Ang mga pangaral na manuskrito at mga videyo ay ngayon lumalabas sa 1,500,000 na mga kompyupter sa lampas na 221 na mga bansa kada taon sa www.sermonsfortheworld.com . Daan-daang iba ang nanonood ng mga videyo, sa YouTube, ngunit di nagtatagal ay iniiwan ang YouTube at nagpupunta sa aming websayt, dahil bawat pangaral ay nagtuturo sa kanila papalyo mula sa YouTube tungo sa aming websayt. Ang YouTube ay nagdadala ng mga tao sa aming websayt. Ang mga pangaral na manuskrito ay ibinibigay sa 46 na mga wika sa halos 120,000 na mga kompyuter kada buwan. Ang pangaral na manuskrito ay hindi nakarapatang magpalathala, kaya nagagamit ng mga mangangaral ang mga ito na walang pahintulot. Mayroong daan-daang mga videyo ni Dr. Hymers at ng kanyang mga estudyanteng nangangaral. Ang mga manuskrito ay hindi nakarapatang magpalathala, ngunit lahat ng mga videyo nakarapatang magpalathala. Paki-klik ito upang matutunan kung paano ka maaring gumawa ng isang buwan-buwanang donasyon upang tulungan kami sa dakilang gawaing ito ng pagkakalat ng Ebanghelyo sa buong mundo, kasama ang mga Muslim at mga Hindu na mga bansa.
Tuwing nagsusulat kay Dr. Hymers, laging sabihin sa kanya kung anong bansa ka nakatira, o hindi ka niya masasagot. Ang email ni Dr. Hymers’ ay rlhymersjr@sbcglobal.net .
ANG IKA-SANLIBONG TAONG KAHARIAN THE MILLENNIAL KINGDOM ni Dr. R. L. Hymers, Jr. Isang pangaral na ipinangaral sa Baptist Tabernacle ng Los Angeles “Magsidalangin nga kayo ng ganito: Ama namin na nasa langit ka, Sambahin nawa ang pangalan mo. Dumating nawa ang kaharian mo. Gawin nawa ang iyong kalooban, kung paano sa langit, gayon din naman sa lupa” (Mateo 6:9-10). |
Sa loob ng halos dalawang libong taon ay ipinagdasal ng mga Kristiyano “Dumating nawa ang kaharian mo. Gawin nawa ang iyong kalooban, kung paano sa langit, gayon din naman sa lupa.” Dinarasal natin ang “Panalangin ng Panginoon” sa katapusan ng pampamilyang debosyon sa aming tahanan bawat gabi. Ilan siguro’y magsasabi na iyan ay isa lamang ritwal, ngunit para sa akin ito ay isang tunay na panalangin at talagang pinaniniwalaan ko ang bawat salita nito. Ang matanda kong lola, ang ina ng aking ina, ay nalanangin ng “Panalangin ng Panginoon” kasama ko bawat gabi noong ako ay bata pa, at ito’y aking napagpatuloy sa buong buhay ko, bawat gabi bago ako magpunta sa kama. Sinabi ni Dr. J. Vernon McGee,
“Dumating nawa ang kaharian” ay ang kaharian na tinutukoy ni Mateo, ang kaharian kung alin si Kristo ay maghahanda sa lupang ito. Ito’y nararapat na hiling para sa ating lahat na ipanalangin (Isinalin mula sa isinulat ni J. Vernon McGee, Th.D., Thru the Bible, Thomas Nelson Publishers, 1983 edition, volume IV, p. 37; sulat sa Mateo 6:10).
Kapag dinadasal ko ang dasal na iyan, ako ay nagdarasal para sa Ika-sanlibong taon na Kahariang darating sa kalubusan nito kapag si Kristo’y babalik. Ang salitang “milenyo” ay nangangahulugang isang libo. Ang Griyegong salitang “chilia” (isang libo) ay ginamit ng anim na beses sa Apocalipsis 20:2-7. Ang mga Kristiyano ng una at pangalawang siglo ay pinaniniwalaang literal ang 1,000-taong paghahari ni Kristo sa lupang ito. Sila’y mga bagong mileniyalista [premillennialists]. Ang ibig sabihin nito’y ang mga naunang mga Kristiyano ay lahat umasang si Kristo ay babalik sa lupa upang itayo ang Kaharian. Ang “bago” sa “bagong mileniyalista” ay nangangahulugan na si Kristo ay babalik bago ng milenyo [ika-sanlibong taon] upang itayo ang Kanyang Kaharian. Si Papias (namatay A.D. 165) ay nagsabi, “Magkakaroon ng isang milenyo pagkatapos ng muling pakabuhay ng mga patay, kapag ang personal na paghahari ni Kristo ay maitatatag sa lupang ito.” Si Polypcarp (A.D. 70-156) ay nagsalita ng mga [Kristiyanong] naghahari kasama ni Kristo at ang katunayan na ang mga santo ay maghahatol ng mundo (tignan ang pinagsalinan na isinulat ni Henry C. Thiessen, Ph.D., Introductory Lectures in Systematic Theology, Eerdmans Publishing Company, 1949 edition, p. 470).
Ngunit sa loob ng mga panahon ilang mga namumunong mga Krisitiyano ay nagsisimulang magturo na ang Kaharian ay isang talinghaga kaysa literal. Sila’y nagsimulang magturo ng walang milenyalismo, nagsimula kay Clement ng Alexandria (A.D. 155-220) at lalo na kay Origen ng Alexandria (A.D. 185-254). Ang kanilang mga pagtuturo, alin ay tinalinghaga at i-nespiritwal ang 1,000-taong Kahariang ay nagtagumpay, at ang Kapulungan ng Roma sa ilalim ni Papa Damasus ay pormal na ikinondena ang bago ng mileniyong pananaw, alin ay tinawag na “Chiliasm,” sa A.D. 373. Gayon, ang Katolikong Simbahan ay naging mga naniniwalang walang milenyo, itinuro nila na walang pagbabalik ni Kristo upang itayo ang Kanyang sa lupang Kaharian, at na ang Romanong Katolikong Simbahan mismo ay dahan-dahang mapagbabagong loob ang mundo, at ang mga pangako ng Kaharian ay matutupad sa tagumpay ng Katolisismo. Ang pananaw na ito ay kilala bilang “walang mileniyalismo.” Ang salitang “wala” sa “walang milenyo” ay nangangahulugan na walang darating na sa lupang Kaharian. Ang “walang milenyalismo” ay nangagahulugan na “walang milenyong” Kaharian.
Si Daniel Whitby (A.D. 1638-1726) ay di naniniwala sa Santisima Trinidad na tinatanggi ang kabanalan ni Kristo. Ibinalik ni Whitby ang talinghagang paraan ng Origen, ngunit tinawag itong isang “bagong teorya.” Si Daniel Whitby, ang di naniniwala sa Santisima Trinidad na may maling pananampalataya, ay “nagturo na lahat ng pangako ng Kaharian ay dapat tanggapin sa isang ispiritwal at matalinghangang saysay…Siya ay madalas na tawaging ama ng modernong pagkatapos ng mileniyalismo” (Isinalin mula kay, Thiessen, p. 471). Ang pagkatapos ng mileniyalismo ay nagtuturo na si Kristo ay darating pagkatapos ng ika-sanlibong taon – pagkatapos na ang mga simbahan ay nakapagpabagong loob ng karamihan ng mundo. Ang pagkatapos na mileniyalismo ay, sa katotohanan, isa lamang modernong uri ng walang mileniyalismo. Tulad ng walang mileniyalismo, pinanghahawakan nito na walang panunumbalik ng Israel, na ang “simbahan” ay pumapalit sa Israel, na si Kristo ay hindi babalik ng nakikita sa lupang ito upang itayo ang Kanyang Kaharian, at na ipagpapabagong loob ng “simbahan” ang mundo, nagdadala sa loob ng isang gintong panahon. Sinabi ni Mal Couch,
Ang Unang Pandaigdigang Digmaan, at sa wakas ang Pangalawang Pandaigdigang Digmaan, ay halos tinapos ang mga pag-asa ng mga sumosoportasa tapos ng milenyo. Ang kalupitan ng sanglibutan ay ginawang malinaw at ang mga bagay ay hindi bumubuti, gaya ng itinuro [nila] (Isinalin mula sa isinulat ni Mal Couch, Ph.D., Tim LaHaye Prophecy Study Bible, AMG Publishers, 2000, p. 1398).
Katakataka, ang matalinghaga, ma-ispiritwal na pananaw ay mukhang bumabalik, kasama ng “pamapalit ng teolohiya” [ang “simbahan” pinapalitan ang Israel sa plano ng Diyos] na nagdedeklara na kaya ng “simabahang” “sakupin ang lipunan at ibalik ang katapatan” at itayo ang Kaharian (Isinalin mula kay Couch, ibid.). Ito ay aktwal na isang pagbalik sa Romanong Katolikong pananaw ng Kristiyanong “pagkatagumpay” at “pagkapalitan” ng mga Hudyo ng mga “simbahan” sa plano ng Diyos. Ito’y hindi kung ano ang itinuturo ng Bibliya.
Nagpupunta ko sa Golden Gate Baptist Theological Seminary (Katimugang Bautismo) noong ito pa ay malayong mas liberal pa kay sa ngayon ito. Natatandaan ko ang isang propesor na nagturo ng pagkawalang mileniyalismo at tapos ng mileniyaliasmo, na parang sila ay totoo. Pagkatapos minaliit niya at kinutyaan ang bago ng mileniyalismo, tinatawag itong “chiliasm,” at isang maling pananampalataya, at kinutya ito bilang isang bulaang doktrinang itinuturo sa Bibliyang Pang-aral na Scofield sa paksang ito ng napakadalas, na lumabas ako’t bumili ng isa sa pinaka-unang beses – at ginagamit ko na ito simula noon! Ako ay nangangaral mula sa Bibliyang Scofield nitong pinaka gabing ito, gaya ng ginagawa ko tuwing Linggo, dahil naniniwala ako sa bago ng mileniyal na pagbalik ni Kristo gaya ng pagkaturo nito sa Bibliyang Pang-aral na Scofield. Ako ay kumbinsido na ang Bibliya ay di nagtuturo ng pagkawalan ng mileniyalismo o tapos ng mileniyalismo.
Nitong huling Linggo ng gabi nakita natin ang tatlong dakilang katotohanan sa Zacarias 14:4-5, 9. Una, si Kristo ay babalik ng biglaan sa Bundok ng Olivo,
“At ang kaniyang mga paa ay magsisitayo sa araw na yaon sa bundok ng mga Olivo, na nasa tapat ng Jerusalem sa dakong silanganan…” (Zacarias 14:4).
Si Kristo ay babalik mula sa Langit, bababa sa parehong Bundok ng mga Olivo kung saan Siya ay pumaitaas. Sinabi ng mga anghel,
“Na nangagsabi naman, Kayong mga lalaking taga Galilea, bakit kayo'y nangakatayong tumitingin sa langit? itong si Jesus, na tinanggap sa langit mula sa inyo, ay paparitong gaya rin ng inyong nakitang pagparoon niya sa langit. Nang magkagayon ay nangagbalik sila sa Jerusalem buhat sa tinatawag na bundok ng mga Olivo, na malapit sa Jerusalem, na isang araw ng sabbath lakarin” (Mga Gawa 1:11-12).
“Ang kaniyang mga paa ay magsisitayo sa araw na yaon sa bundok ng mga Olivo” (Zacarias 14:4). Ang parehong paa na tinusok ng mga pako sa Krus ay bababa sa parehong bundok kung saan si Kristo ay pumaitaas pabalik sa Langit (Mga Gawa 1:9-12). Pangalawa, si Kristo ay babalik kasama ng lahat ng Kanyang mga santo.
“At ang Panginoon kong Dios ay darating, at ang lahat na banal na kasama niya” (Zacarias 14:5).
Ibig sabihin nito ay lahat ng naunang mga naagaw ng mga Kristiyano ay bubuhos mula sa ulap, kasunod ni Kristo. Ang pangyayaring ito ay unang hinulaan ni Enoc bago ng Pagbaha.
“At ang mga ito naman ang hinulaan ni Enoc, na ikapito sa bilang mula kay Adam, na nagsabi, Narito, dumating ang Panginoon, na kasama ang kaniyang mga laksalaksang banal” (Judas 14).
At ang Apostol na si Juan ay nagsalita nito sa Apocalipsis 19:14, “At ang mga hukbong nasa langit ay sumusunod sa kaniya,” habang Siya ay pababa mula sa Langit upang was akin ang mga hukbo ng Antikristo at itayo ang Kanyang sanlibong-taong sa lupang Kaharian. Pangatlo, sinasabi ng Zacarias 14:9 na si Kristo ay pagkatapos itatayo ang Kanyang Kaharian sa lupa,
“At ang Panginoo'y magiging Hari sa buong lupa: sa araw na yao'y magiging ang Panginoon ay isa, at ang kaniyang pangalan ay isa” (Zacarias 14:9).
Sa wakas ang panalangin ay naidasal na para sa dalawang libong taon ay masasagot na,
“Dumating nawa ang kaharian mo. Gawin nawa ang iyong kalooban, kung paano sa langit, gayon din naman sa lupa” (Mateo 6:10).
Panghuli, tinignan natin ang Apocalipsis 20, at gusto kong lumipat tayo doon muli ngayong gabi. Paki lipat sa Apocalipsis 20, nagsisimula sa berso isa. Narito ating natututunan ang dalawang mahalagang katotohanan tungkol sa pagbalik ng Kaharian.
I. Una, si Satanas ay gagapusin ng 1,000 taon.
“At nakita ko ang isang anghel na nananaog mula sa langit, na may susi ng kalaliman at isang malaking tanikala sa kaniyang kamay. At sinunggaban niya ang dragon, ang matandang ahas, na siyang Diablo at Satanas, at ginapos na isang libong taon, At siya'y ibinulid sa kalaliman at sinarhan, at tinatakan ito sa ibabaw niya, upang huwag ng magdaya sa mga bansa, hanggang sa maganap ang isang libong taon: pagkatapos nito ay kailangang siya'y pawalang kaunting panahon” (Apocalipsis 20:1-3).
Mapapansin na ang “isang libong taon” ay binanggit ng dalawang beses sa mga bersong isa at tatlo. Ang “isang libong taon” ay binanggit ng kabuuang anim na beses sa ika-dalawam pung kapitulo ng Apocalipsis. Sinabi ni Dr. McGee,
Ito’y totoo na ang Milenyo ay binanggit lamang sa isang kapitulo ngunit binanggit ito ng Diyos ng anim na beses [sa kapitulong iyon]. Ilang beses ba dapat Niyang sabihin ang isang bagay bago ito maging totoo? Nagbanggit Siya ng ilang ibang mga bagay na idiniin ng mga tao at naisip na mahalaga dahil lamang ito’y lumabas ng isa o dalawang beses sa Kasulatan. Anim na beses ang isang libong taon ay nabanggit, at dito ito’y may pag-kakaugnay sa Satanas (Isinalin mula sa isinulat ni McGee, ibid., volume 5, p. 1055; note on Revelation 20:1-3).
Ang pagkaliban ni Satanas mula sa lupa sa loob ng Kaharian ng Milenyo ay babaguhin ang mga kalagayan mula kadiliman tungo sa kaliwanagan. Hangga’t si Satanas ay nagpapatakbo sa mundong ito hindi maaring magkaroon ng perpektong Kaharian. Ang kagustuhan ng Diyos ay hindi matutupad “sa langit, gayon din naman sa lupa” (Mateo 6:10) hanggang sa si Satanas ay malaya sa mundong ito.
Isang anghel ay bababa ng may isang malaking kadena at gagapusin si Satanas sa buong panahon ng Ika-sanlibong Taong Kaharian ni Hesus.
“At nakita ko ang isang anghel na nananaog mula sa langit, na may susi ng kalaliman at isang malaking tanikala sa kaniyang kamay. At sinunggaban niya ang dragon, ang matandang ahas, na siyang Diablo at Satanas, at ginapos na isang libong taon, At siya'y ibinulid sa kalaliman at sinarhan, at tinatakan ito sa ibabaw niya, upang huwag ng magdaya sa mga bansa, hanggang sa maganap ang isang libong taon: pagkatapos nito ay kailangang siya'y pawalang kaunting panahon” (Apocalipsis 20:1-3).
Si Satanas ay itatapon sa “kailaliman at sinarhan” (Apocalipsis 20:3) sa loob ng ika-sanlibong taong Kaharian ni Kristo. Si Satanas ay makukulong sa “ikailaliman,” literal na sa “bangin.” Ito’y hindi ang Lawa ng Apoy. Si Satanas ay itatapon sa Lawa ng Apoy pagkatapos na ang Kaharian ni Hesus ay magsasara, sa katapusan ng isang libong taon. Anong kahiwagaan ng mundong ito kapag itatayo ni Kristo ang Kanyang Kaharian sa lupa. Si Satanas ay mawawala na dito upang tuksuhin at pahirapan tayo sa Kaharian n gating Diyos at Kanyang Kristo! Gaya ng paglagay nito ng lumang kanta,
Ang kapangyarihan ng Satanas ay malapit ng matapos,
O, na iya’y ngayon na!
Paghihirap at pagdaing ay wala na,
O, na iya’y ngayon na!...
Luwalhati, luwalhati! Ligaya sa aking puso ang dala nito.
Luwalhati, luwalhati! Kapag ang [Diyos] ay puputungan Siyang Hari.
Luwalhati, luwalhati! Magmadaling ihanda ang daan;
Luwalhati, luwalhati! Si Hesus ay darating balang araw.
(“Paano Kung Ngayon Ito?” isinalin mula sa
“What If It Were Today?” ni Lelia N. Morris, 1862-1929;
binago ng Pastor).
Si Satanas ay gagapusin sa ikailaliman sa buong panahon ng Kaharian! Anong mahiwagang pangako!
II. Pangalawa, ang Kaharian ni Kristo ay maitatayo
sa lupa ng isang libong taon.
Paki sundan ako sa inyong Bibliya habang aking binabasa ang Apocalipsis 20:4-6.
“At nakakita ako ng mga luklukan, at may mga nagsisiluklok sa mga ito, sila'y pinagkalooban ng paghatol: at nakita ko ang mga kaluluwa ng mga pinugutan ng ulo dahil sa patotoo ni Jesus, at dahil sa salita ng Dios, at ang mga hindi sumamba sa hayop, o sa kaniyang larawan man, at hindi tumanggap ng tanda sa kanilang noo at sa kanilang kamay; at sila'y nangabuhay, at nagsipagharing kasama ni Cristo sa loob ng isang libong taon. Ang mga iba sa mga patay ay hindi nangabuhay hanggang sa naganap ang isang libong taon. Ito ang unang pagkabuhay na maguli. Mapalad at banal ang makalakip sa unang pagkabuhay na maguli: sa mga ito'y walang kapangyarihan ang ikalawang kamatayan; kundi sila'y magiging mga saserdote ng Dios at ni Cristo, at mangaghaharing kasama niya sa loob ng isang libong taon” (Apocalipsis 20:4-6).
Sinasabi ng Tim LaHaye Prophecy Study Bible na ang mga bersong apat at lima ay tumutukoy noong bibitayin ng Antikristo sa loob ng Paghahapis dahil sa pagtatangging tanggapin ang marka sa kanilang kamay o noo. Sila ay katawang mabubuhay muli upang maghari kasami ni Kristo sa loob ng Kanyang isang libong taong Karahiran sa lupa (tignan ang pinagsalinang Tim LaHaye Prophecy Study Bible, AMG Publishers, 2000 edisiyon, p. 1399; sulat sa Apocalipsis 20:4-5). Sinasabi ng berso anim,
“Mapalad at banal ang makalakip sa unang pagkabuhay na maguli: sa mga ito'y walang kapangyarihan ang ikalawang kamatayan; kundi sila'y magiging mga saserdote ng Dios at ni Cristo, at mangaghaharing kasama niya sa loob ng isang libong taon.” (Apocalipsis 20:6).
Sinasabi ng Tim LaHaye Prophecy Study Bible sa bersong ito,
Ang “unang muling pagkabuhay” ay para sa mga nanampalataya at nangyayari sa tatlong hulugan: (1) Si Kristo bilang mga pangunahing bungga (I Cor. 15:20); (2) ang pag-aagaw…(I Cor. 15:23; I Tes. 4:13-18); (3) Mga santo ng paghahapis ay itataas sa harap ng Kaharian kasama ng Lumang Tipang mga santo (Mga Awit 50:1-6). Kasama sa muling pagkabuhay na ito ang lahat ng [napagbagong loob] na patay hanggang sa panahon ng pagbalik ni Kristo (isinalin mula sa ibid., p. 1400; sulat sa Apocalipsis 20:6).
Ang berso anim ay nagpapakita noong mga ibinangon sa “unang muling pagkabuhay,”
“Magiging mga saserdote ng Dios at ni Cristo, at mangaghaharing kasama niya sa loob ng isang libong taon” (Apocalipsis 20:6).
Anong mahiwagang bagay na kapawa-maghari kasama ni Kristo sa Kanyang Kaharian! Ngunit dapat tayo maging matagumpay upang magawa ito. Mababasa natin sa Apocalipsis 3:21,
“Ang magtagumpay, ay aking pagkakaloobang umupong kasama ko sa aking luklukan, gaya ko naman na nagtagumpay, at umupong kasama ng aking Ama sa kaniyang luklukan” (Apocalipsis 3:21).
Upang maging karapat dapat maghari kasami ni Kristo sa Kanyang Kaharian sa Lupa, dapat kang maging matagumpay. Ngunit upang maging matagumpay, dapat ka munang mapagbagong loob. Ginawa itong malinaw ni Hesus na ang unang hakbang sa pagpasok at paghahari sa Kaharian ay sa tunay na pagbabagong loob. Sinabi ni Hesus,
“Malibang kayo'y magsipanumbalik… hindi kayo magsisipasok sa kaharian ng langit” (Mateo 18:3).
Dapat mong maranasan ang tunay na pagbabagong loob o ika’y hindi makapapasok sa “kaharian ng langi,” at kung hindi ka papasok sa “kaharian ng langit” ika’y siguradong hindi makapapasok sa ika-sang libong taong Kaharian ni Kristo sa lupa! Kung gayon, iyong dapat hanapin ang tunay na pagbabagong loob kay Kristo higit sa lahat ng iba pang bagay sa buhay!
Tunay na pagbabagong loob ay madalas na kasama ang pagkakahanap ng pagkakasala muna, pagkatapos ay ang pagpupunyaging mapalaya ang iyong sarili mula sa kasalanan hanggang sa matanto mong hindi mo ito magagawa. Sa wakas, ang pagbabagong loob ay darating kapag isusuko mo ang iyong sarili, natatantong ika’y lubusang nasira, at pagkatapos ay lumapit kay Kristo upang mahugasan mula sa iyong kasalanan sa pamamagitan ng Kanyang Dugo. Kapag lalapit ka kay Kristo ang iyong mga kasalanan ay napagkakasundo dahil sa pamamagitan ng Kanyang kamatayan sa Krus. Kapag lalapit ka sa muling nabuhay na si Kristo sa Langit, at magpahinga sa Kanya sa pamamagitan ng pananampalataya sa Kanya lamang, ika’y makararanas ng tunay na pagbabagong loob at mag-uumpisang maging isang mapagtagumpay, na karapat dapat maghari kasama ni Kristo sa Kanyang Milenyong Kaharian sa lupa. Ngunit ang unang hakbang ay ang maghanap ng tunay na pagbabagong loob kay Kristo Hesus. Naway bigyan ka ng Diyos ng isang pagbabagong loob na karanasan kay Hesu-Kristo. Amen.
(KATAPUSAN NG PANGARAL)
Maari ninyong mabasa ang mga sermon ni Dr. Hymers linggo-linggo sa Internet
sa www.realconversion.com. I-klik ang “Mga Pangaral sa Tagalog.”
Pagbabasa ng Kasulatan Bago ng Pangaral ni Dr. Kreighton L. Chan: Apocalipsis 20:1-7.
Kumanta ng Solo Bago ng Pangaral si Gg. Benjamin Kincaid Griffith:
“Paano Kung Ngayon Ito” isinalin mula sa “What If It Were Today?”
(ni Lelia N. Morris, 1862-1929).
ANG BALANGKAS NG ANG IKA-SANLIBONG TAONG KAHARIAN ni Dr. R. L. Hymers, Jr. “Magsidalangin nga kayo ng ganito: Ama namin na nasa langit ka, Sambahin nawa ang pangalan mo. Dumating nawa ang kaharian mo. Gawin nawa ang iyong kalooban, kung paano sa langit, gayon din naman sa lupa” (Mateo 6:9-10). (Zacarias 14:4; Mga Gawa 1:11-12; Zacarias 14:5; Judas 14; I. Una, si Satanas ay gagapusin ng 1,000 taon, Apocalipsis 20:1-3. II. Pangalawa, ang Kaharian ni Kristo ay maitatayo sa lupa ng isang |