Ang mga pangaral na manuskrito at mga videyo ay ngayon lumalabas sa 1,500,000 na mga kompyupter sa lampas na 221 na mga bansa kada taon sa www.sermonsfortheworld.com . Daan-daang iba ang nanonood ng mga videyo, sa YouTube, ngunit di nagtatagal ay iniiwan ang YouTube at nagpupunta sa aming websayt, dahil bawat pangaral ay nagtuturo sa kanila papalyo mula sa YouTube tungo sa aming websayt. Ang YouTube ay nagdadala ng mga tao sa aming websayt. Ang mga pangaral na manuskrito ay ibinibigay sa 46 na mga wika sa halos 120,000 na mga kompyuter kada buwan. Ang pangaral na manuskrito ay hindi nakarapatang magpalathala, kaya nagagamit ng mga mangangaral ang mga ito na walang pahintulot. Mayroong daan-daang mga videyo ni Dr. Hymers at ng kanyang mga estudyanteng nangangaral. Ang mga manuskrito ay hindi nakarapatang magpalathala, ngunit lahat ng mga videyo nakarapatang magpalathala. Paki-klik ito upang matutunan kung paano ka maaring gumawa ng isang buwan-buwanang donasyon upang tulungan kami sa dakilang gawaing ito ng pagkakalat ng Ebanghelyo sa buong mundo, kasama ang mga Muslim at mga Hindu na mga bansa.
Tuwing nagsusulat kay Dr. Hymers, laging sabihin sa kanya kung anong bansa ka nakatira, o hindi ka niya masasagot. Ang email ni Dr. Hymers’ ay rlhymersjr@sbcglobal.net .
ANG MULING PAGKABUHAY NI KRISTO AT ANG THE RESURRECTION OF CHRIST AND THE ni Dr. R. L. Hymers, Jr. Isang pangaral na ipinangaral sa Baptist Tabernacle ng Los Angeles “At kung si Cristo'y hindi muling binuhay, ay walang kabuluhan nga ang aming pangangaral, wala rin namang kabuluhan ang inyong pananampalataya” (I Mga Taga Corinto 15:14). |
Sinabi ni Dr. A. W. Tozer, “Kung ang Kristiyanismo ay ang pagtanggap ng isang pagbabago…dapat magkaroon ng isang bagong uri ng mangangaral…kanyang tututulan, aakusahin at magproprotesta sa ngalan ng Diyos at makukuha ang galit at pagtututol ng isang malaking bahagi ng mga grupo ng mga Kristiyano” (Isinalin mula kay A. W. Tozer, D. D., Of God and Men, Christian Publications, 1960, pp. 22, 23).
Madalas na ipakita ni Dr. Martin Lloyd-Jones na nabubuhay tayo sa isang panahon ng mahinang pangangaral sa Amerika at Europa. Nagbigay siya ng maraming dahilan para dito sa kanyang aklat Preaching and Preachers (Zondervan Publishing House, 1972). Walang pagtatanong na kahit ano sa aking isipan na siya ay tama tungkol sa Kanlurangang pangangaral. Nabubuhay tayo sa isang panahon ng napakahina at mababaw na pangangaral sa Amerika at Europa. O gaano tayo nagnanasa para sa mga mangangaral ng Ebanghelyong tulad nina Christmas Evans (1766-1838), Timothy Dwight (1752-1817), Howell Harris (1714-1773) at Asahel Nettleton (1783-1844)! Mayroon bang kahit anong dakilang mangangaral ngayon rito? Magbigay ka ng pangalan ng isa! Ang mga araw ng dakilang pangangaral ay tapos na sa Kanlurang mundo! Kailangan mong tumingin sa Tsina at ibang Pangatlong Mundong bansa upang makahanap ng mga kalalakihang marunong mangaral!
Isa sa pangunahing dahilan para sa mahina, nakakainip, miserableng pangangaral ay ang ating Kanlurangang mga mangangaral ay nawala sa paksa! Hindi ko alam sa iba, ngunit ang kasulatan ng aking ordinasyon ay nagsasabi na ako ay naitakda sa Unang Tsinong Bautismong Simbahan ng Los Angeles [First Chinese Baptist Church of Los Angeles], noong ika-2 ng Hulyo taon 1972, sa “Paglilingkod ng Ebanghelyo.” Iyan ang nasabi sa kasulatan ng aking oridnasyon – na ako ay naitakda sa “Paglilingkod ng Ebanghelyo!” Ang ibigsabihin niyan ay na ako’y naitakda unang-unang para mangaral ng Ebanghelyo – hindi sa karamihang magbigay ng nakakapag-palakas loob na pagsasalita, hindi para ituro ang Bibliya, hindi para turuan ang mga kabataan, hindi para magturo ng pagiging mga magulang, hindi para bigyan ang mga tao ng isang emosyonal na pagpapagaan ng loob – ngunit unang una’y upang ipangaral ang Ebanghelyo!
Makinig sa ilang mga paksa na ang mga tanyag na Amerikanong pastor ay nagsasalita ng patungkol at makikita ninyo, sa pinaka-paksa, kung gaano sila nakaiinip sa mga kawawang mga kaluluwang kailangan silang pagtiisian bawat Linggo. Ito’y mga tunay na paksa, mula sa mga tunay na mga pasto ngayon: “Paano Isuko ang Iyong Puso,” “Paggawa ng Pagbabago,” “Paggamot ng mga Sakit sa Iyong Buhay,” “Pitong Hakbang sa Pamumuhay sa Iyong Lubusang Potensyal,” at “Mas Madali Ito Kay sa Iyong Akala.” Ang mga “sermon” ngayon ay hindi ayon sa doktrina. Sila’y nakasentro sa popular na psikolohiya at pantulong sa sarili. Binanggit nila si Hesus, ngunit hindi sila naka-sentro kay Kristo. Ang mga pamagat ng makabagong mga “sermon” ay tunog na para bang artikolo sa Reader’s Digest – puno ng bulak at lugaw – na walang laman sa loob ng mga ito na makagigimbal ng isang di-napagbagong loob na miyembro ng simbahan – o kunin ang atensyon ng isang ligaw na kolehiyano na maaring nasa paglilingkod. Ang mga maliliit na mga sermong ala “Reader’s Digest,” na ibinigay upang paginhawain ang mga matatandang kababaihan at hindi malukot ang kanilang mga balahibo, ang pumapatay sa tunay na Kristiyanismo! Hindi sila mga dakilang mga pangangaral! At hindi sila mga dakilang pangangaral dahil hindi sila mga naka-sentro sa Diyos! Hindi sila naka-sentro kay Kristong mga sermon, at mga wala si Kristong mga sermon ay hindi maari kailan man maging mga dakilang mga sermon! Ilagay natin bilang isang kasabihan – siyang hindi kailan man ipinangangaral si Kristong napako sa krus at bumangong muli, bilang kanyang pangunahing paksa, ay hindi kailan man, ma-aasahang maging isang dakilang mangangaral sa kahit kaninong sukat, kahit sa kanyang asawa!
Ang mayroon tayo na pumapalit sa tunay na pangangaral ng Ebanghelyo ay maliliit na mga “sermonitos” para sa “Kristiyanitos,” ang uri ng mga sermong paksa na akin lang ibinanggit. Mangangaral, idura mo ang busurang iyan palabas ng iyong bibig, at ipangaral at napako sa krus at muling bumangong si Kristo hanggang sa ang mga bituin at bumagsak mula sa kanilang mga lalagyanan, at ang mundo ay hahatulin sa apoy. At habang ang mga mangkok ng banal na poot ay nabuhos sa isang walang Diyos na mundo – magpatuloy sa pangangaral ng Pagkapako sa Krus at Muling Pagkabuhay ng Anak ng Diyos! Mangaral, ano mang gawin ng iba – panatilihin ang paksa, ang naitakda paksa para sa iyo – ipangaral ang Ebanghelyo, ipangaral si Kristong nakapako sa krus, ipangaral si Kristong muling nabuhay mula sa pagkamatay! Panatilihing iyan bilang iyong pangunahing paksa bawat Linggo, bawat taon, bawat dekada – hanggang sa ang Kalangitan ay matunaw sa apoy at ang itim na butas ng Impiyerno ay bumuhos ng lubusan sa itaas kasama ng mga makasalanan – magpatuloy mangaral ng pakikipagpalit na kamatayan ni Hesus at Kanyang maluwalhating muling pagbabangon upang mangaral tungkol sa mga paksang iyon. Kaya di-nakakapagtakang tinawag siyang “Prinsipe ng mga Mangangaral!” Kailangan ng isang prinsipeng tao mapalalayo ang mga makasalanan sa labas ng Impiyerno. Kailangan ng isang prinsipeng tao upang hindi maloko ng Diablo na magbigay ng maliliit na mga ala “Reader’s Digest” na mga sermon. Mangangaral kung binabasa mo ito humingi ng tawad at bumalik sa Apoy ng Impiyerno, Madugong krus, at pisikal na muling pagbabangong-pangangaral na nagpapalayo ng mga kalalakihan at kababaihan at mga bata sa labas ng Lawa ng Apoy!
Tayo na’t lumapit sa ating teksto upang pag-aralan ang muling pagkabuhay ni Kristo – isa sa sentrong punto ng tunay na pangangaral, isang punto na naging palaging tanyag sa mga dakilang mangangral, dahlia ang muling pagkabuhay ni Kristo ay nasa pinaka-sentro ng Ebanghelyo.
“At kung si Cristo'y hindi muling binuhay, ay walang kabuluhan nga ang aming pangangaral, wala rin namang kabuluhan ang inyong pananampalataya” (I Mga Taga Corinto 15:14).
Maglalabas ako ng dalawang punto.
I. Una, kung si Kristo ay hindi bumangon ang ating pangangaral ay mawawalang kabuluhan at walang say-say.
Hindi tulad ng maraming makabagong sermon, ang pangangaral ng Apostol Pablo, at ang lahat ng mga Apostol, ay naka-sentro kay Kristo, hindi naka-sentro sa tao, gaya nito ngayon. Bawat sermon maliban sa isa ay nakatala sa Aklat ng Mga Gawa ay ipinangaral sa muling pagkabuhay ni Kristo. Ngunit ngayon, ang mga mangangaral ay palaging sumusubok gawing “mahalaga” ang kanilang mga sermon sa makabagong pangangailangan ng kanilang kongregasyon. Na hindi mali, ngunit ang paraan na ginagawa nila ito ay mali. Ang Ebanghelyo ng kamatayan ni Kristo para sa ating mga kasalanan at Kanyang sa katawang muling pagkabuhay mula sa puntod ay mahalagang lubos ngayon! Walang maaring posibleng mas mahalaga! Gayon saan natin naririnig ang mga dakilang doktrinang ito na ipinapangaral sa ating Kanlurang pulpito ng may kahit anong awtoridad o kapangyarihan? Madalas sa akin ito na ang II Timoteo 4:3 ay natupad sa ating panahon, dito sa Amerika at Europa.
“Sapagka’t darating ang panahon na hindi nila titiisin ang magaling na aral; kundi, pagkakaroon nila ng kati ng tainga, ay magsisipagbunton sila sa kanilang sarili ng mga gurong ayon sa kanilang sariling mga masasamang pita” (II Timoteo 4:3).
Sa aklat ni Dr. Michael Hortong Walang Kristong Kristiyanismo [Christless Christianity] (Baker Books, 2008) tumukoy siya ng dalawang magkaibang liberal na mga ministro mula sa mga simabahang “konbensyonal” na naitulak na magpunta sa mas maraming mga konserbatibong ebanghelikal na mga simbahan sa Linggo ng Paskua. Ang una ay ang “konbensyonal” na liberal na dalubhasa ng teyolohiya. Sinabi niya na walang “kabuluhan na ito ay pagtitipon ng Diyos. Ang mga kanta ay halos tungkol lang sa atin, ang nararamdaman at ang ating mga intension…ngunit hindi malinaw kung sino ang pinag-uusapn nila o kung bakit…Kahit na panahon ng Paskua, ang mensahe (na walang malinaw na teksto) ay kung paano tayo binibigayan ni Hesus ng lakas upang malampasan ang ating mga balakid…ang dalubhasa ng teyolohiya ay naiwang naguguluhan. Kinailangan niyang magpunta sa isang ebanghelikal na simbahan sa araw ng Paskua, at imbes na makita ang Diyos at ang pag-anunsyo ng isang tunay na pagwawagi laban sa kasalanan at kamatayn ni Hesu-Kristo [siya’y binigyan ng isang talumpati kung paano malalampasan ang iyong sariling mga balakid]” (Isinalin mula sa ibid., pp. 29-30).
Ang pangalawang liberal na dalubhasa ng teyolohiya ay nagpunta sa isang “naniniwala-sa-Bibliya” at “naka-sentro-kay-Kristong” simabahan, sa Linggo ng Paskua rin. Masyado siyang na-dimaya. “Ang sermon ay tungkol sa kung paano nagawa ni Hesus na lampasan ang kanyang mga balakid at na magagawa rin natin.” Ito’y lalong na patunayan ang kanyang pananaw na mayroong maliit na pagkakaiba sa pagitan ng ebanghelikal at liberal na pangangaral (isinalin mula sa ibid., p. 30). Ako’y lubusang sumasang-ayon sa pagkikilatis na iyan.
Ng dahil sa nagpunta ko sa dalawang liberal na seminaryo, nakarinig ako ng maraming mga sermon sa United Presbytarian, Episkopal, at ibang “konbensyonal” na mga liberal na simbahan. Noong ako’y naging isang independiyenteng pundamental na Bautismo dalawam’put apat na taong ang nakalipas ako’y lubusang nagulat na matagpuan na ang mga masbatang mga pastor ay halos nangangaral na saktong tulad ng mga Episkopal o Metodista! Sa aking pagkagulat, mayroong napakaliit na pag-kakaiba! Ang mga paksa ay parehas sa parehong pangyayari. Ang estilo ng pagbibigkas ay parehas. At ang kasagutan ay pareho din. Ang lahat naheleng makatulog! Ang mga sermon ngayon ay na disenyo upang mapagaan ang pakiramdam ng mga matatandang kababaihan ng simbahan at mapanatili silang nagpupunta sa simbahan. Hindi sila dinesenyong mapagong loob ang mga kabataan! Hindi sila dinesenyong makapagbagong loob ng mga makasalanan!
“Kung si Cristo'y hindi muling binuhay, ay walang kabuluhan nga ang aming pangangaral …” (I Mga Taga Corinto 15:14).
O ang kawalan ng laman, ang kawalan ng kabuluhan, kawalang lamang ang kawalang kabuhulhan ng makabagong, naka-sentro sa taong pangangaral! Noong 1900 tinanong ni William Booth, “Ano ang panganip ng pangongompronta sa parating na siglo?” Sumagot siya, “Kristiyanismong walang Kristo.” At iyan mismo ang pinangangaral ngayon. Si Kristo ay nababanggit lamang sa iilang pagkakataon. “Kung si Kristo ay hindi bumangaon, gayon ay ang ating pangangaral ay walang kabuluhan.” Ito’y bulaan, walang basehan, walang laman, unsiami, walang silbi, walang saysay, di-nakakapagbigay kasiyahan, walang lasa, di-importante, pangkaraniwan at di-epektibo!
II. Pangalawa, kung si Kristo ay hindi muling binuhay gayon ang iyong pananampalataya ay walang kabuluhan at walang saysay.
“Kung si Cristo'y hindi muling binuhay, ay walang kabuluhan nga ang aming pangangaral wala rin namang kabuluhan ang inyong pananampalataya” (I Mga Taga Corinto 15:14).
Kung si Kristo ay hindi muling binuhay gayon ang iyong pananampalataya ay bulaan, at walang laman, walang pakinabang, at walang silbi. “Wala rin namang kabuluhan ang iyong pananampalataya.” Ito ay naulit sa berso 17,
“At kung si Cristo ay hindi muling binuhay, ang inyong pananampalataya ay walang kabuluhan kayo'y nasa inyong mga kasalanan pa” (I Mga Taga Corinto 15:17).
Sinabi ni Dr. Gill, kung si Kristo ay hindi muling binuhay,
Ika’y nasa iyong mga kasalanan pa rin; sa isang kalagayan ng katutubo at katigasan ng ulo, sa ilalim ng kapangyarihan at dominion ng kasalanan, na maging napanumbalik o nabasbasan; dahil ang mapanunumbalik ay pagkaka-utang sa muling pagkabuhay ni Kristo mula sa pagkamatay…ngunit kung si Kristo ay hindi muling binuhay, hindi nagkaroon ni minsan noon, o magkakaroon ng kahit anong bagay na pagkapanumbalik…dagdag pa rito, kung si Kristo ay hindi muling binuhay, ang kanyang mga tao ay nasa ilalim ng pag-kakasala ng kanilang mga kasalanan: walang penitensya o pagbabawas nila, o pagdadahilan mula sa mga ito; dahil kahit na siya’y ibinigay bilang alay upang makipagkasundo para sa ating mga pagkakamali, at ang kanyang dugo ay ibunuhos upang matupad ang pagpapatawad ng kanilang mga kasalanan, gayon dapat siyang mabuhay muli para sa kanilang pagmamatwid, at mabigyang dangal bilang isang Prinsipe at taga-pagligtas…upang magbigay ng pagsisisi [at] pagbabawas ng mga kasalanan, o hindi nila kailan man pararanasan ang mga biyayang ito; dahil sa kabila ng kanyang pagdurusa at kamatayan, kung siya’y nahiga sa ilalim ng kapangyarihan ng hukay, dapat silang manatili sa ilalim ng sala at kasalanan, at mananagot sa walang hanggang kaparusahan dahil rito (Isinalin mula kay John Gill, D.D., An Exposition of the New Testament, The Baptist Standard Bearer, 1989 reprint, volume II, p. 729; sulat sa I Mga Taga Corinto 15:17).
“Kung si Cristo'y hindi muling binuhay, ay walang kabuluhan nga ang aming pangangaral wala rin namang kabuluhan ang inyong pananampalataya” (I Mga Taga Corinto 15:14).
Ngunit si Apostol Pablo ay nagpatuloy magsabi na naniniwala siya sa muling pagkabuhay ni Kristo. Sinabi niya,
“Datapuwa't si Cristo nga'y muling binuhay sa mga patay”
(I Mga Taga Corinto 15:20).
Si Pablo at ang ibang mga Apostol ay nabago mula sa pagiging mga matatakuting di-naniniwala sa mga matatapang na santo ng Diyos sa pagkakita sa Kristong muling nabuhay. Nagdusa sila at namatay dahil alam nila na si Kristo ay nabuhay mula sa hukay.
Si Esteban ay binato hanggang sa mamatay habang sinasabing “nakikita kong bukas ang mga langit, at ang Anak ng tao na nakatindig sa kanan ng Dios” (Mga Gawa 7:56). Si Felipe ay napako sa krus. Si Mateo ay pinugutan ng ulo sa Ethiopia. Si Santiago ay binato hangang sa mamatay sa Indiya. Si Matiyas ay binato hangang sa mamatay sa Jerusalem. Si Andres ay pinako sa krus na hugis “X”. Tatlong araw ang kinailangan upang siya ay mamatay. Si Marcos ay kinaladkad hangang sa mamatay sa mga kalye ng Alexandria. Si Pedro ay ipinako sa krus ng pabaliktad sa Sirkus ni Nero. Si Ileana at ako ay tumayo sa lugar na iyon. Si Tadeyo ay pinana sa Ameniya. Si Bartolomeo ay ipinako sa krus. Si Tomas ay sinaksak hangang sa mamatay ng mga Hindung pare sa Indiya. Si Lucas ay binitay sa leeg sa isang puno ng olivo sa Griyego. Si Simon ang Mananampalataya ay nilagare sa kalahati sa Persiya. Si Juan ay itinapon sa isang lalagyan ng may kumukulong langis, at nakatakas lamang sa pamamagitan ng isang himala. Si Pablo ay pinugutan ng ulo. Ang mga kalalakihang ito ay namatay dahil sa pangangaral ng muling pagkabuhay ni Kristo. Ang mga tao sa mga lumipas na siglo ay naniwala sa kanila dahil handa silang mamatay kay sa ipagkaila na nakita nila, nadama nila at narinig nila sa Kristo pagkatapos Niyang mabuhay mula sa pagkamatay.
Sa ibayong mga panahon di-mabilang na libo-libo ang pinahurapan at pinatay para sa parehong dahilan. Nakita nila si Kristong muling nabuhay. Alam nila na Siya’y muling binuhay mula sa pagkamatay sa kapangyarihan ng Diyos. At sinasabi ko sa inyo ngayong umaga na ikaw rin ay makalalapit kay Kristo. Magagawa mo ring makilala Siya. Sinabi ni Hesus,
“Ang lahat ng ibinibigay sa akin ng Ama ay magsisilapit sa akin; at ang lumalapit sa akin sa anomang paraan ay hindi ko itataboy” (Juan 6:37).
Kapag lumapit ka kay Hesus, ang Kanyang Dugo ay huhugas sa iyong mga kasalanan at ika’y maipapanganak muli. Naway iyan ang maging karanasan mo sa pananampalataya kay Kristo Hesus. Naway ang muling nabuhay na si Kristo ay maging isang nabubuhay na katotohanan sa iyo. Gaya ng pagkalagay nito ni Paul Rader, sa isa sa kanyang mga kanta,
Nakita Siya ni Maria, at “Panginoon!” kanyang hiniyaw,
Pagkatapos Niyang mangaling sa libingan;
Biglang tumayo si Hesus sa gitna nila, Pumasok sa mahigpit na selyadong silid.
Siyang patay ay buhay muli! Siyang patay ay buhay muli!
Sinira ang malakas, nagyeyelong kapangyarihan ng kamatayan –
Siyang patay ay buhay muli!
Nakita Siya ni Pedro doon sa tabing ilog, Kumain kasama Niya doon sa tabing ilog;
Sinasabi ni Hesus, na noon ang bibig ay patay, Pedro, mahal mo ba Ako?
Siyang patay ay buhay muli! Siyang patay ay buhay muli!
Sinira ang malakas, nagyeyelong kapangyarihan ng kamatayan –
Siyang patay ay buhay muli!
Nakita Siya ni Tomas doon sa silid, Tinawag Siyang kanyang Panginoon,
Inilagay ang kanyang mga daliri sa mga butas Nagawa ng mga pako at espada.
Siyang patay ay buhay muli! Siyang patay ay buhay muli!
Sinira ang malaks, nagyeyelong kapangyarihan ng kamatayan –
Siyang patay ay buhay muli!
(Buhay Muli” Isinalin mula sa “Alive Again” ni Paul Rader, 1878-1938).
(KATAPUSAN NG PANGARAL)
Maari ninyong mabasa ang mga sermon ni Dr. Hymers linggo-linggo sa Internet
sa www.realconversion.com. I-klik ang “Mga Pangaral sa Tagalog.”
Pagbabasa ng Kasulatan Bago ng Pangaral ni Dr. Kreighton L. Chan:
I Mga Taga Corinto 15:12-20.
Kumanta ng Solo Bago ng Pangaral si Gg. Benjamin Kincaid Griffith:
“Buhay Muli” Isinalin mula sa“Alive Again” (ni Paul Rader, 1878-1938).
ANG BALANGKAS NG ANG MULING PAGKABUHAY NI KRISTO AT ANG ni Dr. R. L. Hymers, Jr. “At kung si Cristo'y hindi muling binuhay, ay walang kabuluhan nga ang aming pangangaral, wala rin namang kabuluhan ang inyong pananampalataya” (I Mga Taga Corinto 15:14). I. Una, kung si Kristo ay hindi bumangon ang ating pangangaral ay mawawalang kabuluhan at walang say-say, II Timoteo 4:3; I Mga Taga Corinto 15:14a. II. Pangalawa, kung si Kristo ay hindi muling binuhay gayon ang iyong pananampalataya ay walang kabuluhan at walang saysay, I Mga Taga Corinto 15:14b, 17, 20; Mga Gawa 7:56; Juan 6:37. |