Ang mga pangaral na manuskrito at mga videyo ay ngayon lumalabas sa 1,500,000 na mga kompyupter sa lampas na 221 na mga bansa kada taon sa www.sermonsfortheworld.com . Daan-daang iba ang nanonood ng mga videyo, sa YouTube, ngunit di nagtatagal ay iniiwan ang YouTube at nagpupunta sa aming websayt, dahil bawat pangaral ay nagtuturo sa kanila papalyo mula sa YouTube tungo sa aming websayt. Ang YouTube ay nagdadala ng mga tao sa aming websayt. Ang mga pangaral na manuskrito ay ibinibigay sa 46 na mga wika sa halos 120,000 na mga kompyuter kada buwan. Ang pangaral na manuskrito ay hindi nakarapatang magpalathala, kaya nagagamit ng mga mangangaral ang mga ito na walang pahintulot. Mayroong daan-daang mga videyo ni Dr. Hymers at ng kanyang mga estudyanteng nangangaral. Ang mga manuskrito ay hindi nakarapatang magpalathala, ngunit lahat ng mga videyo nakarapatang magpalathala. Paki-klik ito upang matutunan kung paano ka maaring gumawa ng isang buwan-buwanang donasyon upang tulungan kami sa dakilang gawaing ito ng pagkakalat ng Ebanghelyo sa buong mundo, kasama ang mga Muslim at mga Hindu na mga bansa.
Tuwing nagsusulat kay Dr. Hymers, laging sabihin sa kanya kung anong bansa ka nakatira, o hindi ka niya masasagot. Ang email ni Dr. Hymers’ ay rlhymersjr@sbcglobal.net .
ANG PAG-UUSIG NG MGA KRISTIYANO THE PERSECUTION OF CHRISTIANS – A SIGN OF THE END! ni Dr. R. L. Hymers, Jr. Isang pangaral na ipinangaral sa Baptist Tabernacle ng Los Angeles “Kung magkagayo'y ibibigay kayo sa kapighatian, at kayo'y papatayin: at kayo'y kapopootan ng lahat ng mga bansa dahil sa aking pangalan” (Mateo 24:9). |
Sinalakay ng palabas na “Saturday Night Live” at ibang mga mediya programa ang tumatakbong Bise Presidenteng si Sarah Palin ng paulit-ulit dahil sa kanyang tahasang ebanghelikal na Kristiyanong paniniwala. Hindi ko siya ine-endorso. Aking simpleng inihahayag lamang ang mga katotohanan. Ang parehong mga kandidato para Bise Presidente ay mayroong nakamamanghang katangian, at bawat tao ay dapat gumawa ng sarili nilang desisiyon kung sino ang iboboto sa Nobiyembre. Ngunit hindi ko malarawan ang kahit sinong kandidato na pinupuna ng ganoon ka bigat dahil sa kanilang relihiyosong paniniwala bago pa nitong eleksyon. Para sa akin ito’y mukhang bahaging pagwawari ng prediksyon ni Kristo,
“Kung magkagayo'y ibibigay kayo sa kapighatian, at kayo'y papatayin: at kayo'y kapopootan ng lahat ng mga bansa dahil sa aking pangalan” (Mateo 24:9).
Ngayon mukhang mayroong lumaking malawakang poot laban sa Kristiyanismo at Hudyoismo. At naniniwala ako na isa ito sa mga palatandaan ng katapusan ng panahong ito at ang Pangalawang Pagdating ni Kristo ay malapit na. Tinanong ng mga Disipolo si Kristo,
“Ano ang magiging tanda ng iyong pagparito, at ng katapusan ng sanglibutan?” (Mateo 24:3).
Binigyan sila ni Hesus ng hindi isa, kundi maraming mga tanda na maglalarawan ng katapusan ng panahong ito.
Isa sa mga kilalang tanda na ibinigay Niya ay ang pag-uusig at diskriminasyon laban doon sa mga sumusunod sa Kanya.
“Kung magkagayo'y ibibigay kayo sa kapighatian, at kayo'y papatayin: at kayo'y kapopootan ng lahat ng mga bansa dahil sa aking pangalan. At kung magkagayo'y maraming mangatitisod, at mangagkakanuluhan ang isa't isa, at mangagkakapootan ang isa't isa” (Mateo 24:9-10).
Paki lipat sa Lucas 21:16-17. Magsi-tayo tayo at basahin ang dalawang bersong ito ng malakas.
“Datapuwa't kayo'y ibibigay ng kahit mga magulang, at mga kapatid, at mga kamaganak, at mga kaibigan; at ipapapatay nila ang iba sa inyo. At kayo'y kapopootan ng lahat ng mga tao dahil sa aking pangalan ” (Lucas 21:16-17).
Maari ng magsi-upo. Ngayo’y tayoy papasok sa isang panahon ng kakaibang relihiyong pag-uusig – laban sa mga Kristiyano. Sinabi ni Hesus na ito ay isang palatandaan na ang mundo ay nalalapit ng dumating sa katapusan, at si Kristo ay darating upang ihanda ang Kanyang Kaharian.
Itinampok ng Los Angeles Daily News ang isang ikapat-na-bahaging kwentong balita mula sa Gawad ng Manlilimbag [Associated Press] na pinamagatang “Diskriminasyon Nagpapatuloy” [“Discrimination Persists.”] Babasahin ko sa inyo ang marami sa mga talatang naggaling sa ulat.
Washington – May ilang mga Muslim na bansa Saudi Arabiya, Iran at Pakistan, ay nagpapakita ng kakaunting pagpapabaya sa mga relihiyong hindi pinapahintulot ng gobyerno [lalo na mga Kristiyano at mga Hudyo], isang pag-aaral ng Departamento ng Nasyon [State Department] ang nagsabi noong Huwebes.
Sinabi rin ng pag-aaral…ang Belgium, Pransya at Alemanya ay nanirang puri ng ilang mga relihiyon. Isang opisyal ng departamento ay naghayag din ng pag-aalala sa isang [bagong] Pranses na batas na magbabawal ng paggamit ng mga…yarmulkes at [mga krus] sa mga paaralang pampubliko [sa Pransya].
Kasama sa ulat ay ang kalagayan ng internasyonal na relihiyosong kalayaan sa buong mundo. Sinabi nito na pinahintulutan ng Tsinong gobyerno ang malayang relihiyosong paghahayag doon lamang sa mga organisasyon na inaprobahan ng [Komunistang] awtoridad.
“Mga Miyembro ng ilang hindi nakarehistrong mga [Kristiyanong] relihiyosong grupo ay naisuko sa mga pagbabawal, na nagdulot…ng pananakot, pag-uusig at pagkakulong sa bilangguan,” sinabi ng ulat. [Tandaan na ang ulat na ito ay hindi nanggaling mula sa isang Kristiyanong organisasiyon. Ito’y inilabas ng Departamento ng Bansang Amerika kamakailan lang].
Sa kabuuan, ang natuklasaan ng pag-aaral na ang pagmamalupit sa mga nauukol sa relihiyon ay malaganap.
[Sinabi ng ulat] “Karamihan sa populasyon ng mundo ay nakatira sa mga bansa kung saan ang karapatang kalayaan ng relihiyon ay ipinagbabawal o limitado,” ang sinabi ng ulat. “Milyong mga tao ay nakatira sa mga bansang diktador o awtoratibong pamamahala na pursigidong panghawakan ang mga relihiyosong paniniwala at mga gawain.”
Sa Saudi Arabiya, sinabi ng ulat, “Ang Kalayaan ng relihyion ay wala rito.” Mga hindi sumasamba sa Muslim, ay nasa panganib na “madakip, makulong, maitapon, mabugbog, at…pisikal na maabuso.”
Ang mga maliliit na relihiyosong grupo ay nagdusa rin sa Pakistan, sinabi ng ulat na, isinasaad na pinapayagan ng gobyerno ang mga “publikong malupit na puwersa doon sa mga nagsasagawa ng kakaibang pananampalataya [kay sa Islam].”
Samantala…ang mga Hudyo, Kristiyano [sa gitna ng iba] ay nagdusa ng iba’t ibang bigat ng opisiyal na pinahintulutang diskriminasyon, kasama ang pananakot, pag-uusig at pagkabilanggo, sinasabi ng pag-aaral.
Sa Hilagang Korea, ang ulat ay nakahanap ng mga ulat ng pagbibitay, pagpapahirap at pagkabilanggo ng mga relihiyosong mga tao. At sa Cuba, nakahanap ito ng matinding pagbabantay, pangingimasok at pag-uusig ng mga relihiyosong grupo ay laganap.
Ang Belgium, Pransya at Alemanya ay nasabing sinira ang reputasiyon ng mga partikular na relihiyon.
[Halimbawa na lang] Sa Belgium, ang Pederasiyon ng mga Karapatang Pangtao ng Helsinki [Helsinki Federation of Human Rights] nagdeklara na hindi gumawa ng kahit anong mabisang pagkilos upang [patigilin] ang kalupitan ng diskriminasyon na pinagdusahan ng mga grupong nakitang mga “kulto” [kasama na ang mga Protestanteng ebanghelistikong simbahan].
Inimbita ng Pransya ang Komite ng Europang pag-isipan muli ang batas alin ay nagpapahigpit ng mga paglilimita sa [mga Protestanteng simbahan] at nagbibigay ng katapusan ng grupong [simbahan] sa ilalim ng mga partikular na kondisiyon (ulat ng Gawad ng mga Manlilimbag [Associated Press], Los Angeles Daily News, Sabado, ika-20 ng Disyembre taon 2003, page 16).
Ang matinding diskriminasyon laban sa mga Kristiyano at Hudyo sa palibot ng mundo ay isang nakagugulat na pagkatupad ng prediksyon ni Hesus,
“Kung magkagayo'y ibibigay kayo sa kapighatian, at kayo'y papatayin: at kayo'y kapopootan ng lahat ng mga bansa dahil sa aking pangalan” (Mateo 24:9).
Bibigyang “kapighatian,” madalas papatayin, “kapopootan ng lahat ng mga bansa” – iyan ang prediksyon ni Hesus para sa mga nananampalataya sa katapusan ng panahon.
Ngunit hindi ko sila nakikitang nagsisi-usig ng mga taong nagsasabi lamang na sila ay Kristiyano! O, hindi! Pinagsisi-usig nila ang mabubuting mga Kristiyanong pumupunta sa simbahan bawat Linggo kahit na anong dumating. Pinag-uusig nila yoong mga tumatangging ipagpalibang magpunta sa simbahan upang makapag-aral para sa isang pagsusulit, yoong mga nagplaplano ng kanilang oras ng pag-aaral at yoong mga hindi nagpapalibang magpunta sa simbahan tuwing Linggo. Sa ibang salita, pinag-uusig lamang nila ang mga mabubuting Kristiyano. At iyan ay bahagi ng halaga ng pagiging isang disipolo. Sumulat si Dietrich Bonhoeffer ng isang aklat na pinamagatang, “Ang Halaga ng Pagiging Disipolo” [“The Cost of Discipleship.”] Inilagay siya ng mga Nazi sa bilangguan at ibinitay siya dahil sa kanyang pananampalataya. Sinabi ni Bonhoeffer na kailangan mong sumuko ng ilang bagay upang maging isang tunay na Kristiyano. Dapat nasa simbahan ka. Dapat mong isakripisiyo ang oras na iyon. Wala ng iba pang paraan upang maging isang mabuting Kristiyano! Panalangin ko na tatahakin mo ang masikip na daan, ang mas kaunting nilalakbaying daanan, at mag-umpisang mabuhay bilang isang Kristiyano.
Diskriminasyon at pag-uusig laban sa mga Kristiyano naniniwala sa Bibliya at mga Hudyo ay nangyayari rin sa isang di-maparisang antas sa Estados Unidos at iba pang mga bansang nagsasalita ng Ingles. Ang Sampung Utos ay inalis mula sa mga nasyonal na gusali at mga pinaglilitisan. Ang dasal ay ipinagbabawal sa ating mga paaralan. Limam pu’t isang milyong mga bata ay kinatay ng mga aborsiyonista sa Amerika. Ang mga kabataan sa mga sekular na kolehiyo ay sinasalakay ng mawiling pananalakay kay Kristo at ang Bibliya. Ang mga Seryosong Kristiyano ay madalas ihinihiwalay at dahil sa pamimintas mula sa kanilang mga relasiyon at mga katrabaho. Ang mga Krisitiyanong hindi nag-tratrabaho tuwing mga tradisiyonal na oras ng pagsasamba ng mga Kristiyano tuwing Linggo ay madalas nilalampasan pagdating ng promosiyon. Marami sa umpisa pa lang ay hindi na natatanggap sa trabaho, o sila ay sinisisante sa ilalim ng isang bintang. Paulit-ulit ko na itong nakitang nangyari sa maraming mga tao nitong huling mga iilang taon.
Ang tumataas na panunulak ng sekularisasiyo’y ginagawang mahirap bumuhay ng Kristiyanong buhay sa Amerika at ibang bahagi ng Kanlurang mundo. Pag-uusig at diskriminasyon ay laban sa mga Kristiyano ay lumalagao sa ating kultura, at sa buong mundo, at ito ay isa sa mga tandang ibinigay ni Hesus na tayo’y papalapit na sa katapusan ng kasaysayang alam natin.
“Kung magkagayo'y ibibigay kayo sa kapighatian, at kayo'y papatayin: at kayo'y kapopootan ng lahat ng mga bansa dahil sa aking pangalan” (Mateo 24:9).
Ang galit na nakikita nating ipinapakita tungo sa mga nananampalataya sa buong mundo ngayon ay dapat magturo sa atin ng tatlong mahahalagang aral.
I. Una, ang galit tungo sa mga Kristiyano ay nagpapakita
na mayroong isang Diablo.
Oo, naniniwala ako sa Diablo. Naniniwala ako sa mga demonyo. Sinasabi ng Bibliya na ang mga malulupit na mga espiritung ito ay totoo. Sinasabi ng Bibliya na sila ay ating mga tunay na espiritwal na kalaban. Sinasabi ng Bibliya,
“Ang ating pakikibaka ay hindi laban sa laman at dugo, kundi laban sa mga pamunuan, laban sa mga kapangyarihan, laban sa mga namamahala ng kadilimang ito sa sanglibutan, laban sa mga ukol sa espiritu ng kasamaan sa mga dakong kaitaasan”
(Mga Taga Efeso 6:12).
Sinasabi ng bersong ito sa atin na tayo ay patuloy na nasa espiritwal na pakikipaglaban sa Diablo, at mga iba’t ibang uri ng mga puwersa ng demonyo. Naniniwala ako sa mga demonyo at kay Satanas dahil itinuturo ng Bibliya na sila’y ating mga kaaway.
Ngunit, pumapangalawa, naniniwala ako sa mga masasamang nilalang na ito dahil nakakakita tayo ng maraming patunay ng kanilang pananalakay kay Kristo at Kanyang mga tagasunod ngayon. Sinasabi ng Bibliya,
“Sapagka't ang diablo'y bumaba sa inyo, na may malaking galit, sa pagkaalam niya na kaunting panahon na lamang mayroon siya” (Apocalipsis 12:12).
Alam ng Diablo na mayroon lamang siyang kakaunting oras na natitira upang salakayin ang gawa ng Diyos. Mas higit ang alam niya, kaysa sa atin, na ang kanyang mga araw ay bilang, at na wala na siya masyadong maraming oras na natitira. Bilang resulta, itinatapon niya ang kanyang galit sa mga Kristiyano sa maraming bahagi ng mundo.
“Kayo'y kapopootan ng lahat ng mga bansa dahil sa aking pangalan” (Mateo 24:9).
Sinasalakay ng Diablo ang Kristiyanismo sa buong mundo, ng hindi pa kailan man noon sa kasaysayan. Ang kasuklam suklam na pag-uusig ng mga Kristiyano sa maraming bahagi ng mundo ay nagpapakita na mayroon tiyak na isang Diablo. Ang diskriminasyong madalas na maranasan ng mga tunay na Kristiyano sa mga paaralan, at tahanan, at sa mga pinagtratrabahuan ay mga positibong-patunay na mayroon tayong isang espiritwal na kalaban – at ang kanyang pangalan ay Satanas.
Isa sa mga paraan na pagsalakay ni Satanas ng mga tao ay sa pamamagitan ng pangongondisiyon ng mga utak nila. Sinabi ni Hesus,
“Kung magkagayo’y dumarating ang diablo, at inaalis ang salita sa kanilang puso, upang huwag silang magsisampalataya at mangaligtas” (Lucas 8:12).
Kapag nakaririnig ka ng isang sermon tulad nito, mayroong pakiramdam sa iyong konsyensiya na nagsasabi sa iyo na tama ang Bibliya, at na dapat mong tuklasing makapasok sa pagbabagong loob sa daanang tarangkahan, at mapagbagong loob kay Hesu-Kristo. Iyan ang Espiritu ng Diyos na nakikikipag-usap sa iyo. Ngunit mayroong isa pang pakiramdam sa iyong puso. Ang pangalawang pakiramdam ay nanggagaling kay Satanas. Sinusubukan niyang bunutin ang Ebanghelyong pangangaral na iyong nadining “inaalis ang salita sa kanilang puso,” upang pigilan ito mula sa paniniwala at pagkaligtas. Maglalagay ang Diablo ng maraming uri ng kaisipan sa iyong isip, mga kaisipang puno ng temtasiyon at di-paniniwala – habang sinusubukan niyang alisin ang iyong isipan mula sa mga nadinig mo sa sermon, habang sinusubukan niyang pigilan kang bumalik sa simbahan. Iyan ang nangyari sa Disipolong si Judas. Sinasabi ng Bibliya,
“At pumasok si Satanas kay Judas…na kabilang sa labingdalawa. At siya’y umalis, at nakipagusap sa mga pangulong saserdote at mga punong kawal kung paanong maibibigay niya siya sa kanila” (Lucas 22:3-4).
Gagawin ni Satanas ang tulad nito sa iyo. Susubukan niyang makuha mong ipagkanulo mo si Kristo at magpatuloy sa kasalanan. Gagawin niya ang lahat sa kanyang kapangyarihan mula sa Impiyernong pigilan kang bumalik dito sa simbahan at tunay na mapagbagong loob.
“Ang diablo'y bumaba sa inyo, na may malaking galit, sa pagkaalam niya na kaunting panahon na lamang mayroon siya” (Apocalipsis 12:12).
Oo, ang galit tungo sa mga Kristiyano ay malinaw na nagpapakita na mayroong isang tunay na Diablo – at na gagawin niya ang lahat ng magagawa niya upang harangin ka mula kay Kristo at bumalik sa simbahan. Iyan ang unang dahilan na sinabi ni Hesus sa atin,
“Kayo'y kapopootan ng lahat ng mga bansa dahil sa aking pangalan” (Mateo 24:9).
II. Pangalawa, ang poot tungo sa mga Kristiyano ay nagpapakita
na ang tao ay mga nasira.
Naiisip mo ba minsan kung bakit ang isang malinis at mabuting taong tulad ni Pangulong Reagan ay madalas naiipit sa pamimintas at poot, kahit ngayon, habang ang isang matandang walang ikinabuti, na may responsibilidad sa pagkalunod ng isang batang babae, tulad ni Senador Kennedy, ay nagpapatuloy taon taon sa palakpakan at papuri ng mga sekularistang manlilimbag? Ang sagot ay simple. Sinabi ni Hesus,
“Kung kayo’y taga sanglibutan, ay iibigin ng sanglibutan ang kaniyang sarili: ngunit sapagka’t kayo’y hindi taga sanglibutan…kaya napopoot sa inyo ang sanglibutan” (Juan 15:19).
Pagkatapos dakpin ng Romanong gobernador si Hesus, nag-alay ang gobernador na magpalaya ng isang preso, alin ay isang tradisiyon sa oras ng Paskua.
“Sino ang ibig ninyong sa inyo'y aking pawalan? si Barrabas, o si Jesus na tinatawag na Cristo?” (Mateo 27:17).
“Sinabi nilang lahat, Mapako siya sa krus” (Mateo 27:22).
“Nang magkagayo'y pinawalan niya sa kanila si Barrabas; nguni't si Jesus ay hinampas at ibinigay upang ipako sa krus”
(Mateo 27:26).
Hiniling nilang ang mamamatay tao ang palayain, at sinabi nila na ang Anak ng Diyos ang dapat mapako sa krus (Mateo 27:17). Gusto nilang ang mamamatay taong si Barabbas ang mapalaya. Gusto nilang ang Anak ng Diyos ay mapako sa krus.
Sinabi ng Apostol na si Pedro,
“Inyong pinakatanggihan ang Banal at ang Matuwid na Ito, at inyong hiningi na ipagkaloob sa inyo ang isang mamamatay-tao, At inyong pinatay ang Lumikha ng buhay: na binuhay ng Dios na maguli sa mga patay; mga saksi kami ng mga bagay na ito” (Mga Gawa 3:14-15).
Ang uri ng pagmamahal sa malupit, at poot sa mga Kristiyano, ay nagpapatuloy ngayon. Mga mamamatay tao tulad ni O. J. Simpson at Senador Kennedy ay napapalaya, habang ang mga mabubuting Kristiyano tulad ni Gobernador Sarah Palin at Bob Jones III ay kinapopootan ng sekular na mediya. Walang nagbago.
Ang di-napagbagong loob na puso ng tao ay nakabaluktot at masama. Sinasabi ng Bibliya,
“Ang puso ay magdaraya ng higit kay sa lahat na bagay, at totoong masama: sinong makaaalam?” (Jeremias 17:9).
Ang puso ng mga di-napagbagong mga kalalakihan at kababaihan ay napaka sama na mahal nila ang malupit at galit sa mga Kristiyano! Wala ng makapagpapatunay ng mga ligaw, bulok at nasirang kalikasan ng lahi ng tao higit pa rito – mahal nila ang malupit at galit sa mga Kristiyano.
Kapag mapasiya mong maging isang Kristiyano, tandaan na ang Diablo at ang lahat ng kanyang mga demonyo ay labag sa iyo. Ang nasirang kalikasan ng mga kamag-anak at kaibigan ay labag din sa iyo. Kung mas pinili nila ang isang mamamatay tao sa Anak ng Diyos, huwag mong isipin na kikilos silang iba tungo sa iyo!
“Kung kayo'y taga sanglibutan, ay iibigin ng sanglibutan ang kaniyang sarili: nguni't sapagka't kayo'y hindi taga sanglibutan, kundi kayo'y hinirang ko sa sanglibutan, kaya napopoot sa inyo ang sanglibutan” (Juan 15:19).
Ang tao sa kabuuan ay napaka makasalanan, at nabulok, nasira, at nasa pagrerebelde laban sa Diyos, na
“Kayo'y kapopootan ng lahat ng mga bansa dahil sa aking pangalan.” (Mateo24:9).
III. Pangatlo, ang poot tungo sa mga Kristiyano ay nagpapakita
kung gaano kahalaga ang Bibliya.
Ang kwentong balita ng Gawad ng mga Manlilimbag na kababasa ko lamang ay nagpapakita na mayroong lumalagong emosyon laban sa tunay na Kristiyanismo sa buong mundo. Si A. M. Rosenthal ay isang mabuting tao. Nagsusulat sa New York Times, sinabi ni Rosenthal, “Isa sa mga nakagugulat na hindi pa nakwekwentong kwento ng ating panahon ay, na mas maraming mga Kristiyano ang namatay sa siglong ito dahil sa simpleng pagiging mga Krisitiyano kaysa sa kahit anong siglo mula pa noong ipinanganak si Kristo.” At gayon isinaad ni Dr. Paul Marshall na
Kahit may pag-uusig, ang Kristiyanismo ay lumalago ng napaka bilis sa mundo…pinagdadaanan ang pinaka malaking paglago sa kasaysayan (isinalin mula sa isinulat ni Paul Marshall, Ph.D., Their Blood Cries Out, Word, 1997, p. 8).
Nag-susulat sa pangatlong siglo, sinabi ni Cyprian, “Tayo ay sa katunayan dumarami at tumataas sa paghihirap.” Sa ika-apat na siglo, sinabi ni Jerome, “Pag-uusig ang nagpalaki sa simbahan ni Kristo.” Sa pangalawang siglo, sinabi ni Tertullian, “Mas madalas na pamumutol ninyo sa amin, mas higit naman ang paglaki ng bilang namin. Ang dugo ng mga Kristiyano ay buto.” Ang punto ni Tertullian ay yoong mga nag-usig sa mga Kristiyano ay ginawang pag-isipan kung ano ang ating pinaniniwalaan at “Sinong, pagkatapos ng pagtatanong, ay hindi yayakapin ang aming doktrina?”
Sa Tsina, marami sa mga Komunistang pinuno mismo ay nagiging mga Kristiyano. At sinabi ng Protestanteng taga-pagbagong si Martin Luther,
Hindi dapat natin katakutan ang marahas na pagtatrato…o kaya katakutan ang karunungan ng mundo, dahil wala itong magagawang masama sa atin. Sa katunayan, mas higit ang pagtaas ng karunungan ng mundo laban sa katotohanan, mas walang bahid at mas maging malinaw ang katotohanan…Kung sapat sana ang talino ang diablo at manahimik at pabayaang maipangaral ang Ebanghelyo, mapananatili niyang kakaunti ang pahamak. Dahil kapag ang Ebanghelyo ay hindi sinasalakay, ito’y nangangalawang at walang pagkakataong mabunyag ang kapangyarihan nito…mas higit ang kaguluhan, mas higit ang pahamak nila sa kanilang sarili at tulong sa atin!
Kapag ang mga Kristiyano ay nag-hihirap sa diskriminasyon at pag-uusig, ginagawang paisipin nito ang mga di-pa-napagbabagong loob kung gaano kahalaga si Kristo! Sinabi ni C. S. Lewis, “Ang Kristiyanismo, kung huwad ito, ay walang halaga, at kung totoo, ay walang hangganang kahalagahan.”
Kapag nakikita ng tao na hindi sila makalayo kay Kristo, o huminto sa pagpunta sa simbahan, gayon maari nilang tanggapin ang mensahe ni Kristo ng masinsinan! Tapos maari nilang makita kung gaano kahalaga si Kristo!
Paki lipat sa Mga Gawa, kapitulo apat berso, isa hangang apat. Magsitayo tayo at basahin ang apat na berso ng malakas.
“At nang sila'y nangagsasalita pa sa bayan, ay nagsilapit sa kanila ang mga saserdote, at ang puno sa templo, at ang mga Saduceo, Palibhasa'y totoong nangabagabag sapagka't tinuruan nila ang bayan, at ibinalita sa pangalan ni Jesus ang pagkabuhay na maguli sa mga patay. At sila'y kanilang sinunggaban at kanilang ibinilanggo hanggang sa kinabukasan: sapagka't noon nga'y gabi na. Datapuwa't marami sa nangakarinig ng salita ay nagsisampalataya; at ang bilang ng mga lalake ay umabot sa mga limang libo” (Mga Gawa 4:1-4).
Maari ng magsi-upo.
Limang libong mga tao ay naging mga Kristiyano noong narinig nila ang Ebanghelyo, at nakita na ang mga Apostol ay handang mabilanggo para kay Kristo.
Nakarinig na kayo ng tungkol sa mga Kristiyano sa buong mundo na naghihirap dahil sa kanilang pananampalataya. Ang kanila bang matapang na halimbawa ay magsasanhi sa iyong lumapit kay Kristo at mapag-bagong loob? Sinabi ni Juan Bautista,
“Narito, ang Cordero ng Dios, na nagaalis ng kasalanan ng sanglibutan!” (Juan 1:29).
Tumingin kay Kristo! Namatay Siya sa Krus upang bayaran ang iyong mga kasalanan! Tumingin kay Kristo! Bumangon Siya mula sa pagkamatay upang bigyan ka ng buhay! Tumingin kay Kristo! Umakyat Siya sa Langit, at naka-upo sa kanang kamay ng Diyos ang Ama, nananalangin para sa iyo! Tumingin kay Kristo! Ililigtas ka Niya mula sa multa ng iyong kasalanan!
“Narito, ang Cordero ng Dios, na nagaalis ng kasalanan ng sanglibutan!” (Juan 1:29).
(KATAPUSAN NG SERMON)
Maari ninyong mabasa ang mga sermon ni Dr. Hymers linggo-linggo sa Internet
sa www.realconversion.com. I-klik ang “Mga Pangaral sa Tagalog.”
Pagbabasa ng Kasulatan Bago ng Pangaral ni Dr. Kreighton L. Chan: Mateo 24:3-10.
Kumanta ng Solo Bago ng Pangaral si Mr. Benjamin Kincaid Griffith:
“Pananampalataya Ng Ating Mga Ama” isinalin mula sa “Faith of Our Fathers” (ni Frederick W. Faber, 1814-1863).
ANG BALANGKAS NG ANG PAG-UUSIG NG MGA KRISTIYANO ni Dr. R. L. Hymers, Jr. “Kung magkagayo'y ibibigay kayo sa kapighatian, at kayo'y papatayin: at kayo'y kapopootan ng lahat ng mga bansa dahil sa aking pangalan” (Mateo 24:9). (Mateo 24:3, 9-10; Lucas 21:16-17) I. Una, ang galit tungo sa mga Kristiyano ay nagpapakita na II. Pangalawa, ang poot tungo sa mga Kristiyano ay nagpapakita III. Pangatlo, ang poot tungo sa mga Kristiyano ay nagpapakita |