Print Sermon

Ang mga pangaral na manuskrito at mga videyo ay ngayon lumalabas sa 1,500,000 na mga kompyupter sa lampas na 221 na mga bansa kada taon sa www.sermonsfortheworld.com . Daan-daang iba ang nanonood ng mga videyo, sa YouTube, ngunit di nagtatagal ay iniiwan ang YouTube at nagpupunta sa aming websayt, dahil bawat pangaral ay nagtuturo sa kanila papalyo mula sa YouTube tungo sa aming websayt. Ang YouTube ay nagdadala ng mga tao sa aming websayt. Ang mga pangaral na manuskrito ay ibinibigay sa 46 na mga wika sa halos 120,000 na mga kompyuter kada buwan. Ang pangaral na manuskrito ay hindi nakarapatang magpalathala, kaya nagagamit ng mga mangangaral ang mga ito na walang pahintulot. Mayroong daan-daang mga videyo ni Dr. Hymers at ng kanyang mga estudyanteng nangangaral. Ang mga manuskrito ay hindi nakarapatang magpalathala, ngunit lahat ng mga videyo nakarapatang magpalathala. Paki-klik ito upang matutunan kung paano ka maaring gumawa ng isang buwan-buwanang donasyon upang tulungan kami sa dakilang gawaing ito ng pagkakalat ng Ebanghelyo sa buong mundo, kasama ang mga Muslim at mga Hindu na mga bansa.

Tuwing nagsusulat kay Dr. Hymers, laging sabihin sa kanya kung anong bansa ka nakatira, o hindi ka niya masasagot. Ang email ni Dr. Hymers’ ay rlhymersjr@sbcglobal.net .




MGA TANDA NG PANAHON – MGA NANAHIMIK NA
MANGANGARAL AT ANG PANINIRA NG BUHAY SA
PAMAMGITAN NG PAGLALAGLAG

SIGNS OF THE TIMES – SILENT PREACHERS
AND THE ABORTION HOLOCAUST

ni Dr. R. L. Hymers, Jr.

Isang pangaral na ipinangaral sa Baptist Tabernacle ng Los Angeles
Gabi sa Araw ng Panginoon ika-21 ng Setyembre taon 2008


Ngayon gusto kong ilipat ninyo sa inyong Bibliya sa II Timoteo, kapitulo 4:1-4. Ito’y nasa pahina 1281 ng Scofield na Bibliyang Pang-aral (Oxford University Press, 1917 edisiyon) kung mayroon kayo nito. Ito ay isa sa pinakamahalagang propetikong talata sa Bibilya. Binibigyan tayo nito ng sosyal at psikolohikal na mga kalagayan ng “mga huling araw,” bago ng katapusan ng mundong ito at ang Pangalawang Pagdating ni Kristo.

“Ipangaral mo ang salita; magsikap ka sa kapanahunan, at sa di kapanahunan, sumawata ka, sumaway ka, mangaral ka na may buong pagpapahinuhod at pagtuturo. Sapagka't darating ang panahon na hindi nila titiisin ang magaling na aral; kundi, pagkakaroon nila ng kati ng tainga, ay magsisipagbunton sila sa kanilang sarili ng mga gurong ayon sa kanilang sariling mga masasamang pita; At ihihiwalay sa katotohanan ang kanilang mga tainga, at mga ibabaling sa katha” (II Timoteo 4:2-4).

Kung alam mo ang kasaysayan ng pangangaral ng paksa ng “tanda ng katapusan” maaring katakataka para sa iyo na ang paksang ito ay napaka kaunti kung pag-usapan ngayon. Kapag mag-uumpisa sa bandang huling bahagi ng ika-labing siyam na siglo, si John Nelson Darby (1800-1882) at maraming ibang mga mangangaral ay nilalagay ang prediksyon sa Bibliya sa itaas ng mga paksa na kanilang pinangagaral. Si Dr. I. M. Haldeman, pastor ng Unang Bautistang Simbahan sa Lungsod ng New York, ay nangaral sa prediksyon sa Bibliya, ang mga tanda ng pagdating ni Kristo, at mga kaugnay na mga propetikong paksa bawat gabi ng Linggo sa kanyang simbahan sa loob ng tatlom pung taon, mula sa Unang Pandaigdigang Digmaan hanggang sa mga taong 1930.

Bawat gabi ng Linggo si Dr. Haldeman, isang dakila at iginagalang na Bautismong mangangaral ay inialay ang kanyang mga pangaral sa mga prediksyon ng Bibliya, tungkol sa katapusan ng kasaysayan at sa Pangalawang Pagdating ni Kristo. Hanggang sa kanyang kamatayan ng mga taong 1960, ang dakilang guro ng Bibliya, si Dr. M. R. DeHaan, ay gumugol ng karamihan sa kanyang panahon sa kanyang malawakang nadidinig na programa sa radiyo na nagtuturo ng mga tanda ng pagdating ni Kristo, at ibang mga paksa ng prediksyon ng Bibliya. Sa loob ng limang pung taon tinapos ni Billy Graham ang bawat isa ng kanyang mga kampanya ng isang sermon sa mga tanda ng panahon at ang Pangalawang Pagdating ni Kristo. Nagsagawa si Billy Graham ng huling pangangampanya ng kanyang paglilingkod sa Flushing Meadows Corona Park, sa Queens, New York, noong Hunyo 24-26, taon 2005. Daan daang libong mga tao ay nagsibuhos sa parke upang marinig ang matandang ebanghelistang mangaral na alam siguro nilang kanyang huling matinding pangangampanyang sermon. Ano ang naging paksa niya? Hindi nakagugulat, habang kanyang tinapos ang bawat isa ng kanyang mga matitinding pangangampanya ng higit sa limampung taon, si Billy Graham ay nangaral ng isang sermong pinamagatang, “Kapag Si Kristo’y Bumalik Muli” [“When Christ Comes Again”] (Isinalin mula sa isinulat ni Billy Graham, The New York Crusade, G. P. Putnam’s Sons, 2005, p. 103). Ito’y isang kanyang karaniwang pangaral para sa ganoong pagsasarang okasyon. Ito’y isang pangaral sa mga tanda ng pagdating ni Kristo at ng katapusan ng mundo. Natatandaan ko si Billy Graham na nangangaral sa paksang iyan noong mga taong 1950 hanggang sa patayuin nito ang aking balahibo! At di mabilang na mga ibang sumunod sa halibawa ni I. M. Haldeman, M. R. DeHaan at Billy Graham sa mga mas maagang mga araw ng ika-20 siglo. Ngunit nasaan ang ganitong uri ng pangangaral ngayon? Ito na ngayon ay isang lubusang di-karaniwang bagay na makarinig ng isang makalumang uri ng ebanghelistikong sermon, na mayroong apoy at dugo, sa mga tanda ng pagdating ni Kristo at ang katapusan ng mundo. Lahat ng mga pagdidiin na ito sa prediksyon sa Bibliya ay halos wala na, maliban na lang kay John Hagee, na karaniwang gumagawa ng mahusay na gawin, kahit na hindi ako sumasang-ayon sa pagsalalay niya sa mga karismatikong pagtuturo. Ngunit si Hagee ay ang tanging kilalang mangangaral na kilala ko na nagsasalita pa rin tungkol sa prediksyon sa Bibliya, lalo na ang mga tanda ng pagdating ni Kristo at ang mga kaganapan sa katapusan ng mundong ito.

Sinabi sa akin ni Dr. Cagan noong isang araw, “Nangangaral sila ng tungkol sa mga tanda noong mga maagang bahagi ng ika-20 siglo, ngunit ngayon na ito’y napaka halata na ang mga tanda ay talagang narito na, mukhang ang mga mangangaral ay nakatulog at nakalimot na si Kristo ay darating at ang katapusan ay palapit na.” Nasaan ang mga mangangaral? Bakit nanahimik sila sa mga ganitong importanteng mga paksa, alin ay napaka kilala sa mga Banal na Kasulatan? Kailan ka huling nakarinig ng isang ebanghelistikong sermon sa “mga tanda ng panahon”? Iyan ang una kong punto.

I. Una ang katahimikan ng mga mangangaral sa prediksyon sa Bibliya ay
isang tanda, mismo, na ang katapusan ng panahon at ang Pangalawang
Pagdating ni Kristo ay malapit na.

Paki lipat sa II Timoteo 4:2-4. Dito mayroon tayong propetikong salaysay ni Apostol Pablo sa paksang ito. Sinabi niya,

“Ipangaral mo ang salita; magsikap ka sa kapanahunan, at sa di kapanahunan, sumawata ka, sumaway ka, mangaral ka na may buong pagpapahinuhod at pagtuturo. Sapagka't darating ang panahon na hindi nila titiisin ang magaling na aral; kundi, pagkakaroon nila ng kati ng tainga, ay magsisipagbunton sila sa kanilang sarili ng mga gurong ayon sa kanilang sariling mga masasamang pita; At ihihiwalay sa katotohanan ang kanilang mga tainga, at mga ibabaling sa katha” (II Timoteo 4:2-4).

Ang pangunahing dahilan na ang mga mangangaral ay nagkukulang magsalita sa mga katapusan ng panahong mga prediksyon ay marami sa kanila ay hindi na sumusunod sa babala ng Apostol na “ipangaral mo ang salita.”

Sa kanyang pangwakas na pangaral sa New York, tamang sinabi ni Billy Graham,

Naniniwala ako na si [Kristo] ay babalik. Sa Bagong Tipan, napakaraming mga talata sa muling pagdating ni Kristo na maari akong gumugol ng buong hapon sa pagbabasa ng mga ito (Isinalin mula sa isinulat ni Graham, ibid., p. 113).

Siya ay walang pagtatakang tama sa puntong ito! Ang Bagong Tipan ay puno ng mga prediksyon tungkol sa pagdating muli ni Kristo, ang mga tanda na nagpapakita ng kalapitan ng matinding kaganapang ito. Ngunit bakit hindi tayo nakaririnig ng mas marami pa sa paksang ito mula sa karamihan sa mga pulpito ngayon? Simple dahil marami sa mga mangangaral ay hindi nagsasalita ng mga tungkol sa mga propetikong talata ngayon?

Pagkatapos, sinasabi sa atin ng Apostol ang dahilan. Sinasabi niya, “Hindi nila titiisin ang magaling na aral; kundi, pagkakaroon nila ng kati ng tainga, ay magsisipagbunton [magsi-ipon para sa sarili nila] sila sa kanilang sarili ng mga gurong ayon sa kanilang sariling mga masasamang pita” (II Timoteo 4:3). Binanggit ni Dr. J. Vernon McGee na,

Gusto nila ng relihiyosong pang-aaliw mula sa mga Kristiyanong manananghal na kikiliti ng kanilang mga tainga…Ang [mangangaral] na simpleng magbubukas ng Bibliya ay tinanggi habang ang mababaw na relihiyosong manananghal ay maging isang artisita. Ang berso 4 ay nagpapakita ng nangangating mga tainga na malapit ng maging bingi habang ang mga tao ay lumalayo mula sa katotohanan at maniwala sa mga taong gawang mga pabula (Isinalin mula sa isinulat ni J. Vernon McGee, Th.D., Thru the Bible, Thomas Nelson Publishers, 1983, vol. 5, p. 476).

Tignan ang II Timoteo 4:4,

“At ihihiwalay sa katotohanan ang kanilang mga tainga, at mga ibabaling sa katha” (II Timoteo 4:4).

Imbes na mangaral ng mga sermon sa mga dakilang tema ng Banal na Kasulatan, tulad ng pakikipagsundo, ang bagong pagkapanganak, at ang babala ng prediksyon sa Bibliya, maraming mga mangangaral ay tumingin sa mga pabula, literal sa mga “katha.” Madalas na ngayon silang mangaral sa mga “katha” ng psikolohiya at mga “sariling-tulong.” Nangangaral sila sa katha ng “posibleng pag-iisip.” Nangangaral sila sa mga pabula ng “kaginhawaang teyolohiya.” Nangangaral sila sa mga katha na ibinibigay ng mga sosiyolohista at mga psikolohista sa atin sa pagpapalaki ng bata. Nangangaral sila ng mga kathang “layunin ang nagtulak” [“purpose driven”] na mga sermon. Ngunit marami ang tumalikod mula sa pangangaral ng buong sermon sa pagkakasundo ni Kristo sa Krus, at kailan sila nangangaral ng pang-ebanghelistiko sa malinaw na propetikong mga talata ng Bibliya?

“At ihihiwalay sa katotohanan ang kanilang mga tainga, at mga ibabaling sa katha” (II Timoteo 4:4).

Ang pinaka katunayan na napakarami sa mga mangangaral ngayon ay umiiwas sa mga mahahalagang doktrina ay isang tanda ng katapusan ng mundo at ng pagbalik ni Kristo! Ang katahimikan ng mga mangangaral sa mga tanda, at prediksyon sa Bibliya ay sa pangkalahatan, isang tanda na tayo ay mabilis na lumalapit sa katapusan ng panahon na ito at ng pinakatuktok ng kasaysayan.

Kung kailan ma’y kakailanganin nating marinig ang tungkol sa mga tandang ito at mga paghuhula ngayon na ito, sa pinaka oras na karamihan sa mga pastor ay natigil na sa pangangaral ng mga ito.

Ngayon marami sa mga mangangaral ay ayaw biglain o istorbohin ang kahit sino sa pamamagitan ng pangangaral ng mga paghahatol na dumarating sa ating mundo. Ayaw nilang “biglain” ang kahit sino. Ngunit ako’y kumbinsido na sila’y mali. Ang mga sermon na di naka-iistorbo ng sino man ay mga sermon ring di kailan man makakapagpabagong loob ng sino man! Isang sermon sa mga tanda at mga prediksyon ng paghahatol ng Diyos ay maaring magamit upang makagawa ng tamang uri ng takot. Sinasabi ng Bibliya,

“Ang takot sa Panginoon ay pasimula ng kaalaman: nguni't ang mangmang ay humahamak sa karunungan at turo”
      (Mga Kawikaan 1:7).

Ito’y mga nakakatakot na mga panahon – bawat nananampalataya sa Bibliyang ministor ay mayroong isang obligasyon, isang takda mula sa Diyos, upang sabihin ang katotohanan tungkol sa nakakatakot na bagay na hinulaan sa Bibliya para sa ating panahon! Kung ako’y nagpupunta sa isang simbahan kung saan ang mangangaral ay hindi kailan man nagsalita ng dakilang propetikong tema ng isang mundo sa kaguluhan, na di kailan man nagsalita ng tungkol sa pagdating ng paghahatol ng isang malupit na mundo na lumulubog sa Impiyerno, hindi kailan man nagsasalita ng mga sindak ng Paghahapis, o ang masasamang mga tanda na nagdadala nito rito – ako’y aalis sa simbahang iyon kasing bilis ng aking makakaya, at maghanap ng isa kung saan ang pastor ay hindi takot mangaral ng mga hinulaan paghahatol ng Diyos! Iyang ang unang tanda na ibinibigay ko sa inyo ngayong gabi – ang takot ng mga mangangaral na magsalita sa paghahatol na ibinigay sa mga prediksyon ng Banal na Kasulatan.

At sa katunayan, iyan ang dahilan na ang mga konserbatibong mga mangangaral sa Amerika ay wala pang nagawa upang matigil ang Paninira ng Buhay sa Paglalaglag sa kahit anong praktikal na paraan. Bumoboto sila, ngunit sila’y tahimik dahil takot silang mapagalit ang sino man. Diyos tulungan ninyo kami! Si Dr. Martin Luther King ay namatay para sa kanyang rason. At ngayon napaka kaunti ang mangangahas na magsasabi na ito’y di isang tapat na rason. Ngayon halos lahat ay nagsasabi na tama para sa kanyang magsalita para sa mga “malilit na tao” na walang nasyonal na tinig. Gayon anong konserbatibong mangangaral ang gagawa ng parehong bagay upang itigil ang pagkakatay ng 51 milyong mga inosente na walang tinig? Nasaan ang ating mga mangangaral? Sila’y nananahimik sa paglalaglag tulad ng pananahimik nila sa mga prediksyon ng paghahatol ng Diyos. Sila ay tahimik, at ako ay napupuot sa kanilang katahimikan. Nakahihiya na sila’y nanahimik ng lubos sa mga prediksyon ng darating na paghahatol, at sa Paninira ng Buhay sa pamamagitan ng Paglalaglag. Balang araw kakailanganin nilang sumagot sa Diyos para sa kanilang makasalanang pananahimik.

II. Pangalawa, ang tanda ng paglalaglag at ang mabangis, walang dinodyos
na kaisipan na nagbunga ng pagkakatay ng 51 milyong mga
Amerikanong bata.

Paki lipat pabalik sa pahina II Timoteo 3:1-3. Magsitayo at basahin yoong tatlong mga berso ng malakas.

“Datapuwa't alamin mo ito, na sa mga huling araw ay darating ang mga panahong mapanganib. Sapagka't ang mga tao'y magiging maibigin sa kanilang sarili, maibigin sa salapi, mayayabang, mga mapagmalaki, mapagtungayaw, masuwayin sa mga magulang, mga walang turing, mga walang kabanalan, Walang katutubong pagibig, mga walang paglulubag, mga palabintangin, mga walang pagpipigil sa sarili, mga mabangis, hindi mga maibigin sa mabuti” (II Timoteo 3:1-3).

Maari ng magsi-upo.

Ngayon, pansinin na sinabi ng Apostol, “Sa mga huling araw ay darating ang mga panahong mapanganib.” Karamihan sa mga nagkumento ay nagsabi na ang mga “huling araw” dito ay tumutukoy sa “panahon na agad agad na nauuna sa Pangalawang Pagdating ni Kristo” (Isinalin mula sa isinulat ni Charles John Ellicott, D.D., Ellicott’s Commentary on the Whole Bible, Zondervan Publishing House, muling nilimbag mula sa 1860 na edisyon bahagi VIII, p. 232). Ako’y kumbinsido na ang Apostol ay nagsusulat ng tungkol sa malayong hinaharap, sa ating sariling panahon, kahit na mayroong mga pagsasabuhay tungo sa buong panahon ng simbahan. Sinasabi niya sa berso 13,

“ang masasamang tao at mga mandaraya ay lalong sasama ng sasama,”

nangangahulugan na ang pagtalikod sa pananampalataya ay magiging mas malalim, sa malayong hinaharap. Muli, sinabi ng Apostol,

darating ang panahon na hindi nila titiisin ang magaling na aral” (II Timoteo 4:3).

Ang mga bersong ito ay nagpapakita na ang prediksyon ng mga “huling araw” ay nasa hinaharap.

Ang sunod na bagay na pansinin ay ang salitang “panganib” – “sa mga huling araw ay darating ang mga panahong mapanganib.” Ang isinaling Griyegong salitang “panganib” ay “chalepoi.” Ang ibig sabihin nito’y “mapanganib,” “mabangis” (Isinalin mula kay Strong). Tamang sinasabi ni Dr. John MacArthur, “‘panganib’ ay ginamit upang ilarawan ang mabangis na kalikasan ng dalawang sinapian ng demonyong kalalakihan, Mateo 8:28” (Isinalin mula sa isinulat ni John MacArthur, D.D., The MacArthur Study Bible, Word Bibles, 1997, sulat sa II Timoteo 3:1). Ang Griyegong salita ay ginamit lamang ng dalawang beses sa Bagong Tipan, dito sa II Timoteo 3:1 at sa Mateo 8:28,

“Sinalubong siya ng dalawang inaalihan ng mga demonio na nagsisilabas sa mga libingan, na totoong mababangis, na ano pa't sinoma'y walang makapagdaan sa daang yaon” (Mateo 8:28).

Iya’y ang parehong Griyegong salitang “chalepoi,” ginamit upang ilarawan ang mga tao sa mga “huling araw” sa II Timoteo 3:1. Ang mga tao ay magiging kasing bangis tulad noong mga inaalihan ng mga demonyong kalalakihan na nilulusob ang lahat ng mga napapalapit sa mga puntod na kanilang tinitirahan.

Ang kanilang kabangisan at ang panganib ng mga “huling araw” ay dumadating sa pamamagitan ng mga inaalihan ng mga demonyong mga tao na inilalarawan sa mga sumusunod na apat na mga berso (II Timoteo 3:2-5). Hindi ko tatalakayin ang buong listahan ngayong gabi, ngunit pupulot ako ng isang mahalagang katangian ng mga “huling araw” sa berso 3. Magsitayo at basahin ang berso 3 ng malakas.

Walang katutubong pagibig, mga walang paglulubag, mga palabintangin, mga walang pagpipigil sa sarili, mga mabangis, hindi mga maibigin sa mabuti” (II Timoteo 3:3).

Maari ng magsi-upo.

“Walang katutubong pagibig” ay ang Ingles na pagsasalin ng isang nag-iisang Griyegong salita, “astorgoi.” Sinasabi ni W. E. Vine na ibig sabihin nito ay “na walang natural na…pagmamahal ng pamilya, lalo na ng mga magulang sa mga anak” (Isinalin mula sa isinulat ni W. E. Vine, An Expository Dictionary of New Testament Words, Revell, 1966, p. 37).

Ang Apostol na si Pablo ay gumamit ng salitang ito sa Mga Taga Roma 1:31 upang ilarawan ang Romanong mundo sa unang siglo. Ito’y napaka karaniwan para sa taga Roma na kunin ang kanilang mga sanggol at iwanan silang naka babad sa palayan upang mamatay. Ito’y lubusang tanyag na paraan upang mawala ang isang ayaw na sanggol sa panahon ng mga Romano. Inilarawan ng Apostol ang ganitong mga tao bilang mga “mga walang katutubong paggiliw, [mga di nagpapatawad], mga walang habag” (Mga Taga Roma 1:31).

Inabot ng hanggang 1900 mga taon para sa Kanlurangang mundo upang bumalik rito. Hindi ito totoo sa mga Gitnang Panahon. Hindi ito totoo sa Kaliwanagan. Hindi ito totoo sa Matinding Pagigising. Hindi ito totoo sa ika-labing siyam, o kahit sa maagang ika-dalawampung siglo. Hindi hanggang sa ating panahon na ang tao ay nagging napaka marahas at mabangis na kanyang maipakukulo ang isang munting sanggol sa kamatayan sa sinapupunan – o hilain ang kanyang mga braso at binti. Hindi hanggang sa ating panahon na ang tao ay naging tulad ng niya noong unang siglo sa Roma – astorgoi – walang katutubong paggiliw – walang katutubong pagmamahal para sa mga bata!

“Sa mga huling araw ay darating ang mga panahong mapanganib. Sapagka't ang mga tao'y magiging… Walang katutubong pagibig… mabangis, hindi mga maibigin sa mabuti”
       (II Timoteo 3:1-3).

Anong nakamamanghang prediksyon! Anong larawan ng isang manlalaglag, “walang katutubong…pagibig…para sa mga bata” (Isinalin mula kay Vine).

Ito’y “katutubo” para sa isang babaeng mahalin ang isang bata sa kanyang sinapupunan, ngunit ang mga manlalaglag ay mga “astorgoi,” “walang katutubong pagibig.” Ito ay tiyak na isang propetikong tanda na tayo ngayo’y nabubuhay “sa mga huling araw” bago ng katapusan ng mundo at ang Pangalawang Pagdating ni Kristo!

Gusto ng Los Angeles Times na mag-isip tayo ng tungkol sa ibang mga bagay kay sa paglalaglag. Makailan lang ay sinabi nila na,

Mga dekada ng pagtatalo tungkol sa paglalaglag…ay nagbunga lamang ng munting pagbabago sa patakaran. Maari bang pag-usapan natin ang mga ibang bagay sa panahong ito? (Isinalin mula sa Los Angeles Times, Setyembre 18, 2008, p. A24).

Hindi, hindi maaring “pag-usapan natin ang mga ibang bagay sa panahong ito” – hindi hanggang sa 4 sa bawat 7 Aprikanong-Amerikanong mga sanggol ay kinakatay ng mga manlalaglag – hindi hanggang sa higit sa isang milyong mga Amerikanong mga sanggol bawat taon ay pinakukuluang buhay, ang kanilang mga braso at mga binti ay pinupunit mula sa mga uka nito, hinahatak ng walang awa, “walang katutubong pagibig,” mula sa sinapupunan ng kanilang mga ina hindi hanggang sa ang Deklarasyon ng Kalayaan ay magdeklara na ang mga batang ito, rin, ay mayroong “karapatang mabuhay, kalayaan, at paghahanap ng kaligayahan” – hindi hangang sa ang Ika-anim na Utos ay nagsasabing,

“Huwag kang papatay” (Exodus 20:13).

Noong taon 1965 sinabi ni Barry McGuire,

Tumingin sa paligid mo bata,
   Ito’y siguradong mananakot sa iyo, bata,
At hindi ka naniniwala
   Tayo’y nasa bisperas ng pagkasira.
(“Ang Bisperas ng Pagkasira,” Isinalin mula sa
     “The Eve of Destruction” ni Barry McGuire, 1965).

Ang bawat tanda ay natutupad. Ang mundo ay nagmamadali patungo sa katapusan ng panahon. Sinasabi ng Bibliya,

“humanda kang salubungin mo ang iyong Dios” (Amos 4:12).

Handa ka na ba? Mayroong darating na panahon na huli nang maghanda. Kailangan mong lumapit kay Kristo sa pamamagitan ng pananampalataya habang may oras pa. Kailangan mong ang iyong mga kasalanan ay mahugasan mula sa talaan ng Diyos sa pamamagitan ng Dugo ni Kristo habang may oras pa. Kailangan mong magsisi at tumingin kay Kristo upang mapagbagong loob habang may panahon pa. At kailangan mong pumunta sa samahan ng lokal na simbahan habang may panahon pa. Naway pakilusin ka ng Diyos na gawin ito. Sa ngalan ni Hesus, Amen.

(KATAPUSAN NG PANGARAL)
Maari ninyong mabasa ang mga sermon ni Dr. Hymers linggo-linggo sa Internet
sa www.realconversion.com. I-klik ang “Mga Pangaral sa Tagalog.”

Pagbabasa ng Kasulatan Bago ng Pangaral ni Dr. Kreighton L. Chan: Mateo 24:3-8, 22.
Kumanta ng Solo Bago ng Pangaral si Gg. Benjamin Kincaid Griffith:
“Ang Bisperas ng Pagkasira,” isinalin mula sa
“The Eve of Destruction” (ni Barry McGuire, 1965).


ANG BALANGKAS NG

MGA TANDA NG PANAHON – MGA NANAHIMIK NA
MANGANGARAL AT ANG PANINIRA NG BUHAY SA
PAMAMGITAN NG PAGLALAGLAG

ni Dr. R. L. Hymers, Jr.

“Ipangaral mo ang salita; magsikap ka sa kapanahunan, at sa di kapanahunan, sumawata ka, sumaway ka, mangaral ka na may buong pagpapahinuhod at pagtuturo. Sapagka't darating ang panahon na hindi nila titiisin ang magaling na aral; kundi, pagkakaroon nila ng kati ng tainga, ay magsisipagbunton sila sa kanilang sarili ng mga gurong ayon sa kanilang sariling mga masasamang pita; At ihihiwalay sa katotohanan ang kanilang mga tainga, at mga ibabaling sa katha” II Timoteo 4:2-4).

I.   Una ang katahimikan ng mga mangangaral sa prediksyon sa Bibliya ay
isang tanda, mismo, na ang katapusan ng panahon at ang Pangalawang
Pagdating ni Kristo ay malapit na. II Timoteo 4:2-4; Mga Kawikaan 1:7.

II.  Pangalawa, ang tanda ng paglalaglag at ang mabangis, walang dinodyos
na kaisipan na nagbunga ng pagkakatay ng 51 milyong mga
Amerikanong bata, II Timoteo 3:1-3, 13; 4:3; Mateo 8:28;
Mga Taga Roma 1:31; Exodo 20:13; Amos 4:12.