ito,

Ibig sabihin ba nito na ang paghahatol ay darating isang araw? Hindi, hindi sa bersong ito. “Tungkol sa paghatol, sapagka't ang prinsipe ng sanglibutang ito ay hinatulan na.” Ang prinsipe ng sanglibutan, si Satanas, ay nahatulan na…nabuhay tayo sa isang hinatulang sanglibutan. Ang isa ay nakadidinig na ang mga tao’y nagsasabi na ang sila’y makikipagsapalaran. Kumikilos sila na parang sila ay nasa pag-uusig. Kaibigan ko [kung ika’y di napagbagong loob] ika’y wala sa pag-uusig. Ang Diyos ay idineklara kang isang ligaw na makasalanan, at hinatulan ka na Niya (isinalin mula sa ibid.).

Si Satanas ay hinatulan na. Ang paghahatol na ito ay nalalapit na masasagawa. Sinasabi ng Diyos sa Apocalipsis 20:10,

“At ang diablo na dumaya sa kanila ay ibinulid sa dagatdagatang apoy at asupre…at sila'y pahihirapan araw at gabi magpakailan kailan man” (Apocalipsis 20:10).

Ang nakita ni Juan ay sa paghuhulang (nauuna sa panahon) sa Apocalipsis 20:10 ay nagawa ng katunayan. Ang Diablo ay nahatulan na. Hindi mababagong pagtatapos na siya ay maitatapon sa Lawa ng Apoy. Si Satanas ay simpleng nag-aantay para sa kanyang paghahatol na maisagawa. Ang Diablo tulad ng taong nasa pila ng kamataan, ay nag-aantay para sa kamara ng gas ng walang hangang paghihirap sa Impiyerno.

Ang Banal na Espiritu ay nangungumbinsi ng isang ligaw na makasalanan na ang paghahatol ay parating para sa kanya rin. Ika’y nasa ilalim ng paghahatol – ngayon,

“Tungkol sa paghatol, sapagka't ang prinsipe ng sanglibutang ito ay hinatulan na” (Juan 16:11).

Ang Diablo ay hindi lang ang nag-iisa sa pila ng kamatayan, na naghihintay para sa walang hangang apoy. Ikaw rin ay nasa pila ng kamatayan. Ang Banal na Espiritu lamang ang makapagpapakita sa iyo ng panganib na ito. Inilalagay niya si Kristo sa sentro – sa pamamagitan ng pagpapakita na nakaharap ka sa Paghahatol hangang sa ika’y na kay Kristo Hesus.

“Siyang magpapatotoo sa akin” (Juan 15:26).

Ang Banal na Espiritu ay naka-sentro kay Kristo. Inilalagay niya si Kristo sa sentro ng bawat punto na patungkol sa iyong kaligtasan!

Sinabi ni Kristo,

“Ang hindi sumasampalataya ay hinatulan na” (Juan 3:18).

Ika’y hinatulan na kung wala ka kay Kristo. Gaya ng paglagay nito ni Dr. McGee,

Kaibigan ko…Idineklara na ng Diyos na ika’y isang ligaw na makasalanan at ika’y Kanyang hinatulan na (isinalin mula sa ibid.).

Sinabi ni Hesus,

“Ang hindi sumasampalataya ay hinatulan na” (Juan 3:18).

Panalangin ko na ang Banal na Espiritu’y magkukumbinsi sa iyo na ika’y nahatulan na ng Diyos.

“Tungkol sa paghatol, sapagka't ang prinsipe ng sanglibutang ito ay hinatulan na” (Juan 16:11).

Panalangin ko na ang Espiritu ng Diyos ay magkukumbinsi sa iyo ng iyong makasalanang puso, ng iyong makasalanang kalikasan. Panalangin ko na kukumbinsihin ka niya na ang Dugo lamang ni Kristo at katuwiran ang makaliligtas sa iyo mula sa tiyak na paghahatol ng Diyos at ng walang hangang apoy ng Impiyerno.

At kaya, ang dakilang gawain ng Banal na Espiritu ay ang magkumbinsi sa iyo na kailangan mo si Hesu-Kristo. Namatay Siya sa Krus upang bayaran ang iyong mga kasalanan. Ang Kanyang Dugo ay makahuhugas ng iyong mga kasalanan. Itinuturo ka ng Banal na Espiritu kay Kristo.

“Siyang magpapatotoo sa akin” (Juan 15:26).

Panalangin ko na ika’y lumapit kay Kristo at maligtas sa Kanya mag-isa. Iyan ang itinuro ng mga Taga-reporma, mga Puritano, mga ebanghelista ng Unang Dakilang Pagigising, gayon din ng ating mga ninunong Bautismo. Ito’y di ligtas na tangihan ang kanilang pagtuturo mula sa Salita ng Diyos dito sa napaka-halagang paksa. Naway dalhin ka ng Banal na Espiritu kay Kristo para sa paglilinis sa pamamagitan ng Kanyang mahal na Dugo!

(KATAPUSAN NG PANGARAL)
Maari ninyong mabasa ang mga sermon ni Dr. Hymers linggo-linggo sa Internet
sa www.realconversion.com. I-klik ang “Mga Pangaral sa Tagalog.”

Pagbabasa ng Kasulatan Bago ng Pangaral ni Dr. Kreighton L. Chan: Juan 16:7-11.
Kumanta ng Solo Bago ng Pangaral si Gg. Benjamin Kincaid Griffith:
“Oo, Alam Ko!” Isinalin mula sa “Yes, I Know!” (ni Anna W. Waterman, 1920).


BALANGKAS NG

ANG BANAL NA ESPIRITU AY NAKASENTRO KAY KRISTO

ni Dr. R. L. Hymers, Jr.

“Siyang magpapatotoo sa akin” (Juan 15:26)

(Juan 16:13-14; 5:39; II Timoteo 3:15; Juan 1:29)

I.   Una, ang Banal na Espiritu ay nangungumbinsi sa atin ng kasalanan
upang ituro ka kay Kristo, Juan 16:8-9; Eclesiastes 9:3;
Jeremias 17:9; Juan 8:9; Isaias 53:3.

II.  Pangalawa, ang Banal na Espiritu ay mangungumbinsi sa iyo ng iyong
pagkamakatuwiran upang ituro ka kay Kristo, Juan 16:10;
Mga Taga Roma 4:5-6; Mga Gawa 2:22; I Mga Taga Corinto 1:30;
Mga Taga Hebreo 11:7.

III. Pangatlo, ang Banal na Espiritu ay magngungumibinsi ng paghahatol
upang ituro ka kay Kristo, Juan 16:11; 14:30; Mga Taga Efeso 2:2;
Lucas 4:5-6; Apocalipsis 20:10; Juan 3:18.