Print Sermon

Ang mga pangaral na manuskrito at mga videyo ay ngayon lumalabas sa 1,500,000 na mga kompyupter sa lampas na 221 na mga bansa kada taon sa www.sermonsfortheworld.com . Daan-daang iba ang nanonood ng mga videyo, sa YouTube, ngunit di nagtatagal ay iniiwan ang YouTube at nagpupunta sa aming websayt, dahil bawat pangaral ay nagtuturo sa kanila papalyo mula sa YouTube tungo sa aming websayt. Ang YouTube ay nagdadala ng mga tao sa aming websayt. Ang mga pangaral na manuskrito ay ibinibigay sa 46 na mga wika sa halos 120,000 na mga kompyuter kada buwan. Ang pangaral na manuskrito ay hindi nakarapatang magpalathala, kaya nagagamit ng mga mangangaral ang mga ito na walang pahintulot. Mayroong daan-daang mga videyo ni Dr. Hymers at ng kanyang mga estudyanteng nangangaral. Ang mga manuskrito ay hindi nakarapatang magpalathala, ngunit lahat ng mga videyo nakarapatang magpalathala. Paki-klik ito upang matutunan kung paano ka maaring gumawa ng isang buwan-buwanang donasyon upang tulungan kami sa dakilang gawaing ito ng pagkakalat ng Ebanghelyo sa buong mundo, kasama ang mga Muslim at mga Hindu na mga bansa.

Tuwing nagsusulat kay Dr. Hymers, laging sabihin sa kanya kung anong bansa ka nakatira, o hindi ka niya masasagot. Ang email ni Dr. Hymers’ ay rlhymersjr@sbcglobal.net .




MGA MANGANGARAL NA KAKAIBANG NAIIBA!

PREACHERS WHO WERE STRANGELY DIFFERENT!

ni Dr. R. L. Hymers, Jr.

Isang pangaral na ipinangaral sa Baptist Tabernacle ng Los Angeles
Gabi sa Araw ng Panginoon, ika-1 ng Marso taon 2009

“Sila nga'y nagsialis sa harapan ng Sanedrin, na nangatutuwang sila'y nangabilang na karapatdapat na mangagbata ng kaalimurahan dahil sa Pangalan” (Mga Gawa 5:41).


Kakaibang ilan sa pinaka dakilang mga mangangaral na nadinig ko ay hindi naman talaga mga magagaling na mangangaral – hindi talaga! Hindi nila tanggap ang lahat ng punto ng Nabagong teyolohiya. Ngunit mas malapit sila sa espiritu ng Repormasyon kay sa kanilang naiisip. Si Dr. A. W. Tozer ay mayroong gawaing pagsisipol sa kaniyang bulaang ngipin kapag nagsasalita siya. Ang Pastor na si Richard Wurmbrand ay kinailangang alisin ang kaniyang sapatos at umupo sa isang upuan – dahil sa kanyang mga pilat sa ilalim ng kanyang mga paa mula sa pagbubugbog na ibinigay ng mga Komunistang mga gwardiya noong siya ay nasa kulungan sa Romaniya. Nagsalita siya ng may mabigat na intonasyon, halos mahirap maintindihan. Si Dr. John R. Rice ay isang kakaibang mama na may “paghinga” sa kanyang salita na ginawa siya mahirap maintindihan, lalo na noong siya’y tumanda. Wala sa tatlo ay ang matatawag mong “dakila” o “magaling” na mangangaral. Gayon nasa libo-libo ang nagbabasa pa rin ng kanilang mga aklat, ilang dekada pagkatapos nilang mamatay. Karamihan sa mga isinulat nila ay nalilimbag pa rin, at isang henerasyong ngayo’y nabubuhay, na hindi sila kailan man nadinig magsalita, ay nasasabik pa ring basahin ang mga ito. At nong sila’y nabubuhay, kahit sa malalim na matandang edad, lahat sila’y kayang panatilihin ang atensyon ng maraming mga libong mga tao sa mga malalaking pagpupulong. Sinabi ko ito’y isang nakapaninibagong katunayan, gayon siguradong isang katotohanan. Ano ang kanilang sekreto?

Sa palagay ko sila’y mga makapangyarihang mga mangangaral dahil sa dalawang mga dahilan (1) sila ay lubusang seryoso kapag nagsasalita sila. Wala pa kailan mang kahit anong padalos-dalos na pamumugaw, o mga biro upang “mapalubay” ang manonood. Masasabi ng tao na “Talagang pinaniniwalaan ng taong ito ang sinasabi niya.” Malayo ang nararating nito sa pananatili ng atensyon ng mga manonood. Si Tozer, si Rice, at si Richard Wurmbrand ay mayroon nitong katangiang ito. Napaka seryoso nila na halos gawin ka nitong halos takot na hindi sila bigyan ng kompletong atensyon. (2) Sila’y mga kalalakihang nanalangin ng lubusan, at mararamdaman mo ang bigat ng Diyos (sinadya kong ginamitin ang salitang “bigat”) noong nagsalita sila. Dapat kong idag-dag na si Dr. Lloyd-Jones ay mayroon din ang mga katangiang ito. Kapansin-pansin na nagkaroon sila ng mga malalalim na buhay panalangin, at ang usok mula sa “insenso” ay sumunod sa kanila habang sila ay nagpunta mula sa panangalangin papunta sa pulpito. Mayroong silang ibang mga makamundong katangian. Kaya hindi importante kung si Tozer, Rice at Wurmbrand ay mahihinang tagapagsalita sa publiko, dahil sila ay mga binasbasan ng Diyos na mga mangangaral. Ang kapangyarihan ng Espiritu ng Diyos ay nagbura sa lahat ng kanilang mga makatao nilang pagkukulang, at di-pangkaraniwan, ginamit ang mga makataong pagkukulang upang gawin ang mga itong mas-nakakukuhang interest – ang mga makakapangyarihang mga mangangaral ng Ebanghelyo.

Mayroon silang mala-apostol na pakiramdam sa kanila. At walang maaring pagdududa na natanggap ng mga Apostol ang kanilang pagtatawag at kapangyarihan sa Seminaryo ng Paghihirap, sa parehong paaralan kung saan natutunan ni Tozer, Rice at Wurmbrand ang kanilang kakayahan. Tulad ng mga Apostol, ang tatlong ika-dalawam pung siglong mangangaral ay, sa kanilang sariling paraan, mga martir – gaya kung ng tatawag ni Wurmbrand silang mga “nabubuhay na mga martir.” Sinabi ni Ernest Hemingway na ang taga Russiang may-akdang si “Dostoyevsky ay ginawa sa pamamagitan ng pagpapadala sa Siberia”… bilang isang bilanggo sa isang nakahiwalay na bilangguan (Isinalin mula sa isinulat ni L. W. Phillips, Ernest Hemingway on Writing, Scribner, 2004, p. 20). Ginawa nito si Dostoyevsky maging isang manunulat ng dakilang makataong pag-uunawa. Sa parehong paraan, ang mga mala-apostol na mangangaral ay itinutulak na tulad ng panunulak sa isang espada – sa pamamagitan ng paglubog nito sa isang mapulang-mainit na apoy. Ang apoy na tumutulak sa isang mala-apostol na mangangaral ay ang apoy ng pag-uusig.

Oo, si Tozer ay madalas tawaging “isang ika-dalawam pung siglong propeta” noong mga nag-ayos ng kanyang puntod, lalo na pagkatapos ng kanyang kamatayan. Ngunit maraming iba pa na hindi siya gusto dahil sa pagkakaroon ng kakaunting kalidad noong buhay pa siya. Mayroong siyang paglalayong manuro ng sisi sa Ebanghelikalismo na di nagpadama sa kanila ng pag-aalala sa kanyang presensya. Tinawag nila siyang isang “mahiwaga,” at madalas hindi nila ito ibig sabihin sa mabuting paraan. Ang Ingles na may-akdang si Peter Jeffrey ay nagsabi tungkol sa kanya,

Hindi binilang ni Tozer ang katanyagan at hindi takot tumayong mag-isa. Sinabi niya minsan na nangaral siyang lubos sa bawat pangunahing pagpupulong para sa Bibliya sa bansa…Tulad ni Thoreau, na kanyang hinahangaan, si Tozer ay nagmartsa ayon sa ibang mananambol; at dahil sa dahilang ito, madalas siyang malayo sa hakbang ng maraming mga [pinuno] ng mga relihiyosong parade (Isinalin mula kay Peter Jeffrey, Preachers Who Made a Difference, Evangelical Press, 2004, p. 91).

Narito ay ilang mga sipi mula kay Dr. Tozer, ang uri ng mangangaral na gumawa sa kanyang maging di-popular sa maraming mga pinuno ng simbahan.

Ang buong ebanghelikal na mundo ay sa pangmalawakan ay antas ay di-sumasang-ayon sa malusog na Kristiyanismo. At hindi ko rin naiisip ang modernismo. Imbes ay ibig kong sabihin ay ang naniniwala sa Bibliyang masa…na mayroong maliit na pagkapareho sa Bagong Tipan. Ang karaniwang tinatawag ni ayon sa Bibliyang Kristiyano ng ating panahon ay isang nakakahiyang distorsyon (Isinalin mula kay A. W. Tozer, D.D., Of God and Men, Christian Publications, 1960, pp. 12-13).

Isang malawakang muling pagbabangon ng uri ng Kristiyanismong alam natin ngayon sa Amerika ay maaring magpatunay na naging isang moral na trahedya na mula rito’y hindi tayo makakaahon sa loob ng daan-daang taon (Isinalin mula kay A. W. Tozer, D.D., Keys to the Deeper Life, Zondervan Publishing House, 1957, p. 12).

Dapat tayong magkaroon ng bagong repormasyon. Dapat magkaroon ng isang bayolenteng paghihiwalay kasama ng iresponsableng, hibang-sa-aliwang, pananismo kunwaring relihiyon na dumadaan ngayon para sa pananampalataya kay Kristo (Isinalin mula kay A. W. Tozer, D.D., We Travel an Appointed Way, Christian Publications, 1988, p. 118).

Ito’y isang bukas na tanong kung ang ebanghelikal na kilusan ay nagsala ng masayadong matagal at lumayo ng masyado mula sa Diyos upang bumalik sa espiritwal na katinuan…Sa katunayan ay nakakita na tayo ng isang malaking pag-urong sa paniniwala at pamumuhay ng ebanghelikal…na simbahan napaka radikal na pumapantay sa isang lubusang pagsuko…at para sa isang mangangaral o manunulat upang subukin ang maling pagtuturo ng ebanghelyong ito ay ang pag-iimbita ng panlalait at abuso mula sa bawat distrito (Isinalin mula kay A. W. Tozer, D.D., Of God and Men, pp. 18-19).

Sasang-ayon si Dr. John R. Rice sa mahirap na pagiinspeksyon ni Tozer sa ebanghelikalismo ng ngayon. Si Dr. Rice ay dumaan sa maraming masakit na mga ikaranasan upang makuha ang “propetikong katungkulan.” Siya ay “pinatalsik” mula sa Unibersidad ng Baylor dahil sa pagdedepensa ng pagkawalang pagkakamali ng mga Kasulatan. Tinatawag siyang isang “radikal” ng mga Bautismong pinuno sa Timog at ang karamihan sa mga pintuan ng kanilang mga simbahan ay isinara sa kanya. Pagkalipas siya ay “pinatalsik” ni Dr. J. Frank Norris, na nagsabi na siya ay inimpluwensiyahan ni Aimee Semple McPherson, isang Pentecostal na “mangangaral” sa taong 1930 dahil sa kanyang pagdiin sa pangangailangan para sa Banal na Espiritu sa ebanghelismo. Bandang huli sa buhay siya muli ay “pinatalsik” ng ilang mga Pundamentalista dahil sa kanyang aklat, Why Our Churches Do Not Win Souls (Sword of the Lord Publishers, 1966). Si Dr. Rice ay dumaan sa maraming pagsubok at nawalan ng maraming kaibigan dahil sa panananggol ng Bibliya at ang Pundamentalistang pananampalataya. Sa araw na ito ilang mangangaral ay bukas na pinipintasan ang kanyang mga kanta at mga pagtayong ginampanan niya para kay Kristo. Kaya di-nakakapagtaka na ang katapusan ng kanyang kantang, “Lahat Ng Pag-ibig Ng Aking Puso,” [“All My Heart’s Love”] na kinanta ni Gg. Griffith kanina ay nagsasabing,

Bakit ako dapat umungol, Magpigil mula sa paghihirap,
   Matakot mawalan na pera o mga kaibigan sa Kanyang pangalan?
O, dapat kong anyayahin ang bilangguan o pagpapahirap,
   Kung dapat akong magkaroon ng ilang bahagi ng Kanyang kahihiyan!
Lahat ng pagmamahal ng aking puso, lahat ng iniibig kong pangarap –
   Gawin mo, Panginoong Hesus, Para lang sa Iyo.
Lahat ng ako, lahat ng maaring maging ako –
   Kunin mo ako, Panginoong Hesus, maging sa Iyo lamang.
(“Lahat Ng Pag-ibig Ng Aking Puso” Isinalin mula sa
   “All My Heart’s Love” ni John R. Rice, D.D., 1895-1980;
      Songs of John R. Rice, Sword of the Lord Publishers, 1976, p. 46).

Sino doon sa mga may kilala sa kanya ang pagsusubok magsabi na hindi niya talaga pinaniniwalaan ang isinulat niya sa kantang iyon?

Bakit ako dapat umungol, Magpigil mula sa paghihirap,
   Matakot mawalan na pera o mga kaibigan sa Kanyang pangalan?
O, dapat kong anyayahin ang bilangguan o pagpapahirap,
   Kung dapat akong magkaroon ng ilang bahagi ng Kanyang kahihiyan!

Ang bersong iyan ay totoo sa mga Apostol at kung ang kaganapan ay gumanap, sigurado itong totoo kay Dr. Rice.

“Sila nga'y nagsialis sa harapan ng Sanedrin, na nangatutuwang sila'y nangabilang na karapatdapat na mangagbata ng kaalimurahan dahil sa Pangalan” (Mga Gawa 5:41).

Ang mga Apostol at ang mga bagong mga Kristiyano ay handang magdusa. Ngunit ngayon napaka-kaunti ng mga ebanghelikal ang handang magdusa para kay Kristo sa Amerika at Europa. Bakit? Ang sagot ay simple – marami sa mga ebanghelikal ay sa pangalan lamang mga Kristiyano. Sinasabi ng diksyonaryo na ang “sa pangalan lang” ay nangangahulugang “sa pangalan lamang, hindi sa katunayan,” hindi sa katotohanan. Milyon-milyon sa mga ebanghelikal ay mga sa pangalan lang na mga Kristiyano – Kristiyano lamang sa pangalan, hindi sa katotohanan. Mga sa pangalan lang na mga Kristiyano ay inilalarawan sa Bibliya:

“Na ikaw ay may pangalang ikaw ay nabubuhay, at ikaw ay patay” (Apocalipsis 3:1).

Sa tawag lamang ay nangangahulugang sa “ngalan lamang.” Mga ganoong ebanghelikal ay may “pangalan” na sila ay mga tunay na mga Kristiyano, ngunit sa katunayan mayroon lamang silang

“na may anyo [Griyego: panlabas na anyo] ng kabanalan”
        (II Kay Timoteo 3:5).

Madalas nating isipin na lahat ng mga “mananampalataya” sa Muslim o Komunistang mga lupain ay tunay na mga Kristiyano. Ngunit kahit doon sa mga lugar na iyon karamihan ay sa tawag lamang, hindi tunay na mga Kristiyano. Sinabi sa amin ni Pastor Richard Wurmbrand kung anong nangyari noong ang mga Komunista ay sumakop sa Romaniya:

      Ang mga pinuno ng mga Protestantang simbahan ay nakikipag-kumpitensya sa isa’t-isa sa pagbibigay daan sa Komunismo…Ang Rapp, ang pangalawang obispo ng Lutherang simbahan sa Romaniya, ay nagsimulang magturo sa teyolohikal na seminaryo na nagbigay ang Diyos ng tatlong paglalantad: Isa sa pamamagitan ni Moises, isa sa pamamagitan ni Hesus, at ang pangatlo sa pamamagitan ni Stalin, ang huling nangungunang [pumapalit] sa nauna! [Gayon si Stalin ay mamamatay ng maramihang tao ng libo-libong mga tunay na Kristiyano.]
       Nagpunta ako sa Kongreso ng mga Bautismo sa barangay ng Resita – isang kongreso sa ilalim ng Pulang bandila, kung saan ang pambansang awit ng Unyon ng Sobyet [ay] kinanta ng lahat na nakatayo. Ang pangulo ng mga Bautismo’y pinuri si Stalin bilang isang dakilang guro ng Bibliya at prinoklama na si Stalin ay walang ginawa kundi matupad ang mga utos ng Diyos!
       Dapat maunawaan na ang tunay na mga Bautismo, na aking minamahal ng lubos, ay hindi sumang-ayon at nanampalataya kay Kristo, nagdurusa ng lubos…Yoong mga naging alipin ng komunismo imbes na si Kristo ay nagsimulang ikondena [yoong] mga hindi sumali sa kanila (Isinalin mula kay Richard Wurmbrand, Tortured for Christ, Living Sacrifice Book Company, 1998 edition, p. 16).

Pansinin na sinabi ni Wurmbrand, “Ang tunay na mga Bautismo…ay nananampalataya kay Kristo, nagdurusa ng lubos.” Ang sa tawag lang na mga Bautismo ay naging mga Komunista, o mga nakikisimpatya sa mga Komunista, ngunit ang “tunay” na mga Bautismo ay nagdusa ng matindi at sumapi sa “panilalim na simbahan” (isinalin mula sa ibid.). Ito ay totoo rin sa Tsina at ibang mga Komunistang mga bansa. Ang sa tawag lang na mga Kristiyano ay sumali sa “pang-ilalim na simabahan” o “bahay na mga simbahan,” gaya ng tawag sa kanila sa Tsina, at mga inuusig dahil sa pagiging mga tunay na mga Kristiyano. Upang makabasa ng mas marami pang mga tungkol sa pag-uusig sa mga ipinagbabawal na mga bahagi ng mundo magpunta sa www.persecution.com.

Si Tom White, ang direktor ng Voice of the Martyrs, ay nagsabi na,

Ang mgaKanlurangang katauhan na lumalakbay sa Tsina ay inanyayahan at pinaunlakan ng malalaking simbahang gusali, mga korong balabal, magagandang pagkanta at madaling pagpupunta sa [Komunistang] Tatlong Sariling Makabayang Simbahan, na nahanap ng isang nananampalatayang walang Diyos na gobyerno. Ang mga manlalakbay bumabalik sa mga tahanan na di pinapansin ang problema ng 100 milyong mga inuusig na mga Kristiyano na sumasamba sa labas ng bata Komunista. Sa ika-29 ng Oktubre 2008, ang ating mga koneksyon ay nakadiskubre ng 32 dagdag na mga simbahang pinuno na nahanap sa isang nag-iisang sistema ng bilangguan lamang! Ilan sa mga babae ay nasa bilang 1 Pambabaeng Bilangguan sa Lungsod ng Zhengzhou. Higit sa 20 kalalakihan at kababaihan ay pinanghahawakan pa rin sa bilang 3 Bilangguan ng Probinsya ng Henan, ay hinatulan ng korte bilang isang “masasamang miyembro ng kulto” na sumasapi sa “illegal na relihiyosong pagpupulong” (Isinalin mula kay Tom White, The Voice of the Martyrs, March 2009, p. 2).

Sa Probinsya ng Hubei ika-1 ng Nobiyembre 2008, ang mga bahay simbahang mga Kristiyano…ay nakatayo sa plataporma sa Jingmen Estasyon ng Tren noong sila ay pinagbubugbog ng maramihang karaniwang nakadamit na mga opisyal mula sa Kagawaran ng Seguridad ng Bansa. Sila ay pinosesan at ikinulong sa isang hotel sa kabila ng kalye. Kunuha ng mga awtoridad ang kanilang mga Bibliya na sinasabing, “Inuusig namin kayo, kunin ang inyong mga Bibliya at ang aming layunin ay na hindi kayo payagang maniwala kay Hesus…Ang pag-uusig na ito ay upang unti-unting sirain ang inyong mga simabahan, maalis ang mga misyonaryo at mapaghiwa-hiwalay kayong nanampalataya” (isinalin mula sa ibid.).

Ang “tunay” na mga Kristiyano ay handang tiisin ang pag-uusig, gaya ng ginawa ng mga Apostol at maagang mga Kristiyano,

“Sila nga'y nagsialis sa harapan ng Sanedrin, na nangatutuwang sila'y nangabilang na karapatdapat na mangagbata ng kaalimurahan dahil sa Pangalan” (Mga Gawa 5:41).

Kahit sino ay maaring maging “sa tawag lamang,” sa ngalan lamang, Kristiyano sa pagsasabi ng isang “dasal ng makasalanan,” o sa pamamagitan ng paniniwala ng tamang doktrina. Ngunit maaraing ka lamang maging tunay na Kristiyano sa pamamagitan ng pagdaan sa isang tunay na pagbabagong loob. Dapat mong madama ang bigat ng iyong kasalanan at ang kamatayan ng iyong kaluluwa. Kapag madama mo lamang na nawawala ka sa kasalanan, hindi makagawa ng kahit ano upang makuha ang kaligtasan, na makikita mo ang pangngailangan para kay Kristong iligtas ka sa Kanyang Dugo at muling pagkabuhay mula sa pagkamatay.

(KATAPUSAN NG PANGARAL)
Maari ninyong mabasa ang mga sermon ni Dr. Hymers linggo-linggo sa Internet
sa www.realconversion.com. I-klik ang “Mga Pangaral sa Tagalog.”

Pagbabasa ng Kasulatan Bago ng Pangaral ni Dr. Kreighton L. Chan: Mga Gawa 5:40-42.
Kumanta ng Solo Bago ng Pangaral si Gg. Benjamin Kincaid Griffith:
“Lahat Ng Pag-ibig Ng Aking Puso” (Isinalin mula sa “All My Heart’s Love” ni Dr. John R. Rice, 1895-1980).