Ang mga pangaral na manuskrito at mga videyo ay ngayon lumalabas sa 1,500,000 na mga kompyupter sa lampas na 221 na mga bansa kada taon sa www.sermonsfortheworld.com . Daan-daang iba ang nanonood ng mga videyo, sa YouTube, ngunit di nagtatagal ay iniiwan ang YouTube at nagpupunta sa aming websayt, dahil bawat pangaral ay nagtuturo sa kanila papalyo mula sa YouTube tungo sa aming websayt. Ang YouTube ay nagdadala ng mga tao sa aming websayt. Ang mga pangaral na manuskrito ay ibinibigay sa 46 na mga wika sa halos 120,000 na mga kompyuter kada buwan. Ang pangaral na manuskrito ay hindi nakarapatang magpalathala, kaya nagagamit ng mga mangangaral ang mga ito na walang pahintulot. Mayroong daan-daang mga videyo ni Dr. Hymers at ng kanyang mga estudyanteng nangangaral. Ang mga manuskrito ay hindi nakarapatang magpalathala, ngunit lahat ng mga videyo nakarapatang magpalathala. Paki-klik ito upang matutunan kung paano ka maaring gumawa ng isang buwan-buwanang donasyon upang tulungan kami sa dakilang gawaing ito ng pagkakalat ng Ebanghelyo sa buong mundo, kasama ang mga Muslim at mga Hindu na mga bansa.
Tuwing nagsusulat kay Dr. Hymers, laging sabihin sa kanya kung anong bansa ka nakatira, o hindi ka niya masasagot. Ang email ni Dr. Hymers’ ay rlhymersjr@sbcglobal.net .
PAANO NATIN MAPALILINAW ANG ATING SARILI? (PANGARAL BILANG 58 SA AKLAT NG GENESIS) HOW SHALL WE CLEAR OURSELVES? ni Dr. R. L. Hymers, Jr. Isang pangaral na ipinangaral sa Baptist Tabernacle ng Los Angeles “O paanong kami ay [mapalilinaw]? Inilitaw ng Dios ang kasamaan ng iyong mga lingkod” (Genesis 44:16) KJV. |
Ibinenta si Jose ng kanyang mga kapatid upang maging alipin sa Egipto. Ngayon siya ay naitaas sa isang napaka taas na posisiyon, pangalawa lamang sa Paraon. Sa panahon kagutom, dumating ang kanyang mga kapatid na nanlilimos ng pagkain sa Egipto. Hindi nila namukaan si Jose. Binigyan niya sila ng sako ng pagkain upang iuwi. Ngunit sinubok sila ni Jose sa pamamagitan ng pagtatago ng isang pilak na tasa sa sako ni Benjamin. Pinunit nila ang kanilang mga damit sa pagkahimutok noong natagpuan ito ni Jose dahil alam nila na akala niya’y ninakaw nila ito. Nagpunta sila sa bahay ni Jose at bumagsak sa harap niya sa sahig. Gaya ng sinabi ko, sinusubukan sila ni Jose. Sinabi niya, “Anong gawa itong inyong ginawa?” (Genesis 44:15). Pagkatapos binigay ni Juda ang mga salita sa ating teksto. Sinabi niya kay Jose,
“O paanong kami ay [mapalilinaw]? Inilitaw ng Dios ang kasamaan ng iyong mga lingkod” (Genesis 44:16) KJV.
Ang Bibliyang Geneva at ang makabagong pagkasalin ay mayroon ang “magpatotoo” imbes na “mapalilinaw,” na gaya sa KJV. Ngunit sa palagay ko ang King James ay masmalinaw at mas literal. Ang Hebreong salitang “tsadaq” ay literal na nangangahulugang “upang malinis” o “upang mapalinaw ang sarili” (Isinalin mula kay Strong). Sa tingin ko ang KJV ay naglalabas naglalabas ng katuturan rito, “Paanong kami ay [mapalilinaw]”? Paano naming malilinis an gaming sa sarili? Inilitaw ng Dios ang kasamaan ng iyong mga lingkod.” Inalis ng Diyos ang talukbong ng kanilang kasalanan, kasama pati ang kanilang kasalanan ng pagbebenta kay Jose bilang isang alipin. Ang kanilang kasalanan ay “inilitaw” ng Diyos. Humiyaw si Juda,
“O paanong kami ay [mapalilinaw]?” (Genesis 44:16).
At iyan dapat ang iyong tanong ngayong gabi.
Inilitaw ng Diyos ang iyong kasamaan.
Paano mo mapalilinaw ang iyong sarili?
Ito ang pinakamahalagang tanong sa lahat. Natagpuan ng Diyos ang iyong kasalanan. Paano mo mapalilinaw ang iyong sarili? Tanongin mo ang iyong sarili,
“Paano ko mapalilinaw ang aking sarili?”
“Paano ko malilins ang aking sarili?”
Huwag kang magkakamali rito. Naglalabas ang Bibliya ng tatlong kapansin-pansing mga katotohanan tungkol rito.
I. Una, hindi aariing walang sala ng Diyos ang salarin.
Sinasabi ng Bibliya na ang Diyos ay
“sa anomang paraan ay hindi aariing walang sala ang salarin”
(Exodo 34:7).
Ang makabagong tao ay nag-iisip masasara ng Diyos ang Kanyang mata sa kasalanan. Akala nila na maari Niyang sabihin, “kakalimutan Ko na lang ang kasalanan.” Ngunit hindi iyan ang Diyos na inilalantad sa Bibliya. Ang tunay na Diyos, na inilantad sa Kasulatan, sa Kanyang pinaka-kalikasan, ay hindi “aaring walang sala ang salarin.” Sinabi ni Dr. McGee,
“Ang kasalanan ay dapat maparusahan at ang multa ay dapat maigiit. Ang Diyos sa anomang paraan ay hindi aariing walang sala ang salarin” (Isinalin mula kay J. Vernon McGee, Th.D., Thru the Bible, Thomas Nelson Publishers, 1981, volume I, p. 306; sulat sa Exodo 34:7).
Maaring sumalungat ka diyan. Maaring maisip mo na palampasin ng Diyos ang iyong kasalanan. Ngunit sinasabi ng Diyos,
“iyong inisip na tunay na ako'y gayong gaya mo”
(Mga Awit 50:21).
Ika’y magugulat ng lubos na matuklasan na
“Ang malaking pagiinit ng Panginoon ay dumating sa inyo”
(II Mga Cronica 28:11).
Ito ang Diyos ng Bibliya. Ito ang tunay na Diyos. Ito ang Diyos na nagsasabing,
“Aking parurusahan ang sanglibutan dahil sa kanilang kasamaan, at ang mga masama dahil sa kanilang kabalakyutan”
(Isaias 13:11).
“Paanong kami ay [mapalilinaw]? Inilitaw ng Dios ang kasamaan ng iyong mga lingkod” (Genesis 44:16) KJV.
Ito ang dapat tinatanong ng lahat ng mga makasalanan.
Paano naming mapalilinaw ang aming sarili?
Natuklasan ng Diyos ang aming mga kasalanan!
Sa wakas! Huli na ang lahat! Kapag dumating ang paghahatol,
“Ang mga makasalanan sa Sion ay nangatatakot; nanginginig ang mga masasama. Sino sa atin ang tatahan sa mamumugnaw na apoy? Sino sa atin ang tatahan sa walang hanggang ningas?” (Isaias 33:14).
O, makasalanan, tanungin ang iyong sarili,
Paano ko mapalilinaw ang aking sarili?
Natuklasan ng Diyos ang aking mga kasalanan!
II. Pangalawa, ang Diyos ay matuwid kapag naghahatol Siya ng kasalanan.
Deutoronomio 32:4 ay nagsasabi na Siya ay
“Isang Dios na tapat at walang kasamaan, Matuwid at banal siya” (Deuteronomy 32:4).
Ang Diyos ay sakdalang matuwid kapag naghahatol Siya ng kasalanan. Ang hustisya ng Diyos ay nag-uutos ng paghahatol ng kasalanan. Kung gayon dapat ihatol ng Diyos ang iyong mga kasalanan, o hindi Siya magiging makatuwiran.
Sa Huling Paghahatol lahat ng mga kasalanan mo sa iyong buhay ay ihaharap.
“At ang mga patay ay hinatulan ayon sa mga bagay na nasusulat sa mga aklat, ayon sa kanilang mga gawa” (Apocalipsis 20:12).
Sinabi ni Kristo,
“Na ang bawa't salitang walang kabuluhang sabihin ng mga tao ay ipagsusulit nila sa araw ng paghuhukom…at sa iyong mga salita ay hahatulan ka” (Mateo 12:36-37).
“Sapagka't walang bagay na natatakpan, na hindi mahahayag; at natatago na hindi malalaman” (Mateo 10:26).
Dahil napakarami mong mga kasalanan sa iyong talaan,
Paano mo mapalilinaw ang iyong sarili?
Natuklasan ng Diyos ang iyong mga kasalanan!
“Paanong kami ay [mapalilinaw]? Inilitaw ng Dios ang kasamaan ng iyong mga lingkod” (Genesis 44:16) KJV.
Iyan dapat ang tanong mo ngayong gabi! Paano ko mapalilinaw ang sarili ko? Paano ako makatatayo sa harap ng matuwid at banal na Diyos na natuklasan ang aking kasamaan? Sinabi ni Spurgeon,
Noong ako ay nasa ilalim ng pagkakatuklas na may sala nagkaroon ako ng malinaw at matalim na pag-unawa ng hustisya ng Diyos. Ang kasalanan…sa akin ay naging isang hindi matiis na pasan…nalaman ko na ang aking sarili bilang teribleng nagkasala na natandaan kong naramdaman na kung hindi ako parurusahan ng Diyos dahil sa kasalanan, dapat Niya akong parusahan. Nadama ko na ang tagahatol ng buong lupa ay dapat ikondena ang ganoong kasalanan tulad ng akin… ikinondena ko ang aking sariling mamatay, dahil ikinumpisal ko na, kung ako ang Diyos, na wala na akong ibang bagay na ginawa kundi dalhin ang isang salaring tulda ko pababa sa pinakamababang iimpiyerno…Ang kasalanang aking nagawa ay dapat maparusahan. Ngunit mayroon itong tanong kung paano maaring maging matuwid ang Diyos at gayon ay mapatunayan ako na naging lubos na salarin (Isinalin mula kay C. H. Spurgeon, “How Can a Just God Justify Guilty Man?” Chapel Library, Pensacola, Florida).
“Paanong kami ay [mapalilinaw]? Inilitaw ng Dios ang kasamaan ng iyong mga lingkod” (Genesis 44:16) KJV.
III. Pangatlo, hindi posibleng palinawin ang iyong sarili sa harap ng Diyos sa pamamagitan ng paggawa ng mabuti.
Ano kaya kung mabubuhay mo ang isang perpektong buhay mula ngayon hangang sa sandaling ika’y mamatay? Ano kaya kung matitigil mo ang lahat ng kasalanan, parehong sa loob at sa labas, sa natitirang buhay mo? Hindi ako naniniwala na sa isang sandali ay magagawa mo iyan. Ngunit ano kaya kung hindi ka na makakapagsalang muli? Paano ka ililigtas niyan? Ang mga kasalanan na iyong nagawa na ay lahat nakatala sa aklat ng Diyos sa Langint,
“Sapagka't walang bagay na natatakpan, na hindi mahahayag; at natatago na hindi malalaman” (Mateo 10:26).
“Na ang bawa't salitang walang kabuluhang sabihin ng mga tao ay ipagsusulit nila sa araw ng paghuhukom…at sa iyong mga salita ay hahatulan ka” (Mateo 12:36-37).
“At ang mga patay ay hinatulan ayon sa mga bagay na nasusulat sa mga aklat, ayon sa kanilang mga gawa” (Apocalipsis 20:12).
“Paanong kami ay [mapalilinaw]? Inilitaw ng Dios ang kasamaan ng iyong mga lingkod” (Genesis 44:16) KJV.
Sinabi ni Job,
“Sinong makakakuha ng malinis na bagay sa marumi? wala”
(Job 14:4).
Ibig sabihin niyan na ang paglilinis ng iyong kasalanan ay wala sa iyong mga kamay. Ito’y bagay na hindi mo magagawa. Wala kang magagawa o masasabi na makalilinis sa iyo. Ang pinaka teksto natin ay naglalabas ng katotohanan,
“Paanong kami ay [mapalilinaw]?” (Genesis 44:16).
Ang sagot ay simple – hindi mo mapalilinaw ang iyong sarili! Hindi mo “malilinis” ang iyong sarili! Kung malilinis mo at maplilinaw mo ang iyong sarili bakit ipinadala ng Diyos si Kristo sa Krus upang mapalinaw ka at mahugasan ka mula sa kasalanan? Bakit sinasabi ng Bibliya,
“Kristo Hesus: Na siyang inilagay ng Dios na maging pangpalubagloob, sa pamamagitan ng pananampalataya, sa kaniyang dugo”? (Mga Taga Roma 3:24-25).
Hindi ang mga gawa ng aking mga kamay,
Ay makatutupad ng Iyong mg autos ng batas;
Malalaman kaya ng aking pagpupurisigi walang na walang pagpapahinga,
Maka-aagos kaya ang aking mga luha,
Ang lahat para sa kasalanan ay hindi makapagsusundo;
Ika’y dapat magligtas, at Ikaw lamang.
Bato ng mga Panahon, magbiyak para sa akin,
Hayaan akong itago ang sarili sa Iyo;
Hayaang ang tubig at dugo,
Kung saan ang Iyong napunit na tagilirang umagos,
Ng may sala ang dobleng lunas,
Linisin ako mula sa pagka-sala at kapangyarihan.
(“Bato ng mga Panahon” Isinalin mula sa
“Rock of Ages” ni Augustus M. Toplady, 1740-1778).
“Paanong kami ay [mapalilinaw]? Inilitaw ng Dios ang kasamaan ng iyong mga lingkod” (Genesis 44:16) KJV.
Hayaang ang tubig at dugo,
Kung saan ang Iyong napunit na tagilirang umagos,
Ng may sala ang dobleng lunas,
Linisin ako mula sa pagka-sala at kapangyarihan.
Wala ng makapaglilinaw ng iyong talaan at iyong mga kasalanan mula sa mga aklat ng Diyos kundi ang dugo ni Hesus na binuhos sa Krus. Lumapit kay Kristo. Malinis mula sa kasalanan sa pamamagitan ng Kanyang Dugo bago ito huli na magkailanman para sa iyo gawin ito.
“Paanong kami ay [mapalilinaw]? Inilitaw ng Dios ang kasamaan ng iyong mga lingkod” (Genesis 44:16) KJV.
(KATAPUSAN NG PANGARAL)
Maari ninyong mabasa ang mga sermon ni Dr. Hymers linggo-linggo sa Internet
sa www.realconversion.com. I-klik ang “Mga Pangaral sa Tagalog.”
Pagbabasa ng Kasulatan Bago ng Pangaral ni Dr. Kreighton L. Chan: Apocalipsis 20:11-15.
Kumanta ng Solo Bago ng Pangaral si Gg. Benjamin Kincaid Griffith:
“Bato ng mga Panahon” Isinalin mula sa
“Rock of Ages” (ni Augustus M. Toplady, 1740-1778).
BALANGKAS NG PAANO NATIN MAPALILINAW ANG ATING SARILI? (PANGARAL BILANG 58 SA AKLAT NG GENESIS) ni Dr. R. L. Hymers, Jr. “O paanong kami ay [mapalilinaw]? Inilitaw ng Dios ang kasamaan ng iyong mga lingkod” (Genesis 44:16) KJV. (Genesis 44:15) I. Una, hindi aariing walang sala ng Diyos ang salarin, Exodo 34:7, Mga Awit 50:21; II Mga Cronica 28:11; Isaias 13:11; 33:14. II. Pangalawa, ang Diyos ay matuwid kapag naghahatol Siya ng kasalanan, Deuteronomio 32:4; Apocalipsis 20:12; III. Pangatlo, hindi posibleng palinawin ang iyong sarili sa harap ng
Diyos sa pamamagitan ng paggawa ng mabuti,
Mateo 10:26; |