Ang mga pangaral na manuskrito at mga videyo ay ngayon lumalabas sa 1,500,000 na mga kompyupter sa lampas na 221 na mga bansa kada taon sa www.sermonsfortheworld.com . Daan-daang iba ang nanonood ng mga videyo, sa YouTube, ngunit di nagtatagal ay iniiwan ang YouTube at nagpupunta sa aming websayt, dahil bawat pangaral ay nagtuturo sa kanila papalyo mula sa YouTube tungo sa aming websayt. Ang YouTube ay nagdadala ng mga tao sa aming websayt. Ang mga pangaral na manuskrito ay ibinibigay sa 46 na mga wika sa halos 120,000 na mga kompyuter kada buwan. Ang pangaral na manuskrito ay hindi nakarapatang magpalathala, kaya nagagamit ng mga mangangaral ang mga ito na walang pahintulot. Mayroong daan-daang mga videyo ni Dr. Hymers at ng kanyang mga estudyanteng nangangaral. Ang mga manuskrito ay hindi nakarapatang magpalathala, ngunit lahat ng mga videyo nakarapatang magpalathala. Paki-klik ito upang matutunan kung paano ka maaring gumawa ng isang buwan-buwanang donasyon upang tulungan kami sa dakilang gawaing ito ng pagkakalat ng Ebanghelyo sa buong mundo, kasama ang mga Muslim at mga Hindu na mga bansa.
Tuwing nagsusulat kay Dr. Hymers, laging sabihin sa kanya kung anong bansa ka nakatira, o hindi ka niya masasagot. Ang email ni Dr. Hymers’ ay rlhymersjr@sbcglobal.net .
ANG SA LUPANG KAHARIAN NI KRISTO CHRIST’S EARTHLY KINGDOM ni Dr. R. L. Hymers, Jr. Isang pangaral na ipinangaral sa Baptist Tabernacle ng Los Angeles “At ang kaniyang mga paa ay magsisitayo sa araw na yaon sa bundok ng mga Olivo, na nasa tapat ng Jerusalem sa dakong silanganan; at ang bundok ng mga Olivo ay mahahati sa gitna niya, sa dakong silanganan at sa dakong kalunuran, at magiging totoong malaking libis; at ang kalahati ng bundok ay malilipat sa dakong hilagaan, at ang kalahati ay sa dakong timugan. At kayo'y magsisitakas sa libis ng aking mga bundok; sapagka't ang libis ng mga bundok ay magsisiabot hanggang sa Azel; oo, kayo'y magsisitakas gaya nang kayo'y tumakas mula sa lindol nang mga kaarawan ni Uzzias na hari sa Juda; at ang Panginoon kong Dios ay darating, at ang lahat na banal na kasama niya… At ang Panginoo'y magiging Hari sa buong lupa: sa araw na yao'y magiging ang Panginoon ay isa, at ang kaniyang pangalan ay isa” (Zakarias 14:4-5, 9). |
Sa susunod na Linggo tayo’y mag-uumpisang mag-isip tungkol sa unang pagdating ni Kristo. Halos lahat ay nakarinig ng tungkol sa unang pagdating ni Kristo, ipinadala ng Diyos mula sa sinapupunan ng Birheng Maria, ipinanganak sa sa isang sabsaban sa Bethlehem. Oo, lahat kayo’y nadinig ang tungkol sa unang pagdating ni Kristo. At, gayon man ang mga sipi sa Bibliya patungkol sa Kanyang Pangalawang Pagdating ay lumalampas sa bilang sa mga sipi sa Kanyang unang pagdating ng mga walo sa isa. Sinabi ni Dr. David Jeremiah,
Binibilang ng mga dalubhasang mga 1,845 na pagsisipi sa bibliya sa Pangalawang Pagdating, kasama ang 318 sa Bagong Tipan. Ang Kanyang pagdating ay nakadiin sa mas kaunti sa labin pitong mga libro sa Lumang Tipan at pito sa bawat sampung kapitulo sa Bagong Tipan. [Si Kristo] Mismo ay tumukoy sa Kanyang pagbalik ng dalawampu’t isang beses. Ang Pangalawang Pagdating ay pangalawa lamang sa pananmpalatay bilang pinaka-nangungunang paksa sa Bagong Tipan (Isinalin mula sa isinulat ni David Jeremiah, D.D., What in the World is Going On?, Thomas Nelson Publishers, 2008, page 217).
Isa sa pinaka malinaw na mga bahagi ng Kasulatan tungkol sa Pangalawang Pagdating ni Kristo sa ating teksto, Zakarias 14:4-5,9. Natututunan natin ang tatlong pinaka dakilang pangaral mula sa tekstong ito.
I. Una, si Kristo ay babalik sa Bundok ng Olivo.
Ako ay nakumbinse na ang sulat sa Scofield ay tiyak na tumpak.
Ang Zekarias 14 ay isang muling pagtinggin sa buong paksa. Ang ayos [ng mga pangyayari] ay: (1) Ang pagpupulong ng mga bansa, berso 2 (tignan ang “Armageddon,” Apocalipsis 16:14; 19:11, sulat); (2) ang pagpapalaya, berso 3; (3) ang pagbalik ni Kristo sa Bundok ng Olivo, at ang pisikal na pagbabago ng pagyayari, berso 4-8; (4) ang paghahanda ng kaharian, ang lubusang pagpapala sa lupa, berso 9-21 (Isinalin mula sa The Scofield Study Bible, 1917 edisiyon, p. 978; sulat sa Zakarias 13:8).
Ang Gentil na pandaigdigang kapangyarihan, ay pinamumunuan ng Antikristo, ay magpapadala ng kanilang mga hukbo laban sa Israel sa lambak ng Megiddo, kilala bilang Armageddon. Ang hukbo ng Antikristo ay lalapit sa Jerusalem, ngunit si Kristo ay babalik bigla mula sa ulap at sasakupin sila. Magsi-tayo ay basahin ang Zakarias 14:3-4.
“Kung magkagayo'y lalabas ang Panginoon, at makikipaglaban sa mga bansang yaon, gaya nang siya'y makipaglaban sa araw ng pagbabaka. At ang kaniyang mga paa ay magsisitayo sa araw na yaon sa bundok ng mga Olivo, na nasa tapat ng Jerusalem sa dakong silanganan; at ang bundok ng mga Olivo ay mahahati sa gitna niya, sa dakong silanganan at sa dakong kalunuran, at magiging totoong malaking libis; at ang kalahati ng bundok ay malilipat sa dakong hilagaan, at ang kalahati ay sa dakong timugan” (Zakarias 14:3-4).
Maari ng magsi-upo.
“Ang kanyang paa ay tatayo sa araw na iyon sa ibabaw ng bundok ng mga Olivo” (Zakarias 14:4). Ang Bundok ng mga Olivo ay nasa silangan lamang ng Jerusalem. Ito ang parehong Bundok ng mga Olivo kung saan si Hesus ay pumunta upang magdasal sa gabing Siya ay dinakip. Ito ang parehong Bundok ng mga Olivo kung saan si Hesus ay umakyat sa Langit, gaya ng naitala sa Mga Gawa 1:9-12.
“At pagkasabi niya ng mga bagay na ito, nang siya'y tinitingnan nila, ay dinala siya sa itaas; at siya'y tinanggap ng isang alapaap at ikinubli sa kanilang mga paningin. At samantalang tinititigan nila ang langit habang siya'y lumalayo, narito may dalawang lalaking nangakatayo sa tabi nila na may puting damit; Na nangagsabi naman, Kayong mga lalaking taga Galilea, bakit kayo'y nangakatayong tumitingin sa langit? itong si Jesus, na tinanggap sa langit mula sa inyo, ay paparitong gaya rin ng inyong nakitang pagparoon niya sa langit. Nang magkagayon ay nangagbalik sila sa Jerusalem buhat sa tinatawag na bundok ng mga Olivo, na malapit sa Jerusalem, na isang araw ng sabbath lakarin” (Mga Gawa 1:9-12).
“Ang kaniyang mga paa ay magsisitayo sa araw na yaon sa bundok ng mga Olivo” (Zakarias 14:4). Ang parehong mga paa na natusok ng pako sa Krus ay bababa sa parehong bundok kung saan Siya ay tataas pabalik sa Langit sa Mga Gawa 1:9.
“At ang bundok ng mga Olivo ay mahahati sa gitna niya, sa dakong silanganan at sa dakong kalunuran, at magiging totoong malaking libis; at ang kalahati ng bundok ay malilipat sa dakong hilagaan, at ang kalahati ay sa dakong timugan” (Zakarias 14:4). Sinabi ni Dr. McGee,
Ang matinding pisikal na mga pagbabago na mangyayari ay binanggit sa ating dito. Magkakaroon ng matinding lindol, at ang Bundok ng mga Olivo ay mahahati sa gitna. Kalahati ay mapupunta sa hilaga at ang kalahit ay sa timog. “At [magkakaroon ng] totoong malaking libis” (Isinalin mula sa isinulat ni J. Vernon McGee, Th.D., Thru the Bible, Thomas Nelson Publishers, 1982, volume III, p. 986).
Kaya, iyan ang unang punto – si Kristo ay babalik sa mga ulap sa Bundok ng mga Olivo.
II. Pangalawa, si Kristo ay babalik kasama ang lahat ng
Kanyang mga santo.
Tignan ang katapusan ng berso lima.
“At ang Panginoon kong Dios ay darating, at ang lahat na banal na kasama niya” (Zakarias 14:5).
Ibig sabihin nito na lahat ng mga naunang naagaw ng mga Kristiyano ay bubuhos mula sa ulap, sumusunod kay Kristo, sa Bundok ng mga Olivo. Ang kaganapang ito ay unang hinulaan ni Enoc.
“At ang mga ito naman ang hinulaan ni Enoc, na ikapito sa bilang mula kay Adam, na nagsabi, Narito, dumating ang Panginoon, na kasama ang kaniyang mga laksalaksang banal” (Judas 14).
At ang Apostol Juan ay nagsalita nito sa Apocalipsis 19:14, “At ang mga hukbong nasa langit ay sumusunod sa kaniya,” habang Siya ay bumababa sa Bundok ng mga Olivo upang sirain ang hukbo ng Antikristo. Sinabi ni Dr. Jeremiah,
Ang hukbo ng langit na kasama ni Kristo sa Kanyang pangalawang pagdating ay gawa ng mga santo at mga anghel – ang mga taong tulad mo at ako ay tatayo sa tabi-tabi kasama ang mga nilalang ng langit ng matinding kapangyarihan…hindi sila lalaban. Si Hesus Mismo ang papatay sa mga rebelde (Isinalin mula sa David Jeremiah, ibid., p. 224).
“At ang Panginoon kong Dios ay darating, at ang lahat na banal na kasama niya” (Zakarias 14:5).
Sinabi ni Dr. McGee,
Ito ay napakaka-akit na bahagi ng Kasulatan. Ito’y isang larawan ng Panginoong Hesu-Kristong bumabalik sa lupa. Mahahanap din natin ito sa Apocalipsis 19 kung saan tayo ay sinabihan sa mga hukbo ng langit ay susunod sa Kanya (isinalin mula sa isinulat ni J. Vernon McGee, ibid.).
Iyan ang pangalawang pangunahing punto sa prediksyon ni Zakarias – si Kristo ay babalik upang sakupin ang hukbo ng Antikristo kasama ang lahat ng Kanyang mga santo. Lahat ng mga tunay na napagbagong loob, sa lahat ng panahon, ay babalik kasama ni Kristo sa lupa sa oras na iyon.
Sampung libong beses sampung libo
Sa kumikinang na matingkad na dammit,
Ang hukbo ng mga napalayang mga santo,
Nagsipulong sa pinaglulubugan ng ilaw;
Ito’y tapos na, lahat ay tapos na,
Ang kanilang pakikipaglaban sa kamatayan at kasalanan;
Ay tumulapon pabukas ang gintong mga tarangkahan,
At hayaan ang mga tugumpay na makapasok.
(“Sampung Libong Beses Sampung Libo” isinalin mula sa
“Ten Thousand Times Ten Thousand” ni Henry Alford, 1810-1871).
Isinulat ni John Cennick at Charles Wesley,
Tignan! Siya parating kasama ng mga ulap na bumababa,
Minsan para sa ating kaligtasan ay pinatay;
Libo, libong mga santo ang nagsidalo,
Pinuno ng emosyon ang tagumpay ng Kanyang parade;
Alleluya! Alleluya!
Ang Diyos ay nagpapakita sa lupa upang maghari.
III. Pangatlo, si Kristo ay babalik upang ihanda
ang Kanyang sa lupang Kaharian.
Magsi-tayo at basahin ang Zakarias 14:9 ng malakas.
“At ang Panginoo'y magiging Hari sa buong lupa: sa araw na yao'y magiging ang Panginoon ay isa, at ang kaniyang pangalan ay isa” (Zakarias 14:9).
Maari ng magsi-upo. Si Kristo ay magiging hari sa buong lupain sa araw na iyon. Sa wakas, ang panalangin na ipinalangin mga ang Kristiyano sa loob ng dalawang libong taon ay masasagot na,
“Dumating nawa ang kaharian mo. Gawin nawa ang iyong kalooban, kung paano sa langit, gayon din naman sa lupa” (Mateo 6:10).
Ang Kanyang sa lupang Kaharian ay magtatagal ng mga libong taon. Paki-lipat sa Apocalipsis, kapitulo 20, berso 4 to 6. Basahin ang mga bersong iyon ng malakas.
“At nakakita ako ng mga luklukan, at may mga nagsisiluklok sa mga ito, sila'y pinagkalooban ng paghatol: at nakita ko ang mga kaluluwa ng mga pinugutan ng ulo dahil sa patotoo ni Jesus, at dahil sa salita ng Dios, at ang mga hindi sumamba sa hayop, o sa kaniyang larawan man, at hindi tumanggap ng tanda sa kanilang noo at sa kanilang kamay; at sila'y nangabuhay, at nagsipagharing kasama ni Cristo sa loob ng isang libong taon. Ang mga iba sa mga patay ay hindi nangabuhay hanggang sa naganap ang isang libong taon. Ito ang unang pagkabuhay na maguli. Mapalad at banal ang makalakip sa unang pagkabuhay na maguli: sa mga ito'y walang kapangyarihan ang ikalawang kamatayan; kundi sila'y magiging mga saserdote ng Dios at ni Cristo, at mangaghaharing kasama niya sa loob ng isang libong taon” (Apocalipsis 20:4-6).
Ang mgaSaksi ni Jehovah ay naniniwala sa 1,000-taong Kaharian. Ngunit hindi nila alam pasukin ito! Mayroon ako sa aking opisina isang pirasong sulatin ng Saksi ni Jehovah na pinamagatang “Lahat ng Paghihirap ay Malapit ng Matapos” [“All Suffering Soon to End!”]. Sa katapusan ng pirasong sulating ito sinasabi nito, “Kapag ang katapusan ay dumating, sinong matitira?...yaong mga matututunan ang Jehovah at gagawin ito” (Isinalin mula sa “Lahat ng Paghihirap ay Malapit ng Matapos!,” Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania, 2005, p. 6). Kaya, ang mga Saksi ni Jehovah ay nagtuturo na ang daan upang makapasok sa Kaharian ay ang “matutunan” ang katotohanan ng Diyos “at gagawin ito.” Iyan ay isang matinding pagkakamali. Ito’y ang pagkakamali na ng kaligtasan sa pamamagitan ng paggawa – kaligtasan sa pamamgitan ng “pag-tututo” ng isang bagay at “paggawa” nito! Nakagugulat, na ang pagkakamali ng mga Saksi ni Jehovah ay halos kapareho ng sa mga Romanong Katoliko na madalas silang magsalita laban sa. Ang mga Katoliko at mga Saksi ni Jehovah ay parehong nagtuturo ng kaligtasan sa pamamgitan ng paggawa, kaligtasan sa pamamagitan ng pagkatuto at paggawa!
Ngunit ang Bibliya mismo ay nagtuturo ng kaligtasan sa biyaya, hindi sa pagkatuto at paggawa; hindi sa makataon paggawa, ngunit sa biyaya lamang.
“Sapagka't sa biyaya kayo'y nangaligtas sa pamamagitan ng pananampalataya; at ito'y hindi sa inyong sarili, ito'y kaloob ng Dios: Hindi sa pamamagitan ng mga gawa, upang ang sinoman ay huwag magmapuri (Mga Taga Efeso 2:8-9).
Sinabi ni John Newton,
Nakamamanghang biyaya! Anong tamis ng tunog
Na nagligtas ng isang kahiyahiyang tulad ko!
Ako’y minsan’y ligaw, ngunit ngayo’y nahanap na;
Noo’y bulag, ngunit ngayo’y nakakikita.
Ito’y biyaya na nagturo sa aking pusong matakot,
At biyaya ang nagpatigil ng takot;
Anong kamahalan na ang biyaya ay nagpakita
Sa oras na ako’y unang naniniwala!
(“Nakamamanghang Biyaya” isinalin mula sa
“Amazing Grace” ni John Newton, 1725-1807).
Naway bigyan ka ng Diyos ng biyayang
“Manampalataya ka sa Panginoong Jesus, at maliligtas ka, ikaw at ang iyong sangbahayan” (Mga Gawa 16:31).
(KATAPUSAN NG PANGARAL)
Maari ninyong mabasa ang mga sermon ni Dr. Hymers linggo-linggo sa Internet
sa www.realconversion.com. I-klik ang “Mga Pangaral sa Tagalog.”
Pagbabasa ng Kasulatan Bago ng Pangaral ni Dr. Kreighton L. Chan: Mga Gawa 1:1-11.
Kumanta ng Solo Bago ng Pangaral si Gg. Benjamin Kincaid Griffith:
“Sampung Libong Beses Sampung Libo” isinalin mula sa
“Ten Thousand Times Ten Thousand” (ni Henry Alford, 1810-1871).
ANG BALANGKAS NG ANG SA LUPANG KAHARIAN NI KRISTO ni Dr. R. L. Hymers, Jr. “At ang kaniyang mga paa ay magsisitayo sa araw na yaon sa bundok ng mga Olivo, na nasa tapat ng Jerusalem sa dakong silanganan; at ang bundok ng mga Olivo ay mahahati sa gitna niya, sa dakong silanganan at sa dakong kalunuran, at magiging totoong malaking libis; at ang kalahati ng bundok ay malilipat sa dakong hilagaan, at ang kalahati ay sa dakong timugan. At kayo'y magsisitakas sa libis ng aking mga bundok; sapagka't ang libis ng mga bundok ay magsisiabot hanggang sa Azel; oo, kayo'y magsisitakas gaya nang kayo'y tumakas mula sa lindol nang mga kaarawan ni Uzzias na hari sa Juda; at ang Panginoon kong Dios ay darating, at ang lahat na banal na kasama niya… At ang Panginoo'y magiging Hari sa buong lupa: sa araw na yao'y magiging ang Panginoon ay isa, at ang kaniyang pangalan ay isa” (Zakarias 14:4-5, 9). I. Una, si Kristo ay babalik sa Bundok ng Olivo, Zakarias 14:3-4; II. Pangalawa, si Kristo ay babalik kasama ang lahat ng Kanyang mga III. Pangatlo, si Kristo ay babalik upang ihanda ang Kanyang sa lupang |