Print Sermon

Ang mga pangaral na manuskrito at mga videyo ay ngayon lumalabas sa 1,500,000 na mga kompyupter sa lampas na 221 na mga bansa kada taon sa www.sermonsfortheworld.com . Daan-daang iba ang nanonood ng mga videyo, sa YouTube, ngunit di nagtatagal ay iniiwan ang YouTube at nagpupunta sa aming websayt, dahil bawat pangaral ay nagtuturo sa kanila papalyo mula sa YouTube tungo sa aming websayt. Ang YouTube ay nagdadala ng mga tao sa aming websayt. Ang mga pangaral na manuskrito ay ibinibigay sa 46 na mga wika sa halos 120,000 na mga kompyuter kada buwan. Ang pangaral na manuskrito ay hindi nakarapatang magpalathala, kaya nagagamit ng mga mangangaral ang mga ito na walang pahintulot. Mayroong daan-daang mga videyo ni Dr. Hymers at ng kanyang mga estudyanteng nangangaral. Ang mga manuskrito ay hindi nakarapatang magpalathala, ngunit lahat ng mga videyo nakarapatang magpalathala. Paki-klik ito upang matutunan kung paano ka maaring gumawa ng isang buwan-buwanang donasyon upang tulungan kami sa dakilang gawaing ito ng pagkakalat ng Ebanghelyo sa buong mundo, kasama ang mga Muslim at mga Hindu na mga bansa.

Tuwing nagsusulat kay Dr. Hymers, laging sabihin sa kanya kung anong bansa ka nakatira, o hindi ka niya masasagot. Ang email ni Dr. Hymers’ ay rlhymersjr@sbcglobal.net .




SIMBAHANG NAKA-SENTRO SA PAG-EEBANGHELISMO!

CHURCH CENTERED EVANGELISM!

ni Dr. R. L. Hymers, Jr.

Isang sermon na ipinangaral sa Baptist Tabernacle ng Los Angeles
Umaga sa Araw ng Panginoon, ika-25 ng Enero taon 2009

“Dahil dito magsiyaon nga kayo, at gawin ninyong mga alagad ang lahat ng mga bansa, na sila'y inyong bautismuhan sa pangalan ng Ama at ng Anak at ng Espiritu Santo: Na ituro ninyo sa kanila na kanilang ganapin ang lahat ng mga bagay na iniutos ko sa inyo: at narito, ako'y sumasa inyong palagi, hanggang sa katapusan ng sanglibutan. Amen” (Mateo 28:19-20).


Maraming mga tao ang nag-iisip na ang pag-eebanghelismo ay dapat ginagawa ng kakaunting mga tao sa simbahan, siguro ang pastor at mga diakono, o ilang mga espesyal na tao. Ngunit hindi iyan ang itinuturo ng Bagong tipan. Ang Dakilang Komisyon ng Mateo 28:19-20 ay ibinigay sa bawat tao sa bawat lokal na Bagong Tipang simbahan. Tamang-tamang sinabi ni Dr. W. A. Criswell,

Ang komisyon ni Hesus ay para sa buong simbahan sa bawat panahon lubusang mahalagang salita sa komisyon ay “gawin ninyong mga alagad ang lahat ng mga bansa,” mas literal na gawing mga “disipolo” (Isinalin mula sa isinulat ni W. A. Criswell, Ph.D., The Criswell Study Bible, Thomas Nelson, 1979, sulat sa Mateo 28:19-20).

“Ang komisyon ni Hesus ay sa buong simbahan.” Bawat tao sa simbahan ay initusan ni Kristong gawin ang gawain ng pag-ebanghelismo. Bawat tao ay tinawag at initusang gumawa ng mga disipolo sa lahat ng bansa, na ebanghelismohin ang lahat noong makaharap nila. Iyan ang dahilan na niniwala kami sa bawat taong ebanghelismo, sa katunayan naniniwala kami na bawat tao, kahit na siya’y hindi pa isang miyembro, ay dapat sumapi sa mahalagang trabaho para kay Kristo. Ang ebanghelismo dapat nasa pinaka puso ng programa n gating simbahan. Iyan ang dahilan na inilalagay namin sa pinaka taas ng lahat ng ginagawa naming para kay Kristo. Ang pag-eebanghelismo ay ang nag-iisang pinaka mahalagang bagay na ginagawa namin bilang isang simbahan. Mayroon kaming panalangin, sunod ng ebanghelismo bawat gabi ng Sabado. Mayroon kaming ebanghelismo bawat tanghali ng Linggo, kasunod ng paglilingkod sa umaga. Mayroon kaming ebanghelismo bawat Miyerkules at Huwebes ng gabi. Gaya ng sinabi ni Dr. Criswell, “Ang komisyon ni Hesus ay sa buong simbahan.”

“Dahil dito magsiyaon nga kayo, at gawin ninyong mga alagad ang lahat ng mga bansa, na sila'y inyong bautismuhan sa pangalan ng Ama at ng Anak at ng Espiritu Santo” (Mateo 28:19).

Maraming iba ang nag-iisip ng ebanghelismo bilang pagmimigay ng mga “polyeto” [“tracts”] o makuha ang mga taong magdasal ng isang panlabas na “dasal ng makasalanan.” Ngunit dapat nating matandaan na ang layunin ay ang hindi “makakuha ng mga,” kundi makagawa ng mga disipolo. Gaya ng tamang tamang sinabi ni Dr. Criswell, “‘gawin ninyong mga alagad ang lahat ng mga bansa,” [ay] mas literal na gawing mga ‘disipolo’.” Nagpapakita ito na ang Dakilang Komisyon ay naka-sentro sa simbahan. Ang pamimigay ng mga polyeto at pagkuha sa mga taong magsabi ng “dasal ng makasalanan” ay hindi halos makakuha ng kahit sino sa loob ng lokal na simbahan. Iyan ang dahilan na karamihan sa mga simabahan ay isinusuko ang paraan na ito, dahil ito ay hindi epektibo. Ngunit mayroong mas mabuting paraan! Tinatawag natin itong “lokal na simbahang pag-ebanghelismo.” Lumalabas ka at kumukuha ng mga pangalan at numero ng mga tao, pagkatapos ay tatawagan ang mga ito ng mga pinuno ng ating simbahan at iimbitahin silang pumunta. Pagkatapos ay kayo’y nagpupunta sa inyo mga sasakyan upang sunduin sila. Pagkarating nila sa simbahan, nangangaral kami ng isang matapang na Ebanghelyong sermon sa kanila. Iyan ang paraan upang makapanalo at magdisipolo ng mga bagong napagbagong loob. Ang planong ito ay umuubra. Ang ibang paraan ay hindi epektibo. Maarin ninyo ako padalhan ng e-mail kung gusto ninyo ng mas marami pang impormasyon sa “lokal na simbahang pag-eebanghelismo.” Ang e-mail ko ay binibigay sa harapang pahina ng websayt na ito sa isa sa mga botones sa kaliwang kamay na tabi.

Sa ilang mga huling henerasyon, dinala ng desisyonismo ang ideya ng “pangunguha ng mga desisyon” kay sa makuha ang mga tao sa loob ng lokal na simbahan. Ngunit ano ang silbi ng “pangunguha” ng mga desisyon kung hindi natin “makuha” ang mga tao? Upang lumago ang mga kongregasyon dapat nilang literal na sundin ang Dakilang Komisyon ng pagdadala ng mga tao sa lokal na simbahan. Doon sila ay mapagbabagong loob at maging disipolo. Imbes na gumagawa ng “pagsunod” [“follow up”] sa mga taong hindi kailan man talagang napagbagong loob, kailangan nating lumabas at dalhin sila sa loob ng lokal na simbahan. Nasa lokal na simbahan na sila ay makdidinig ng Ebanghelyong maipangaral. Nasa lokal na simbahan na sila ay magiging disipolo ng Panginoong Hesu-Kristo. Paki-lipat sa Lucas 14:23, kung saan ito ay ginawang napaka-linaw. Magsi-tayo tayo at basahin ang bersong ito ng malakas.

“At sinabi ng panginoon sa alipin, Pumaroon ka sa mga daan at sa mga bakuran, at pilitin mo silang magsipasok, upang mapuno ang aking bahay” (Lucas 14:23).

Maari ng magsi-upo.

Ang paraan na ito ay ang praktikal na aplikasyon ng Dakilang Komisyon ng Mateo 28:19-20. Saan dapat ako pumunta upang “gawin […] mga alagad ang lahat ng mga bansa”? Ang sagot – “sa mga daan at mga bakuran” – sa mga kalye at mga daanan – sa labas sa “buong sanglibutan” (Marcos 16:15). Ano ang dapat kong gawin kapag ako’y nag-eebanghelyo sa mga nawawalang tao? Ang sagot – “pilitin mo silang magsipasok, upang mapuno ang aking bahay.” Simple! Lokal na simbahang pag-eebanghelismo: makukuha silang pumasok sa simbahan upang madinig ang Ebanghelyo, makuha silang mapagbagong loob, at pagkatapos gawin silang mga disipolo ni Kristo.

Ngayon, napansin ko ang salita sa umpisa ng berso 23 at salita malapit sa hulihan: Simple!

“Pumaroon.”
“Magsipasok.”

“Pumaroon” at kunin silang “magsipasok.” Ganyan mo “gawin […] mga alagad ang lahat ng mga bansa.” Ganayan mo sila makukuhang mapagbagong loob at magawang mga disipolo – sa loob at sa pamamagitan ng lokal na simabahan

.

“Pumaroon.”
“Pilitin mo silang magsipasok.”

I. Una, sa simbahan nakasentrong ebanghelismo ay nagsisimula sa
pamamagitan ng “pumaparoon.”

Hindi tayo makakaantay sa mundo na pamasok mag-isa. Oo, naniniwala ako na ang Diyos ay may sariling pag-hahari. Ngunit ang Diyos na may lubusang kapangyarihang magdesisyon ay gumagamit ng instrumento upang matupad ang Kanyang mga layunin. Kung tatanongin natin ang isang simbahan na huwag susundin ang utos ni Kristo sa Mateo 28:19-20 at Lucas 14:23, dapat umasa na bibiyayain tayo ng Diyos. Ang pagsunod sa Dakilang Komisyon ay ang susi sa tagumpay sa kahit anong simbahan. Maari tayong magdasal – at iya’y mabuti. Maari nating aralin ang Bibliya at ituro ang Bibliya – at iya’y mabuti. Maari tayong kumanta ng buong puso sa mga paglilingkod na pagsasamba – at iya’y mabuti. Ngunit kung tayo’y magkukulang na sundin ang utos ni Kristo sa Dakilang Komisyon, kung tayo’y magkukulang na “Pamaroon” at “pilitin […] silang magsipasok”! Kung magkukulang tayong “pumaroon, at pilitin […] silang magsipasok,” nagkukulang tayong sundin ang huling utos na ibinigay ni Kristo sa atin. Dapat tayong lumabas at kunin ang mga nawawala papasok sa ating simbahan mabibigo natin an gating Panginoon, hindi natin nakuha ang Kanyang utos ng masinsinan, hindi natin nasunod ang Kanyang boses, hindi natin nagampanan ang responsibilidad na ibinigay Niya sa atin. At kaya, sinasabi ko ng lahat ng lakas na nasa akin,

“Pumaroon…at pilitin mo silang magsipasok, upang mapuno ang aking bahay” (Lucas 14:23).

Ang ilan ay maaring matanda at mahina. Ang ilan ay maaring masyadong maliit at bata. Ngunit ang mga mas matatandang miyembro ay maaring magpunta sa simbahan at bantayan ang maliliit na mga bata – at gayon magkakasamang kumayod kasama natin at gawin malaya ang kanilang mga magulang upang lumabas. Yoong mga mas matatandang mga tao, na hindi na kayang lumabas sa bawat ebanghelistikong pagkakataon, ay maaring itaas ang mga kamay ng mga magulang, tulad ng paghawak nina Aaron at Hur sa mga kamay ni Moises. Maaring kang gumanap ng isang nakatataas na mahalagang pagganap sa pamamgitan ng pagpapalaya sa mga magulang mula sa kanilang mga anak upang lumabas kapalit mo upang “pilitin […] silang magsipasok, upang mapuno ang […] bahay [ng Diyos].” Gawin ito! Ano man ang kapalit nito, ano man ang sakripisyo na dapat mong gawin, para sa ebanghelismo upang dalhin ang mga tao sa simbahan ni Kristo. Dapat mo itong gawin na iyong buong kapangyarihan. Ang lahat ng mga tao sa simbahan ay dapat gawin ang lahat ng kanilang makakaya, sa kanilang sariling paraan, upang tulungan ang lokal na simbahang itong sundin ang utos ni Kristo Hesus, at “Pumaroon…at pilitin […] silang magsipasok.” Gawin ito! Kumayod ng sabay-sabay bilang isang simbahan upang tulungan ang bawat malusog na lalake at babae, batang lalake’t babae, na sundin si Kristo Hesus, at “pilittin […] silang magsipasok, upang mapuno ang [Kanayang] bahay.”

Magpatuloy sa lakas ng iyong kabataan at puwersa. Tumayo sa katungkulan para kay Kristo. Gamitin ang lakas ng iyong kabataan at kalusugan, at ang iyong malikhaing buhay, upang maitulak papunta sa isang malakas na agos ng ebanghelistikong dedikasyon, isang matatag na dedikasyon na sa anong mang kawalan, ay matutupad ang Dakilang Komisyon, at “pumaroon – at pilitin […] silang magsipasok.” Iyan ang unang punto na kailangan nating idiin sa isang simabahan na ginagawa ang bawat taong ebanghelismo ang banal na katungkulan at sagradong tawag. Ito’y nagsisimula sa pamamagitan ng paglabas. Kung hindi ka lalabas, hindi sila papasok – at ang bahay ng Diyos ay hindi mapupuno. “Pumaroon…at pilitin mo silang magsipasok”! Ito’y magsisimula, sa pamamagitan ng pagsasabi mo sa iyong puso, “ako’y lalabas. Gagawin ko ito ano man ang kapalit at ano mang paghihirap ang aking dapat tiisin. Sa kasamaan ng lahat – Ako’y lalabas. Inutusan ako ni Kristong gawin ito, at Siya’y aking susundin. Lalabas ako!”

Ngayon ang panahon upang magdala ng ani ng mga kaluluwa. Kung tayo’y mabibigo, tayo’y mawalalan ng loob at matatalo. Ngunit – kung tayo’y magtatagumpay – maari tayong makakita ng maraming mga maliwanag na mga bagong mukha, mga kolehiyano, mula sa mga paaralang pinag-eebangheliyohan natin, at mga mall at mga kalye kung saan dinadala natin ang mensahe, umaagos sa ating simbahan ng may masasayang mukha. Diyos tuparin ninyong tulungan kaming gawin itong masayang tagpo itong isang masigasig na katotohanan! Sabihin sa iyong puso, “Sa bawat pagkakataon, aking susundin ang utos ni Kristo. Lalabas ako ng may nauudyok na mga paa at isang pusong puno ng Espiritung – gagawin ko ito para kay Kristo Hesus, na namatay upang palayain ang aking kaluluwa mula sa kasalanan at Impiyerno! Lalabas ako!

Ito’y nag-sisimula sa paglabas. Iyan ang paraan na ating matutupad ang utos ni Kristo. Kunin ang lahat ng pangalan at mga numero na makakaya mo, at dalhin ang mga ito sa pinuno ng simbahan upang matawagan, ayusin ang transportasyon, at makuha sila sa Linggong paglilingkod.

II. Pangalawa, ang simbahang nakasentro sa ebanghelismo ay nagpapatuloy
sa pamamagitan ng pagpasok sa kanila.

Hindi sapat na bigyan sila ng isang bolyeto. Alam natin sa pamamgitan ng mahabang karanasan na iilan kung mayroon man ay pupunta sa simbahan sa paraang iyan. Alam din natin na ang pagdarasal ng isang “dasal ng makasalanan” kasama nila sa kanilang pintuan o sa kalye – ay hindi gumagana at hindi nagbubungang paraan upang maipasok sila. Ang ganoong paraan ay maaring magbigay ng pagkakontento sa isang “desisyonista,” ngunit matagal na nating natagpuan na sa pamamagitan karanasan na iya’y isang paraan na nagdadala ng kaunti kung mayroon man papasok sa isang lokal na simbahan. Dapat tayong gumawa ng mas marami pa, mas marami pa diyan! Sinabi ni Hesus,

“Pumaroon…at pilitin mo silang magsipasok, upang mapuno ang bahay ng Diyos.”

Dapat silang “mapilit” na pumasok sa bahay ng Diyos. Dapat silang mapilit upang pumasok! Kumbinsihin sila, puwersahin sila, dapat silang kumayod upang papasukin sila! Iyan ang ibig sabihin ng Griyegong salita para sa “pilit” [“compel”]! Gaya ng kinanta ni Gg. Griffith ilang sandali ang lumipas,

Dalhin sila sa loob, dalhin sila sa loob,
   Dalhin sila mula sa palayan ng kasalanan;
Dalhin sila sa loob, dalhin sila sa loob,
   Dalhin ang mga nawawala kay Hesus.
(“Dalhin Sila Sa Loob” Isinalin mula sa “Bring Them In”
     ni Alexcenah Thomas, ika-labing siyam na siglo).

Ngunit wala sila sa “loob” kapag pumunta sila sa ilang mga paglilingkod. Wala sila sa “loob” hanggang sila ay na “kay Kristo Hesus” (I Mga Taga Corinto 1:30). Kaya, hindi dapat natin isipin na ang ating layunin ng pag-eebanghelismo ay tapos na kapag ang isang tao ay nagpupunta ng ilang linggo o buwan sa simbahan. Wala sila sa “loob” hangga’t sila ay napag-ugnay kay Kristo sa tunay pagbabagong loob. Dapat tayong magpatuloy na “pilitin […] silang magsipasok” hanggang sa makarinig sila ng sapat na pangangaral na malalaman nila na sila ay nawawala, hanggang sa sila’y mapunta sa ilalim ng pagkatagpong sila’y nagkakasala, at sila’y napag-ugnay kay Kristo sa isang tunay na pagbabagong loob. Dapat tayong magpatuloy na “pilitin […] silang magsipasok” hanggang sa makarinig sila ng sapat na pangangaral upang malaman na sila ay nawawala, hanggang sa sila’y mapunta sa ilalim ng pagkatagpong sila’y nagkasala, at mapag-ugnay kay Kristo sa isang bilaang sandali ng pagtitiwala. Kahit na pagkatapos na sila’y mapagbagong loob dapat tayong kumayod kasama nila at tulungan silang maging matatapang na mga disipolo ni Kristo Hesus.

“Na ituro ninyo sa kanila na kanilang ganapin ang lahat ng mga bagay na iniutos ko sa inyo” (Mateo 28:20).

Hindi ito gawain ng pastor lamang. Sinasabi ng Bibliya,

“At tayo'y mangagtinginan upang tayo'y mangaudyok sa pagiibigan at mabubuting gawa; Na huwag nating pabayaan ang ating pagkakatipon, na gaya ng ugali ng iba, kundi mangagaralan sa isa't isa…” (Hebreo 10:24-25).

At hindi dapat natin kalimutan ang mga mas bagong mga tao kapag nagpupunta na sila sa simbahan ng medyo matagal na. Dapat nating patuloy silang “udyokin [sila] sa pagiibigan mabubuting gawa.” At dapat natin gawin ito ng may Kristiyanong pagmamahal at pasensya.

Sa palagay ko minsan ating binabasa ang Dakilang Komisyon na masyadong mabilis, ng hindi talaga iniisip ang mga salita. Magsi-tayo tayo at basahin itong muli, malakas, mula sa Mateo 28:19-20.

“Dahil dito magsiyaon nga kayo, at gawin ninyong mga alagad ang lahat ng mga bansa, na sila'y inyong bautismuhan sa pangalan ng Ama at ng Anak at ng Espiritu Santo: Na ituro ninyo sa kanila na kanilang ganapin ang lahat ng mga bagay na iniutos ko sa inyo: at narito, ako'y sumasa inyong palagi, hanggang sa katapusan ng sanglibutan. Amen.”

Maari ng magsi-upo. Siguradong sa isang mabuting pagbabasa ng utos ni Kristo kasama sa Dakilang Komisyon ang sinabi ko. Siguradong ang tunay na pag-eebanghelismo ay hindi lang limitado sa mistulang paglabas lamang. Sigurado na kasama nito ang pamimilita sa kanilang “magsipasok” (Lucas 14:23). Siguradong ibigsabihin nito ay mahalin sila at turuan silang mag-ebanghelismo sa sarili nila – sa bawat pagkakataon. Ebanghelismo na hindi nagdadagdag sa lokal na simbahan ay mahirap na masabing sumusunod sa bakas ng Bagong Tipan! Ang biblical na ebanghelismo ay nagdagdag ng mga tao sa lokal na simbahan sa Aklat ng Mga Gawa. Nakikita natin ito patungkol sa simbahan sa Jerusalem.

Nangaparagdag sa kanila nang araw na yaon ang may tatlong libong kaluluwa” (Mga Gawa 2:41).

“At idinaragdag sa kanila ng Panginoon araw-araw yaong nangaliligtas” (Mga Gawa 2:47).

“Pananalo ng mga kaluluwa” na hindi nagdadagdag ng mga tao sa simbahan, gaya ng pagkadagdag nila sa lokal na simbahan sa Jerusalem, ay hindi Bagong Tipang ebanghelismo!

III. Pangatlo, ang simabahang nakasentro sa ebanghelismo
ay nagpupuno ng bahay ng Diyos.

Sinabi ni Hesus,

“Pumaroon ka sa mga daan at sa mga bakuran, at pilitin mo silang magsipasok, upang mapuno ang aking bahay
      (Lucas 14:23).

Kinukuha ko itong nangangahulugang ang lokal na simbahan,

“Na siyang iglesia ng Dios na buhay” (I Timoteo 3:15).

“Upang mapuno ang aking simbahan.” Para sa akin ay walang say-say kung hindi ito tumutukoy sa lokal na simbahan, “Na siyang iglesia ng Dios na buhay” (I Timoteo 3:15).

Oo, alam ko, kung susundin natin ang utos ni Kristo magkakaroon ng maraming mga bagong, hindi naturuan “at mga di-napagbagong loob na mga tao sa mga paglilingkod. Alam ko ito’y magsasanhi ng maraming iba’t-ibang mga problema at paghihirap. Ngunit hindi ba iyan sakta ang ibig sabihin ng pag-eebanghelismo? Sinabu ni Hesus,

“Kung paanong pagkasugo sa akin ng Ama, ay gayon din naman sinusugo ko kayo” (Juan 20:21).

Maraming mga makasariling mga tao sa Amerika ay ayaw magkaroon ng mga anak dahil ang mga bata ay masyadong magulo. Kaya sila’y nakokontentong umuupo sa harapan ng telebisyon hanggang sa sila’y bumagsak at mamatay – mag-isa. Ang pagkakaroon ng mga anak at pagpapalaki sa kanila ay gugulo sa tahimik, makasarili nilang mga buhay. At hindi ba iyan sakto ang dahilan na ilan sa mga tao sa simbahan ay hindi talaga gustong magdala ng mga bagong tao sa kanilang mga simbahan mula sa mundo? “Tayo na’t turuan ang sarili nating mga bata sa simbahan, at huwag dalhin ang kahit sino mula sa labas upang istorbohin tayo,” ang mukhang sinasabi nila. Ngunit ang ugaling iyan ay nanggagaling mula sa pagkabigong sundin ang Dakilang Komisyon ng Panginoon! Sinasabi Niya sa atin,

“Magsiyaon nga kayo, at gawin ninyong mga alagad ang lahat ng mga bansa” (Mateo 28:19).

Paano natin masasabi na tayo ay masunurin kay Kristo kung nakakaligtaan nating gawin ang sinabi Niya?

Ang ating “misyong palayan” ay nasa paligid natin – sa mga kalye, at sa mga kolehiyo, at sa mga mall, at sa mga tindahan. “Lahat ng mga bansa” ay narito – sa mga kampus ng mga pitong kolehiyong nakapaligi sa sentro ng lungsod ng Los Angeles kung saan ang ating simbahan ay matatagpuan. Ang ating pangunahing hepe ay si Hesu-Kristo. Ang Kanyang komisyon ay malinaw,

“Magsiyaon nga kayo, at gawin ninyong mga alagad ang lahat ng mga bansa, na sila'y inyong bautismuhan sa pangalan ng Ama at ng Anak at ng Espiritu Santo” (Mateo 28:19).

“Pumaroon ka sa mga daan at sa mga bakuran, at pilitin mo silang magsipasok, upang mapuno ang aking bahay”
      (Lucas 14:23).

Magebanghelismo! Huwag hayaan ang kahit anong pigilan ka! Itapon ang iyong sarili sa gawain para kay Kristo! “Pilitin mo silang magsipasok, upang mapuno ang […] bahay [ni Kristo]”!

Ang ilan sa inyo na narito ngayong umaga ay hindi pa rin napagbabagong loob. Hindi ko matatapos ang sermon na ito na hindi humihiling sa iyong lumapit kay Hesus. Namatay Siya sa Krus upang magbayad para sa iyong mga kasalanan. Bumangon Siyang pisikal mula sa pagkamatay upang bigyan ka ng walang hanggang buhay. Siya ay buhay sa Langit nananalangin para sa kaligtasan ng iyong kasalanan. Lumapit sa Kanya. Itapon ang iyong sarili para sa Kanya sa pananampalataya. Ang Kanyang Dugo ay lilinis ng bawat kasalanan, at ika’y mag-uumpisa ng isang bagong buhay sa Kanyan, at sa lokal na simbahan na ito. Amen.

(KATAPUSAN NG PANGARAL)
Maari ninyong mabasa ang mga sermon ni Dr. Hymers linggo-linggo sa Internet sa
www.realconversion.com. I-klik ang “Mga Pangaral sa Tagalog.”

Pagbabasa ng Kasulatan Bago ng Pangaral ni Dr. Kreighton L. Chan: Juan 20:19-21.
Kumanta ng Solo Bago ng Pangaral si Gg. Benjamin Kincaid Griffith:
“Dalhin Sila Sa Loob” Isinalin mula sa “Bring Them In” (ni Alexcenah Thomas, ika-labing siyam na siglo).


BALANGKAS NG

SIMBAHANG NAKA-SENTRO SA PAG-EEBANGHELISMO!

ni Dr. R. L. Hymers, Jr.

“Dahil dito magsiyaon nga kayo, at gawin ninyong mga alagad ang lahat ng mga bansa, na sila'y inyong bautismuhan sa pangalan ng Ama at ng Anak at ng Espiritu Santo: Na ituro ninyo sa kanila na kanilang ganapin ang lahat ng mga bagay na iniutos ko sa inyo: at narito, ako'y sumasa inyong palagi, hanggang sa katapusan ng sanglibutan. Amen” (Mateo 28:19-20).

(Lucas 14:23; Marcos 16:15)

I.   Una, sa simbahan nakasentrong ebanghelismo ay nagsisimula sa
pamamagitan ng “pumaparoon,” Lucas 14:23.

II.  Pangalawa, ang simbahang nakasentro sa ebanghelismo ay
nagpapatuloy sa pamamagitan ng pagpasok sa kanila,
I Mga Taga Corinto 1:30; Mga Taga Hebreo 10:24-25;
Mga Gawa 2:41, 47.

III. Pangatlo, ang simabahang nakasentro sa ebanghelismo
ay nagpupuno ng bahay ng Diyos, I Timoteo 3:15; Juan 20:21.