Print Sermon

Ang mga pangaral na manuskrito at mga videyo ay ngayon lumalabas sa 1,500,000 na mga kompyupter sa lampas na 221 na mga bansa kada taon sa www.sermonsfortheworld.com . Daan-daang iba ang nanonood ng mga videyo, sa YouTube, ngunit di nagtatagal ay iniiwan ang YouTube at nagpupunta sa aming websayt, dahil bawat pangaral ay nagtuturo sa kanila papalyo mula sa YouTube tungo sa aming websayt. Ang YouTube ay nagdadala ng mga tao sa aming websayt. Ang mga pangaral na manuskrito ay ibinibigay sa 46 na mga wika sa halos 120,000 na mga kompyuter kada buwan. Ang pangaral na manuskrito ay hindi nakarapatang magpalathala, kaya nagagamit ng mga mangangaral ang mga ito na walang pahintulot. Mayroong daan-daang mga videyo ni Dr. Hymers at ng kanyang mga estudyanteng nangangaral. Ang mga manuskrito ay hindi nakarapatang magpalathala, ngunit lahat ng mga videyo nakarapatang magpalathala. Paki-klik ito upang matutunan kung paano ka maaring gumawa ng isang buwan-buwanang donasyon upang tulungan kami sa dakilang gawaing ito ng pagkakalat ng Ebanghelyo sa buong mundo, kasama ang mga Muslim at mga Hindu na mga bansa.

Tuwing nagsusulat kay Dr. Hymers, laging sabihin sa kanya kung anong bansa ka nakatira, o hindi ka niya masasagot. Ang email ni Dr. Hymers’ ay rlhymersjr@sbcglobal.net .




ANG PAGBAGSAK NG AMERIKA SA PREDIKSYON SA BIBLIYA

THE FALL OF AMERICA IN BIBLE PROPHECY

ni Dr. R. L. Hymers, Jr.

Isang pangaral na ipinangaral sa Baptist Tabernacle ng Los Angeles
Gabi sa Araw ng Panginoon ika-26 ng Oktubre taon 2008

“At ipinagkaloob sa kaniya na makipagbaka sa mga banal, at pagtagumpayan sila; at binigyan siya ng kapamahalaan sa bawa't angkan at bayan at wika at bansa. At ang lahat ng nangananahan sa lupa ay magsisisamba sa kaniya, na ang kanikaniyang pangalan ay hindi nasusulat sa aklat ng buhay ng Cordero na pinatay buhat nang itatag ang sanglibutan. Kung ang sinoman ay may pakinig, ay makinig” (Apocalipsis 13:7-9).


Nagsasalita tungkol sa tekstong ito, sinabi ni Dr. F. Walvoord,

Ayon sa biblikal na prediksyon, ang hinaharap ng Amerika ay hindi mabuti. Hinuhulaan ng Banal na Kasulatan ang isang pandaigdigang gobyerno [sa] katapusan ng panahon na hindi Amerika ang sentro ngunit ang Gitnang Silangan. Ang pagsasamasama ng kapangyarihan ay hinulaang dumudugtong “sa bawa't angkan at bayan at wika at bansa” (Apocalipsis 13:7) malinaw na kinakailangan na ang Amerika sa [nalalapit] na hinaharap na araw na iyon ay mawala ang karamihan sa kasalukuyang planadong lugar nito sa mundo (Isinalin mula sa isinulat ni John F. Walvoord, Th.D., isinipi sa Thomas S. McCall, editor, America in History and Bible Prophecy, Moody Press, 1976, page 24).

Si Dr. Walvoord ay tama. Wala kahit saan na ang Amerika ay binanggit sa katapusang-panahon na prediksyon. Iya’y mukhang mahirap maintindihan. Simula noong pagbagsak ng Unyong Sobyet, ang Estados Unidos na ngayon ay ang kaisa-isang lubos na makapangyarihan sa mundo. Gayon man ang Amerika ay kapansin-pansin sa pagkaliban nito sa malapit na hinaharap mula sa mga mangyayari sa mundo sa prediksyon sa Bibliya. Bakit? Dahil ang Amerika na mayroon nitong kapangyarihan mayroon ito ngayon ay mukhang mawawala rito. Hindi ko gustong sabihin iyan. Nagdadala ito ng sakit sa aking puso at luha sa aking mga mata. Ngunit dapat kong sabihin ang sa palagay ko ay totoo. Mukhang naninirahan tayo sa katapusan ng Amerika.

Na saan ang Estados Unidos sa darating na panahon ng Kapighatian? Ang tanong na iyan ay hindi masasagot dahil ang Bibliya ay nananahimik sa paksang ito. Ito ang tiyak – ang Amerika ay hindi na magiging isang pandaigdigang makapangyarihan sa oras na ang panghuling Kapighatian ay mag-umpisa.

Papaano matatapos ang makapangyarihang katayuan ng Ameika? Sa palagay ko mayroong maraming posibleng mangyari.

1.  Ang mga teroristang Muslim, na pinalalakas ng isang mas mahinang Pangulo ng Estados Unidos, ay maaring ilegal na magdala ng mga maliliit na mga bombang naglalabas ng makinang na enerhiya [radioactive] sa isa o mas marami sa malalaking lungsod sa Estados Unidos at pagkatapos ay pasabugin ang mga “maduduming bomba” mula sa kalayuan o mayroong orasan. Ang isang “maduming” bomba ay gawa sa isang materyal na makapaglalabas ng makinang na enerhiya [radioactive] na maaring mapasabog sa karaniwang paraan, na magagawang ang isang lungsod ay hindi na matitirahan sa pamamagitan ng pagpaparumi ng hangin at ng pinanggagalingan ng tubig. Ito’y magsasanhin ng pangkalahatang pagkataranta at papatay ng libo-libong mga tao. Kung iyan ay mangyayari sa Washington, D. C. at Lungsod ng New York, maari nitong mapilay ang Estados Unidos ng maraming dekadang darating.

2.  Ang mga paglilindol na mangyayari sa may “San Andreas Fault” sa California ay maaring mabigla ang buong Kanlurang Baybayin ng maraming taon.

3.  Kung ang Iran ay magbubuo ng mga armas sa nalalapit na hinaharap, maari nilang tamaan ang ating mga kaibigan sa Israel, at posibleng kahit sa Silangang Baybayin ng Estados Unidos.


Papaano kung ang lahat ng mga kalamidad ay mangyari ng sabay-sabay, o sa loob ng kakaunting linggo? Sa loob ng kakaunting buwan, ang Amerika ay hindi na magiging ang makapangyarihan sa buong mundo. Ilang linggo ang nakalipas, nakita natin kung gaano kadaling masira ng ekonomiya ng ating bansa. Narinig ko sa isang ulat programa na dalawa’t tatlo ng mga Amerikano ay natatakot sa maaring mangyari sa ating ekonomiya sa hinaharap. Ang sensus ay nagpapakita na ang kanilang takot ay maaring maging kritikal sa darating na eleksyon para sa Pagka-pangulo. Ngunit walang Pangulo ang makaliligtas sa bansang ito kapag ang paghahatol ng Diyos ay babagsak sa atin.

Ang ating bansa ay walang kalaban-laban, mas lalo na kay sa noong Pangalawang Pandaigdigang Digmaan, at mas walang laban kay sa marami sa ibang mga bansa tulad ng Tsina ngayon. Hindi na tayo kumikilos bilang iisang bansa, na mayroong iisang kultura at iisang wika. Marami sa mga tao ay hindi na naiisip ang kanilang sarili bilang mga “Amerikano” ngunit bilang mga miyembro lamang ng kanilang partikular na “etnikong” grupo. Marami sa ating mga tao ay biglaang handang magrebolta. Marami sa kanila ay hindi nagtratrabaho, at kahit sa gitna nong mga nagtratrabaho, hindi sila sanay sa paglilimot sa sarili at sakripisyo, at karamihan sa mga tao (nagtratrabaho o hindi) ay umaasa sa maraming mga benepisyo at mga serbisyo gaya ng kanilang tinatawag na “karapatan.”

Karamihan sa mga Amerikano’y tinitignan ang kanilang sariling maging-dapat ng isang komportableng buhay at sa maraming benepisyo. Iniisip nila na ang kanilang gobyerno ay nagkakautang sa kanila ng kabuhayan, nagkakautang sa kanila ng isang pagputol ng buwis at ng isang madaling buhay. Ang kanilang mga paaralan at mga politiko ang nagsasabi ng mga iyan sa kanila ng madalas. Ang ating bansa ngayon ay tumatakbo sa kagalakan, katuwaan at utang, kay sa pag-iipon at pagkakayod ng mabuti. Marami sa ating mga tao ay matiis ang mawalan ng trabaho o ng isang pinansyal na pagsubok. At karamihan sa ating mga pamilya ay hindi na kumikilos bilang isang mapagtulungang grupo. Eto pa, marami sa mga tao ay nag-iisip na ang mga problema sa bansang ito at sa mundo, kahit ang terorismo, ay talagang kasalanan ng Amerika. Mga tao tulad ng taga-likha ng mga pelikulang si Michael Moore ay iniisip na “nagkaka-utang” ang gobyerno sa kanila ng isang kabuhayan, na binayaran ng mas mataas na buwis at masikap kumayod na mga tao tulad ni “Joseng Tubero” [“Joe the Plumber”]. Sa tingin ko sapat na ang hinihinging buwis mula sa kanya at sa iyo rin!

Karamihan sa mga tao sa bansang ito ay umaasa sa mabilis at madaling mga tagumpay na hindi kinakailangang magtrabaho para rito, tulad ng nakikita natin madalas sa mga pelikula at programa sa telebisyon, ngunit hindi iyan ang nangyayari sa marami sa mga pinansyal na kaguluhan. Kaya karamihan sa mga tao sa bansang ito ay babagsak (tulad ng, paglayo mula sa Vietnam, o gumawa ng isang diplomatikong kasunduan kasama ng Iran) o sumuko sa isang pagtutuos o kaguluhan, kapag ang kanilang personal na kapayapaan at kaginhawaan ay nasa panganib, o kapag mukha itong isang pagkayod na mangyayari ng mahabang panahon at nangangailangan ng mga sakripisyo. Hindi ganito noong Pangalawang Pandaigdigang Digmaan – ngunit maari bang ang mga Amerikano sa ating panahon ay makalalaban at manalo sa Pangalawang Pandaigdigang Digmaan hanggang sa katapusan, o aatras at gumawa ng ilang pagkakasundo kay Hitler – o sa mga radikal na mga Muslim ngayon?

Sa ibang salita, ang tunay na pagsubok, isang pang-militar o kahit isang pinansyal na krisis, ay maaring magsanhi sa Amerikang bumagsak, bumagsak ng lubusan, o sumali sa unyon sa Europa kung iya’y kakailanganin upang mapanatili ang kanilang sariling personal na kapayapaan at kaginhawaan.

Tayo’y tumalikod mula sa Bibliya. Nadala natin ang pagdidiwang ng Undas sa ating mga paaralan at sa mga pinag-tratrabahuhan, habang sa parehong beses ipinagbabawal ang pangalan ni Kristo, at ipinagbabawal ang Banal na Kasulatan. Tayo’y lumayo mula sa Hudyo-Kristiyanong mga paniniwala, at yinakap ang gawain ng neo-paganismo. Ating pinatay ang 4,150 mga bata bawat araw (pati sa Araw ng Pasko) sa pangmaramihang paglalaglag. Walang Pangulo ang makaliligtas sa atin kapag ang kamay ng Diyos ay iikot laban sa ating bansa. Gaya nito sa lumang kaharian ni Judas, kaya maaring ito’y nasa makabagong Amerika sa araw ng paghahatol. Ang mga salita ng propetang si Jeremais ay mukhang sumasakto sa Amerika sa ating panahon.

“Sila'y nagsisitaba, sila'y makintab: oo, sila'y nagsisihigit sa mga paggawa ng kasamaan: hindi nila ipinakikipaglaban ang usap, ang usap ng ulila, upang sila'y guminhawa; at ang matuwid ng mapagkailangan ay hindi hinahatulan. Hindi baga dadalaw ako dahil sa mga bagay na ito? sabi ng Panginoon: hindi baga manghihiganti ang aking kalooban sa ganiyang bansa na gaya nito?” (Jeremias 5:28-29).

“Kaya't ganito ang sabi ng Panginoong Dios, Narito, ang aking galit at ang aking kapusukan ay mabubuhos sa dakong ito, sa tao, at sa hayop, at sa mga punong kahoy sa parang, at sa bunga ng lupa; at masusupok, at hindi mapapatay
      (Jeremias 7:20).

“Pagka sinasabi ng mga tao, Kapayapaan at katiwasayan, kung magkagayo'y darating sa kanila ang biglang pagkawasak, na gaya ng pagdaramdam, sa panganganak ng babaing nagdadalang-tao; at sila'y hindi mangakatatanan sa anomang paraan” (I Mga Taga Tesalonica 5:3).

Matinding ikinakatakot ko na ang mga bersong ito ay mukhang masasabuhay sa ating minamahal na bansang, Amerika. Hiling ko na hindi ito – ngunit ako’y natatakot na masasabuhay nga ito sa ating bansa. Mahal ko ang Amerika ng aking buong kaluluwa. Nakibibiyak ng aking puso na magbigay ng isang sermon na tulad nito. Dapat ninyong maintindihan na lumuha ko habang isinusulat ko ang sermon na ito. Kami’y tinuruang mahalin ang bansa noong ako’y bata pa. Diyos tulungan Ninyo kami!

Ang pumanaw na si Dr. John F. Walvoord ay ang pangulo ng Teyolohikal na Seminaryo ng Dallas ng maraming taon. Si Dr. Walvoord ay isang mataas na nirerespetong iskolar, at sumulat ng marami sa prediksyon sa Bibliya. Ang kanyang kumento sa Amerika ay hindi yoong mula sa isang mabangis na hangal. Siya ay mataas na nirerespetong iskolar ng Bibliya. Uulitin ko rito ang sinabi ni Dr. Walvoord tungkol sa ating teksto:

Ayon sa biblikal na prediksyon, ang hinaharap ng Amerika ay hindi mabuti. Hinuhulaan ng Banal na Kasulatan ang isang pandaigdigang gobyerno [sa] katapusan ng panahon na hindi Amerika ang sentro ngunit ang Gitnang Silangan. Ang pagsasamasama ng kapangyarihan ay hinulaang dumudugtong “sa bawa't angkan at bayan at wika at bansa” (Apocalipsis 13:7) malinaw na kinakailangan na ang Amerika sa [nalalapit] na hinaharap na araw na iyon ay mawala ang karamihan sa kasalukuyang planadong lugar nito sa mundo (Isinalin mula sa isinulat ni John F. Walvoord, Th.D., quoted in Thomas S. McCall, editor, America in History and Bible Prophecy, Moody Press, 1976, page 24).

Dito muli, ay isang buong teksto ng talata sa Aklat ng Apocalipsis na pinagsipian ni Dr. Walvoord:

“At ipinagkaloob sa kaniya na makipagbaka sa mga banal, at pagtagumpayan sila; at binigyan siya ng kapamahalaan sa bawa't angkan at bayan at wika at bansa. At ang lahat ng nangananahan sa lupa ay magsisisamba sa kaniya, na ang kanikaniyang pangalan ay hindi nasusulat sa aklat ng buhay ng Cordero na pinatay buhat nang itatag ang sanglibutan. Kung ang sinoman ay may pakinig, ay makinig” (Apocalipsis 13:7-9).

I. Una, ang talatang ito sa Apocalipsis ay tumutukoy
sa pagdating ng Anti-kristo.

Sinasabi nito, sa berso pito,

“…at binigyan siya ng kapamahalaan sa bawa't angkan at bayan at wika at bansa” (Apocalipsis 13:7).

Ang bersong ito ay tumutukoy sa “Halimaw” – na kilala ring ang “Anti-kristo” sa Bagong Tipan, sa ganitong mga talata tulad ng I Ni Juan 2:18,

“Mumunting mga anak, ito ang huling oras: at gaya ng inyong narinig na darating ang anticristo…” (I Juan 2:18).

Ang padating na diktador ng mundo ay tinatawag na Anti-kristo dahil ang “anti” ay nangangahulugang siya ay parehong laban kay Kristo at naghahangad na palitan si Kristo. Hindi ba nakikita natin itong nangyayari ngayon sa Washington at sa ating mga paaralan? Sinabi ni Dr. Walvoord na [ang Anti-kristo] ay “ihahandog ni Satanas bilang kapalit ng Diyos” (Isinalin mula sa isinulat ni John F. Walvoord, Th.D., Major Bible Prophecies, Zondervan Publishing House, 1991, p. 315).

Ayon sa ika-pitong kapitulo ng Daniel, ang Anti-kristo ay magiging pinuno ng sampung bansa na dating bahagi ng Romanong Imperyo. Kasama sa mga ito ay ang Italia, at ibang pang maraming mga bansa sa Europa. Sinabi ni Dr. Walvoord,

Kahit na ang posibilidad ng mga ganitong mga natupad na mga prediksyon ay madalas na di nirerespeto ng mga naunang henerasyon, ito na ngayon ay nagiging napaka posible, at kahit ang sekular na mundo ay hinuhulaan ang isang uri ng Estados Unidos ng Europa. Mula sa isang propetikong posisiyon, ang mahalaga ay na ang pangunahing hakbang sa katapusang mga pangyayari ay magdadala sa pangalawang pagdating ni Kristo (Isinalin mula sa Major Bible Prophecies, ibid.).

Itinuloy ni Dr. Walvoord,

Una, siya [ang Antikristo] ay magdadala ng pagkakasama sa sampung-bansang grupo [sa Europa], na magbibigay sa kanya ng kapangyarihan upang kumilos bilang ang pangunahing pinuno ng Gitnang Silangan…siya pagkatapos ay papasok sa isang pitong-taong pagkakasundo sa Israel (Daniel 9:27) na magbibigay ng sukat ng oras para sa huling pitong taon na magdadala sa pangalawang pagdating ni Kristo. Siya rin ay tatayong may kapangyarihan bilang diktador ng mundo tatlo’t kalahating taon bago ng pangalawang pagdating ni Kristo, gaya ng isinaad sa Apocalipsis 13:7. Gaya nito, siya’y magiging taga-usig ng parehong mga Hudyo at mga Kristiyano (Isinalin mula sa ibid., p. 316).

II. Pangalawa, ang talatang ito sa Apocalipsis ay tumutukoy sa
kapangyarihan ng Antikristong mag-usig.

“At ipinagkaloob sa kaniya na makipagbaka sa mga banal, at pagtagumpayan sila…” (Apocalipsis 13:7).

Tinawag ni Kristo ang panahon na ito ang “Malaking Kapighatian” Mateo 24:21-22, at sa Mateo 24:29, sinabi ni Kristo,

“Sapagka't kung magkagayo'y magkakaroon ng malaking kapighatian, na ang gayo'y di pa nangyayari buhat sa pasimula ng sanglibutan hanggang ngayon, at ni hindi na mangyayari kailan man. At malibang paikliin ang mga araw na yaon, ay walang lamang makaliligtas…” (Mateo 24:21-22).

Ito’y tumutukoy sa kasuklamsuklam na panahon ng pag-uusig sa ilalim ng paghahari ng Anti-kristo. Sinabi Dr. Walvoord,

Ang huling oras ng kaguluhan [sa Malaking Kapihatian] ay nahihiwalay sa di-karaniwan. Ito’y maiiba mula sa lahat ng ibang mga naunang mga panahon ng kaguluhan sa karakter, pangyayari, at antas (isinalin mula sa (ibid. p. 346). Ang kakilakilabot na kalupitan ng Romanong Imperyo…ay matinding malalampasan ng mga pag-uusig na darating sa muling nanumbalik na porma ng [Romanong] imperyo [sa ilalim ng pagkadiktador ng Antikristo] (Isinalin mula sa ibid., p. 248).

Nagsusulat para sa New York Times, malapit sa katapusan ng ika-20 na siglo, isang maalalahanin at tapat na Hudyong taga-kumento, na si A. M. Rosenthal ay nagsabi na, “Isa sa nakagugulat na hindi nasabing kwento ng ating panahon ay na mas maraming mga Kristiyano ang namatay sa siglong ito dahil sa pagiging Kristiyano kay sa sa kahit anong siglo mula ng ipanganak si Kristo.” Walang tanda na ito’y bubuti sa hinaharap na walang pagbabahala sa mga babala ni Mr. Rosenthal.

“At ipinagkaloob sa kaniya na makipagbaka sa mga banal, at pagtagumpayan sila …” (Apocalipsis 13:7).

III. Pangatlo, ang talatang ito sa Apocalipsis ay tumutukoy sa pagsubok ng
iyong pakiramdam na ikaw ay isa nang Kristiyano.

Tignan ang berso walo.

“At ang lahat ng nangananahan sa lupa ay magsisisamba sa kaniya, na ang kanikaniyang pangalan ay hindi nasusulat sa aklat ng buhay ng Cordero na pinatay buhat nang itatag ang sanglibutan” (Apocalipsis 13:8).

Ang buong mundo ay susuko sa diktador na ito na kilala bilang ang Antikristo. Ang namumukod lamang ay yoong ang mga pangalan ay nakasulat sa “aklat ng buhay,” yoong mga totoong mga Kristiyano, yoong mga wagas na mga napagbagong loob kay Kristo. Ang tunay na Kristiyano lamang ang tatangging yumukod at magsamba sa padating na Antikristo. Ang panahong ito ay magiging matinding panahon ng pagsubok sa kanila at para sa lahat na naghayag na mga Kristiyano. Ito’y magiging napaka linaw kung sino ang tunay na Kristiyano at sino ang mga huwad sa darating na panahon. Ngunit iya’y totoo noon pa, hindi ba? Sa Parabula ng Tares, tinukoy ni Hesus yoong mga

“Hindi nangaguugat sa kanilang sarili, kundi sangdaling tumatagal; kaya't pagkakaroon ng kapighatian o ng mga paguusig dahil sa salita, pagdaka'y nangatisod sila”
       (Marcos 4:17).

At idinagdag ni Lucas ang mga dagdag na salita ni Kristo, na ibinigay sa oras na iyon, “…at sa panahon ng tukso ay nagsisihiwalay” (Lucas 8:13).

“At ang mga sa batuhan, ay yaong mga pagkarinig, ay tinatanggap na may galak ang salita; at ang mga ito'y walang ugat, na sila sa sangdaling panaho'y nagsisisampalataya, at sa panahon ng tukso ay nagsisihiwalay” (Lucas 8:13).

Ang pag-uusig ng mga Kristiyano sa ilalim ng Antikristo ay magiging karumaldumal lampas pa ng imahinasyon, mas masama pa kay sa sa kahit anong nakita kailan man ng mundo. Yoon lamang mga tunay na Kristiyano, na ang mga pangalan ay nakasulat sa “aklat ng buhay,” Diyos ang makapagtitiis. Ang iyong pangalan ba ay nasa aklat ng buhay ng Diyos? Sinasabi ng Bibliya,

“At kung ang sinoman ay hindi nasumpungang nakasulat sa aklat ng buhay, ay ibinulid sa dagatdagatang apoy”
       (Apocalipsis 20:15).

Ang iyong pangalan ay hindi nakasulat sa aklat hanggang sa tumalikod ka sa kasalanan at ipagtiwala ang iyong buhay kay Hesus. Ang Kanyang Dugo ay makahuhugas sa iyo mula “sa lahat ng kasalanan” (I Ni Juan 1:7). Lumapit kay Kristo sa pananampalataya at ang iyong pangalan ay matatagpuan sa “aklat ng buhay,” at ika’y mabubuhay magpakailan man. Kahit na ika’y bibitayin ng Antikristo, ang iyong kaluluwa ay mabubuhay kasama ni Kristo sa kaluwalhatian! Panalangin ko na ika’y lubusang lumapit kay Kristo at mapagbagong loob. Pagkatapos ay ika’y magiging ligtas kahit na patayin ng Antikristo ang iyong mortal na katawan. Kahit anong gawin mo, lumapit ka kay Kristo, upang ang iyong pangalan ay mailagay sa “aklat ng buhay.”

Panginoon ang anking mga kasalanan ay marami,
   Tulad ng mga buhangin ng dagat,
Ngunit ang Iyong dugo, O aking Tagapagligtas
   Ay sapat para sa akin;
Dahil ang Iyong pangako ay nakasulat,
   Sa makinang na mga letra na imiilaw,
“Kahit na iyong mga kasalanan ay esklarata,
   Gagawin ko ang itong mga tulad ng niyebe.”
Ang pangalan ko ba’y nakasulat doon,
   Sa pahinang puti at marikit?
Sa aklat ng Iyong kaharian,
   Ang pangalan ko ba’y nakasulat doon?
(“Ang Pangalan Ko Ba’y Nakasulat Doon?”
   Isinalin mula sa “Is My Name Written There?”
      ni Mary A. Kidder, 1820-1905).

Iyan ay isang matinding tanong na gusto kong sunggaban ngayong gabi: Ang iyong pangalan ba ay “nakasulat sa aklat ng buhay?” (Apocalipsis 20:15). Siguraduhing ito’y na roon. Bumalik sa simbahan. Lumapit ng lubusan kay Hesu-Kristo at maligtas sa Kanya. Panalangin ko na iya’y mangyayari sa iyo bago bumagsak ang paghahatol ng Diyos sa Amerika.

At kahit anong gawin mo, umuwi sa simbahan ika 7:30 ng hapon sa gabi ng Undas sa sunod na Biyernes. Magkakaroon tayo ng kasiyahan, at wala itong kaugnayan kay Satanas at mga mangkukulam at mga ma-demonyong pista ng Undas. Gawin ito! Gawin ito. Gawin ito. Iyan ang aking panalangin. Amen.

(KATAPUSAN NG PANGARAL)
Maari ninyong mabasa ang mga sermon ni Dr. Hymers linggo-linggo sa Internet sa
www.realconversion.com. I-klik ang “Mga Pangaral sa Tagalog.”

Pagbabasa ng Kasulatan Bago ng Pangaral ni Dr. Kreighton L. Chan: Apocalipsis 13:1-9.
Kumanta ng Solo Bago ng Pangaral si Gg. Benjamin Kincaid Griffith:
“Ang Pangalan Ko Ba’y Nakasulat Doon?”
Isinalin mula sa “Is My Name Written There?” (ni Mary A. Kidder, 1820-1905).


ANG BALANGKAS NG

ANG PAGBAGSAK NG AMERIKA SA PREDIKSYON SA BIBLIYA

ni Dr. R. L. Hymers, Jr.

“At ipinagkaloob sa kaniya na makipagbaka sa mga banal, at pagtagumpayan sila; at binigyan siya ng kapamahalaan sa bawa't angkan at bayan at wika at bansa. At ang lahat ng nangananahan sa lupa ay magsisisamba sa kaniya, na ang kanikaniyang pangalan ay hindi nasusulat sa aklat ng buhay ng Cordero na pinatay buhat nang itatag ang sanglibutan. Kung ang sinoman ay may pakinig, ay makinig” (Apocalipsis 13:7-9).

(Jeremias 5:28-29; 7:20; I Mga Taga Tesalonica 5:3)

I.   Una, ang talatang ito sa Apocalipsis ay tumutukoy sa pagdating ng
Anti-kritso, Apocalipsis 13:7; I Ni Juan 2:18.

II.  Pangalawa, ang talatang ito sa Apocalipsis ay tumutukoy sa
kapangyarihan ng Antikristong mag-usig, Apocalipsis 13:7;
Mateo 24:21-22.

III. Pangatlo, ang talatang ito sa Apocalipsis ay tumutukoy sa pagsubok
ng iyong pakiramdam na ikaw ay isa nang Kristiyano,
Apocalipsis 13:8; Marcos 4:17; Lucas 8:13; I Ni Juan 1:7.