Print Sermon

Ang mga pangaral na manuskrito at mga videyo ay ngayon lumalabas sa 1,500,000 na mga kompyupter sa lampas na 221 na mga bansa kada taon sa www.sermonsfortheworld.com . Daan-daang iba ang nanonood ng mga videyo, sa YouTube, ngunit di nagtatagal ay iniiwan ang YouTube at nagpupunta sa aming websayt, dahil bawat pangaral ay nagtuturo sa kanila papalyo mula sa YouTube tungo sa aming websayt. Ang YouTube ay nagdadala ng mga tao sa aming websayt. Ang mga pangaral na manuskrito ay ibinibigay sa 46 na mga wika sa halos 120,000 na mga kompyuter kada buwan. Ang pangaral na manuskrito ay hindi nakarapatang magpalathala, kaya nagagamit ng mga mangangaral ang mga ito na walang pahintulot. Mayroong daan-daang mga videyo ni Dr. Hymers at ng kanyang mga estudyanteng nangangaral. Ang mga manuskrito ay hindi nakarapatang magpalathala, ngunit lahat ng mga videyo nakarapatang magpalathala. Paki-klik ito upang matutunan kung paano ka maaring gumawa ng isang buwan-buwanang donasyon upang tulungan kami sa dakilang gawaing ito ng pagkakalat ng Ebanghelyo sa buong mundo, kasama ang mga Muslim at mga Hindu na mga bansa.

Tuwing nagsusulat kay Dr. Hymers, laging sabihin sa kanya kung anong bansa ka nakatira, o hindi ka niya masasagot. Ang email ni Dr. Hymers’ ay rlhymersjr@sbcglobal.net .




ANG BAGONG PAGKAPANGANAK –
NG MULING NABUHAY NA KRISTO!

THE NEW BIRTH – BY THE RESURRECTED CHRIST!

ni Dr. R. L. Hymers, Jr.

Isang pangaral na ipinangaral sa Baptist Tabernacle ng Los Angeles
Umaga ng Araw ng Panginoon, Ika-1 ng Marso taon 2009

“Purihin nawa ang Dios at Ama ng ating Panginoong Jesucristo, na ayon sa kaniyang malaking awa ay ipinanganak na muli tayo sa isang buhay na pagasa sa pamamagitan ng pagkabuhay na maguli ni Jesucristo sa mga patay” (I Pedro 1:3).


Ang Griyegong salitang isinaling “ipinanganak” ay nangangahulugang “buhaying muli, magsanhing maipanganak muli” (Isinalin mula kay Fritz Rienecker, Ph.D., The Linguistic Key to the New Testament, Zondervan Publishing House, 1980, p. 744; sulat sa I Pedro 1:3). Ang salita ay nangangahulugan na ang Diyos ay nagsasanhi sa ating maipanganak muli “sa pamamagitan ni muling pagkabuhay ni Hesu-Kristo mula sa pagkamatay” (isinalin mula sa pagsasalin ni R. C. H. Lenski, D.D., The Interpretation of the Epistles of St. Peter, St. John and St. Jude, Augsburg Publishing House, 1966 edition, p. 29). Ang Griyegong salita ay “anagennésas.” Sinabi ni Dr. Lenski, “Ang pandiwang ito, na ginagamit rito at sa berso 23 ay [nangangahulugang] ‘upang magsanhi ng pagka-espiritwal, sa isang bagong espiritwal na buhay.’ Ito ang bagong pagkapanganal na tinutukoy sa Juan 3:3” (Isinalin mula kay Lenski, ibid.).

“Ang Dios at Ama…ay ipinanganak na muli tayo [nagsanhing maipanganak tayo muli]…sa pamamagitan ng pagkabuhay na maguli ni Jesucristo sa mga patay.”

“Ipinanganak tayo.” Ang salitang ‘tayo’ “ay hindi lamang tumutukoy sa mga Apostol na nakakita sa bumangong Panginoon, ngunit kay Pedro at sa kanyang mga tagabasa” (Isinalin mula kay Lenski, p. 32). Lahat na nakararanas ng bagong pagkapanganak ay nagawa ito “sa pamamagitan” ng muling pagkabuhay ni Hesu-Kristo mula sa pagkamatay.

Nagsasalita tungkol sa I Pedro 1:3, sinabi ni Dr. A. W. Tozer na, “ang bagong pagkapanganak [na inilarawan rito] ay isang himala – isang pangunahing himala!” (Isinalin mula kay A. W. Tozer, D.D., I Call It Heresy, Christian Publications, Inc., 1974, p. 34). Ang himala ng bagong pagkapanganak ay hindi sinanhi ng isang desisyon na ginawa mo. Hindi ito sinanhi sa pamamagitan ng paghingi, o sa pamamagitan ng iyong sariling kagustuhan sa kahit anong paraan. Ang bagong pagkapanganak ay nagsanhi “sa pamamagitan ng muling pagkabuhay ni Hesu-Kristo mula sa pagkamatay.” Ang Griyegong salitang isinaling “sa pamamagitan” ay “dia.” Ibig sabihin nito’y “dahil sa” o “sa pamamagitan ng” (Isinalin mula kay Strong). Iyan ang dahilan kung bakit isinalin ito ni Dr. Lenski, “sa pamamagitan ng muling pagkabuhay ni Hesu-Kristo mula sa pagkamatay.” Ang sanhi ng bagong pagkapanganak ay ang muling nabuhay na Kristo!

Hindi nakagugulat na sinabi ito ni Pedro. Ang dakilang tema ng pangangaral ni Pedro ay ang muling pagkabuhay ni Kristo. Nakikita natin ito sa kanyang sermong nakatala sa Aklat Ng Mga Gawa. Sa kanyang sermon sa araw ng Pentekos sinabi niya,

“Ang Hesus na ito’y binuhay na maguli ng Dios, at tungkol dito’y mga saksi kaming lahat” (Ang Mga Gawa 2:32).

Ang muling pagkabuhay ni Hesus ay nakasentro sa kanyang pag-iisip at pangangaral, ngunit hindi ito ganito palagi.

I. Una, itinangi ni Pedro ang muling pagkabuhay ni Kristo.

Ang muling pagkabuhay ni Hesus ay naging sentro sa pangangaral ni Pedro. Alam niya na siya mismo ay nabuhay muli “sa pamamagitan ni Hesu-Kristo.” Kita mo, ang pagkapako sa krus at ang muling pagkabuhay ni Kristo ay ang pinaka bagay na kanyang itinangi.

“Mula ng panahong yao’y nagpasimulang ipinakilala ni Hesus sa kaniyang mga alagad, na kinakailangang siya’y pumaroon sa Jerusalem, at magbata ng maraming bagay sa matatanda at sa mga pangulong saserdote at sa mga eskriba, at siya’y patayin, at muling ibangon sa ikatlong araw. At isinama siya ni Pedro, at nagpasimulang siya’y pinagwikaan, na nagsasabi, Panginoon, malayo ito sa iyo: kailan man ay hindi mangyayari ito sa iyo” (Mateo 16:21-22).

Sinabi ni Dr. McGee,

Sa puso sinabi ni Pedro, “Ikaw ang Mesias; ikaw ang Anak ng Diyos. Hindi ka dapat, hindi ka maaring pumunta sa krus!” Ang krus ay walang wala sa isipan ni [Pedro], tulad ng pagkakita mo (Isinalin mula kay J. Vernon McGee, Th.D., Thru the Bible, Thomas Nelson Publishers, 1983, volume IV; sulat sa Mateo 16:22).

II. Pangalawa, hindi naintindihan ni Pedro ang
muling pagkabuhay ni Kristo.

Muli, ang pagpapako sa krus at ang muling pagkabuhay ni Kristo ay hindi naintindihan ni Pedro o ng ibang mga Apostol sa sumunod na oraw na kinausap sila ni Hesus.

“At habang nagsisibaba sila sa bundok, ay ipinagbilin niya sa kanila na sa kanino man ay huwag nilang sabihin ang kanilang nakita, maliban na pagka ang Anak ng tao ay magbangong maguli sa mga patay. At kanilang iningatan ang pananalitang ito, na nangagtatanungan sila-sila kung ano ang kahulugan ng pagbabagong maguli sa mga patay” (Marcos 9:9-10).

Tama ang sinabi ni Dr. MacArthur,

Anong nagpalito sa kanilan ay ang implikasyon ni Hesus na ang Kanyang sariling muling pagkabuhay ay parating, at gayon ang Kanyang kamatayan. Ang pagkalito ng mga disipolo ay nagbibigay ng mas malalim na pruweba na hindi pa rin nila naintindihan ang misyong mesias ni Hesus (Isinalin mula kay John MacArthur, D.D., The MacArthur Study Bible, Word Bibles, 1997; sulat sa Marcos 9:10).

Ibig sabihin nito na si Pedro at ang ibang mga Disipolo’y hindi pa naiintindihan ang Ebanghelyo!

“At nagsialis sila roon, at nangagdaan sa Galilea; at ayaw siyang sinomang tao’y makaalam niyaon. Sapagka’t tinuruan niya ang kaniyang mga alagad, at sa kanila’y sinabi, Ibibigay ang Anak ng tao sa mga kamay ng mga tao, at siya’y papatayin nila; at pagkapatay sa kaniya, ay siyang magbabangong muli pagkaraan ng ikatloong araw. Ngunit hindi nila naunawa ang sabing ito, at nangatakot silang magsipagtanong sa kaniya” (Marcos 9:30-32).

Sinabi ni Dr. McGee,

Mapapansin ninyo na lagi Niyang inilalagay ang Kanyang kamatay at muling pagkabuhay na magkasama…Hindi ito ang unang beses na Kanyang inanunsya ang Kanyang kamatayan at muling pagkabuhay sa kanila, at gayon man hindi pa rin nila naiintindihan (Isinalin mula kay McGee, ibid; sulat sa Marcos 9:30-32).

III. Pangatlo, naramdaman lamang ni Pedro ang paghihirap noong
narinig niya ang muling pagkabuhay ni Kristo.

“At samantalang sila’y nangakahimpil sa Galilea, ay sinabi sa kanila ni Hesus, Ang Anak ng tao ay ibibigay sa mga kamay ng mga tao; At siya’y papatayin nila, at sa ikatlong araw ay siya’y muling ibabangon. At sila’y lubhang nangamanglaw”
       (Mateo 17:22-23).

Noong huling Miyerkules pumasok tayo sa panahon ng taon na tinatawag ang mga Katoliko, Luteran at Anghelikang Protestanteng “Semana Santa.” Bago ng Semana Santa ay kanilang binubusog muna ang kanilang mga sarili. Tinatawag nila itong “Matabang Martes” o “Mardi Gras.” Ang Semana Santa ay nagsisimula sa “Abong Miyerkules” at nagpapatuloy hangang sa Linggo ng Pasko ng Pagkabuhay. Ito’y ang panahon ng di-pagkain at “paghahanda” para sa Pasko ng Pagkabuhay. Gayon karamihan doon sa mga nagsasagawa ng di-pagkakain tuwing Lent ay nakararanas lamang ng paglulukha ni Pedro at ng ibang mga Disipolo.

Natatakot ako na maraming mga Bautismo at mga ebanghelikal ay mas matindi pa. Madalas ay wala silang nararamdaman tuwing Pasko ng Pagkabuhay! Mukhang nalilimutan nila ang lahat ng tungkol sa pagdurusa at kamatayan ni Kristo, at Kanyang muling pagkabuhay sa Pasko ng Pagkabuhay ay mas maliit pa ng higit kay sa sa isang sandali upang magsalita tungkol sa pagkakaroon ng psikolohikal na “pagpapataas,” gaya ng itinuturo ni Dr. Michael Horton sa kanyang bagong aklat, Christless Christianity: The Alternative Gospel of the American Church (Baker Books, 2008, pp. 29-30).

Si Pedro at ang iba ay “lubhang nangamanglaw” (Mateo 17:23) noong kanilang narinig si Hesus na nagsabing,

“siya’y papatayin nila, at sa ikatlong araw ay siya’y muling ibabangon” (Mateo 17:23).

Sinabi ni Dr. McGee,

Ito ang pangatlong beses na nagsalita Siya sa Kanyang mga Disipolo tungkol sa Kanyang kamatayan at muling pagkabuhay…Ngayong Siya ay nasa Galilea, sa Kanyang pagpunta sa Jerusalem, at muli ay binangit Niya ito. Ang lahat na magawa ni [Pedro at] ng mga disipolo ay makadama ng pagka-panglaw (Isinalin mula kay McGee, ibid., p. 97; sulat sa Mateo 17:22-23).

Iniwan ni Pedro ang kanyang mga lambat upang sundan si Kristo. Sumasama na siya kay Kristo ng higit sa dalawang taon. Mayroon siyang kaunting kalinawan mula sa Diyos, sapat na espiritwal na ilaw upang maintindihang,

“Ikaw ang Cristo, Ang anak ng Dios na buhay” (Mateo 16:16).

At sinabi ni Hesus kay Pedro,

“Hindi ipinahayag sa iyo ito ng laman at ng dugo, kundi ng aking Ama na nasa langit” (Mateo 16:17).

Gayon hindi naniwala si Pedro sa Ebanghelyo. Kahit na mayroon siyang kaunting paglilinaw mula sa Diyos, hindi siya naniwala na si Hesus ay mamamatay sa Krus at babangong pisikal mula sa pagkamatay. Ginagawa niya ang lahat ng makakaya niya upang sundan si Hesus, ngunit hindi pa rin siya napanganak muli. Para siyang si Martin Luther, di-kumakain at nagdarasal at binubugbog ang sarili, na nagsusubok na mabuhay na parang isang Kristiyano; tulad ni George Whitefield na nagsusubok maging isang Kristiyano; tulad ni John Wesley at John Bunyan, nagsusubok bumuhay ng buhay Kristiyano. Ngunit wala na Siyang pagkaintindi ng Ebanghelyo kay sa nila noong sila ay naipanganak muli. Wala siyang karanasan ng muling nabuhay na Kristo. Kaya nabigo siya – tulad ni Luther at Whitefield at Wesley at Bunyan ay nabigo bago sila naipanganak muli. Nabigo sila sa parehong paraan. Noong dinakip nila si Hesus at dinala Siya upang maipako sa krus, nagsimula si Pedro

“manungayaw at manumpa, Hindi ko nakikilala ang tao. At pagdaka'y tumilaok ang manok… At siya'y lumabas at nanangis na mainam” (Mateo 26:74-75).

Sinubukan ni Pedrong sundan si Kristo, ngunit hindi niya pinaniniwalaan ang Ebanghelyo. Siya’y isang lubusang bigo, “at siya’y lumabas at nanangis na mainam.”

Ipinako nila si Hesus sa isang krus. Namatay Siya upang bayaran ang kasalanan ng tao. Ibinuhos Niya ang Kanyang Dugo upang malinis ang tao mula sa kasalanan. Inilagay nila ang Kanyang katawan sa isang libingan. Nagrolyo sila ng isang malaking bato sa bibig ng libingan. Isinelyado nila ito, “na kasama nila ang bantay” (Mateo 27:66). Tatlong araw ang lumipas, maaga ng umaga, bumangon si Hesus ng sa katawan mula sa pagkamatay.

“Datapuwa't nagtindig si Pedro, at tumakbo sa libingan; at nang siya'y tumungo pagtingin niya sa loob, ay nakita niya ang mga kayong lino na nangasa isang tabi; at umuwi siya sa kaniyang bahay na nanggigilalas sa nangyaring yaon” (Lucas 24:12).

Si Pedro ay hindi pa rin tiyak na si Hesus ay bumangon. Sinabi ni Dr. McGee, “Kinailangang mag-isip ni Simeon Pedro ng tungkol rito” (Isinalin mula kay McGee, ibid., p. 375; sulat sa Lucas 24:12). Iyan ay maaga ng umaga ng Linggo.

“Nang kinahapunan nga, nang araw na yaon, na unang araw ng sanglinggo [gabi ng Linggo ng Pasko ng Pagkabuhay], at nang nangapipinid ang mga pintong kinaroroonan ng mga alagad, dahil sa katakutan sa mga Judio ay dumating si Jesus at tumayo sa gitna, at sa kanila'y sinabi, Kapayapaan ang sumainyo. At nang masabi niya ito, ay kaniyang ipinakita sa kanila ang kaniyang mga kamay at ang kaniyang tagiliran. Ang mga alagad nga'y nangagalak, nang makita nila ang Panginoon. Sinabi ngang muli sa kanila ni Jesus, Kapayapaan ang sumainyo: kung paanong pagkasugo sa akin ng Ama, ay gayon din naman sinusugo ko kayo. At nang masabi niya ito, sila'y hiningahan niya, at sa kanila'y sinabi, Tanggapin ninyo ang Espiritu Santo”
     (Juan 20:19-22).

Sinabi ni Dr. McGee,

Sa Juan 14:16 sinabi ni Hesus, “At ako'y dadalangin sa Ama, at kayo'y bibigyan niya ng ibang Mangaaliw.” Ito’y totoo na nagpakita si Simeon Pedro ang ilang diskriminasyon noong sinabi niya na si Hesus ay ang Kristo, ngunit ilang minuto ang nakalipas sinabi niya kay Hesus na huwag magpunta sa krus upang mamatay. Ako ay naniniwala na sa sandaling ang ating Panginoon ay huminga sa kanila at nagsabing, “Tanggapin ninyo ang Espiritu Santoang mga kalalakihang ito ay napanumbalik muli [naipanganak muli]; (Isinalin mula kay McGee, ibid., p. 498; sulat sa Juan 20:21).

Natandaan ni Pedro na sa katapusan ng kanyang buhay na siya ay “naipanganak muli” gabi Linggo ng Pasko ng Pagkabuhay, noong nakaharap niya ang muling nabuhay na si Kristo. Iyan ang dahilan na nagpangaral siya sa muling nabuhay na si Kristo sa araw ng Pentekos. Iyan ang dahilan na ang muling nabuhay na Kristo ay ang malimit na tema ng kanyang mga sermong, nakatala sa Aklat Ng Mga Gawa. Iyan ang dahilan na sinabi ni Pedro na ang Diyos

“ipinanganak na muli tayo sa isang buhay na pagasa sa pamamagitan ng pagkabuhay na maguli ni Jesucristo sa mga patay” (I Pedro 1:3).

Kapag ika’y muling maipanganak sa pamamagitan ng muling pagkabuhay ni Hesu-Kristo, ang iyong karanasan ay magiging tulad ng kay Pedro. Nagsikap siyang maging isang disipolo. Nagsikap siyang bumuhay ng Kristiyanong buhay. Nabigo siya. Napaalam sa kanya ang kanyang sirang likas na kasalanan. Lumuha siya sa hapis dahil sa kanyang kasalanan. Siya ay nasa kadiliman, ng may pagluluksa ng puso. Bumangon si Kristo mula sa pagkamatay. Si Kristo’y lumapit sa kanya. Si Pedro ay naipanganak muli “sa pamamagitan ng pagkabuhay na maguli ni Jesucristo sa mga patay” (I Pedro 1:3). Ngunit bago mangyari ang bagong pagkapanganak, gaya ng sinabi ni Iain H. Murray, “Ang tao ay dapat munang mapakumbaba” (Isinalin mula kay Iain H. Murray, Jonathan Edwards: A New Biography, Banner of Truth Trust, 1992 edition, p. 131). Dapat kang mapakumbaba at mawasak. Dapat mong madama ang iyong sariling lubusang kasamaan – ang iyong sariling kasalanan – ang iyong sariling kawalan ng abilidad – ang iyong sariling kalupitan, nararapat ng poot ng Diyos – sa walang hangang kaparusahan. Kapag nadama mo ang bigat ng iyong kasalanan na lubos, ngayon maari mo ng maranasan ang “bagong pagkapanganak.” Gayon ay maari ka ng maging ipanganak muli…sa pamamagitan ng pagkabuhay ni Hesu-Kristo sa mga patay” (I Pedro 1:3).

(KATAPUSAN NG PANGARAL)
Maari ninyong mabasa ang mga sermon ni Dr. Hymers linggo-linggo sa Internet
sa www.realconversion.com. I-klik ang “Mga Pangaral sa Tagalog.”

Pagbabasa ng Kasulatan Bago ng Pangaral ni Dr. Kreighton L. Chan: I Pedro 1:1-9.
Kumanta ng Solo Bago ng Pangaral si Gg. Benjamin Kincaid Griffith:
“Buhay Muli,” isinalin mula sa “Alive Again” (ni Paul Rader, 1878-1938).


ANG BALANGKAS NG

ANG BAGONG PAGKAPANGANAK –
NG MULING NABUHAY NA KRISTO!

ni Dr. R. L. Hymers, Jr.

“Purihin nawa ang Dios at Ama ng ating Panginoong Jesucristo, na ayon sa kaniyang malaking awa ay ipinanganak na muli tayo sa isang buhay na pagasa sa pamamagitan ng pagkabuhay na maguli ni Jesucristo sa mga patay” (I Pedro 1:3).

(Mga Gawa 2:32)

I.   Una, itinangi ni Pedro ang muling pagkabuhay ni Kristo,
Mateo 16:21-22.

II.  Pangalawa, hindi naintindihan ni Pedro ang muling pagkabuhay ni
Kristo, Marcos 9:9-10, 30-32.

III. Pangatlo, naramdaman lamang ni Pedro ang paghihirap noong narinig
narinig niya ang muling pagkabuhay ni Kristo., Mateo 17:22-23;
16:16, 17; 26:74-75; 27:66; Lucas 24:12; Juan 20:19-22; 14:16.