Ang mga pangaral na manuskrito at mga videyo ay ngayon lumalabas sa 1,500,000 na mga kompyupter sa lampas na 221 na mga bansa kada taon sa www.sermonsfortheworld.com . Daan-daang iba ang nanonood ng mga videyo, sa YouTube, ngunit di nagtatagal ay iniiwan ang YouTube at nagpupunta sa aming websayt, dahil bawat pangaral ay nagtuturo sa kanila papalyo mula sa YouTube tungo sa aming websayt. Ang YouTube ay nagdadala ng mga tao sa aming websayt. Ang mga pangaral na manuskrito ay ibinibigay sa 46 na mga wika sa halos 120,000 na mga kompyuter kada buwan. Ang pangaral na manuskrito ay hindi nakarapatang magpalathala, kaya nagagamit ng mga mangangaral ang mga ito na walang pahintulot. Mayroong daan-daang mga videyo ni Dr. Hymers at ng kanyang mga estudyanteng nangangaral. Ang mga manuskrito ay hindi nakarapatang magpalathala, ngunit lahat ng mga videyo nakarapatang magpalathala. Paki-klik ito upang matutunan kung paano ka maaring gumawa ng isang buwan-buwanang donasyon upang tulungan kami sa dakilang gawaing ito ng pagkakalat ng Ebanghelyo sa buong mundo, kasama ang mga Muslim at mga Hindu na mga bansa.
Tuwing nagsusulat kay Dr. Hymers, laging sabihin sa kanya kung anong bansa ka nakatira, o hindi ka niya masasagot. Ang email ni Dr. Hymers’ ay rlhymersjr@sbcglobal.net .
“ANG PAMAMARAAN NG BIYAYA” NI GEORGE WHITEFIELD, “THE METHOD OF GRACE” BY GEORGE WHITEFIELD, ni Dr. R. L. Hymers, Jr. Isang sermon na ipinangaral sa Baptist Tabernacle ng Los Angeles “Kanilang pinagaling din naman ng kaunti ang sugat ng aking bayan, na sinasabi, Kapayapaan, kapayapaan; gayon ma'y walang kapayapaan” (Jeremias 6:14). |
Panimula: Si George Whitefield ay pinanganak sa Gloucester, sa Inglatera noong 1714. Siya ay anak ng isang may ari ng bahay panuluyan. Na isang bata, sa kapaligirang ito nagkaroon siya ng maliit na Kristiyanong impluwensiya, ngunit mayroon siyang kakaibang kakayahan sa paaralan. Nagpunta siya sa Unibersidad ng Oxford kung saan naging kaibigan niya sina John at Charles Wesley at naging kasapi ng kanilang pananalangin at grupo ng pag-aaral ng Bibliya.
Habang siya ay isang mag-aaral sa Oxford naranasan niya ang pagbabagong loob. Nalalapit pagkatapos niyang maitakda sa Simabahan ng Inglatera. Ang kanyang pangangaral sa lubos na pangangailangan ng bagong pagkapanganak ay nagresulta ng mga simabahang isara ang kanilang mga pinto sa kanya, dahil ang mga senswal na mga pastor ay takot na ang kanyang mga sermon sa pangangailangan ng bagong pagkapanganak ay mapagagalit ang kanilang mga parokyano. Gayon, siya ay pinuwersa palabas ng mga simabahan, upang magpangaral sa bukas na parang, na nagpatanyag sa kanya.
Si Whitefield ay bumiyahe sa Amerika noong 1738 at nakahanap ng isang bahay ampunan. Pagkatapos siya’y bumiyahe sa lahat ng mga lupang sakop ng Amerika at Britaniya na nangangaral at nakapagpatubo ng pera upang masuportahan ang mga ulila. Nangaral siya sa Espana, Holland, Aleman, Pransya, Inglatera, Wales, at Scotland, at bumiyahe ng labin tatlong beses patawid ng Atlantiko upang mangaral sa Amerika.
Siya’y malapit na kaibigan ni Benjamin Franklin, Jonathan Edwards at John Wesley, at ang nangumbinsi kay Wesley na mangaral sa parang, tulad niya. Minsan ay tinantsahan ni Benjamin Franklin na si Whitefield ay nagsalita sa tatlumpung libong manonood. Ang kanyang mga pagtatagpo sa labas ay madalas na lumampas ng 25,000 ang dumalo. Siya’y minsang nangaral malapit sa Glasgow, Scotland sa higit sa 100,000 mga tao sa isang pagtitipon – isang araw noong wala pang mga mikropono! Sampung libong mga tao ay naghayag ng pagbabagong loob sa pagtitipong iyon.
Siya ay pinaniniwalaan ng maraming mga dalubhasa ng kasaysayang ang pinaka-dakilang mananalitang-Ingles na ebanghelista ng buong panahon. Kahit na nagsalita si Billy Graham sa mas marami pang mga tao gamit ang tulong ng dekuryenteng mikropono, ang epekto ni Whitefield sa kultura ay walang pagdududang mas higit at mas positibo.
Si Whitefield ay ang nangungunang karakter ng Unang Matinding Paggigising, ang matinding muling pagbabangon na nagporma ng karakter ng Amerika sa gitna ng ika-18 siglo. Ang mga lupang sakop sa ating bansa’y umaapoy ng muling pagbabangon kapag nangangaral siya. Ang taas ng muling pagbabangon na ito ay dumating noong 1740 sa loob ng anim-na-linggong paglalakbay na ginawa ni Whitefield sa Bagong Inglatera. Sa loob lamang ng apat-na-pu’t limang araw siya’y nakapagpangaral ng sang-daan at pitom-pu’t limang sermon sa sampung libong mga tao, iniiwan ang mga rehiyon sa isang ispiritwal na kaguluhan, minamarkahang ang isa sa pinaka-nakamamanghang mga panahon ng Amerikanong Kristiyanismo.
Sa oras ng kanyang pagkamatay napanalunan niya ang paghanga at iniutos ang atensyon ng buong mundo ng mananalitang Ingles. Siya’y kasangkot sa pagkatagpo ng Unibersidad ng Princeton, Kolehiyo ng Dartmouth, at ang Unibersidad ng Pennsylvania. Siya’y namatay pagkatapos agad ng pangangaral niya sa Newburyport, Massachusettes, noong 1770, anim na taon bago ng Amerikanong Rebolusyon. Si George Washington ay ang ama ng ating bansa, ngunit si George Whitefield ang lolo nito.
Ang susunod na sermon ni Whitefield ay ibinigay sa makabagong Ingles. Ito’y kanyang aktwal na sermon, ngunit binago ko ang mga salita upang gawin itong mas maintindihan sa ating panahon.
“Kanilang pinagaling din naman ng kaunti ang sugat ng aking bayan, na sinasabi, Kapayapaan, kapayapaan; gayon ma'y walang kapayapaan” (Jeremias 6:14).
Ang Sermon: Ang pinakadakilang pagpapala ng Diyos ay makapagpapadala sa isang bansa ng kabutihan at mapagpananampalatayang mga mangangaral. Ngunit ang pinaka-matinding sumpa na kayang ipadala ng Diyos sa kahit anong bansa ay ang pabayaan ang mga simabahang patakbuhin ng mga nawawalang mangangaral na pangangawarta lamang ang inaalala. Gayon sa bawat panahon maraming mga bulaang mangangaral ang nagbigay ng mga nakapagpapakalmang mga sermon. Maraming mga tagapangasiwang tulad nito na sinisira at binabaluktot ang Bibliya upang lokohin ang mga tao.
Ganyan noong panahon ni Jeremias. At si Jeremias ay nagsalita laban sa kanila sa nananampalatayang pagsunod sa Diyos. Binukasan niya ang kanyang bibig at nagsalita laban sa mga senswal na mangangaral. Kung babasahin mo ang aklat na ito, makikita mo na wala kailan man ang nakapagsalita ng mas matapang laban sa bulaang mga mangangaral kay sa kay Jeremias. Siya’y nagsalita ng matindi laban sa kanila sa kapitulo na nakalaman sa ating teksto.
“Kanilang pinagaling din naman ng kaunti ang sugat ng aking bayan, na sinasabi, Kapayapaan, kapayapaan; gayon ma'y walang kapayapaan” (Jeremias 6:14).
Sinasabi ni Jeremias na nangangaral lamang sila para sa pera. Sa ika-labin-tatlong berso, sinabi ni Jeremias,
“Sapagka't mula sa kaliitliitan nila hanggang sa kalakilakihan nila, bawa't isa ay ibinigay sa kasakiman; at mula sa propeta hanggang sa saserdote bawa't isa'y gumagawang may kasinungalingan” (Jeremias 6:13).
Sila’y sakim at bulaang nangangaral.
Sa ating teksto, ipinapakita niya ang isa sa mga paraan na sila’y bulaang nangangaral. Ipinapakita niya ang nakapandarayang paraan na kanilang pamamahala sa mga nawawalang kaluluwa:
“Kanilang pinagaling din naman ng kaunti ang sugat ng aking bayan, na sinasabi, Kapayapaan, kapayapaan; gayon ma'y walang kapayapaan” (Jeremias 6:14).
Sinabi ng Diyos sa propetang bigyang babala ang mga tao sa darating na digmaan. Gusto ng Diyos na sabihin niya sa kanila na ang kanilang mga bahay ay masisira – na ang digmaan ay padating (tignan ang Jeremias 6:11-12).
Si Jeremias ay nagbigay ng humihiyaw na mensahe. Ito sana ay nakapagpagulat sa mga tao at nakapagpadala sa kanila sa pagsisi. Ngunit ang mga senswal na mga propeta at mga saserdote ay nag-ikot at nagbigay sa mga tao ng bulaang kaginhawaan. Sinabi nila na si Jeremias ay isa lamang mabangis panatiko. Sinabi nila na di magkakaroon ng digmaan. Sinabi nila sa mga tao na magkakaroon ng kapayapaan, na sinabi ni Jeremias na walang kapayapaan.
“Kanilang pinagaling din naman ng kaunti ang sugat ng aking bayan, na sinasabi, Kapayapaan, kapayapaan; gayon ma'y walang kapayapaan” (Jeremias 6:14).
Ang mga salita ng teksto ay tumutukoy unang-una sa panlabas na kapayapaan. Ngunit naniniwala ako na mayroon silang dagdag na pagtutukoy sa kaluluwa. Naniniwala rin ako na tumutukoy sila sa bulaang mangangaral na nagsasabi sa mga taong ang kanilang kabutihan ay sapat na, kahit na hindi sila maipanganak muli. Gustong-gusto ng mga di-napagbagong loob na mga tao ang ganitong uri ng pangangaral. Ang makataong puso ay napaka-lupit at mandaraya. Ang Diyos lamang ang nakakaalam kung gaano kadaya ng puso ng tao.
Marami sa inyo ang nagsasabi na mayroon kayong kapayapaan sa Diyos, na wala namang tunay na kapayapaan! Marami sa inyo ay nag-iisip na kayo’y mga Kristiyano, at hindi naman. Ang Demonyo ang nagbigay sa inyo ng bulaang kapayapaan. Hindi ang Diyos ang nagbigay sa inyo ng “kapayapaang” ito. Hindi ito ang kapayapaang nakalilipas ng pagkakaintindi ng tao. Ito’y bulaang kapayapaan na mayroon ka.
Ito’y napaka-importante para sa iyo na malaman kung mayroon kang tunay na kapayapaan o wala. Lahat ng tao’y gusto ng kapayapaan. Ang kapayapaan ay isang dakilang pagpapala. Kung gayon dapat kong sabihin sa iyo kung paano mahahanap ang tunay na kapayapaan sa Diyos. Dapat akong malaya sa iyong dugo. Dapat kong ideklarang sa iyo ang buong pagpapayo ng Diyos. Mula sa mga salita ng teksto, susubukan kong ipakita sa iyo kung ano ang dapat mangyari sa iyo, at ano dapat ang mabago sa loob mo upang magkaroon ka ng tunay na kapayapaan sa iyong puso.
I. Una, bago ka magkaroon ng kapayapaan sa Diyos, dapat magawa kang makita, maramdaman, at lumuha, at magluksa sa iyong aktwal na mga maling gawain laban sa batas ng Diyos.
Ayon sa kaligtasan sa pamamagitan ng gawa, “ang kaluluwa na nagkakasala ay mamamatay” (Ezekiel 18:4). Bawat tao ay sinumpa ang sinomang gumagawa ng lahat ng mga bagay laban sa nakasulat sa aklat ng utos.
Hindi mo lamang dapat gawin ang ilang mga bagay, ngunit dapat mong gawin ang lahat ng mga bagay o ika’y masusumpa:
“Sapagka't nasusulat, Sinusumpa ang bawa't hindi nananatili sa lahat ng mga bagay na nasusulat sa aklat ng kautusan, upang gawin nila” (Mga Taga Galacia 3:10).
Ang kakaunting paglalayo mula sa utos, maging sa isipan, o salita, o gawain man, ay ginagawa kang nararapat sa walang hanggang kaparusahan, ayon sa utos ng Diyos. At kung isang masamang isipan, kung isang masamang salita, isang masamang kilos ay nararapat ng walang hanggang pagkasira, ilang mga impiyerno ang nararapat sa lahat na ang buong buhay nila’y naging isang patuloy na pag-rerebelda laban sa Diyos! Bago ka pa maaring magkaroon ng tunay na kapayapaan sa iyong puso, dapat kang magawang makita na ito’y isang teribleng bagay na malayo mula sa Diyos at magkasala laban sa Kanyang utos.
Suriin ang iyong puso. At tatanungin kita – nagkaroon ba kailan man ng isang panahon kung saan ang pagpapaalala ng iyong mga kasalanan ay masakit para sa iyo? Nagkaroon ba kailan man ng isang panahon kung saan ang bigat ng iyong kasalanan ay hindi na matiis? Nakita mo ba kailan man na ang poot ng Diyos ay tamang bumagsak sa iyo, dahil sa iyong aktwal na pagsalansang sa Kanyang batas? Ikaw ba’y kailan man naging malumbay dahil sa iyong mga kasalanan? Masasabi mo bang minsan, “Ang aking mga kasalanan ay masyadong mabigat para sa aking tiisin?” Naranasan mo na ba ang kahit anong tulad nito? Kung hindi, huwag mong tawagin ang iyong sariling isang Kristiyano! Maari mong sabihin na mayroon kang kapayapaan, ngunit walang tunay na kapayapaan para sa iyo. Naway gisingin ka ng Panginoon! Naway pagbaguhing loob ka ng Diyos!
II. Ngunit, bukod pa rito, bago ka magkaroon ng kapayapaan sa Diyos, ang iyong pagkatuklas sa iyong sariling nagkasala ay dapat mas lumalim pa; dapat kang makumbinsi ng iyong sariling masamang kalikasan, ang lubusang kasamaan ng iyong kaluluwa.
Dapat kang makumbinsi ng iyong aktwal na mga kasalanan. Dapat kang magawang mangilabot sa mga ito. Ngunit ang pagkakatuklas sa iyong sariling nagkasala ay dapat maging mas malalim pa diyan. Dapat kang makumbinsi na aktwal na paninira ng mga utos ng Diyos. Higit pa diyan, dapat mong makita’t maramdaman ang iyong sariling orihinal na kasalanan, ang orihinal na kurapsyonn angking sa iyong puso, na nagsasanhi sa iyong mananagot na maging masira ng Diyos.
Maraming mga taong iniisip na sila ay matatalino ay nagsasabi na walang ganoong bagay na orihinal na kasalanan. Iniisip nila na ang Diyos ay di-makatwirang iparatang sa atin ang kasalanan ni Adan. Sinasabi nila na hindi tayo ipinanganak sa kasalanan. Sinasabi nila na hindi mo kinakailangang maipanganak muli. Ngunit tignan ang mundo sa paligid mo. Ito ba’y ang paraisong ipinangako ng Diyos sa sanglibutan? Hindi! Lahat ng mga bagay sa mundo ay wala sa lugar! Iya’y dahil mayroong mali sa lahi ng tao. Ang orihinal na kasalanan ang nagdala sa mundo sa sakuna.
Gaano mo man katapang na itanggi ito, kapag ika’y magigising, makikita mo na ang kasalanan sa iyong buhay ay nanggagaling mula sa iyong sariling masamang puso – isang pusong nalason ng orihinal na kasalanan.
Kapag ang di-napagbagong loob na tao ay unang nagising, siya’y nag-uumpisang mag-isip, “Paano ako naging napaka-sama?” Ang Espiritu ng Diyos ay pagkatapos magpapakita sa kanya na walang mabuting bagay sa kanyang kalikasan. Pagkatapos ay nakikita niya na siya ay sa kabuuan masama at malupit. Pagkatapos ang tao sa wakas ay makikitang tamang sirain siya ng Diyos. Makikita niya na siya’y napaka-nalason at rebelde sa kanyang pinaka kalikasan na maging tama para sa Diyos na sirain siya, kahit na hindi siya gumawa ng isang panlabas na kasalanan sa buong buhay niya.
Naranasan mo na ba ito ng minsan? Nadama mo na ba ito ng minsan – na maging tama lang at na makatwiran lang para sa Diyos na sirain ka? Minsan ka na bang sumang-ayon na ikaw sa pinaka katutubo mo’y isang anak ng kagalitan? (Mga Taga Efeso 2:3).
Kung ika’y tunay na napagbagong loob muli, kung ang sarili ay tunay na naalis sa iyo, nakita at nadama mo na ito. At kung hindi mo pa dama ang bigat ng orihinal na kasalanan, huwag mong tawagin ang iyong sariling isang Kristiyano! Ang Orihinal na kasalanan ay ang pinaka matinding pasan ng isang tunay na napagbagong loob. Ang taong tunay na napagbagong loob ay nagluluksa sa kanyang sariling orihinal na kasalanan at nalasong likas. Ang tunay na napagbagong loob na tao ay madalas na sisigaw, “Abang tao ako! sino ang magliligtas sa akin sa katawan nitong kamatayan, ang naninirahan sa loob na kurapsyon ng aking puso?” (kinuha mula sa Mga Taga Roma 7:24). Ito ang nakagugulo sa isang nagising na tao ng higit – ang kanyang panloob na puso ng kasalanan. Kung hindi mo kailan man nabatid ang panloob na kurapsyon ng iyong likas, walang paraan na mahahanap mo ang tunay na kapayapaan sa iyong puso.
III. Bukod pa rito, bago ka pa magkaroon ng tunay na kapayapaan sa Diyos, hindi ka lang dapat magulo ng iyong mga kasalanan sa buhay, at ang mga kasalanan ng iyong likas, kundi pati ng mga kasalanan ng iyong pinaka magaling na mga desisyon, mga dedikasyon, at ang ipinapalagay na “Kristiyanong buhay.”
Aking kaibigan, anong mayroon sa iyong pinaka magaling na pagtatanghal na magpapasang-ayon sa Diyos? Ika’y walang kapararakan at di-napagbagong loob ng iyong pinaka likas. Nararapat sa iyong masira sa Impiyerno higit pa sa sampung beses dahil sa iyong panlabas na mga kasalanan. Anong ikabubuti ng iyong mga paggawa? Wala kang magagawang bagay sa likas.
“At ang nangasa laman ay hindi makalulugod sa Dios”
(Mga Taga Roma 8:8).
Ito’y imposible para sa isang di-napagbagong loob na taong gumawa ng kahit ano para sa kaluwalhatian ng Diyos.
Kahit pagkatapos na tayo ay mapagbagong loob, ngunit tayo pa rin ay bahagi lang napanumbalik. Naninirahan sa loob na kasalanan ay nagpapatuloy sa loob atin. Mayroon pa ring isang paghahalo ng kurapsyon sa bawat isa sa ating mga tungkulin. Kaya, pagkatapos tayo ay napagbagong loob, kung tatanggapin tayo ni Hesu-Kristo ayon sa ating gawain, ang ating mga gawain ay sisira sa atin. Hindi pa nga tayo makadasal na walang ilang kasalanan rito, ilang pagkamakasarili, katamaran, moral na di-kaganapan ng isang uri. Hindi ko alam ang iisipin, ngunit hindi ako makapagdasal na hindi nagkakasala. Hindi ako makapangaral sa iyo na hindi nagkakasala. Wala ako magawa na walang kasalanan. Ang aking pagsisisi ay kailangang pagsisihan, at ang aking mga luha na mahugasan sa mahal na Dugo ng aking minamahal na Manunubos, si Hesu-Kristo!
Ang pinaka magaling na pagtatalaga, ang ating pinakamagaling na katungkulan, ang ating pinaka magaling nga relihiyon, ang ating pinamagaling na desisyon, ay mga napaka raming maiinam na mga kasalanan. Ang ating relihiyosong mga katungkulan ay puno ng mga kasalanan. Bago ka magkaroon ng kapayapaan sa iyong puso hindi ka lang dapat nasusuka sa iyong orihinal na kasalanan at iyong panlabas na mga kasalanan, kundi dapat masuka ka sa iyong sariling kabanalan, katungkulan at pagka-relihiyoso. Dapat magkaroon ng isang malalim na pagkakatagpong nagkasala bago ka madala sa labas ng iyong pansariling-katapatan. Kung hindi mo minsan nadama na wala kang kabanalan sa iyong sarili, hindi ka maaring mapatunayan ni Hesu-Kristo. Ika’y hindi pa rin napagbagong loob.
Maaring sabihin ng isa, “Pinaniniwalaan ko ang lahat ng ito.” Ngunit mayroong matinding pagkakaiba sa pagitan ng “paniniwala” at “pakikiramdam.” Nadama mo na ba ng minsan ang kakulangan mo ng isang Manunubos, ang kakulangan mo kay Kristo? Nadama mo na ba na kinailangan mo si Kristo dahil wala kang kabutihan sa iyong sarili? At masasabi mo na ba ngayong, “Panginoon, maari mo na akong sirain dahil sa mga mahuhusay na relihiyosong gawain na kaya kong gawin.” Kung hindi ka pa nailabas sa iyong sarili tulad nito, walang tunay na kapayapaan para sa iyo.
IV. Tapos, pang-apat, bago ka magkaroon ng kapayapaan sa Diyos, mayroong isang partikular na kasalanan na dapat kang magulo ng higit. At gayon natatakot ako na kakaunti sa inyo ang mag-iisip nito. Ito ang pinaka-nakasisirang kasalanan sa mundo at gayon hindi ito naiisip ng mundo bilang isang kasalanan. Tanong mo, “Ano ang kasalanang na iyon?” Ito ang kasalanan na karamihan sa inyo’y hindi naiisip na nagkasala nito – at iyan ay ang kasalanan ng di-paniniwala.
Bago ka magkaroon ng kapayapaan, dapat kang magulo ng di-paniniwala sa iyong puso. Maari bang hindi ka talaga naniniwala sa Panginoong Hesu-Kristo?
Nagmamakaawa ako sa iyong sariling puso. Natatakot ako na wala ka ng pananampalataya kay Hesu-Kristo kay sa ang Diablo mismo. Naisip ko na mas naniniwala pa ang Diablo sa Bibliya kay sa karamihan sa inyo. Naniniwala siya sa kabanalan ni Hesu-Kisto. Naniniwala siya at kinikilabutan. Mas kinikilabutan siya kay sa sa libong tumatawag sa sarili nilang mga Kristiyano.
Iniisip mo na naniniwala ka dahil naniniwala ka sa Bibliya, o dahil pumupunta ka sa simbahan. Ang lahat ng mga ito ay magagawa ng walang tunay na pananampalataya kay Kristo. Simpleng maniwala na mayroong isang tao na si Kristo ay hindi sapat, hindi mas higit na maniwala na mayroong isang taong tulad ni Cesar o ang Dakilang si Alexander. Ang Bibliya ay ang Salita ng Diyos. Nagbibigay tayo ng pasasalamat dahil rito. Ngunit maari mo itong paniwalaan, at gayon hindi maniwala sa Panginoong Hesu-Kristo.
Kung tatanongin kita gaano na katagal mula noong naniwala ka kay Hesu-Kristo, marami sa inyo ay magsasabi sa akin na naniniwala ka sa Kanya noon pa man. Hindi mo ako mabibigyan ng mas maiging pruweba na ika’y di-kailan man naniwala kay Hesu-Kristo. Yoong mga tunay na naniniwala kay Kristo ay alam na mayroong isang panahon noong hindi sila naniwala sa Kanya.
Dapat akong magsalita pa tungkol rito, dahil ito’y isang nakalolokong pagkahibang. Marami ay nadadala nito – iniisip na naniniwala na sila. Sinabi ni Gg. Marshall na inilista niya ang lahat ng kanyang mga kasalanan sa ilalim ng Sampung Utos, at pagkatapos ay pumunta sa isang tagapangasiwa at nagtanong bakit hindi siya magkaroon ng kapayapaan. Tinignan ng tagapangasiwa ang kanyang listahan at sinabing, “Lumayo ka! Hindi ko makita ni isang salita ng kasalanan ng di paniniwala sa lahat ng iyong listahan.” Ito’y gawain ng Espiritu ng Diyos na kumbinsihin ka ng iyong di-paniniwala – na wala kang pananampalataya. Sinabi ni Hesu-Kristo tungkol sa Espiritu Santo:
“Kaniyang susumbatan ang sanglibutan tungkol sa kasalanan, at sa katuwiran, at sa paghatol… Tungkol sa kasalanan, sapagka't hindi sila nagsisampalataya sa akin” (Juan 16:8-9).
Ngayon, mga kaibigan ko, ipinakita na bang minsan ng Diyos na wala kang pananampalataya kay Hesus? Nagawa ka na bang magluksa sa dusa sa hirap ng puso ng di-paniniwala? Nanalangin na bang minsan, “Panginoon, tulungan mo ako kumapit kay Kristo?” Nakumbinsi ka na bang minsan ng Diyos ng iyong kawalan ng kakayahang lumapit kay Kristo, at magawa kang lumuha sa panalangin para sa pananampalataya kay Kristo? Kung hindi, hindi ka makahahanap ng kapayapaan sa iyong puso. Naway gisingin ka ng Diyos, at bigyan ka ng matatag na kapayapaan sa pananampalataya kay Hesus, bago ka mamatay at mawalan ng pagkakataon.
V. Isa pang beses, bago ka magkaroon ng kapayapaan sa Diyos, dapat kang kumapit sa kabanalan ni Kristo.
Hindi ka lang dapat makumbinsi ng iyong aktwal at orihinal na kasalanan, ang mga kasalanan ng iyong sariling kabanalan, at ang kasalanan ng di paniniwala, ngunit dapat mo ring kayaning kumapit sa perpektong kabanalan ng Panginoong Hesu-Kristo. Dapat kang kumapit sa kabanalan ni Kristo. Pagkatapos ay magkakaroon ka ng kapayapaan. Sinabi ni Hesus:
“Magsiparito sa akin, kayong lahat na nangapapagal at nangabibigatang lubha, at kayo'y aking papagpapahingahin”
(Mateo 11:28).
Ang bersong ito ay nagbibigay ng lakas ng loob sa lahat ng pagod at nabibigatan sa pasan, ngunit hindi sa sino pa man. Gayon ang pangako ng pahinga ay ginawa lamang doon sa mga lumapit at maniwala kay Hesu-Kristo. Bago ka pa man magkaroon ng kapayapaan sa Diyos dapat kang mapatunayan sa pananampalataya sa ating Panginoong Hesu-Kristo. Dapat maiuwi mo si Kristo sa iyong kaluluwa, upang ang Kanyang kabanalan ay magagawang iyong kabanalan, upang ang Kanyang halaga ay mailalagay sa iyo.
Minamahal kong mga kaibigan, minsan ka na bang naipakasal kay Kristo? Ibinigay na bang minsan ni Hesu-Kristo ang sarili Niya sa iyo? Lumapit ka na bang minsan kay Kristo sa pamamagitan ng nabubuhay na pananampalataya? Nananalangin ako sa Diyos na naway dumating si Kristo at makipag-ayos sa iyo. Dapat mong maranasan ang mga bagay na ito upang maipanganak muli.
Ngayon ay nagsasalita na ako ng tungkol sa di nakikitang katotohanan ng iba pang mundo, ng panloob na Kristiyanismo, ng gawain ng Diyos sa puso ng makasalanan. Nagsasalita na ako ngayon ng tungkol sa mga bagay ng matinding kahalagahan sa iyo. Lahat kayo’y kasali rito. Ang inyong mga kaluluwa ay nakadawit dito. Ang iyong walang hanggang kaligtasan ay nakasalalay dito.
Maaring kang makadama ng kapayapaan na wala si Kristo. Pinatulog ka ng Diablo at binigyan ka ng bulaang seguridad. Susubukan niyang panatilihin kang natutulog hanggang sa ipadala ka niya sa Impiyerno. Doon ika’y magigising, ngunit ito’y magiging isang kakilakilabot na pagkagising na mahanap ang iyong sarili sa apoy kung saan masyado ng huli upang maligtas. Sa Impiyerno ika’y tatawag sa buong kawalang hanggan para sa isang patak ng tubig upang mapalamig ang iyong dila, at walang ibibigay sa iyong tubig.
Naway hindi ka makahanap ng pahinga sa iyong kaluluwa hanggang sa makapahinga ka kay Hesu-Kristo! Ang layunin ko ay ang dalhin ang mga nawawalang mga makasalanan sa Tagapagligtas. O naway dalhin ng Diyos ang ilan sa inyo kay Hesus. Naway kumbinsihin ka ng Espiritu Santo na ika’y makasalanan, at patalikurin ka mula sa iyong malulupit na mga pamamaraan kay Hesu-Kristo. Amen.
(KATAPUSAN NG PANGARAL)
Maari ninyong mabasa ang mga sermon ni Dr. Hymers linggo-linggo sa Internet sa
www.realconversion.com. I-klik ang “Mga Pangaral sa Tagalog.”
Panalangin Bago ng Pangaral: Dr. Kreighton L. Chan.
Kumanta ng Solo Bago ng Pangaral si Gg. Benjamin Kincaid Griffith:
“O Panginoon, Gaano Kasama Ba Ako” isinalin mula sa
“O Lord, How Vile Am I” ni John Newton (1725-1807).
BALANGKAS NG ANG PAMAMARAAN NG BIYAYA” NI GEORGE WHITEFIELD, ni Dr. R. L. Hymers, Jr. “Kanilang pinagaling din naman ng kaunti ang sugat ng aking bayan, na sinasabi, Kapayapaan, kapayapaan; gayon ma'y walang kapayapaan” (Jeremias 6:14). (Jeremias 6:13) I. Bago ka magkaroon ng kapayapaan sa Diyos, dapat magawa kang makita, maramdaman, at lumuha, at magluksa sa iyong aktwal na mga maling gawain laban sa batas ng Diyos, Ezekiel 18:4; Mga Taga Galacia 3:10. II. Bago ka magkaroon ng kapayapaan sa Diyos, ang iyong pagkatuklas sa iyong sariling nagkasala ay dapat mas lumalim pa; dapat kang makumbinsi ng iyong sariling masamang kalikasan, ang lubusang kasamaan ng iyong kaluluwa, Mga Taga Efeso 2:3; Mga Taga Roma 7:24. III. Bago ka pa magkaroon ng tunay na kapayapaan sa Diyos, hindi ka lang dapat magulo ng iyong mga kasalanan sabuhay, at ang mga kasalanan ng iyong likas, kundi pati ng mga kasalanan ng iyong pinaka magaling na mga desisyon, mga dedikasyon, at ang ipinapalagay na “Kristiyanong buhay” Mga Taga Roma 8:8. IV. Bago ka maaring magkaroon na kapayapaan sa Diyos, dapat ka munang magulo patungkol sa nakasisirang kasalanan ng di paniniwala kay Hesus, Juan 16:8, 9. V. Bago ka magkaroon ng kapayapaan sa Diyos, dapat kang kumapit sa kabanalan ni Kristo, Mateo 11:28. |