Ang mga pangaral na manuskrito at mga videyo ay ngayon lumalabas sa 1,500,000 na mga kompyupter sa lampas na 221 na mga bansa kada taon sa www.sermonsfortheworld.com . Daan-daang iba ang nanonood ng mga videyo, sa YouTube, ngunit di nagtatagal ay iniiwan ang YouTube at nagpupunta sa aming websayt, dahil bawat pangaral ay nagtuturo sa kanila papalyo mula sa YouTube tungo sa aming websayt. Ang YouTube ay nagdadala ng mga tao sa aming websayt. Ang mga pangaral na manuskrito ay ibinibigay sa 46 na mga wika sa halos 120,000 na mga kompyuter kada buwan. Ang pangaral na manuskrito ay hindi nakarapatang magpalathala, kaya nagagamit ng mga mangangaral ang mga ito na walang pahintulot. Mayroong daan-daang mga videyo ni Dr. Hymers at ng kanyang mga estudyanteng nangangaral. Ang mga manuskrito ay hindi nakarapatang magpalathala, ngunit lahat ng mga videyo nakarapatang magpalathala. Paki-klik ito upang matutunan kung paano ka maaring gumawa ng isang buwan-buwanang donasyon upang tulungan kami sa dakilang gawaing ito ng pagkakalat ng Ebanghelyo sa buong mundo, kasama ang mga Muslim at mga Hindu na mga bansa.
Tuwing nagsusulat kay Dr. Hymers, laging sabihin sa kanya kung anong bansa ka nakatira, o hindi ka niya masasagot. Ang email ni Dr. Hymers’ ay rlhymersjr@sbcglobal.net .
BULAANG MGA KRISTO – ISANG TANDA NG KATAPUSAN – BAHAGI II FALSE CHRISTS – A SIGN OF THE END – PART II ni Dr. R. L. Hymers, Jr. Isang pangaral na ipinangaral sa Baptist Tabernacle ng Los Angeles “Sapagka't may magsisilitaw na mga bulaang Cristo, at mga bulaang propeta, at mangagpapakita ng mga dakilang tanda at mga kababalaghan; ano pa't ililigaw, kung maaari, pati ng mga hirang” (Mateo 24:24). |
Tinanong ng mga Disipolo si Kristo, “Ano ang magiging tanda ng iyong pagparito, at ng katapusan ng sanglibutan?” (Mateo 24:3). Sa katunayan, ang Griyegong salita para sa “sanglibutan” ay nangangahulugang “panahon.” Ano ang magiging tanda ng iyong pagparito, at ng katapusan ng panahon?”
Hindi sila binigyan ni Kristo ng isang tanda, alin ay ang hiningi nila sa Kanya. Kundi binigyan Niya sila ng maraming tanda. Ang unang tanda na ibinigay Niya ay ang espiritwal na panliligaw ukol sa kung sino si Kristo.
“At sumagot si Jesus at sinabi sa kanila, Mangagingat kayo na huwag kayong mailigaw ninoman. Sapagka't marami ang magsisiparito sa aking pangalan, na mangagsasabi, Ako ang Cristo; at ililigaw ang marami” (Mateo 24:4-5).
Tapos sinasabi ng ating teksto,
“Sapagka't may magsisilitaw na mga bulaang Cristo … ano pa't ililigaw, kung maaari, pati ng mga hirang” (Mateo 24:24).
Ang isinaling salitang “ililigaw” sa bawat bersong iyon ay nangagaling sa Grieyong salitang “planaō.” Ang ibig nitong sabihin ay “magsanhing maligaw…mula sa katotohanan” (isinalin mula kay Strong), “upang iligaw, sa paghahatid sa kamalian” (isinalin mula kay Vine). Ang punto’y ito – magkakaroon ng matinding pagliligaw ukol kay Kristo sa katapusan ng panahong ito. Magkakaroon ng maraming mga bulaan, pekeng mga “Kristo.” Iyan ang tanda na ibinigay Niya – maraming mga bulaan, pekeng mga Kristo sa huling mga araw.
Isinulat ni Dr. M. R. DeHaan ang isang aklat na tinawag na Ang mga Araw ni Noah [The Days of Noah] (isinalin mula sa isinulat ni Zondervan Publishing House, 1971 edition). Isang kapitulo ay pinamagatang, “Ang Panahon ng Panloloko” [“The Age of Deception”]. Nagkumento sa ating teksto, sinulat ni Dr. DeHaan,
Ang huling mga araw, sinasabi ni Hesus, ay mailalarawan unang una ng lahat sa pamamagitan ng pagdami ng mga bulaang mga doktrina at mga nakaliligaw na mga kulto…lahat sila’y nagdedeklarang tama, at gayon man lahat ay nagkakagulo sa malaki o kakaunting antas sa isa’t isa. Ito’y sa kahit anong pagtataka na ang tao ay nalilito at nagtatanong, “Ano ba ang maari nating paniwalan? Sino, pagkatapos, ng lahat, ay tama? Saan matatagpuan ang katotohanan? Narito na ang sagot ni Hesus ay dumating ng may matinding kapangyarihan:
“Mangagingat kayo na huwag kayong mailigaw ninoman” (Mateo 24:4).
Ang pagsubok ay ito: Ito ba’y nasa Salita ng Diyos [ang Bibliya] o mga dinagdag ng tao?...Ito ba’y nag-iisa at batay lamang sa Bibliya, o ito ba’y batay sa Bibliya saka ilang bagay – mga dagdag na pagbubunyag o pangitain, mga panaginip o mga tinig, o ang pagkatagpo ng mga dinagdag na mga dokumento? Maari itong maging mga panata o mga dogma o mga interpretasyon ng mga tao, o mga tradisyon. Kahit anong naidagdag sa Salita ng Diyos gaya ng mayroon tayo nito sa labin anim na mga aklat ng Bibliya, tinatatakan ito bilang huwad at delikado – ang babalang ibinigay ni Hesus laban rito (isinalin mula sa isinulat ni M. R. DeHaan, M.D., The Days of Noah, Zondervan Publishing House, 1971 edition, pp. 55-56).
Sinabi ni Hesus na isa sa mga tanda ng katapusan ay bulaang, pekeng mga Kristo.
“Sapagka't may magsisilitaw na mga bulaang Cristo … ano pa't ililigaw, kung maaari, pati ng mga hirang” (Mateo 24:24).
Sinabi Niya na maraming mga tao ay madadala sa pagkakamali at maniwala sa isang bulaang Kristo imbes na ang tunay na Kristo. Tayo ngayon ay hinaharap ng napaka raming mga bulaang “Kristo” na ito ay nakalilito sa karaniwang tao.
Paano natin malalaman kung sino talaga si Kristo? Sinabi ni Dr. DeHaan,
Ang pagsubok ay ito: Ito ba’y nasa Salita ng Diyos [ang Bibliya] o mga dinagdag ng tao?...Ito ba’y nag-iisa at batay lamang sa Bibliya, o ito ba’y batay sa Bibliya saka ilang bagay – mga dagdag na pagbubunyag…Kahit anong naidagdag sa Salita ng Diyos gaya ng mayroon tayo nito sa labin anim na mga aklat ng Bibliya, tinatatakan ito bilang huwad at delikado – ang babalang ibinigay ni Hesus laban rito (isinalin ibid.).
Ang Kristong tunay lamang ay ang Kristong ibinubunyag sa Bibliya. Nagbabala ang Apostol Pablo laban sa paniniwala sa
“mangaral ng ibang Jesus, na hindi namin ipinangaral”
(II Corinto 11:4).
Nitong huling gabi ng Linggo nagbigay ako ng dalawang halimbawa “ng ibang Hesus,” isang bulaang “Kristo” hindi ibinunyag sa Bibliya mismo. Ibinigay ko ang bulaang “Kristo” ng teyolohikal na liberalismo, sino ay isa lamang tao. Ibinigay ko rin ang bulaang “Kristo” ng higit ng “Desisiyonistang” ebanghelikalismo, sino ay isa lamang “espiritu” na sinasabing naninirahan sa kanilang mga puso, kay sa ang tunay na Kristong sino ay ayon sa Bibliya, ay nasa kanang kamay ng Diyos – sa itaas sa Langit (Mga Taga Efeso 1:20; Marcos 16:19, etc.).
“Sapagka't may magsisilitaw na mga bulaang Cristo, at mga bulaang propeta …” (Mateo 24:24).
Ngayong gabi magbibigay ako ng lima pang dagdag na bulaang mga “Kristo” na nililigaw ang marami ngayon.
I. Una, ang bulaang “Kristo” ng Mormonismo.
Sinabi ni Dr. Walter Martin,
Ang mga pagtuturo ng Mormon na relihiyon…ay nagdedeklara na ang kanilang diyos ay isa sa gitna ng maraming mga diyos…sa katunayan, ang mga Mormon ay may kumpletong templo ng mga diyos. Si Hesus, bago ng kanyang panunumbalik sa laman ay ang espiritung-kapatid ni Lucifer, na isa ring may maraming asawa, ang asawa ng mga Maria at ni Marta. [Ipinapakita ng Bibliya] ang lubusang kabulaan ng ideya na mayroong isang malaking bilang ng mga diyos at isang kaligayahan sa pagkadiyos kung alin maaring hangarin ng tao. At sa konsepto kay Hesus na may maraming asawa at isang kapatid ni Lucifer, ito’y hindi na kailangang mapaparangalan pa ng kahit anong kumento. Ang Hesus ng Mormonismo ay pawang maliwanag na “ibang Hesus” kung sinong ang mga ligtas na mga tao ay walang katulad, kahit na siya’y ipinapakitang isang anghel ng ilaw at mayroon ng lahat ng mga pag-uuring ibinigay ng proklamasyon ng Moroning Anghel kay Joseph Smith (isinalin mula sa isinulat ni Walter Martin, Ph.D., The Kingdom of the Cults, Bethany House Publishers, 2003 edition, p. 472).
“Sapagka’t may magsisilitaw na mga bulaang Cristo, at mga bulaang propeta …” (Mateo 24:24).
Wala nang maaring pagdududa na ang “Kristo” ng Mormonismo ay “ibang Hesus” (II Corinto 11:4), isang “bulaang Kristo” (Mateo 24:24) alin ay nililigaw ang marami sa mga huling araw ng panahong ito.
II. Pangalawa, ang bulaang “Kristo” ng mga Saksi ni Jehovah.
Sinabi ni Josh McDowell,
Sa teyolohikal na sistema ng mga Saksi ni Jehovah, si Hesu-Kristo ay hindi isang Diyos sa katawang tao, kundi isang nilikhang nilalang… [Sinasabi nila],
“Siya’y isang diyos, ngunit hindi ang Diyos na May-kapal, na si Jehovah” (isinalin mula sa Let God Be True, p. 88)…”
Ang pagtatanggi ng kabanalan ni Kristo ay hindi bago…Ito’y muling pagbabangon ng lumang maling pananampalataya kilala bilang Arianism [ipinangalan sa pang-apat na siglo pagkatapos ng pagkapanganak ni Kristo heretikong si Arius]. Itinuturo ng Arianisam na ang Anak ay isang bagay na naiiba sa Ama at, sa katunayan ay, nilikha. Sa mga Saksi ni Jehovah, si Hesus ay hindi kapantay sa Diyos ng Jehovah. Siya ay ang Miguel Arkangel sa kanyang pangunang pagkabuhay na kondisiyon (isinalin mula sa isinulat ni Josh McDowell, Don Stewart, Handbook of Today’s Religions, Thomas Nelson Publishers, 1992 edition, page 46).
Ngunit sinasabi ng I Juan 5:7,
“[Mayroong tatlo na nagpapakita sa talaan ng langit, ang Ama, ang Salita, at ang Banal na Espiritu: at ang tatlong ito ay iisa]” KJV
(I Juan 5:7).
Sinabi ni Hesus,
“Ako at ang Ama ay iisa.” (Juan 10:30).
Bukod pa rito, itunuturo ng mga Saksi ni Jehovah na,
Si Kristo ay hindi ibinangon sa laman, ngunit isang espiritwal na katawan (isinalin mula sa Make Sure of All Things, 1965, p. 426).
Gayon man sinabi ni Hesus Mismo, pagkatapos siyang ibinangon sa kamatayan, sa Lucas 24:39,
“Hipuin ninyo ako, at tingnan; sapagka't ang isang espiritu'y walang laman at mga buto, na gaya ng inyong nakikita na nasa akin” (Lucas 24:39).
“Sapagka't may magsisilitaw na mga bulaang Cristo, at mga bulaang propeta …” (Mateo 24:24).
Wala nang maaring pagdududa na ang “Kristo” ng mga Saksi ni Jehovah ay “ibang Hesus” (II Corinto 11:4), isang “bulaang Kristo” (Mateo 24:24) alin ay nililigaw ang marami sa mga huling araw ng panahong ito.
III. Pangatlo, ang bulaang “Kristo” ng Isalam.
Sinabi ni Josh McDowell,
Dahil ang Kristiyanong muling pagkabuhay ni Hesu-Kristo bilang isang nagkalamang taong Anak ng Diyos ay ang pinaka-mahalagang basehan ng pananampalataya, gayon man ang mga hindi pinanghahawakan ng mga Muslim ang kahit ano sa mga katotohanang ito – na si Kristo ang Anak ng Diyos o na bumangon Siya mula sa pagkamatay…Ng sa pagkapako sa krus, isinasaad ng Quran sa Surah 4:157, “Hindi nila siya pinatay o ipinako sa krus, ngunit nagpakita ito sa kanila.” Karamihan sa mga Muslim na si Judas ay inilagay sa lugar ni Kristo, at si Kristo ay pumunta sa langit [na hindi ipinapako sa krus]…Ipinapakita ng Quran si Hesus bilang isang dakilang propeta…Ngunit sila ay matigas sa pagdedeklara na si Hesus ay hindi Anak ng Diyos at Tagapagligtas…Higit pa rito, hindi nila pinaniniwalaan na siya ay ipinako sa krus. Imbes, kinuha siya ng Diyos sa langit ng hindi namamatay, at ibang tao ang namatay sa lugar niya (isinalin mula sa isinulat ni Josh McDowell and Don Stewart, ibid., pp. 394-395).
Tinatanggi ng mga Muslim ang pagkakatawang tao ng Diyos kay Kristo. Tinatanggi nila ang muling pagkabuhay ni Kristo mula sa pagkamatay. Hindi sila naniniwala na si Kristo’y namatay sa Krus upang bayaran ang ating mga kasalanan. Tinatanggi nila si Hesus bilang Anak ng Diyos ang Tagapagligtas.
Sinabi ni Dr. John S. Waldrip,
Ang Hesus ng Bibliya ay lubhang iba mula sa pananaw ng mga Islam sa Kanya…Ang “Hesus” ng mga Islam ay malinaw na hindi ang Hesus ng Bibliya (isinalin mula sa isinulat ni John S. Waldrip, “The Blight of Islam,” in Demons in the Smoke of the World Trade Center, with Dr. R. L. Hymers, Jr., Hearthstone Publishing, Ltd., 2002, pp. 132, 133).
Gayon man, paulit-ulit na tinatawag ng Bagong Tipan si Hesus ang “Anak ng Diyos.” At simpleng sinasabi ng Bagong Tipan,
“Si Cristo ay namatay dahil sa ating mga kasalanan, ayon sa mga kasulatan; At siya’y inilibing; at siya’ya muling binuhay nang ikatlong araw ayon sa mga kasulatan”
(I Mga Taga Corinto 15:3-4).
Sinabi ng mga Muslim na si Hesus ay isang dakilang propeta, hindi ang Anak ng Diyos, ang Diyos sa katawang taong, namataya para bayaran ang ating mga kasalanan at bumangon muli upang bigyan tayo ng buhay.
Maaring sabihin ng mga Muslim na naniniwala sila kay Hesus. Ngunit naniniwala sila na si “Hesus” ay isa lamang propeta. Gayon, nagkakamali sila tungkol sa Kanya pareho ng nagawa ng ilang mga Hudyo noong pumasok Siya sa Jerusalem na nakasakay sa isang boriko at daan daan sa kanila ang nagsisigaw, “Hosana sa kataastaasan” (Mateo 21:9). Noong ang iba sa Jerusalem ay nagsabing, “Sino ito?,” “Sinabi ng karamihan, Ito’y ang propeta, Jesus, na taga Nazaret ng Galilea” (Mateo 21:11). Ang mga Hudyo ay nagkamali ng parehong pagkakamali ng mga Muslim. Sinasabi nila na Siya ay isa lamang propeta, hindi ang Mesias, hindi ang Diyos sa katawang tao gaya ng itinuturo ng Bibliya.
Gayon, wala nang maaring pagdududa na ang “Kristo” ng Isalam ay “ibang Hesus” (II Mga Taga Corinto 11:4), isang “bulaang Kristo” (Mateo 24:24) alin ay nililigaw ang maraming mga milyon ng mga tao sa huling mga araw ng panahong ito.
“Sapagka't may magsisilitaw na mga bulaang Cristo, at mga bulaang propeta …” (Mateo 24:24).
IV. Pang-apat, ang bulaang “Kristo” ng Katolisismo.
Ito ay mahirap kilatisin ng kaunti dahil, sa papel, ang Katolikong Simbahan ay nagpapakita ng tamang Biblikal na pananaw ng Kristo. Kung gayon ang Katolikong Simbahan ay wala pulos sa parehong kategoriya ng mga Mormon, ang mga Saksi ni Jehovah at mga Muslim. Ang paniniwala ng mga Katoliko tungkol kay Kristo Mismo sa papel ay tradisyonal at Biblikal sa karamihang bahagi.
Gayon ang pananaw ng Katolikong Simbahan kay Kristo ay nabaluktot at naiba, kaya anong pinaniniwalaan nila “sa papel” ay hindi ang lumalabas sa klaseng Katekismo, o sa pangunahing likmuan sa simbahan tuwing Misa.
Dahil sa mga siglo ng bulaang pagtuturo sa kaligtasan, ang Katolikong Kristo ay naging, hindi ang mapagmahal na Tagapagligtas, ngunit ang “pantocrator,” ang tagahatol. Ito’y totoo na Siya ay magiging tagahatol ng tao sa hinaharap, ngunit ang maling pagdidiin ng Katolisismo ay ginawa Siyang isang galit na tagahatol ng hinarapa ngayon, imbes na ang mapagmahal na Kristo ng kasalukuyan. Madalas isipin ng mga Katoliko na si Kristo ay galit sa kanila dahil sa pagigigng makalasalanan. Alam ko ito’y totoo dahil narinig ko ang di-mabilang na bilang ng mga Katoliko na nagsabi sa akin na si Kristo ay galit sa kanila, noong pinayuhan ko sila tungkol sa kanilang kaligtasan. Ginagawa nitong ang “Kristo” na pinaniniwalaan nila “ibang Hesus” (II Mga Taga Corinto 11:4), isang “bulaang Kristo” (Mateo 24:24). Ang Kristo ng Bibliya ay hindi isang galit ng tagahatol Siya ay magiging tagahatol sa Huling Paghahatol, sa hinaharap. Siya ngayon ay ang mapagmahal na Tagapagligtas na nagsasabing,
“Magsiparito sa akin, kayong lahat na nangapapagal at nangabibigatang lubha, at kayo’y aking papapahingahin”
(Mateo 11:28).
Dahil ang kanilang maling pagdidiin kay Kristo bilang isang tagahatol ay sa kalayaang ito, dapat nating sabihin na walang pagdududa na ang Kristong pinaniniwalaan ng karamihan sa mga Katoliko’y “ibang Hesus” (II Mga Taga Corinto 11:4), isang “bulaang Kristo” (Mateo 24:24) alin ay nililigaw ang maraming milyon na mga tao sa huling mga araw ng panahong ito.
“Sapagka't may magsisilitaw na mga bulaang Cristo, at mga bulaang propeta, at mangagpapakita ng mga dakilang tanda at mga kababalaghan; ano pa’t ililigaw, kung maaari, pati ng mga hirang” (Mateo 24:24).
Ang bulaang “Kristo” ng Katolisismo ay nag-uutos ng kumpisal at kapatawaran mula sa isang pari. Iniuutos niya ang pagsunod sa Romanong Katolikong Simbahan. Iniuutos niya ang Pagbibinyag at mabuting gawain upang siguruhin ang kaligtasan. Hindi ito ang Kristo ng Bibliya na nagliligtas ng mga makasalanan sa awa lamang, sa pananampalataya sa Kanya lamang, gaya ng mga itinuro ng mga Tagapagbago nitong mga katotohanan sa Bibliya mula sa Bagong Tipan.
Ipinakita ni Dr. Walter Martin na ang lahat ng mga pananaw kay Kristo ay peke, at wala sa mga ito ay pumapantay sa malinaw na pagtuturo ng Bagong Tipan tungkol sa tunay na Kristo. Sinabi niya,
Ang Hesus ng Kristiyanong Siyensiya, ang mga Mormon, ang mga Saksi ni Jehovah at ang lahat ng mga kultong sistema ay bagkos isang mahinang pagbabaluktot ng banal na paglalantad kay Kristo. Sa kultong teyolohiya, Siya’y nagiging isang pinaliit (isinalin mula sa Christian Science, Unity, Metaphysics, New Thought), isang pangalawang diyos (isinalin mula sa mga Saksi ni Jehovah, mga Mormon, atb.)… ngunit siya ay hindi mababago pa rin “ibang Hesus,” na nagpapakita ng ibang ebanghelyo at nagapapasa ng ibang espiritu, alin ay sa walang nailalantad na lawak ng imahinasyon ay maaring banal. Dito nakasalalay ang problema na dapat harapin ng mga Kristiyano at mapanghawakan ito, at mayroong mga perpektong dahilan kung bakit hindi lang ito ating responsibilidad, ngunit ang ating tungkuling gawin (isinalin mula sa isinulat ni Walter Martin, ibid.).
“Sapagka't may magsisilitaw na mga bulaang Cristo, at mga bulaang propeta, at mangagpapakita ng mga dakilang tanda at mga kababalaghan; ano pa't ililigaw, kung maaari, pati ng mga hirang” (Mateo 24:24).
V. Panglima, ang mga bulaang “Kristo” ng maraming mga Pentekostal.
At isa pang bagay na tandaan. Ibinigay ni Dr. J. Vernon McGee ang kumentong ito sa ating teksto,
Ang abilidad na magsagawa ng mga milagro sa ating araw ay dapat tignan ng may pagdududa dahil ang sunod na dakilang tagasagawa ng milagro ay hindi si Kristo; siya ay ang Antikristo kasama ang kanyang mga huwad na propeta (isinalin mula sa isinulat ni J. Vernon McGee, Th.D., Thru the Bible, Thomas Nelson Publishers, Volume IV, p. 129).
Ang “banal na espiritu” na pinag-usapan sa marami sa mga Pentekostal na paglilingkod ay hindi ang Kristo ng Kasulatan. Para sa akin mukhang madalas silang malito sa katauhan ng Banal na Espiritu at Hesu-Kristo. Si Kristo ay hindi isang espiritu, “Sapagka’t ang isang espiritu’y walang laman at mga buto, na gaya ng inyong nakikita na nasa akin” (Lucas 24:39).
Si Kristo ay darating muli. Ngunit hindi isang bulaang “Kristo” ang darating. Ito’y ang tunay na Kristo, na pinag-usapan sa Kasulatan na darating. Siya ay bababa mula sa Langit sa Bundok ng Olibo at Jerusalem
“At mangakikita nila ang Anak ng tao na napaparitong sumasa mga alapaap ng langit na may kapangyarihan at dakilang kaluwalhatian” (Mateo 24:30).
“At ang kaniyang mga paa ay magsisitayo sa araw na yaon sa bundok ng mga Olivo, na nasa tapat ng Jerusalem sa dakong silanganan… at ang Panginoon kong Dios ay darating, at ang lahat na banal na kasama niya” (Zekarias 14:4-5).
Siya’y darating muli; Siya’y darating muli,
Ang parehong Hesus, na tinanggihan ng tao;
Siya’y darating muli, Siya’y darating muli,
Nang may kapangyarihan at dakilang kaluwalhatian,
Siya’y darating muli.
(“Siya’y Darating Muli” isinalin mula sa
“He Is Coming Again” ni Mabel Johnston Camp, 1871-1937).
Iyan ang Kristo, ang Pangalawang Tao ng Santisima Trinidad! Iyan ang Kristo kung sino ay lubusang Diyos at lubusang tao! Iyan ang Kristo na namatay sa Krus upang bayaran ang multa ng iyong kasalanan. Iyan ang Kristo na kayang hugasan ang iyong mga kasalanan sa pamamagitan ng Kanyang mahal na Dugo. Iyan ang Kristo na nabubuhay sa kanang kamay ng Diyos sa Langit. At iyan ang Kristo na dapat mong lapitan, at pagkatiwalaan, kung gusto mong maligtas. Naway malapit mo na itong gawin. Amen.
(KATAPUSAN NG SERMON)
Maari ninyong mabasa ang mga sermon ni Dr. Hymers linggo-linggo sa Internet
sa www.realconversion.com. I-klik ang “Mga Pangaral sa Tagalog.”
Pagbabasa ng Kasulatan Bago ng Pangaral ni Dr. Kreighton L. Chan: Lucas 21:7-19.
Kumanta ng Solo Bago ng Pangaral si Mr. Benjamin Kincaid Griffith:
“Siya’y Darating Muli” isinalin mula sa “He Is Coming Again”
(ni Mabel Johnston Camp, 1871-1937).
ANG BALANGKAS NG BULAANG MGA KRISTO – ISANG TANDA NG KATAPUSAN – BAHAGI II ni Dr. R. L. Hymers, Jr. “Sapagka't may magsisilitaw na mga bulaang Cristo, at mga bulaang propeta, at mangagpapakita ng mga dakilang tanda at mga kababalaghan; ano pa't ililigaw, kung maaari, pati ng mga hirang” (Mateo 24:24). (Mateo 24:3, 4-5; II Mga Taga Corinto 11:4) I. Una, ang bulaang “Kristo” ng Mormonismo, II. Pangalawa, ang bulaang “Kristo” ng mga Saksi ni Jehovah, III. Pangatlo, ang bulaang “Kristo” ng Isalam, IV. Pang-apat, ang bulaang “Kristo” ng Katolisismo, Mateo 11:28. V. Panglima, ang mga bulaang “Kristo” ng maraming mga Pentekostal, |