Ang mga pangaral na manuskrito at mga videyo ay ngayon lumalabas sa 1,500,000 na mga kompyupter sa lampas na 221 na mga bansa kada taon sa www.sermonsfortheworld.com . Daan-daang iba ang nanonood ng mga videyo, sa YouTube, ngunit di nagtatagal ay iniiwan ang YouTube at nagpupunta sa aming websayt, dahil bawat pangaral ay nagtuturo sa kanila papalyo mula sa YouTube tungo sa aming websayt. Ang YouTube ay nagdadala ng mga tao sa aming websayt. Ang mga pangaral na manuskrito ay ibinibigay sa 46 na mga wika sa halos 120,000 na mga kompyuter kada buwan. Ang pangaral na manuskrito ay hindi nakarapatang magpalathala, kaya nagagamit ng mga mangangaral ang mga ito na walang pahintulot. Mayroong daan-daang mga videyo ni Dr. Hymers at ng kanyang mga estudyanteng nangangaral. Ang mga manuskrito ay hindi nakarapatang magpalathala, ngunit lahat ng mga videyo nakarapatang magpalathala. Paki-klik ito upang matutunan kung paano ka maaring gumawa ng isang buwan-buwanang donasyon upang tulungan kami sa dakilang gawaing ito ng pagkakalat ng Ebanghelyo sa buong mundo, kasama ang mga Muslim at mga Hindu na mga bansa.
Tuwing nagsusulat kay Dr. Hymers, laging sabihin sa kanya kung anong bansa ka nakatira, o hindi ka niya masasagot. Ang email ni Dr. Hymers’ ay rlhymersjr@sbcglobal.net .
ANG NAKALILIGTAS NA PANANAMPALATAYA AT SAVING FAITH AND DECISIONISM CONTRASTED ni Dr. R. L. Hymers, Jr. Isang pangaral na ipinangaral sa Baptist Tabernacle ng Los Angeles “Manampalataya ka sa Panginoong Jesus, at maliligtas ka, ikaw at ang iyong sangbahayan” (Mga Gawa 16:31). |
Ang mga kaisipang na nilalaman ng pangaral na ito ay kinuha mula sa “Ang Daan ng Pananampalataya,” [“The Way of Faith”] alin ay isinulat ni Dr. Phil A. Newton, isang Nabagong Bautismong mangangaral sino ay ang namumumong pastor ng South Woods Baptist Church sa Memphis, Tennessee. Ang kanyang mga kumento ay ibinigay sa isa sa mga kapitulo sa kanyang libro, “Ang Daan ng Pananampalataya,” (Isinalin mula sa Founders Press, Cape Coral, Florida, 2002, pp. 21-25). Habang aking nakikita ang aking sarili bilang katamtamang Nabago, ngunit hindi lubusang nanghahawak ng lahat ng maselang punto ng Kalvinismo gaya ni Dr. Newton, nakikita na ang kanyang sinusulat sa kapitulong ito ay puno ng malalim na paningin tungkol sa nakaliligtas na pananampalataya, na ibinigay ng Diyos sa mga napili, yaong mga napili ng Diyos para sa kaligtisan.
Ipinunto ni Dr. Newton na mayroong mga kanyang tinatawag na, apat na uri ng “pananmpalataua.” Tatlo sa apat ng mga uri ng pananampalataya ipinaliwanag ni Dr. Newton ay hindi nadadala sa kaligtasan – ngunit sa Impiyerno, dahil ang nakaliligtas na pananampalataya ay madalas mali ang pagkaintindi at kung gayon ay hindi nagdadala sa tunay na pagbabagong loob kay Kristo Hesus.
I. Ang unang uri ng bulaang uri ng pananampalataya ay ang tinatawag ni Dr. Newton na “makasaysayang pananampalataya.” Ito ay tumutukoy sa isang taong naniniwala sa makasaysayang mga
katunayan ng Bibliya, at iyan lang.
Ang isang taong hindi lumalampas sa paniniwala ng sinasabi ng Bibliya tungkol sa pananampalataya kay Kristo ay nagkukulang ng tunay na pananampalataya at tunay na pagbabagong loob. Ang taong simpleng naniniwala lamang sa Bibliya ay mayroong isang uri ng pananampalataya na isang makasaysayang pananampalataya; ito’y umuugat sa kanyang paniniwala sa Bibliya, ngunit ito’y lumalampas sa diyan. Ang problema sa makasasayang pananampalataya ay hindi ka nito maliligtas. Ang mga bumagsak na mga demonyo ay mayroon nitong uri ng pananampalataya – ngunit hindi sila ligtas. Sinasabi ng Bibliya,
“Ikaw ay sumasampalataya na ang Dios ay iisa; mabuti ang iyong ginagawa: ang mga demonio man ay nagsisisampalataya, at nagsisipanginig” (Santiago 2:19).
Kaya, ang isang tao na ang pananampalataya ay nakasalalay lamang sa sinasabi ng Bibliya ay ang tinatawag ni Dr. Newton na “makasaysayang pananampalataya,” ang pananampalataya na nakasalalay lamang sa mga makasaysayang dokumento ng Bibliya. Madalas nilang sabihin ang mga bagay tulad ng “Ito’y sinabi ng Diyos, naniniwala ako rito, iya’y pinatuwid nito.” Ngunit sila’y mali dahil ang paninilwa sa mga makasaysayang salaysay sa Bibliya ay hindi nakaliligtas na kahit sino! Sinaway ni Hesus ang mga Fariseo dahil, kahit na mayroon silang pananampalataya sa Bibliya, “makasaysayang pananampalataya,” wala silang nakaliligtas na pananampalataya kay Kristo Mismo. Si Kristo ay nagbigay ng isang nakangungutyang pagsaway sa mga Fariseo noong sinabi Niyang,
“Saliksikin ninyo ang mga kasulatan, sapagka't iniisip ninyo na sa mga yaon ay mayroon kayong buhay na walang hanggan; at ang mga ito'y siyang nangagpapatotoo tungkol sa akin. At ayaw kayong magsilapit sa akin, upang kayo'y magkaroon ng buhay. (Juan 5:39-40).
Ang mga Fariseo ay naniniwala sa Bibliya, ngunit hanggang doon lamang iyon. Kumapit sila sa isang “makasaysayang pananampalataya” sa Bibliya, ngunit tumanggi silang lumayo pa rito, sa isang personal na pananampalataya sa Panginoong Hesu-Kristo Mismo. Ang mga taong tulad nito sa ating simbahan ay hindi kailan man lumalampas sa pananampalataya sa Bibliya tungo sa nakaliligtas na pananampalataya kay Kristo na tinutukoy ng Bibliya. Nagbigay sila ng patunay sa teksto upang subukang magpakita na ang paniniwala sa Bibliya, hindi, paniniwala sa “plano ng kaligtasan,” ay isang kapalit para sa nabubuhay na pananampalataya kay Kristo Mismo. Libo libong mga ebangheliko ay di kailan man lumalampas sa kanilang paniniwala sa Bibliya sa isang lubusang kaalaman kay Kristo Mismo. Gayon sila’y nadadapa sa “bato ng pagsasalangsang” at di kailan man nakararanas ng tunay na pagbabagong loob. Ang pagkakaroon ng kaalaman sa mga bagay tungkol kay Kristo ay isang mahinang kapalit para sa pagkilala kay Kristo Mismo! Ito simpleng pananampalataya sa kasaysayan at mga salita ng Bibliya na walang kahit ano mang kaalaman kay Kristo Mismo. Sinasabi ng Bibliya, labag rito,
“At ito ang buhay na walang hanggan, na ikaw ay makilala nila na iisang Dios na tunay, at siyang iyong sinugo, sa makatuwid baga'y si Jesucristo” (Juan 17:3).
Ang walang hanggang buhay ay lubos na kaligtasan ay dumarating lamang sa pamamagitan ng isang personal na kasaysayan kay Hesi-Kristo, at sa walang iba pang paraan. Hindi ka maaring maligtas sa pamamagitan ng pagbabasa at pag-aaral ng Bibliya, at paniniwala nito. Ang layunin ng Bibliya ay ang maurong ka lampas sa isang simpleng pagkakasundo, o paniniwala sa mga salita nito. Ang tunay na layunin ng Bibliya ay ang dalhin ka harap harapan sa isang pagtatagpo sa may-akda ng Bibliya, si Kristo Mismo. Maari kang magkaroon matinding kaalaman ng Bibliya at hindi makilala si Kristo Mismo. Ito’y ang pagkakamali ng mga Fariseo at ito ang parehong pagkakamaling nagagawa ng libo libong mga ebanghelikal ngayon. “Makasaysayang pananampalataya,” pananampalataya sa Bibliya lamang, ay di kailan man nakaliligtas ng sino man. Si Kristo Mismo ay ang Tagapagligtas, hindi ang mga salita ng Kasulatan. Ginawang malinaw ito ng Apostol Pablo noong sinabi niyang,
“Ang mga banal na kasulatan na makapagpadunong sa iyo sa ikaliligtas sa pamamagitan ng pananampalataya kay Cristo Jesus” (II Timoteo 3:15).
Ang layunin ng pag-aaral ng Bibliya ay hindi simpleng isang katapusang mismo. Ang layunin ng Bibliya ay ang ituro ka sa “pananampalataya kay Cristo Jesus.” Siya ang Tagapagligtas. Itinuturo ka ng Bibliya sa Kanya para sa kaligtasan. Siyang tumitigil lamang sa simpleng paniniwala sa Bibliya ay hindi makukumbinsing humanap ng kaalaman ukol kay Kristo Mismo. Sa Huling Paghahatol, ang isang taong tulad nito ay matutuklasan na ang kanyang “makasaysayang pananampalataya” ay walang saysay kapag sinabi ni Kristo sa kanya na siya ay,
“Na laging nagsisipagaral, at kailan pa man ay hindi nakararating sa pagkaalam ng katotohanan” – kay Kristo (II Timoteo 3:7).
“At ang mga ito'y mangapaparoon sa walang hanggang kaparusahan” (Mateo 25:46).
Kaya, ang unang uri ng bulaang pananampalataya ay paniniwala lamang sa Bibliya o plano ng kaligtasan sa Bibliya. Ang ganoong uri ng pananampalataya ay hindi makaliligtas. Sinasabi sa Bibliya na dapat kang maniwala kay Kristo Mismo.
“Manampalataya ka sa Panginoong Jesus, at maliligtas ka”
(Mga Gawa 16:31).
II. Ang pangalawang uri ng bulaang pananampalataya ay ang
tinatawag ni Dr. Newton na “milagrosong pananampalataya.”
Ito’y naglalarawan doon sa mga mayroong mga milagrong nasagawa, o mayroong mga panalanging na sagot, at dahil rito naniwala sila na sila ay naligtas. Nagbabala si Hesus laban sa bulaang pananampalataya sa Mateo 7:21-23, kung saan sinabi ni Kristo,
“Hindi ang bawa't nagsasabi sa akin, Panginoon, Panginoon, ay papasok sa kaharian ng langit; kundi ang gumaganap ng kalooban ng aking Ama na nasa langit. Marami ang mangagsasabi sa akin sa araw na yaon, Panginoon, Panginoon, hindi baga nagsipanghula kami sa iyong pangalan, at sa pangalan mo'y nangagpalayas kami ng mga demonio, at sa pangalan mo'y nagsigawa kami ng maraming gawang makapangyarihan? At kung magkagayo'y ipahahayag ko sa kanila, Kailan ma'y hindi ko kayo nangakilala: magsilayo kayo sa akin, kayong manggagawa ng katampalasanan” (Mateo 7:21-23).
Sinabi ni Dr. Newton,
Sumunod si Hudas Escariote kay Hesu-Kristo ng tatlong taon at kasapi sa paggawa ng mga milagrosong mga gawain. Gayon man siya ay nasawi sa impiyerno! Ginaya ng mga mahikero ng Paraon ang mga milagro ni Moises sa panahong iyon, gayon sila’y sa ano mang paraan di mga mananampalataya! Si Hesus ay nagbabala laban sa ganitong uri ng bulaang pananampalataya sa Mateo 7:21-23 (Isinalin ibid.).
“At kung paanong si Janes at si Jambres ay nagsilaban kay Moises, ay gayon din naman ang mga ito'y nagsisilaban sa katotohanan; mga taong masasama ang pagiisip, mga itinakuwil tungkol sa pananampalataya” (II Timoteo 3:8).
Ibinigay ni Dr. J. Vernon McGee ang kumentong ito sa II Timoteo 3:8,
Ang paliwanag sa Exodo [ni Janes at Jambres] ay nagbubunyag na si Satanas ay mayroong kapangyarihan, di- natural na kapangyarihan, at siya ay isang dakilang manggagaya – ginagaya niya ang mga bagay na ginagawa ng Diyos. Kaya ni Janes at Jambres gumawa ng mga milagro sa pamamagitan ng kapangyarihan ni Satanas. Ginwa ni Moises ang mga ito sa pamamagitan ng Diyos. Ito sa aking paniwala, ay ang dahilan ang pagtukoy ay nagawa tungkol sa kanila rito. Kailangan nating maintindihan sa ating panahon na kaya ni Satanas gayahin ang kapangyarihan ng Diyos…Sa ating panahon natatakot ako na sa maraming mga lugar mali ang pagkakaintindi sa isang tanda ng kapangyarihan bilang nanggagaling sa Diyos kahit na ito’y nanggagaling talaga mula kay Satanas (Isinalin mula sa isinulat ni J. Vernon McGee, Th.D., Thru the Bible, Thomas Nelson Publishers, 1983, volume 5, page 471; sulat sa II Timoteo 3:5).
Gayon, ang bulaang pananampalataya ay nakasalalay sa mga tanda, milagro at mga nasagot na panalangin ay hindi isang nakaliligtas na pananampalataya. Ang kaligtasan ay dumarating lamang ito sa pamamagitan ng pagsasalalay kay Kristo Mismo.
“Manampalataya ka sa Panginoong Jesus, at maliligtas ka, ikaw at ang iyong sangbahayan” (Mga Gawa 16:31).
III. Ang pangatlong uri ng bulaang pananampalataya ay ang tinatawag
ni Dr. Newton na “pansamantalang pananampalataya.”
Sa Mateo 13:20-21 sinabi ni Kristo,
“At ang nahasik sa mga batuhan, ay yaong nakikinig ng salita, at pagdaka'y tinatanggap ito ng buong galak; Gayon ma'y wala siyang ugat sa kaniyang sarili, kundi sangdaling tumatagal; at pagdating ng kapighatian o pag-uusig dahil sa salita, ay pagdaka'y natitisod siya” (Mateo 13:20-21).
Sa Lucas 8:31 sinabi ni Kristo,
“At ang mga sa batuhan, ay yaong mga pagkarinig, ay tinatanggap na may galak ang salita; at ang mga ito'y walang ugat, na sila sa sangdaling panaho'y nagsisisampalataya, at sa panahon ng tukso ay nagsisihiwalay” (Lucas 8:13).
Ibinigay ni Dr. Rienecker sa ang kumentong ito sa “[pagsisihiwalay]” – “paglayo, pagsuko” mula sa lokal na Bagong Tipan sa simbahan at sa tunay na ebanghelyong ipinangangaral nito (Isinalin mula sa sinabi ni Fritz Rienecker, Ph.D., Linguistic Key to the Greek New Testament, Zondervan Publishing House, 1980 edition, p. 161; sulat sa Lucas 8:13). Sinabi ni Dr. Newton,
Mayroong pansamantalang pananampalataya, na nagtatagal ng panandalian, at pagkatapos ay kumukupas dahil wala itong ano mang kinaugatan…Ang ibang mga tao ay mayroong relihiyosong karanasan o matinding katuwaan tungkol sa Kristiyanong buhay, kung posible kahit sa paggawang publiko ang paghahayag ng pananampalataya. Ngunit ang Salita ng Diyos ay hindi matibay na umuugat sa kanyang buhay…ang uri ng taong ito madaling kumukupas kapag ang mga hinihingi ng buhay Kristiyano ay humaharap sa kanya. Ang uri ng pananampalatayang ito ay hindi nakaliligtas (isinalin mula sa ibid.).
Ang pansamantalang “pananampalataya” ay walang pinagmumulan kay Kristo. Si Kristo ay wala sa sentro. Ang pansamantalang “pananampalataya” ay nakabase sa isang emosyonal na pakiramdam, pakikipagkaibigan sa simbahan, o ibang mga pisikal o emosyonal na dahilan. Si Kristo ay wala sa sentro, kaya ito’y hindi nakaliligtas na pananampalataya. Ito lamang ay pansamantalang “pananampalataya.”
“Manampalataya ka sa Panginoong Jesus, at maliligtas ka, ikaw at ang iyong sangbahayan” (Mga Gawa 16:31).
Lahat ng mga ito ay bulaang mga “pananampalataya.” Ang bulaang “pananampalataya” ay hindi makaliligtas sa iyo. “Pananampalatayang” nakabase lamang sa mga berso sa Bibliya at hindi naka-sentro kay Kristo ay hindi makaliligtas sa iyo. “Pananampalatayang” nakabase sa isang milagro, o isang nasagot na panalangin, ay hindi makaliligtas sa iyo. “Pananampalatayang” pansamantala lamang ay di makaliligtas sa iyo. Ngunit ang pang-apat na uri ng pananampalataya ay tunay na nakaliligtas na pananampalataya.
IV. Ang pang-apat na uri ng pananampalataya ay tinatawag ni Dr. Newton
na “nagpapatunay – nakaliligtas na pananampalataya.”
Sinabi niya,
Nagpapatunay…nakaliligtas na pananampalataya…ay isang aguinaldo ng Diyos na binigay sa atin na tayo sana’y maniwala sa Tao at Gawa ni Kristo sa ating pakinabang.
“Sapagka't sa biyaya kayo'y nangaligtas sa pamamagitan ng pananampalataya; at ito'y hindi sa inyong sarili, ito'y kaloob ng Dios; Hindi sa pamamagitan ng mga gawa, upang ang sinoman ay huwag magmapuri” (Mga Taga Efeso 2:8-9).
Sinabi ni Dr. Newton,
Ang nakaliligtas na pananampalataya ay hindi lamang isang pagkilala sa makasaysayang mga katotohanan ni Hesu-Kristo. Karamihan sa mga tao ay kikilalanin ito gayon ay mananatiling ligaw…Ang nakaliligtas na pananampalataya ay hindi lamang simpleng pagkilala na si Hesus ay ang Tagapagligtas o na si Hesus ay makaliligtas. Ni nakaliligtas na pananampalataya o simpleng pananampalataya sa pananampalataya man sa isang panalangin sa isang paghahayag [desisyon] o pananampalataya sa iyong sariling plano ng kaligtasan…Tunay na pananampalataya…ay kapag ang makasalanan ay napakumbabang nagtitiwala kay Hesu-Kristo lamang…pagpapatunay sa pananampalataya ay kasama sa isang kumpletong pagsalalay kay Hesu-Kristo…Iyan ang ibig sabihin ng pananampalataya o paniniwala, isang lubusang pagsalalay o pagtiwala [kay Hesu-Kristo]. Noong ang Filipianong tagabilanggo’y nagtanong kay Paul at Silas kung ano dapat ang kanyang gawin upang maligtas, sumagot sila [“Manampalataya ka sa Panginoong Jesus, at maliligtas ka, ikaw at ang iyong sangbahayan,” Mga Gawa 16:31]…Kapag ang isang tao ay lumapit kay Hesu-Kristo sa pananampalataya, nakikilala…niya si Kristo sa isang ibang paraan…ngayon siya ay pumapasok sa isang nabubuhay, nag-babagong kaugnayan kay Hesu-Kristo. Pinalaya siya ni Hesus mula sa kapangyarihan ng kasalanan, kaya si Hesus ngayon ay isang Tagapalaya. Ginamit ni Hesus ang Kanyang dugo at kabanalan sa kanyang buhay at dineklara siyang banal sa harap ng Diyos, kaya si Hesus ngayon ay Kanyang Tagapagligtas. Inilatag ni Hesus ang Kanyang pag-aangkin sa kanyang buhay ng walang katupusan sa pamamagitan ng Kanyang pagsasakripisiyong kamatayan at makapangyarihang muling pagbabangon, kaya si Hesus ngayon ay kanyang Panginoon (isinalin mula sa ibid.).
“Manampalataya ka sa Panginoong Jesus, at maliligtas ka, ikaw at ang iyong sangbahayan” (Mga Gawa 16:31).
Kinanta ni Gg. Griffith “Ako’y Darating Panginoon” bago ko ipangaral ang sermon. Naway ang mga salita ng himnong ito ay maging isang katotohanan sa iyong buhay:
Narinig ko ang Iyong umaalok na tinig
Na tumatawag sa akin, Panginoon, sa Iyo,
Para sa paglilinis ng Iyong mahal na dugo
Na umaagos sa Kalbaryo.
Ako’y darating, Panginoon!
Lalapit ngayon sa Iyo!
Hugasan ako, linisin ako sa dugo
Na umaagos sa Kalbaryo
(“Ako’y Darating Panginoon” isinalin mula sa
“I Am Coming, Lord” ni Lewis Hartsough, 1828-1919).
Ang taong mayroong tunay na nakaliligtas na pananampalataya ay hindi madaling malilimot ng mga paglilingkod sa simbahan, lalo na sa Pasko at Bagong Taon. Yaong makalilimot ng mga nakapagpaparangal kay Kristong mga paglilingkod ng kaunti ay madalas mayroon lamang kung anong tinatawag ni Dr. Newton na “pansamantalang pananampalataya,” at “Sa oras ng tukso” sa Pasko at Bagong Taon, sila’y “[magsisihiwalay],” mula sa lokal na simbahan na kanilang pinupuntahan. Panalangin naming na ika’y hindi maging isa sa kanila, kundi na iyong malalabanan ang tukso at makasama naming para sa nakatutuwa, nakapupuri kay Kristong mga paglilingkod dito sa simbahan sa Pasko at Bagong Taon. Naway sagutin ng Diyos an gaming mga panalangin para sa iyo. Naway maipasa malipasan mo mahalagang pagsubok ng pananampalataya. Sa ngalan ni Hesus, Amen.
(KATAPUSAN NG PANGARAL)
Maari ninyong mabasa ang mga sermon ni Dr. Hymers linggo-linggo sa Internet
sa www.realconversion.com. I-klik ang “Mga Pangaral sa Tagalog.”
Pagbabasa ng Kasulatan Bago ng Pangaral ni Dr. Kreighton L. Chan:
Mga Taga Efeso 2:5-9.
Kumanta ng Solo Bago ng Pangaral si Gg. Benjamin Kincaid Griffith:
“Ako’y Darating Panginoon” isinalin mula sa
“I Am Coming, Lord” (ni Lewis Hartsough, 1828-1919).
ANG BALANGKAS NG ANG NAKALILIGTAS NA PANANAMPALATAYA AT ni Dr. R. L. Hymers, Jr. “Manampalataya ka sa Panginoong Jesus, at maliligtas ka, ikaw at ang iyong sangbahayan” (Mga Gawa 16:31). I. Ang unang uri ng bulaang uri ng pananampalataya ay ang tinatawag
II. Ang pangalawang uri ng bulaang pananampalataya ay ang tinatawag
III. Ang pangatlong uri ng bulaang pananampalataya ay ang tinatawag ni
IV. Ang pang-apat na uri ng pananampalataya ay tinatawag ni Dr. Newton
|