Ang mga pangaral na manuskrito at mga videyo ay ngayon lumalabas sa 1,500,000 na mga kompyupter sa lampas na 221 na mga bansa kada taon sa www.sermonsfortheworld.com . Daan-daang iba ang nanonood ng mga videyo, sa YouTube, ngunit di nagtatagal ay iniiwan ang YouTube at nagpupunta sa aming websayt, dahil bawat pangaral ay nagtuturo sa kanila papalyo mula sa YouTube tungo sa aming websayt. Ang YouTube ay nagdadala ng mga tao sa aming websayt. Ang mga pangaral na manuskrito ay ibinibigay sa 46 na mga wika sa halos 120,000 na mga kompyuter kada buwan. Ang pangaral na manuskrito ay hindi nakarapatang magpalathala, kaya nagagamit ng mga mangangaral ang mga ito na walang pahintulot. Mayroong daan-daang mga videyo ni Dr. Hymers at ng kanyang mga estudyanteng nangangaral. Ang mga manuskrito ay hindi nakarapatang magpalathala, ngunit lahat ng mga videyo nakarapatang magpalathala. Paki-klik ito upang matutunan kung paano ka maaring gumawa ng isang buwan-buwanang donasyon upang tulungan kami sa dakilang gawaing ito ng pagkakalat ng Ebanghelyo sa buong mundo, kasama ang mga Muslim at mga Hindu na mga bansa.
Tuwing nagsusulat kay Dr. Hymers, laging sabihin sa kanya kung anong bansa ka nakatira, o hindi ka niya masasagot. Ang email ni Dr. Hymers’ ay rlhymersjr@sbcglobal.net .
KAMANGMANGAN SA AYON SA LAMANG TAO! FOOLISHNESS TO THE NATURAL MAN! ni Dr. R. L. Hymers, Jr. Isang pangaral na ipinangaral sa Baptist Tabernacle ng Los Angeles “Ang taong ayon sa laman ay hindi tumatanggap ng mga bagay ng Espiritu ng Dios: sapagka't ang mga ito ay kamangmangan sa kaniya; at hindi niya nauunawa, sapagka't ang mga yaon ay sinisiyasat ayon sa espiritu” (I Mga Taga Corinto 2:14). |
Sa mga bersong 14 at 15 si Apostol Pablo ay nagbibigay ng dalawang uri ng tao – ayon sa laman at ayon sa espiritu. Hinihiwalay niya ang buong sangkatauhan sa dalawang grupo. Nagbibigay lamang siya ng dalawang uri ng tao – ayon sa laman at ayon sa espiritu. Kung ang Espiritu ng Diyos ay hindi nagbigay sa kanila ng bagong kalikasang iba mula sa mayroon sila sa pagkapanganak, inililista niya sila bilang mga ayon sa lamang tao. Itinuturo niya na ang ayon sa lamang tao ay hindi kailan man makatatanggap ng mga katotohanan sa Ebanghelyo maliban nalang kung sila’y baguhin ng Espiritu ng Diyos na maging ayon sa espiritung tao (Isinalin mula kay cf. C. H. Spurgeon, “Natural or Spiritual?”, The Metropolitan Tabernacle Pulpit, Pilgrim Publications, 1986 inilimbag muli, volume VII, pp. 473-480).
Ang salitang “ayon sa laman [natural]” ay isinalin mula sa Griyegong salitang “psuchikos,” na nangangahulugang “senswal,” ayon sa pandama (Isinalin mula kay Strong). Tumutukoy ito mula sa isang di-napagbagong loob na kalagayan. Ang tao sa kalagayang ito ay dapat mapagbagong loob, nagiging isang “bagong nilalang,” mahango mula sa ayon sa lamang kalagayan (II Mga Taga Corinto 5:17). Napupunta sa ating teksto, nakikita natin ang tatlong katotohanan na nagpapatunay na iya’y totoo.
I. Una, ang isang taong ayon sa laman ay hindi nakatatanggap ng mga bagay ng Espiritu ng Diyos.
“Ang taong ayon sa laman ay hindi tumatanggap ng mga bagay ng Espiritu ng Dios …” (I Mga Taga Corinto 2:14).
Ang salitang “ayon sa laman [natural]” ay isinalin mula sa Griyegong salitang “psuchikos,” na nangangahulugang “senswal,” ayon sa pandama (Isinalin mula kay Strong). Tumutukoy ito sa tao sa isang di-napagbagong loob na ayon sa lamang kalagayan. Nabubuhay siya sa pamamagitan ng kanyang pandama. Wala siyang koneksyon sa Diyos.
Si Adan ay nagkasala laban sa Diyos, at gayon ay nagdala ng kasiraan at pagkakasala sa lahat ng kanyang mga angkan. Ang buong lahi ng tao ay inilubog ni Adan sa kasalanan, at ang ating “ayon sa lamang” kasalanan ay namana mula sa kanya.
“Sa pamamagitan ng pagsuway ng isang tao ang marami ay naging mga makasalanan” (Mga Taga Roma 5:19).
Ganyan ka naging isang “ayon sa lamang” tao na “hindi tumatanggap ng mga bagay ng Espiritu ng Dios” (I Mga Taga Corinto 2:14). Sa pamamgitan ng kasalanan ni Adan, gaya ng sinabi ni Richard Wurmbrand,
Ang makataong isipan ay nahihibang na, at nakakamit mo lamang ang katotohanan kapag nalamapasan mo ang katuwiran (Isinalin mula kay Wurmbrand, If Prison Walls Could Speak, Living Sacrifice Book Company, 2000 edition, p. 63).
“Ang taong ayon sa laman ay hindi tumatanggap ng mga bagay ng Espiritu ng Dios …” (I Mga Taga Corinto 2:14).
Masasabi nating ito’y totoo sa pamamagitan ng pagtinggin sa mga tao sa paligid natin araw araw. Ang ayon sa lamang tao sa lansangan ay hindi makatatanggap ng mga bagay ng Espiritu ng Diyos. Hindi ito tumutukoy lamang sa mga lasingero at mga mahilig sa babaeng bayaran, ngunit gayun din ang pinaka matalino, matataas at relihiyosong mga tao. Magkakatulad silang lahat. Hindi nila gagawin at hindi nila magagawang tanggapin ang mga bagay ng Espiritu ng Diyos.
Ang Salita ng Diyos ay nagsasabi sa atin na ang ating kasalanang-kalikasan ay nanggagaling kay Adan sa umpisa ng kasaysayan.
“Kaya, kung paano na sa pamamagitan ng isang tao ay pumasok ang kasalanan sa sanglibutan, at ang kamataya'y sa pamamagitan ng kasalanan; at sa ganito'y ang kamatayan ay naranasan ng lahat ng mga tao, sapagka't ang lahat ay nangagkasala”
(Mga Taga Roma 5:12).
“Sapagka't kung paanong sa pamamagitan ng pagsuway ng isang tao ang marami ay naging mga makasalanan”
(Mga Taga Roma 5:19).
Ang buong lahi ng tao ay nagkasala kay Adan, at bawat tao sa pagiging nasa lupa ay namana ang kasalanang-likas ni Adan. Ganyan ang paraan na ang buong sangkatauhan ay napunta sa isang ayon sa lamang kalagayan.
“Ang taong ayon sa laman ay hindi tumatanggap ng mga bagay ng Espiritu ng Dios …” (I Mga Taga Corinto 2:14).
Tumingin sa paligid mo at makikita mo ang daan-daang ayon sa lamang tao na bayolenteng labag sa mga bagay ng Espiritu ng Diyos. Maaring sila at mga miyembro ng simbahan, gayon nilalabanan nila ang sinasabi ng Kasulatan. Noong ako ay nagpupunta sa isang liberal na seminaryo ako’y nagulat na mahanap ang mga Bautistang propesor na bayolenteng laban sa pinaka simpleng mga pagtuturo ng Kasulatan. Sa mga araw na iyon hindi ko lubusang naintindihan noon na ang dahilan ng kanilang pag-atake laban sa “mga bagay ng Espiritu ng Diyos.” Hindi ko lubusang naintindihan noon na ang kanilang oposisyon sa mga simpleng katotohanan ng Bibliya ay nanggagaling mula sa katotohanan na sila ay mga “ayon sa lamang” tao, mga taong hindi minsan napagbagong loob. Sinasabi ng Bibliya,
“Ang kaisipan ng laman ay pakikipagalit laban sa Dios; sapagka't hindi napasasaklaw sa kautusan ng Dios, ni hindi nga maaari” (Mga Taga Roma 8:7).
Ang tao sa kanyang ayon sa lamang kalagayan ay mayroong isipan na pakikipagalit sa Diyos, puno ng “personal na sama ng loob, galit, di pagkagusto at oposisiyon laban sa Diyos” (Isinalin mula kay R. C. H. Lenski, D.D., The Interpretation of St. Paul’s Epistle to the Romans, Augsburg Publishing House, 1961 edition, p. 506; kumento sa Mga Taga Roma 8:7).
Ngunit isang mas malakaing bilang ng ayon sa lamang tao’y hindi bukas at bayolenteng lumalabag sa mga bagay na Espiritu ng Diyos. O hindi, palihim nilang ikinamumuhian ang mga ito at tinatanggi ang mga ito. Kung tapat ka sa sarili mo maaring isang araw ay makikita mo na ito ay totoo. Sa pamamagitan ng biyaya ng Diyos maaring balang araw ay makikita mo na ang iyong ayon sa lamang isipan ay laban sa Diyos sa bawat araw ng karanasan.
Hindi ba totoo na wala kang tunay na kaligayahan sa pagbabasa ng Bibliya? Hindi ba totoo na binabasa mo lamang ang bibliya dahil sa dapat mo itong gawin? Hindi ba totoo na wala kang natatanggap na mga bagay ng espiritwal na kahalagahan kapag binabasa mo ang Salita ng Diyos? At hindi ba na ito’y isang malakas na patunay na ika’y isa pa ring
“taong ayon sa laman [na] hindi tumatanggap ng mga bagay ng Espiritu ng Dios” (I Mga Taga Corinto 2:14).
Natutulad ang maaring masabi sa pananalangin. Nakalalapit ka ba ng minsan sa Diyos sa panalangin? Nasisiyahan ka ba sa pananalangin? Maging tapat sa iyong sarili. At kung hindi mo kinaliligayahan ang pananalangin, at kung hindi ka kailan man nakalalapit sa Diyos sa panalangin, hindi ba ito’y isa na namang patunay na ika’y isa pa ring
“taong ayon sa laman [na] hindi tumatanggap ng mga bagay ng Espiritu ng Dios” (I Mga Taga Corinto 2:14).
At kapag pumupunta ka sa simbahan tuwing Linggo, sabik ka bang marinig ang sasabihin sa iyo ng Diyos sa pamamagitan ng pangangaral ng Kanyang Salita? O tumitinggin ka ba sa sahig, o sa kawalan, hindi tumatanggap o natutuwa sa sermon sa anomang paraan? At, kung ito’y totoo sa iyo, hindi ba ito’y isa nanamang patunay na ika’y isa pa ring
“taong ayon sa laman [na] hindi tumatanggap ng mga bagay ng Espiritu ng Dios” (I Mga Taga Corinto 2:14).
At kung pumupunta ka sa silid ng pag-eeksamen pagkatapos ng paglilingkod, ikaw ba’y interesadong marinig kung anong sasabihin sa iyo ng ating diakono? Ikaw ba’y lumalapit at nakikinig ng masinsinan sa kanyang pagpapayo tungkol sa iyong pagbabagong loob? O isinasara mo ba ang iyong isipan, hindi tinatanggap ang sinasabi niya, at mabilisang nalilimutan ang sinasabi niya kapag umaalis ka na? At, kung iyan ay totoo sa iyo, hindi ba ito’y isa na namang patunay na ika’y nasa isang ayon sa lamang kalagayan, isang
“taong ayon sa laman [na] hindi tumatanggap ng mga bagay ng Espiritu ng Dios” (I Mga Taga Corinto 2:14).
Kung ika’y wala sa isang ayon sa lamang kalagayan, iyong nananabik na lalamunin ang mga sermon, nakikinig na para bang ang pinaka buhay mo’y nakasalalay rito, hindi ba? Kung hindi ka pa rin nasa ayon sa lamang kalagayang ika’y magiging sabik na makinig kay Dr. Cagan sa silid ng pag-eeksamen at masinsinang tatanggapin ang sasabihin niya sa iyo, hindi ba? At ang ilan sa inyo ay mas malala pa diyan. Ang ilan sa inyo ay lumubog pa ng mas higit sa antas ng di-paniniwala – napatunayan sa katotohanan na hindi ka man lang pumupunta sa silid ng pag-eeksamen sa katapusan ng sermon, kahit na hinihikayat kitang magpunta. Wala kaming pinupwersang pumunta. Simpleng nagbibigay lamang kami ng pagkakataon na gawin ito. Ngunit hindi ba na ang pagkakulang mo ng interest sa pagpunta sa silid ng pag-eeksamen ay nagpapakit na ika’y nasa isang delikadong kalagayan? Hindi ba ipinapakit nito na ika’y isang
“taong ayon sa laman [na] hindi tumatanggap ng mga bagay ng Espiritu ng Dios” (I Mga Taga Corinto 2:14).
Ngunit dapat akong magpunta sa sunod na punto.
II. Pangalawa, isang ayon sa lamang tao ay nag-iisip na ang mga bagay ng Diyos ay kamangmangan.
“Ang taong ayon sa laman ay hindi tumatanggap ng mga bagay ng Espiritu ng Dios: sapagka't ang mga ito ay kamangmangan sa kaniya…” (I Mga Taga Corinto 2:14).
Ang Griyegong salitang isinaling “kamangmangan” ay nangangahulugang “ugok, hangal,” o hindi importante (Isinalin mula kay W. E. Vine). Maari mong sabihin, “Hindi ako kasama diyan.” Sigurado ka bang hindi? Hindi ako sigurado!
Hindi ba ito totoo na nakarinig ka ng maraming mga sermon sa pakikipagpalit na kamatayan ni Kristo sa Krus, namatay upang bayaran ang iyong mga kasalanan? At hindi ba pantay na tunay na hindi mo pa ito napag-isipan sa isang masinsinang paraan? Hindi ba ito totoo na pinapagliban mo ito sa iyong isipan pagkatapos ng bawat paglilingkod? Hindi ba ito totoo na nalilimutan mo ang lahat ng tungkol sa pagkapako sa krus ni Kristo hanggang sa susunod na paglilingkod? At kung iyan ay totoo, hindi ba ito isang malakas na patunay na naiisip mo talaga na ang Pagpapako sa Krus ni Kristo sa lugar mo ay isang hangal at di-importanteng doktrina? O, alam kong masyado kang mataas at nirerespeto upang sabihin iyan ng malakas. Ngunit hindi ba ang pagkakulang mo ng atensyon sa Ebanghelyo ay aktwal na patunay na ika’y nilalarawan sa I Mga Taga Corinto 1:18?
“Sapagka't ang salita ng krus ay kamangmangan sa kanila na nangapapahamak…” (I Mga Taga Corinto 1:18).
Sa bersong ito, ang parehong Griyegong salita ay ginamit – “kamangmangan,” hindi talaga importante, kamangmangan na pag-isipan ito ng lubusan. Ngayon, kung ika’y tapat, hindi ba iyan totoo sa iyo – na ang pangangaral ng krus, sa katunayan, kamangmangan sa iyo – hindi nararapat bigyan masyado ng pag-iisip – hindi nararapat na pag-isipan ng higit sa isang sandali o dalawa sa loob ng isang sermon – hindi mahalagang lubusan na kakapit sa iyong isipan at puso kapag ika’y mag-isa? At kung iya’y totoo sa iyo, hindi ba ito sapat na patunay na ika’y nasa isang ayon sa lamang kalagayan, di-makagawa at di-gustong gumawang tumanggap
“ng mga bagay ng Espiritu ng Dios” (I Mga Taga Corinto 2:14).
“Sapagka't ang salita ng krus ay kamangmangan sa kanila na nangapapahamak…” (I Mga Taga Corinto 1:18).
Ngunit dapat akong humakbang ng mas malayo pa, sa pangatlong punto.
III. Pangatlo, ang ayon sa lamang tao ay dapat mapagbagong loob.
Ito’y malakas na ipinapakita sa katapusan ng ating teksto,
“Ang taong ayon sa laman ay hindi tumatanggap ng mga bagay ng Espiritu ng Dios: sapagka't ang mga ito ay kamangmangan sa kaniya; at hindi niya nauunawa, sapagka't ang mga yaon ay sinisiyasat ayon sa espiritu” (I Mga Taga Corinto 2:14).
“Hindi niya nauunawa.” O, maari niyang ulitin ang mga katotohanan sa Ebanghelyo. Ngunit hindi niya “[nauunawaan]” ang mga katotohanan ng mga ito sa sarili niyang kaluluwa. Hindi niya masasabi ang mga salitang, “Si Kristo’y namatay sa lugar ko.” Ngunit hindi siya makakapit kay Kristo. Hindi siya makapasok kay Kristo sa isang nabubuhay na paraan. Maari niyang madinig ang mga salita ni Evangeline Booth, ngunit kakaiba at tiwali ang tunog nito sa kanya kapag sinasasabi niyang,
Ang mga sugat ni Kristo ay bukas,
Makasalanan, ang mga ito’y ginawa para sa iyo;
Ang mga sugat ni Kristo ay bukas,
Naroon para kanlungang pagtakas.
(“Ang mga Sugat ni Kristo” isinalin mula sa
“The Wounds of Christ” ni Evangeline Booth, 1865-1950).
“Ni hindi niya nauunawaan ang mga ito”!
O, ang kilabot ng pagrinig ng Ebanghelyo ng paulit ulit, ngunit hindi minsan na kikilala si Kristo! O, ang kilabot na sa wakas ay kakapit sa iyong isipan kung lulubog ka sa kamatayan na nalalaman lamang ang mga salita, ngunit hindi alam si Kristo Mismo! O, naway buksan ng Diyos ang iyong puso gaya ng pagbukas Niya sa puso ni Lydia!
“Na binuksan ng Panginoon ang kaniyang puso”
(Mga Gawa 16:14).
O, naway buksan ng Espiritu ng Diyos ang iyong puso na iyong matanggap ang Ebanghelyo, lumapit kay Hesus, at mahugasan mula sa kasalanan sa pamamagitan ng Kanyang mahal na Dugo!
Ang mga sugat ni Kristo ay bukas,
Naroon para kanlungang pagtakas.
Nagmamaka-awa ako sa iyo na maudyok sa mga simpleng salita ng Ebanghelyo sa isang lugar kung saan hahawakan ni Kristo ang iyong puso, at aktwal kang lalapit sa Kanya para sa kaligtasan, at maugnay sa kanya sa pamamagitan ng isang “mahiwagang pag-uugnay.” Gaya ng sinasabi ng Katekismong Westminister,
Ang pag-uugnay na mayroon ang nahalal at si Kristo ay ang gawain ng biyaya ng Diyos, kung saan sila ay espiritwal at mahiwaga, ngunit tunay na di-mahiwalay, naka-ugnay kay Kristo bilang kanilang ulo at asawa (Isinalin mula sa The Westminster Larger Catechism, sagot sa tanong bilang 66).
(KATAPUSAN NG PANGARAL)
Maari ninyong mabasa ang mga sermon ni Dr. Hymers linggo-linggo sa Internet
sa www.realconversion.com. I-klik ang “Mga Pangaral sa Tagalog.”
Pagbabasa ng Kasulatan Bago ng Pangaral ni Dr. Kreighton L. Chan:
I Mga Taga Corinto 1:18-24.
Kumanta ng Solo Bago ng Pangaral si Gg. Benjamin Kincaid Griffith:
“Ang mga Sugat ni Kristo,” isinalin mula sa
“The Wounds of Christ” (ni Evangeline Booth, 1865-1950).
ANG BALANGKAS NG KAMANGMANGAN NG AYON SA LAMANG TAO! ni Dr. R. L. Hymers, Jr. “Ang taong ayon sa laman ay hindi tumatanggap ng mga bagay ng Espiritu ng Dios: sapagka't ang mga ito ay kamangmangan sa kaniya; at hindi niya nauunawa, sapagka't ang mga yaon ay sinisiyasat ayon sa espiritu” (I Mga Taga Corinto 2:14). (Judas 19; II Mga Taga Corinto 5:17) I. Una, ang isang taong ayon sa laman ay hindi nakatatanggap ng mga bagay ng Espiritu ng Diyos, I Mga Taga Corinto 2:14a; Mga Taga Roma 5:12, 19; 8:7. II. Pangalawa, isang ayon sa lamang tao ay nag-iisip na ang mga bagay ng Diyos ay kamangmangan, I Mga Taga Corinto 2:14b; 1:18. III. Pangatlo, ang ayon sa lamang tao ay dapat mapagbagong loob, I Mga Taga Corinto 2:14c; Mga Gawa 16:14. |