Ang mga pangaral na manuskrito at mga videyo ay ngayon lumalabas sa 1,500,000 na mga kompyupter sa lampas na 221 na mga bansa kada taon sa www.sermonsfortheworld.com . Daan-daang iba ang nanonood ng mga videyo, sa YouTube, ngunit di nagtatagal ay iniiwan ang YouTube at nagpupunta sa aming websayt, dahil bawat pangaral ay nagtuturo sa kanila papalyo mula sa YouTube tungo sa aming websayt. Ang YouTube ay nagdadala ng mga tao sa aming websayt. Ang mga pangaral na manuskrito ay ibinibigay sa 46 na mga wika sa halos 120,000 na mga kompyuter kada buwan. Ang pangaral na manuskrito ay hindi nakarapatang magpalathala, kaya nagagamit ng mga mangangaral ang mga ito na walang pahintulot. Mayroong daan-daang mga videyo ni Dr. Hymers at ng kanyang mga estudyanteng nangangaral. Ang mga manuskrito ay hindi nakarapatang magpalathala, ngunit lahat ng mga videyo nakarapatang magpalathala. Paki-klik ito upang matutunan kung paano ka maaring gumawa ng isang buwan-buwanang donasyon upang tulungan kami sa dakilang gawaing ito ng pagkakalat ng Ebanghelyo sa buong mundo, kasama ang mga Muslim at mga Hindu na mga bansa.
Tuwing nagsusulat kay Dr. Hymers, laging sabihin sa kanya kung anong bansa ka nakatira, o hindi ka niya masasagot. Ang email ni Dr. Hymers’ ay rlhymersjr@sbcglobal.net .
ANO ANG PANINIWALA NI PRESIDENTE OBAMA TUNGKOL WHAT DOES PRESIDENT OBAMA BELIEVE ni Dr. R. L. Hymers, Jr. Isang pangaral na ipinangaral sa Baptist Tabernacle ng Los Angeles |
Walang pagdududang ang ina ko ang pinakamatinding impluwensya sa aking buhay. Siya’y isang liberal, isang kampiyon ng pagkakapantay ng mga lahi, isang makalumang Demokratikong Franklin D. Roosevelt, na nagturo sa akin mula sa maagang edad na maniwala na lahat ng mga lahi ay dapat respetuhin at bigyan ng pantay na karapatan. Pinaniniwalaan ko pa rin iyan – sa pinaka sentro ng aking katauhan. Iyan ang dahilan na gumugul ako ng limampung taong nangangaral sa mga tao mula sa maraming lahing pinanggalingan sa loobang lungsod ng Los Angeles. Ang ating simbahan ay gawa ng mga tao mula sa limang iba’t ibang grupong etniko. Ang aking mga sermon ay lumalabas sa Internet sa mga taong nagsasalita ng siyam na iba’t-ibang lenguahe, kasama ang Arabic, Indonisyan, Tagalog, Espanyol, Tsino, Koriyano, Hapones, Ruso at Ingles. Ang aking mga sermon ay nababasa sa lahat ng anim na kontinente ng mundo – kasapi ang maraming mga nasyon sa Aprika. Ang impluwensya ng akin ina ay ginawa sanang napaka natural nito para sa aking suportahan ang isang itim na taong kasing talino at kasing galing magsalita tulad ni Barack Obama para sa pagka Presidente. Sa katunayan napaluha ako habang ibinibigay niya ang kanyang pagtatanggap na talumpati noong gabi ng Martes. Habang nanalangin ako sa Diyos upang protektahan siya, nakadama ako ng pagmamalaki na sa wakas mayroon nang isang itim na Presidente. Magdidiwang si Abraham Lincoln marinig ang kanyang pagtatanggap na talumpati nitong gabi ng Martes.
Ipinakita ng telebisyon si Jesse Jackson na nakatayo sa pulong na may luhang nag-sisitulo sa kanyang mukha. Noong nakita ko iyon, ako rin ay naudyok ng todo. Sa oras na iyon nanalangin ako na lahat tayo’y maging isang katao, hindi puting-Amerikano at Aprikanong-Amerikano at Asyanong-Amerikano at Hispanikong-Amerikano. Hindi! Mga Amreikano lamang! Isang nasyon sa ilalim ng Diyos! Magsi-tayo tayo para sa Panata ng Alyansa.
Ako namamanatang alyansa sa bandila ng Estados Unidos ng Amerika, at sa Republiko para sa kinatatayuan nito: isang Nasyon sa ilalim ng Diyos, di-nahihiwalay, Ng may Kalayaan at Hustisya para sa lahat.
Oo, nagdasal ako para kay Presidente Obama – ngunit hindi ako bumoto para sa kanya. Ang dahilan kung bakit hindi ako bumoto para sa kanya ay walang kaugnayan sa lahi. Kundi hindi ako bumoto para sa kanya dahil hindi ako sumasang-ayon sa kanya sa isyu na aking pinaniniwalaang higit na mas importante kaysa pagkakapantay ng lahi. Ang paniniwala ni Presidente Obama sa hinihinging aborsyon ay ginawang imposible para sa akin na suportahan siya. Bakit? Dahil inilalagay ko ang karapatang buhay sa ibabaw ng pagkakapantay ng mga lahi. Bakit? Dahil ang pagkakapantay ng mga lahi ay walang kabuluhan hanggang sa maniwala tayo sa kabanalan ng lahat ng buhay ng tao. Ang Deklarasyon ng Kalayaan ay totoo pa din.
Pinanghahawakan naming ang mga katotohanang ito na maging malinaw, na lahat ng tao ay nilikhang pantay, na sila ay biniyayaan ng kanilang Manlilikha na may tiyak na di-ngbabagong karapatan, na kasama sa mga ito ay buhay kalayaan at ang paghahanap ng kaligayahan.
Ang pagkakapantay ng mga lahi ay walang kabuluhan hanggang sa maniwala tayo sa “di-nagbabago,” di-nagiiba, di naiibang ayos, di-mapagkakailang karapatan sa buhay mismo para sa bawat Amerikano, kasama ang mga itim na Amerikanong sanggol sa sinapupunan ng kanilang mga ina!
Kasama ng puspusang karapatan sa buhay, inilalagay ko si Kristo sa ibabaw ng pagkakapantay ng mga lahi, dahil ang mga pagtuturo ni Kristo ang gumagawa sa pagkakapantay ng mga lahing maging posible. Kung wala si Kristo walang demokrasya – at walang demokrasya walang gayong bagay na tulad ng pagkakapantay ng mga lahi. Tayong lahat ay ginawang pantay ni Kristo. Kung gayon si Kristo ay nauuna bago ng pagkakapantay ng mga lahi, dahil ang pagkakapantay ng mga lahi ay nanggagaling sa Kanya at mula sa Kanyang pagtuturo.
Si Kristo ay mas mahalaga kaysa ibang mga bagay – pati ang Amerika mismo. Siya ay maging Panginoon ng lahat, o Siya’y hindi Panginoon sa anoman. At dahil pinahahalagahan ko si Kristo higit pa sa pagpapahalaga ko sa aking bansa, at aking lahi, o kahit ano pa sa buhay, na ako ay malayang ipaglaban at iproklama Siya ano pa mang pamumuna ang dadalhin nito sa aking mapa-personal. Ang aking alyansa kay Kristo ay nagpapalaya sa aking punahin ang simbahang naging miyembro si Barack Obama ng higit dalawampung taon. At ang aking alyansa kay Kristo ay ginawa itong posible para sa akin na punahin ang huwad na pananaw ng matagal ng pastor ni Obama, si Dr. Jeremiah Wright.
Yoong mga pinaka-malapit sa akin ay alam na ang sumusunod na sermon ay hindi nagmumula sa pag-didiskrimina ng lahi, kundi mula sa aking alyansa kay Hesu-Kristo, ang Panginoong ng kasaysayan at ang Tagapagligtas ng sanglibutan. Paki lipat sa ating teksto, sa Mateo 22:41-42 at magsi-tayo kasama ko pasa sa pagbabasa ng Salita ng Diyos.
“Habang nangagkakatipon nga ang mga Fariseo, ay tinanong sila ni Jesus ng isang tanong., Na sinasabi, Ano ang akala ninyo tungkol kay Cristo? kanino bagang anak siya? Sinabi nila sa kaniya, kay David” (Mateo 22:41-42).
Maari ng magsi-upo.
Ang mga Fariseo ay mga Tradisyonal na mga Hudyo noong panahon ni Hesus. Pinaniniwalaan nila ang Bibliya. Naniniwala sila sa Diyos. Naniniwala sila sa pagdating ng Mesiyas. Noong tinanong sila ni Hesus, “Ano ang akala ninyo tungkol kay Kristo? kanino bagang anak siya?” nagbigay sila ng sagot na may bahaging tama. Ang salitang “Kristo” sa teksto ay ang Griyegong katumbas ng “Mesiyas,” ang pagdating ng tagapagligtas. Tinanong sila ni Hesus kung ano ang palagay nila tungkol sa Mesiyas, at “kanino bagang anak siya?” Ang sagot nila ay may bahaging tama, dahil sinabi nila na ang Mesiyas ay “kay David.” Ito ang lumang paraan ng pagsasabi na ang padating na Kristo ay isang angkan ni David. Kaya, ang mga Fariseong ito ay bahaging tama, dahil si Hesus ay isang angkan ni David, gaya ng nakikita natin sa angkan ni Hesus sa Mateo 1:1-17. Ngunit sila’y may bahagi lamang tama, dahil hindi nila Siya nakita bilang Anak ng Diyos.
Si Hesus ng Bibliya ay parehong tao at Diyos. Sa pisikal, Siya ay isang Hudyo, “kay David.” Ngunit Siya ay higit pa diyan. Siya rin ay ang Anak ng Diyos. Gayon, ang Kristo ng Kasulatan ay ang nagkatawang taong Diyos na pumunta sa lupa sa katawan ng isang Hudyo, bilang Anak ni David. Si Kristo ay ang Anak ng Diyos at ang Anak ng tao, pareho sa isang tao. Iyan ang Kristo ng Bibliya! Siya ay parehong tao at ang Diyos sa isang tao. Iyan ang Kristo ng kasaysayan at Kasulatan.
Gayon mayroong mga mangangaral ngayon sa ilang mga tinatawag na “Kristiyanong” simbahan ay mas malayo sa katotohanan tungkol kay Kristo kaysa mga Fariseo. Hindi nila nikikita ang katotohanan tungkol sa angkan ni Kristo. Alam ko ayaw nating marinig ang salitang “angkan” ngayon. Ngunit minsan kailangan nating marinig ang salita, lalo na kapag ito’y ginagamit sa Panginoong Hesu-Kristo.
Binabalaan tayo ni Hesus na “May magsisilitaw na mga bulaang Cristo, at mga bulaang propeta” sa mga huling araw ng kasaysayan (Mateo 24:24). Isa sa mga “bulaang Kristo” ng ating panahon ay ang bulaang Kristo ni Dr. Jeremiah Wright, ang kontrobersyal na mangangaral ng naging pastor ng nahalal na Presidenteng Barack Obama sa loob ng higit dalawampung taon. Walang pagdududa na ang Kristo ni Dr. Wright ay ang isa sa mga “bulaang Kristo” na binabalaan tayo ni Kristong iproproklama sa katapusan ng panahon.
Nadinig ko ang isang bahagi ng sermon ni Dr. Wright na ipinalabas sa telebisyon ng maraming beses bago ng eleksyon. Nakapulot ang mediya ng ilang mga salaysay na ibinigay niya tungkol sa mga puting mga tao bilang masasama. Ang bahaging partikular na iyon ay hindi ako nagaapektuhan. Sa pagiging isang mangangaral sa loob ng higit sa limampung taon, masasabi ko na iyan ay sa maliit na bahagi ay tama, dahil may malaking bahagi ng mga puti ay napaka sama ngayon. Nagsabi rin si Dr. Wright ng ilang mga bagay tungkol sa Diyos na naghahatol ng Amerika. Iyan din ay partikular na gumugulo sa akin dahil ako mismo ay naniniwalang hinahatulan ng Diyos ang Amerika dahil sa kanyang maraming kasalanan. Nangaral si Dr. John R. Rice ng isang tanyag na sermon noong 1943, noong Pangalawang Pandaigdigang Digmaan, tinatawag na “Naibalik sa Amerika ang Kanyang Pirasong Bakal” [“America Gets Back Her Scrap Iron”]. Sinabi ni Dr. Rice na ang Amerika ay pinarurusahan dahil sa kanyang kasalanan. Maraming mga mangangaral ay nagsalita tungkol sa temang ito ng maraming mga taon.
Ang punto na ginawa ni Dr. Jeremiah Wright na lubhang gumugulo sa akin ay hindi ang sinabi niya tunkgol sa pagkamakasalanan ng maraming mga puting Amerikano. Ang gumugulo sa akin ay ang kanyang pananaw kay Kristo Mismo. Narinig ko si Dr. Wright na nagsabi na si Hesus ay isang itim na inusig ng mga puting mga taga-Europang Romano. Noong narinig ko siya nagsabi nito sa telebisyon sinabi ko ng malakas, “Iya’y di tama! Iya’y di ang tunay na Hesus!” Sinabi ko na si Hesus ay di isang itim na inusig ng mga putting taga-Europa. Hindi iyan ang itinuturo ng Bibliya tungkol sa tunay na Kristo! Wala sa Bagong Tipan na tayo’y sinabihan na ang Panginoong Hesu-Kristo ay isang itim na tao. Ito lamang ay wala sa Bibliya!
Inihahayag ng mga tao sa mediya si Dr. Wright bilang “isang baliw.” Ngunit sila ay nagkakamali. Hindi siya isang “baliw.” Ang ipinangangaral niya tungkol kay Kristo ay itinuturo sa mga tinatawag na “karaniwang” [liberal] na teyolohikal na seminaryo, tulad noong seminaryo kung saan nagtapos si Dr. Wright.
Si Dr. Wright ay pumunta sa isang nakapa-kaliwa, gayon “karaniwang,” seminaryo para sa kanyang teyolohikal na pagsasanay. Inaral niya ang mga sulatin ng “Itim na Liberasyon” [“Black Liberation”] ng dalubhasa ng teyolohiyang si Dr. James H. Cone, ang matagal ng propesor sa Unyong Teyolohikal na Seminaryo [Unuib Theological Seminary] sa New York. Ganoon natutunan ni Dr. Wright na “si Hesus ay isang itim na inusig ng mga puting taga-Europa.” Isang artikulo para sa Peryodikong McClatchy ni Margaret Taley ay nagsabing:
Si Hesus ay itim. Ipinagsasama ang Marksismo [Komunismo] sa Kristiyanong Ebanghelyo ay maaring magpakita ng daan patungo sa isang mas mabuting bukas. Ang putting simbahan sa Amerika ay ang Anti-kristo…
Iyan ay ilan sa mga mga mas nakaiinsultong doktrina na bumubuhay sa teyolohiya sa sentro ng Trinidad na Magkakaugnay na Simbahan ni Kristo [Trinity United Churches of Christ] sa Chicago, ang simbahan ni Barack Obama…
Sinabi ni Wright na ang basehan para sa [kanyang] mga pilosopiya ay ang gawain ni James Cone, na nakahanap ng makabagong itim na kalayaang teyolohiyang kilusan na lumabas mula sa nasyonal na mga karapatang [civil rights] paghihirap ng taon 1960. Partikular na naka-impluwensiya ay ang nak-iimpluwensyang aklat ni Cone noong 1969, ang “Itim na Teyolohiya at Itim na Kapangyarihan” [Black Theology & Black Power”]…
Ang Kongregasyon [ni Wright] ay tinatanggap ang ideya na si Hesus ay itim. Ito’y sinosoportahan ayon sa kasaysayan ng mga kaliwang sosyal at banyagang patakaran, mula sa Timog Aprika hangang sa Latinong Amerika sa Gitnang Silangan…
Si Obama…ay sumapi sa Trinidad sa kanyang huling mga ika-dalawampu noong nagtrabaho siya bilang isang tagaayos ng komunidad (isinalin mula sa isinulat ni Margaret Taley, para sa mga Peryodikong McClatchy, “Ang Simbahan ni Obama’y Itinutulak ang Kontrobersiyan na mga Doktrina,” ika-20 ng Marso, taon 2008;
http://www.mcclatchydc.com/227/story/31079.html.
Ngunit si Dr. Jeremiah Wright ay hindi isang “baliw” kami ay sinabihan ng isang sekular na mediya. Nakuha niya ang kanyang Batsilyer na antas noong 1968 at isang antas na Master mula sa Unibersidad ng Chicago Relihiyosong Paaralan [University of Chicago Divinity School]. At humahawak siya ng isang pagka Doktor sa Paglilingkod na antas mula sa mga ganoong paaralan gaya ng Unibersidad ng Colgate, Unibersidad ng Valparaiso, Magkakaugnay na Teyolohikal na Seminaryo [United Theological Seminary] at Ang Teyolohikal na Seminaryo ng Chicago [Theological Seminary of Chicago]. Siya rin ay pinarangalan ng Medalyong Carver ng Kolehiyo ng Simpson [Simpson College] noong Enero taon 2008, alin ay kumilala kay Dr. Wright bilang “isang magaling na nilalang.” Si Dr. Wright ay isa ring may-akda ng labing apat na nalimbag na aklat sa iba’t ibang paksa. Si Dr. Wright ay naging isa ring propesor sa Teyolohikal na Seminaryo ng Chicago, sa Ebanghelikal Teyolohikal na Seminaryo ng Garrett [Garrett Evangelical Theological Seminary] at ibang mga pag-aaral na institusyon. Siya rin ay humawak ng maraming importanteng posisiyon sa mga komite ng maraming iba’t ibang mga relihiyoso at publikong institusiyon.
Ang sekular na mediya, ay parehong konserbatibo at liberal, ay tinatakan siya bilang isang “baliw.” Ngunit nagkamali sila. Siya ay isang lubos na nagsanay at mataas na nirerespetong ministro. Para sa akin mukhang ang paglalarawan ng mediya sa kanya bilang isang “baliw lamang” ay sa kabuuan di-kinakailangan, sa kainaman ng kanyang maraming natapos sa buhay.
Ngunit kailangan akong maging tapat sa Bibliya, kaysa ang di-eskritural na pagtuturo na natutunan niya mula sa Itim na liberal na dalubhasa sa teyolohiyang si Dr. James O. Cone ng malayong-kaliwang Unyong Teyolohikal na Seminaryo sa New York, mga pagtuturo na tumatagos sa mga sermon ni Dr. Wright sa pinaka araw na ito. Ang mga aklat ni Dr. Cone ay nagturo kay Jeremiah Wright na ang itim na liberasyong teyolohiya na hanggang ngayon ay pinaniniwalaan at ipinangangaral. Ngunit ginagwa itong napakalinaw ng Bibliya na si Hesus ay hindi ang itim na taong itinuturo ng mga aklat ni Dr. Cone kay Jeremiah Wright na paniwalaan niya. Sa puntong ito ang mga Fariseo ay tama noong sinabi nila na si Kristo ay “kay David” (Mateo 22:42). At si Dr. Jeremiah Wright ay maling-mali noong sinabi Niyang si Kristo ay isang itim na tao. Si Kristo ay hindi isang itim na tao o isang puting taga-Europa. Siya ay isang Hudyo “ayon sa laman” (Mga Taga Roma 1:3).
“Datapuwa't nang dumating ang kapanahunan, ay sinugo ng Dios ang kaniyang Anak, na ipinanganak ng isang babae, na ipinanganak sa ilalim ng kautusan [bilang isang Hudyo], Upang matubos niya ang nangasa ilalim ng kautusan, upang matanggap natin ang pagkukupkop sa mga anak” (Galacias 4:4-5).
Ang mga tao sa mediya ay hindi nakuha itong teyolohikal na kamalian dahil karamihan sa kanila ay mga halos walang alam tungkol sa Bibliya at liberal na Protestanteng teyolohiya. Iyan ang dahilan na ang mga kwentong ulat ay nakatuon sa kanyang kumento tungkol sa mga kasalanan ng mga puting Amerikano, kaysa ang malayong mas mahalagang paksa ng kung sino si Kristo. Sinabi ni Hesus,
“Ano ang akala ninyo tungkol kay Cristo? kanino bagang anak siya? Sinabi nila sa kaniya, kay David” (Mateo 22:41-42).
Ang paniniwala ni Dr. Wright na si Hesus ay itim ay nagpapakita na siya ay mas nasa kadiliman tungkol sa kung sino talaga si Kristo kaysa yaong mga Fariseo na bumaling sa Kanya at sa wakas ay tumawag para sa Kanyang pagpapako sa krus.
Gayon din, ako ay nagulo na ang susunod na Presidente ay isang miyembro ng simbahan ni Dr. Wright, at narinig siyang mangaral nitong bulaang pananaw kay Kristo ng higit dalawampung taon ng pangangaral alin ay nagsabing, “si Hesu-Kristo ay isang itim, na pinag-usig ng mga puting Europeyanong Romano.” Kaya, ang Bibliya bilang basehan, dapat kong sabihin na nakarinig si Barack Obama ng mga sermon sa isang “bulaang Kristo” sa karamihan ng kanyang katandaang buhay sa simbahan ni Dr. Wright. Si Obama ay di lamang napapadaan minsan sa simbahan ni Dr. Wright. Siya at ang kanyang pamilya ay mga miyembro ng simbahang iyon, na naroon ng mga di-mabilang na Linggo ng higit dalawampung taon. Si Presidente at Gng. Obama ay ikinasal sa isang seremonyas na isinagawa ni Dr. Wright. Ang mga anak nila ay bininyagan ni Dr. Wright. At si Dr. Wright ay malimit na bisita sa tahanan ng mga Obama, at itinuturing na kaibigan ng pamilya. At ipinapakita ng talaan na nakarinig si Presidente Obama ng maraming mga sermon mula kay Wright sa “itim na Kristo.”
Alam ko na ang ilan ay pupunahin ako dahil sa pag-uungkat nito, ngunit ito ang katotohanan – at tinawag ako ng Diyos upang mangaral ng katotohanan tungkol kay Hesu-Kristo. Kung gayon, sa kasamaan ng kahit anong pamumunang aking maaring matanggap, dapat kong sabihin, pagkatapos makarinig ng dalawampung taon ng pangangaral ni Dr. Wright, na si Barack Obama ay walang dudang naniniwala sa “bulaang Kristo” ng Itim na Teyolohiyang Liberasyon na natutunan ni Dr. Wright mula sa Itim na Liberasyong dalubhasa ng teyolohiyang si Dr. James H. Cone ng Unyong Seminaryo sa New York. Kung gayon, aking masasabi, kasing lakas na posible, na tiyak na si Barack Obama ay naniniwala sa isang bulaang itim na Kristo, kaysa isang tunay na Kristo, sino ay isang Hudyo, isang angkan ni David! Ano ang pinaniniwalaan ni Barack Obama tungkol kay Hesu-Kristo?
Bakit hindi tanungin ng sino man si Presidente Obama kung sumasang-ayon pa rin siya kay Dr. Wright na si Kristo ay isang itim na tao? Bakit hindi tanungin ng sino man sa mediyang nag-uulat si Obama upang saguting kung naniniwala ba siya sa radikal na Itim na Kristo ng “Liberasyong Teyolohiya” na siya ay naturuan ni Dr. Wright, at alin ay itinuturo pa rin ni Dr. Wright sa araw na ito? Maari siyang magbigay ng isang madaling sagot na “oo” o “hindi,” di ba? Sa kahit anong pagkakataon, di ba makasasagot ka ng isang “oo” o “hindi”? Bakit di isang taga-ulat ang magtanong sa kanya nito – “Naniniwala ka ba na si Kristo ay isang itim na inusig at ipinako ng mga taga-Europang Puting Romano? Paki sagot ng ‘oo’ o ‘hindi’.” Mukhang utang ng mediya sa mga tao ng Amerika ang isang imbestigasyon ng kanyang paniniwala tungkol kay Kristo, at kailangan gawin itong publiko.
Ngayon, sinasabi ng Bibliya ng paulit-ulit, sa iba’t ibang paraan at sa maraming mga talata, na si Hesu-Kristo ay isang Hudyo, Ang Anak ni David, hindi isang itim na tao. Paki lipat natin sa Mga Taga Roma 1:1-4. Magsi-tayo tayo at basahin ang apat na mga bersong ito ng malakas.
“Si Pablo na alipin ni Jesucristo, na tinawag na maging apostol, ibinukod sa evangelio ng Dios, Na kaniyang ipinangako nang una sa pamamagitan ng kaniyang mga propeta sa mga banal na kasulatan, Tungkol sa kaniyang Anak, na ipinanganak sa binhi ni David ayon sa laman, Na ipinahayag na Anak ng Dios na may kapangyarihan ayon sa espiritu ng kabanalan, sa pamamagitan ng pagkabuhay na maguli ng mga patay, sa makatuwid baga'y si Jesucristo na Panginoon natin” (Mga Taga Roma 1:1-4).
Maari ng magsi-upo.
I. Una, si Kristo ay pisikal na isang angkan ni David,
at kung gayon ay isang Hudyo, hindi isang itim na tao.
Ang talatang ito ng Kasulatan sa Mga Taga Roma ay nagsasabi sa atin ng dalawang katunayan tungkol kay Hesu-Krito. Una, tayo ay sinabihan sa berso tatlo na Siya ay “ipinanganak sa binhi ni David ayon sa laman” (Mga Taga Roma 1:3). Sinasabi ng 1599 Geneva Bible, sa bersong ito, si Kristo, “bilang pagdadampi sa kanyang pagkatao, ay gawa sa binhi ni David.” At sa Kanyang likas na pagkatao, si Kristo ay isang angkan ni David – at kung gayon ay isang Hudyo.
Noong si Hesus ay naglakbay sa Samaria, huminto Siya sa balon ni Jakob. Isang babaeng Samaritana ang dumating sa balon upang punuhin ng tubig ang kanyang bote. Ang mga Samaritana ay hindi mga Hudyo. Sa dahilang ito siya ay nagulat noong sinabi sa kanya ni Hesus, “Painumin mo ako” (Juan 4:7). Ang mga Hudyo noong araw ni Hesus ay walang pagkakakilanlan sa mga Samaritana, at lalo na sa isang Samaritanang babae. Ang babae ay namangha lubus noong hiningan siya ni Hesus ng tubig na kanyang kinuha mula sa balon. Sinabi niya sa Kanya,
“Paano ngang ikaw, na isang Judio, ay humingi ng maiinom sa akin, na ako'y babaing Samaritana? (Sapagka't hindi nangakikipagusap ang mga Judio sa mga Samaritano.)”
(Juan 4:9).
Ginawa niyang napaka linaw na si Hesus ay isang Hudyo “bilang pagdadampi sa kanyang pagkatao.”
Ang Pastor ni Presidente Obama ay isang matalino at may pinag-aralang tao. Alama niya ang mga bersong ito. Bakit ngayon niya sinasabi na si Hesus ay isang itim na tao? Ang sagot ay simple. Ang “liberasyong teyolohiya” na kung saan natutunan iyon ni Jeremiah Wright mula sa “Itim na Liberasyon” na dalubhasa ng teyolohiyang si Dr. James H. Cone ng Unyon ng Teyolohikal na Seminaryo ay hindi nagtuturo ng Hesus ng kasaysayan. Itinuturo nila na ang Hesus ng kasaysayan ay hindi importante, sa katunayan naniniwala sila na ang Hesus ng kasaysayan ay isang kathang isip. Gayon, itong “alamat” na Hesus ay maaring maipangaral bilang isang kathang isip, isang pabula. Ang “kathang isip” ni Hesus ay maaring masabuhay sa iba’t ibang mga lahi, upang palayain sila mula sa opresyon. Si Hitler ay naniwala sa isang puti, Aryanong, di-Hudyong Kristo. Hindi siya naniwala sa Hudyong Kristo ng Bibliya at kasaysayan. Ang liberal na “Tatlong-Nagsasariling” mga simbahan sa Tsina ay nagtuturo ng isang Tsinong Kristo. Ang liberal na dalubhasang Hispanikong mundo ay nagtuturo ng isang kayumangging Kristo. At ilan sa mga liberal na itim na mga simbahan ay nagtuturo ng isang itim na Kristo, gaya ng ginagawa ni Dr. Jeremiah Wright.
Ngunit ang Bibliya mismo ay hindi nagtuturo ng isang “alamat” na Kristo, na maaring magbagong anyo sa iba’t ibang lahi. Ang Hesus ng Kasulatan at kasaysayan ay isang tunay na tao, na sa katunayan ay nanirahan sa Israel, na sa katunayan ay isang Hudyo ayon sa laman, na sa katunayan ay napako sa isang tunay na krus upang bayaran ang tunay na mga kasalanan ng lahat ng sanglibutan! Iyan ang Hesus na prinoklama sa Bagong Tipang talaan.
“Paano ngang ikaw, na isang Judio, ay humingi ng maiinom sa akin, na ako'y babaing Samaritana?” (Juan 4:9).
“Sinabi sa kaniya ng babae, Nalalaman ko na paririto ang Mesias (ang tinatawag na Cristo) …” (Juan 4:25).
“Sinabi sa kaniya ni Jesus, Ako na nagsasalita sa iyo ay siya nga” (Juan 4:26).
Si Hesus ay isang Hudyo. Si Hesus ay ang Mesiyas. Siya ay ang Kristo. Siya ay ang tunay na Kristo na talagang ipinanganak ng isang Hudyong babae, na talagang namatay sa Krus at talagang nagbuhos ng Kanyang Dugo, upang makipagkasundo para sa ating mga kasalanan sa buong sanglibutan, upang gawing posible ang kaligtasan ng bawat lahi sa lupang ito!
“[Si Hesus ang ating Panginoon]… na ipinanganak sa binhi ni David ayon sa laman” (Mga Taga Roma 1:3).
“At sa kanino mang iba ay walang kaligtasan: sapagka't walang ibang pangalan sa silong ng langit, na ibinigay sa mga tao, na sukat nating ikaligtas” (Mga Gawa 4:12).
Lahat magpugay sa kapangyarihan ng ngalan ni Hesus!
Hayaang mga anghel ay magsihandusay!
Iharap ang kamahalang kurona,
At putungan Siyang Panginoon ng lahat;
Iharap ang kamahalang kurona,
At putungan Siyang Panginoon ng lahat!
Hayaan bawat pamilya, bawat tribo,
Sa makamundong pagtitipong ito,
Sa Kanya lahat ng kamahalan ay maibaba,
At putungan Siyang Panginoon ng lahat;
Sa Kanya lahat ng kamahalan ay maibaba,
At putungan Siyang Panginoon ng lahat.
(“Lahat Magpugay sa Kapangyarihan” isinalin mula sa
“All Hail the Power” ni Edward Perronet, 1726-1792).
II. Pangalawa, si Kristo’y idineklarang Anak ng Diyos sa Kanyang
muling pagkabuhay mula sa pagkamatay.
Paki basa ang Mga Taga Roma 1:3-4 ng malakas.
“Tungkol sa kaniyang Anak, na ipinanganak sa binhi ni David ayon sa laman, Na ipinahayag na Anak ng Dios na may kapangyarihan ayon sa espiritu ng kabanalan, sa pamamagitan ng pagkabuhay na maguli ng mga patay, sa makatuwid baga'y si Jesucristo na Panginoon natin” (Mga Taga Roma 1:3-4).
Sa sulat na ito sa Mga Taga Roma 1:3, ang 1599 Geneva Bible ay nagsasabing,
Si Kristo (sino ay ang pinaka laman at kabuuan ng Ebanghelyo) ay ang anak lamang ng Diyos ang Ama, sino ay sa pagkakadampi ng kanyang pagkatao, ay ginawa sa binhi ni David, ngunit pagdadamipi ng kanyang kabanalan at espiritwal na kalikasan…ay anak ng Ama mula sa walang katapusan, sa kanyang makapangyarihang muling pagkabuhay ay kapansin pansing nagpakita (sulat sa Mga Taga Roma 1:3).
Siya ay gawa sa binhi ni David, ngunit Siya ay palaging ang Anak ng Diyos. Kung gayon, ang teksto ay hindi nagsasabi na Siya ay ginawang Anak ng Diyos, kundi “na ipinahayag [minarakahan, itinuro, pinatunayan] na Anak ng Dios…sa pamamagitan ng pagkabuhay na maguli ng mga patay” (Mga Taga Roma 1:4).
Ang muling pagkabuhay ng katawan ni Kristo mula sa pagkamatay ay nagmamarka sa Kanya, at nagpapatunay sa Kanya bilang, ang kaisa-isang anak ng Diyos. Ang Kanyang pisikal na muling pagkabuhay mula sa pagkamatay ay tumuturo sa Kanya, at naghahayag sa Kanya bilang, ang walang hanggang Anak ng Diyos! Ito ang pinaka pundasyon ng Kristiyanong pananampalataya.
Ang muling pagkabuhay ng katawan ni Kristo mula sa pagkamatay ay nagmamarka sa Kanya, at nagpapatunay sa Kanya bilang, ang kaisa-isang Anak ng Diyos. Siya ay bumangaon mula sa hukay. Iyan ang tumuturo sa Kanya, at naghahayag sa Kanya bilang ang walang hanganang Anak ng Diyos – ang Kanyang muling pagkabuhay mula sa pagkamatay! Iyang ang pinaka pundasyon ng Kristiyanong pananampalataya.
“Si Cristo ay namatay dahil sa ating mga kasalanan, ayon sa mga kasulatan; At siya’y inilibing; at siya’y muling binuhay nang ikatlong araw ayon sa mga kasulatan”
(I Mga Taga Corinto 15:3-4).
“Ang Jesus na ito'y [isang Hudyo] binuhay na maguli ng Dios, at tungkol dito'y mga saksi kaming lahat” (Mga Gawa 2:32).
“Ginawa ng Dios na Panginoon at Cristo itong [parehong] si Jesus na inyong ipinako sa krus” (Mga Gawa 2:26).
Sinabi ni Dr. McGee,
Siya ay inihayag na Anak ng Diyos “sa pamamagitan ng muling pagkabuhay sa pagkamatay.” Ang muling pagkabuhay ay nagpapatunay ng lahat. Ito ay Muling pagkabuhay na naglalagay sa kanya bilang Anak na Diyos…Siya ay bumalik mula sa kamatayan sa matinding kapangyarihan…muling nabuhay at sa kasalukuyan nakaupo sa kanang kamay ng Diyos sa langit (isinalin mula sa isinulat ni J. Vernon McGee, Th.D., Thru the Bible, Thomas Nelson Publishers, 1983, volume IV, p. 647).
Iyan ang tunay na Kristo! Iyan ang Diyos-tao,
“Tungkol sa kaniyang Anak [si Hesus an gating Panginoon], na ipinanganak sa binhi ni David ayon sa laman, Na ipinahayag na Anak ng Dios na may kapangyarihan ayon sa espiritu ng kabanalan, sa pamamagitan ng pagkabuhay na maguli ng mga patay, sa makatuwid baga'y si Jesucristo na Panginoon natin” (Mga Taga Roma 1:3-4).
Lumapit kay Hesus. Mahugasang malinis mula sa iyong mga kasalanan sa pamamagitan ng Kanyang Dugo. Lumapit sa Anak ng Diyos at ika’y Kanyang ililigtas. “Ngunit,” sabi ng isa. “masayadong maraming isususko kung lalapit ako sa Kanya.” Ipapaalala ko sa iyo ang mga salita noong binatang misyonaryong, si Jim Elliot. Namatay siya na isang martir para kay Kristo sa edad na dalawampu’t walo. At si Jim Elliot ang tanyag na nagsabing, “Siya’y di isang hanggal na isinusuko ang hindi niya maitago upang makuha ang hindi niya maisusuko.” Lumapit gayon at itapon ang sarili, ang iyong buhay, ang iyong lahat – kay
“[Hesus ang ating Panginoon], na ipinanganak sa binhi ni David ayon sa laman, Na ipinahayag na Anak ng Dios na may kapangyarihan ayon sa espiritu ng kabanalan, sa pamamagitan ng pagkabuhay na maguli ng mga patay, sa makatuwid baga'y si Jesucristo na Panginoon natin” (Mga Taga Roma 1:3-4).
Hayaan bawat pamilya, bawat tribo,
Sa makamundong pagtitipong ito,
Sa Kanya lahat ng kamahalan ay maibaba,
At putungan Siyang Panginoon ng lahat;
Sa Kanya lahat ng kamahalan ay maibaba,
At putungan Siyang Panginoon ng lahat.
(“Lahat Magpugay sa Kapangyarihan” isinalin mula sa
“All Hail the Power” ni Edward Perronet, 1726-1792).
(KATAPUSAN NG SERMON)
Maari ninyong mabasa ang mga sermon ni Dr. Hymers linggo-linggo sa Internet
sa www.realconversion.com. I-klik ang “Mga Pangaral sa Tagalog.”
Pagbabasa ng Kasulatan Bago ng Pangaral ni Dr. Kreighton L. Chan: I Timoteo 2:1-3.
Kumanta ng Solo Bago ng Pangaral si Gg. Benjamin Kincaid Griffith:
“Walang Nagmamahal Sa Iyo na Tulad ni Hesus” isinalin mula sa
“Nobody Loves You Like Jesus Does” (na kinanta ni George Beverly Shea, 1909-).
ANG BALANGKAS NG ANO ANG PANINIWALA NI PANGULONG OBAMA TUNGKOL ni Dr. R. L. Hymers, Jr. “Habang nangagkakatipon nga ang mga Fariseo, ay tinanong sila ni Jesus ng isang tanong., Na sinasabi, Ano ang akala ninyo tungkol kay Cristo? kanino bagang anak siya? Sinabi nila sa kaniya, kay David” (Mateo 22:41-42). (Mateo 24:24; Galacias 4:4-5; Mga Taga Roma 1:1-4) I. Una, si Kristo ay pisikal na isang angkan ni David, at kung gayon ay isang II. Pangalawa, si Kristo’y idineklarang Anak ng Diyos sa Kanyang muling
pagkabuhay mula sa pagkamatay., Mga Taga Roma 1:3-4; |