Print Sermon

Ang mga pangaral na manuskrito at mga videyo ay ngayon lumalabas sa 1,500,000 na mga kompyupter sa lampas na 221 na mga bansa kada taon sa www.sermonsfortheworld.com . Daan-daang iba ang nanonood ng mga videyo, sa YouTube, ngunit di nagtatagal ay iniiwan ang YouTube at nagpupunta sa aming websayt, dahil bawat pangaral ay nagtuturo sa kanila papalyo mula sa YouTube tungo sa aming websayt. Ang YouTube ay nagdadala ng mga tao sa aming websayt. Ang mga pangaral na manuskrito ay ibinibigay sa 46 na mga wika sa halos 120,000 na mga kompyuter kada buwan. Ang pangaral na manuskrito ay hindi nakarapatang magpalathala, kaya nagagamit ng mga mangangaral ang mga ito na walang pahintulot. Mayroong daan-daang mga videyo ni Dr. Hymers at ng kanyang mga estudyanteng nangangaral. Ang mga manuskrito ay hindi nakarapatang magpalathala, ngunit lahat ng mga videyo nakarapatang magpalathala. Paki-klik ito upang matutunan kung paano ka maaring gumawa ng isang buwan-buwanang donasyon upang tulungan kami sa dakilang gawaing ito ng pagkakalat ng Ebanghelyo sa buong mundo, kasama ang mga Muslim at mga Hindu na mga bansa.

Tuwing nagsusulat kay Dr. Hymers, laging sabihin sa kanya kung anong bansa ka nakatira, o hindi ka niya masasagot. Ang email ni Dr. Hymers’ ay rlhymersjr@sbcglobal.net .




ANG PANGALAWANG PAGDATING NI KRISTO

THE SECOND COMING OF CHRIST

ni Dr. R. L. Hymers, Jr.

Isang pangaral na ipinangaral sa Baptist Tabernacle ng Los Angeles
Umaga sa Araw ng Panginoon ika-7 ng Disiyembre taon 2008

“Datapuwa't karakarakang pagkatapos ng kapighatian sa mga araw na yaon ay magdidilim ang araw, at ang buwan ay hindi magbibigay ng kaniyang liwanag, at mangalalaglag ang mga bituin mula sa langit, at magsisipangatal ang mga kapangyarihan sa mga langit: At kung magkagayo'y lilitaw ang tanda ng Anak ng tao sa langit: at kung magkagayo'y magsisitaghoy ang lahat ng mga angkan sa lupa, at mangakikita nila ang Anak ng tao na napaparitong sumasa mga alapaap ng langit na may kapangyarihan at dakilang kaluwalhatian” (Mateo 24:29-30).


Ang Bibliya ay nagtuturo ng dalawang Pagdating – dalawang pagdating ni Kristo sa lupang ito. Ang unang Pagdating ay nangyari noong si Kristo ay ipinanganak sa Bethlehem. Si Kristo ay bumaba mula sa Langit at “ipanganak […] sa Bet-lehem ng Judea sa mga kaarawan ng haring si Herodes” (Mateo 2:1). Iyan ang dahilan na ang mga Katoliko at maraming mga Protestante’y tinatawag ang Kapaskohang Pagdating [Advent].

“Datapuwa't nang dumating ang kapanahunan, ay sinugo ng Dios ang kaniyang Anak, na ipinanganak ng isang babae, na ipinanganak sa ilalim ng kautusan” (Galacias 4:4).

Nabuhay si Kristo ng tatlom pu’t tatlong taon sa planetang ito. Tapos Siya ay ipinako sa isang krus. Inilagay nila ang Kanyang patay na katawan sa isang puntod at isinarado ito. Ngunit sa pangatlong araw, sa isang umagang Linggo, bumanggon Siyang pisikal mula sa pagkamatay. Nagpakita Siya sa mga Disipolo,

“Na sa kanila nama'y napakita rin siyang buhay, sa pamamagitan ng maraming mga katunayan, pagkatapos na siya'y makapaghirap, na napakikita sa kanila sa loob ng apat na pung araw” (Mga Gawa 1:3).

Pagkatapos ng apat na pung araw

“Nang siya'y tinitingnan nila, ay dinala siya sa itaas; at siya'y tinanggap ng isang alapaap at ikinubli sa kanilang mga paningin” (Mga Gawa 1:9).

Iyon ang pinaka unang Pagdating – ang unang pagdating ni Kristo sa lupa.

Ngunit itinuturo ng Bibliya na magkakaroon ng isang pangalawang Pagdating – isang pangalawang pagdating ni Kristo. Sinasabi ng Bibliya na Siya’y “sa ikalawa'y pakikita na hiwalay sa kasalanan, sa ikaliligtas ng mga nagsisipaghintay sa kaniya” (Mga Hebreo 9:28). At ang ating teksto ay nangungusap ng tungkol sa pangalawang pagdating.

“Datapuwa't karakarakang pagkatapos ng kapighatian sa mga araw na yaon ay magdidilim ang araw, at ang buwan ay hindi magbibigay ng kaniyang liwanag, at mangalalaglag ang mga bituin mula sa langit, at magsisipangatal ang mga kapangyarihan sa mga langit: At kung magkagayo'y lilitaw ang tanda ng Anak ng tao sa langit: at kung magkagayo'y magsisitaghoy ang lahat ng mga angkan sa lupa, at mangakikita nila ang Anak ng tao na napaparitong sumasa mga alapaap ng langit na may kapangyarihan at dakilang kaluwalhatian” (Mateo 24:29-30).

Si Kristo ay tinatawag na “ang Anak ng tao.” “Datapuwa't karakarakang pagkatapos ng kapighatian sa mga araw na yaon,” kadiliman ay tataklob sa lupa, gaya ng ginawai nito sa araw na si Kristo ay namatay sa Krus.

“At kung magkagayo'y makikita nila ang Anak ng tao na pariritong nasa isang alapaap na may kapangyarihan at dakilang kaluwalhatian” (Lucas 21:27).

“Sapagka't gaya ng kidlat na kumikidlat sa silanganan, at nakikita hanggang sa kalunuran; gayon din naman ang pagparito ng Anak ng tao” (Mateo 24:27).

Siya’y darating muli, Siya’y darating muli,
   Ang parehong Hesus, na tinanggihan ng mga tao;
Siya’y darating muli, Siya’y darating muli,
   Nang may kapangyarihan at dakilang kaluwalhatian, Siya’y darating muli!
(“Siya’y Darating Muli” isinalin mula sa “He is Coming Again”
    ni Mabel Johnston Camp, 1871-1937).

“Datapuwa't karakarakang pagkatapos ng kapighatian sa mga araw na yaon ay magdidilim ang araw, at ang buwan ay hindi magbibigay ng kaniyang liwanag, at mangalalaglag ang mga bituin mula sa langit, at magsisipangatal ang mga kapangyarihan sa mga langit: At kung magkagayo'y lilitaw ang tanda ng Anak ng tao sa langit: at kung magkagayo'y magsisitaghoy ang lahat ng mga angkan sa lupa, at mangakikita nila ang Anak ng tao na napaparitong sumasa mga alapaap ng langit na may kapangyarihan at dakilang kaluwalhatian” (Mateo 24:29-30).

Ang Bibliya ay gumawa ng dalawang napaka linaw na mga bagay patungkol sa Pangalawang Pagdating.

I. Una, hindi ito ang Pag-aagaw.

Sa Pag-aagaw, si Kristo ay hindi darating na nakikita, at Siya ay hindi bababa sa lupa. Sa Pag-aagaw,

“Kung magkagayon, tayong nangabubuhay, na nangatitira, ay aagawing kasama nila sa mga alapaap, upang salubungin ang Panginoon sa hangin” (I Mga Taga Tesalonica 4:17).

Sa Pag-aagaw, ang tunay na mga Kristiyano ay “aagawin…upang salubungin ang Panginoon sa hangin.” Nangaral ako sa paksang iyan ilang linggo ang nakaraan. Sa Lumang Tipan si Enuc at Elijah ay binago, at kinuhang buhay sa Langit. Si Enuc at Elijah ay parehong halimbawa, o klase, ng Pag-aagaw ng tunay na mga Kristiyano, bago ang Pangalawang Pagdating ni Kristo sa lupa. Ito ay tinatawag na “hiwaga,” isang bagay na lampas pa sa taong pag-iisip. Sinabi ng Apostol Pablo,

“Narito, sinasaysay ko sa inyo ang isang hiwaga … tayong lahat ay babaguhin, Sa isang sangdali, sa isang kisap-mata, sa huling pagtunog ng pakakak: sapagka't tutunog ang pakakak, at ang mga patay ay mangabubuhay na maguli na walang kasiraan, at tayo'y babaguhin” (I Mga Taga Corinto 15:51-52).

“Aagawing kasama nila sa mga alapaap, upang salubungin ang Panginoon sa hangin: at sa ganito'y sasa Panginoon tayo magpakailan man” (I Mga Taga Tesalonica 4:17).

O, anong saya! o, anong ligaya! na tayo’y aalis ng hindi namamatay,
   Walang sakit, walang lungkot, walang takot at walang pag-iyak.
Aagawin sa mga ulap kasama ang ating Panginoon sa kaluwalhatian,
   Kapag tangapin ni Hesus ang “Kanyang angkin.”
(“Si Hesus ay Babalik” isinalin mula sa “Christ Returneth”
    ni H. L. Turner, 1878).

Ito ang Pag-aagaw! “Aagawin…upang salubingin ang ating Panginoon sa hangin.”

II. Pangalawa, ito ay ang Kanyang pangalawang pagdating sa lupa.

Sa Pag-aagaw, ang mga tunay na mga napagbagong loob ay aagawin upang salubingin si Kristo sa hangin. Wala ng iba sa lupa ang makaalam nito. Kukutyain ito ng mga kaaway ng Pag-aagaw. Kukutyain nila ito at tatawin ito isang “lihim na Pag-aagaw.” Tiyak, ito ay magiging isang sekreto doon sa mga maiiwanan!

Ngunit ang Pangalawang Pagdating mismo ay hindi magiging isang sekreto! Pansinin ang pangalawang kalahati ng Mateo 24:30,

“At kung magkagayo'y lilitaw ang tanda ng Anak ng tao sa langit: at kung magkagayo'y magsisitaghoy ang lahat ng mga angkan sa lupa, at mangakikita nila ang Anak ng tao na napaparitong sumasa mga alapaap ng langit na may kapangyarihan at dakilang kaluwalhatian” (Mateo 24:30).

Ito ang Pangalawang Pagdating ni Kristo! Isinulat ni John Cennick at Charles Wesley,

Ang bawat mata ay ngayo’y makikita Siya,
   Nakataklob sa katakot-takot na kamahalan;
Yaong mga pumalagay saw ala at ibinenta Siya,
   Tinusok at ipinako Siya sa puno,
Malubhang pag-iiyak, malubhang pag-iiyak,
   Na ang tunay na Mesiya’y makikita.
(“Tignan! Siyang padating” isinalin mula sa
    “Lo! He Comes” ni John Cennick, 1718-1755;
       binago ni Charles Wesley, 1707-1788).

Ang Pangalawang Pagdating ni Kristo ay lubusang tiyak. Sinabihan tayo ng Diyos ng tungkol nito sa Bibliya. At ito’y “na diya'y di maaaring ang Dios ay magbulaan” (Sa Mga Hebreo 6:18). Si Kristo ay darating upang ihanda ang Kanyang Kaharian sa lupang ito. Ngunit dapat kang maipanganak muli upang makapasok sa Kanyang Kaharian. Sinabi ni Kristo,

“Maliban na ang tao'y ipanganak ng tubig at ng Espiritu, ay hindi siya makapapasok sa kaharian ng Dios” (Juan 3:5).

Sinabi Niya,

“Maliban na ang tao'y ipanganak na muli, ay hindi siya makakakita ng kaharian ng Dios” (Juan 3:3).

Sinabi Niya,

“Kinakailangan ngang kayo'y ipanganak na muli” (Juan 3:7).

Aking napag-isip-isip ang pagbabagong loob nina Dr. John Huss, Luther, Bunyan, Whitefield, Wesley and C. H. Spurgeon. Walang kahit anong malabo o di malinaw. Natagpuan nilang sila’y nagkasala. Sinubukan nilang baguhin ang kanilang sarili at buhayin ang kanilang buhay ng isang Kristiyano, ngunit natagpuan nilang hindi nila ito magawa. Inilubog sila nito sa masmalalim na pagkakatagpung nagkasala at kawalan ng pag-asa. Sa wakas, lumapit sila kay Kristo at nahugasan mula sa kanilang mga kasalanan sa pamamgitan ng Kanyang Dugo lamang, sa pamamgitan ng pananampalataya sa Kanya lamang. Sila ay nabago – napanganak muli “sa pamamagitan ng pananampalataya, sa kaniyang dugo” (Mga Taga Roma 3:25).

Ngunit natuklasan ko na sa mga lumipas na mga taon na ang isang tao ay dapat mapunta sa katapusan ng kanilang sarili, at isuko ang lahat ng kanilang pag-asa upang iligtas ang kanilang sarili, o siya’y hindi kailan man tunay na maipapanganak muli. At kung ika’y hindi maipapanganak muli di ka makapapasok sa Kaharian kapag si Kristo’y darating upang ihanda ito dito sa lupa.

Ika’y dapat maipanganak muli,
   Ika’y dapat maipanganak muli,
Lubos, lubos, kong sinasabi sa iyo,
   Ika’y dapat maipanganak muli.
(“Ika’y Dapat Maipanganak Muli” isinalin mula sa
     “Ye Must Be Born Again” ni William T. Sleeper, 1819-1904).

Ang isa pang bagay na natutunan ko mula sa pag-aaral ng pagbabagong loob ni Dr. John Huss, Luther, Bunyan, Whitefield, Wesley at C. H. Spurgeon ay ito – sila’y lubusang seryoso. Sila’y mga seryosong mga kalalakihan. Sila’y seryosong interesadong maligtas. Kung ika’y seryoso, at sana’y ikaw nga, siguraduhing hindi ko makakaligtaang magpunta sa simbahan sa Pasko at Bagong taon. Sinabi ni Kristo,

“Magpilit kayong magsipasok sa pintuang makipot: sapagka't sinasabi ko sa inyo na marami ang mangagsisikap na pumasok, at hindi mangyayari” (Lucas 13:24).

Sa pamamagitan ng biyaya ng Diyos, naway magsikap kang makapasok tungo kay Kristo, at naway mahanap mo ang kaligtasan at kapatawaran sa pamamagitan ng Kanyang Dugong, ibinuhos sa Krus para sa kapatawaran ng kasalanan.

Gaya ng daginig natin kagabi, si Dr. Huss ay sinunog sa kahoy na poste dahil sa pangangaral ng Ebanghelyo ni Kristo. Tulad ni Luther, Bunyan, Whitefield, Wesley at Spurgeon, siya ay lubos na seryosong tao, seryoso sa punto ng pag-aalay ng kanyang pinaka buhay para kay Kristo. Gawing halimbawa at bayani ang mga kalalakihang tulad ni Dr. Huss. Hindi mo siguro kakailanganing ialay ang iyong buhay sa pamamagitan ng pagkasunog, ngunit siguradong kakailanganin mong isuko ang iyong mga makamundong ambisyon upang maging tulad niya. Dapat siguradong kang handang isuko ang iyong mga pangarap at mga plano upang maging tulad ni Dr. Huss. Dapat handa kang mabuhay para kay Kristo lamang. Dapat sigurado kang maging handang maging isang nabubuhay na sakripisyo, at gawin pinaka mataas mong layunin ang mabuhay at maghirap bilang isang tagasunod ni Hesus, kahit ano mang kapalit nito. Gagawin mo ba ito? Naway bigyan ka ng Diyos ng biyaya upang gawin ito. Amen.

(KATAPUSAN NG PANGARAL)
Maari ninyong mabasa ang mga sermon ni Dr. Hymers linggo-linggo sa Internet
sa www.realconversion.com. I-klik ang “Mga Pangaral sa Tagalog.”

Pagbabasa ng Kasulatan Bago ng Pangaral ni Dr. Kreighton L. Chan: Mateo 24:24-30.
Kumanta ng Solo Bago ng Pangaral si Gg. Benjamin Kincaid Griffith:
“Siya’y Darating Muli” isinalin mula sa “He is Coming Again”
(ni Mabel Johnston Camp, 1871-1937).


BALANGKAS NG

ANG PANGALAWANG PAGDATING NI KRISTO

ni Dr. R. L. Hymers, Jr.

“Datapuwa't karakarakang pagkatapos ng kapighatian sa mga araw na yaon ay magdidilim ang araw, at ang buwan ay hindi magbibigay ng kaniyang liwanag, at mangalalaglag ang mga bituin mula sa langit, at magsisipangatal ang mga kapangyarihan sa mga langit: At kung magkagayo'y lilitaw ang tanda ng Anak ng tao sa langit: at kung magkagayo'y magsisitaghoy ang lahat ng mga angkan sa lupa, at mangakikita nila ang Anak ng tao na napaparitong sumasa mga alapaap ng langit na may kapangyarihan at dakilang kaluwalhatian” (Mateo 24:29-30).

(Mateo 2:1; Galacias 4:4; Mga Gawa 1:3, 9;
Sa Mga Hebreo 9:28; Lucas 21:27; Mateo 24:27)

I.   Una, hindi ito ang Pag-aagaw, I Mga Taga Tesalonica 4:17;
I Mga Taga Corinto 15:51-52.

II.  Pangalawa, ito ay ang Kanyang pangalawang pagdating sa lupa,
Mateo 24:30; Sa Mga Hebreo 6:18; Juan 3:5, 3, 7;
Mga Taga Roma 3:25; Lucas 13:24.