Print Sermon

Ang mga pangaral na manuskrito at mga videyo ay ngayon lumalabas sa 1,500,000 na mga kompyupter sa lampas na 221 na mga bansa kada taon sa www.sermonsfortheworld.com . Daan-daang iba ang nanonood ng mga videyo, sa YouTube, ngunit di nagtatagal ay iniiwan ang YouTube at nagpupunta sa aming websayt, dahil bawat pangaral ay nagtuturo sa kanila papalyo mula sa YouTube tungo sa aming websayt. Ang YouTube ay nagdadala ng mga tao sa aming websayt. Ang mga pangaral na manuskrito ay ibinibigay sa 46 na mga wika sa halos 120,000 na mga kompyuter kada buwan. Ang pangaral na manuskrito ay hindi nakarapatang magpalathala, kaya nagagamit ng mga mangangaral ang mga ito na walang pahintulot. Mayroong daan-daang mga videyo ni Dr. Hymers at ng kanyang mga estudyanteng nangangaral. Ang mga manuskrito ay hindi nakarapatang magpalathala, ngunit lahat ng mga videyo nakarapatang magpalathala. Paki-klik ito upang matutunan kung paano ka maaring gumawa ng isang buwan-buwanang donasyon upang tulungan kami sa dakilang gawaing ito ng pagkakalat ng Ebanghelyo sa buong mundo, kasama ang mga Muslim at mga Hindu na mga bansa.

Tuwing nagsusulat kay Dr. Hymers, laging sabihin sa kanya kung anong bansa ka nakatira, o hindi ka niya masasagot. Ang email ni Dr. Hymers’ ay rlhymersjr@sbcglobal.net .




ANG ORIHINAL NA KASALANAN – HINANGO MULA SA
PANGARAL NI REV. JOHN WESLEY, M.A.

ORIGINAL SIN – ADAPTED FROM A SERMON
BY THE REV. JOHN WESLEY, M.A.

ni Dr. R. L. Hymers, Jr.

Isang pangaral na ipinangaral sa Baptist Tabernacle ng Los Angeles
Gabi sa Araw ng Panginoon ika- 11 ng Enero taon 2009


Mataas ang pagtinggin ko kay John Wesley. Kasama ni George Whitefield siya’y isa sa pinaka magaling na mangangaral ng ika-labing walong siglo. Siya at si George Whitefield ay ginamit ng Diyos upang mag-alab ang mundo sa kanilang pangangaral. Napaka tindi ng kanilang muling pagbabangon na sumiklab sa loob ng paglilingkod ng mga kalalakihang ito na ngayon ay tinatawag na natin itong “Ang Unang Matinding Paggigising.” Hindi ako magpapatuloy sa mga detalye patungkol sa mga kaganapang ito na naganap sa loob ng kakaibang panahon ito ng kasaysayan. Sapat ng sabihin na ibinaliktad nina Whitefield at Wesley ang mundo. Si Whitefield ay naniniwala sa Calvinismo. Si Wesley ay naniniwala sa Arminianismo. Ngunit parehong lalake ay nangaral sa pangangailangan ng pagbabagong loob, at libo-libo ay naligtas sa ilalim ng kanilang paglilingkod. Noong namatay si Whitefield natuklasan na hiniling niya na ipangaral ni John Wesley sa kanyang sermon sa kanyang libing, na kanyang ginawa, na nagbibigay na malalakas na pag-pupuri sa ebanghelista.

Hindi pa ako nakabasa ng kahit anong mas malinaw pa tungkol sa lubusang kasamaan kay sa sa sermong ito. At ang doktrinang ito ay kailangang madiing muli ng paulit-ulit sa ating mga pulpito sa panahong ito. Gayon man, natatakot ako na maraming mga mangangaral ngayon ay magsasara ng kanilang mga pinto kay Wesley kung iisipin nila na ipangangaral nila ang sermon na ito sa kanilang mga simbahan. Iyan ang nangyari sa Inglatera noong ika-18 na siglo. Muli’t muli, itinala ni Wesley sa kanyang talaan, “Hindi na dapat ako mangaral doon,” dahil ang mga pastor ay masayadong matatakutin upang hayaan ang kanyang mga mensaheng maibigay. At tinatanong ko ang mga pastor na nagbabasa ng mga sermon na ito sa Internet, “Papaano ang inyong mga simbahan? Mai-papangaral ba ni Wesley ang kanyang sermon diyan?” Dapat tandaan na mga sermon tulad nito ay ginamit ng Diyos upang gisingin ang mga pinaka matitinding muling pagbabangon mula noong Repormasyon, o Pentekost mismo!

Ngayo’y ibibigay ko sa inyo ang makabagong wikang bersyon ng “Orihinal na Kasalanan,” ni Rev. John Wesley, M.A., sa Oxford:

“At nakita ng Panginoon na mabigat ang kasamaan ng tao sa lupa, at ang buong haka ng mga pagiisip ng kaniyang puso ay pawang masama lamang na parati” (Genesis 6:5).

Ang paglalarawan ng sanglibutang ito ay mas malayong naiiba mula sa mataas na pananaw ng lahi ng tao na pinanghahawakan ng mga tao sa loob ng maraming panahon. Maraming mga lumang manunulat ay nagbigay ng mabubuting paglalarawan ng karangalan ng lahi ng tao. Ilan sa kanila ay nagsalita tungkol sa mga tao bilang nagkakaroon ng kaligayahan at mabuting kalidad sa loob niya, o kahit sa kanyang kapangyarihan lang. Sinabi nila na magagawa ng taong mabuhay sa sarili niyang kapangyarihan, at na ang tao ay mas mababa lang ng kaunti kay sa sa Diyos Mismo.

Ang mga hindi ebreong mga pilisopong ito ay hindi nag-iisa. Maraming mga tinatawag na Kristiyanong mga mangangaral ay nagsalitang malakas tungkol sa kabutihan ng tao, na para bang ang sangkatauhan ay inosente at perpekto. Ang mga sermon na tulad nito ay napaka karaniwan sa siglong ito [ang ika-18 siglo], at siguro wala sa kahit anong bahagi ng mundo kay sa sa sarili nating bansang Inglatera. Maraming mga mangangaral dito na ginawa ang lahat ng kanilang makakaya upang ipakita ang tinawag nilang, “ang mabuting bahagi ng sangkatauhan.” Kung tama sila, gayon ang tao pa rin ay “mas mababa ng kaunti sa mga anghel,” o, gaya ng literal na inihahayag ng mga salita, “mas kaunti ng kaunti kay sa sa Diyos.”

Hindi ba nakakapagtaka na ang mga sermon na ito ay sabik na tinatanggap ng karamihang tao? Dahil sino bang hindi madaling nakukumbinsing isipin na siya ay mabuti? Bilang resulta, ang mga mangangaral at manunulat na tulad nito ay malawakang hinahangaan, at pinapalakpakan. Napaka-raming naniniwala sa kanilang mga mensahe ng “positibong pag-iisip” tungkol sa tao, at “pag-iisip ng posibilidad,” bilang isang “positibong” mensahe tungkol sa sangkatauhan na ngayon ay walang-wala na sa uso na magsabi ng kahit anong masama tungkol sa katutubo ng tao [sulat ni Dr. Hymers: Ang mga kaisipan ni Gg. Wesley ay tiyak na makahulugan sa ating panahon!]. Ang tao na ngayon ay nakikitang kakaunti lang ang kahinaan, ngunit sa kabuuan ay pinaniniwalaang napaka-inosente, at madunong, at puno ng kabutihan [Ganito magpapangaral si Joel Osteen sa telebisyon bawat Linggo. Gayon din ang maraming iba].

Ngunit, sa kasalukuyan, ano ang gagawin natin sa ating mga Bibliya? Ang Bibliya ay hindi kailan man sumasangayon dito! Ang mga sermong ito at mga aklat ay lubusang hindi mapagsasama sa mga Kasulatan! Hindi sila ang mga itinuturo ng Bibliya tungkol sa tao. Sinasabi ng Kasulatan, “sa pamamagitan ng isa ang di-pagsunod ng tao [lahat ng tao] ay [tumatayong] mga makasalanan,” at na “kay Adan ang lahat ay namatay,” namatay ng espiritwal, nawala ang kanilang buhay at ang imahen ng Diyos; na bumagsak, gayon ang makasalanang si Adan “ay nagka-anak sa sarili niyang kagustuhan,” dahil hindi posible na magka-anak siya sa ibang uri! Dahil “sinong makapagdadala ng malinis mula sa isang di-malinis?” Bilang resulta, lahat ng tao ay likas na “patay mga pagsasaway at kasalanan,” “walang pag-asa, na wala ang Diyos sa mundo,” at kung gayon “mga anak ng kagalitan,” upang masabi ng lahat, “ako’y nabuo sa kasamaan, at sa kasalanan ako binuo ng aking ina.” Lahat tayo ngayon ay makapagsasabing, “walang pagkakaiba,” na “lahat ay nagkasala at nagkulang sa luwalhati ng Diyos,” noong maluwalhating imahen ng Diyos na ang tao ay orihinal na nabuo. Iyan ang dahilan na noong, “ang Panginoon ay tumingin mula sa langit sa anak ng tao, nakita niya na lahat sila’y nawala sa landas; lahat sila ay naging kasuklamsuklam, walang banal, wala, walang isa.” Sinasabi ng bersong ito na wala talagang tunay na naghahanap sa Diyos.

Ito ang dahilan na sinasabi ng ating teksto,

“At nakita ng Panginoon na mabigat ang kasamaan ng tao sa lupa, at ang buong haka ng mga pagiisip ng kaniyang puso ay pawang masama lamang na parati” (Genesis 6:5).

Ito ang paraan na nakikita ng Diyos ang sangkatauhan. At magpapakita ako ng tatlong mga bagay: Una, papano ang sangkatauhan bago ng Baha; pangalawa, upang tanungin kung parehas sila ngayon; at pangatlo, upang magdagdag ng ilang mungkahi, ilang pagkuro, mula sa ating obserbasyon.

I. Una, ipapakita ko kung paano ang sangkatauhan bago ng Baha.

Ating lubusang mapagkakatiwalaan ang sinabi ng Diyos tungkol sa sangkatauhan,

“At nakita ng Panginoon na mabigat ang kasamaan ng tao sa lupa, at ang buong haka ng mga pagiisip ng kaniyang puso ay pawang masama lamang na parati” (Genesis 6:5).

Nakita ng Diyos “na mabigat ang kasamaan ng tao sa lupa.” Hindi ito kung sinong tao lamang. Hindi ito ilang mga tao lamang. Hindi karamihan ng mga taong masasama. Ito’y ang sangkatauhan sa kabuuan. Nakita ng Diyos na ang tao ay sa kabuuan masama. Lahat ay masama! Isinasama ng Genesis 6:5 ang buong lahi ng tao! Milyon-milyon sa kanila – at lahat sila ay masama! Si Noe lamang, sa gitna ng malaking bilang ng tao, nag-iisang si “Noe ay nakasumpong ng biyaya sa mga mata ng Panginoon” (Genesis 6:8). Si Noah lamang, at tapos ang kanyang pamilya, ang namumukod sa kasamaan ng sangsinukob, na maikling panahon ang lumipas ay nagdala ng sangsinukob na pagkasira. Silang mag-isa ay naligtas sa pamamagitan ng biyaya. Lahat ng iba ay natagpuang nagsala at pinarusahan dahil sa kanilang mga kasalanan.

At “Nakita ng Panginoon…ang buong haka ng mga pagiisip ng kaniyang [ng tao] puso ay pawang masama lamang na parati” (Genesis 6:5). “Ang buong haka ng mga pagiisip ng kaniyang puso…” Hindi posibleng makahanap ng mga salita na may mas matinding kahalagahaan. Ang mga salitang iyan ay nagsasama ng bawat, pagkalinga, bawat damdamin, bawat pagnanasa, bawat motibo, bawat pag-iisip. Lahat ng tungkol sa sangkatauhan “ay masama lamang parati.”

Nakita ng Diyos na lahat ng sangkatauhan ay masama, laban sa kalikasan ng Diyos. Nakita ng DIyos na lahat ng sangkatauhan ay laban sa Kanya! Ang mga puso ng lahat ng tao ay laban sa Diyos!

Ngunit hindi ba mayroong ilang mabuting nakahalo sa kasamaan? Wala, walang talaga. Sinasabi ng teksto na ang puso ng sangkatauhan “ay masama lamang parati.” Hindi natin maitatanggi na ang Banal na Espiritu ay nakikipagpunyagi sa tao (kinuha mula sa Genesis 6:3). Sa loob ng 120 taon, habang ang arko ay itinatayo, ang Banal na Espiritu ay nakipagpunyagi sa mga taong mag-sisi. Ngunit kanilang nilababanan ang lahat ng mabuting kaisipan na inilalagay ng Espiritu ng sa kanilang mga puso. Itinanggi nila ang gawain ng Banal na Espiritu at nagpatuloy sa kanilang makasalanang kalagayan.

Ngunit, kung matanong namin, “Wala bang pahinga ang kasamaang ito? Wala bang panahon na mayroong kabutihang nahanap sa puso ng iso?” Wala, wala tayong dahilan upang paniwalaan na mayroong isang panahon na ang kanilang mga puso ay mabuti. Dahil nakita ng Diyos na “ang buong haka ng mga pagiisip ng kaniyang [ng tao] puso ay pawang masama lamang na parati,” bawat taon, bawat araw, bawat oras, bawat sandali. Ang tao ay hindi kailan man mabuti. Hindi siya kailan man lumayo mula sa kasamaan.

II. Pangalawa, itatanong ko kung ang tao ba ay parehas ngayon.

Ito ang tiyak: ang Ksasulatan ay hindi nagbibigay ng dahilan upang mag-isip na ang sangkatauhan ay naiiba na ngayon. Ilang libong taon na ang lumipas na sinabi ng Diyos kay David, “Silang lahat ay nagsihiwalay; sila'y magkakasama na naging kahalayhalay; walang gumagawa ng mabuti, wala, wala kahit isa” (Mga Awit 14:3). At lahat ng mga propeta ay nagsasabi ng parehong bagay, mula sa isang henerasyon tungo sa isa pa. Sinabi ni Isaias, “Ang buong ulo ay masakit, at ang buong puso ay nanglulupaypay. Mula sa talampakan ng paa hanggang sa ulo ay walang kagalingan; kundi mga sugat, at mga pasa, at nangagnananang sugat” (Isaias 1:5-6). Parehong pananaw ng sangkatauhan ay ibinigay sa lahat ng mga Apostol sa Bagong Tipan. Halimbawa, isinulat ng Apostol na si Pablo, “Ating kapuwa isinasakdal na muna ang mga Judio at ang mga Griego, na silang lahat ay nangasa ilalim ng kasalanan; Gaya ng nasusulat, Walang matuwid, wala, wala kahit isa” (Mga Taga Roma 3:9-10). Parehong mula sa Luma at Bagong Tipan natutunan natin na ang tao ay nasa isang di-napagbagong loob na kalagayan ay kasing ligaw at sira ngayon gaya niya noong mga araw bago ng Baha. “Ang buong haka ng mga pagiisip ng kaniyang puso ay pawang masama lamang na parati” (Genesis 6:5).

Ang mababang pananaw ng sangkatauhan ay napatunayan ng pang-araw-araw na karanasan. Totoo na ang mga di-napagbagong loob ng mga tao’y di nakikita ito sa ganitong paraan. Hindi ito nakagugulat. Ang taong naipanganak na bulag ay parating magiging bulag! Siya ay magiging di-nakapapansin ng kanyang pagkabulag dahil siya ay nasanay sa pagiging bulag. Sa parehong paraan, ang isang taong di-napagbabagong loob ay parating epspiritwal na bulag, at, kaya, ay sanay na sa pagiging bulag, at hindi nakikita ang pangangailangan na maging kahit ano man. Ngunit kapag binuksan ng Diyos ang espiritwal na mga mata ng isang nawawalang tao, siya makukumbinsi na ang bawat taong nabubuhay, lalo na ang kanyang sarili, ay lahat-lahat masama at nawawala. Kapag ikaw ay magigising, makikita mo na lahat, pati ang iyong sarili, ay puno ng pagkawalang alam, kasalanan, at kasamaan.

Kapag binuksan ng Diyos ang iyong mga mata makikita mo na ika’y naging “walang Dios sa sanglibutan” literal na ibig sabihin “may panananalig na walang Diyos sa mundo.” Ngunit ang iyong pinaka likas, walang kang kaalaman ng Diyos, pakikipagkaibigan sa Kanya. Totoo na maari kang maniwala na walang Diyos, ngunit ang realidad ng Diyos ay isa lamang teoriya sa iyo bago ka napag-bagong loob – gaya ng maari mong paniwalaan na mayroong isang Pangulo ng isang Komunistang Partido sa Tsina, kahit na hindi mo siya kailan man nakita [Tinukoy ni Gg. Wesley ang Emperor ng Tsina, na ang pinakahuli ay pinatalsik noong taon 1911]. Kaya, sa parehong paraan, alam mo na ang Diyos ay nabubuhay, ngunit hindi mo Siya kilalang personal. Hindi mo makikila ang Diyos ng personal na hindi napapagbagong loob. Gaya ng sinasabi sa ating ng Bibliya, “Sinoma'y hindi nakakakilala sa Anak kundi ang Ama; at sinoma'y hindi nakakakilala sa Ama, kundi ang Anak, at yaong ibiging pagpahayagan ng Anak” (Mateo 11:27).

Nakabasa tayo ng isang matandang hari na gustong malaman kung ano ang natural na wika ng tao. Bilang isang eksperimento, nag-utos siya ng dalawang sanggol, agad-agad pagkatapos nilang maipanganak, upang madala sa isang nakahiwalay na lugar at ipinalaki na hindi nakaririnig ng boses ng tao. Ano ang naging resulta? Bakit, na noong sila ay inilabas mula sa kanilang pagkakulong, hindi sila nagsalita ng kahit ano mang wika; lumikha lamang sila ng mga tunog, tulag ng mga hayop.

Kung dalawang sanggol ay ipinalaki na tulad noon na walang kahit anong pagtuturo tungkol sa relihiyon ang resulta ay pareho pa rin. Wala silang relihiyon na ano man. Hindi sila magkakaroon ng higit na kaalaman ng Diyos kay sa isang hayop mula sa gubat. Ang ganoon ay isang natural na relihiyon, nakahiwalay mula sa impluwensiya ng Espiritu ng Diyos!

Kung wala tayong kaalaman ng Diyos, hindi tayo maaring magkaroong ng pagmamahal para sa Diyos. Hindi tayo maaring magmahal ng isang taong hindi natin kilala. Karamihan sa mga tao ay nag-uusap tungkol sa pagmamahal sa Diyos, at maaring iniisip nila na mahal nga nila ang Siya. Ngunit ang katotohanan ay masyadong simple para itanggi: Walang natural na nagmamahal sa Diyos, ng hindi mas higit sa pagmamahal niya sa isang bato o lupang nilalakaran niya. Anong mahal natin ikinaliligaya natin. Ngunit walang mayroong natural na pagmamahal sa Diyos. Sa isang di-napagbabagong loob na kalagayan hindi mo pati maintindihan kung paano ang kahit sino’y ikaliligaya ang Diyos. Hindi mo Siya gusto anong mang paraan. Hindi mo nga Siya masyadong iniisip kailan man. Ang magmahal sa Diyos! Iyan ay malayong mataas wala sa ating paningin. Hindi mo maaabot ang lugar ng pagmamahal sa Diyos.

Dag-dag pa rito, ang isang di-napagbagong loob na mga tao ay walang takot sa Diyos. Aaminin ko na ilang mga tao ay nagkakaroon ng isang katuturang pamahiing takot. Ngunit kahit iyan ay natututunan, sa pamamagitan ng pagbabagong loob o halimbawa. Likas na “Ang Diyos ay wala sa ating pag-iisip.” Ang mga di-nagpagbagong loob na mga tao ay walang mas higit na takot sa Diyos kay sa pagmamahal sa Diyos. Hindi lang nila iniisip ang Diyos sa kalakhang bahagi ng oras. At kung iniisip nga nila Siya, Siya’y napaka-malabo at mukhang di-tunay, at malayo sa kanila.

Gayon lahat ng tao’y tunay na mga “nananalaig na walang Diyos sa munso,” walang Diyos sa mundo. Sa isang di-napagbagong loob na kalagayan, ang lahat ay walang dinodiyos. Likas na ika’y sumasamba sa isang di-tunay na diyos. Imbes ay sinasamba mo ang iyong sarili. Iyan ang dahilan na nakakaligtaan mong madalas ang magpunta sa simbahan tuwing Linggo. Sinasamba at pinaglilingkuran mo ang iyong sarili imbes na ang Diyos – tulad ng kahit sinong di-ebreyong sumasamba sa isang di-tunay na diyos.

Lahat ng kahambugan ay pagsasamba sa isang di-tunay na diyos. Ito’y pag-iisip ng mas mataas sa inyong sarili kay sa sa Diyos. Dahil sa iyong kahambugan sinasabi mong, “Hindi iyan ang iniisip ko. Hindi iyang ang pinaniniwalaan ko.” Ano ito? Ito’y kahambugan.

Ang kahambugan ay hindi lamang ang nag-iisang uri ng pananamba sa di-tunay na diyos na ika’y natapuang nagkasala. Tulad ni Lusiper, sinasabi mo, “Gagawin ko ang gusto kong gawin.” Gagawin mo kung anong makapagpapasaya sa sarili mo. Kung may magtatanong sa iyo kung bakit mo ginawa ang isang bagay, sasabihin mo, “Dahil ginusto kong gawin ito.” Wala kang pag-iisip ng kahit ano man na gusto ng Diyos! Ang sariling-kagustuhan mo ay kasing sama ni Lusiper.

Tapos, mahal mo ang mundong ito at ang mga bagay dito. Nagdududa ako na mas mabuti ka kay sa sa isang kambing. Hindi, sa tinggin ko mas mabuti pa ang kambing kay sa sa iyo! Ang mga maruruming mga bagay na naiisip mo bawat oras ay nagpapakita nag iyong imahinasyon ay sira. Ang iyong pagnanasa para sa mga maruruming mga bagay ay nagpapatuloy, at lumalakas araw araw. “Ang buong haka ng mga pagiisip ng kaniyang puso ay pawang masama lamang na parati” (Genesis 6:5).

Isang pangatlong simptomas ng nakamamatay na sakit ay ang “kahambugan ng buhay,” ang pagnanasang mahangaan at “matanggap” ng ibang mga tao. Kahit maraming mga mangangaral ay nag-iisip na tamang hanapin ang pagsang-ayon ng mga tao. Napapaisip ka nito kung ang mga taong mga ito ay nakarinig ng tungkol kay Kristo o mga Apostol. Napapisip ka nito kung narinig nila minsan ang mga salita ni Kristo, “Paanong kayo’y makapananampalataya, kayong nangagtatanggapan sa isa’t isa ng kaluwalhatian at hindi ninyo pinaghahanap ang kaluwalhatiang nanggagaling sa tanging Dios?” (Juan 5:44). Kung ito’y totoo, kung imposibleng maniwala hangga’t hinahanap natin ang respeto mula sa isa’t isa, at hindi hinahanap ang respeto mula sa Diyos, gayon isipin ang teribleng kalagayan ng natirang sangkatauhan! Ang taong mas naguguluhan sa kung anong iisipin ng mga ligaw na mga kaibigan o kamag-anak kay sa sa kung anong iniisip ng Diyos ay naghahanap ng pagsang-ayon ng tao kay san g Diyos. Sinabi ni Kristo, “Paanong kayo’y makapananampalataya, kayong nangagtatanggapan sa isa’t isa ng kaluwalhatian at hindi ninyo pinaghahanap ang kaluwalhatiang nanggagaling sa tanging Dios?” Dahil gusto ng lahat na matanggap ng iba, kay sa ng Diyos, ipinapakita nito ang teribleng kalagayan ng sangkatauhan.

“At nakita ng Panginoon na mabigat ang kasamaan ng tao sa lupa, at ang buong haka ng mga pagiisip ng kaniyang puso ay pawang masama lamang na parati” (Genesis 6:5).

III. Pangatlo, kukuha ako ng ilang implikasyon mula sa
kung ano ng na sinabi.

Una, nakikita natin ang malaking pagkakaiba sa pagitan ng Kristiyanismo sa Bibliya at iba pang mga relihiyon. Ang mga matatandang di-mga ebreyong pilosopo ay nagsalita ng tungkol sa mga partikular na mga kasalanan, tulad ng kasakiman, kalupitan, luho o pag-aaksaya.” Ang ilan pa nga’y naglakas loob na sabihin “walang tao ang ipinanganak na walang boses na iisang uri o iba pa.” Ngunit wala sa kanila ang nakakita ng realidad ng katotohanan na lahat ng sangkatauhan ay lubusang masama, at puno ng lahat ng uri ng kasamaan. Kung gayon, ang unang matinding pagkakaiba sa pagitan ng tunay na Kristiyanismo at lahat ng ibang mga relihiyon ay ang lubusang pagkasira at kasamaan ng tao. Ang kaisipan na ang tao’y mayroong isang ang likas na masamang katauhan ay bukod-tangi sa Kristiyanismo sa Bibliya. Ang Bibliya lamang ang nagtuturo na ang “ang buong haka ng mga pagiisip ng [tao] kaniyang puso ay pawang masama lamang na parati.”

Pangalawa, lahat ng nagkakait ng orihinal na kasalanan at mga ligaw na tao. Sila pa rin ay mga di-kristiyano. Tanong ko, naniniwala ka ba na ang sankatauhan ay masama likas? Ang mga tao ba ay lubusang bumagsak at sira? O, sa pagbalik sa teksto ay “ang buong haka ng mga pagiisip ng kaniyang puso ay pawang masama lamang na parati”? Kung sumasang-ayon ka, sumasang-ayon ka sa Kristiyanismo. Kung ikinakait mo ito, ika’y naliligaw na tao. Kung tinatanggi mo ang pagtuturong ito hindi ka isang Kristiyano, ano man ang sabihin mo, ikaw pa rin ay di-krisitiyano.

Pangatlo, maari nating matutunan mula sa lubos ng kasamaan (orihinal na kasalanan) kung ano ang tunay na relihiyon ni Kristo ay patungkol. Ito’y therapeia psuches, ang paraan ng Diyos ng pagpapagaling ng kaluluwa, na sinisira ng likas na kasalanan. Sa therapeia psuches si Hesu-Kristo, ang dakilang manggagamot ng mga kaluluwa ay naglalagay ng gamot upang mapagaling ang nakamamatay na sakit, upang maayos ang katauhang likas, ang lubusang kasamaan sa lahat ng bahagi nito. Ginagamot ni Kristo ang ating panananalig na walang Diyos sa kaalaman sa Kanyang Sarili sa pamimigay sa atin ng pananampalataya, isang banal na ebidensya ng tunay na Diyos, at mga bagay ng Diyos. Tumutukoy sa katotohanang ito, sinabi nito, “Minahal ako ni Kristo, at ibinigay niya ang kanyang sarili para sa akin.” Sa pamamagitan ng pagsisisi at kababaan ng loob ng puso, ang nakamamatay na sakit ng kahambugan ay napagagaling. Ang sarili-determinasyon ay napagagaling sa pamamagitan ng pagsuko kay Kristo na may isang napakumbaba at nagpapasalamat na pagsuko sa Kanyang kagustuhan. Para sa pagmamahal ng mundo, isang bagong pagmamahal para sa Diyos ay ang kataastaasang gamot. Binabago ng pagbabagong loob ang buong panloob at panlabas na tao upang sumang-ayon sa Diyos, at sa Salita ng Diyos. Bakit kinailangan ni Kristong mamatay sa Krus kung ang tao ay hindi ligaw sa kasamaan at ng kasalanang wala ng pag-asang? Ang Juan 3:16 ay walang say-say kung ang tao ay hindi sira na wala ng pag-asa. Bakit pa natin kakailanganin ang Dugo ni Kristo kung hindi tayo walang pag-asang naliligaw na wala ito?

Kung ang tao ay hindi naka bagsak at sira, wala ng pangangailangan para sa Dugo ni Kristo. Wala ng pangangailangan para sa gawain ng pagbabagong loob sa puso ng tao, sa pagbabago at pag-aayos ng ating mga pag-iisip. Para sa isang panlabas ng relihiyon, na walang panloob na gawain ng Espiritu ng Diyos ay maging sapat na. Isang panlabas na relihiyon ay sapat na doon sa mga nagkakait ng kasiraan ng kalikasan ng tao. Tama sila kung ang tao ay hindi nasira at puno ng kasamaan – lahat ng pangangailangan ay ang linisan ang panlabas na buhay. Ang pagbabago ng iyong pamumuhay ay ang tanging kinakailangan kung ang pananaw nila ay tama. Siya nga, pagbabago ng panlabas na pamumuhay ay ang nag-iisang bagay na kailangan mong gawin – kung tama sila at ika’y hindi lubusang nasira, isang mahinang makasalanan.

Ngunit kung hindi natin ito natutunan mula sa Bibliya. Alam mo na nakikita ng Diyos ang nasa loob ng tao, Siya ay mayroong mas malayong naiibang opinion ng parehong pagbabagong loob, at ang ating nasirang kalagayan, at kung paano babangon mula rito. Alam mo na ang matinding dahilan ng Kristiyanismo ay ang baguhin ang puso sa imahen ng Diyos sa pamamagitan ng pagbabagong loob, upang ayusin at pagalinggin at lubusang kawalan ng katuwiran at tunay na kabanalan na ating namana mula sa ating unang mga magulang. Alam mo na ang lahat ng tinawag na Kristiyanismo na hindi nagbabago ng puso ay sa tunay na pagbabagong loob ay nabibigong magligtas ng isang tao mula sa Impiyerno. Lahat ng relihiyon na nagkukulang na mapagbagong loob ang kaluluwa pabalik sa orihinal na kalagayan nito bago bumagsak ang sangkatauhan sa kasalanan, ay isang mahinang biro lamang, at isang pangungutya sa Diyos.

O mag-ingat mula sa lahat ng mga guro at mangangaral ng mga kasinungalingan, na nagbibigay sa iyo ng panlabas ng relihiyon, ngunit hindi tunay na pagbabagong loob. Huwag magbigay ng atensyon sa mga ganoong mangangaral, kahit na lumalapit sila sa inyo na may mga salita ng bulaang kaginhawaan.

Imbes na makinig sa mga bulaang mangangaral na ito, magpatuloy sa paniniwala sa lumang pananampalataya, “minsan at magpakailan man sa mga banal” (Judas 3), at ngayon ay dinadala sa iyong puso sa pamamagitan ng Espiritu ng Diyos.

Ika’y naipanganak sa kasalanan: kung gayon “Kinakailangan ngang kayo'y ipanganak na muli” (Juan 3:7). Kailangan kang maipanganak muli ng Diyos, sa Diyos, sa pamamagitan ng Diyos. Ang Diyos lamang ang makapagpapagaling ng iyong makasalanang likas at bigyan ka ng bagong buhay! Sa pamamagitan ni Adan lahat ay namatay. Sa pamamagitan ni Kristo, ika’y magagawang buhay, “kayo'y mga patay dahil sa inyong mga pagsalangsang at mga kasalanan” – gagawin ka Niyang buhay muli (Mga Taga Efeso 2:1, isinalin). Binigyan ka na Niya ng sapat na buhay upang makinig sa sermong ito. Ngayon “magpatuloy mula sa isang pananampalataya tungo sa isang pananampalataya” hanggang sa ang iyong buong nakamamatay na sakit ay mapagaling ni Kristo!

(KATAPUSAN NG PANGARAL)
Maari ninyong mabasa ang mga sermon ni Dr. Hymers linggo-linggo sa Internet
sa www.realconversion.com. I-klik ang “Mga Pangaral sa Tagalog.”

Pagbabasa ng Kasulatan Bago ng Pangaral ni Dr. Kreighton L. Chan: Mga Taga Roma 3:9-19.
Kumanta ng Solo Bago ng Pangaral si Gg. Benjamin Kincaid Griffith:
“Hindi Kung Anong Nagawa Ng Mga Kamay Na Ito” isinalin mula sa
“Not What These Hands Have Done” (ni Horatius Bonar, 1808-1889).


BALANGKAS NG

ANG ORIHINAL NA KASALANAN – HINANGO MULA SA
PANGARAL NI REV. JOHN WESLEY, M.A.

ni Dr. R. L. Hymers, Jr.

“At nakita ng Panginoon na mabigat ang kasamaan ng tao sa lupa, at ang buong haka ng mga pagiisip ng kaniyang puso ay pawang masama lamang na parati” (Genesis 6:5).

I. Una, ipapakita ko kung paano ang sangkatauhan bago ng Baha, Genesis 6:5, 8, 3.

II. Pangalawa, itatanong ko kung ang tao ba ay parehas ngayon, Mga Awit 14:3; Isaias 1:5-6; Mga Taga Roma 3:9-10;
Mga Taga Efeso 2:12; Mateo 11:27; Juan 5:44.

III. Pangatlo, kukuha ako ng ilang implikasyon mula sa kung ano ng na sinabi, Judas 3, Juan 3:7; Mga Taga Efeso 2:1;
I Ni Juan 1:7.