Ang mga pangaral na manuskrito at mga videyo ay ngayon lumalabas sa 1,500,000 na mga kompyupter sa lampas na 221 na mga bansa kada taon sa www.sermonsfortheworld.com . Daan-daang iba ang nanonood ng mga videyo, sa YouTube, ngunit di nagtatagal ay iniiwan ang YouTube at nagpupunta sa aming websayt, dahil bawat pangaral ay nagtuturo sa kanila papalyo mula sa YouTube tungo sa aming websayt. Ang YouTube ay nagdadala ng mga tao sa aming websayt. Ang mga pangaral na manuskrito ay ibinibigay sa 46 na mga wika sa halos 120,000 na mga kompyuter kada buwan. Ang pangaral na manuskrito ay hindi nakarapatang magpalathala, kaya nagagamit ng mga mangangaral ang mga ito na walang pahintulot. Mayroong daan-daang mga videyo ni Dr. Hymers at ng kanyang mga estudyanteng nangangaral. Ang mga manuskrito ay hindi nakarapatang magpalathala, ngunit lahat ng mga videyo nakarapatang magpalathala. Paki-klik ito upang matutunan kung paano ka maaring gumawa ng isang buwan-buwanang donasyon upang tulungan kami sa dakilang gawaing ito ng pagkakalat ng Ebanghelyo sa buong mundo, kasama ang mga Muslim at mga Hindu na mga bansa.
Tuwing nagsusulat kay Dr. Hymers, laging sabihin sa kanya kung anong bansa ka nakatira, o hindi ka niya masasagot. Ang email ni Dr. Hymers’ ay rlhymersjr@sbcglobal.net .
PAKIKIPAGALIT LABAN SA DIYOS! ENMITY AGAINST GOD! ni Dr. R. L. Hymers, Jr. Isang pangaral na ipinangaral sa Baptist Tabernacle ng Los Angeles “Sapagka’t ang kaisipan ng laman ay pakikipagalit laban sa Dios sapagka’t hindi napasasaklaw sa kautusan ng Dios, ni hindi nga maari” (Mga Taga Roma 8:7). |
Dito ibinibigay ng Bibliya ang isang malinaw na pagaakusa laban sa tao sa kanyang katutubong kalagayan. Ang kaisipan ng laman ay ang kaisipan mo noong ika’y ipinanganak. Ang bawat bata ay ipinanganganak na mayroong kaisipang ito. Sinabi ni Matthew Henry, na “ito’y tumutukoy sa isang demonyo ng isang tao. [Siya] ay hindi lamang isang kalaban, ngunit isang kagagalitan mismo…ang oposisiyon ng kaluluwa laban sa Diyos; nagrerebelde ito laban sa kanyang awtoridad, [lumalabag] sa kanyang interest, dumudura sa kanyang mukha. Mayroon bang mas matinding kagagalitan?” Maari bang mayroong isang mas matinding rebelyon laban sa Diyos na gumawa sa iyo? (Isinalin mula sa Matthew Henry’s Commentary on the Whole Bible, Hendrickson Publishers, 1996 edition, volume 6, p. 335; sulat sa Mga Taga Roma 8:7).
“Ang kaisipan ng laman ay pakikipagalit laban sa Dios…”
(Mga Taga Roma 8:7).
Ang Griyegong salitang isinalin na “pakikipagalit” ay “echthra.” Ibig nitong sabihin ay “kagalitan.” Ito’y maling naisalin sa NASV at NIV bilang “galit.” Hindi, “echthra” ay hindi “galit,” kundi “kagalitan” o “pakikipagalit.” Ang isipan ng bumagsak na tao ay simleng galit sa Diyos; hindi ito kagalitan mismo! Ang kaisipan ng laman ay pakikipagalit laban sa Diyos! Sinabi ni Dr. Lenski
…[ang echthra]…ay nangangahulugang personal na pagkapoot, pagkagalit, pagkasuklam, at oposisiyon laban sa Diyos (Isinalin mula kay R. C. H. Lenski, D.D., The Interpretation of St. Paul’s Epistle to the Romans, Augsburg Publishing House, 1961 edition, p. 506; comment on Romans 8:7).
Napaka iba nito mula sa tao bilang kung papaano siya’y orihinal na nilikha! Sa umpisa,
“Nilalang ng Dios ang tao ayon sa kaniyang sariling larawan”
(Genesis 1:27).
Sa umpisa ang tao ay nabubuhay sa perpektong pagkakasundo kasama ng Diyos.
“At kinuha ng Panginoong Dios ang lalake at inilagay sa halamanan ng Eden, upang kaniyang alagaan at ingatan”
(Genesis 2:15).
Ngunit si Adan ay nagkasala laban sa Diyos, at gayon ay nagdala ng pagkasira at sala sa lahat ng kanyang [karangalan] – sa buong lahi ng sanglibutan dahil tayo ay lahat nanggaling mula sa kanya, hindi mula kay Darwin, kahit na ang hugis ng mukha ni Darwin ay nakapapaalala sa akin ng isang malaking matsing. Siguro ang kanyang mga ideya ay nagmula sa paniningin sa isang salamin ng masyadong matagal. Ngunit ang Salita ng Diyos ay nagsasabi na ating katutubong makasalanan ay namana mula kay Adan sa umpisa ng kasaysayan ng tao.
“Sa pamamagitan ng isang tao ay pumasok ang kasalanan sa sanglibutan, at ang kamataya’y sa pamamagitan ng kasalanan” (Mga Taga Roma 5:12).
“Sa pamamagitan ng pagsuway ng isang tao ang marami ay naging mga makasalanan” (Mga Taga Roma 5:19).
Iya’y ang buong lahi ng tao ay naging mga makasalanan sa pagkatutubo at sala – sa isang taong iyan, si Adan – “sa pamamagitan ng pagsuway ng isang tao” ang lahat ng mga tao ay “naging mga makasalanan.” Sa pamamagitan ng kasalanan ni Adan, ang sanglibutan ay bumagsak, at
“Ang kaisipan ng laman ay [naging] pakikipagalit laban sa Dios…” (Mga Taga Roma 8:7).
Di ba inilarawan ni Matthew Henry ang bumagsak ng tao bilang isang “demonyo ng isang tao” (isinalin mula sa ibid.). Ang salitang Satanas ay isinalin mula sa Griyegong salitang “Satanas,” na ang ibig sabihin ay “kalaban,” antagonista, kaaway. Noong nagkasala si Lusiper, bumagsak siya at naging si Satanas, ang kaaway ng Diyos (Isaias 14:12-15; Ezekiel 28:13-17). Noong ang tao ay bumagsak siya ay naging “pakikipagalit laban sa Diyos.” Ipinaliwanag ni Spurgeon na ang Apostol Pablo ay gumamit ng isang pangngalan, hindi isang panlarawan. Gayon hindi niya sinabi na ang isipan ng tao ay laban sa Diyos, kundi “pakikipagalit mismo…hindi nagrerebelyon, hindi pagrerebelyon…wala sa pakikipagalit, aktwal itong pakikipagalit” (Isinalin mula kay C. H. Spurgeon, “The Carnal Mind Enmity Against God,” The New Park Street Pulpit, Pilgrim Publications, 1981 inilimbag muli, volume I, p. 150).
“Ang kaisipan ng laman ay pakikipagalit laban sa Diyos…”
(Mga Taga Roma 8:7).
Sa gabing ito maglalabas ako ng tatlong mga katunayan mula sa tekstong ito.
I. Una, ang katotohanan ng pagkakaroon ng kaisipan ng laman ay laban sa Diyos.
Kung makatotohanan ka sa iyong sarili, maaring isang araw ay makita mo itong totoo. Hindi ko nakikita kung paanong ang kahit sino ay maaring maging tunay na napagbagong loob na hindi muna inaamin na siya ay laban sa Diyos na ibinunyag sa Kasulatan. Ngunit sa biyaya maari mong masimulang makita ang iyong di napagbagong loob na isipan laban sa Diyos. Bakit, kahit ang isipan mo ay tumatanggi sa Diyos sa iyong pang-araw araw na karanasan. Maari mong basahin ang bawat kapitulo ng Bibliya, at gayon ay makakuha lamang ng isang kahulugan ng isang salita, at kaya ang iyong pagbabasa ng Bibliya ay wala kahulugan sa iyong kaluluwa. Ang dakilang mga Kristiyano ng nakaraan ay nagbasa ng Bibliya at “kinain” ito, gaya ng pagkain ng mga Hebreo ng mana na nagpakain sa kanila sa kagubatan. Sa Ezekiel 3:2 sinabi ng propeta, “Kaya aking binuksan ang aking bibig at kanyang isinanhing kainin ko ang rolyong iyon [ang rolyo ng Kasulatan].” Sinabi ng Apostol na si Juan, “kinuha ko ang maliit na libro mula sa kamay ng anghel, at kinain” (Apocalipsis 10:10). Sinabi ni Dr. McGee, “Pagkain sa maliit na aklat ay nangangahulugang pagtanggap sa Salita ng Diyos sa pananampalataya” (Isinalin mula kay J. Vernon McGee, Th.D., Thru the Bible, Thomas Nelson, 1983, volume V, sulat sa Apocalipsis 10:10). Gumawa ng parehong bagay ang propetang si Jeremias. “Ang iyong mga salita ay nangasumpungan, at aking kinain; at ang iyong mga salita sa ganang akin ay katuwaan at kagalakan sa aking puso” (Jeremias 15:16). Kinain ng mga propeta at ng Apostol Juan Salita ng Diyos at ito’y matamis sa kanila. Kinain nila ang Kasulatan tulad ng mga Hebreong kumain ng mana sa kagubatan.
Anong ibig kong sabihin kapag sinabi kong kanilang “kinain” ang Bibliya tulad ng mana, at pinakain mula rito ng Diyos? Anong ibig nitong sabihin? Ibig nitong sabihin na ang mga banal na mga kalalakihan sa panahon ng Bibliya ay nakontento sa pagkain ng Salita ng Diyos, nakontento tulad ng mga Hebreo noong kanilang kinain ang mana sa kagubatan. Natagpuan nila, na kapag kinakain nila ang Salita ng Diyos, na pinakakain nito ang kanilang mga kaluluwa. Natagpuan nila ang Diyos na naroon kasama nila, pinapakain sila mula sa Kanyang mga Salita, habang kanilang binabasa ito, at inuubos ang nababasa nila.
Ngunit ikaw, at iyong kasipang laman, di napagbagong loob na kaisipan, ay hindi kailan man nadadama na pinapakain ka ng Diyos kapag binabasa mo ang Bibliya. Bakit? Ang sagot ay simpleng sapat – mayroong isang talukbong na tumatakip ng iyong puso. Gaya ng sinabi ni Apostol Pablo,
“Kailan ma't binabasa ang mga aklat ni Moises, ay may isang talukbong na nakatakip sa kanilang puso”
(II Mga Taga Corinto 3:15).
Ang “talukbong” na iyon ay inilagay doon, upang takpan ang iyong puso, ni Satanas, upang pigilan ang iyong kaisipang laman, di napagbagong loob na isipan mula sa pagkain ng Bibliya, at pagtanggap ng espiritwal na benpisyo sa pamamagitan ng pagbabas nito. Sa sunod na kapitulo ng Pangalawang Mga Taga Corinto nabasa natin na ang Bibliya ay walang nagagawang mabuti sa mga di napagbagong loob ng mga kaluluwa, at tayo ay binibigyan ng dahilan para rito –
“At kung ang aming evangelio ay natatalukbungan pa, ay may talukbong sa mga napapahamak: Na binulag ng dios ng sanglibutang ito ang mga pagiisip ng mga hindi nagsisisampalataya” (II Mga Taga Corinto 4:3-4).
Inilalagay ng Diablo ang talukbong sa iyong puso, upang wala kang makuhang espiritwal na mabuti mula sa pagbabasa ng Bibliya. Ito ay kritikal na mahalaga. Kung hindi ka napagbagong loob, hindi ba totoo na binabasa mo ang Bibliya ng mekanikal, na para bang ito’y isang gawain na nadadama mong dapat mong gawin? Hindi ba totoo na hindi kailan man nagsasalita ng malalim ang Diyos sa iyong puso kapag binabasa mo ang Bibliya? Hindi ba totoo na simpleng binabasa mo ito dahil dapat mo itong gawin? Hindi ba totoo na hindi mo kasama ang Diyos, na nagsasalita sa iyong puso, kapag binabasa mo ang Bibliya sa iyong tahanan? At hindi ba ito pagsasabi sa iyo? Hindi ba ito kailan man nakagugulo sa iyo? At hindi ba ito isang tunay na pruweba na ang iyong
“kaisipang laman ay pakikipagalit laban sa Diyos”?
(Mga Taga Roma 8:7).
Pareho ang masasabi sa panalangin. Nakakalapit ka ba sa Diyos sa panalangin? Ang Diyos ba’y bumababa sa iyong silid at pinupino ang iyong puso ng galak na hindi masabi habang nananalangin ka? At kung ito’y totoo sa iyo hindi ba ito’y isang tunay na pruweba na ang iyong
“kaisipang laman ay pakikipagalit laban sa Diyos”?
(Mga Taga Roma 8:7).
Hindi ba ipinapakita nito na hindi mo nakasisiyahan ang Diyos, gaya ng mga tunay na Kristiyano? Hindi ba ipinapakita nito na ika’y mali sa loob? Hindi ba ang mga tunay na Kristiyano, ay sa minsanan, ay nakasisiyahan ang presensya ng Diyos sa panalangin? Gayon ay hindi mo kainlan man nakasisiyahan nag ganoong uri ng kasiyahan, magandang pakikipagkaibigan kasama ng Diyos sa panalangin, hindi ba? Sa katunayan, hindi ba ang personal na pagbabasa ng Bibliya at ang panalangin ay mukhang tuyo at na [boring] sa iyo? At ano kaya ang nagsasanhi nito, kung hindi ang katunayan na hindi mo talaga gustong malapit sa Diyos, na wala kang panlasa para sa Bibliya, at hindi mo talaga gustong magdasal? Hindi mo ba naiisip na ang pagbabasa ng Bibliya at pagdadasal ay isang mahirap na gawain na talagang ayaw mo? At kung totoo ito, hindi ba ito pruweba na ang iyong
“kaisipang laman ay pakikipagalit laban sa Diyos”?
(Mga Taga Roma 8:7).
At kapag ika’y nagpupunta sa pag-eebanghelismo, hindi ba ang parehong bagay ay nangyayari? Isang babae ay umalis mula sa kanyang simbahan ilang panahon ang nakalipas dahil sinabi niyang, “matrabaho ang pag-eebanghelismo,” mahirap na gawain kung saan hindi siya nakahanap ng kasiyahan mula rito. Napakaiba niya mula sa maaagang mga Krisitiyano na nagpunta’t nageebanghelismo, kahit na sila ay lubusang inuusig,
“Nangatutuwang sila’y nangabilang na karapatdapat na mangabata ng kaalimurahan dahil sa [kanyang] Pangalan”
(Mga Gawa 5:41).
Ikaw ba’y nag-eebanghelismo na “nangatutuwa,” gaya nila – o mukha lang ba itong mahirap na gawain na kailangan mong gawin, at hindi kailan man nakadama ng kasiyahan sa paggawa nito? Kung iya’y totoo, hindi ba sapat na pruweba na ang iyong
“kaisipang laman ay pakikipagalit laban sa Diyos”?
(Mga Taga Roma 8:7).
At kapag pumunta ka sa simbahan sa Linggo, hindi ka ba makahintay na marinig kung anong sasabihin ng Diyos sa iyo sa pamamagitan ng pangangaral ng Kanyang Salita? O nagpupunta ka ba at tumitingin sa sahig, o sa hangin, hindi nilalasap o ikinatutuwa ang mga sermon – hindi nakakukuha ng kahit anong espiritwal na pagkain at katuwaan mula sa mga ito? At kung ito’y totoo, hindi ba ito pruweba na ang iyong
“kaisipang laman ay pakikipagalit laban sa Diyos”?
(Mga Taga Roma 8:7).
At kapag nagsasalo tayong kumain at makipagkaibigan bago ng paglilingkod sa gabi at pagkatapos ng paglilingkod sa umaga, hindi ka ba makaantay na makipagkaibigan sa mga Kristiyano? Hindi ka ba makaantay na makipag-usap sa mga nawawalang bumibisita ng ating simbahan? O ang iyong isipan ba’y nasa ibang mga bagay, kaya hindi ka halos makaantay na umalis ng simbahan upang gawin ang ilang bagay na mas nakakapagpasaya ng iyong isipang laman? At kung ito’y totoo sa iyo, hindi ba ito isa na namang pruweba na ang iyong
“kaisipang laman ay pakikipagalit laban sa Diyos”?
(Mga Taga Roma 8:7).
At kapag pumupunta ka sa silid ng pag-eeksamen pagkatapos ng paglilingkod, ikaw ba’y lubusang di makaantay at napaka interesadong madinig kung anong sasabihin ng ating diakonong si Dr. Cagan sa iyo? Yumuyukod ka ba paharap upang makinig ng taimtim sa aming mga direksyon patungkol sa iyong pagbabagong loob? O nakikipagtuos ka ba sa amin sa iyong isipan, o isisnasara ang iyong isipan at hindi nakikinig, o nakikinig ka ba sa mga salitang sinasabi namin at pagkatapos ay mabilis na nalilimutan ang mga ito? At hindi ba ang lahat ng mga ito ay malalakas na pruweba na ang iyong
“kaisipang laman ay pakikipagalit laban sa Diyos”?
(Mga Taga Roma 8:7).
Bakit, kung ang iyong isipan ay hindi galit laban sa Diyos uubusin mo bang hindi makaantay ang mga sermon, nakikinig na para bang ang iyong buhay ay nakasalalay rito! Kung ang iyong isipan ay hindi galit laban sa Diyos, lalapit ka bang paharap at masinsinang tanggapin ang sasabihin ko sa iyo at ni Dr. Cagan habang ginagabay ka namin sa silid ng pag-eeksamen, hindi ba? – kung ang iyong kaisipan sa laman ay hindi “pakikipagalit laban sa Diyos.” Hindi ba tama ako? Sa iyong sariling mabagal at tamad na pamamaraan, hindi ba ang mga kaugaliang ito ay pruweba na ang iyong
“kaisipang laman ay pagkikipagalit laban sa Diyos”?
(Mga Taga Roma 8:7).
II. Pangalawa, ang malaking pagkakasala ng pagkakaroong ng kaisipang laman na laban sa Diyos.
“Ang kaisipang laman ay pakikipagalit laban sa Diyos…”
(Mga Taga Roma 8:7).
Ang mga salita ng teksto ay isang buong litrato ng malaking kasalanan ng pagkakaroon ng isipan na laban sa Diyos, hindi ba? [“Nagbulungan”] ang mga Hebreo si Moises habang sila’y bumiyahe mula Egipto sa loob ng kagubatan.
“At [nagsibulungan ang] bayan [laban kay] Moises”
(Exodo 15:24).
Hindi ko diretsong sinabi na sila ay laban kay Moises sa una. Nagsibulungan muna sila sa kanilang sarili sa pagkamuhi na dinala sila ni Moises palabas ng Egipto. Sila’y lubusang makasalanan para sa paggawa nito, dahil sila sa totoo ay nagsibulungan sila laban sa Diyos, na nagpadala kay Moises upang dalhin sila.
Kaibigan ko, hindi ba pareho ang nadarama mo tulad nila? Hindi ba bumubulong ka sa iyong sarili tungkol sa ka higpitan n gating simbahan? At ang lahat ng ebanghelismo na nadarama mong dapat mong gawin para sa simbahan – hindi ba napapabulong ka laban sa Diyos at napahihiling na hindi mo na kinailangang gawin ang lahat ng gawin ng pag-eebanghelismo? At hindi ba na ang pinagpagbubulungan sa iyong puso ay nagpapakita sa iyo kung gaano kalaki ang sala mayroon kang nakaimpok sa talaan ng Diyos, dahil ang iyong
“kaisipang laman ay nakikipagali laban sa Diyos”?
(Mga Taga Roma 8:7).
Hindi ba na ang iyong pakikipagalit laban sa Diyos ay terible at malaking kasalanan sa Kanyang paningin? Hindi mo ba nadadama ang pagkakasala sa paningin ng Diyos dahil sa pagkakaroon ng ganoong makasalanang puso? Sinasabi ng Bibliya,
“Ang Panginoong Dios… sa anomang paraan ay hindi aariing walang sala ang salarin” (Exodo 34:6-7).
“Ang kabayaran ng kasalanan ay kamatayan”
(Mga Taga Roma 6:23).
“Kung magkagayo'y sasabihin naman niya… Magsilayo kayo sa akin, kayong mga sinumpa, at pasa apoy na walang hanggan” (Mateo 25:41).
Bakit darating ang mga paghahatol na ito sa iyo? Darating sila sa iyo dahil ang iyong
“kaisipang laman ay pakikipagalit laban sa Diyos”
(Mga Taga Roma 8:7).
III. Pangatlo, si Kristo mag-isa ay makahahango sa iyo mula sa isang kaisipang laman na laban sa Diyos.
Oo, maliligtas ka ni Kristo mula sa pagkaalipin kay Satanas at sa pagkalaman ng iyong makasalanang isipan. Ngunit, sa paggawa nito, ang kadena ng kasalanan na bumibigkis sa iyo at kumakapit sa iyo pababa na isang bilango ay dapat mapatid. Ang Diyos lamang ang makagagawa ng mga ito.
Ang paraang ng Diyos ng pagpapatid ng kadena ng kasalanan sa iyong kaisipang laman ay sa pamamagitan ng pagpapakita sa iyo kung gaano talaga kasama at kalupit ang iyong nagrerebelde puso sa Kanyang paningin. Iyang ang gawain ng Espiritu ng Diyos.
“Pagparito niya, ay kaniyang susumbatan ang sanglibutan tungkol sa kasalanan” (Juan 16:8).
Iya’y ang Espiritu ng Diyos ay susumbat sa iyo ng pagkamakasalanan ng iyong puso. Sa kabuuan ay ipapadama sa iyo ng Diyos na ika’y lubusang makasalanan. Ipapadama Niya sa iyo na iyong puso at isipan ay naging galit at labag laban sa Kanyan. Ipapakita niya sa iyo ang iyong sarili sa takot – na isang lubusang “demonyo ng isang tao” – sa mga salita ni Matthew Henry.
Kapag makita mo lamang ang iyong sarili bilang isang maliit na Satanas, na lumalabag sa Diyos kasama ang iyong kaisipang laman, dumudura sa mukha ni Kristo dahil ang iyong puso ay isang paglalabag, isang halimaw ng kasamaan, na gaya ng puso ng punong saserdote na dumura sa mukha ni Hesus, at nagsabing, “Ipako Siya sa Krus, ipako Siya sa Krus.” Kapag madama mo lamang na ang iyong puso ay malupit na gaya niya na ika’y makukumbinse, magwawala, at madadama ang tinawag ni John Owen na “ang kilabot ng kadiliman,” at ang poot ng Diyos na nakasabit sa ibabaw mo. Sa oras lamang na iyon na ika’y sasang-ayon sa iyong puso na ang iyong
“kaisipang laman ay pakikipagalit laban sa Diyos”
(Mga Taga Roma 8:7).
Sa oras lamang na iyon na ika’y babagsak sa sahig, madalas lumuluha, at sasabihin,
“Abang tao ako! sino ang magliligtas sa akin sa katawan nitong kamatayan?” (Mga Taga Roma 7:24).
At sa pagkakataon lamang na iyon na ang pagtawag ni Hesus ay para bang isang matinding paghango sa iyong naalipin ng kasalanang isipan, kapag sasabihin Niya sa iyo,
“Magsiparito sa akin, kayong lahat na nangapapagal at nangabibigatang lubha, at kayo'y aking papagpapahingahin”
(Mateo 11:28).
Sa padarama lamang ng kilabot ng iyong nakatatak na kasalanan na ika’y makakaaabot kay Hesus, lumapit sa Kanya, at mahahango mula sa iyong kaisipang laman, at mahuhugas mula sa iyong kasalanan sa talaan ng Diyos sa Kanyang mahal na Dugo. Sa pagkakataon na iyong lamang na malalaman mo kung anong ibig sabihin na maligtas ni Hesus,
“ang Cordero ng Dios, na nagaalis ng kasalanan ng sanglibutan”
(Juan 1:29).
Sa pagkakataon lamang na iyon na ika’y makakalapit kay Hesus at maligtas sa Kanyang Dugo at Katuwiran.
Magsitayo tayo para sa pagdarasal. Ipanalangin ninyo na ang sermon na ito ay makpaggigising at makakapagpagbagong loob ng ilang mga kaluluwa rito ngayong gabi.
(KATAPUSAN NG PANGARAL)
Maari ninyong mabasa ang mga sermon ni Dr. Hymers linggo-linggo sa Internet
sa www.realconversion.com. I-klik ang “Mga Pangaral sa Tagalog.”
Pagbabasa ng Kasulatan Bago ng Pangaral ni Dr. Kreighton L. Chan: Mga Taga Roma 8:5-9.
Kumanta ng Solo Bago ng Pangaral si Gg. Benjamin Kincaid Griffith:
“Ako’y Namamangha” Isinalin mula sa
“I Am Amazed” (ni A. H. Ackley, 1887-1960).
ANG BALANGKAS NG PAKIKIPAGALIT LABAN SA DIYOS! ni Dr. R. L. Hymers, Jr. “Sapagka’t ang kaisipan ng laman ay pakikipagalit laban sa Dios sapagka’t hindi napasasaklaw sa kautusan ng Dios, ni hindi nga maari” (Mga Taga Roma 8:7). (Genesis 1:27; 2:15; Mga Taga Roma 5:12, 19) I. Una, ang katotohanan ng pagkakaroon ng kaisipan ng II. Panglawa, ang malaking pagkakasala ng pagkakaroong ng III. Pangatlo, si Kristo mag-isa ay makahahango sa iyo mula sa isang |