Ang mga pangaral na manuskrito at mga videyo ay ngayon lumalabas sa 1,500,000 na mga kompyupter sa lampas na 221 na mga bansa kada taon sa www.sermonsfortheworld.com . Daan-daang iba ang nanonood ng mga videyo, sa YouTube, ngunit di nagtatagal ay iniiwan ang YouTube at nagpupunta sa aming websayt, dahil bawat pangaral ay nagtuturo sa kanila papalyo mula sa YouTube tungo sa aming websayt. Ang YouTube ay nagdadala ng mga tao sa aming websayt. Ang mga pangaral na manuskrito ay ibinibigay sa 46 na mga wika sa halos 120,000 na mga kompyuter kada buwan. Ang pangaral na manuskrito ay hindi nakarapatang magpalathala, kaya nagagamit ng mga mangangaral ang mga ito na walang pahintulot. Mayroong daan-daang mga videyo ni Dr. Hymers at ng kanyang mga estudyanteng nangangaral. Ang mga manuskrito ay hindi nakarapatang magpalathala, ngunit lahat ng mga videyo nakarapatang magpalathala. Paki-klik ito upang matutunan kung paano ka maaring gumawa ng isang buwan-buwanang donasyon upang tulungan kami sa dakilang gawaing ito ng pagkakalat ng Ebanghelyo sa buong mundo, kasama ang mga Muslim at mga Hindu na mga bansa.
Tuwing nagsusulat kay Dr. Hymers, laging sabihin sa kanya kung anong bansa ka nakatira, o hindi ka niya masasagot. Ang email ni Dr. Hymers’ ay rlhymersjr@sbcglobal.net .
BULAANG MGA KRISTO – ISANG TANDA NG KATAPUSAN – BAHAGI I FALSE CHRISTS – A SIGN OF THE END – PART I ni Dr. R. L. Hymers, Jr. Isang pangaral na ipinangaral sa Baptist Tabernacle ng Los Angeles “Sapagka't marami ang magsisiparito sa aking pangalan, na mangagsasabi, Ako ang Cristo; at ililigaw ang marami” (Mateo 24:5). |
Ang kumentaryo sa bersong ito sa ating teksto, Mateo 24:24,
“Sapagka't may magsisilitaw na mga bulaang Cristo, at mga bulaang propeta, at mangagpapakita ng mga dakilang tanda at mga kababalaghan; ano pa't ililigaw, kung maaari, pati ng mga hirang” (Mateo 24:24).
Tinanong ng mga Disipolo si Kristo, “Ano ang magiging tanda ng iyong pagparito, at ng katapusan ng sanglibutan?” (Mateo 24:3). At binigyan sila ni Hesus ng listahan ng mga tanda – lahat nakaturo sa katapusan ng mundo. Ang pinaka unang tandang ibinigay Niya ay ang pagpapakita ng bulaan, gaya-gayang mga “Kristo.”
Ako’y napagbagong loob sa pagkadinig ng isang sermon galing sa II Ni Pedro, kapitulo tatlo, sa katapusan ng mundo, na ipinangaral ni Dr. Charles J. Woodbridge, noong ika-28 ng Setyembre, 1961, pagkatapos niyang umalis sa Teyolohikal na Seminaryo ng Fuller [Fuller Theological Seminary] dahil sa pagdulas nito papunta sa teyolohikal na liberalismo (isinalin mula sa isinulat ni Harold Lindsell, Ph.D., The Battle for the Bible, Zondervan Publishing House, 1976, p. 111). Kaya ang paksa ng prediksyon sa Bibliya ay napaka-importante sa akin noong maaagang taon, at ito pa rin hangang ngayon. Narinig ako kay Dr. M. R. DeHaan magsalita sa prediksyon sa Bibliya sa radiyo tuwing tanghaling Linggo. Narinig ko si Dr. J. Vernon McGee magturo sa prediksyon habang itinuturo niya ang Bibliya bawat umaga sa radiyo habang nagmamaneho ako patungo sa trabaho. Narinig ko si Billy Graham mangaral tungkol sa mga tanda ng pagdating ni Kristo sa kanyang “Oras ng Desisiyon” [“Hour of Decision”] na programa sa radiyo noong maaagang taon. Ang sarili kong pastor, si Dr. Timothy Lin ay madalas mangaral sa mga propetikong tema sa Bibliya. Ito’y napaka karaniwan noong mga araw na iyon, mahigit apat na pung taon ang nakalipas, upang madinig ang pangangaral sa Pangalawang Pagdating ni Kristo at ang katapusan ng panahong ito.
Ngayong, ito’y higit na kinakailangan, kakaunti ang naririnig natin sa paksang ito. Kailangan natin makarinig ng mas marami pa sa paksang ito ngayon. Ito’y kinakailangan ngayon – ng higit pa kailan man – habang ang mundong ito ay babagsak sa isang madulas na hilig papunta sa paghahatol.
Tinanong ng mga Disipolo, “Ano ang magiging tanda ng iyong pagparito, at ng katapusan ng sanglibutan?” (Mateo 24:3). Pagkatapos binigyan sila ni Kristo ng maraming tanda. Ngunit ang una ay ito – ang tanda ng maraming bulaang Kristo. Sinabi ni Hesus,
“Sapagka't marami ang magsisiparito sa aking pangalan, na mangagsasabi, Ako ang Cristo; at ililigaw ang marami”
(Mateo 24:5).
Tignan ang sinabi ni Kristo sa berso 24,
“Sapagka't may magsisilitaw na mga bulaang Cristo,… ano pa't ililigaw, kung maaari, pati ng mga hirang” (Mateo 24:24).
Pareho noong mga berso iyon ay nagsasabi ng pagliligaw sa mga huling araw ukol sa tunay na Kristo. Ang salitang “ililigaw” sa parehong mga berso ay isinalin mula sa mga anyo ng Griyegong salitang “planaō,” na nangangahulugang upang “magsanhing maligaw…mula sa katotohanan” (isinalin mula kay Strong), “upang iligaw, sa paghahatid sa kamalian” (isinalin mula kay Vine). Ang punto’y ito – magkakaroon ng matinding pagliligaw ukol kay Kristo sa patapos na mga araw nitong palayawan. Magkakaroon ng maraming pekeng Kristo. Iyan ang tanda – maraming bulaang, pekeng Kristo. Iyan ay nangyari na tumataas sa mga taong lumipas. Ang pagdami ng mga bulaang Kristo, na nagsisipanguna sa ating araw, ay di-pangkaraniwan sa kasaysayan ng sanglibutan. Tayo ngayon ay hinaharap ng napakaraming mga bulaang Kristo na ito’y nakalilito sa karaniwang tao. At ito’y aking layuning ibigay sa inyo ang dalawa sa kanila, at pagkatapos sabihin sa inyo mula sa mga Kasulatan, kung sino ang tunay na Kristo. Maari ko kayong bigyan ng marami pang iba, at gagawin ko ito sa sunod na Linggong gabi, ngunit bibigyang diin ko ang dalawa sa pinaka karaniwang bulaang “Kristo” ng ating panahon, alin ay pinaniniwalaan kong isang tanda ng pagkalapit ng Pangalawang Pagdating ng ating Panginoon at ang katapusan nitong kasalukuyang panahon.
I. Una, nariyan ang bulaang Kristo ng teyolohikal na liberalismo.
Alam ko ang tungkol sa bulaang Kristong iyan. Siya ay iprinesenta sa amin sa dalawa sa mga teyolohikal na liberal na seminaryong pinuntahan ko pagkatapos kong matapos mula sa kolehiyo. Upang gawin itong madali, ang bulaang Kristo ay isa lamang tao. Walang kakaiba o kamangha-mangha tungkol sa kanya. Siya ay isa lamang tao. Maari nilang sabihin na mayroon siyang espesiyal na pagtawag ng Diyos at ilang dakilang etikal at mabuting mga bagay na sinasabi. Ngunit sa hulihan, siya’y hindi ang Kristo ng Kasulatan, hindi siya ang nagkatawang taong Diyos sa laman. Hindi niya kinuha ang mga kasalanan sa Sarili Niya sa Krus. Hindi siya namatay upang bayaran ang ating mga kasalanan. Hindi siya bumangong pisikal mula sa hukay. Hindi siya pisikal na umakyat sa Langit. At hindi siya darating muling pisikal sa mga ulap upang ihanda ang kanyang kaharian sa lupa. Hindi, ang bulaang Kristo ng teyolohikal na liberalismo ay hindi ang Kristong ipinapakita sa Kasulatan. Siya ay isa lamang mabuting tao, isang dakilang guro ng moralidad, at dapat nating sundin ang kanyang halimbawa at subukang maging isang mabuting tao tulad niya. Iyan ang liberal na posisiyon kay Kristo.
Tinutuus ni Spurgeon ang bulaang pananaw kay Kristo noong sinabi niyang, “Tumatayo ako para sa katotohanan at ang kasunduan kahit na ang simbahan ay inililibing sa ilalim ng kumukulong ambong putik ng makabagong maling pananampalataya” (isinalin mula sa sinabi ni C. H. Spurgeon, “Ang Dugong Ibinuhos para sa Marami” [“The Blood Shed for Many”], The Metropolitan Tabernacle Pulpit, Pilgrim Publications, 1974, volume XXXIII, p. 374). Panahon ito ni Spurgeon noong ang bulaang Kristo ng teyolohikal na liberalismo ay naging tanyag. At ang pagkakamaling ito’y patuloy na ngayon sa mga pangunahing mga Protestanteng simbahan. Ito’y pinatanyag sa aklat ni Albert Schweitzer na “Ang Paghahanap sa Hesus ng Kasaysayan” (1906) at ibang mga aklat tulad niyan. Si Dr. Harry Emerson Fosdick, isang masamang liberal, ay sumulat ng mga tanyag na aklat tungkol sa Kristong tulad niyan. Ang matagal na pastor ni Barack Obama, si Dr. Jeremiah Wright, ay nagturo tungkol kay Kristo mula sa pananaw na ito. Napanatag ako na sa wakas umalis na si Obama sa liberal na simbahang iyan ilang buwan ang nakalipas!
Sinasabi ng mga liberal na mga dalubhasa sa teyolohiya na si Hesus ay isa lamang dakilang tao; tulad ng sinasabi nilang, “isang dakilang guro ng kabutihan.” Laban sa liberal na pananaw na ito na sinabi ni C. S. Lewis,
Nartio ako upang pigilan ay kahit sino sa pagsasabi ng tunay namang hangal na bagay na madalas sabihin ng mga tao tungkol sa Kanya: “Handa akong tanggapin si Hesus bilang dakilang guro ng kabutihan, ngunit hindi ko tinatangap ang Kanyang pag-aaking Siya ay ang Diyos.” Iyan ang isang bagay na di dapat natin sabihin. Ang isang taong isa lamang tao at nagsabi ng mga tipong bagay na sinabi ni Hesus ay hindi isang dakilang guro ng kabutihan. Siya ay isang baliw – sa antas ng isang taong nagsasabing siya ay isang pinakulong itlog – kung hindi siya ay ang Diablo ng Impiyerno. Dapat kang gumawa ng desisiyon. Alin man ang taong ito’y naging, at ang, Anak ng Diyos: kung hindi ay isang baliw o isang bagay na masama. Maari mo Siyang isara bilang isang hangal, o maari mo Siyang duraan at patayin Siya bilang isang demonyo; o maari kang bumagsak sa Kanyang paa at tawagin Siyang Panginoon at Diyos. Ngunit huwag tayong gumawa ng kahit anong pagsasambang walang kabuluhan tungkol sa Kanyang pagiging isang dakilang taong guro. Hindi Niya iyan iniwang bukas sa atin. Hindi Niya ito layunin gawin (isinalin mula sa sinabi ni C.S. Lewis, Mere Christianity, Macmillan, 1952, pp. 40-41).
Isang propesor sa isang liberal na Mag-kakaugnay na Presbiteriyang [United Presbyterian] seminaryong pinuntahan ko, habang kinukuha ko ang aking grado sa Pagka-doktor sa Pangangasiwa, ay nagsabing, “Si Hymers ay isang mabuting estudyante, ngunit humahamawak siya ng isang napaka makitid na pananaw.” Iyan ang sinasabi nila kapag naniniwala ka sa Bibliya – na mayroon kang “makitid na pananaw.” Mayroong ka ring isang makitid na pananaw kapag tumitingin sa salaming may likurang tanaw sa iyong sasakyan. Ngunit kung hindi ka tumingin doon, mabubungo ka kapag lumipat ka ng daanan [lanes]! At ganyan ang paraan ng Bibliya. Kung hindi ka titingin doon, sa Bibliya, upang matutunan ang tungkol kay Kristo ika’y paupunta sa isang tunay na bungguan sa Huling Paghahatol!
Tinanong ni Hesus ang mga Disipolo,
“Ano baga ang sabi ng mga tao kung sino ako?” (Marcos 8:27).
“At kanilang sinabi, Anang ilan, Si Juan Bautista; ang ilan, Si Elias; at ang mga iba, Si Jeremias, o isa sa mga propeta”
(Mateo 16:14).
Sa madaling salita, sinasabi ng mga tao na Siya ay isang tao, gaya ng itinuturo ng mga liberal na dalubhasa ng teyolohiya.
“Kaniyang sinabi sa kanila, Datapuwa't, ano ang sabi ninyo kung sino ako? At sumagot si Simon Pedro at sinabi, Ikaw ang Cristo, Ang anak ng Dios na buhay” (Mateo 16:15-16).
Sinagot ni Hesus si Pedro,
“Hindi ipinahayag sa iyo ito ng laman at ng dugo, kundi ng aking Ama na nasa langit” (Mateo 16:17).
Nangangailan ng kapangyarihan ng Diyos upang maihayag kung sino talaga si Kristo, na Siya ay ang Diyos ang Anak, ang Panglawang Tao ng Diyos sa kahayagan, ang Pangalawang Tao ng Santisima Trinidad.
“Sapagka't sa kaniya'y nananahan ang buong kapuspusan ng pagka Dios sa kahayagan ayon sa laman”
(Mga Taga Colosas 2:9).
Sinabi ni Dr. Ryrie na ito’y “isang malakas na pahayag ng pagka-diyos at pagkatao ng taong-Diyos” (isinalin mula sa isinulat ni Charles C. Ryrie, Ph.D., The Ryrie Study Bible, Moody Press, 1978, note on Colossians 2:9). Hindi alam ng mga liberal na dalubhasa ng teyolohiya ang katotohanang ito tungkol kay Kristo. Iniisip nila na Siya’y isa lamang dakilang guro ng kabutihan dahil hindi pa sila kailan man napag-bagong loob sa pamamagitan na kapangyarihan at iluminasyon ng Diyos.
“Sapagka't may magsisilitaw na mga bulaang Cristo… ano pa't ililigaw, kung maaari, pati ng mga hirang” (Mateo 24:24).
Ang Kristo ng liberal na teyolohiya ay isa lamang dakilang guro ng kabutihan. Ngunit isa ito sa mga bulaang “Kristo” na nagpakita sa eksena ng mundo bilang isang tanda ng katapusang ng panahon, dahil ang tunay na Hesus ay mas malayong mas higit pa kaysa isa lamang dakilang guro ng kabutihan!
II. Pangalawa, mayroong isang bulaang Kristong
pinatanyag ng karamihan ng Desisiyonismo.
Ang kilusang Pundamentalista ay bumangon, sa umpisa ng huling bahagi ng ika labing siyam na siglo, bilang isang reaksyon sa teyolohikal na liberalismo. Sinasabi ng mga liberal na si Kristo ay isa lamang dakilang guro. Ipinaglaban ng mga Pundamentalista na Siya ay Diyos at tao rin – ang Diyos-tao. Ang lubusang pagkadiyos ni Kristo ay idiniin ng mga Pundamentalista. Sila’y tamang itinama nila ito.
Gayon man, ang kanilang diin sa pagkadiyos ni Kristo ay nagsimulang mag-iba at nagbago sa isang bulaang doktrina sa panahon. Ito’y sinuportahan ng “Desisiyonistang” pagdidiin sa “Hingin mong si Hesus ay pumunta sa iyong puso” – inilarawan sa tanyag na atrikulo ni Robert Boyd Munger, “Ang Puso ko – Tahanan ni Kristo” [“My Heart – Christ’s Home”]. Dahan-dahan, maraming mga ebanghelikal na “Desisiyonista” ay nagsimulang isipin na si Kristo ay isang “espiritu” na naninirahan sa kanilang puso – at ang Biblikal na doktrina ng bumangong muling si Kristo sa kanang kamay ng Diyos, sa Langit, ay malabo at nawalang halaga.
Bilang resulta ng Desisiyonistang pagdidiin sa “Hingin mong si Hesus ay pumunta sa iyong puso,” ang pagkatao ni Kristo ay nakalimutan ng marami, at Siya’y naging isang espiritu laman. Ngunit ang tunay na Hesus ay hindi isang espiritu! Iyan ay ginawang napaka malinaw ni Hesus pagkatapos Niyang bumangong pisikal mula sa hukay. Noong ang bumangong si Kristo ay nagpakita sa mga Disipolo,
“Sila'y kinilabutan, at nangahintakutan, at inakala nila na nakakakita sila ng isang espiritu” (Lucas 24:37).
Ngunit sinabi ng bumangong si Kristo sa kanila,
“Tingnan ninyo ang aking mga kamay at ang aking mga paa, ako rin nga: hipuin ninyo ako, at tingnan; sapagka't ang isang espiritu'y walang laman at mga buto, na gaya ng inyong nakikita na nasa akin. At pagkasabi niya nito, ay ipinakita niya sa kanila ang kaniyang mga kamay at ang kaniyang mga paa” (Lucas 24:39-40).
Pagkatapos ng ilang mga araw,
“At nangyari, na samantalang sila'y binabasbasan niya, ay iniwan niya sila; at dinala siya sa itaas sa langit” (Lucas 24:51).
Pagkatapos dalawang anghel ang dumating at nagsabi sa kanila,
“Na nangagsabi naman, Kayong mga lalaking taga Galilea, bakit kayo'y nangakatayong tumitingin sa langit? itong [parehong] si Jesus, na tinanggap sa langit mula sa inyo, ay paparitong gaya rin ng inyong nakitang pagparoon niya sa langit”
(Mga Gawa 1:11).
Kaya, ang parehong laman at mga butong bumangong Hesus ay tumaas sa Langit sa Pag-aakyat [Ascension]. At “itong [parehong] Hesus” na bumangon “laman at mga buto” (Lucas 24:39) na si Hesus ay babalik, bababa mula sa Langit, gaya ng pag-akyat Niya (Mga Gawa 1:11) kapag Siya’y babalik sa kaluwalhatian sa Kanyang Pangalawang Pagdating!
Ngayon, ang tunay na Hesus ay nakaupo sa kanang kamay ng Diyos Ama sa Kanyang bumangong “laman at mga buto” (Lucas 24:39) na katawan. Tayo ay paulit-ulit na sinasabihan ng Bagong Tipan na wala Siya rito sa lupa. Tayo ay paulit-ulit na sinasabihan na Siya’y nasa taas sa Langit at nasa kanang kamay ng Diyos sa mga bersong tulad ng mga ito Hebreo 1:3; 8:1; 10:12; 12:2; I Ni Pedro 3:22; Lucas 22:69; Mga Taga Roma 8:34; Mga Taga Efeso 1:20; at marami pang ibang mga berso sa Bagong Tipan. Ang Marcos 16:19 ay ibinubuod ang lahat ng ito sa pagsasabing,
“Ang Panginoong Jesus nga, pagkatapos na sila'y mangakausap niya, ay tinanggap sa itaas ng langit, at lumuklok sa kanan ng Dios” (Marcos 16:19).
Gayon nakikita natin ang Desisiyonistang isipan kay Hesus bilang isang “espiritung-Kristo” na pumupunta “sa inyong puso” ay bulaan. Ang “espiritung-Kristo” ng “Desisiyonismo” ay isang bulaang Kristo, kasing bulaan ng “dakilang Kristong-guro” ng teyolohikal na liberalismo.
“Sapagka't may magsisilitaw na mga bulaang Cristo…ano pa't ililigaw, kung maaari, pati ng mga hirang” (Mateo 24:24).
Nananalangin kami na lalapit ka sa tunay na Kristo sa panampalataya. Siya’y tunay na isang taong-Diyos. Siya’y tunay na ang Pangalawang Tao ng “Diyos kahayagan ayon sa laman.” Siya’y tunay na namatay sa Krus upang bayaran ang multa ng kasalanan ng tao. Siya’y tunay na bumangong laman, “laman at mga buto” (Lucas 24:39) mula sa pagkamatay. Siya’y tunay na nasa itaas sa Langit sa kanang kamay ng Diyos (Mga Taga Roma 8:34, atbp.). At kung ika’y lalapit sa tunay na Kristo, huhugasan Niya iyong mga kasalanan gamit ang Kanyang Dugo, at ika’y maliligtas sa lahat ng panahon at sa buong walang hangan. Naway iyan ang iyong maging kondisiyon, ipinanalangin ko. Sa ngalan Niya, Amen.
(KATAPUSAN NG SERMON)
Maari ninyong mabasa ang mga sermon ni Dr. Hymers linggo-linggo sa Internet
sa www.realconversion.com. I-klik ang “Mga Pangaral sa Tagalog.”
Pagbabasa ng Kasulatan Bago ng Pangaral ni Dr. Kreighton L. Chan: Lucas 24:36-52.
Kumanta ng Solo Bago ng Pangaral si Mr. Benjamin Kincaid Griffith:
“Siya’y Darating Muli” isinalin mula sa “He Is Coming Again”
(ni Mabel Johnston Camp, 1871-1937).
ANG BALANGKAS NG BULAANG MGA KRISTO – ISANG TANDA NG KATAPUSAN – BAHAGI I ni Dr. R. L. Hymers, Jr. “Sapagka't may magsisilitaw na mga bulaang Cristo…ano pa't ililigaw, kung maaari, pati ng mga hirang” (Mateo 24:24). (Mateo 24:5, 3) I. Una, nariyan ang bulaang Kristo ng teyolohikal na liberalismo, II. Pangalawa, mayroong isang bulaang Kristong pinatanyag ng karamihan |