Ang mga pangaral na manuskrito at mga videyo ay ngayon lumalabas sa 1,500,000 na mga kompyupter sa lampas na 221 na mga bansa kada taon sa www.sermonsfortheworld.com . Daan-daang iba ang nanonood ng mga videyo, sa YouTube, ngunit di nagtatagal ay iniiwan ang YouTube at nagpupunta sa aming websayt, dahil bawat pangaral ay nagtuturo sa kanila papalyo mula sa YouTube tungo sa aming websayt. Ang YouTube ay nagdadala ng mga tao sa aming websayt. Ang mga pangaral na manuskrito ay ibinibigay sa 46 na mga wika sa halos 120,000 na mga kompyuter kada buwan. Ang pangaral na manuskrito ay hindi nakarapatang magpalathala, kaya nagagamit ng mga mangangaral ang mga ito na walang pahintulot. Mayroong daan-daang mga videyo ni Dr. Hymers at ng kanyang mga estudyanteng nangangaral. Ang mga manuskrito ay hindi nakarapatang magpalathala, ngunit lahat ng mga videyo nakarapatang magpalathala. Paki-klik ito upang matutunan kung paano ka maaring gumawa ng isang buwan-buwanang donasyon upang tulungan kami sa dakilang gawaing ito ng pagkakalat ng Ebanghelyo sa buong mundo, kasama ang mga Muslim at mga Hindu na mga bansa.
Tuwing nagsusulat kay Dr. Hymers, laging sabihin sa kanya kung anong bansa ka nakatira, o hindi ka niya masasagot. Ang email ni Dr. Hymers’ ay rlhymersjr@sbcglobal.net .
ANG PUSO NG EBANGHELYO THE HEART OF THE GOSPEL ni Dr. R. L. Hymers, Jr. Isang pangaral na ipinangaral sa Baptist Tabernacle ng Los Angeles “Yaong hindi nakakilala ng kasalanan ay kaniyang inaring may sala dahil sa atin: upang tayo'y maging sa kaniya'y katuwiran ng Dios” (II Mga Taga Corinto 5:21). |
Ang pinaka puso ng Ebanghelyo ay ang pakikipagpalit na sakripisiyo ni Kristo sa Krus. Yoong mga hindi ipinapangaral ang pakikipagpalit na sakripisiyo ni Kristo sa Krus ay nakaligtaan ang mensahe ng Bagong Tipan – anomang ibang mga katotohanan ay kanilang prinoproklama. Taong 1880 si Spurgeon ay nangaral ng mga malalakas na sermon sa doktrina ng pakikipagpalit ni Kristo, dahil ito’y ipinagkakaila ng lumalagong liberalismo ng Unyong Bautista sa Britaniya. Ngayon ang problema ay naiiba ng kaunti. Ilang mga Amerikanong mangangaral sa telebisyon ay nangangaral na si Kristo ay nakipagkasundo para sa ating kasalanan sa Impiyerno. Iyan ay isang teribleng pagkakamali! Wala ito sa Bibliya! Ngunit, sa karamihan sa mga ebanghelikal na mga simabahan, hindi ito masyadong dahil sa ang doktrina ay ikinakaila kundi ng dahil sa ang doktrina ay pinawawalang bahala – nakalulungkot at di-karaniwang pinawawalang bahala. Ang pakikipagpalit na kamatayan ni Hesus sa Krus ay hindi halos prinoproklama sa makabagong ebanghelikal na mga pulpito. Sa katunayan, napakakaunting pagbabanggit ang nagawa sa kamatayan ni Kristo sa karamihan sa mga ebanghelikal na mga simbahan ngayon. Maaring mayroong ilang mga salita, ngunit bihirang-bihira na ang mga pastor ay nagbibigay ng buong mga sermon tungkol sa mahalagang doktrinang ito. Sa palagay ko ito’y isa sa mga dahilan ng malaking depekto ng pag-alis ng mga tao sa mga ebanghelikal na mga simabahan upang sapian ang Romanong Katolisismo at Silangang Tradisyonalismo, kung saan bawat paglilingkod ay nakatayo na ang kamatayan ni Kristo ang sentro. Kahit na hindi sa pagkaligtas na paraan naisasabuhay, ang pagpapako sa krus ay natatanghal sa kanilang mga misa. Ngunit sa mga ebanghelikal na mga simbahan ipinapalagay na alam na ng mga tao ang kabuuang kahalagahan ng doktrina ng pakikipagpalit na sakripisyo ni Kristo. Kaya hindi ito nababanggit sa pagkakataon, kung banggitin man ito.
Naggugol ako ng ilang oras na nagpupunta sa isang Bautismong simbahan kung saan ang pangunahing diin ay ang pagsasanay ng mga Kristiyano. Isa sa mga kababihan na nasa simbahan na ng ikapat ng isang siglo ay nagpunta rito sa ating simbahan. Tinanong ko siya kung paano niya inaasahang maligtas. Sinabi niya, “Sa pamamagitan ng pangunguimpisal ng aking mga kasalanan at pagtatanggap ng Hapunan ng Panginoon.” Ang nag-iisang pagkakataon na binanggit ng kanyang pastor ang doktrina ng pakikipagsundo ay pagkatapos ikumpisal ng mga tao ang kanilang mga kasalanan sa pananalangin bago ng buwan-buwanang Hapunan ng Panginoong paglilingkod. Bilang resulta, ang babaing ito, isang matagal na Bautista, ay walang mas higit na pagkakaintindi ng doktrina ng pakikipagpalit ni Kristo kaysa sa isang nawawalang Romanong Katoliko. Ang pastor ng kanyang simbahan ay gumugol ng halos dalawam pu’t limang taon na nagtuturo sa kongregasyon na buhayin ang Kristiyanong buhay – at sa buong oras ang taong ito ay ligaw pala – na pupunta sa Impiyerno!
Natatakot ako na maraming iba’t ibang mga pagkakamali tungkol sa pakikipagsundo ay nasa isipan ng karamihan sa mga Bautista at mga ebanghelikal ngayon – dahil sa kabuuang pagpapabaya niyang napaka mahalagang paksa sa ating mga pulpito. Ang karaniwang pastor ay nag-iisip na, “Hindi ko kailangang mangaral tungkol diyan! Ang paksa ay masyadong payak! Dapat ko silang turuan ng isang bagay na tutulong sa kanilang buhayin ang Kristiyanong buhay!” Gayon, ang mga pastor na ito ay iginugugol ang kanilang buong pangangasiwang “nagtatapon ng mga perlas sa harap ng baboy.” Dahil ang mga mga taong kanilang “tinuturuan” ay hindi minsan naging mga tunay na Kristiyano, karamihan sa kanilang pangangasiwa ay naaksaya. Ang pagkakasundo ay dapat nakagitna – ngunit ito’y hindi halos nababanggit sa ngayong pagtalikod sa dating pananampalataya sa karamihihan sa mga ebanghelikal na mga simbahan.
Alam natin ito sa pamamagitan ng pakikinig sa mga tao sa silid ng pag-eeksamen. Karamihan sa mga pastor ay ginagawa ang lahat pagsasalita, at hindi minsan nagtatanong, o nakikinig sa mga sagot. Kung gayon ang mga pastor na ito ay walang ideya kung anong iniisip ng kanilang mga tao! Iyan ang dahilan na hindi nila maisip na ang paksa ng pakikipagpalit ni Kristo – malayo sa pagiging “masyadong payak” – ay hindi kahit kilala o tanggap ng kanilang mga tao! Darating ito bilang isang pagkagulat ngayon sa maraming mga ebanghelikal na mga simbahan upang marinig ang isang nakatatamang sermon sa pakikipagpalit ni Kristo. Panginginigin ang mga dila ng isang buwan kung makarinig sila ng isang brutal na sermon sa ating teksto,
“Yaong hindi nakakilala ng kasalanan ay kaniyang inaring may sala dahil sa atin: upang tayo'y maging sa kaniya'y katuwiran ng Dios” (II Mga Taga Corinto 5:21).
Alam ko ito sa karanasan pagkatapos kong mangaral ng limam pung taon.
Hindi nakapagtataka na karamihan sa mga ebanghelikal ay di pa minsan napagbabagong loob! Hindi nakapagtataka na ang ating mga simbahan ay nagsisisara! Hindi nakapagtataka na ang mga maling pagtuturo ng “umaahong simbahan” ay pinapawalang loob ang pinaka hinaharap ng ating pagkaparito! Hindi nakapagtataka na ang mga tao na ngayon ay hinuhulaan ang pagbagsak ng ebanghelikalismo bilang isang pagkilos! Sasabihin ko kasama ni Spurgeon,
Ang doktrina ni Kristong napako sa krus ay laging kasama ko. Gaya ng Romanong gwardiya sa Pompeii na tumayo [sa] kanyang poste kahit noong ang lungsod ay nasira, gayon ako’y nakatayo [sa tabi] ng katotohanan ng pakikipagsundo kahit na ang simbahan ay ikinukulong sa ilalim ng kumukulong putik ng palayok ng maling pagtuturo. Ang lahat ng iba pa ay maka-aantay, ngunit ang nag-iisang katotohanan ay dapat maproklama ng may tinig na malakas. Ang iba ay maaring ipangaral ang kanilang kagustuhan, ngunit para sa pulpitong ito, palagi itong umaalingawngaw kasama ng pakikipagpalit ni Kristo. “Huwag sanang ipahintulot ng Diyos na dapat akong maluwahating maligtas sa krus ng ating Panginoong Hesu-Kristo” (Isinalin mula kay C. H. Spurgeon, “The Blood Shed For Many,” The Metropolitan Tabernacle Pulpit, Pilgrim Publications, 1974 inilimbag muli, volume XXXIII, p. 374).
“Yaong hindi nakakilala ng kasalanan ay kaniyang inaring may sala dahil sa atin: upang tayo'y maging sa kaniya'y katuwiran ng Dios” (II Mga Taga Corinto 5:21).
Sinabi ni Dr. Ryrie,
Narito ang puso ng ebanghelyo: ang walang salang Tagapagligtas ay kumuha ng ating mga kasalanan na magkaroon tayo ng katuwiran ng Diyos (Isinalin mula kay Charles C. Ryrie, Ph.D., The Ryrie Study Bible, Moody Press, 1978, p. 1759; sulat sa II Mga Taga Corinto 5:21).
Ito ang sentrong doktrina ng Ebanghelyo – ang puso ng Ebanghelyo – si Kristo bilang kapalit ng makasalanan. Ito ang pinaka matindi at pinaka mahalagang doktrina sa lahat, dahil ang mga tao ay nawawala sa kasalanan, at kinuha ng Diyos ang kanilang kasalanan at ilagay ito sa Kanyang bugtong Anak, ginagawa siyang isang kasalang-pag-aalay para sa atin, kaya siyang lalapit kay Kristo ay ginawang tapat at makatuwiran sa paningin ng Diyos. Ito ang doktrina ng pakikipagpalit ni Kristo sa lugar ng mga nagkasalang mga tao. Si Kristo ba’y naging iyong kapalit? Kung hindi, wala kang pag-asang makatakas sa apoy ng Impiyerno.
“Yaong hindi nakakilala ng kasalanan ay kaniyang inaring may sala dahil sa atin: upang tayo'y maging sa kaniya'y katuwiran ng Dios” (II Mga Taga Corinto 5:21).
I. Una, sino itong ginawang kasalanan para sa ating?
“Yaong hindi nakakilala ng kasalanan ay kaniyang inaring may sala…” (II Mga Taga Corinto 5:21).
Ito’y si Kristo, na “hindi nakakilala ng kasalanan.” Sa Kanyang buong buhay sa lupa walang kilalang kasalanan si Hesus. Siya ang nag-iisang walang salang taong nabuhay. Noong sinabi Niya, “Sino sa inyo ang makasusumbat sa akin tungkol sa kasalanan?” hindi nila Siya masagot (Juan 8:46). Kahit ang Romanong gobernador, Pontiu Pilato, ay napansin ito. Noong sinabi nila, “Mapako siya sa krus,” sinabi ni Pilato, “Bakit, anong kasamaan ang kaniyang ginawa?” (Mateo 27:23). Hindi sila makahanap ng kasalanan sa Kanya, at kaya kinailangan nila Siyang sipiing mali, at baluktutin ang sinabi Niya, o hindi nila Siya mahahanapan ng kamalian ng kahit ano man,
“Na siya'y hindi nagkasala, o kinasumpungan man ng daya ang kaniyang bibig” (I Ni Pedro 2:22).
“…at sa kaniya'y walang kasalanan” (I Juan 3:5).
Ito ang mga salita ni Pedro at Juan, ang Kanyang dalawang pinaka malapit na mga disipolo, mga kalalakihang kilala siyang lubos. Sinabi ni Pedro, “Na siya'y hindi nagkasala” (I Ni Pedro 2:22). Sinabi ni Juan, “sa kaniya'y walang kasalanan” (I Ni Juan 3:5). Sinong makaaalam nito kaysa kanila? Siya ang Kordero ng Diyos, na walang dungis at walang bahid ng kasalanan!
Nagawa ni Kristong makuha ang lugar ng mga makasalanan sa Krus dahil Wala Siyang kasalanan sa sarili Niya. Kahit ang magnanakaw na ipinako sa tabi ni Kristo ay nagsabing, “Ang taong ito'y hindi gumagawa ng anomang masama” (Lucas 23:41).
II. Pangalawa, anong ginawa ng Diyos sa Kanyang hindi
nakakilala ng kasalanan?
“Yaong hindi nakakilala ng kasalanan ay kaniyang inaring may sala dahil sa atin…” (II Mga Taga Corinto 5:21).
Ang kapansin-pansing kahulugan ay na ang kasalanan ay binuhat mula sa nagkasalang makasalanan at ibinaba sa inosenteng si Kristo. Sinasabi ng Kasulatan,
“Ipinasan sa kaniya ng Panginoon ang kasamaan nating lahat” (Isaias 53:6).
“Dadalhin niya ang kanilang mga kasamaan” (Isaias 53:11).
Iyan ay simpleng salita. Ngunit kung mayroong magagawang mas simple pa, narito iyon – “[Siya’y] kaniyang inaring may sala dahil sa atin.”
Inilagay ng Diyos ang lahat ng bigat ng katauhang kasalanan kay Hesus. Sinabi ni Spurgeon,
Inipit ng kasalanan ang ating dakilang Kapalit [si Hesus] ng lubusan. Nadama niya ang bigat nito sa Hardin ng Gethsemane, kung saan “ang kaniyang pawis ay naging gaya ng malalaking patak ng dugo.” Ang buong pwersa ng [ating kasalanan] ay bumaba sa kanya noong siya ay ipinako sa krus sa kinondenang puno [ang krus]. Doon sa mga oras ng kadiliman kanyang tiniis ang higit sa kaya nating masabi…alam natin na kanyang tiniis ang hiya para sa ating alang-alang… “Nang magkagayo'y niluraan nila ang kaniyang mukha.” Iyo’y isang malupit na pagkawalang respeto…Alam natin na buhat niya ang mga sakit ng di-mabilang na katawan at isipan: nauhaw siya, humiyaw siya sa pighati ng pagka-iwan, nagdugo siya, namatay siya. Alam natin na kanyang ibinuhos ang kanyang kaluluwa sa kamatayan…Ngunit doon sa likuran, lamampas pa ng lahat ng mga ito, isang di-masukat na paghihirap…” “Ang Iyong di-kilalang paghihirap”… hindi-maaring makilalang paghihirap. Tiniis Niya ito, isang dami ng paghihirap na alin ay hindi tayo maari gumawa ng pag-uumpisa. Wala na akong sasabihin pa: madunong na taklobin ang imposibleng mapaliwanag. Ang tekstong ito ay parehong tumatalukbong at nakatutuklas ng sarili niyang paghihirap, gaya ng sinasabi nito, “[Siya’y] kaniyang inaring may sala”… Ginawa ng Panginoon ang isang lubusang inosenteng maging magka-kasalanan para sa atin: ang ibig sabihin niyan ay mas maraming kahihiyan, kadiliman, at kapighatian, at kamatayan na iyong malarawan…” Ang krus ay [sa] maraming paraan ay isang mas puno ng paglalantad ng poot ng Diyos laban sa kasalanan katauhan kahit kaysa [Impiyerno], at ang usok ng paghihirap na tumataas ng magpaikailan man. Sinong makaaalam ng poot ng Diyos sa kasalanan ay makikita ang Nag-iisang Bugtong [si Hesus] na nagdurugo ang katawan at nagdurugo ang kaluluwa kahit sa kamatayan…Ito’y higit pa kaysa “paglalagay niya sa kanya sa pagdurusa”; ito’y higit pa kaysa “ang Diyos ay inabandona siya”: ito ang pinaka nagpapakita sa lahat ng paglalarawan – “[Siya’y] inaring may sala dahil sa atin.” O kailaliman ng lagim, at gayon ay kataasan ng pag-ibig! (Isinalin mula kay C. H. Spurgeon, “The Heart of the Gospel,” The Metropolitan Tabernacle Pulpit, Pilgrim Publications, 1974 inilimbag muli, volume XXXII, pp. 390-391).
III. Pangatlo, anong maaring mangyari sa iyo bilang isang resulta?
“Yaong hindi nakakilala ng kasalanan ay kaniyang inaring may sala dahil sa atin: upang tayo'y maging sa kaniya'y katuwiran ng Dios” (II Mga Taga Corinto 5:21).
Ang bawat tao na nagpupunta kay Hesus, at namamahinga sa Kanya ay ginagawang katuwiran sa paningin ng Diyos sa pamamagitan ng pakikipagpalit na sakripisyo ni Kristo. Tayo ay ginawang makatuwiran sa pamamagitan ng pananampalataya kay Hesu-Kristo – at wala nang iba pang paraan.
“Yaman nga na mga inaaring-ganap sa pananampalataya, mayroon tayong kapayapaan sa Dios sa pamamagitan ng ating Panginoong Jesucristo” (Mga Taga Roma 5:1).
Inaaring-ganap, nabilang na ganap at matuwid, sa pananampalataya ni Hesus,
“…upang siya'y maging ganap at tagaaring-ganap sa may pananampalataya kay Cristo” (Mga Taga Roma 3:26).
Diretsong pumunta kay Hesus at Kanyang kukunin ang iyong mga kasalanan at dadamitan ka sa Kanyang katuwiran!
Nakadamit sa Kanyang katuwiran mag-isa.
Walang bahid nakatayo sa harap ng trono.
(“Ang Matigas Na Bato” isinalin mula sa
“The Solid Rock” ni Edward Mote, 1797-1874).
“Yaong hindi nakakilala ng kasalanan ay kaniyang inaring may sala dahil sa atin: upang tayo'y maging sa kaniya'y katuwiran ng Dios” (II Mga Taga Corinto 5:21).
Isang Bautismong pastor ang nagpaliwanag ng lahat ng ito sa isang Mormon. Pagkatapos sinabi ng pastor, “Naiintindihan mo ba ito?” Sinabi ng lalake, “Naiintindihan ko, ngunit hindi ko ito pinaniniwalaan.” Kaibigan ko, dapat mo itong paniwalaan, ngunit dapat kang lumayo pa diyan – dapat kang aktwal na lumapit kay Hesus at magpahinga sa Kanya! Tapos ay ika’y
“…maging sa kaniya'y katuwiran ng Dios”
(II Mga Taga Corinto 5:21).
Dapat kang “maging sa kanya” – kay Hesu-Kristo Mismo! Magpunta sa Kanya, magpahinga sa Kanya! Pumasok kay Kristo. “Maging sa kaniya’y katuwiran ng Dios!”
(KATAPUSAN NG PANGARAL)
Maari ninyong mabasa ang mga sermon ni Dr. Hymers linggo-linggo sa Internet
sa www.realconversion.com. I-klik ang “Mga Pangaral sa Tagalog.”
Pagbabasa ng Kasulatan Bago ng Pangaral ni Dr. Kreighton L. Chan:
II Mga Taga Corinto 5:17-21.
Kumanta ng Solo Bago ng Pangaral si Gg. Benjamin Kincaid Griffith:
“Namatay Si Hesus Para Sa Mga Makasalanan,”
isinalin mula sa “Jesus Died For Sinners” (ni Dr. John R. Rice, 1895-1980).
ANG BALANGKAS NG ANG PUSO NG EBANGHELYO ni Dr. R. L. Hymers, Jr. “Yaong hindi nakakilala ng kasalanan ay kaniyang inaring may sala dahil sa atin: upang tayo'y maging sa kaniya'y katuwiran ng Dios” (II Mga Taga Corinto 5:21). I. Una, sino itong ginawang kasalanan para sa ating? Juan 8:46; II. Pangalawa, anong ginawa ng Diyos sa Kanyang hindi III. Pangatlo, anong maaring mangyari sa iyo bilang isang resulta? |