Ang mga pangaral na manuskrito at mga videyo ay ngayon lumalabas sa 1,500,000 na mga kompyupter sa lampas na 221 na mga bansa kada taon sa www.sermonsfortheworld.com . Daan-daang iba ang nanonood ng mga videyo, sa YouTube, ngunit di nagtatagal ay iniiwan ang YouTube at nagpupunta sa aming websayt, dahil bawat pangaral ay nagtuturo sa kanila papalyo mula sa YouTube tungo sa aming websayt. Ang YouTube ay nagdadala ng mga tao sa aming websayt. Ang mga pangaral na manuskrito ay ibinibigay sa 46 na mga wika sa halos 120,000 na mga kompyuter kada buwan. Ang pangaral na manuskrito ay hindi nakarapatang magpalathala, kaya nagagamit ng mga mangangaral ang mga ito na walang pahintulot. Mayroong daan-daang mga videyo ni Dr. Hymers at ng kanyang mga estudyanteng nangangaral. Ang mga manuskrito ay hindi nakarapatang magpalathala, ngunit lahat ng mga videyo nakarapatang magpalathala. Paki-klik ito upang matutunan kung paano ka maaring gumawa ng isang buwan-buwanang donasyon upang tulungan kami sa dakilang gawaing ito ng pagkakalat ng Ebanghelyo sa buong mundo, kasama ang mga Muslim at mga Hindu na mga bansa.
Tuwing nagsusulat kay Dr. Hymers, laging sabihin sa kanya kung anong bansa ka nakatira, o hindi ka niya masasagot. Ang email ni Dr. Hymers’ ay rlhymersjr@sbcglobal.net .
ISANG BABALA TUNGKOL SA PAG-AAGAW A WARNING ABOUT THE RAPTURE ni Dr. R. L. Hymers, Jr. Isang pangaral na ipinangaral sa Baptist Tabernacle ng Los Angeles “Muling paparito ako, at kayo’y tatanggapin ko sa aking sarili” |
Hindi natin maaring malaman ang araw o oras ng pagbabalik ni Kristo. Si Kristo Mismo ang nagsabi, “Nguni’t tungkol sa araw at oras na yaon walang makakaalam, kahit ang mga anghel sa langit, kahit ang Anak, kundi ang Ama lamang” (Mateo 24:36).
Gayon mayroong maraming mga tanda na nagpapakita sa atin ng pagdating ni Kristo ay malapit na. Tayo ay mabilis na palapit sa kasukdulan ng kasaysayan at ang pagbalik ni Kristo. Sinabi ni Hesus,
“Pagka nangakita ninyo ang lahat ng mga bagay na ito, ay talastasin ninyo na siya'y malapit na, nasa mga pintuan nga” (Mateo 24:33).
Ang bawat “tanda” ay mukhang nagpapakita na ang pagdating ni Kristo ay malapit na. Maari Siyang dumating kahit anong oras. Si Dr. David R. Regan ay nagbigay ng ilan sa mga tandang ito.
1. Mga tanda ng kalikasan (Mateo 24:7): paggutom, lindol, mga sakit…
2. Mga negatibong espiritwal na mga tanda: mga bulaang Kristo at [bulaang] mga propeta…(Mateo 24:24), ang pagtatalikod at ang laganap na maling pagtuturo sa mga [simbahan] (2 Timoteo 3:5; 4:1-4), relihiyoso at mapa-ekonimiyang globalismo (Apocalipsis 17-18), pag-uusig ng mga [Kristiyano] (Mateo 24:9-10; Marcos 13:9, 11-13; Lucas 21:12-19), ang paglaganap ng na aayon sa demonyo at misteryosong mga gawain (1 Timoteo 4:1).
3. Mga positibong espiritwal na mga tanda:…malawakang pag-ebanghelismo (Mateo 24:14; Marcos 13:10), pagkakaintindi ng prediksyon sa Bibliya (Daniel 12:4, 8-9).
4. Mga politikal na tanda sa mundo:…mga digmaan mga sabi-sabi ng digmaan (Mateo 24:6-7; Marcos 13:7-8; Lucas 21:10), ang muling pagsasama-sama ng Europa (Danil 2:41-44; 7:8, 24-25; 9:26).
5. Mga nagpapabilis na mga tana: pagsabog ng populasyon (Apocalipsis 9:15-16), pagtaas ng kaalaman (Daniel 12:4), pagtaas ng kalupitan (Mateo 24:12).
6. Mga tanda ng Israel: muling pagpupulong ng mga tao (Isaias 11:10-12; Ezekiel 37:1-12), muling pagtatayo ng nasyon (Zekarias 12:1-6), atbp.
(Isinalin mula sa isinulat ni David R. Regan, Ph.D., “Mga Tanda ng Pagdating ng Ating Panginoon” “The Signs of Our Lord’s Return,” The Tim LaHaye Prophecy Study Bible, AMG Publishers, 2000, p. 1127).
Hindi natin maaring malaman ang araw o ang oras ng pagbalik ni Kristo. Ngunit ang mga “tanda” ay nagtuturo sa katotohanan na Siya ay maaring napakalapit ng dumating. Ito’y tiyak ng ganito katindi – si Hesus ay darating, at siya ay malapit na dumating! Sinabi Niya,
“Muling paparito ako, at kayo’y tatanggapin ko sa aking sarili” (Juan 14:3).
Ito’y tumutukoy sa isang pagganap na tinatawag ng mga dalubhasa sa teyolohiyang ang “pag-aagaw” – ang pagdadaklot ng mga tunay na mga Kristiyano upang masalubong si Kristo sa hangin. Sa gabing ito gusto kong tignan natin ang tatlong pangunahing talata ng Kasulatan na nagsasabi sa atin tungkol sa Pag-aagaw.
I. Una ang Bibliya ay nagsasabi sa atin na mga tunay na Kristiyano ay
aagawin, kukunin upang salubungin sa Kristo sa hangin.
Paki lipat sa I Mga Taga Tesalonica 4:16-17. Magsi-tayo at basahin ang dalawang mga bersong ito ng malakas.
“Sapagka’t ang Panginoon din ang bababang mula sa langit, na may isang sigaw, may tinig ng arkanghel, at may pakakak ng Dios: at ang nangamatay kay Cristo ay unang mangabubuhay na maguli; Kung magkagayon, tayong nangabubuhay, na nangatitira, ay aagawing kasama nila sa mga alapaap, upang salubungin ang Panginoon sa hangin: at sa ganito’y sasa Panginoon tayo magpakailan man” (I Mga Taga Tesalonica 4:16-17).
Maarin ng magsi-upo.
Pansinin na ang mga bersong ito ay hindi nagsasabi na si Kristo ay bababa sa lupa. Siya ay bababa sa tuktok ng Bundok ng Olibo mayamaya. Iyan ay mahusay na tinawag na “Pangalawang Pagdating.” Ngunit ang Pag-aagaw ay mangyayari muna. At ang Pag-aagaw ay nilalarawan sa dalawang mga bersong ito.
Si Kristo ay bababa mula sa Langit sa singaw sa ibabaw ng lupa. “Ang nangamatay kay Cristo ay unang mangabubuhay na maguli” (I Mga Taga Tesalonica 4:16). Ang mga patay na mga katawan ng mga Kristiyano sa lahat ng mga siglo ay muling mabubuhay at aagawin upang salubungin si Kristo sa hangin. “Kung magkagayon, tayong nangabubuhay, na nangatitira, ay aagawing kasama nila sa mga alapaap, upang salubungin ang Panginoon sa hangin” (I Mga Taga Tesalonica 4:17). Iyong mga tunay na napagbagong loob kay Kristo ay “aagawin” upang salubungin si Kristo. Sa Lumang Tipan, “Si Enoc ay inilipat upang huwag niyang makita ang kamatayan” (Sa Mga Hebreo 11:5) at si “Elias ay sumampa sa langit sa pamamagitan ng isang ipoipo” (II Mga Hari 2:11). Si Enoc at Elias ay mga uri ng Pag-aagaw, mga larawan kung ano ang mangyayari sa mga tunay na Kristiyano kapag sila ay “aagawin… sa mga alapaap, upang salubungin ang Panginoon sa hangin” (I Mga Taga Tesalonica 4:17).
O, napakaligaya! o, napakasaya! na tayo’y umalis ng hindi namamtay,
Walang sakit, wala kalungkutan, walang takot at walang iyakan.
Aagawin sa mga ulap kasama ang ating Panginoon sa kaluwalhatian,
Kapag tinanggap ni Hesus ang “Kanyang sarili.”
O Panginoong Hesus, gaano katagal
Bago namin masigaw ang masayang kanta,
Si Kristo’y nagbalik! Alleluya! Alleluya! Amen.
Hallelujah! Amen. Alleluya! Amen.
(“Si Kristo’y Nagbalik” isinalin mula sa
“Christ Returneth” ni H. L. Turner, 1878).
“Muling paparito ako, at kayo’y tatanggapin ko sa aking sarili” (Juan 14:3).
II. Panglawa, sinasabi sa atin ng Bibliya na ang Pag-aagaw ay darating sa
isang sandali, sa isang kisap-mata.
Pakilipat sa I Mga Taga Corinto 15:51-54.
“Narito, sinasanay ko sa inyo ang isang hiwaga: hindi tayong lahat ay mangatutulog, nguni’t tayong lahat ay babaguhin, sa isang sangdali, sa isang kisap-mata, sa huling pagtunog ng pakakak: sapagka’t tutunog ang pakakak, at ang mga patay ay mangabubuhay na maguli na walang kasiraan, at tayo’y babaguhin. Sapagka’t kinakailangan na itong may kasiraan ay magbihis ng walang kasiraan, at itong may kamatayan ay magbihis ng walang kamatayan. Datapuwa’t pagka itong may kasiraan ay mabihisan ng walang kasiraan, at itong may kamatayan ay mabihisan ng walang kamatayan, kung magkakagayon ay mangyayari ang wikang nasusulat, Nilamon ng pagtatagumpay ang kamatayan” (I Mga Taga Corinto 15:51-54).
“Narito, sinasanay ko sa inyo ang isang hiwaga, Hindi tayong lahat ay mangatutulog, nguni’t tayong lahat ay babaguhin” (I Mga Taga Corinto 15:51). Sinabi ni Dr. Criswell, “Isang ‘hiwaga’ ay nabunyag na katotohanan na hindi maintindihan ng makataong karunungan” (Isinalin mula sa isinulat ni W. A. Criswell, Ph.D., The Criswell Study Bible, Thomas Nelson Publishers, 1979, sulat sa I Mga Taga Corinto 15:51). Ito ay ang “hiwaga,” ang “musteriyon,” ng Pag-aagaw. Ito’y isang hiwaga dahil ito’y hindi isang bagay na matutuklasan natin sa pamamagitan ng makataong pag-iisip. Ito’y isang katunayan na kinailangang mabunyag ng Diyos Mismo.
Hindi tayong lahat ay mangatutulog, nguni’t tayong lahat ay babaguhin” (I Mga Taga Corinto 15:51b). Hindi bawat Kristiyano ay mamamatay. “Nguni’t tayong lahat ay babaguhin.” Yaong mga Kristiyanong namatay, at yaong mga hindi pa patay, ay lahat “mababago,” babaguhin, o gawing “iba” (isinalin mula sa sinabi ni Strong).
“Sa isang sangdali, sa isang kisap-mata.” Sinabi ni Dr. McGee, “Sa pinaka maliit na piraso ng Panahon…sa isang sangdali, sa isang bahagi ng isang segundo” (Isinalin mula sa isinulat ni J. Vernon McGee, Th.D., Thru the Bible, Thomas Nelson Publishers, 1983, volume V, p. 80).
Sa mabilis na oras na iyon, sinabi ni Dr. Criswell,
Ang mga patay na nakay Kristo ay ibabangon at maluluwalhatian. Yaong mga nabubuhay pa rin ay aagawin sa hangin at madaliang babaguhin sa isang permanente, di-mabubulok, naluwalhatiang katawan na tulad ng muling nabuhay na katawan ng Panginoon (isinalin ibid.).
Ang mga katawan ng mga Kristiyanong namatay, ganoon din ang mga katawan ng mga Kristiyano na buhay pa rin, ay babaguhin ng madaling-madali na tulad ng katawan ni Kristo noong Siya ay bumangon mula sa pagkamatay.
“Mga minamahal, nagyon ay mga anak tayo ng Dios, at hindi pa nahahayag kung magiging ano tayo. Nalalaman natin, na kung siya’y mahayag, tayo’y magiging katulad niya: sapagka’t siya’y ating makikitang gaya ng kaniyang sarili” (I Juan 3:2).
Iyan ang Pag-aagaw, ang dakilang kaganapan na prediksyon ni Job mahabang bago ni Kristo. Sa pinakalumang naitalang aklat ng Bibliya, sinabi ni Job,
“At pagkatapos na magibang ganito ang aking balat, Gayon ma’y makikita ko ang Dios sa aking laman: Siyang makikita ko ng sarili, At mamamasdan ng aking mga mata, at hindi ng iba. Ang aking puso ay natutunaw sa loob ko” (Job 19:26-27).
Maari itong sa gitnang araw, maari itong sa gabi,
Maari itong, sakali, na ang kaitiman ng madaling araw
Ay sasabog sa liwanag sa apoy ng Kanyang kaluwalhatian,
Kapag tinanggap ni Hesus ang “Kanyang sarili.”
(“Si Kristo’y Nagbalik” isinalin mula sa
“Christ Returneth” ni H. L. Turner, 1878).
At mamamasdan natin Siya,
Mamamasdan natin Siya,
Harap harapan, sa lahat ng Kanyang kaluwalhatian,
Mamamasdan natin Siya, mamamasdan natin Siya,
Harap harapan, ang ating Tagapagligtas at Panginoon!
Ang ating Panginoon!
(“Mamamasdan Natin Siya” isinalin mula sa
“We Shall Behold Him” ni Dottie Rambo, 1934-2008).
III. Pangatlo, binabalaan tayo ng Bibliya na huwag
kakaligtaan ang Pag-aagaw.
Ilipat sa Lucas 17:34-36. Magsi-tayo at basahin ang mga bersong ito ng malakas.
“Sinasabi ko sa inyo, Sa gabing yaon ay dalawang lalake ang sasa isang higaan; ang isa'y kukunin, at ang isa'y iiwan. Magkasamang gigiling ang dalawang babae; kukunin ang isa, at ang isa'y iiwan. Mapapasa bukid ang dalawang lalake; ang isa'y kukunin at ang isa'y iiwan” (Lucas 17:34-36).
Maari ng magsi-upo. Maigi kong natatandaan ang kantang ito mula sa mga huling taong 1960. Ang panahon ng Pag-aagaw ay napaka lapit ngayon.
Ang buhay ay puna ng mga baril at digmaan,
At ang lahat ay nayurakan sa sahig.
Sana’y tayong lahat ay naging handa.
Mga bata’y namatay, mga araw ay naging malamig,
Isang piraso ng tinapay ay makabibili ng isang sako ng ginto,
Sana’y tayong lahat ay naging handa.
Lalake at asawa tulog sa isang kama,
Nakarinig siya ng ingay at pinihit ang kanyang ulo – siya’y wala na.
Sana’y lahat tayo’y naging handa.
Dalawang lalakeng naglalakad sa isang buhol,
Ang isa ay nawala at isa ay naiwang nakatayong di-kumikilos,
Sana’y lahat tayo’y naging handa.
Walang oras para iyong baguhin ang iyong isip,
Paano ka maaring naging ganoong ka-bulag?
[Tumawag ang Tagapagligtas, ngunit ika’y tumanggi],
Ang Anak ay dumating, at ika’y naiwan.
Ika’y naiwan, ika’y naiwan.
(“Sana’y Lahat Tayo’y Naging Handa” isinalin mula
“I Wish We’d All Been Ready” ni Larry Norman, 1947-2008;
koro iniba ng kaunti ni Dr. R. L. Hymers, Jr.)
Iniba ko ang pangatlong linya ng koro mula sa “Ang Ama’y nagsalita, at ang mga demonyo’y nag-hapunan” dahil hindi ko maintindihan kung ano ang ibig-sabihin nito. Binago ko ito sa, “Tumawag ang Tagapagligtas, ngunit ika’y tumanggi.” Sa palagay ko na iyan ay mas may katuturan.
Iyan ang dahilan na ika’y maiiwanan kapag dumating si Hesus para sa “Kanyang sarili.” Si Hesus at darating lamang para sa “Kanyang sarili,” at wala ng iba pa. Kung tatawagin ka ni Hesus na lumapit sa Kanya, at tatanggiahan mo ang imbitasyon, at hindi lalapit sa Kanya, ika’y maiiwanan – dahil sa Hesus ay darating lamang upang Agawin ang “Kanyang sarili,” at wala ng iba pa.
Yaong mga tatanggi sa Kanyang imbitasyong lumapit sa Kanya ay hindi magiging handa, at hindi Aagawin. Alam ko na ilang mga kung hindi dahil dito ay maiging mga taga-kumento ay nagsasabi na ang Lucas 17:34-36 at ang Mateo 24:40-41 ay hindi tumutukoy sa Pag-aagaw, ngunit sa palagay ko sila ay mali. Sumasang-ayon ako kay Dr. John R. Rice, na nagsasabi ng mga bersong ito,
Ang [talatang] ito…ay na nagsasalita sa palagay namin, tungkol sa pag-aagaw…Dito ngayon ay magiging isang malaking dibisyon. Ang mga nabubuhay na mga santo ay mababago, at ang mga patay na mga Kristiyano ay mai-babangon. Ang mga Kristiyano ay kukunin [sa Pag-aagaw] at ang mga di-ligtas na mga tao ay maiiwan. Kahit sa [Pag-aagaw] ng mga naligtas, ang mga di-ligtas ay maiiwanan…Ang berso 34 [Lucas 17:34] ay tumutukoy na sa ilang bahagi ng lupa ito’y magiging gabi kapag si Hesus ay darating: dalawang tao sa isang kama, isa ay kinuha at ang isa ay naiwan. Ang berso 35 ay tumutukoy na ito’y maaring umaga sa ilang mga lugar: isang babaeng nag-hahalo ng kakainin sa araw, isa ay kinuha at ang isa ay naiwan. Ang berso 36 ay marahil tumutukoy na ito’y maaring tanghali: dalawang lalake sa parehong sakahan, isa ay kinuha at ang isa ay naiwan…alam ni Kristo na gabi sa isang lugar sa lupa kapag umaga sa iba at tanghali sa iba pa. Ang Kasulatan ay malinaw na tumutukoy sa rebolusyon ng mundo, kahit na hindi ito nalalaman ng mga tao noon (Isinalin mula sa isinulat ni John R. Rice, D.D., Litt.D., The Son of Man: A Verse-by-Verse Commentary on Luke, Sword of the Lord Publishers, 1971, pp. 421-422).
Iyan ang dahilan na ang Bibliya ay nagbibigay ng babala na naka-ugnay sa Pag-aagaw. Iyong mga tatangging lumapit kay Kristo, ay hindi magiging handa, at hindi makukuha upang salubungi si Kristo “sa hangin” (I Mga Taga Tesalonica 4:17). Sila ay maiiwanan – upang harapin ang nakagigimbal na pag-uusig ng Anti-Kristo sa Tribulasyon. Mararanasan nila ang matinding sakit at hindi pa nasasabing paghihirap – dahil tumanggi silang lumapit kay Kristo habang mayroong oras pa.
Handa ka nab a para sa Pag-aagaw? Kung sagot mo’y “hindi” kay Kristo hindi ka handa. Kung tinanggihan mo ang Kanyang imbitasyong lumapit sa Kanya hindi ka maliligtas. Hindi ka magiging handa kapag dumating ang Pag-aagaw. Kung gayon inu-udyok kitang lumapit kay Hesus. Namatay Siya sa Krus upang bayaran ang iyong mga kasalanan. Ibinuhos Niya ang Kanyang Dugo upang linisan ang iyong mga kasalanan sa paningin ng Diyos. Inu-udyok kita ng buong pusong lumapit sa Kanya. Sinabi ng propeta Isaias,
“Inyong hanapin ang Panginoon samantalang siya'y masusumpungan, magsitawag kayo sa kaniya samantalang siya'y malapit” (Isaias 55:6).
Hanapin ang pastor o isa sa mga diakono at tanungin sila upang gabayin ka at tulungan kang lumapit kay Kristo. Naway malapit mo na itong gawin. Nauubos na ang oras para sa mundong ito. Ang oras ay maikli.
“Magpilit kayong magsipasok sa pintuang [si Kristo] makipot: sapagka't sinasabi ko sa inyo na marami ang mangagsisikap na pumasok, at hindi mangyayari” (Lucas 13:24).
Gg. Griffith, paki-kanta ang kantang iyon muli, “Sana’y Laha Tayo’y Naging Handa.” Pag-isipang mabuti ang mga salita hanbang kinakanta niya ito.
Ang buhay ay puna ng mga baril at digmaan,
At ang lahat ay nayurakan sa sahig.
Sana’y tayong lahat ay naging handa.
Mga bata’y namatay, mga araw ay naging malamig,
Isang piraso ng tinapay ay makabibili ng isang sako ng ginto,
Sana’y tayong lahat ay naging handa.
Lalake at asawa tulog sa isang kama,
Nakarinig siya ng ingay at pinihit ang kanyang ulo – siya’y wala na.
Sana’y lahat tayo’y naging handa.
Dalawang lalakeng naglalakad sa isang buhol,
Ang isa ay nawala at isa ay naiwang nakatayong di-kumikilos,
Sana’y lahat tayo’y naging handa.
Walang oras para iyong baguhin ang iyong isip,
Paano ka maaring naging ganoong ka-bulag?
[Tumawag ang Tagapagligtas, ngunit ika’y tumanggi],
Ang Anak ay dumating, at ika’y naiwan.
Ika’y naiwan, ika’y naiwan.
(“Sana’y Lahat Tayo’y Naging Handa” isinalin mula
“I Wish We’d All Been Ready” ni Larry Norman, 1947-2008;
koro iniba ng kaunti ni Dr. R. L. Hymers, Jr.)
At tandaan, yaong mga tunay na seryoso tungkol sa pagiging mga Kristiyano ay dapat planuhing magpunta sa simbahan bawat Linggo sa Pasko at Bagong Taon. Mag-pasiya na ngayon na ika’y magpupunta sa simbahan bawat Linggo sa mga “pistang” iyon.
Kung gusto ninyong mapayuhan tungkol sa paglapit kay Hesus para sa kaligtasan mula sa kasalanan, magpunta ngayon na sa likuran ng silid.
(KATAPUSAN NG PANGARAL)
Maari ninyong mabasa ang mga sermon ni Dr. Hymers linggo-linggo sa Internet
sa www.realconversion.com. I-klik ang “Mga Pangaral sa Tagalog.”
Pagbabasa ng Kasulatan Bago ng Pangaral ni Dr. Kreighton L. Chan:
I Mga Taga Tesalonica 4:13-18.
Kumanta ng Solo Bago ng Pangaral si Gg. Benjamin Kincaid Griffith:
“Si Kristo’y Nagbalik” isinalin mula sa “Christ Returneth” (ni H. L. Turner, 1878)/
“Mamamasdan Natin Siya” isinalin mula sa “We Shall Behold Him”
(ni Dottie Rambo, 1934-2008).
ANG BALANGKAS NG ISANG BABALA TUNGKOL SA PAG-AAGAW ni Dr. R. L. Hymers, Jr. “Muling paparito ako, at kayo’y tatanggapin ko sa aking sarili” (Mateo 24:36, 33) I. Una ang Bibliya ay nagsasabi sa atin na mga tunay na Kristiyano ay II. Panglawa, sinasabi sa atin ng Bibliya na ang Pag-aagaw ay darating sa III. Pangatlo, binabalaan tayo ng Bibliya na huwag kakaligtaan ang Pag- |