Ang mga pangaral na manuskrito at mga videyo ay ngayon lumalabas sa 1,500,000 na mga kompyupter sa lampas na 221 na mga bansa kada taon sa www.sermonsfortheworld.com . Daan-daang iba ang nanonood ng mga videyo, sa YouTube, ngunit di nagtatagal ay iniiwan ang YouTube at nagpupunta sa aming websayt, dahil bawat pangaral ay nagtuturo sa kanila papalyo mula sa YouTube tungo sa aming websayt. Ang YouTube ay nagdadala ng mga tao sa aming websayt. Ang mga pangaral na manuskrito ay ibinibigay sa 46 na mga wika sa halos 120,000 na mga kompyuter kada buwan. Ang pangaral na manuskrito ay hindi nakarapatang magpalathala, kaya nagagamit ng mga mangangaral ang mga ito na walang pahintulot. Mayroong daan-daang mga videyo ni Dr. Hymers at ng kanyang mga estudyanteng nangangaral. Ang mga manuskrito ay hindi nakarapatang magpalathala, ngunit lahat ng mga videyo nakarapatang magpalathala. Paki-klik ito upang matutunan kung paano ka maaring gumawa ng isang buwan-buwanang donasyon upang tulungan kami sa dakilang gawaing ito ng pagkakalat ng Ebanghelyo sa buong mundo, kasama ang mga Muslim at mga Hindu na mga bansa.
Tuwing nagsusulat kay Dr. Hymers, laging sabihin sa kanya kung anong bansa ka nakatira, o hindi ka niya masasagot. Ang email ni Dr. Hymers’ ay rlhymersjr@sbcglobal.net .
BAKIT HINDI MAIIWASAN NG MGA TUNAY NA WHY REAL CONVERTS CANNOT AVOID TRIBULATION! ni Dr. R. L. Hymers, Jr. Isang pangaral na ipinangaral sa Baptist Tabernacle ng Los Angeles “Na patitibayin ang mga kaluluwa ng mga alagad, at inaaralan sila na magsipanatili sa pananampalataya, at sa pamamagitan ng ng maraming kapighatian ay kinakailangang magsipasok tayo sa kaharian ng Diyos” (Mga Gawa 14:22). |
Napaka kakaunting mga sermon ang ipinangangaral sa tekstong ito ngayon sa Amerika o Europa. Gayon ito’y lubos na mahalaga. Nagdududa ako na makapapasok ka sa kaharian ng Diyos na hindi nalalaman ang tekstong ito at kumikilos ukol rito, ngayon o sa hinaharap man kapag patay ka na.
Si Apostol Pablo ay pinagbabato at iniwang mamatay sa lungsod ng Lystra. Ngunit si Pablo ay muling naibangon pagkatapos siyang pinaligiran ng mga disipolo, na walang pagdududang nagsisipanalangain. Sinagot ng Diyos ang kanilang mga panalangin. Bumangon siya mula sa nalalapit na kamatayan, o kaya pwedeng kamatayan mismo (hindi malinaw ang Kasulatan ukol rito). Pagkatapos bumangon agad ay nangaral muli. Anong halimbawa sa ating lahat! Bumangon si Pablo sa buong lakas at nagpunta kasama ng kanyang katulong na si Barnabas sa lungsod ng Derbe. Mula roon bumiyahe sila sa Lystra, at sa Iconium at, at sa wakas sa Antioch, ipinangangaral ang Ebanghelyo ng pagkapako ni Kristo sa krus at muling pagkabuhay sa napakaraming nawawala.
Ganoon din sa mga lungsod na ito, si Pablo at Barnabas ay nangaral sa mga disipolo, nangaral sila sa mga makailan lang nagsabi na gusto nilang sumunod kay Kristo. Ngunit gusto ni Pablong siguraduhin na kanilang maranasan ang tunay na pagbabagong loob. Gusto niya silang “makumpirma,” maging matatatag sa kanilang pananampalataya. Gusto niyang siguraduhin na hindi lang nila pinaniniwalaan ang mga bagay sa Ebanghelyo, kundi na naranasan nila ang tunay na pagbabagong loob. Paano niya ito nagawa?
I. Una, kinumpirma ni Pablo at pinalakas ang mga kaluluwa ng mga bagong mga disipolo inaaralan sila na magsipanatili sa pananampalataya na kanilang inihayag na pinaniwalaan.
Sinasabi ng teksto,
“Pinatitibay ang mga kaluluwa ng mga alagad, at inaaralan sila na magsipanatili sa pananampalataya” (Mga Gawa 14:22a).
Gusto ni Pablong manigurado na “ang mga kaluluwa” ng mga kabataang disipolo ay tunay na napagbagong loob. Gusto niyang manigurado na hindi lang sila sa tawag lang na mga Kristiyano, hindi lang mga taong natutunan lang ang mga doktrina ng Ebanghelyo, kundi na sila’y magsipanatili bilang mga tunay na mga Kristiyano. Gusto niya silang
“lalong pagsikapan ninyo na mangapanatag kayo sa pagkatawag at pagkahirang sa pagkahirang sa inyo” (II Pedro 1:10).
Kaya pinagtibayan sila ni Pablo, sinisiguradong kanilang naintindihan ang paghihirap na kanilang pagdadaanan kung sila’y magpapatuloy sa “pananampalataya.” Kung hindi nila alam ang gulo na kanilang kakailanganing pagdadaanan upang maging tunay na mga Kristiyano, sila’y mapalalayo mula sa kanilang simbahan at tumalikod mula sa pananampalataya kay Kristo, at hindi papasok sa kaharian ng Diyos. Ang simpleng mga salitang “tinanggap nila si Kristo” ay hindi sapat kay Pablo. Alam niya na kailangan nilang mapagpatibay sa pagdinig kung anong isasakripisyo nila upang maging tunay, matatag na mga Kristiyano, na makapag-titiis para kay Kristo at sa simbahan sa katapusan ng kanilang mga buhay. Ayaw ni Pablo na maging tulad sila noong mga
“hindi nangaguugat sa kanilang sarili, kundi sangdaling tumatagal; kaya’t pagkakaroon ng kapighatian o ng mga paguusig dahil sa salita, pagdaka’y nagsitisod sila” (Marcos 4:17).
At dinagdag ni Lucas na kapag dumating ang mga paghihirap marami na hindi tunay na mga napagbagong loob ay mawawala.
“Ang mga ito’y walang ugat, na sila sa sangdaling panaho’y nagsisisampalataya, at sa panahon ng tukso ay nagsisihiwalay” (Lucas 8:13).
Sinabi ni Kristo na ang mga problema, pag-uusig at tukso ay magsasanhing maraming mga huwad na mga Kristiyanong magsilaho mula sa simbahan mula sa kanilang tinawag na “pananampalataya” kay Kristo.
Hindi, ang kanilang pananampalataya ay kailangan maging mas malakas at mas malalim kaysa diyan. At kaya si Pablo ay abalang
“pinatitibay ang mga kaluluwa ng mga alagad, at inaaralan sila na magsipanatili sa pananampalataya” (Mga Gawa 14:22a).
Iyan ang unang bagay na ginawa ni Pablo sa mga bagong mga disipolong ito. Kanyang
“pinatitibay [sila] at inaaralan sila na magsipanatili sa pananampalataya” (Mga Gawa 14:22a).
Alam ni Pablo na kung ang kanilang pagbabagong loob ay hindi matibay, sila’y babalik sa kasalanan, at sa huli’y magsisilayo mula kay Kristo at sa simbahan.
Ngunit binigyan sila ni Pablo ng pangalawang bagay na kinailangan nila marinig upang maging matibay, matatag, hindi magagalaw na mga napagbagong loob.
II. Pangalawa, pinaalam sa kanila ni Pablo na kailangan nilang dumaan sa “maraming mga kapighatian” upang makapasok sa kaharian ng Diyos.
“Na patitibayin ang mga kaluluwa ng mga alagad, at inaaralan sila na magsipanatili sa pananampalataya, at sa pamamagitan ng ng maraming kapighatian ay kinakailangang magsipasok tayo sa kaharian ng Diyos” (Mga Gawa 14:22).
Ibinigay ng Bibliyang Geneva ang kumentong ito ukol sa teksto:
Responsibilidad ng mga taga-ministro, ang hindi lamang magturo, kundi kumpirmahin silang naturuan at ihanda silang [buhatin] ang krus [ng paghihirap at kapighatian]; (Isinalin mula sa The 1599 Geneva Study Bible, Tolle Lege Press, 2006 inilimbag muli, sulat sa Mga Gawa 14:22).
Saan sa Amerika o Europa tayo makaririnig ng mga ganoong mga pangangaral ngayon? Inaasahan natin ang mga Kristiyano sa Ika’tlong Mundo na dumaan sa maraming kapighatian, at “maraming problema” (Isinalin mula sa Bibliyang Geneva) upang makapasok sa kaharian ng Diyos. Ngunit dito sa Kanlurang mundo ay madalas na inaasahan natin ang isang “madaling sakay” sa Langit, na walang kahit anong kapighatian o problema. Ito para sa akin, ay isang trahedya – dahil hindi ito tunay sa Bibliya. Malinaw na binibigyan tayo ng Bibliya ng maraming mga talata na nagpapakita ng tunay na mga Kristiyano’y lahat dapat dumaan sa kahirapan, kapighatian at mga problema, o hindi sila maaring maging tunay na mga Kristiyano. Itinuturo ng Bibliya na hindi ka “makapapasok sa kaharian ng Diyos” na hindi nakapagtitiis ng matinding paghihirap at gulo, at maraming mga kapighatian. Gaya ng sinasabi ng ating teksto,
“Na patitibayin ang mga kaluluwa ng mga alagad, at inaaralan sila na magsipanatili sa pananampalataya, at sa pamamagitan ng ng maraming kapighatian ay kinakailangang magsipasok tayo sa kaharian ng Diyos” (Mga Gawa 14:22).
Ito ba’y itinuturo sa ating Linggong Paaralan sa Kanluran? Ito ba’y itinuturo sa ating ebanghelistikong pangangaral? Sinasabi ba natin sa mga tao na dapat silang dumaan sa kahirapan at kapighatian kapag maghahayag sila ng interest sa pagiging mga Kristiyano? Sasabihin ba natin sa kanila kaagad-agad, gaya ng ginawa ni Pablo, dapat silang dumaan sa maraming mga paghihirap at mga gulo kapag ihahayag nila na naniniwala sila kay Hesus? Napaka-dalas ay hindi. At ito’y isa sa pangunahing mga dahilan na mayroon tayong napakaraming mga tunay na mga napagbagong loob, naka-aawang kakaunting tunay na mga Kristiyano, dito sa Amerika at Europa – napaka-kaunti na handang maghirap para kay Kristo.
Dapat kang dumaan sa maraming kapighatian at maraming problema at kahirapan upang “[makapasok] sa kaharian ng Diyos.” At kung hindi ka naniniwala dapat mong basahin ang Pilgrim’s Progress ni John Bunyan, kung saan paulit-ulit na ginawang malinaw ito ni Bunyan.
Kung gusto mong maging tunay na Kristiyano ika’y pumapasok sa isang napaka-hirap na paraan ng buhay. At gusto kong pag-isipan mo ang maraming “kapighatian” na kailangan mong pagdaanan kung gusto mong “[makapasok sa kaharian ng Diyos.”
1. Dapat kang daanan ang “problema” ng pagkawala ng iyong mga makamundong mga kaibigan. Ginagawa ito napaka linaw ni Pablo sa II Mga Taga Corinto,
“Magsialis kayo sa kanila, at magsihiwalay kayo”
(II Mga Taga Corinto 6:17).
Tamang maging mabuti sa mga nawawalang mga tao kapag pumupunta sila sa simbahan. Ngunit itinuturo ng Bibliya, sa II Mga Taga Corinto 6:11-18, na dapat magsialis kayo sa kanila mula sa mga nawawalang mga kaibigan na hindi nagpapakita ng interest kay Kristo at sa simbahan.
“Sinoman ngang magibig na maging kaibigan ng sanglibutan ay nagiging kaaway ng Dios” (Santiago 4:4).
Tamang sinasabi ni Dr. MacArthur na ang Santiago 4:4, “Ay naglalarawan ng pagmamahal sa pakiramdam ng isang matinding emosyonal na pag-uugnay. Yoong mayroong malalim at masinsinang pagnanasa ng mga bagay ng mundo ay nagbibigay ng pruweba na sila ay hindi naligatas” (Isinalin mula sa The MacArthur Study Bible, Word Bibles, 1997; sulat sa Santiago 4:4). Kung gusto mong maging isang tunay na Kristiyanong napagbagong loob dapat mong iwanan ang “Lungsod ng Kasiraan,” at yoong mga naroon, gaya ng ginawa ng Manlalakbay sa Pilgrim’s Progress ni John Bunyan.
“Sa pamamagitan ng maraming kapighatian [‘maraming problema,’ The 1599 Geneva Bible] ay kinakailangang magsipasok tayo sa kaharian ng Diyos” (Mga Gawa 14:22).
Kahit ang mga kabataang pinalaki sa simbahan ay dapat ihiwalay ang kanilang mga sarili mula sa pakikipagkaibigan sa mga di-napagbagong loob. Ang II Mga Taga Corinto 6:17-18 ay maa-aplika sa lahat. Dapat kang dumaan sa “problema” ng pagkawala ng makamundong, nawawalag mga kaibigan kung gusto mong “[makapasok] sa kaharian ng Diyos” (Mga Gawa 14:22). Ang ilan sa inyong mga kabataan ay dapat isuko ang makamundo mga kaibigan kung nagnanasa kang kailan man maging isang tunay na napagbagong loob, isang tunay na Kristiyano.
“Sa pamamagitan ng maraming kapighatian [maraming problema] ay kinakailangang magsipasok tayo sa kaharian ng Diyos” (Mga Gawa 14:22).
2. Dapat rin tayong dumaan sa “problema” ng pagdududa sa sarili at pagkondena sa sarili dahil,
“Ngunit ang taong ayon sa laman ay hindi tumatanggap ng mga bagay ng Espiritu ng Dios: sapagka’t ang mga ito ay kamangmangan sa kaniya; at hindi niya nauunawa, sapagka’t ang mga yaon ay sinisiyasat ayon sa espiritu”
(I Mga Taga Corinto 2:14).
“Sapagka’t ang kaisipan ng laman ay pakikipagalit laban sa Dios” (Mga Taga Roma 8:7). “At ibig niyang sabihin ayon sa laman ang tao ay hindi napanunumbalik” (Isinalin mula sa The Geneva Bible, sulat sa Mga Taga Roma 8:7).
Ang di-napagbabagong loob, ang di-mapanumbalik na isipan ay “laban sa Diyos.” Iyan ang dahilan na hindi mo maaring “matutunang” maging isang Kristiyano. Lahat ng mga bagay na simpleng “natututunan” lamang ay mga buhol-buhol na pagkalito sa iyong isipan. Kung gayon, dapat mong pagdaanan ang “problema” ng pagdududa sa sarili at pagkondena sa sarili, pati pagdududa sa sarili mong kakayahang matukalasan kung paano maligtas. At dapat mong hatulan ang iyong sarili at ikondena ang iyong sarili bilang isang “katutubong mga anak ng kagalitan” (Mga Taga Efeso 2:3).
Ito’y isang matinding “problema” para sa isang hambog na taong aminin sa sarili niya na ang kanyang
“puso ay magdaraya ng higit sa lahat na bagay, at totoong masama” (Jeremias 17:9).
Ngunit dapat mong pagdaanan ang problemang iyon hanggang sa sumangayon ka na ang iyong puso ay totoong masama at na hindi mo mapagkakatiwalaan ang iyong sarili pagdating sa kaligtasan.
“Sa pamamagitan ng maraming kapighatian [maraming problema] ay kinakailangang magsipasok tayo sa kaharian ng Diyos” (Mga Gawa 14:22).
3. Dapat mo ring pagdaanan ang “problema” ng pagkakatagpong nagkasala ng kasalanan.
“At siya [Espiritu ng Diyos], pagparito niya, ay kaniyang [kang] susumbatan […] tungkol sa kasalanan” (Juan 16:8).
Ang unang mga gawa ng Banal na Espiritu ay ang kumbinsihin ang mundo ng kasalanan. Ang ibig sabihin nito ay ikokondena ka ng Diyos ng mga kasalanan ng nakaraan. Ngunit nangangahulugan ito ng higit pa riyan. Ibig sabihin nito’y ikokondena ka ng Diyos sa pagkakaroon ng katutubong kasalanang, ang iyong pagka-katutubo ay “patay” (Mga Taga Efeso 2:1, 5) sa kasalanan, at na ikaw ay “katutubong mga anak ng kagalitan” (Mga Taga Efeso 2:3). Dapat mong tiisin ang “problemang” ito hanggang sa kaya mong tapat na sabihin, “nalalaman ko na sa akin sa makatuwid ay sa aking laman, ay hindi tumitira ang anomang bagay na mabuti” (Mga Taga Roma 7:18). Sinasabi ng 1599 Bibliyang Geneva sa bersong iyan, “Ang bisyong ito, o kasalanan, o batas ng kasalanan, ay buong-buong nagkakaroon noong mga taong yoon na hindi napanumbalik [naipanganak muli].” Dapat kang makumbinse ng pagkakaroon ng isang katutubo na lubusang masama, na hindi mo maasahan o mapagkakatiwalaan. Dapat kang mapunta sa isang lugar kung saan hindi mo mapagkatiwalaan ang iyong sariling masamang puso.
“Sa pamamagitan ng maraming kapighatian [maraming problema] ay kinakailangang magsipasok tayo sa kaharian ng Diyos” (Mga Gawa 14:22).
Ngunit mayroong isa pang “problema” na dapat mong pagdaanan upang makapasok sa kaharian ng Diyos.
4. Dapat mong pagdaanan ang “problema” ng “pamimilit.” Sinabi ni Hesus,
“Magpilit kayong magsipasok sa pintuang makipot”
(Lucas 13:24).
Ang salitang “magpilit” ay isinalin mula sa Griyegong salitang “agōnizomai,” na literal na nangangahulugang “magsikap” (Isinalin mula kay Strong). Sinabi ni Kristo, “Magpilit [magsikap] magsipasok.” Hindi ito nag-iiwan ng lugar para sa iyong sabihin, “Wala akong magagawa.” Oo, sinabi ni Kristo, mayroong kang magagawa. Maari kang magpilit, magsikap, lumaban ng buong lakas, naghihirap na magsipasok kay Kristo. Kahit na magsikap ka ng may panloob na sakit, dapat kang lumaban ng lahat ng iyong lakas upang magsipasok kay Kristo Hesus. “Magpilit kayong magsipasok” (Lucas 13:24). Ang ganoong pagsisikap ay masakit ngunit, kapag sa wakas ay lalapit ka na kay Kristo, matatagpuan mo Siyang nag-aantay sa iyo ng may bukas na mga braso. Sinabi ni Hesus,
“Ang sinomang taong pumasok sa akin, ay siya’y maliligtas”
(Juan 10:9).
Kung gayon magpilit at magsikap ng iyong buong lakas at layuning makapasok sa Kanya. Tapos ay malalaman at madadama mo na
“lilinisin tayo ng dugo ni Hesus na kaniyang Anak sa lahat ng kasalanan” (I Juan 1:7).
(KATAPUSAN NG PANGARAL)
Maari ninyong mabasa ang mga sermon ni Dr. Hymers linggo-linggo sa Internet sa
www.realconversion.com. I-klik ang “Mga Pangaral sa Tagalog.”
BALANGKAS NG BAKIT HINDI MAIIWASAN NG MGA TUNAY NA ni Dr. R. L. Hymers, Jr. “Na patitibayin ang mga kaluluwa ng mga alagad, at inaaralan sila na magsipanatili sa pananampalataya, at sa pamamagitan ng ng maraming kapighatian ay kinakailangang magsipasok tayo sa kaharian ng Diyos” (Mga Gawa 14:22). I. Una, kinumpirma ni Pablo at pinalakas ang mga kaluluwa ng mga bagong mga disipolo inaaralan sila na magsipanatili sa pananampalataya na kanilang inihayag na pinaniwalaan, Mga Gawa 14:22a; II Ni Pedro 1:10; Marcos 4:17; II. Pangalawa, pinaalam sa kanila ni Pablo na kailangan nilang dumaan sa “maraming mga kapighatian” upang makapasok sa kaharian ng Diyos, Mga Gawa 14:22b; II Mga Taga Corinto 6:17; Santiago 4:4; I Mga Taga Corinto 2:14; Mga Taga Roma 8:7; Mga Taga Efeso 2:3; Jeremias 17:9; Juan 16:8; Mga Taga Efeso 2:1, 5; Mga Taga Roma 7:18; |