Print Sermon

Ang mga pangaral na manuskrito at mga videyo ay ngayon lumalabas sa 1,500,000 na mga kompyupter sa lampas na 221 na mga bansa kada taon sa www.sermonsfortheworld.com . Daan-daang iba ang nanonood ng mga videyo, sa YouTube, ngunit di nagtatagal ay iniiwan ang YouTube at nagpupunta sa aming websayt, dahil bawat pangaral ay nagtuturo sa kanila papalyo mula sa YouTube tungo sa aming websayt. Ang YouTube ay nagdadala ng mga tao sa aming websayt. Ang mga pangaral na manuskrito ay ibinibigay sa 46 na mga wika sa halos 120,000 na mga kompyuter kada buwan. Ang pangaral na manuskrito ay hindi nakarapatang magpalathala, kaya nagagamit ng mga mangangaral ang mga ito na walang pahintulot. Mayroong daan-daang mga videyo ni Dr. Hymers at ng kanyang mga estudyanteng nangangaral. Ang mga manuskrito ay hindi nakarapatang magpalathala, ngunit lahat ng mga videyo nakarapatang magpalathala. Paki-klik ito upang matutunan kung paano ka maaring gumawa ng isang buwan-buwanang donasyon upang tulungan kami sa dakilang gawaing ito ng pagkakalat ng Ebanghelyo sa buong mundo, kasama ang mga Muslim at mga Hindu na mga bansa.

Tuwing nagsusulat kay Dr. Hymers, laging sabihin sa kanya kung anong bansa ka nakatira, o hindi ka niya masasagot. Ang email ni Dr. Hymers’ ay rlhymersjr@sbcglobal.net .




PAGBIBIGAY PASASALAMAT SA IRAN!

THANKSGIVING IN IRAN!

ni Dr. R. L. Hymers, Jr.

Isang pangaral na ipinangaral sa Baptist Tabernacle ng Los Angeles
Umaga sa Araw ng Panginoon ika- 23 ng Nobyembre taon 2008


Ang mga Disipolo ay lumapit kay Hesus pagkatapos Niyang umalis galing sa Templo.

“At samantalang siya'y nakaupo sa bundok ng mga Olivo, ay nagsilapit sa kaniya ng bukod ang mga alagad, na nagsisipagsabi, Sabihin mo sa amin, kailan mangyayari ang mga bagay na ito? at ano ang magiging tanda ng iyong pagparito, at ng katapusan ng sanglibutan?” (Mateo 24:3).

Hindi binulyawan ni Hesus ang mga Disipolo sa paghinggi ng isang tanda ng katapusan ng panahong ito. Kundi binigyan sila ni Hesus ng mahabang listahan ng mga tanda, upang malaman nila [at natin] ang tantsadong oras ng Kanyang pangalawang pagdating. Hindi Niya sila binigyan ng petsa kung kailan Siya babalik at ang kung kailan ang panahon binubuhay natin ay matatapos. Kundi binigyan Niya sila ng mga sunod sunod na mga tanda upang malaman natin kung kailan ang mga huling araw ng panahon na ating nilalapitan. Isa sa mga mahahalagang tandang ito ay ang pagtalikod, ang paglabas mula sa Kristiyanong pananampalataya, sa mga bahagi ng mundo. Paki lipat sa Mateo 24:11-14, at tumayo para sa pagbabasa ng Salita ng Diyos.

“At magsisibangon ang maraming bulaang propeta, at kanilang ililigaw ang marami. At dahil sa pagsagana ng katampalasanan, ang pagibig ng marami ay lalamig. Datapuwa’t ang magtitiis hanggang sa wakas ay siyang maliligtas. At ipangangaral ang evangeliong ito ng kaharian sa buong sanglibutan sa pagpapatotoo sa lahat ng mga bansa; at kung magkagayo’y darating ang wakas” (Mateo 24:11-14).

Maari ng magsi-upo.

Ngayon ito ay napaka-importante. Binigyan tayo ni Hesus ng dalawang tanda ng katapusan sa mga bersong ito. Una sinabi Niya na mag-kakaroon ng matinding pagtalikod sa dating pananampalataya sa maraming bahagi ng mundo sa mga huling araw ng kasaysayan. Pangalawa, Sinabi Niya na sa parehong beses ang Ebanghelyo ay tatagos sa buong mundo.

I. Una, sinabi ni Kristo na karamihan sa mundo ay mapupunta sa matinding
pagtalikod sa pananampalataya.

“At magsisibangon ang maraming bulaang propeta, at kanilang ililigaw ang marami. At dahil sa pagsagana [dahil napakarami nito] ng katampalasanan [kawalan ng batas], ang pagibig ng marami [Kristiyanong pagmamahal] ay lalamig. Datapuwa’t ang magtitiis hanggang sa wakas ay siyang maliligtas”
       (Mateo 24:11-13).

Ito ang tanda ng Matinding Pagtalikod sa Dating Pananampalataya, ang matinding patalikod mula sa pundasyon ng pagtuturo ng Bibliya sa bahagi ng marami sa mga teribleng mga araw na ito.

Nagsalita ang Apostol na si Pablo ng tungkol sa teribleng pagtalikod sa dating pananampalataya na maka-aapekto sa maraming mga simbahan sa mga bahagi ng mundo sa mga huling mga araw. Sinabi niya,

“Ito'y hindi darating [ang araw ni Kristo], maliban nang dumating mula ang pagtaliwakas, at mahayag ang taong makasalanan, [ang Anti-Kristo] ang anak ng kapahamakan”
       (II Mga Taga Tesalonica 2:3).

Una, ang “[pagdating] mula sa pagtalikwas” ay darating, at pagkatapos ang Anti-Kristo ay mabubunyag.

Naniniwala ako na ang pagtalikod sa dating pananampalatayang ito at ang kawalan ng pananampalataya ay nagsimula na. Nagsimula ito sa Alemanya, kung saan ang mga liberal na mga dalubhasa ay nagsimulang lusubin ang Bibliya. Halos sa parehong beses si Charles G. Finney at ang kanyang mga kasama’y binago ang ibig-sabihin ng pag-babagong loob sa isang simpleng pisikal na pagkilos (pagpunta sa harap, pagtaas ng kamay, pagdadasal ng dasal ng makasalanan, atbp.), alin ay aktwal na isang pangunahing paglipat palayo mula sa lumang Ebanghelyo, alin ay humihinggi ng isang panloob na pagbabago ng puso, ay natutupad sa pamamagitan ng Diyos, kay sa isang walang saysay na makataong sagot “pagpunta sa harap” o pagsasabi ng isang “panalangin ng makasalanan” – nang hindi nakararanas ng isang panloob na pagbabagong loob kay Kristo.

Kaya, ang dalawang puwersa – ang Aleman na mga dalubhasa ng teyolohiyang linulusob ang kalayaan sa pagkakamali ng Kasulatan, at si Finney na pinapalitan ang tunay na pagbabagong loob sa isang walang saysay na “desisiyon kay Kristo” – na nagsanhi ng kaguluhan sa Bautismo at Protestanteng mga simbahan sa Amerika at Europa. Ang Aleman na liberalismong nauukol sa Bibliya at ang “desisiyonismo” ni Finney ay ginamit ni Satanas upang halos literal na sirain ang mga simbahan sa Europa at Amerika. Isang mabait na tao ay dapat makita kung anong kasamaan ang dumating sa ating Kanlurangang mga simbahan sa mga huwaad na pagtuturo ng mga Aleman na mga liberal at si Finney sa mga huling siglo at kalahati. Kaya, ngayon mukhang imposibleng labanan ang katunayan na ang mga simbahan sa Europa at Amerika ay siguradong nasa Matinding Pagtalikod sa Dating Pananampalataya na, na hinulaan ni Hesus sa tanda ng “pagtalikod sa dating pananampalataya,” alin ay hinulaan Niya sa Mateo 24:10-13, alin ay hinulaan ng Apostol Pablo sa II Mga Taga Tesalonica 2:3, noong sinabi niya,

“Ito'y hindi darating, maliban nang dumating mula ang pagtaliwakas [isang pagtalikod sa dating pananampalataya]”
        (II Mga Taga Tesalonica 2:3).

Sa pagtatapos ng ika-labing siyam na siglo, hinulaan ni Spurgeon na ang mga simbahan sa ika-dalawampung siglo ay ma “lilibing sa ilalim ng kumukulong ambong putik ng makabagong maling pagtuturo” (Isinalin mula sa isinulat ni C. H. Spurgeon, “Ang Dugong Ibinuhos para sa Marami” [“The Blood Shed for Many”], The Metropolitan Tabernacle Pulpit, Pilgrim Publications, 1974, volume XXXIII, p. 374). Ang araw na iyon ay narito na! Ang mga simbahan sa Amerika at Europa ay lubhang nakalapat sa Aleman na liberalismo at “Desisiyonismo” na di ko tiyak na makababawi hanggang sa ang dakilang katapusan ng panahong muling pagbabangon na hinulaan sa aklat ng Apocalipsis (Apocalipsis 7:1-14). Hindi ko iniisip na magkakaroon ng kahit anong karaniwang muling pababangon ng tunay na pagbabagong loob hanggang sa kilabot ng Paghahapis ay babagsak sa Amerika at Europa. Diyan, ako ay nakumbinsi, ay ang hinulaan ni Hesus tungkil sa Kristiyanismo ng Kanlurang mundo.

Lahat ng ating mga “progresibong” ideya at ating mga “lumilitaw na simbahang” mga ideya ay nagkulang na gawing mas maigi ang mga bagay sa teribleng pagtalikod sa dating pananampalatayang ito. At sa Paghahapis lamang na ang mga Kristiyano ay gigising sa huling sandali at babalik sa maiging pangangaral sa pagbabagong loob ng mga Puritan sa ating mga Bautismong ninuno. Malungkot na sila’y mukhang walang interest sa pangangaral at tradisiyon ng mga Bautismo at mga Protestante ng ng Unang Matinding Pagkagising, walang interest sa pangangaral ni Whitefield at Wesley, ngunit nagpapatuloy lamang sa kanilang “desisiyonistang” pagtalikod sa dating pananampalataya hangang sa ang katapusan ay darating na sa wakas sa Amerika at Europa. Iyan, aking paniwala, ay ang pinag-uusapan ni Hesus sa Mateo 24:11-13.

“At magsisibangon ang maraming bulaang propeta, at kanilang ililigaw ang marami. At dahil sa pagsagana ng katampalasanan, ang pagibig ng marami ay lalamig. Datapuwa't ang magtitiis hanggang sa wakas ay siyang maliligtas” (Mateo 24:11-13).

Ito’y hindi mukhang maganda para sa simbahan sa Estados Unidos at Europa! Hindi mukhang makasasanas sila ng tunay na pagbabagong loob at tunay na muling pagbabangon hangang sa ito ay halos huli na – sa panahon ng Paghahapis ng katapusan ng panahaon – kapag ang lahat ng pag-asa ng kahangalan, makabagong, “progresibong,” “desisiyonistang” mga paraan ay naging napakakadudaduda na ang ilan ay babalik sa pananampalataya ng kanilang mga ninuno at namimilit sa mga nawawalang mga taong makaranas ng tunay na pagbabagong loob, imbes na,

“Na may anyo ng kabanalan, datapuwa't tinanggihan ang kapangyarihan nito” (II Timoteo 3:5),

alin ay ang paglalarawan ng Apostol Pablo ng mga Kristiyano sa Kanlurang mundo sa katapusan ng Kasaysayan (Isinalin, tignan ang Today’s Apostasy ni R. L. Hymers, Jr. at C. L. Cagan. I-klik ito upang basahin ang buong libro).

II. Pangalawa, sinabi ni Kristo na ang Ebanghelyo ay maipapangaral sa
uong mundo para sa isang saksi, sa parehong beses na ang mga
imbahan sa Kanluran ay bumagsak sa di-paniniwala at pagtalikod sa
ating paniniwala.

Tuminggin muli sa Mateo 24:14. Magsi-tayo at basahin ang bersong ito ng malakas.

“At ipinangangaral ang evangeliong ito ng kaharian sa buong sanglibutan sa pagpapatotoo sa lahat ng mga bansa; at kung magkagayo'y darating ang wakas” (Mateo 24:14).

Maari ng magsi-upo. Ito ay nakagugulat na prediksiyon! Sa parehong beses ang sa “pagsagana ng katampalasanan, [at] ang pagibig ng marami ay lalamig” – sa parehong beses, “ang evangeliong ito ng kaharian sa buong sanglibutan sa pagpapatotoo sa lahat ng mga bansa; at kung magkagayo'y darating ang wakas” (Mateo 24:12, 14). Sa parehong beses na ang mga simbahan sa Kanluran ay bumagsak sa kahinaan at pagtalikod sa dating pananampalataya, sinabi ni Kristo na ang Ebanghelyo ay ipapangaral “sa buong sanglibutan sa pagpapatotoo sa lahat ng mga bansa.” Bago “ng katapusan” ng panahong ito, sinabi ni Kristo,

“At sa lahat ng mga bansa ay kinakailangan munang maipangaral [iproklama] ang evangelio” (Marcos 13:10).

Sinabi ni Dr. Henry M. Morris,

Hindi pa ito natutupad [ngunit dahil] sa malawakang misiyonaryong kilusan at ang buong mundong pangangaral ng ebanghelyo sa radiyo [at ang Internet], ngunit, ito ay dapat sarado (Isinalin mula sa isinulat ni Henry M. Morris, Ph.D., The Defender’s Study Bible, World Publishers, 1995, note on Mateo 24:14).

Sinabi ni Dr. Lenski na ito ay

…ang pinakamalinaw na salaysay na mahahanap sa Ebanghelyo tungkol sa katapusan ng mundo. Una, ang ebanghelyo “ay maiproproklama” sa kabuuan…tinitirhang mundo…Walang makapipigil nitong lumaganap…Anong pangako! Ilarawan si Hesus na nakaupo kasama ang Labin-dalawang [Apostol] sa mg alibis ng Olibet [ang Bundok ng Olivo] at tumutukoy nitong pandaigdigang pagtatagos ng kanyang ebanghelyo! Gayon iyan sakto ang nangyari…ito ay lubusang mahalagang madakot ng sakto ang sinasabi ni Hesus: ating dapat asahan ang pagtaas [ng] pagkamapaghamon laban sa kanyang tunay na mga tagasunod; marami sa umpisa palang ay naniniwala ay mabubuhat palayo; ang pangangaral ng ebanghelyo, gayon man, ay magpatuloy ng matatag hangang sa ito ay tumagos sa lahat ng mga nasyon – pagkatapos ang katapusan! (Isinalin mula sa isinulat ni R. C. H. Lenski, Ph.D., The Gospel of Matthew, Augsburg Publishing House, 1961 edition, pp. 935-936).

Sinabi ko sa inyo ng maraming beses kung paano ang Ebanghelyo ay tumatagos sa Timog-Silangang Asiya at Tsina. Ito’y tinatantsahan na 1,000 mga tao bawat oras ay lumalapit kay Kristo sa Tsina. Ang pinaka maiging aklat sa paksang ito ay Si Hesus sa Beijing: Paano Binabago ng Kristiyanismo ang Tsina at Binabago ang Makamundong Balanse ng Kapangyarihan, [Jesus in Beijing: How Christianity is Transforming China and Changing the Global Balance of Power] ni David Aikman, Regnery Publishing, 2003. Maari ninyong orderin ito mula sa Amazon.com o mula sa The Voice of the Martyrs sa www.persecution.com. Milyon-milyon ay lumilingon kay Kristo sa Tsina at ibang bahagi ng Asiya. Nagpapasalamat kami sa Diyos para dito ngayong umaga!

Ngunit ngayon mayroon tayong makabagbag damdaming balita na ang Ebanghelyo ni Kristo ay tumatagos sa Muslim na mundo rin! Ito’y hinulaan na mas maraming mga Muslim ay ngayon limilingon kay Hesu-Kristo kaysa sa kahit anong panahon sa huling mga libong taon! Nagpapasalamat kami sa Diyos para sa maluwalhating balita mula sa malalayong lupain! Magsitayo tayo at kantahin ang papuri sa Diyos:

Purihin ang Diyos sinong pinagmulan ng lahat na umaapaw na biyaya;
Purihin Siya lahat ng nilalang dito sa ibaba;
Purihin Siya sa itaas, kayong mga kalangitang pulong;
Purihin ang Ama, Anak at Banal na Espiritu! Amen.
   (“Papuri Sa Diyos” isinalin mula sa “Doxology,”
      ni Thomas Ken, 1637-1711).

Maari ng magsi-upo.

“Ang Boses ng mga Martir” [“Voice of the Martyrs”] na magasin sa buwang ito (Nobiyembre taon 2008) ay mayroong isang pangunahing kwentong pamagat, “Kristiyanong Rebolusyon sa Iran” [“Christian Revolution in Iran.”] Sinasabi ng magasin,

      Noong Nobiyembre taon 2005, mga ilang buwan lamang pagkatapos mahalal bilang presidente ng Iran, si Mahmoud Ahmedineajad ay nakipagtagpo sa 30 gobernador ng bansa. “Ihihinto ko ang Kristiyanismo sa bansang ito,” idineklara, ayon sa Compass Direct News.
       Ang deklarasyon ay nagmula sa tumataas…na bilang ng mga Muslim na napagbabagong loob sa Kristiyanismo. Saktong mga bilang ay mahirap makuha ngunit ang mga basehan ng VOM [Voice of the Martyrs] ay nagtatantsang mga Muslim ay napagbabagong loob sa Kristiyanimo sa bilis ng sa pinaka mababang bilang na 500 bawat buwan. Mula taong 2000, mga Iranyang simbahang pinuno ay humingi ng mas higit sa 130,000 na ebanghelismong mga bidyo ayon sa mga basehan ng VOM. At isa sa mga koneksyon ng pinuno ng simabahan ay nagtanim ng higit sa 50 mga bahay simbahan sa tatlong taon lamang.
       “Ang pag-uusig ay tumataas sa Iran dahil sa tagumpay ng lihim na simbahan doon,” sinabi ng isang VOM na direktor. “Mayroong tagumpay sa kwentong ito”…
       [Isang bahay simbahang pinuno ng simbahan sa Iran ay nagsabing] “Nasa akin si Hesu-Kristo; kaya ako’y hindi natatakot. Sinusubok ng Diyos ang ating pananampalataya dahil gusto Niya itong lumago upang tayo ay maging tulad ni Hesus. Napakarami dugo ang naibuhos para sa ating pananampalataya [kay Kristo]. Ang muling pakabuhay na kapangyarihan ni Hesus ay nagbibigay sa atin nga lakas upang magpatuloy” (Isinalin mula sa “The Voice of the Martyrs,” Nobiyembre 2008, pp. 3-4).

Magsi-tayo tayo at kantahin ang “Luwalhati sa Ama.”

Luwalhati sa Ama, at sa Anak, at sa Espiritu Santo;
Gaya noong unang-una, ngayon at magpakailan man,
At magpasawalang hangan, Amen, Amen.
   (“Luwalhati sa Ama,” isinalin mula sa
      “Glory Be to the Father,” basehan di-kilala, pangalawang siglo).

Maari ng magsi-upo.

Ngayon ay Linggo ng Pagbibigay Pasasalamat sa Estados Unidos, Linggo bago ng Pagbibigay Pasasalamat. Ang ating tradisyon ng Pagbibigay Pasasalamat ay namula sa relihiyosong pag-uusig. Ang mga Peregrimo ay pinag-usig sa Inglatera sa parehong paraan na mga Kristiyano ay inuusig ngayon sa Tsina at Iran. Ang Ating Peregrimo ninuno ay tumakas mula sa Inglatera pa punta sa Bagong Mundo, sa Amerika, upang maobserbahan nila ang tunay na Kristiyanismo. Muntik na silang namatay sa gutom sa loob ng kanilang unang taglamig dito. Kaagad-agad pagkatapos ng kanilang unang pag-aani sa loob ng taon 1621 nagsaad sila ng isang araw para sa pagbibigay pasasalamat. Ito’y naging isang taon taong pista sa Massachusetts. Iprinoklama ni Presidente Washington ang isang araw ng makabansang pagbibigay pasasalamat ika-26 ng Nobiyembre taon 1789. Ginawa ni Presidente Abraham Lincoln ang Pagbibigay Pasasalamat na isang nasiyonal na pista sa taon 1864, habang ang Amerikanong Sosyal na Digmaan ay lumalapit sa katapusan nito.

Ngayon pinararangalan ng mga Kristiyano ang mga Peregrimo kapag tinutukoy nila sila sa Amerika. Ngunit tayo’y kumakawing na malimutan na ang mga taong ito ay nagsakripisyo ng lahat, kanilang mga kaibigan, kanilang tahanan at kanilang bansa, at binuwis ang kanilang buhay dahil sa kanilang pananampalataya kay Hesu-Kristo. Ang kanilang pananampalatay kay Kristo ay tulad ng mga tao sa Iran, na ngayon ay lumalapit kay Kristo sa daan-daan bawat buwan. Anong panalangin ko na mga kabataan sa Amerika ay lumapit kay Kristo at sundin ang kanilang halimbawa. Anong panalangin ko na ika’y tumingin kay Kristo at sundin ang kanilang halimbawa!

Oo, alam naming na si Kristo ay namatay sa Krus upang bayaran ang iyong mga kasalanan at bumangong katawan mula sa pagkamatay. Ngunit ang pagkaalam ng mga katunayan na ito ay hindi sapat. Dapat kang huminggi ng tawad at lumingon ng lubusan kay Kristo, tulad ng ginagawa ng mga nasa Iran, ano man ang kalapit ng paggawa mo nito.

Si Jim Elliot ay 28 taong gulang lamang noong siya ay pumunta bilang isang misiyonaryo sa isang di-naabot na tribo ng mga Indio sa Ecuador. Siya ay pinatay, isang martir para kay Kristo. Bago siya namatay, isinulat ni Jim Elliot, “Siya hindi isang hangal na nagbibigay ng hindi niya maitago upang makuha ang hindi niya maisuko.” Panalangin ko na ibigay mo ang iyong puso at iyong buhay kay Hesu-Kristo. Kapag mawala mo ang iyong buhay, ang iyong oras, at iyong pag-asa sa mundong ito para kay Kristo, makakamit mo ang walang hangang buhay sa Kanya. At, siguradong, “Siya hindi isang hangal na nagbibigay ng hindi niya maitago upang makuha ang hindi niya maisuko.” At tiyak na kasama sa mga iyan ang pagsusuko ng mga hangal at masasamang mga bagay na ginagawa ng mga tao sa loob ng mga tinawag na “pista” at imbes na magpunta sa mga simbahan sa Pasko at Bagong Taon! “Siya hindi isang hangal na nagbibigay ng hindi niya maitago upang makuha ang hindi niya maisuko.” Amen.

(KATAPUSAN NG PANGARAL)
Maari ninyong mabasa ang mga sermon ni Dr. Hymers linggo-linggo sa Internet
sa www.realconversion.com. I-klik ang “Mga Pangaral sa Tagalog.”

Pagbabasa ng Kasulatan Bago ng Pangaral ni Dr. Kreighton L. Chan: Mateo 24:1-14.
Kumanta ng Solo Bago ng Pangaral si Gg. Benjamin Kincaid Griffith:
“Papupuri sa Diyos” isinalin mula sa “The Doxology”/
“Luwalhati sa Ama” isinalin mula sa ”Glory Be to the Father.”


BALANGKAS NG

PAGBIBIGAY PASASALAMAT SA IRAN!

ni Dr. R. L. Hymers, Jr.

“At magsisibangon ang maraming bulaang propeta, at kanilang ililigaw ang marami. At dahil sa pagsagana ng katampalasanan, ang pagibig ng marami ay lalamig. Datapuwa't ang magtitiis hanggang sa wakas ay siyang maliligtas. At ipangangaral ang evangeliong ito ng kaharian sa buong sanglibutan sa pagpapatotoo sa lahat ng mga bansa; at kung magkagayo'y darating ang wakas” (Mateo 24:11-14).

I.   Una, sinabi ni Kristo na karamihan sa mundo ay mapupunta sa
matinding pagtalikod sa pananampalataya, Mateo 24:11-13;
II Mga Taga Tesalonica 2:3; II Timoteo 3:5.

II.  Pangalawa, sinabi ni Kristo na ang Ebanghelyo ay maipapangaral sa
buong mundo para sa isang saksi, sa parehong beses na ang mga
simbahan sa Kanluran ay bumagsak sa di-paniniwala at pagtalikod
sa ating paniniwala, Mateo 24:14, 12; Marcos 13:10.