Print Sermon

Ang mga pangaral na manuskrito at mga videyo ay ngayon lumalabas sa 1,500,000 na mga kompyupter sa lampas na 221 na mga bansa kada taon sa www.sermonsfortheworld.com . Daan-daang iba ang nanonood ng mga videyo, sa YouTube, ngunit di nagtatagal ay iniiwan ang YouTube at nagpupunta sa aming websayt, dahil bawat pangaral ay nagtuturo sa kanila papalyo mula sa YouTube tungo sa aming websayt. Ang YouTube ay nagdadala ng mga tao sa aming websayt. Ang mga pangaral na manuskrito ay ibinibigay sa 46 na mga wika sa halos 120,000 na mga kompyuter kada buwan. Ang pangaral na manuskrito ay hindi nakarapatang magpalathala, kaya nagagamit ng mga mangangaral ang mga ito na walang pahintulot. Mayroong daan-daang mga videyo ni Dr. Hymers at ng kanyang mga estudyanteng nangangaral. Ang mga manuskrito ay hindi nakarapatang magpalathala, ngunit lahat ng mga videyo nakarapatang magpalathala. Paki-klik ito upang matutunan kung paano ka maaring gumawa ng isang buwan-buwanang donasyon upang tulungan kami sa dakilang gawaing ito ng pagkakalat ng Ebanghelyo sa buong mundo, kasama ang mga Muslim at mga Hindu na mga bansa.

Tuwing nagsusulat kay Dr. Hymers, laging sabihin sa kanya kung anong bansa ka nakatira, o hindi ka niya masasagot. Ang email ni Dr. Hymers’ ay rlhymersjr@sbcglobal.net .




ANG PANGAKO NI KRISTO SA NAPAGBAGONG LOOB
NA MAGNANAKAW

CHRIST’S PROMISE TO THE CONVERTED THIEF

ni Dr. R. L. Hymers, Jr.

Isang pangaral na ipinangaral sa Baptist Tabernacle ng Los Angeles
Umaga ng Araw ng Panginoon, 26 ng Abril taon 2009

“At sinabi niya sa kaniya, Katotohanang sinasabi ko sa iyo, Ngayon ay kakasamahin kita sa Paraiso” (Lucas 23:43).


Noong ipinako ng mga Romanong alagad si Kristo sa Krus dalawang magnanakaw ang ipinakong kasama niya, isa sa Kanyang kanang kamay at isa sa Kanya kaliwa. Para sa akin mukhang ang dalawang magnanakaw na ito ay nagrerepresenta sa buong lahi ng tao. Sa loob ng unang mga oras na si Hesus ay nasa Krus, tayo ay sinasabihan sa Ebanghelyo ng Marcos na pinagmumura Siya ng dalawang kalalakihang ito.

“At minumura siya ng mga kasama niyang nangapapako [pinagsalitaan ng mapaiit, (Isinalin mula kay Strong)]”
       (Marcos 15:32).

Mukhang, mula sa Ebanghelyo ni Mateo, na ang dalawang magnanakaw na ito ay inulit ang mga pinagsisigaw ng mga punong saserdote at mga manunulat.

“Nagligtas siya sa mga iba; sa kaniyang sarili ay hindi makapagligtas. Siya ang Hari ng Israel; bumaba siya ngayon sa krus, at tayo'y magsisisampalataya sa kaniya…At minumura din naman siya ng mga tulisang kasama niyang nangapapako sa krus” (Mateo 27:42, 44).

Ngunit, habang ay araw ay nauubos, isa sa mga magnanakaw ay nagkaroon ng pagbabago ng puso. Inamin niya na siya ay isang makasalanan, na karapat-dapat ng pagkapako sa krus, ngunit sinabi niya tungkol kay Hesus,

“Ang taong ito'y hindi gumagawa ng anomang masama”
      (Lucas 23:41).

Pakatapos sinabi ng nagsisising magnanakaw kay Hesus,

“Jesus, alalahanin mo ako, pagdating mo sa iyong kaharian” (Lucas 23:42).

Ito’y simple, walang ka-artehang panalangin, ngunit ipinakita nito ang kanyang pagbabagong loob, ang pagbabago ng kanyang puso. Ibinigay ni Hesus ang mga salitang ito sa ating teksto bilang kasagutan,

“At sinabi niya sa kaniya, Katotohanang sinasabi ko sa iyo, Ngayon ay kakasamahin kita sa Paraiso” (Lucas 23:43).

Marami tayong matututunang mga bagay mula sa tekstong ito.

I. Una, isang magnanakaw lamang ang binigyan ng pangakong ito.

Sinabi ni Hesus,

“Ngayon ay kakasamahin kita sa Paraiso” (Lucas 23:43).

Ibinigay ni Kristo ang pangakong iyan sa doon lamang sa lalakeng nakaranas ng pagbabago ng puso na tinatawag na “pagbabagong loob.”

Gaya ng sinabi ko, ang dalawang magnanakaw ay nagrerepresenta sa buong lahi ng tao sa maraming paraan. Parehong nilang pinagmumura si Kristo, gayon ipinapakit ang galit ng lahat ng tao sa Diyos,

“Sapagka’t ang kaisipan ng laman ay pakikipagalit laban sa Dios” (Mga Taga Roma 8:7).

Ang kanilang pakikipagalit at pangloob na inis sa Diyos ay nalalantad sa katunayang pareho nilang minura ang Diyos Anak.

Ang iyong sariling di-napagbagong loob na kaluluwa ay pakikipagalit laban sa Diyos ayon sa mga Kasulatan. Mayroong malalim na pakikipaglaban tungo sa Diyos sa iyong sariling di-napagbagong loob na puso, madalas ay nabubunyag sa maraming paraan, ilan ay bukas, at ilan ay palihim. Matanong kita, nagkasala ka na ba laban sa Diyos na walang ibang nakaka-alam kundi Siya? Matanong kita, nakadama ka nab a ng inis sa Diyos dahil hindi ka Niya pinagpapalaang ng higit higit pa? Nadama mo na bang minsan na mali ang Diyos sa pagpapadala ng mga tao sa Impiyerno? Natuklasan mo na bang minsan na wala kang kasiyahan sa pananalangin sa Diyos? At hindi ba totoo na ang pinaka-katunayang ayaw mong nananalangin ay patunay na ayaw mong nasa piling ng Diyos? Ikinaliligaya mo ba ang katotohanan kapag ito’y ipinangangaral sa iyo mula sa Salita ng Diyos? O hindi ka ba pinapalagay ng mga pangaral na ito, at pinapagalit minsan? At kung ang mga bagay na ito ay totoo sa iyo, hindi ba patunay nito na mayroon kang parehong pakikipag-away at pakikipagalitan sa iyong puso na tulad ng mayroon ang dalawang magnanakaw bago ang isa sa kanila ay nakaranas ng matinding pagbabago ng pagbabagong loob?

“Ngayon ay kakasamahin kita sa Paraiso” (Lucas 23:43).

At, mula noong ang pangako ng kaligtasan ay ibinigay lamang sa isa sa mga magnanakaw, ipinapakita nito na ang ilan ay maliligtas at ang iba ay maliligaw. Hindi ba ginawang malinaw ito sa talata sa Kasulatan? Ang mga liberal na mga mangangaral, na hindi lubusang naniniwala sa Bibliya, ay madalas ginagamit ang ating teksto sa mga libing, kapag sinasabi nila na ang isang ligaw na tao na hindi kailan man napagbagong loob ay mapupunta sa paraiso. Ngunit ito’y pagbabaluktot ng Kasulatan. Sinabi ng Apostol Pedro,

“Mga di nakaaalam at ng mga walang tiyaga [hinahatak na binabaluktot, naiba ang itsura, (Isialin mula kay Strong, baluktot], na gaya rin naman ng kanilang ginawa sa ibang mga kasulatan” (II Pedro 3:16).

Kinakailangan ng isang “paghahatak” o “pagbabaluktot” ng mga Kasulatan upang magawang maisa buhay ng isang di napagbagong loob na tao ang pangako ni Kristo sa ating teksto sa kanyang libing. Ang mangangaral na iniiba ang itsura ng teksto sa paraang makapagpapasaya ng mga kaibigan ng mga di napagbagong loob na patay na tao, ay isang araw ay kakailanganing sumagot sa Diyos para sa kanyang kasinungalingan. Wala, wala sa ating teksto ang nagbibigay ng kahit anong pag-asa sa sa isang taong namamatay na hindi nababago ang puso tinatawag na “pagbabagong loob.” Ang pangako ay hindi ginawa sa di napagbagong loob na magnanakaw, o kaya sa kahit anong di napagbagong loob na lalake o babae. Ang pangako ay para lamang sa magnanakaw na nakaranas ng pagbabagong loob, at sa pagsasabuhay, doon lamang sa mga nakararanas ng pagbabagong loob bago sila mamatay. Ang ilan ay naliligtas, yoong mga tumitingin kay Kristo. Ang iba ay walang hanggang naliligaw dahil tinatangihan nila si Kristo. Sa mga paraang ito ang dalawang magnanakaw ay nagrerepresenta ng buong sangkatauhan. Isa lamang sa mga magnanakaw ay naligtas. Ang iba ay ligaw. Ang buong sangkatauhan ay ligtas o ligaw. Sinabi ni Hesus,

“Ang sumasampalataya…ay maliligtas; datapuwa’t ang hindi sumasampalataya ay parurusahan” (Marcos 16:16).

Ang isang magnanakaw ay nanampalataya kay Hesus at naligtas. Ang isa ay tumangging mananamapalataya kay Hesus at nakondena sa walang hanggang apoy ng Impiyerno. Ang pangako ng teksto ay ibinigay lamang sa taong iniligtas ni Hesus.

“At sinabi niya sa kaniya, Katotohanang sinasabi ko sa iyo, Ngayon ay kakasamahin kita sa Paraiso” (Lucas 23:43).

II. Pangalawa, ang magnanakaw na napagbagong loob ay pinangakuhan ng pagpasok kasama ni Hesus kaagad-agad sa paraiso sa sandaling siya ay namatay.

““Ngayon ay kakasamahin kita sa Paraiso” (Lucas 23:43).

Ipinapakita nito na ang kaluluwa ni Hesus ay agad-agad na pumunta sa paraiso sa sandaling Siya ay namatay sa Krus. Maraming mga “kaunlarang” mangangaral ay ngayo’y nagsasabi na ang kaluluwa ni Hesus ay nagpunta sa Impiyerno pagkatapos Niyang mamatay sa Krus. Ako mismo ay nakarinig ng isang tanyag na Amerikanong “kaunlarang” mangangaral na nagsabi nito sa telebisyon hindi pa katagalan. Narinig ko ang mangangaral na nagsabing, “Si Hesus ay nasunog sa Impiyerno upang magbayad para sa ating mga kasalanan.” Anong kasinungalingan! Anong pagkakamali! Hindi, anong maling pagtuturo! Walang piraso ng Kasulatan ang nagsasabi na ang kaluluwa ni Hesus ay nagpunta sa Impiyerno pagkatapos Niyang mamatay, at “nasunog sa Impiyerno upang bayaran ang taing mga kasalanan sa Krus – hindi sa Impiyerno!

“Na siya rin ang nagdala ng ating mga kasalanan sa kaniyang katawan sa ibabaw ng kahoy [ang krus]” (I Pedro 2:24).

“Pinagpayapa niya sa pamamagitan ng dugo ng kanyang krus, sa pamamagitan niya sinasabi ko, maging mga bagay sa kalupaan” (Mga Taga Colosas 1:20).

“Upang papagkasunduin silang dalawa sa isang katawan sa Dios sa pamamagitan ng krus” (Mga Taga Efeso 2:16).

“Sapagka't ang salita ng krus ay kamangmangan sa kanila na nangapapahamak; nguni't ito'y kapangyarihan ng Dios sa atin na nangaliligtas” (I Mga Taga Corinto 1:18).

Kaya sinabi ng Apostol Pablo,

“Sapagka't aking pinasiyahang walang maalaman anoman sa gitna ninyo, maliban na si Jesucristo, at siya na napako sa krus
      (I Mga Taga Corinto 2:2).

Si Kristo ay gumawa ng lubusang sakripisyo para sa ating mga kasalanan, inaalis ang mga batas ng Lumang Tipan na,

“laban sa atin, na hindi naayon sa atin: at ito'y kaniyang inalis, na ipinako sa krus” (Mga Taga Colosas 2:14).

At, muli sinabi ng Apostol na ipinadala siya ni Kristo

“upang bumautismo, kundi upang mangaral ng evangelio: hindi sa karunungan ng mga salita baka mawalan ng kabuluhan ang krus ni Cristo” (I Mga Taga Corinto 1:17).

At muli, sinabi ng Apostol,

“Datapuwa't malayo nawa sa akin [ng Diyos] ang pagmamapuri, maliban na [maligtas] sa krus ng ating Panginoong Jesucristo” (Mga Taga Galacia 6:14) – KJV.

Ang Krus ay ang simbolo ng Kristiyanismo, hindi ang apoy ng Impiyerno. Kung nakipagsundo si Kristo para sa ating kasalanan sa pamamagitan ng pagkasunog sa Impiyerno, kay sa pagdurusa sa Krus, gayon ang apoy dapat ang simbolo ng Kristiyanismo, hindi ang Krus kung saan namatay si Hesus. Ngunit si Hesus nga ay nagbayad para sa ating mga kasalanan sa Krus! Ang Kanyang kaluluwa ay hindi napunta upang masunog sa Impiyerno upang bayaran ang ating mga kasalanan. Ang pagtuturong iyan ay kamang-mangan sa kaigihan nito, at mabibigyan ng ranggong maling pagtuturo sa kalubhaan nito! Ang pinaka-teksto natin ay nagsasabi sa atin na ang kaluluwa ni Hesus ay hindi napunta sa Impiyerno noong namatay Siya sa Krus. Kung pumunta Siya sa Impiyerno noong Siya’y namatay, Siya’y gayon ay nagsisinungaling sa napagbagong loob na magnanakaw noong sinabi Niyang,

“Ngayon ay kakasamahin kita sa Paraiso” (Lucas 23:43).

Kung ang mga Amerikanong mangangaral ng “kaunlaran ay tama, sinabi dapat ni Hesus sa magnanakaw,

“Ngayon ay kakasamahin kita sa impiyerno.”

Anong kaginhawaan kaya nitong naging sa napagbagong loob na magnanakaw? Malayo mula sa ganoong kawalang saysay mula sa mukha ng lupa! Huwag kailan man paniwalaan ang kahit sinong mangangaral na nagsasabing si nagbayad si Hesus para sa iyong mga kasalanan sa Impiyerno! At huwag kailan man paniwalaan ang kahit ano pang bagay na sasabihin ng mangangaral. Kung siya ay napaka bulag na hindi niya maintindihan ang kasentrohan ng Krus, ika’y napaka-hangal na paniwalaan ang kahit anong ipangangaral niya!

“Ngayon ay kakasamahin kita sa Paraiso” (Lucas 23:43).

Ang mga kaluluwa ni Hesus at ang napagbagong loob na magnanakaw ay parehong nagpunta kaagad-agad sa paraiso sa araw na iyon!

III. Pangatlo, ang magnanakaw ay nakatakas mula sa Impiyerno noong pinagkatiwalaan niya si Hesus at napagbagong loob.

Noong ang magnanakaw na iyon ay nagtiwala kay Kristo, ang Kanyang mga kasalanan ay agad-agad nalinis ng Dugo ng Tagapagligtas, at ang lubusang kapangyarihan ng Makapangyarihang Diyos ang nagpabagong loob ng kanyang ligaw na kaluluwa, kaya masasabi sa kanya ni Hesus,

“Ngayon ay kakasamahin kita sa Paraiso” (Lucas 23:43).

Gayon man, kailagan nating tandaan na noong ibinigay ni Kristo sa napagbagong loob na magnanakaw ang pangakong iyan, hindi Niya itinatanggi ang katotohanan ng Impiyerno. Wala pang kailan man ang nagpangaral tungkol sa Impiyerno ng mas higit kay sa kay Hesus. Sa Kanyang pangangaral, binalaan Niya ang mga taong

“magsitakas sa galit na darating” (Mateo 3:7).

Sinabi ni Hesus na Kanyang

“sasabihin naman niya sa mga nasa kaliwa, Magsilayo kayo sa akin, kayong mga sinumpa, at pasa apoy na walang hanggan” (Mateo 25:41).

Nagsalita si Hesus tungkol sa Impiyerno bilang isang lugar

“Na doo'y hindi namamatay ang kanilang uod, at hindi namamatay ang apoy” (Marcos 9:46).

Wala pang nagpaliwanag ng Impiyerno ng mas higit kay sa kay Hesu-Kristo!

Sinasabi ko sa iyo, sa mga salita ni Hesus, “magsitakas sag alit na darating.” Pagsisisihan ang iyong mga kasalanan tulad ng namamatay na magnanakaw. Dapat kang magkaroon ng buong pagbabago ng isipan tungkol sa makasalanan mong buhay. Dapat kang tumalikod mula sa iyong mga kasalanan patungo kay Kristo. Pagkatapos ay lumapit kay Hesu-Kristo sa pamamagitan ng simpleng pananampalataya! Mahugasang malinis sa pamamagitan ng Kanyang banal na Dugo! Mapagbagong loob sa pamamagitan ng biyaya ng Diyos, at huwag na kailan mang bumalik sa mga dating kasalanan muli. Huwag kang bumalik ng muli’t muli upang “mapagbagong loob.” “Pagbabagong loob” ng ganoong uri ay walang iba kundi Romanong Katolisismo, kung saan kailangan mong bumalik sa pari para sa kapatawaran bawat linggo! Hindi iyan ang ating Bautismo at Protestanteng pananampalataya! Lumapit kay Kristo ng permanente. Magtiwala sa Kanya ng permanente. Mahugasan sa Kanyang Dugo ng permanente. Buhayin ang Kristiyanong buhay at huwag na kailan mang lumingon! Pagkatapos, kapag darating na ang oras para sa iyong mamatay tulad ng magnanakaw, sasabihin sa iyo ni Hesus,

“Ngayon ay kakasamahin kita sa Paraiso” (Lucas 23:43).

Magsitayo tayong lahat at kantahin ang engrande at walang hangang himno ni William Cowper. Ito’y bilang pito sa inyong listahan ng mga kanta.

Mayroong isang bukal na puno ng dugo na
   Kinuha mula sa mga ugat ni Emanuel;
At ang mga makasalanan ay lumulubog sa ilalim ng bahang iyon at
   Nawawala ang kanilang nagka-salang mansta.
Nawawala ang kanilang nagka-salang mansta,
   Nawawala ang kanilang nagka-salang mansta;
At ang mga makasalanan ay lumulubog sa ilalim ng bahang iyon at
   Nawawala ang kanilang nagka-salang mansta.

Ang namamatay na magnanakaw ay nagdiwang na makita ang bukal na
   Iyan sa kanyang araw;
At doon naway ako, kahit na kasing sama ko siya,
   Mahugasan ang lahat ng aking mga kasalanan.
Mahugasan ang lahat ng aking mga kasalanan,
   Mahugasan ang lahat ng aking mga kasalanan;
At doon naway ako, kahit na kasing sama ko siya,
   Mahugasan ang lahat ng aking mga kasalanan.
(“Mayroong isang Bukal” Isinalin mula sa
   “There Is a Fountain” ni William Cowper, 1731-1800).

(KATAPUSAN NG PANGARAL)
Maari ninyong mabasa ang mga sermon ni Dr. Hymers linggo-linggo sa Internet
sa www.realconversion.com. I-klik ang “Mga Pangaral sa Tagalog.”

Pagbabasa ng Kasulatan Bago ng Pangaral ni Dr. Kreighton L. Chan: Lucas 23:33-46.
Kumanta ng Solo Bago ng Pangaral si Gg. Benjamin Kincaid Griffith:
“Mayroong isang Bukal,” isinalin mula sa “There Is a Fountain” (ni William Cowper, 1731-1800).


BALANGKAS NG

ANG PANGAKO NI KRISTO SA NAPAGBAGONG LOOB
NA MAGNANAKAW

ni Dr. R. L. Hymers, Jr.

“At sinabi niya sa kaniya, Katotohanang sinasabi ko sa iyo, Ngayon ay kakasamahin kita sa Paraiso” (Lucas 23:43).

(Marcos 15:32; Mateo 27:42, 44; Lucas 23:41, 42)

I.   Una, isang magnanakaw lamang ang binigyan ng pangakong ito.,
Mga Taga Roma 8:7; II Pedro 3:16; Marcos 16:16.

II.  Pangalawa, ang magnanakaw na napagbagong loob ay pinangakuhan
ng pagpasok kasama ni Hesus kaagad-agad sa paraiso sa sandaling
siya ay namatay, I Pedro 2:24; Mga Taga Colosas 1:20;
Mga Taga Efeso 2:16; I Mga Taga Corinto 1:18; 2:2;
Mga Taga Colosas 2:14; I Mga Taga Corinto 1:17;
Mga Taga Galacias 6:14.

III. Pangatlo, ang magnanakaw ay nakatakas mula sa Impiyerno noong
pinagkatiwalaan niya si Hesus at napagbagong loob,
Mateo 3:7; 25:41; Marcos 9:46.