Print Sermon

Ang mga pangaral na manuskrito at mga videyo ay ngayon lumalabas sa 1,500,000 na mga kompyupter sa lampas na 221 na mga bansa kada taon sa www.sermonsfortheworld.com . Daan-daang iba ang nanonood ng mga videyo, sa YouTube, ngunit di nagtatagal ay iniiwan ang YouTube at nagpupunta sa aming websayt, dahil bawat pangaral ay nagtuturo sa kanila papalyo mula sa YouTube tungo sa aming websayt. Ang YouTube ay nagdadala ng mga tao sa aming websayt. Ang mga pangaral na manuskrito ay ibinibigay sa 46 na mga wika sa halos 120,000 na mga kompyuter kada buwan. Ang pangaral na manuskrito ay hindi nakarapatang magpalathala, kaya nagagamit ng mga mangangaral ang mga ito na walang pahintulot. Mayroong daan-daang mga videyo ni Dr. Hymers at ng kanyang mga estudyanteng nangangaral. Ang mga manuskrito ay hindi nakarapatang magpalathala, ngunit lahat ng mga videyo nakarapatang magpalathala. Paki-klik ito upang matutunan kung paano ka maaring gumawa ng isang buwan-buwanang donasyon upang tulungan kami sa dakilang gawaing ito ng pagkakalat ng Ebanghelyo sa buong mundo, kasama ang mga Muslim at mga Hindu na mga bansa.

Tuwing nagsusulat kay Dr. Hymers, laging sabihin sa kanya kung anong bansa ka nakatira, o hindi ka niya masasagot. Ang email ni Dr. Hymers’ ay rlhymersjr@sbcglobal.net .




ANG PAKIKIBAKA NG PAGBABAGONG LOOB

THE STRUGGLE OF CONVERSION

ni Dr. R. L. Hymers, Jr.

Isang pangaral na ipinangaral sa Baptist Tabernacle ng Los Angeles
Umaga sa Araw ng Panginoon ika-22 ng Pebrero 2009

“Magpilit kayong magsipasok sa pintuang makipot” (Lucas 13:24).


Maraming mga tao ang naniniwala na si Hesus ay isang propeta. Naniniwala rin sila na kaya Niyang gumawa ng mga himala. Ngunit kakaunti sa kanila ang nagsisi at napagbagong loob. Sila ay nakontento sa sarili nila bilang sila. Ngunit sinabi ni Hesus.

“Datapuwa't, malibang kayo'y mangagsisi, ay mangamamatay kayong lahat sa gayon ding paraan” (Lucas 13:5).

Ang Griyegong salitang isinaling “magsisi” ay nangangahulugang magkaroon ng bagong isip. Ibig sabihin nito ay mapagbagong loob. At sinabi ni Kristo sa kanila na dapat nilang maranasan na “mangamamatay [silang] lahat sa gayon ding paraan.” Ito ay isang surpresa sa kanila. Akala nila’y sapat na ang kabutihan nila kung paano sila noon.

Si Kristo ay papunta sa Jerusalem. Ilan ay nakapansin na kakaunti lamang ang aktwal na sumusunod sa Kanya. Sinabi nitong isang lalake sa Kanya, “May kakaunti bang maliligtas?” Hindi sinagot ni Kristo ang tanong ng lalake. Imbes ay nagsalita si Kristo sa kanya ng diretso. Sinabi Niya sa lalake,

“Magpilit kayong magsipasok sa pintuang makipot: sapagka't sinasabi ko sa inyo na marami ang mangagsisikap na pumasok, at hindi mangyayari” (Lucas 13:24).

Sinabi Niya na ang lalake ay dapat “magpilit [pumasok] sa pintuang makipot.” At sinasabi ang parehong bagay sa iyo ngayong umaga: “Magpilit kayong magsipasok sa pintuang makipot.” Anong ibig sabihin nito? Ano ang sinasabi ni Kristo sa iyong gawin mo? Dapat mong maintindihan ang tatlong mga salita sa teksto.

I. Una, ang dalawang salitang “pintuang makipot.”

Sinabi ni Hesus, “Magpilit kayong magsipasok sa pintuang makipot.” Ang Griyegong salita na isinaling “makipot” ay “stĕnŏs.” Ibig sabihin nito ay “makipot” (Isinalin mula kay Strong). Ang Griyegong salitang isinaling “pintuan” ay “pulē.” Ibig sabihin nito ay “pintuan…pinagpapasukan” (Isinalin mula kay Strong). Kaya sinabi ni Hesus, “Magpilit na makapasok sa makipot na pasukan.” Ang parehong mga salita ay ginamit ni Hesus sa Mateo 7:

“Kayo'y magsipasok sa makipot na pintuan…Sapagka't makipot ang pintuan, at makitid ang daang…at kakaunti ang nangakakasumpong noon” (Mateo 7:13, 14).

Ang “makipot na daan” ay nagdadala “patungo sa buhay” (Mateo 7:14). Sinabi ni Dr. Gill, “Sa pamamagitan ng makipot na daan ay nangangahulugan na si Kristo mismo; na sa ibang lugar ay tinatawag ang sariling ang pintuan…oo, siya ang daan ng langit” (Isinalin mula sa isinulat ni John Gill, D.D., An Exposition of the New Testament, The Baptist Standard Bearer, 1989 edition, p. 70; sulat sa Mateo 7:13).

Sinabi ni Hesus, “Magpilit kayong magsipasok sa makipot na pintuan.” Iyan ay, magpilit na pumasok kay Kristo. Bakit tinatawag ni Kristong “makipot na daan?” “Dahil si Kristo ay ang nag-iisang daan sa kaligtasan. Ang mga tao sa mundo ay madalas sabihin, “Kayong mga Kristiyano ay napaka kitid. Bakit hindi maaring maligtas ang mga tao sa ibang paraan? Bakit sinasabi ninyo na si Kristo ang nag-iisang daan?” Ang sagot ay si Kristo Mismo ang nagsabi Siya ang “makipot na daan.” Sinabi Niya,

“Ako ang daan, at ang katotohanan, at ang buhay: sinoman ay di makaparoroon sa Ama, kundi sa pamamagitan ko” (Juan 14:6).

Sinabi ni Dr. Gill,

Si Kristo ang tunay na daan patungo sa walang hanggang buhay…si Kristo ang nag-iisang daan ng paraan papunta sa Ama; walang paglapit sa Diyos…na walang isang namamagitan, at ang nag-iisang mamagitan sa pagitan ng Diyos at tao ay si Kristo (Isinalin mula sa ibid.).

Sinasabi ng Bibliya,

“Sapagka't may isang Dios at may isang Tagapamagitan sa Dios at sa mga tao, ang taong si Cristo Jesus; Na ibinigay ang kaniyang sarili na pangtubos sa lahat” (I Timoteo 2:5-6).

“Ibinigay [ng Diyos] ang kaniyang bugtong na Anak” (Juan 3:16) upang mamatay sa Krus, at ibuwis ang Kanyang Dugo, upang ang tao ay “matubos” mula sa kasalanan at kamatayan. Ipinadala ng Diyoa ang Kanyang nag-iisang Anak upang magdugo at mamatay sa Krus,

“upang ang sanglibutan ay maligtas sa pamamagitan niya”
       (Juan 3:17).

Walang ibang relihiyong pinuno o guro “ang kaniyang [ng Diyos] bugtong Anak.” Walang ibang relihiyong pinuno o guro ang “isang Tagapamagitan sa Dios.” “Ang taong si Kristo Hesus” ang tanging nag-iisa

“na siya rin ang nagdala ng ating mga kasalanan sa kaniyang katawan sa ibabaw ng kahoy”… sa Krus (I Ni Pedro 2:24).

Iyang ang dahilan ng sinabi ni Apostol Pedro,

“At sa kanino mang iba ay walang kaligtasan: sapagka't walang ibang pangalan sa silong ng langit, na ibinigay sa mga tao, na sukat nating ikaligtas” (Mga Gawa 4:12).

“Magpilit kayong magsipasok sa pintuang makipot”
       (Lucas 13:24).

Si Hesus ang makipot na pintuan. Si Kristo ang makipot na pintuan patungo sa kaligtasan. Dapat kang lumapit sa Kanya, dahil Siya lamang ang makaliligtas sa iyo.

II. Pangalawa, ang salitang “magpilit.”

Sinabi ni Hesus,

Magpilit kayong magsipasok sa pintuang makipot”
       (Lucas 13:24).

Ang salitang “magpilit” napupunta sa atin sa Ingles mula sa Griyegong salitang “agōnizomai.” Ibig sabihin nito ay “magsikap lubusan…upang lumaban” (Isinalin mula sa sinabi ni Vine), “upang magpunyagi” (Isinalin mula kay Strong). Ang “agōnizomai” ay nanggagaling mula sa ugat na salitang “agon.” Ibig sabihini nito ay “pagsikap, pag-aalala, pagkakagulo” (Isinalin mula kay Strong). Noong sinabi ni Hesus “Magpilit kayong magsipasok,” Ibig Niyang sabihin na dapat kang lumabang makapasok, magsikap pumasok, ng “may pagsisikap, pag-aalala at pagkakagulo.” Isang uri ng Griyegong salitang ito ay ginamit ni Lucas upang ilarawan ang paghihirap ni Kristo sa Hardin ng Gethsemane, ang gabi bago Siya ipinako sa krus.

“At nang siya'y nanglulumo ay nanalangin siya ng lalong maningas; at ang kaniyang pawis ay naging gaya ng malalaking patak ng dugo na nagsisitulo sa lupa” (Lucas 22:44).

Kinailangan ni Hesus na dumaan sa matinding paghihirap, nagpupunyagi sa panalangin, o halos namatay doon sa Hardin sa ilalim ng bigat ng iyong kasalanan. Kung ang Anak ng Diyos ay kinailangang dumaan sa ganoong pagkakagulo ng paghihirap at pagpupunyagi upang iligtas ka, hindi ba makatwiran at naayon lang sa Kasulatan na dapat mong pagdaanan rin ang kaunti nito upang “[makapasok] sa pintuang makipot”? Iyan ang dahilan na sinabi ni Hesus, “Magpilit kayong magsipasok sa pintuang makipot.”

Ang lahat ng dakilang Protestanteng mangangaral ng nakaraan ay dumaan sa matinding “pagpipilit” noong sila’y napagbagong loob. Si Luther ay naghirap sa loob ng ilang buwan bago siya “[nakapasok]” kay Kristo. Si John Bunyan ay umabot sa dulo ng pagkabaliw bago siya nakahanap ng kapayapaan kay Kristo. Itinapon ni John Wesley ang kanyang sarili urong sulong patawid ng Dagat Atlantiko sa pagkahibang ng pagdududa ng sarili at kalungkutan, nagpupumilit “[pumasok] sa pintuang makipot.” Halos ginutom sa kamatayan ni George Whitefield ang kanyang sarili sa pamamagitan ng di-pagkain at panalangin, nagpupunyaging pumasok kay Kristo. Lumaban si Spurgeon sa buong lakas niya upang mahanap si Kristo bilang isang labing-pitong taong gulang anak ng pastor. Ang mga pagbabagong loob ng lahat ng mga tanyag na mga mangangaral na ito ay may kasamang matinding pagsisikap, pag-aalala at pagkakagulo, habang kanilang nilabanan ang kanilang daan patungo kay Hesus. Bakit dapat maging iba ito para sa iyo? Sinabi ni Hesus,

Magpilit kayong magsipasok sa pintuang makipot”
       (Lucas13:24).

Mayroong isang lumang himno na nagsasabing,

Labanan ang mabuting laban ng lahat ng iyong lakas!...
   Kumapit sa buhay, at ito’y magiging
Iyong kaligayahan at korona magpakailanman.
   (“Labanan ang Mabuting Laban ng Lahat ng Iyong Lakas”
     isinalin mula sa “Fight the Good Fight With All Thy Might”
      ni John S. B. Monsell, 1811-1875).

Ganyan maganap ang tunay na pagbabagong loob. Pakinggan ang isa sa pinaka-kilalang himno na naisulat – “Bilang Ako Lamang” ni Charlotte Elliot (1789-1871). Alam niyang tunay ang ibig sabihin ng pagpupunyagi, sa pagkakagulo at pagsisikap, upang mahanap si Kristo.

Bilang ako lamang, kahit na naititilapon,
   Ng maraming pagkakagulo, maraming pagdududa,
Pakikipaglaban at takot sa loob, saw ala,
   O Kordero ng Diyos, palapit ako! Palapit ako!
(“Bilang Ako Lamang” isinalin mula sa “Just As I Am”
     ni Charlotte Elliott, 1789-1871).

Magpilit kayong magsipasok sa pintuang makipot”
      (Lucas 13:24).

(KATAPUSAN NG PANGARAL)
Maari ninyong mabasa ang mga sermon ni Dr. Hymers linggo-linggo sa Internet
sa www.realconversion.com. I-klik ang “Mga Pangaral sa Tagalog.”

Pagbabasa ng Kasulatan Bago ng Pangaral ni Dr. Kreighton L. Chan: Lucas 13:5, 22-24.
Kumanta ng Solo Bago ng Pangaral si Gg. Christopher J. Bebout:
“Bilang Ako Lamang” Isinalin mula sa “Just As I Am” (ni Charlotte Elliott, 1789-1871).


BALANGKAS NG

ANG PAKIKIBAKA NG PAGBABAGONG LOOB

ni Dr. R. L. Hymers, Jr.

Magpilit kayong magsipasok sa pintuang makipot”
(Lucas 13:24).

(Lucas 13:5)

I.   Una, ang dalawang salitang “pintuang makipot,” Mateo 7:13, 14;
Juan 14:6; I Ni Timoteo 2:5-6; Juan 3:16, 17; I Ni Pedro 2:24;
Mga Gawa 4:12.

II.  Pangalawa, ang salitang “magpilit,” Lucas 22:44.