Ang mga pangaral na manuskrito at mga videyo ay ngayon lumalabas sa 1,500,000 na mga kompyupter sa lampas na 221 na mga bansa kada taon sa www.sermonsfortheworld.com . Daan-daang iba ang nanonood ng mga videyo, sa YouTube, ngunit di nagtatagal ay iniiwan ang YouTube at nagpupunta sa aming websayt, dahil bawat pangaral ay nagtuturo sa kanila papalyo mula sa YouTube tungo sa aming websayt. Ang YouTube ay nagdadala ng mga tao sa aming websayt. Ang mga pangaral na manuskrito ay ibinibigay sa 46 na mga wika sa halos 120,000 na mga kompyuter kada buwan. Ang pangaral na manuskrito ay hindi nakarapatang magpalathala, kaya nagagamit ng mga mangangaral ang mga ito na walang pahintulot. Mayroong daan-daang mga videyo ni Dr. Hymers at ng kanyang mga estudyanteng nangangaral. Ang mga manuskrito ay hindi nakarapatang magpalathala, ngunit lahat ng mga videyo nakarapatang magpalathala. Paki-klik ito upang matutunan kung paano ka maaring gumawa ng isang buwan-buwanang donasyon upang tulungan kami sa dakilang gawaing ito ng pagkakalat ng Ebanghelyo sa buong mundo, kasama ang mga Muslim at mga Hindu na mga bansa.
Tuwing nagsusulat kay Dr. Hymers, laging sabihin sa kanya kung anong bansa ka nakatira, o hindi ka niya masasagot. Ang email ni Dr. Hymers’ ay rlhymersjr@sbcglobal.net .
ISANG SERMON SA OKASYON NG A SERMON ON THE OCCASION OF THE HISTORIC ni Dr. R. L. Hymers, Jr. Ipinangaral sa Baptist Tabernacle ng Los Angeles “Una-una nga sa lahat ng mga bagay, ay iniaaral ko na manaing, manalangin, mamagitan, at magpasalamat na patungkol sa lahat ng mga tao; Ang mga hari at ang lahat ng nangasa mataas na kalagayan; upang tayo’y mangabuhay na tahimik at payapa sa buong kabanalan at kahusayan. Ito’y mabuti at nakalulugod sa paningin ng Dios na ating Tagapagligtas” (I Timoteo 2:1-3). |
Nakita lang natin ang isang narekord na inagurasyong seremonya ng ating ika-apat-na-pung Presidente, Barack Hussein Obama. Karamihan sa inyo’y nakita na ang mga bahagi ng kaganapang ito, ngunit gusto kong makita ninyo ang buong seremonya.
Inalis ko ang inagural na talumpati, na ibinigay pagkatapos ng kanyang panunumpa, dahil nadama kong masayado nitong pinupuna si George W. Bush, na sa tinggin ko ay gumawa ng mas mabuting trabaho bilang Presidente kay sa sa inihahayag ng mediya sa kanya. Napanatili niyang ligtas ang Amerika sa loob ng kanyang dalawang termino sa katungkulan. Wala ni isang teroristang pagsalakay ang naganap sa lupain ng Amerika simula 9/11, hindi maliit na katuparan sa mga delikadong panahong ito.
Sa palagay ko si Claire Booth Luce ang nagsabi kay Nixon, “Lahat ng Presidente ay natatandaan sa ng isang pangungusap. Ang sa iyo ay, ‘Binuksan niya ang Tsina.’” Sa palagay ko darating ang panahon na ito’y magiging totoo. Ang pangungusap ni Presidente Reagan ay, “Pinabagsak niya ang Unyong Sobyet.” Naniniwala akong ang pangungusap ni George W. Bush ay, “Napanatili niyang ligtas ang Amerika.” Iyan ay isang pamana na kahit sinong Presidente ay makakapagmalaki.
Ano ang nag-iisang pangungusap na pinaka maiging makapaglalarawan sa termino ni Obama? Masyadong maaga pa upang masabi, ngunit may nagawa na siyang nakamamanghang bagay sa simpleng pagiging ang unang Aprikanong-Amerikanong Presidente. Ako ay natutuwa dahil dito. Ang pangarap ni Abraham Lincoln, na muling pinaalala ni Dr. King, ay naging katotohanan sa sandaling si Barack Obama ay naging Presidente. Milyon-milyong mga tao ay nabigyan ng bagong dahilan upang makadama ng pagkamakabayan. Inihayag nila ang kanilang mga sarili ng may mga luha at hiyaw ng ligaya. Ako rin ay nakadama ng pag-agos ng pagmamalaki noong inilagay niya ang kanyang kamay sa Bibliya ni Lincoln at inulit ang panunumpa ng katungkulan. Pinatugtog nila ang “Papuri sa Hepe” [“Hail to the Chief”] sa katapusan ng kanyang panunumpa. Ako’y naiyak at nanalangin, “Pagpalain ng Diyos ang Amerika, at Pagpalain ng Diyos si Presidente Obama.”
Ako’y nagmamalaki rin, na ang Amerika, sa kasamaan ng marami nitong pagkakamali, ay ang pinaka-unang bansa sa Kanlurang mundo na maghalal ng isang itim na tao sa pinaka-mataas na katungkulan – hindi sa Inglatera, hindi sa Pransya, hindi sa Alemanya, hindi sa Espana, pati Canada o Australia. Tayo, mga tao ng Amerika, karamihan sa atin mga puti, ang naunang nagsabi sa buong mundo, Oo, naniniwal kaming “lahat ng tao ay nilikhang pantay.” Ang mga salita na nagmula sa Deklarasyon ng Kalayaan ay kumuha ng bagong kahulugan sa araw na mga ordinaryong taong tulad natin ay nagbukas ng ating pinto at inalalayan siya sa ating mga buhay at sa ating mga puso.
Ito’y isang makasaysayang araw dahil siya ay ang pinakaunang itim na naging Presidente, ngunit dahil, sa siya nga ang unang itim na naging Presidente, nagbigay siya ng pag-asa sa bawat bata ng bawat grupong minoridad – na sila rin, kahit na nanggaling sila sa uri ng marahas na pinanggalingan na tulad niya, ay kaya nilang tumingala, na nalalamang kaya nilang habulin ang kahit anong pangarap kung, tulad niya, ay magkaroon sila ng isang pananaw na makamit ito, at magkaroon ng pagnanais na magsikap ng sapat upang matupad ang pangarap na iyon. Kung wala na siya ibang magagawa, ang insipirasyon na naibigay niya sa kabataan ng Amerika ay magiging isang maiging pamana, na nararapat sa kahit sinong Presidente.
Gayon man, hindi ko siya binoto. May ibang mga dahilan na nadama ko na hindi ko siya magawang iboto, ngunit ang nag-iisa, na ako, at milyon-milyong mga tulad ko, ay nakadamang masmahalaga kay sa sa iba ay ang kanyang page-endorso ng paglalaglag ng maramihan – isang tinatawag na “karapatan ng kababihang piliing” patayin ang isang sanggol. Iyan, at higit sa lahat, ang pumigil sa akin mula sa pagboboto sa kanya.
Limam-pung milyong mga Amerikanong bata ang namatay – hindi ginusto, hindi minahal, at hindi prinotektahan – sa ating lupa. Apat sa bawat pitong itim na mga sanggol ay namamatay sa ganitong paraan – hinahatak mula sa mga sinapupunan ng kanilang mga ina, ipinagkakaitan ng masamang korte ng proteksyon na inaalay ng Deklarasyon ng Kalayaan – “Ang karapatan sa buhay, kalayaan, at ang paghahanap ng kaligayahan.”
Pagkatapos kong mapanood ang higit sa miliyong mga tao sa telebisyon humahaba mula sa simboryo ng Kapitol hanggang sa Memoriyal ni Lincoln, isang diakono ng ating simbahan ang nagsabi sa akin, “Ganyan karami ang namamatay bawat taon sa paglalaglag ng maramihan.” Limampu’t limang beses ng milyong iyan ang pinagkaitan ng karaniwang karapatan, “sa buhay, kalayaan, at paghahanap ng kaligayahan,” kasama pati ang apat sa bawat pitong itim na sanggol na nabubuo sa lupain ng Amerika. At ano ang gagawin ni Barack Obama upang patigilin ang pagpatay ng sarili niyang buong angkan? Sinabi niya ngayon na wala siyang gagawin upang tapusin ang pagpatay at pagpapahirap. Sa opisiyal na salaysay sa kanyang websayt, sinabi ni Presidente Obama,
Siya’y naging mawiling kampiyon ng pamimili sa paggawa ng tao at gagawin ang pag-iingat ng mga karapatan ng mga kababaihang [patayin ang kanilang mga sanggol] sa ilalim ng Roe v. Wade na isang importanteng bagay sa kanyang Administrasyon. Laban siya sa kahit anong konsitusyonal na pagbabago upang mataob ang desisyon ng Korte Suprema sa kalagayang iyon. (Isinalin mula sa websayt na ito:
http://www.whitehouse.gov/agenda/women/)
Iyan ang kanyang opisyal na salaysay, na ibinigay sa bansa sa kanyang websayt. Iniulat rin ng Associated Press na “binanatan…ni Presidente Obama ang pagbabawal ng Administrasyon ni Bush sa pagbibigay ng perang pederal sa mga grupong internasyonal na nagsasagawa ng paglalaglag” (Isinalin mula sa isinulat ni Matthew Lee at Liz Sidoti, ng The Associated Press, ika-24 ng Enero taon 2009). At hindi ako makaboboto o makasosoporta sa kahit sinong tao na ginagawang “importante sa kanyang Administrasyon,” ang pagpapatay sa 4 sa bawat 7 itim na mga sanggol, at milyon-milyong iba pa. Hindi ngayon! Hindi kailan man!
Oo, dapat tayong magdasal para sa Presidente. Tayo ay sinabihan sa I Timoteo 2:1-3. Si Nero ang Emperor noong isinulat ni Apostol Pablo ang mga salitang iyon ng banal na Kasulatan. Si Nero ay mas higit na mas masama kay sa sa pagtatatak kay Presidente Obama ng kanyang mga pinaka mapusok na mga kalaban. Dapat nating sundin ang mga salitang iyon ng Kasulatan at magdasal para sa kanyang kaligtasan at karunungan at katapangan sa Digmaan tungo sa Terorismo. Dapat rin tayong magdasal na hindi siya malilito o maloloko pagdating sa Israel, kundi na magkaroon siya ng pananaw upang protektahan ang kaisa-isang kakampi natin sa Gitnang Silangan.
Dapat rin tayong magdasal na hindi niya ibaba ang kanyang pagbabantay o pahinahin ang kanyang solusyon upang hanapin ang mga Muslim na terorista saan man sila nagtatago, at patigilin sila. Naway bigyan siya ng Diyos ng tapang at karunungang gawin ito. Magdasal tayo.
O Diyos, nananalangin kami na Inyong protektahan at pag-igihin ang aming bagong Presidente. Bigyan ninyo siya ng kakayahang malaman ang kaya niyang magawa at dapat niyang baguhin, ang kakayahan na malaman ang hindi niya mababago, at ang karunungang malaman ang pagkakaiba ng mga ito. Pigilan Ninyo siya mula sa pamimili ng isa na namang pursigidong sang-ayon sa paglalaglag sa Korte Suprema. Protektahan siya at kanyang pamilya mula sa pagkakapatay at mula sa lahat ng perhuwisyo. Pagpalain siya at, sa kasamaan ng lahat ng kanyang pagkakamali at kasalanan, Diyos pagpalain Ninyo ang Amerika. Sa ngalan ni Hesus. Amen.
(KATAPUSAN NG PANGARAL)
Maari ninyong mabasa ang mga sermon ni Dr. Hymers linggo-linggo sa Internet sa
www.realconversion.com. I-klik ang “Mga Pangaral sa Tagalog.”