Print Sermon

Ang mga pangaral na manuskrito at mga videyo ay ngayon lumalabas sa 1,500,000 na mga kompyupter sa lampas na 221 na mga bansa kada taon sa www.sermonsfortheworld.com . Daan-daang iba ang nanonood ng mga videyo, sa YouTube, ngunit di nagtatagal ay iniiwan ang YouTube at nagpupunta sa aming websayt, dahil bawat pangaral ay nagtuturo sa kanila papalyo mula sa YouTube tungo sa aming websayt. Ang YouTube ay nagdadala ng mga tao sa aming websayt. Ang mga pangaral na manuskrito ay ibinibigay sa 46 na mga wika sa halos 120,000 na mga kompyuter kada buwan. Ang pangaral na manuskrito ay hindi nakarapatang magpalathala, kaya nagagamit ng mga mangangaral ang mga ito na walang pahintulot. Mayroong daan-daang mga videyo ni Dr. Hymers at ng kanyang mga estudyanteng nangangaral. Ang mga manuskrito ay hindi nakarapatang magpalathala, ngunit lahat ng mga videyo nakarapatang magpalathala. Paki-klik ito upang matutunan kung paano ka maaring gumawa ng isang buwan-buwanang donasyon upang tulungan kami sa dakilang gawaing ito ng pagkakalat ng Ebanghelyo sa buong mundo, kasama ang mga Muslim at mga Hindu na mga bansa.

Tuwing nagsusulat kay Dr. Hymers, laging sabihin sa kanya kung anong bansa ka nakatira, o hindi ka niya masasagot. Ang email ni Dr. Hymers’ ay rlhymersjr@sbcglobal.net .




GETHSEMANE – ANG TAGA-ALIS NG ALAK

GETHSEMANE – THE WINEPRESS

ni Dr. R. L. Hymers, Jr.

Isang pangaral sa Baptist Tabernacle ng Los Angeles
Gabi ng Sabado, ika-4 ng Abril taon 2009

“Aking niyapakang magisa ang alilisan ng alak; at sa mga bayan ay walang isang sumasa akin” (Isaias 63:3).


Sa isang pangaral na pinamagatang, “Ang Pananakop ng Mag-isa,” sinabi ni Spurgeon na mag-isip ng malalim tungkol sa maluwalhating Taga-alis ng alak, na nagdusa upang magbayad para sa ating mga kasalanan, nagsisimula sa Harding ng Gethsemane.

Ang mga kasalanan na dudurog sana sa iyo sa pirapiraso’y, kinailangan niyang kalad-karin sa ilalim ng kanyang mga paa. Na bumogbog sa kanyang mga sakong sa ibabaw ng mga kasalanang iyon! O napaka makapangyarihan siguro nito dinurog ang mga krimen mo, winawasak sila hanganga sa mawala! Napwersa nitong, hindi mga pawis na tulad ng atin, ngunit mga patak ng dugo, na maarin naman niyang sabihin… “nagawa ko na; ang matinding trabaho ay natupad ng lubusan, ‘Tapos na’; ‘Aking niyapakang magisa ang alilisan ng alak.”’ …Magpunta sa panahon kung saan kanyang sinimulan ang pagbubuhos ng kanyang dugo…sa Hardin ng Gethsemane!... Lumapit, gayon, ang ulo ng mga kasalanan, doon nakalatag ang iyong mga kasalanan, at doon nakalatag ang aking mga kasalanan, lahat nakahalo sa isang malaking tumpok! Ngunit [hinto]; ang Taga-alis ng alak ay papasok, at ilalagay ang kanyang paa sa mga ito. O pagnilayan kung gaano niya dinudurog ang mga ito; nakikita mo ba siya sa Gethsemane, yinayapak ang mga kasalanan mo maging pirapiraso? (Isinalin mula kay C. H. Spurgeon, “The Single-Handed Conquest,” Abril 24, 1898, The Metropolitan Tabernacle Pulpit, Pilgrim Publications, 1976 muling inilimbag, volume xliv, p. 183).

“Aking niyapakang magisa ang alilisan ng alak; at sa mga bayan ay walang isang sumasa akin” (Isaias 63:3).

Disoras na ng gabing iyon. Mas maaga noong gabing iyon si Hesus ay nakipagtagpo sa kanyang mga Disipolo para sa Paskong hapunan, ang “Huling Hapunan.” Pagkatapos, tapos ng hating-gabi, dinala Niya ang mga Disipolo palabas ng bahay. Sa gitna ng kadiliman kanilang tinawid ang ilog Kedron at umakyat sa gilid ng Bundok ng Olivo, at sa Hardin ng Gethsemane. Pinasok nila ang kadiliman ng Hardin, at sinabi ni Hesus sa walo sa mga Disipolong

“magsiupo kayo rito, samantalang ako'y pumaparoon doon at manalangin” (Mateo 26:36).

Sinasabi ni Dr. John R. Rice na

Dinala Niya ang tatlo, sina Pedro, Santiago, at Juan, kasama Niya malayo ng kaunti sa isang tabi. Lahat ng mga disipolo ay pagod at inaantok. Lahat sila’y nahahamak at naluungkot. Ang mga disipolo ay wala sa kondisyon ng pusong manalangin. Kahit si Pedro, at…Santiago at Juan…ay natulog. Si Hesus Mismo ay “pumaroon doon” na mas higit kaysa kahit sino sa kanila at sa wakas ay nanalangin ng mag-isa. Wala nang ibang maka malalayo ng kasing layo ni Hesus. Kahit na ang Kanyang kaluluwa ay nagutom ng pakikisama, ginhawa at tulong sa pananalangin, nanalangin si Hesus mag-isa… Naniniwala ako na gusto ng Diyos na tayo’y magkaroon ng pakikisama kay Kristo sa pagninilay sa Kanyang karanasan sa Gethsemane at Kanyang kamatayan sa krus at subukang makapasok sa pagkaintindi ng Kanyang pighati (Isinalin mula kay Dr. John R. Rice, The Gospel According to Matthew, Sword of the Lord, 1980, pp. 439-440).

Ang mga Disipolo ay ngayo’y tulog na. Si Hesus ay nanalangin mag-isa sa Hardin, na nasa pagdurusa at Dugo.

“Aking niyapakang magisa ang alilisan ng alak; at sa mga bayan ay walang isang sumasa akin” (Isaias 63:3).

Ang pangalang “Gethsemane” ay nangangahulugang “pamimiga ng olivo.” Ang gabing iyon ang pamimiga ng olivo ay naging taga-alis ng alak. Si Kristo ay nadurog tulad ng pagkapiga ng mga olivo upang mapiga ang langis nito. Ngunit si Kristo ay hindi nagpawis ng langis sa Hardin. Nagpawis Siya ng Dugo. At kaya ang lugar kung saan ang mga olivo ay nadurog ay nagging taga-alis ng alak ng Anak ng Diyos.

Gethsemane, ang pamimiga ng olivo! Gethsemane,
(At bakit kaya ang tawag hayaang hulaan ng mga Kristiyano);
Ipagkasyang pangalan, ipagkasyang paghihiganti’y nagsikap
At kumapit at lumabang todo na may pagmamahal.
   (“Gethsemane, ang Pamimiga ng Olivo” Isinalin mula sa
     “Gethsemane, the Olive Press!” ni Joseph Hart, 1712-1768).

Habang ang pamimiga ng olivo ay nagging taga-alis ng alak para kay Kristo, pumasok Siya sa isang di-malarawang paghihirap. Ang ating mga makataong isipan ay di lubusang maiintindihan ang sakit na naranasan ni Kristo sa taga-alis ng alak.

Masdan ang nagdurusang Anak ng Diyos,
Hinihingal, umuungol, nagpapawis ng dugo!
Ng Kanyang paghihirap, napaka tindi
Ang mga Anghel ay walang perpektong pandama.

Sinong tamang makakapag-intindi
Ang kanilang simula o kanilang katapusan?
Ito’y sa Diyos at sa Diyos lamang
Na ang kanilang bigat ay lubusang nalalaman.
(“Iyong Di-kilalang Paghihirap” Isinalin mula sa
   “Thine Unknown Sufferings” ni Joseph Hart, 1712-1768).

I. Una, ito’y isang taga-alis ng alak ng matinding alarma.

Habang si Kristo’y papasok ng Gethsemane, sinasabi ni Marcos sa atin na Siya ay “nagtakang totoo” (Marcos 14:33). Ang ibig sabihin ng Ekthambeisthai ay “nagtakang matindi,” nagulat ng matindi, nagdurusa’t naalarma. Ano iyon na matinding nakapag-alarma sa Tagapagligtas? Tiyak na hindi ito ang kaisipan na padating pagpapako Niya sa krus. Ang matinding alarma Niya’y dumating, sa palagay ko, noong “ipinasan sa kaniya ng Panginoon ang kasamaan nating lahat” (Isaias 53:6). Dito sa taga-alis ng alak ng Gethsemane ang ating Panginoon ay “‘nagsimulang mabugbog para sa ating mga kasalanan’… ‘at nagsimulang magtakang totoo’; upang mapunta sa matinding pagkadismaya at pagkagulat, sa paningin ng lahat ng kasalanan ng kanyang mga tao na nagsisidating sa kanyan…walang pagtataka na ito’y dapat madagdag, ‘at maging napaka bigat’; parehong kasalanan at pagdurusa” (Isinalin ni mula kay Dr. John Gill).

Ang matinding alarma na nadama ni Hesus ay nanggaling mula sa sindak ng iyong kasalanan na ipinasan sa Kanya. Dito natupad ni Kristo ang uri, na ibinigay sa aklat ng Levitico, at nagging para sa atin tunay na lalagayan ng sisi.

“At ipapatong ni Aaron ang kaniyang dalawang kamay sa ulo ng kambing na buhay, at isasaysay sa ibabaw niyaon ang lahat ng mga kasamaan ng mga anak ni Israel, at lahat ng kanilang mga pagsalangsang, lahat nga ng kanilang mga kasalanan; at ilalagay niya sa ulo ng kambing, at ipadadala sa ilang sa pamamagitan ng kamay ng isang taong handa: At dadalhin ng kambing ang lahat ng mga kasamaan nila, sa lupaing hindi tinatahanan: at pawawalan niya ang kambing sa ilang” (Levitico 16:21-22).

Ang maliit na kambing na iyon ay isang larawan ni Kristo, na napakawalang mag-isa sa Hardin ng Gethsemane sa gabing iyon. Ang kambing na iyon na napaamo, naitago sa isang bahay sa bukid. Ngayon mayroon na itong mga kasalanan na inilagay ng mga tao rito, at ito’y napakawalan, malayo mula sa tahanan, sa kagubatan. Ang pag-aalala at takot na madadama ng maliit na kambing na iyon ng gabing iyon, sa kagubatan, ay isa lamang maliit na larawan ng alarma na nadama ni Hesus habang Siya’y papasok ng taga-alis ng alak ng Gethsemane para sa ating mga kasalanan.

Doon aking Diyos ay binuhat ang lahat ng aking sala;
Ito sa pamamagitan ng biyaya ay maaring mapaniwalaan;
Ngunit ang kilabot na kanyang nadama
Ay masyadong malaki upang maisip.
Walang makakatagos sa iyo,
Malungkot, madilim na Gethsemane.
Walang makatatagos sa iyo,
Malungkot, madilim na Gethsemane.
   (“Maraming Pighati Ang Kanyang Tiniis” Isinalin mula sa
     “Many Woes Had He Endured” ni Joseph Hart, 1712-1768).

“Aking niyapakang magisa ang alilisan ng alak; at sa mga bayan ay walang isang sumasa akin” (Isaias 63:3).

II. Pangalawa, ang taga-alis ng alak ng pakikipagpalit na sakripisyo.

Sinasabi sa atin ni Lucas, na doon sa Hardin,

“Nang siya'y nanglulumo ay nanalangin siya ng lalong maningas; at ang kaniyang pawis ay naging gaya ng malalaking patak ng dugo na nagsisitulo sa lupa” (Lucas 22:44).

“Nang siya’y naglulumo” – en agōniai, isang matinding gulo ng panloob na pagdurusa.

Mayroong dalawang kambing na ginamit si Aaron sa Araw ng Pakikipagsundo. Ang una ay napakawalan sa kagubatan. Ang pangalawa ay nakatay para sa kasalanang pag-aalay.

“Kung magkagayo'y papatayin niya ang kambing na handog dahil sa kasalanan, na patungkol sa bayan, at dadalhin ang dugo niyaon sa loob ng tabing…at iwiwisik sa ibabaw ng luklukan ng awa at sa harap ng luklukan ng awa” (Levitico 16:15).

Nadama ng kambing ang pagdurusa ng paghihiwa ng leeg bilang isang pag-aalay ng kasalanan. Ang takot at sakit na nadama ng maliit na hayop na ito ay isa lamang maliit na larawan, isang uri ng Kristo. Si Hesus sa Kanyang paghihirap ay isang kabaligtarang uri, ng katuparan.

“Nang siya'y nanglulumo ay nanalangin siya ng lalong maningas; at ang kaniyang pawis ay naging gaya ng malalaking patak ng dugo na nagsisitulo sa lupa” (Lucas 22:44).

Sinabi ng propetang si Isaias,

“Gayon ma'y kinalugdan ng Panginoon na mabugbog siya; inilagay niya siya sa pagdaramdam: pagka iyong gagawin ang kaniyang kaluluwa na pinakahandog dahil sa kasalanan”
       (Isaias 53:10).

Siguradong nagsimula ito pag-alisan ng alak sa Gethsemane!

‘Nitong hating gabi; at para sa pagsasala ng iba,
   Ang Tao ng Paghihirap ay lumuluha ng dugo;
Gayon Siya’y sa pag-aalala’y lumuhod
   Ay hindi pinabayaan ng Kanyang Diyos.
(“Nitong Hating Gabi; At sa Tutok ng Olivo,” Isinalin mula sa
   “‘Tis Midnight; And on Olive’s Brow” ni William B. Tappan, 1794-1849).

Si Hesus ay lumakad sa pag-alisan ng alak bilang isang kapalit para sa iyo at para sa akin. Tayo’y dapat ang naroon, pinagdaraanan ang pagdurusa ng ating mga kasalanan. At ika’y daraanan ang matinding paghihirap sa Impiyerno, hangga’t ika’y lalapit kay Kristo, at akapin Siya bilang iyong Tagapagligtas. Kapag iyong pagkakatiwalaan si Kristo, ang iyong paghihirap ay magiging Kanyang paghihirap. Ito’y ang pakikipagpalit na pakikipagsundo. Ibang tao, si Kristo Mismo, ang kukuha ng sakit na dapat nadama mo. Ang pakikipagpalit na pakikipagsundo ni Kristo para sa iyong mga kasalanan ay nagsimula sa Gethsemane.

‘Nitong hating gabi; at para sa pagsasala ng iba,
   Ang Tao ng Paghihirap ay lumuluha ng dugo.

Kapag tatanungin kita kung anong ginawa ni Hesus para sa iyon, masasabi mo bang,

“Gayon ma'y kinalugdan ng Panginoon na mabugbog siya; inilagay niya siya sa pagdaramdam: pagka iyong gagawin ang kaniyang kaluluwa na pinakahandog dahil sa kasalanan”?
      (Isaias 53:10).

Kung wala kang masabi tungkol sa pakikipagpalit na paghihirap na pinagdaanan ni Kristo upang iligtas ka, bakit mo tatawagin ang iyong sariling isang Kristiyano? Itapon mo ang iyong di-pananampalataya at magpunta sa basang-basa sa Dugo na Tagapagligtas!

Anong makahuhugas ng aking kasalanan?
Wala ng iba kundi ang dugo ni Hesus.
   (“Walang Iba Kundi ang Dugo ni Hesus” Isinalin mula sa
     “Nothing But the Blood” ni Robert Lowry, 1826-1899).

“Nang siya'y nanglulumo ay nanalangin siya ng lalong maningas; at ang kaniyang pawis ay naging gaya ng malalaking patak ng dugo na nagsisitulo sa lupa” (Lucas 22:44).

‘Nitong hating gabi; at para sa sala ng iba,
   Ang Tao ng Padurusa ay lumuluha ng dugo.

“Aking niyapakang magisa ang alilisan ng alak; at sa mga bayan ay walang isang sumasa akin” (Isaias 63:3).

III. Pangatlo, ang taga-alis ng alak ng pagka-abandona.

Sinasabi ni Mateo na Siya’y

“nagsimula siyang namanglaw at nanglumong totoo”
       (Mateo 26:37).

Ibinigay ni Spurgeon ang mga kumentong ito sa mga salitang “nanglumong totoo”:

Ang salitang adēmonein ay isinaling “nanglumong totoo,” ang mga kumento ni Goodwin na mayroong isang pag-iistorbo sa paghihirap ng Tagapagligtas dahil sa ang ugat ng salita ay nangangahulugang “nahiwalay mula sa mga tao – mga tao sa pagka-istorbo, nahihiwalay mula sa sangkatauhan.” (Isinalin mula kay C. H. Spurgeon, “Gethsemane,” number 493, The Metropolitan Tabernacle Pulpit, Pilgrim Publications, 1979, volume xix, page 74).

“Dapat siyang yumapak sa taga-alis ng alak mag-isa, at ng sa tao dapat wala siyang kasama” (Isinalin mula kay Spurgeon, ibid,. p.73). Ang Tagapagligtas ay ngayon nakahiwalay na mula sa sangkatauhan, pumapasok sa Kanayang paghihirap para sa ating mga kasalanan mag-isa.

Siya ay inabandona ng mga Disipolo, na nagsi-tulog habang Siya ay naging “nanglumong totoo” para sa kanila’t – ating kasalanan.

“At nagsimula [Siyang] namanglaw at nanglumong totoo”
       (Mateo 26:37).

Sinasabi ni Dr. Gill,

Ngayon siya ay nabugbog, at nailagay sa pagdurusa ng kanyang ama: ang kanyang mga pagdurusa ay ngayon nagsimula, dahil hindi sila natapos dito, kundi sa krus, o iyon na ito’y isang simpleng simula ng kanyang padurusa, o na ang mga ito ay mga ilaw kumpara sa mga bagay ng hinaharap; dahil ang mga ito’y napaka bigat, at siguradong mukhang ang mga pinaka mabibigat sa lahat, gaya ng pagpapakita nito mula sa kanyang sariling pagpapaliwanag ng mga ito; ang matinding hiyaw sa kanyang ama; ang kanyang madugong pawis at ang pagdurusa; at ang tulong na kanyang kinatayuan sa pangngailangan mula sa isang anghel; at ang ginhawa at lakas na kanyang natanggap mula sa kanya ay ang kanyang pagkataong likas: Ang lahat ng mga ito, na pinagsama-sama, ang katulad na dapat hindi dapat maranasan sa kahit anong bahagi ng pagdurusa: at maging nanglumong totoo; na mayroon ang bigat ng lahat ng mga kasalanan ng kanyang tao, at ang pandama ng banal na poot, na alin ay siya ay napaka na piga at nasakop, na ang kanyang mga kaluluwa ay halos nawala na; siya ay handa nang mahimatay, lubumobog at mamatay; nabigo siya ng kanyang puso…sa harap ng poot ng Diyos…ang kanyang kaluluwa ay nasakop sa lahat ng dako ng mga kasalanan ng kanyang tao; kumapit ang mga ito sa kanya, at pinaligiran siya…ang pagdurusa ng kamatayan at ang impiyerno ay pumaligid sa kanyan sa bawat dako, ng lubusan na ang pinaka maliit na antas ng kaginhawaan ay hindi pinapasok sa kanya; o mayroon kayang ibang daang bukas para rito, upang ang kanyang kaluluwa ay nasakop ng may pagdurusa; ang kanyang puso ay handa ng mabiyak; siya ay dinalang pantay, na parang sa alikabok ng kamatayan; o ang kanyang pagdurusa ba’y iiwanan siya, siya ay nakumbinsi, hangang sa ang kanyang kaluluwa at katawan ay nahiwalay mula sa isa’t-isa (Isinalin mula kay Dr. John Gill, An Exposition of the New Testament, The Baptist Standard Bearer, 1989 inilimbag muli, volume I, p. 334)

Ito’y mag-isa ang Tagapagligtas ay nanalangin Sa madilim na Gethsemane;
Mag-isa Siya inubos niya ang mapait na tasa, At nagdusa doon para sa akin;
Mag-isa, mag-isa, binuhat niyang mag-isa ang lahat ng ito;
Ibinigay Niya ang Kanyang Sarili upang maligatas ang Kanyang sa kanya;
Nagdusa Siyang, nagdugo at namatay, Mag-isa, mag-isa.
   (“Mag-isa,” Isinali mula sa “Alone” ni Ben H. Price, 1914).

“Aking niyapakang magisa ang alilisan ng alak; at sa mga bayan ay walang isang sumasa akin” (Isaias 63:3).

Gayon, nakikita ang ginawa ni Hesus upang maligtas tayo. Ang kanyang pakikipagpalit na pagdurusa ay nagsimula sa Gethsemane, kung saan tinanggap Niya ang ating mga kasalanan, at dinala ang mga ito sa Krus.

“Ipinasan sa kaniya ng Panginoon ang kasamaan nating lahat”
       (Isaias 53:6).

Kinuha ni Kristo ang ating mga kasalanan mula sa Gethsemane papunta sa Krus, kung saan Siya’y “namatay dahil sa ating mga kasalanan, ayon sa mga kasulatan” (I Mga Taga Corinto 15:3).

Kung ika’y isang Kristiyano, lumingon muli’t muli sa Kanyang pagdurusa, at ika’y mapapalakas sa mga panahon ng tukso, at mapagiginhawa sa mga panahon ng pagsubok. Kung ika’y hindi pa rin ligtas, itapon ang iyong sarili kay Kristo, at Kanyang lilinisin ang iyong mga kasalanan sa pamamagitan ng Kanyang Dugo.

Narito ang aking kapayapaan, at dito mag-isa;
Wala ng Tagapagligtas ang maarin kailanganin;
Gawain ng katuwiran ay wala ako;
Wala, ni isang mabuti gawain upang ipagmaka-awa;
Wala ni isang silip ng pag-asa para sa akin,
Sa Gethsemane lamang.
   (“Maraming Paghihirap ang Kanyang Tiniis” Isinalin mula sa
     “Many Woes Had He Endured” ni Joseph Hart, 1712-1768).

(KATAPUSAN NG PANGARAL)
Maari ninyong mabasa ang mga sermon ni Dr. Hymers linggo-linggo sa Internet
sa www.realconversion.com. I-klik ang “Mga Pangaral sa Tagalog.”

ANG BALANGKAS NG

GETHSEMANE – ANG TAGA-ALIS NG ALAK

ni Dr. R. L. Hymers, Jr.

“Aking niyapakang magisa ang alilisan ng alak; at sa mga bayan ay walang isang sumasa akin” (Isaias 63:3).

(Mateo 26:36)

I.   Una, ito’y isang taga-alis ng alak ng matinding alarma, Marcos 14:33;
Isaias 53:6; Levitico 16:21-22.

II.  Pangalawa, ang taga-alis ng alak ng pakikipagpalit na sakripisyo,
Lucas 22:44; Levitico 16:15; Isaias 53:10.

III. Pangatlo, ang taga-alis ng alak ng pagka-abandona, Mateo 26:37;
Isaias 53:6; I Mga Taga Corinto 15:3.