Print Sermon

Ang mga pangaral na manuskrito at mga videyo ay ngayon lumalabas sa 1,500,000 na mga kompyupter sa lampas na 221 na mga bansa kada taon sa www.sermonsfortheworld.com . Daan-daang iba ang nanonood ng mga videyo, sa YouTube, ngunit di nagtatagal ay iniiwan ang YouTube at nagpupunta sa aming websayt, dahil bawat pangaral ay nagtuturo sa kanila papalyo mula sa YouTube tungo sa aming websayt. Ang YouTube ay nagdadala ng mga tao sa aming websayt. Ang mga pangaral na manuskrito ay ibinibigay sa 46 na mga wika sa halos 120,000 na mga kompyuter kada buwan. Ang pangaral na manuskrito ay hindi nakarapatang magpalathala, kaya nagagamit ng mga mangangaral ang mga ito na walang pahintulot. Mayroong daan-daang mga videyo ni Dr. Hymers at ng kanyang mga estudyanteng nangangaral. Ang mga manuskrito ay hindi nakarapatang magpalathala, ngunit lahat ng mga videyo nakarapatang magpalathala. Paki-klik ito upang matutunan kung paano ka maaring gumawa ng isang buwan-buwanang donasyon upang tulungan kami sa dakilang gawaing ito ng pagkakalat ng Ebanghelyo sa buong mundo, kasama ang mga Muslim at mga Hindu na mga bansa.

Tuwing nagsusulat kay Dr. Hymers, laging sabihin sa kanya kung anong bansa ka nakatira, o hindi ka niya masasagot. Ang email ni Dr. Hymers’ ay rlhymersjr@sbcglobal.net .




DUMATING SILA NG MAY PAGMAMADALI –
ISANG PASKONG PANGARAL

THEY CAME WITH HASTE – A CHRISTMAS SERMON

ni Dr. R. L. Hymers, Jr.

Isang pangaral na ipinangaral sa Baptist Tabernacle ng Los Angeles
Umaga sa Araw ng Panginoon ika- 23 ng Disiyembre taon 2007

“At sila'y dalidaling nagsiparoon at nasumpungan kapuwa si Maria at si Jose, at ang sanggol na nakahiga sa pasabsaban. At nang makita nila yaon, ay inihayag nila ang mga sinabi sa kanila tungkol sa sanggol na ito” (Lucas 2:16-17).


Wala pa kailan man ang nagsalita ng mas seryoso at masmatamis tungkol sa Pasko kaysa ni Dr. John R. Rice. Sa kanyang maliit na aklat na, Mahal Ko Ang Pasko [I Love Christmas], sinabi ni Dr. Rice,

      Ang mga bagay ay nagpatuloy sa kanilang ka walang buhay sa Roma, ang sentro ng mundo. Sa palasyo ni Cesar ang aliwan, ang pistahan, ang politika ay nagpatuloy; wala may alam na ang Diyos ay nagkaroon ng isang Anak na lalakeng naipanganak, at isang tao isang Tagapagligtas! Sa gabing iyon ang ulo ni Cesar ay nakapahinga…di-mapakali…Ang Romang Senado ay di pa kailan man nakakita ng isang anghel na dumating, hindi pa kailan man nadinig ang isang bulong ng “Luwalhati sa Diyos sa kataas-taasan” na koro. Hindi pa nila kailan man napaniginipan sa Roma na ang Hari ng mga Hudyo ay ipinanganak kung sino ay isang araw ay mamumuno sa mundo.
       Sa palasyo ng hari sa Jerusalem, mamamtay taong [Haring] Herodes ay walang pagkaalam na anim na milya lamang ang layo ang isa ay ipinanganak sino ay isang araw ay gagawin ang Jerusalem na “ang kasayahan ng buong lupa” at doon ay itatayo ang Kanyang kapangyarihan magpakailan man sa trono ni David! Ang Sanhedrin ay nagpulong gaya ng dati; ang mga manunulat, Farisei at mga Saduceo ay nagtatalo tungkol sa detalye ng seremonyal na batas. Wala sa kanila ay mayroong [kahit anong ideya] na si Kristo, ang Mesiyas na nangako ng napakatagal, ay ipinanganak na. Hindi inisip ng Diyos na ito ay may kahalagahang sabihin pa ang kwento ng pagkapanganak ng Tagapagligtas sa mga palasyo, o unibersidad, o sa gitna ng mga mayayaman at makapangyarihang mundo. Noong si Hesus ay ipinanganak ang anghel ng Panginoon ay umalis sa Langit [at] naghanap ng isang grupo ng mga mapagkumbabang mga pastol, at sinabihan sila ng kwento na nakapagpagalak sana sa mundo!
       Hindi hangang sa ang matatalinong tao mula sa Silangan na dumating na naghahanap sa “Hari ng mga Hudyo” at nagtanong kay Herodes…na ang mga “kapangyarihan na naging,” sa Jerusalem, ay narinig na [ang Tagapagligtas] ay naipanganak!
       Isang Tagapagligtas para sa mga mabababa, sa mga walang alam, at sa mga mahihirap! Ito, tiyak, ay ang ibig sabihin ng Kasulatang ito (Isinalin mula sa isinulat ni John R. Rice, D.D., I Love Christmas, Sword of the Lord Publishers, 1955, pp. 18-19).

“At sila'y dalidaling nagsiparoon at nasumpungan kapuwa si Maria at si Jose, at ang sanggol na nakahiga sa pasabsaban”
      (Lucas 2:16).

Hindi ko kayo patatagalin ngayong umaga. Ngunit gusto kong pag-isipan ninyo ang dalawang mga bagay tungkol sa mga pastol na iyon.

I. Una, sila ay mahihirap.

Hindi ba iyan ang pinaka nakaka kuhang pansing bagay? Na mayroong noong mga mayayaman at importanteng mga tao sa mundo, pinili ng Diyos na ipadala ang Kanyang anghel upang tawagin ang mga mahihirap na pastol na it okay Kristo. Ngunit kung alam mo ang Bibliya ito’y dapat hindi isang malaking surpresa. Sinabi ng Apostol Pablo,

“Hindi ang maraming may kapangyarihan, hindi ang maraming mahal na tao ang mga tinawag; at pinili ng Dios ang mga bagay na mahihina ng sanglibutan, upang hiyain niya ang mga bagay na malalakas; At ang mga bagay na mababa ng sanglibutan, at ang mga bagay na hinamak, ang pinili ng Dios…”
      (I Mga Taga Corinto 1:26-28).

Kaya dapat hindi tayo magulat na nilampasan ng Diyos sina Cesar Agostos, Haring Herodes, at ang mga manunulat at mga Fariseo, at piniling ipadala ang anunsyo ng pagkapanganak ni Kristo sa mga mahihirap na “mga pastor ng tupa sa lupain ding yaon na nangasa parang, na pinagpupuyatan sa gabi ang kanilang kawan” (Lucas 2:8).

Ang tema ng mapagkumbabang pastor na kilala ang Diyos ay tumatakbo sa buong Bibliya. Si Abel ay isang pastol (Genesis 4:2). Si Jose ay isang pastol (Genesis 37:2). Si Moses ay tumakas ng Egipto at naging isang pastol (Exodus 3:1). Si David ay isang pastol (I Samuel 16:11).

Ipinakita ng Diyos ang Kanyang Sarili kay Abel, ang pastol, hindi sa kanyang kapatid na si Kain. Ipinakita ng Diyos ang Kanyang Sarili kay Jose, ang pastol, hindi sa kanyang mga kapatid. Ipinakita ng Diyos ang Kanyang Sarili kay Moises ang pastol, hindi sa Faraon ng Egipto. Ipinakita ng Diyos ang Kanyang Sarili kay David ang pastol, hindi sa Haring Saul. Tiyak na mayroong isang pangaral rito. Ipinadala ng Diyos ang kanyang anghel upang i-anunsyo ang kapanganakan ni Kristo sa “mga pastor ng tupa sa lupain ding yaon na nangasa parang, na pinagpupuyatan sa gabi ang kanilang kawan” (Lucas 2:8) – hindi kay Cesar Agostos o Haring Herodes. Tiyak na iton pangunahing tema sa Bibliya ay naglalarawan ng deklarasyon ng Apostol Pablo,

“Hindi ang maraming may kapangyarihan, hindi ang maraming mahal na tao ang mga tinawag; at pinili ng Dios ang mga bagay na mahihina ng sanglibutan, upang hiyain niya ang mga bagay na malalakas; At ang mga bagay na mababa ng sanglibutan, at ang mga bagay na hinamak, ang pinili ng Dios” (I Mga Taga Corinto 1:26-28).

Sinasabi ko ito ay isang pangunahing tema sa Bibliya. Bandang huli, sa parehong kapitulo sa Lucas, sinabi ni Maria, ang ina ni Hesus,

“Binusog [ng Diyos] ang nangagugutom ng mabubuting bagay; at pinaalus niya ang mayayaman, na walang anoman”
      (Lucas 1:53).

At sinabi ni Hesus mismo,

“Kay hirap na magsipasok sa kaharian ng Diyos ang mga magsisiasa sa mga kayamanan! Magaan pa sa isang kamelyo ang dumaan sa butas ng isang karayom, kay sa isang mayaman ang pumasok sa kaharian ng Dios” (Marcos 10:24-25).

Bakit ito napaka hirap na halos imposible? Dahil sila’y “nagtitiwala sa kayamanan,” nagtitiwala sila sap era, kay sa sa Diyos.

Tumungo sa kasaysayan at tignana kung gaano ka dalas na nagsasalita ang Diyos sa mga simpleng tao, tulad ng mga pastol na ito, hindi sa mataas at makapangyarihan. Ang dalubhasa sa kasaysayang si Roland Bainton ay nagsabi na ang ama ni Luther ay “hindi ubod ng yaman, at ang kanyang asawa ay kinailangan pang magpunta sa gubat at magkaladkad ng punong kahoy pauwi. Ang pakiramdam ng pamilya ay tulad ng isang mahirap: mabato, magaspang, minsa’y matigas” (Isinalin mula sa isinulat ni Roland H. Bainton, Ph.D., Here I Stand: A Life of Martin Luther, New American Library, 1950, p. 19). Isinuko mismo ni Luther ang pag-aaral maging isang abugado, at naging isang mahirap na Agostinyanong monghe, na lubos na ikina-dismaya ng kanyang ama. Ngunit itong mahirap na mongheng ito na kinausap ng Diyos at pinakitaan ng dakilang katotohanan ng Kompirmasyon sa pamamagitan ng Pananampalataya lamang. Ang mahirap na mongheng ito na itinaas ng Diyos upang sirain ang mga kadena at kandado ng Katolisismo, hinihinga ang buhay ng Repormasyon paloob ng simbahan ng Madilim na mga Panahon! At si George Whitefield, ang mahirap at ulilang anak, kung sinong ang ina ay nagmay-ari ng isang bahay inuman, na itinayo ng Diyos upang iproklama ang bagong pagkapanganak sa buong Inglatera at Amerika. Ang kawawang si John Bunyan, isang mababang mistulang laruan, na inilagay sa bilangguan dahil sa pangangaral ng ebanghelyo ng “walang lisensiya” mula sa nasyon, kung sino’y itinaas ng Diyos sa bilangguan upang magsulat ng mga aklat na ginamit ng Diyos upang ma-ebanghelismo ang mga milyon sa loob ng tatlong daang taon. Ang kawawang si David Livingstone, ang nangailangang nagmistulang alapin sa kanyang pag-aaral sa paaralan ng medisina tuwing gabi, nag-tratrabaho buong araw sa gilingan, na ginamit ng Diyos upang makalusot sa pina-itim ng kasalanang kontinente ng Aprika, kung sinong ang mga sulatin at mga panga-ngaral ay ginamit upang gawin ang Imperyo ng Britaniyang maging laban sa pang-aalipin. At huwag kailan mang kalimutan na si Spurgeon ay isang mahirap na ama ng isang tagapaglingkod ng simbahan na hindi kailan man nagpunta sa isang paaralan ng Bibliya, seminaryo, o isang unibersidad, na itinaas ng Diyos upang maging ang “Prinsipe ng mga Mangangaral,” ang pinakadakilang mangangaral ng Ebanghelyo, maliban kay Whitefield, mula ng Apostol Pablo. At si Pablo mismo, na “binilang ang lahat ng mga bagay maliban sa dumi” upang mapanaluhan si Kristo, at dumaan sa halos hindi kapanipaniwalang paghihirap upang gawin ito, ay naging ang pinaka dakilang mangangaral ng Ebanghelyo sa lahat ng panahon.

Pagkatapos, tignan ang mundo ngayon. Saan tayo nakakakita ng muling pagbabangon sa ating panahon? Hindi sa mayapang Europa. Hindi sa mayamang Amerika. Nakikita natin ang kamay ng Diyos na kumikilos sa matinding lakas at kapangyarihan sa Tsina, Timong-silangang Asiya, at Aprika at Indiya – sa mga mahihirap, sa mga “mahihinang bagay ng mundo,” hiniya ng Diyos ang “mga bagay na malakas.”

At dinadala tayo pabalik sa mga pastol na iyon sa unang Pasko,

“At may mga pastor ng tupa sa lupain ding yaon na nangasa parang, na pinagpupuyatan sa gabi ang kanilang kawan. At tumayo sa tabi nila ang isang anghel ng Panginoon…At sinabi sa kanila ng anghel, Huwag kayong mangatakot; sapagka’t narito, dinadalhan ko kayo ng mabubuting balita ng malaking kagalakan…Sapagka’t ipinanganak sa inyo ngayon sa bayan ni David ang isang Tagapagligtas, na siya ang Cristo ang Panginoon” (Lucas 2:8-11).

Ang mga mahihirap na pastol na ito ang unang mga tinawag ng Diyos upang makita ang bagong panganak na si Kristo “nakahiga sa isang sabsaban” sa Bethlehem.

Mayroon bang isang pangaral dito para sa iyo? Siguradong mayroon! Kung hindi ka napagbagong loob ngayon, dapat mong hanapin si Kristo habang ika’y bata at mahirap pa lamang. Ang Aklat ng Eclesiastes ay nagsasabing,

“Alalahanin mo rin naman ang Maylalang sa iyo sa mga kaarawan ng iyong kabataan” (Eclesiastes 12:1).

Ngayon, sa panahon ng iyong kabataan at kahirapan, maghanap para kay Kristo hangang sa makita mo Siya. Dapat mo itong gawin ngayon na, o baka maging walang hanganang huli na.

“Alalahanin mo rin naman ang Maylalang sa iyo sa mga kaarawan ng iyong kabataan, bago dumating ang masasamang araw” (Eclesiastes 12:1).

Kapag sa oras na ika’y maitali sa isang trabaho at isang propesyon, ang “masasamang araw” ay mag-uumpisa. Ang iyong puso ay hindi na malambot tungo sa Diyos. Ang iyong isipan ay maging napaka dikit sa iyong trabaho at karir na wala nang pagbabalik sa mga araw ng iyong kabataan at kalambutan ng puso. Ika’y magiging napaka-buhol sa mga naisin para sa pagtaas, na ang iyong puso ay wala ng panahon para sa pag-iisip, pananahimik, at pakiki-pag-isa sa Diyos. Ang panahon para sa pagbabagong loob ay ngayon. Iyan ang dahilan na sinasabi ng Bibliya na,

“Ngayon kung marining ninyo ang kainyang tinig, huwag inyong papagmatigasin ang inyong mga puso, na gawa ng sa pamumungkahi” (Sa Mga Hebreo 3:15).

Nakita ninyo kung gaano ka bilis dumulas ng panahon sa iyong mga daliri. Nakita ninyo kung gaano kalapit na ang instrumento ng biyaya ay mawawala, habang ang mga araw ng kabataa’y nagsasara ng kanilang mga pintuan sa likod mo, at ika’y napaka bilis na naging alipin sa iyong trabaho, sa iyong pagtaas, at iyong “karir.” Hinto! Huminto ngayon, habang may oras pa!

“Kayo'y mangagpighati, at magsihibik, at magsitangis: inyong palitan ang inyong pagtawa ng paghibik, at ang inyong kagalakan ng kalumbayan. Mangagpakababa kayo sa paningin ng Panginoon, at kaniyang itataas kayo” (Santiago 4:9-10).

Mangagpakababa kayo ngayon na sa paningin ng Diyos, habang kayo’y mga bata pa lamang. Naway di ninyo sabihin sa nalalapit na isang araw,

“Ang pagaani ay nakaraan, ang taginit ay lipas na, at tayo'y hindi ligtas” (Jeremias 8:20).

Nalalapit na ang pag-aani ay lilipas na para sa iyo. At hindi ka ligtas! Nalalapit na ang mga bagong mga araw ng iyong kabataan ay lilipas, hindi, ito’y lumilipas na. At ika’y “hindi ligtas.”

O, nagmamakaawa ako sa iyo, sumama kasama noong mga mahihirap na mga pastol. Hanapin ang Diyos kay Kristo hanggang sa mahanap mo Siya. Ibigay kay Hesus ang unang pwesto sa iyong puso at buhay. Magtiwala kay Hesus. Hindi ka Niya kailan man dadalhin sa kamalian. Ibibigay Niya sa Iyo kung ano ang pinaka-maigi para sa iyo. Magtiwala sa Kanya! Ilagay ang iyong tiwala sa Kanya! Huwag magtiwala sa sariling isip. Huwag magtiwala sa sariling mga plano at pagdadahilan. Sumama kasama ang mga pastol noong gabi ng Paskong iyon – at hayaan si Cesar Agostos at ang Haring Herodes magpatuloy sa kanilang daanan – sa Impiyerno! Hayaan silang pumunta sa lugar na iyon ng paghihirap dahil sila’y “magsisiasa sa mga kayamanan” (Marcos 10:24). Sumama sa mga pastol, at pabayaan ang mga manunulat at mga Fariseo sa kanilang sariling daan – tungo sa Impiyerno! Hayaan silang magpunta sa lugar ng paghihirap dahil nagtiwala sila sa “ligtas” na paraan ng buhay. Itaya ang lahat para kay Hesus! Iyang ang ibig-sabihin ng pagtitiwala sa Kanya! Magtiwala sa Kanya gamit ng iyong isip, magtiwala sa Kanya sa iyong puso. Magtiwala sa Kanyang ng iyong buong buhay. Hindi ka Niya ibibigo. Magtiwala sa Kanya! Iyan ang paki-usap ko sa iyo. At kapag magtiwala ka kay Hesus, ika’y lalabas sa mundo ni Cesar at Haring Herodes, sa mundo ng mga pastol, mga taong magpasawalang hanggang biniyayaan dahil nahanap nila ang Anak ng Diyos. Masmaiging manatiling mahirap at kilala si Hesus kay sa makamit ang lahat ng kayamanan ng mundo ng wala Siya. Kaya gustong-gusto ko ang lumang kanta ni George Beverly Shea,

Mas piliin kong makamit si Hesus kaysa pilak o ginto,
   Mas piliin kong makamit si Hesus kaysa mga kayamanang di mabilang,
Mas piliin kong makamit si Hesus kaysa kahit anong bagay
   Na namamagtaan ng mundong ito ngayon.
(“Mas Piliin Ko Si Hesus” isinalin mula sa “I’d Rather Have Jesus,”
   salita isinulat ni Rhea F. Miller, 1922; musika ni George Beverly Shea, 1909 - ).

II. Pangalawa, sila’y dalidaling nagsiparoon kay Hesus.

Tignan muli ang ating teksto sa Lucas 2:16. Magsi-tayo ang lahat at basahin ito ng malakas.

“At sila'y dalidaling nagsiparoon at nasumpungan kapuwa si Maria at si Jose, at ang sanggol na nakahiga sa pasabsaban”
      (Lucas 2:16).

Maaring magsi-upo. “Sila’y dalidaling nagsiparoon.” Hindi sila nag-antay. Nagmadali sila kay Hesus. Alam nila na masyado itong mahalaga upang pag-antayan, at mandaya, at ipagbaliban. Masyado itong mahalaga upang ipag-patagal pa. Kaya, narinig nila ang sermon mula sa anghel at nagmadali,

“At sila'y dalidaling nagsiparoon” (Lucas 2:16).

At, siyempre, nahanap nila si Hesus, gaya ng sinabi ng anghel. “At sila'y dalidaling nagsiparoon.” Nagpunta sila ng mabilis. Nahanap nila si Hesus.

Sinabi ko kanina na si Haring Herodes ay anim na milya lamang ang layo noong si Hesus ay ipinanganak. Alam ni Herodes kung asaan si Kristo. Dumating ang mga pantas na hinahanap Siya. Binasa ng mga manunulat ang prediksyon kay Herodes mula sa Mikas 5:2, na nagsabi na si Kristo ay ipapanganak sa Bethlehem. Ang prediksyon na iyan na ibinigay noon pa sa Lumang Tipan, sinabi nito,

“Nguni't ikaw, Beth-lehem Ephrata, na maliit upang lumagay sa libolibo ng Juda, mula sa iyo ay lalabas sa akin ang isa na magpupuno sa Israel; na ang pinagbuhatan niya ay mula nang una, mula nang walang hanggan” (Mikas 5:2).

Ngunit hindi pumunta si Herodes doon sa Bethlehem. Imbes ay,

“At pinayaon niya sila [ang mga pantas] sa Bet-lehem”
      (Mateo 2:8).

Alam ninyo ang nangyari. Tulad ng mga pastol, ang mga pantas ay nagpunta at nahanap si Hesus. Ngunit si Herodes ay hindi pumunta. Gayon, hindi niya kailan man nahanap si Kristo. Hindi nagtagal namatay siya. Nagpunta siya sa walang hangganan ng wala si Kristo.

Binabalaan kita ngayong umaga, hindi ka palaging maaring makalapit kay Kristo. Sinasabi ng Bibliya,

“Inyong hanapin ang Panginoon samantalang siya'y masusumpungan, magsitawag kayo sa kaniya samantalang siya'y malapit” (Isaias 55:6).

Ngunit hindi ginusto ni Herodes si Kristo. Gusto niya Siyang patayin. Ayaw niyang may ibang maging kanyang hari. Noong sa wakas na hinanap niya si Kristo, wala na Siya – sa lupain ng Egipto. Huli na para kay Herodes na mahahap si Kristo. Namatay siya ng isang kasuklamsuklam, walang-Kristong kamatayan.

“Inyong hanapin ang Panginoon samantalang siya'y masusumpungan, magsitawag kayo sa kaniya samantalang siya'y malapit” (Isaias 55:6).

Mayroong isang guhit, sa ating di nakikita,
   Na tumatawid sa bawat daan;
Ang nakatagong harang sa pagitan
   Ng pasiyensiya ng Diyos at Kanyang poot.

[Ang makasalanan] ay nakadarama na lahat ay mabuti,
   At ang bawat takot ay kalmado.
Nabubuhay siya, mamatay, gigising sa Impiyerno,
Hindi lang pinarusahan ngunit walang pag-asa.
(May-akda di kilala, mula sa aklat ni C. H. Spurgeon, “The Soul’s Crisis,”
   The Metropolitan Tabernacle Pulpit,
Pilgrim Publications, 1976 reprint,
      volume 15, pp. 707-708).

Mayroong linyang naguguhit sa pagtatanggi sa ating Panginoon,
vKung saan ang tawag ng Kanyang Espiritu ay nawawala,
At nagmamadali ka ng may ulol sa ligayang pulong —
   Nabilang mo na ba, nabilang mo na ba ang halaga?
Nabilang mo nab a ang halaga, kung ang iyong kaluluwa’y mawawala,
   Kahit na makuha mo ang mubdo para sa iyong sarili?
Kahit ngayon maari na ang linyang iyong tinawid,
   Nabilang mo na ba, nabilang mo na ba ang halaga?
(“Nabilang mo na ba ang halaga?” ni A. J. Hodge, 1923).

Ito ang panahon. Ito ang araw upang hanapin si Kristo. Lumapit sa Kanya na nagmamadali, gaya noong mga pastol noong panahon. Tapos ay magagawang mong sabihin,

Mas piliin kong makamit si Hesus kaysa pilak o ginto,
   Mas piliin kong makamit si Hesus kaysa mga kayamanang di mabilang,
Mas piliin kong makamit si Hesus kaysa kahit anong bagay
   Na namamagtaan ng mundong ito ngayon.
Kaysa maging hari ng malawak na lupain,
   O madakip sa nakakatakot na pagduyan ng kasalanan,
Mas piliin ko si Hesus kaysa kahit anong bagay
   Na namamagtaan ng mundong ito ngayon.
(“Mas Piliin Ko Si Hesus” isinalin mula sa “I’d Rather Have Jesus,”
   salita isinulat ni Rhea F. Miller, 1922; musika ni George Beverly Shea, 1909 - ).

Lupain ng mga diyamante, mga bundok ng ginto,
   Ilog ng pilak, kayamanang di mabilang;
Lahat ng itong pinagsama-sama’y di mabibili ikaw at ako
   Ng kapayapaan habang natutulog o isang konsiyensiyang malaya;
Isang puso na kontento, isang masayang isipan,
   Ito ang mga kayamanan na hindi mabibili ng pera.
Kung na sa iyo si Hesus, may mas higit na kayamanan sa iyong kaluluwa
   Kaysa lupain ng mga diyamante o mga bundok ng ginto
(“Lupain ng mga Diyamante” isinalin mula sa
    “Acres of Diamonds” ni Arthur Smith, 1959).

(KATAPUSAN NG PANGARAL)
Maari ninyong mabasa ang mga sermon ni Dr. Hymers linggo-linggo sa Internet
sa www.realconversion.com. I-klik ang “Mga Pangaral sa Tagalog.”

Pagbabasa ng Kasulatan Bago ng Pangaral ni Dr. Kreighton L. Chan: Lucas 2:1-18.
Kumanta ng Solo Bago ng Pangaral si Gg. Benjamin Kincaid Griffith:
“Mas Piliin Ko Si Hesus” isinalin mula sa “I’d Rather Have Jesus,”
(salita isinulat ni Rhea F. Miller, 1922; musika ni George Beverly
Shea, 1909 - )/ “Lupain ng mga Diyamante” isinalin mula sa
“Acres of Diamonds” (ni Arthur Smith, 1959).


BALANGKAS NG

DUMATING SILA NG MAY PAGMAMADALI –
ISANG PASKONG PANGARAL

ni Dr. R. L. Hymers, Jr.

“At sila'y dalidaling nagsiparoon at nasumpungan kapuwa si Maria at si Jose, at ang sanggol na nakahiga sa pasabsaban. At nang makita nila yaon, ay inihayag nila ang mga sinabi sa kanila tungkol sa sanggol na ito” (Lucas 2:16-17).

I.   Una, sila ay mahihirap, I Mga Taga Corinto 1:26-28, Lucas 2:8;
Genesis 4:2; 37:2; Exodus 3:1; I Samuel 16:11;
Lucas 1:53; Marcos 10:24-25; Lucas 2:8-11; Ecclesiastes 12:1;
Sa Mga Hebreo 3:15; Santiago 4:9-10; Jeremias 8:20.

II.  Pangalawa, sila’y dalidaling nagsiparoon kay Hesus, Mikas 5:2;
Mateo 2:8; Isaias 55:6.