Ang mga pangaral na manuskrito at mga videyo ay ngayon lumalabas sa 1,500,000 na mga kompyupter sa lampas na 221 na mga bansa kada taon sa www.sermonsfortheworld.com . Daan-daang iba ang nanonood ng mga videyo, sa YouTube, ngunit di nagtatagal ay iniiwan ang YouTube at nagpupunta sa aming websayt, dahil bawat pangaral ay nagtuturo sa kanila papalyo mula sa YouTube tungo sa aming websayt. Ang YouTube ay nagdadala ng mga tao sa aming websayt. Ang mga pangaral na manuskrito ay ibinibigay sa 46 na mga wika sa halos 120,000 na mga kompyuter kada buwan. Ang pangaral na manuskrito ay hindi nakarapatang magpalathala, kaya nagagamit ng mga mangangaral ang mga ito na walang pahintulot. Mayroong daan-daang mga videyo ni Dr. Hymers at ng kanyang mga estudyanteng nangangaral. Ang mga manuskrito ay hindi nakarapatang magpalathala, ngunit lahat ng mga videyo nakarapatang magpalathala. Paki-klik ito upang matutunan kung paano ka maaring gumawa ng isang buwan-buwanang donasyon upang tulungan kami sa dakilang gawaing ito ng pagkakalat ng Ebanghelyo sa buong mundo, kasama ang mga Muslim at mga Hindu na mga bansa.
Tuwing nagsusulat kay Dr. Hymers, laging sabihin sa kanya kung anong bansa ka nakatira, o hindi ka niya masasagot. Ang email ni Dr. Hymers’ ay rlhymersjr@sbcglobal.net .
GAWAING DEMONYO SA PREDIKSYON SA BIBLIYA DEMON ACTIVITY IN BIBLE PROPHECY ni Dr. R. L. Hymers, Jr. Isang pangaral na ipinangaral sa Baptist Tabernacle ng Los Angeles “Nguni't hayag na sinasabi ng Espiritu, na sa mga huling panahon ang iba'y magsisitalikod sa pananampalataya, at mangakikinig sa mga espiritung mapanghikayat at sa mga aral ng mga demonio” (I Timoteo 4:1). |
Ang mga Amerikano ay nakikiganap sa mga pangyayari tuwing Undas [Halloween] na nagpapakita na ang ating kultura ay ngayo’y lubusang pagano. Kahit saan ka pumunta bawat taon makakikita ka ng mga kalansay at mga larawan ng mga paniki at mga mangkukulam at mga “multo.” Isa sa mga batang lalake sa ating simbahan ay nagsabi sa akin na lahat sa pinagtratrabahuhan niya’y mayroon nitong mga estatwa ng mga masasamang espiritu at mga demonyo mga masasamang tumitig na mga lamparang may mukha sa kanilang mga mesa. Ang mga taong kasama niya sa trabaho ay magbibigay ng premyo sa taong mayroong pinakanakakatakot na desenyo sa kanyang mesa. Sinabi niya na ang kanya lamang mesa ang nag-iisa sa opisina na walang dekorasyong pang-Undas! Mayroon lamang siyang isang bandila ng Amerika sa kanyang mesa!
Para sa akin mukhang ang pagdidiin na ito sa kademonyohan bawat Oktubre ay nagpapakita na tayo na ngayon ay umuurong sa mga huling mga araw. Isinulat ng Apostol Pablo ang tungkol rito sa ating teksto,
“Nguni't hayag na sinasabi ng Espiritu, na sa mga huling panahon ang iba'y magsisitalikod sa pananampalataya, at mangakikinig sa mga espiritung mapanghikayat at sa mga aral ng mga demonio” (I Timoteo 4:1).
May apat na bagay tayong matututunan sa bersong ito.
I. Una, ang prediksyon ay ibinigay ng Espiritu ng Diyos.
Sinasabi ng teksto,
“Nguni’t hayag na sinasabi ng Espiritu…” (I Timothy 4:1).
Ang Griyegong salitang “hayag” ay nangangahulugang “mapaghayag, halimbawa kapansin-pansin” (Isinalin mula kay Strong), “malinaw, walang pagkakamali” (Isinalin mula kay Rienecker). Sinasabi ni Rienecker, “Ang salita ay nagsasabi na ang mga elementong ito ng hinaharap na mga pangyayari ay kapansin-pansing ginawang kilala” (Isinalin mula sa isinulat ni Fritz Rienecker, Ph.D., A Linguistic Key to the Greek New Testament, Zondervan Publishing House, 1980, p. 625).
Gayon, nakikita natin sa prediskyon na ito hindi lamang ito isang ideya na ibinigay ng Apostol Pablo. Hindi, ang prediksyon ay kapansin-pansin na ibinigay, malinaw at hindi nagkamali ng Espiritu Santo. Ang Diyos Mismo ang nagbigay ng mga salita ng prediksyon na ito sa Apostol Pablo. Siyempre iyan ay totoo sa buong Bibliya rin dahil,
“Ang lahat ng mga kasulatan na kinasihan ng Dios …”
(II Timoteo 3:16).
Sinabi ni Dr. Criswell, tungkol sa II Timoteo 3:16,
Ang pinagmulan ng Kasulatan ay nagsabi: Ito’y “hininga-ng-Diyos” (isinalin mula sa theopneustos, Gk.), halimbawa ang mga salita ng Kasulatan ay dapat tanggapin mula sa Diyos Mismo. Ang doktrina ng Kasulatan ay napanatili sa pamamagitan ng Bibliya ay na ang mga salita nito ay “hininga-ng-Diyos” (Isinalin mula sa W. A. Criswell, Ph.D., The Criswell Study Bible, Thomas Nelson Publishers, 1979, sulat sa II Timothy 3:16).
Dito sa ating teksto, sa I Timoteo 4:1, tayo ay pinaalalahanan ng mga inspirasyon ng mga salita ng prediksyon na ito,
“Nguni’t hayag na sinasabi ng Espiritu…” (I Timothy 4:1).
Ito’y hindi isang prediksyon na ibinigay sa isang bolang kristal mula sa aklat ng astrolohiya. Ito ay isang prediksyon na ibinigay ng Diyos Mismo sa pahina ng Kasulatan. Ang prediksyon ay ibinigay ng Diyos sa Espiritu Santo. Lagi mong mapagkakatiwalaan ang mga prediksyon na ibinigay sa atin ng Diyos sa Bibliya!
II. Pangalawa, ang prediksyon na ito ay tumutukoy ng hinaharap.
Sinasabi ng teksto,
“Nguni't hayag na sinasabi ng Espiritu, na sa mga huling panahon…” (I Timoteo 4:1).
Sinasabi ng Tim LaHaye Prophecy Pang-aral ng Bibliya,
“Mga huling panahon” sa sitwassyong ito ay tumutukoy sa katapusan ng kasalukuyang Panahon ng Simbahan (Isinalin mula sa Tim LaHaye Prophecy Study Bible, AMG Publishers, 2000, sulat sa I Timoteo 4:1).
Sinabi ni Dr. Gill,
Ang prediksyon sa mga bersong 1, 2, 3. Ang may-akda ng prediksyong ito ay ang Espiritu ng Diyos; ang paraan na ito’y ibinigay ay napaka linaw at inihahayag; ang panahon na ito ay dapat maganap, ang mga huling araw (Isinalin mula kay John Gill, D.D., An Exposition of the New Testament, The Baptist Standard Bearer, 1989 muling-inilimbag, bahagi III, p. 292; sulat sa I Timoteo 4:1).
Gayon, ako ay kumbinsido na ang mga salitang ito, “mga huling panahon,” ay tumutukoy sa parehong panahon na panahon na pinag-uusapan sa II Timoteo 3:1-5, na nagsasabing,
“Datapuwa't alamin mo ito, na sa mga huling araw ay darating ang mga panahong mapanganib. Sapagka't ang mga tao'y magiging maibigin sa kanilang sarili, maibigin sa salapi, mayayabang, mga mapagmalaki, mapagtungayaw, masuwayin sa mga magulang, mga walang turing, mga walang kabanalan, Walang katutubong pagibig, mga walang paglulubag, mga palabintangin, mga walang pagpipigil sa sarili, mga mabangis, hindi mga maibigin sa mabuti, Mga lilo, mga matitigas ang ulo, mga palalo, mga maibigin sa kalayawan kay sa mga maibigin sa Dios; Na may anyo ng kabanalan, datapuwa't tinanggihan ang kapangyarihan nito: lumayo ka rin naman sa mga ito”
(II Timoteo 3:1-5).
Ang “mga huling araw” ng II Timoteo 3:1 at ang “mga huling panahon” sa ating teksto ay tumutukoy sa parehong punto ng panahon. Mukhang malinaw para sa akin na pareho sa mga ito ay tumutukoy sa araw na ating binubuhay. Naniniwala ako na tayo ngayon ay nabubuhay sa panahong iyan, sa “mga huling araw,” ang “mga huling panahon.” Ito’y maaring maisaling “sa mga mahuhuling panahon.” Ginagawa nitong malinaw na nagbigay ang Diyos ng isang prediksyon tungkol sa hinaharap na nakaturo sa pinaka panahon na ating binubuhay ngayon.
III. Pangatlo, ang prediksyon ay tumutukoy sa wakas na panahon ng pagtalikod sa pananmpalataya.
“Nguni't hayag na sinasabi ng Espiritu, na sa mga huling panahon ang iba'y magsisitalikod sa pananampalataya…”
(I Timothy 4:1).
Ang salitang isinaling “magsitalikod” ay mula sa Griyegong salita na nangangahulugang “umalis,” “mawala” (Isinalin mula kay Strong). Aalis ang mga tao mula sa Kristiyanong pananampalataya at lalayo mula sa mga Kasulatan. Iyan ay isang prediksyon ng kung ano ang nangyayari sa teribleng mga araw ng pagtalikod sa pananampalataya.
Ang katapusang- panahong pagtalikod sa pananampalataya ay ibinigay rin sa II Mga Taga Tesalonika 2:3, na nagsasabing,
“Huwag kayong padaya kanino man sa anomang paraan: sapagka't ito'y hindi darating, maliban nang dumating mula ang pagtaliwakas…” (II Mga Taga Tesalonika 2:3).
Ang salitang “pagtalikwas” ay isinalin mula sa nag-iisang Griyegong salitang, “apostasia,” na nangangahulugang “lumayo,” “iwanan” ang katotohanan (Isinalin mula kay Strong). Ang dakilang “pagtalikwas” ay hinulaan sa II Mga Taga Tesalonika 2:3 ay tumutukoy sa parehong pagtatalikod sa pinag-uusapan sa ating teksto,
“Nguni't hayag na sinasabi ng Espiritu, na sa mga huling panahon ang iba'y magsisitalikod sa pananampalataya…”
(I Timoteo 4:1).
Ang makabagong pagsalin ay maaring ilagay itong, “Ilan ay aalis, lalayo mula sa pananampalataya.” At iyan sakto ang sinasabi ng berso sa II Mga Taga Tesalonika, na “dumating mula ang pagtaliwakas” (II Mga Tesalonika 2:3). Naniniwala ako na hindi lamang nito kasama ang pagtatalikwakas mula sa Kasulatan, kundi pati pagtatalikwas mula sa lokal na Bagong Tipang simbahan kung saan ang Ebanghelyong ibinigay sa Kasulatan ay ipinangagaral. Maraming mga bagay na nangyayari sa Kristiyanismo ngayon ay nagpapakita na tayo ay nabubuhay sa isang panahon ng pagtatalikod sa pananampalataya ngayon! Sinabi ni Dr. Criswell,
Ang pariralang “ang pagtalikwas” ay maaring maisaling “ang pagtalikod sa pananampalataya.” Ang paggamit sa artikulong [ang] ay nagpapakita na ang [Salita ng Diyos ay tumutukoy ng] isang karaniwang patalikod sa pananampalataya…bago ng [katapusang ng panahon] magaganap ang isang markadong pagtalikwas ng mga naghahayag na mga mananampalataya (Isinalin mula kay W. A. Criswell, Ph.D., ibid., sulat sa II Thessalonians 2:3).
Ako ay kumbinsido na tayo ngayon, sa panahong ito, ay nabubuhay ng lubos sa isang hinulaan panahon ng pagtalikod sa pananampalataya. Ang pagtalikod sa pananampalataya ng ating panahon ay nagmula sa paglilingkod ni Charles G. Finney at ang “desisiyonistang” mga mangangaral at mga ebanghelista na sumunod sa kanya, na pumuno sa ating mga simbahan ng mga di-napagbagong loob na mga tao sa pamamagitan ng pagtatanong ng isang madaliang “desisyon para kay Kristo,” kay sa sa paninigurado na sila ay napagbagong loob.
Si Dr. Monroe “Monk” Parker ang madalas siyang tinawag “Ang Kura ng mga Amerikanong Ebanghelista.” Ang kanyang mga pangaral ay madalas magpakita sa The Sword of the Lord. Sinabi ni Dr. Parker,
Kung makuha nating maligtas ang kalahati ng mga miyembro ng simbahan, makakikita tayo ng isang matinding panunumbalik. Sa katunayan, sa palagay ko kung makuha natin na kalahati sa ating mga mangangaral sa Amerika ay mapagbagong loob, ay makakikita tayo ng isang makapangyarihang panunumbalik (Isinalin mula sa sinabi ni Monroe “Monk” Parker, D.D., Through Sunshine and Shadows: My First Seventy-Seven Years, Sword of the Lord Publishers, 1987, pp. 61-62).
Ngunit walang tumanggap ng taimtim kay Dr. Parker noong sinabi niya iyang ilang taon ang nakalipas. Walang totoong pagsubok ang ginawa upang siguraduhin na ang mga tao ay napagbagong loob. Gayon, ang matinding pagtalikod sa pananampalataya ay pinag-usapan sa ating teksto, at sa II Mga Taga Tesalonika 2:3, ay dumaan sa mga simbahan, iniwanan sila ng napaka kaunting mga tunay na napagbagong loob. Iyan ang dahilan na ang mga simabahan sa Amerika at ang Kanlurangang mundo ay litong-lito at mahina ngayon, at puno ng mga maling pananampalataya at bulaang pagtuturo. Ang mga prediksyon na ito ay nagaganap sa harapan natin!
“Huwag kayong padaya kanino man sa anomang paraan: sapagka't ito'y hindi darating, maliban nang dumating mula ang pagtaliwakas” (II Mga Taga Tesalonika 2:3).
“Nguni't hayag na sinasabi ng Espiritu, na sa mga huling panahon ang iba'y magsisitalikod sa pananampalataya…”
(I Timoteo 4:1).
Mga nangungunang mga mangangaral tulad nina W. A. Criswell, B. R. Lakin at A. W. Tozer ay nagbabala ng karamihan sa mga miyembro ng simbahan ay di- napagbagong loob (tignan ang “The Great Falling Away,” R. L. Hymers, Jr., sariling-naglimbag, p. 7). Ang pagtatalikod sa pananampalataya ay nagbunga ng milyon-milyong mga naghahayag na mga Kristiyano na hindi napagbagong loob. Ang mga nawawalang mga miyembro ng simbahan ay nagpahina ng mga simbahan sa antas na hindi na sila makatayo sa mga pagsalakay sa Kristiyanismo sa pamamagitan ng paganismo, Bagong relihiyon, at mga kulto. Gayon, ang Kanlurangang mundo ngayon ay lumulubog sa kadiliman, kademoniyohan, at pagtalikod sa pananampalataya, karamihan nito ay nakasentro sa mademonyong pagdiriwang ng Undas. Sinabi ni Dr. John R. Rice,
Nabigo ng pulpito ang mga simbahan, at nabigo ng mga simbahan ang Amerika (Isinalin mula sa isinulat ni John R. Rice., D.D., Bible Doctrines to Live By, Sword of the Lord Publishers, 1968, p. 311).
Tama si Dr. Rice! Diyos ko tulungan Niyo kami! Isang Bautistang mangangaral na nagngangalang F. L. Chapell, na nagsulat noong taong 1903, ay nagsabi na,
Ang madilim na mga araw nauna sa [Unang] Matinding Pag-gigising ay darating muli hangga’t mayroong isang tatayong matatag at malinaw at nakapagpasiya sa pamamagitan ng doktrina ng napagbagong loob na simbahang kasapian (Isinalin mula sa isinulat ni Rev. F. L. Chapell, The Great Awakening of 1740, American Baptist Publication Society, 1903, p. 133).
Walang nakinig kay Pastor F. L. Chapell noong taong 1903. Ngayon huli na! Tayo na ngayon, sa “madilim na mga araw” ng huling pagtalikod sa pananampalataya! Tayo ay nasa pangwakas na pagtalikod sa pananampalataya ngayon! Walang Pangulo ang makaliligtas sa atin ngayon! Ang pamamagitna lamang ng Diyos Mismo ang makaliligtas sa atin ngayon! Ngunit hindi mukhang magpapamagitna Siya bago ng pagbagsak ng paghahatol sa Amerika at ng Kanlurangang mundo.
Ang diakono sa isang Timog na Bautismong simbahan kung saan minsan ako ay nangaral ay nagsabi sa akin ilang mga araw ang nakalipas, “Palagi kang masyadong malakas mangaral, laging masiyadong malakas.” Wala akong sinabi noong ininsulto niya ako ng ganoon. Hindi iyon nararapat. Ngunit naisip ko, “Diyos ko! Hindi ba panahon na, mahabang panahon na ang lumipas, para sa mga mangangaral na sumunod sa Bibliya at itaas ang kanilang mga boses tuwing sila’y mangangaral?” Sinabi ng propetang Isaias,
“Humiyaw ka ng malakas, huwag kang magpigil, ilakas mo ang iyong tinig na parang pakakak, at iyong ipahayag sa aking bayan ang kanilang pagsalangsang, at sa sangbahayan ni Jacob ang kanilang mga kasalanan” (Isaias 58:1).
Sinabi ng Apostol Pablo,
“sumawata ka, sumaway ka, mangaral ka… Sapagka't darating ang panahon na hindi nila titiisin ang magaling na aral; kundi, pagkakaroon nila ng kati ng tainga, ay magsisipagbunton sila sa kanilang sarili ng mga gurong ayon sa kanilang sariling mga masasamang pita [pagnanasa]” (II Timoteo 4:2-3).
Oo, tayo na ngayon ay nasa Matinding Pagtalikod sa Pananampalataya na hinulaan sa Kasulatan, ang sisi ay nakasalalay sa paa ng mga tahimik na mangangaral, na takot magtaas ng kanilang mga boses at manigurado na ang mga tao sa ating simbahan ay ngayon napagbagong loob sa pamamagitan ng puwersahan, lumang paraang ebanghelistikong pangangaral, kasunod ng personal na paggagabay mula sa pastor mismo. Ang mga pastor ang masisisi dahil takot silang mangaral ng walang takot laban sa mga kasalanan ng ating mga tao! Diyos tulunga Ninyo kami! Muli, dapat kong ulitin ang sinabi ni Dr. John R. Rice,
Nabigo ng pulpito ang mga simbahan, at nabigo ng mga simbahan ang Amerika (Isinalin mula sa isinulat ni John R. Rice., D.D., Bible Doctrines to Live By, Sword of the Lord Publishers, 1968, p. 311).
IV. Pang-apat, ang prediksyon na ito ay tumutukoy sa pagtalikod sa pananampalataya na bunga ng pag-aakit ng mga espiritu at doktrina ng mga demonyo.
“Nguni't hayag na sinasabi ng Espiritu, na sa mga huling panahon ang iba'y magsisitalikod sa pananampalataya, at mangakikinig sa mga espiritung mapanghikayat at sa mga aral ng mga demonio” (I Timoteo 4:1).
Sinabi ni Dr. J. Vernon McGee,
“Mapanghikayat” ay talagang nangangahulugang gumagala, lumalayag, at nanggagaling ito mula sa salita [na nangangahulugang] mandaraya o mapanghikayat. Sa katunayan si Satanas ay ang lahat ng bagay na iyan. Sila’y makikinig [magbigay pansin] sa mga kay sa Satanas na mga espiritu. “Mga aral ng mga demonio” na [binibigyang pansin] ng mga tao sa mga aral ng demonyo…kahit na sa ating mapa-materyal na panahon mayroon pagbalik sa mga bagay ng espiritung mundo at ang dakilang pagdiin rito…Binalaan tayo ni Pablo laban sa pagkahikayat ng mga aral ng mga demonyo (Isinalin mula sa isinulat ni J. Vernon McGee, Th.D., Thru the Bible, Thomas Nelson Publishers, 1983, volume V, p. 447; notes on I Timothy 4:1).
Sinasabi ng Bibliya,
“Beloved, believe not every spirit, but try [test] the spirits whether they are of God: because many false prophets are gone out into the world” (I John 4:1).
Ang mga simabahan ay tumatanggap ng libo-libong mga di-napagbagong loob na mga tao sa kanilang kasapian ng maraming tao. Ito’y nagpahina sa mga simbahan na ang isang matinding pagbaha ng bagong-panahong, ma-demonyong gawain ay pumasok sa ating kultura, na ang ating mga simbahang hindi sapat na malakas upang patigilin sila. Iyan ang dahilan na laban sa batas ang bumasa ng berso sa Bibliya sa mga paaralan, ngunit ang bawat paaralan ay nakadesenyo para sa Undas ng mga mangkukulam, mga kalansay at mga ma-demonyong “multo.” Ito’y malinaw na nagpapakita wala silang gustong kaugnayan kay Kristo. Kundi, gusto nilang maglaro kasama ng mga demonyo. Aking kaibigan, tayo ay nabubuhay sa matinding pagtalikod sa pananampalataya! Ang mga mangangaral at mga tao sa simbahan lahat sa paligid natin ay “mangakikinig sa mga espiritung mapanghikayat at sa mga aral ng mga demonio” (I Timoteo 4:1).
Subukin ang mga espiritu at makikita ninyo na sila’y kay Satanas. Oo, subukin ang mga espiritu na nasa likuran ng mga ma-demonyong pagdiwang ng Undas, at ibang mga pagbabago sa ating kultura!
“At huwag kayong makibahagi sa mga walang mapapakinabang na gawa ng kadiliman” (Mga Taga Efeso 5:11).
Iyan ang dahilan na humihiling ako sa inyo na iwasang gumawa ng kahit ano kaugnay ng Undas. Iyan ang dahilan na hinihiling kong lumapit ka kay Kristo, at maligtas mula sa paghahatol Niya, at mahugasang malinis mula sa iyong mga kasalanan sa pamamagitan ng Kanyang Dugo, at tanggapin ang walang hanggang buhay mula sa Kanya – na namatay sa Krus upang bayaran ang multa ng iyong kasalanan, at bumangon ng piskal mula sa pagkamatay upang bigyan ka ng buhay! At kaya hinihiling kong lumapit ka at maging kasama namin dito sa simbahan sa gabi ng Undas. Magsasaya tayo, ngunit hindi ito kailangang kahit anong kaugnay sa Undas! Maghahapunan tayo at magkakaroon ng kasiyahan sa pakikipag-usap nagsisimula ng 7:30 hapon sa gabi ng Undas, ika-31 ng Oktubre. Humayo’t sumama sa mga Kristiyano sa gabing iyon! Pagpalain ka ng Diyos habang ginagawa mo ito, dahil
“hayag na sinasabi ng Espiritu, na sa mga huling panahon ang iba'y magsisitalikod sa pananampalataya, at mangakikinig sa mga espiritung mapanghikayat at sa mga aral ng mga demonio” (I Timoteo 4:1).
At siguraduhing bumalik sa simbahan mamayang gabi ng 6:00 ng hapon rin! Huwag hayaan na pigilan ka ng Diablo sa labas ng simbahan mamayang gabi ng 6:00 ng hapon, o sa Undas sa sunod na gabi ng Biyernes.
(KATAPUSAN NG PANGARAL)
Maari ninyong mabasa ang mga sermon ni Dr. Hymers linggo-linggo sa Internet sa
www.realconversion.com. I-klik ang “Mga Pangaral sa Tagalog.”
Pagbabasa ng Kasulatan Bago ng Pangaral ni Dr. Kreighton L. Chan: II Timoteo 3:1-5.
Kumanta ng Solo Bago ng Pangaral si Gg. Benjamin Kincaid Griffith:
“Sa Mga Panahong Tulad Nito” Isinalin mula sa
“In Times Like These” (ni Ruth Caye Jones, 1944).
BALANGKAS NG GAWAING DEMONYO SA PREDIKSYON SA BIBLIYA ni Dr. R. L. Hymers, Jr. “Nguni't hayag na sinasabi ng Espiritu, na sa mga huling panahon ang iba'y magsisitalikod sa pananampalataya, at mangakikinig sa mga espiritung mapanghikayat at sa mga aral ng mga demonio” (I Timoteo 4:1). I. Una, ang prediksyon ay ibigay ng Espiritu ng Diyos, I Timoteo 4:1a; II. Pangalawa, ang prediksyon na ito ay tumutukoy ng hinaharap, III. Pangatlo, ang prediksyon ay tumutukoy sa wakas na panahon ng IV. Pang-apat, ang prediksyon na ito ay tumutukoy sa pagtalikod sa |