Print Sermon

Ang mga pangaral na manuskrito at mga videyo ay ngayon lumalabas sa 1,500,000 na mga kompyupter sa lampas na 221 na mga bansa kada taon sa www.sermonsfortheworld.com . Daan-daang iba ang nanonood ng mga videyo, sa YouTube, ngunit di nagtatagal ay iniiwan ang YouTube at nagpupunta sa aming websayt, dahil bawat pangaral ay nagtuturo sa kanila papalyo mula sa YouTube tungo sa aming websayt. Ang YouTube ay nagdadala ng mga tao sa aming websayt. Ang mga pangaral na manuskrito ay ibinibigay sa 46 na mga wika sa halos 120,000 na mga kompyuter kada buwan. Ang pangaral na manuskrito ay hindi nakarapatang magpalathala, kaya nagagamit ng mga mangangaral ang mga ito na walang pahintulot. Mayroong daan-daang mga videyo ni Dr. Hymers at ng kanyang mga estudyanteng nangangaral. Ang mga manuskrito ay hindi nakarapatang magpalathala, ngunit lahat ng mga videyo nakarapatang magpalathala. Paki-klik ito upang matutunan kung paano ka maaring gumawa ng isang buwan-buwanang donasyon upang tulungan kami sa dakilang gawaing ito ng pagkakalat ng Ebanghelyo sa buong mundo, kasama ang mga Muslim at mga Hindu na mga bansa.

Tuwing nagsusulat kay Dr. Hymers, laging sabihin sa kanya kung anong bansa ka nakatira, o hindi ka niya masasagot. Ang email ni Dr. Hymers’ ay rlhymersjr@sbcglobal.net .




ANG PANG-APAT NA PAG-IKOT AT
ANG PANGALAWANG PAGDATING

THE FOURTH TURNING AND THE SECOND COMING

ni Dr. R. L. Hymers, Jr.

Isang pangaral na ipinangaral sa Baptist Tabernacle ng Los Angeles
Gabi ng Araw ng Panginoon, Ika-12 ng Abril taon 2009

“At samantalang siya'y nakaupo sa bundok ng mga Olivo, ay nagsilapit sa kaniya ng bukod ang mga alagad, na nagsisipagsabi, Sabihin mo sa amin, kailan mangyayari ang mga bagay na ito? at ano ang magiging tanda ng iyong pagparito, at ng katapusan ng sanglibutan?” (Mateo 24:3).


Gusto kong ilipat ninyo ang inyong Bibliya sa Mateo 24:3. Tinanong ng mga Disipolo si Hesus, “Ano ang magiging tanda ng iyong pagparito?” (Mateo 24:3). At sinagot sila ni Hesus sa pamamagitan ng pagbibigay ng isang mahabang magkakasunodsunod na mga paghuhula tungkol sa oras ng katapusan. Gustong basahin ang pitong berso sa Mateo, kapitulo dalawampu’t apat. Sa mga bersong ito sinasagot ni Kristo ang kanilang tanong, “Ano ang magiging tanda ng iyong pagparito?” Magsi-tayo tayo at basahin ang mga bersong walo hangang labin apat.

“Datapuwa't ang lahat ng mga bagay na ito ay siyang pasimula ng kahirapan. Kung magkagayo'y ibibigay kayo sa kapighatian, at kayo'y papatayin: at kayo'y kapopootan ng lahat ng mga bansa dahil sa aking pangalan. At kung magkagayo'y maraming mangatitisod, at mangagkakanuluhan ang isa't isa, at mangagkakapootan ang isa't isa. At magsisibangon ang maraming bulaang propeta, at kanilang ililigaw ang marami. At dahil sa pagsagana ng katampalasanan, ang pagibig ng marami ay lalamig. Datapuwa't ang magtitiis hanggang sa wakas ay siyang maliligtas. At ipangangaral ang evangeliong ito ng kaharian sa buong sanglibutan sa pagpapatotoo sa lahat ng mga bansa; at kung magkagayo'y darating ang wakas” (Mateo 24:8-14).

Maari ng magsi-upo.

Sinabi ni Dr. M. R. DeHaan ang lumang panahong guro ng Bibliyang, sa kanyang dakilang aklat na, Mga Tanda ng Panahon [Signs of the Times] (Kregel Publications, 1996 edition, p. 53), “Sa unang labing apat na berso ng Mateo 24 ibinibiga ni [Kristo] ang sampung siguradong tanda, kapag sila’y darating, sinasabi Niya, ay itatatag nito ang kalapitan ng Kanyang pagdating at ang katapusan ng kasalukuyang panahon…” Aking tatalakayin ang dalawa sa mga tandang ito ngayon gabi, dahil naniniwala ako na binubuhay na natin ngayon ang panahong iyon, napaka lapit sa katapusan ng mundo kung paano natin alam ito, at ang Pangalawang Pagdating ni Kristo.

I. Una, ang tanda ng malawakang pag-uusig ng mga Kristiyano.

Tinanong nila si Hesus,

“Ano ang magiging tanda ng iyong pagparito, at ng katapusan ng sanglibutan?” (Mateo 24:3).

Binigyan Niya sila ng maraming mga tanda, at pagkatapos sinabi Niya,

“Datapuwa't ang lahat ng mga bagay na ito ay siyang pasimula ng kahirapan. Kung magkagayo'y ibibigay kayo sa kapighatian, at kayo'y papatayin: at kayo'y kapopootan ng lahat ng mga bansa dahil sa aking pangalan” (Mateo 24:8-9).

Sa buong mundo ngayong gabi ang mga Kristiyano ay pinag-uusig sa di-karaniwang dami. Mas maraming mga Kristiyano ang pinatay dahil lamang sa pagiging Kristiyano noong ika-20 siglo kay sa sa lahat ng mga nalalapit na nakaraaan mga siglong pinagsama-sama. Nangyayari ito sa Tsina, sa Aprika, sa mga bansang ang salita ay Arabo, sa Cuba, sa mga bahagi ng Sentro ng Amerika, sa Timog Silangang Asya, sa Hilagang Korea, at sa marami pang ibang mga lugar.

Isang batang lalake na nangaling sa Tsina ay lubus na nainis noong narinig niya akong sabihin na ang mga Tsinong Kristiyano ay pinag-uusig. Sinabi niya, “Hindi ko kailan man narinig iyan.” Sinabi ko, “Siyempre hindi mo kailan man narinig iyan. Ito’y hindi nakatala sa mga opisiyal na kontrolado ng Komunistang mga Tsinong peryodiko at eskwelahan. Tinatakpan nila ito at hindi inuulat.” Binigayan ko siya ng kopya ng isang aklat ng pag-uusig ng mga simbahan ng mga Komunistang Tsinong gobyerno na inilimbag ng Voice of the Martyrs. Sinabi ko sa kanya na basahin ang mga ulat nila sa kanilang websayt sa www.persecution.com.

Si David Aikman, dating hepe ng Beijing Bureau ng magasin na Time, sa kanyang tanyag na aklat na, Si Hesus sa Beijing [Jesus in Beijing], ay nagsabi na,

Ang pagsalakay ng pulis [sa sentro ng Tsina] ay nagdala sa pagaresto, pagbubugbog, at pagpapahirap ng maraming mga [Kristiyano]. Sa isang pagsalakay noong Agosto taon 2001, ang pinuno ng Simbahan ng Timog Tsina, si Gong Shengliang, ay nadakip, nabugbog, pinahirapan…at sinitensyahan sa kamatayan…Isang babae, si Gu Xuegui, ay pinahirapan hangang sa kamatayan sa bilanguan noong Setyembre taon 2001. Marami pang ibang mga kababaihan ay pinahirapan sa bilanguan gamit ng isang tanyag na Tsinong imbensyon na tinawag na dian bang (“dekoryenteng baston”). [Ang “dekoryenteng baston”] ay nagamit ng lubos lubos…sa Tsina…nakabibigay [ito] ng koryente na napaka lakas na boltahe, sapat upang magsanhi ng matinding sakit. Pagkatapos makipagkita…kasama ng mga miyembro ng Simbahan ng Timog Tsin na inaresto, binugbog, at pinahirapan, isnalaysay ng mang-uulat ng New York Times na si Nicholas Kristoff kung pano “ang mga mang-uusig ay umapak sa mga daliri ng mga lalaking bilango at hinubaran ang mga batang kababaihan at ibuso sila.” Ang pag-abuso ayon sa mga kababaihang nakaligtas upang masalaysay ang kwento, ay may kasamang paglalagay ng [“dekoryenteng baston”] sa kanilang mga dibdib at [ibang] mga parte ng katawan (Isinalin mula kay David Aikman, Jesus in Beijing, Regnery Publishing, 2003, p. 239).

Ang mga Tsinong kalalakihan at kababaihang ito ay pinahirapan, at marami sa kanila ay pinatay, dahil lang sa pagiging mga tunay na Kristiyano. Si Aikman ay nagpatuloy magsabing,

Sa tagsibol ng taon 2003 ilang nakagugulat na mga litrato ay nagpakita sa Internet na nagpapakita ng mga Tsinong mga pulis na pinapahirapan ang mga Tsinong Kristiyano, na ang lahat ay may pangalang nakakabit…Isa sa mas nakakapanlait na litrato ay pinapakita si Cai Xiangdong, isang Kristiyano na mga kwarenta na, ay idinidikit sa sahig…habang [isang] pulis na tinatawag na Xie ay nagbubuhos ng tubig sa kanyang tiyan mula sa kanyang bibig. Ang pagpapahirap na ito ay tinatawag na “Tsinong pagpapahirap sa tubig” [“Chinese water torture”] (Isinalin mula sa ibid., p. 229).

Maari ko kayong bigyan ng mga halimbawa ng mga Kristiyano na pinahihirapan sa Vietnam, Indonesia, Ethiopia, Cuba, at marami pang ibang mga bahagi ng mundo. Ngunit tandaan na sinabi ni Hesus,

“Kayo'y kapopootan ng lahat ng mga bansa dahil sa aking pangalan” (Mateo 24:9).

Naniniwala ako na ang pag-uusig ng mga Kristiyano ay maaring dumating sa Europa at Estados Unidos sa nalalapit na nakaraan.

Sa kanilang aklat, Ang Pang-apat na Pag-ikot [The Fourth Turning] (Broadway Books, 1997), ang dalubhasa ng sosiyolohiyong si Neil Strauss at William Howe ay nagsasabi na mayroong tatlong pangunahing “pag-ikot” sa kasaysayan ng Amerika – sa panahon ng Digmaang Rebolusyonaryo, sa panahon ng Digmaang Mamamayan, at sa panahon ni Roosevelt noong mga taong 1930 at kaagahan ng mga taon ng 1940. Ngunit hinulaan nila, na sa taong 1997, magkakaroon ng “pang-apat na pag-ikot” sa unang dekada ng ika-21 siglo.

Naniniwala ako na maari nating maranasan ang “pang-apat na pag-ikot” na iyan ngayon, sa loob ng pagkapangulo ni Barrack Obama. Sa huling halalanan si Sarah Palin ay inusig bawat gabi sa mga balita sa telebisyon dahil sa pagiging ebanghelikal na Kristiyano. At isang kwentong balita pagkatapos ng ibang mga palabas na mukhang mayroong lumalagong galit tungo sa mga Kristiyano sa lahat ng porma nito sa pamamagitan ng malaking bahagi ng ating lipunan, isang lumalagong paghihiwalay laban sa Kristiyanismo, hindi lang sa mga ebanghelikal, ngunit pati kahit laban sa Simbahang Katoliko. Saan ito patutungo? Hindi natin masabi ng sigurado, ngunit malinaw na ang mga simbahan at ang mga mananampalataya sa Amerika ay napapasok sa ilang magulong panahon sa susunod na kakaunting taon. Naniniwala ako na ito’y mas magiging popular na mag-usig ng mga Kristiyano sa Amerika at Europa, dahil lang sa pagiging mga Kristiyano, habang ang panahong ito ay palapit sa pagsasara nito.

Bibigyan kita ng isang halimbawa kung bakit sa tingin ko iyan ay totoo. Si Gg. Wilkerson, ang aking kaibigan ng apat-na-pu’t siyam na taon, ay narito ngayon kasama natin ngayong gabi. Siya ay nagretirong guro noong mga nahuling mga taong 1970. Mga isang taon ang nakalipas si Gg. Wilkerson y pinadala ng mga Gideons Internasyonal upang mamigay ng mga Bibliya sa mga lakaran sa kalye sa labas ng isang pampublikong paaralan. Isang gwardya ay “naging malisyoso” kay Gg. Wilkerson dahil sa pamimigay niya ng libreng mga Bibliya sa isang pampumblikong lakaran sa kalya. Ilang minuto ang nakalipas isang babae ang lumabas ng isang paaralan at nagsabing, “Wala kang karapatang bigyan ng mga Bibliya ang mga batang ito.” Sinigawan niya si Gg. Wilkerson hangang sa hintayan ng bus. Sinabi ni Gg. Wilkerson sa kanya mayroon siyang Konstitusyonal na karapatang magmigay ng mga Bibliya sa isang pampublikong lugar. Sinabi niya, “wala akong pake-ala kung anong sinasabi ng Konstitusyon, wala kang karapatang mamigay ng mga Bibliya. Sinabi ni Gg. Wilkerson siya ay nagulat sa kanyang paghihiyaw, at ang asal ng mga gwardiya. Maligayang pagdating ng ika-dalawampu’t isang siglo! Maligayang pagdating sa “ika-apat na pag-ikot!”

Naniniwala ako na ang ganoong pangyayari ay makikitang maliit sa hinaharap, habang ang madilim na mga ulap ng pag-uusig ay laban sa mga Kristiyano ay kakalat sa buong lupain natin!

“Kayo'y kapopootan ng lahat ng mga bansa dahil sa aking pangalan” (Mateo 24:9).

Ngunit si Hesus ay nagbigay nga isa pang “tanda” sa parehong talata ng Kasulatan.

II. Pangalawa, ang tanda ng malawakang pagkalat ng Ebanghelyo.

Sa berso 14, ibinigay ni Hesus ang nakamamanghang tanda. Habang ang mga Kristiyano ay “kapopootan ng lahat ng mga bansa” (Mateo 24:9), sa pinaka parehong oras,

“Ipangangaral ang evangeliong ito ng kaharian sa buong sanglibutan sa pagpapatotoo sa lahat ng mga bansa; at kung magkagayo'y darating ang wakas” (Mateo 24:14).

At iyan ay nangyayaring aktwal ngayong gabi! Sa pagdating ng Internet, at ang malalaking muling pagbabangon sa Pangatlong Mundo, ang mensahe ni Hesu-Kristo ay sumasabog, tulad ng nangyari noong unang siglo! Sa Tsina palang. Nagbigay ang American Bible Society ng isang hula ng kung anong nangyayari doon noong kailan lang ay sinabi nila na 16,500 na mga tao ay naging mga bagong Kristiyano bawat araw sa Tsina. Iyan ay mga 700 na mga pagbabagong loob kay Kristo bawat oras, dalawampu’t apat na oras bawat araw – 16,500 bawat araw, pitong araw sa iang linggo. Iyan ang sinabi ng American Bible Society ang nangyayari sa Tsina! (Isinalin mula sa isinulat ni R. Lamar West, president, American Bible Society, mailing, Abril, 2009). Muling pagbabangong tulad nito ay bumubuhat sa milyon-milyong mga tao sa mga braso ni Hesu-Kristo ngayon, ginagawa itong isa sa pinaka-kapukaw-pukaw na panahon ng Kristiyanong paglaki sa kasaysayan ng mundo!

Tandaan ang tanong na tinanong ng mga Disipolo kay Hesus,

“Ano ang magiging tanda ng iyong pagparito, at ng katapusan ng sanglibutan?” (Mateo 24:3).

Ang mga sekular na mga kalaban ng Kristiyanismo ay naniniwala rin na ang mundo ay palapit na sa katapusan nito. Pinag-uusapan nila ito ng madalas. Iyan ang dahilan na sila’y nag-aalalang lubos tungkol sa pag-iinit ng mundo. Alam nila na an gating planeta ay papunta sa pagkasira nito. Gayon wala silang tunay na pag-asa.

Ngunit tayo bilang mga Kristiyano ay may pag-asa dahil alam natin na ang mga tanda ng Kanyang pagdating, ang mga tanda na nagtuturo sa pagbalik ni Hesu-Kristo upang ihanda ang Kanyang Kaharian sa lupa,

“At mangakikita nila ang Anak ng tao na napaparitong sumasa mga alapaap ng langit na may kapangyarihan at dakilang kaluwalhatian” (Mateo 24:30).

Ating ipagdidiwang ang Hapunan ng Panginoon. Sa dakilang talata ng Apostol Pablo sa Hapunan ng Panginoon, sinabi niya,

“Sapagka't sa tuwing kanin ninyo ang tinapay na ito, at inuman ninyo ang saro, ay inihahayag ninyo ang pagkamatay ng Panginoon hanggang sa dumating siya”
     (I Mga Taga Corinto 11:26).

Si Kristo ay namatay sa Krus upang bayaran ang multa ng iyong mga kasalanan. Inilibing nila ang Kanyang patay na katawan sa isang libingan, “tinatakan ang bato, na kasama nila ang bantay” (Mateo 27:66). Ngunit sinira ni Kristo ang mga kadena ng kamatayan at bumangon mula sa hukay ng umaga ng Linggo ng Pasko ng Pagkabuhay. Siya ay pumaitaas pabalik sa Langit, sa kanang kamay ng Diyos. Siya ay darating muli upang ihanda ang Kanyang Kaharian sa lupa. Pinaglilingkuran nating ang isang nabubuhay na Kristo! Iyang ang kahulugan ng Pasko ng Pagkabuhay! Lumapit kay Kristo sa pananampalataya at patatawarin Niya ang iyong mga kasalanan at ika’y mapapanganak muli! Siya ay nabubuhay na Kristo, makapangyarihan magligtas! Gaya ng paglagay nito ni Paul Rader sa isa sa kanyang mga kanta, “Siyang patay ay buhay muli.”

Nakita Siya ni Maria, at “Panginoon!” kanyang hiniyaw, Pagkatapos
   Niyang mangaling sa libingan;
Biglang tumayo si Hesus sa gitna nila, Pumasok sa mahigpit na selyadong silid.
Siyang patay ay buhay muli! Siyang patay ay buhay muli!
Sinira ang malakas, nagyeyelong kapangyarihan ng kamatayan –
   Siyang patay ay buhay muli!

Nakita Siya ni Pedro doon sa tabing ilog, Kumain kasama Niya doon sa tabing ilog;
Sinasabi ni Hesus, na noon ang bibig ay patay, Pedro, mahal mo ba Ako?
Siyang patay ay buhay muli! Siyang patay ay buhay muli!
Sinira ang malakas, nagyeyelong kapangyarihan ng kamatayan –
   Siyang patay ay buhay muli!

Nakita Siya ni Tomas doon sa silid, Tinawag Siyang kanyang Panginoon,
Inilagay ang kanyang mga daliri sa mga butas Nagawa ng mga pako at espada.
Siyang patay ay buhay muli! Siyang patay ay buhay muli!
Sinira ang malaks, nagyeyelong kapangyarihan ng kamatayan –
    Siyang patay ay buhay muli!
   (“Buhay Muli,” isinalin mula sa “Alive Again” ni Paul Rader, 1878-1938).

(KATAPUSAN NG PANGARAL)
Maari ninyong mabasa ang mga sermon ni Dr. Hymers linggo-linggo sa Internet
sa www.realconversion.com. I-klik ang “Mga Pangaral sa Tagalog.”

Kumanta ng Solo Bago ng Pangaral si Gg. Benjamin Kincaid Griffith:
“Buhay Muli” Isinalin mula sa “Alive Again” (ni Paul Rader, 1878-1938).


ANG BALANGKAS NG

ANG PANG-APAT NA PAG-IKOT AT
ANG PANGALAWANG PAGDATING

ni Dr. R. L. Hymers, Jr.

“At samantalang siya'y nakaupo sa bundok ng mga Olivo, ay nagsilapit sa kaniya ng bukod ang mga alagad, na nagsisipagsabi, Sabihin mo sa amin, kailan mangyayari ang mga bagay na ito? at ano ang magiging tanda ng iyong pagparito, at ng katapusan ng sanglibutan?” (Mateo 24:3).

(Mateo 24:8-14)

I.   Una, ang tanda ng malawakang pag-uusig ng mga Kristiyano,
Mateo 24:8-9.

II.  Pangalawa, ang tanda ng malawakang pagkalat ng Ebanghelyo,
Mateo 24:14, 30; I Mga Taga Corinto 11:26; Mateo 27:66.