Ang mga pangaral na manuskrito at mga videyo ay ngayon lumalabas sa 1,500,000 na mga kompyupter sa lampas na 221 na mga bansa kada taon sa www.sermonsfortheworld.com . Daan-daang iba ang nanonood ng mga videyo, sa YouTube, ngunit di nagtatagal ay iniiwan ang YouTube at nagpupunta sa aming websayt, dahil bawat pangaral ay nagtuturo sa kanila papalyo mula sa YouTube tungo sa aming websayt. Ang YouTube ay nagdadala ng mga tao sa aming websayt. Ang mga pangaral na manuskrito ay ibinibigay sa 46 na mga wika sa halos 120,000 na mga kompyuter kada buwan. Ang pangaral na manuskrito ay hindi nakarapatang magpalathala, kaya nagagamit ng mga mangangaral ang mga ito na walang pahintulot. Mayroong daan-daang mga videyo ni Dr. Hymers at ng kanyang mga estudyanteng nangangaral. Ang mga manuskrito ay hindi nakarapatang magpalathala, ngunit lahat ng mga videyo nakarapatang magpalathala. Paki-klik ito upang matutunan kung paano ka maaring gumawa ng isang buwan-buwanang donasyon upang tulungan kami sa dakilang gawaing ito ng pagkakalat ng Ebanghelyo sa buong mundo, kasama ang mga Muslim at mga Hindu na mga bansa.
Tuwing nagsusulat kay Dr. Hymers, laging sabihin sa kanya kung anong bansa ka nakatira, o hindi ka niya masasagot. Ang email ni Dr. Hymers’ ay rlhymersjr@sbcglobal.net .
DALAWANG DI-KAPANIPANIWALANG HULA TWO INCREDIBLE PROPHECIES ni Dr. R. L. Hymers, Jr. Isang pangaral na ipinangaral sa Baptist Tabernacle ng Los Angeles |
Ang The Atheist’s Handbook ay unang inilathala noong 1961 ng Akademya ng Siyensiya ng Moscow. Ang pangunahing dahilan ng Komunistang librong ito ay upang ipakita na walang Diyos. Sinasabi ng The Atheist’s Handbook, “Malaking bilang ng mga biblikal na hula ay ginawa lamang pagkatapos mangyari ng mga hinulaang pangyayari.” Katakataka, iyan mismo ang naituro sa akin noong maagang panahon ng taon 1970 sa isang liberal na Katimugang Bautismong seminaryo. Itinuro sa amin ang parehong bagay na itinuro sa The Atheist’s Handbook. Itinuro sa amin na ang mga hula sa Bibliya ay idinagdag pagkatapos mangyari ng mga pangyayari. Ngunit ngayong gabi makakikita tayo ng dalawang di-kapanipaniwalang hula na ginawa ni Hesu-Kristo bago sila posibleng mangyari.
I. Una ang pagkalat at pagbalik ng mga Hudyo, Lucas 21:20-24.
Maaring buksan ang inyong Bibliya sa Lucas 21:20-24. Magsi-tayo tayo para sa pagbabasa ng Salita ng Diyos.
“Datapuwa't pagka nangakita ninyong nakukubkob ng mga hukbo ang Jerusalem, kung magkagayo'y talastasin ninyo na ang kaniyang pagkawasak ay malapit na. Kung magkagayo'y ang mga nasa Judea ay magsitakas sa mga bundok; at ang mga nasa loob ng bayan ay magsilabas; at ang mga nasa parang ay huwag magsipasok sa bayan. Sapagka't ito ang mga araw ng paghihiganti, upang maganap ang lahat ng mga bagay na nangasusulat. Sa aba ng mga nagdadalangtao, at ng mga nagpapasuso sa mga araw na yaon! sapagka't magkakaroon ng malaking kahapisan sa ibabaw ng lupa, at kagalitan sa bayang ito. At sila'y mangabubuwal sa pamamagitan ng talim ng tabak, at dadalhing bihag sa lahat ng mga bansa: at yuyurakan ang Jerusalem ng mga Gentil, hanggang sa matupad ang mga panahon ng mga Gentil” (Lucas 21:20-24).
Maari ng magsi-upo.
Ngayon gusto kong pansinin ninyo ang tatlong mga bagay sa siping ito ng Kasulatan. Una, hinulaan ni Kristo kung anong mangyayari sa dagling hinaharap. Sinabi niya,
“Nangakita ninyong nakukubkob ng mga hukbo ang Jerusalem”
(Lucas 21:20).
Iyan ay nangyari sa dagling hinaharap. Mga apat na pung taon pagkatapos ibinigay ni Kristo ang kanyang paghuhula pinalibutan ng Romanong heneral na si Vespasian ang Jerusalem ng kanyang hukbo. Ngunit siya ay tinawag pabalik sa Roma upang maging Emperor noong namatay si Nero noong 68 A.D. Ang anak ni Vespasian si Titus ay bumalik at sinakop ang Jerusalam dalawang taon pagkatapos, noong 70 A.D. Sa dalawang taon sa pagitan ng pagkubkob ng Vespasian at ang pagkubkob ni Titus yoong mga naniniwala na sa pagbabala ni Kristo ay tumakas mula sa Jerusalem patungo sa ilang ng lungsod ng Pella, kung saan sila’y prinotektahan at tumakas na nilalang na ipinatapon ng mga taga Roma. Ngunit ang mga tira ng lungsod ay binihag ni Titus noong 70 A.D. “Ayon sa tagasulat ng kasasayang si Josephus, kinuha ng mga taga Roma ang 100,000 na Hudyong bihag sa Egipto at ibinenta sila bilang mga alipin sa mga mangangalakal ng mundo” (isinalin mula sa The Tim LaHaye Prophecy Study Bible, AMG Publishers, 2000, sulat sa Lucas 21:24). Ngayon, ang pangalawang bagay na pansinin ay nasa Lucas 21:24. Sinasabi nito,
“At sila'y mangabubuwal sa pamamagitan ng talim ng tabak, at dadalhing bihag sa lahat ng mga bansa…” (Lucas 21:24).
Sinabi ni Dr. J. Vernon McGee,
Ang mga Hudyo ay ikinalat. Inilagay sila ni Titus sa pagkaalipin. Itinayo nila ang malaking Kolesiyum sa Roma (isinalin mula sa isinulat ni J. Vernon McGee, Th.D., Thru the Bible, Thomas Nelson Publishers, 1983, volume IV, p. 342).
Iyan ang pangalawang bagay na pansinin sa hulang ito, “sila’y… dadalhing bihag sa lahat ng mga bansa” (Lucas 21:24). Iyan ay aktwal na nangyari noong taong 70 A.D. Ang mga Hudyo ay ikinalat sa lahat ng mga bansa sa mundo. Ang lolo ni Dr. Cagan ay nanggaling sa Ukraine. Ang mga ninuno ni Melissa Sanders ay nanggaling sa Russia. Ang kaibigan mga ninuno ng kaibigan nating si Dr. David Stern ay nanggaling sa Aleman. Ang mga Hudyo ay ikinalat sa Aprika, at mga Arabiyanong bansa, at pati sa Tsina, Japan at iba pang Malalayong Silangang mga bansa. Halos bawat bansa sa lupa ay mayroong mga Hudyong nakatira sa loob nito ngayon.
Ngunit mayroong pangatlong bahagi ng hula ni Kristo. Ito ay nasa hulihan ng berso 24,
“…hanggang sa matupad ang mga panahon ng mga Gentil…”
(Lucas 21:24).
Ang mga taga-kumento ay madalas nagbibigay diin sa mga salitang “ang mga panahon ng mga Gentil,” ngunit madalas nilang nawawalang bahala ang mas mahalagang aspeto ng hulang ito, alin ay tunay na nakamamangha – na ang mga Hudyo ay babalik sa Jerusalem sa malayong hinaharap, pagkatapos ay “matupad ang mga panahon ng mga Gentil” (Lucas 21:24). Sa hulang ito ginawang malinaw ni Kristo na ang mga Hudyo ay makakalat “sa lahat ng mga bansa” hangang sa isang malayong hinaharap, na panahon kapag sila ay magsisibalik. At iyan sakto ang nangyari.
Noong Mayo 14, 1948, sa pagkakasundo ng magkakahiwalay na plano ng United Nations, ang bansa ng Israel ay iprinoklamang lungsod ng Tel Aviv.
Pagkatapos ng pagkabuo ng bagong bansa ng Israel [noong 1948], ang bilang ng mga dayuhan ay tumaas sa isang bilis ng maraming libo bawat linggo. Inulit ng gobyerno ang determinsyong payagan ang pagdayo ng lahat ng mga Hudyong nais pumunta sa Israel. (isinalin mula sa The American People’s Encyclopedia, The Spencer Press, 1954, volume 11, p. 409).
Isinulat ni Pastor Richard Wurmbrand, siya mismo ay isang Hudyong nanampalataya kay Hesus,
Ang mga Hudyo ay mga bukod tangi dahil sila ay nanatiling nakahiwalay, habang nakakalat sa lahat ng dako ng mundo. Kahit saan makita ang Hudyo, siya ay isang Hudyo…Ang mga Hudyo ay nanatiling mga Hudyo, kahit na wala silang malakas na pwersa at walang malawakang gobyerno. Sila lamang ang mga taong hindi mawawasak sa pamamagitan ng mga bukod tanging paghihirap. Mga Ehiptong Paraon, mga Asiryanong hari, mga Romanong Emperor, mga Krusada, mga Inguistidor, at mga Nazi ay gumamit laban sa kanila ng pagtatapon sa ibang lupain, pagtaboy, pagdadakip, pangungumpiska, pagpapahirap, ang masaker ng mga milyon – ngunit ang mga Hudyo ay nanatili. Ipinangako ng Diyos na aking ipupulong ang mga itinaboy ng Israel at ipagsama hiniwalay ng Juda mula sa apat na sulok ng mundo (isinalin mulsa sa isinulat ni Richard Wurmbrand, Th.D., The Answer to the Atheist’s Handbook, Living Sacrifice Book Company, 2002 edition, pp. 137-138).
At iyan sakto ang nangyari! Walang nakahula nito. Walang umasa na ang Romanong Imperyo ay babagsak, ngunit ang mga Hudyo ay babalik! Walang umasa na ang mga nagpapahirap ng mga Katolikong Siyasat ang tataas at babagsak, ngunit ang mga Hudyo ay babalik! Walang naka-isip na sasakupin ni Hitler ang Europa at maling ipresenta ang tanawin, ngunit ang mga Hudyo ay babalik! Tiyak, walang makahuhula na ang Komunismo ay makasasakop ng ikatlo ng mundo at pagkatapos magsimulang bumagsak tulad ng isang “tigreng papel,” ngunit ang mga Hudyo ay babalik!
“At sila'y mangabubuwal sa pamamagitan ng talim ng tabak, at dadalhing bihag sa lahat ng mga bansa: at yuyurakan ang Jerusalem ng mga Gentil, hanggang sa matupad ang mga panahon ng mga Gentil.” (Lucas 21:24).
Ang hulang iyan ay hindi maaring isiniksik sa Bibliya “pagkatapos mangyari ng mga hinulaang pangyayari” gaya ng sinabi ng The Atheist’s Handbook at ng mga liberal na teyolohikal na propesor. Ang pagbalik ng mga Hudyo sa Israel ay hindi nag-umpisa hanggang 1948, halos mga 1,900 na taon pagkatapos ng paghuhula ni Kristo!
II. Pangalawa, ang pagtalikod sa pananampalataya at pagbabangong muli
ay sabay na nangyayari, Mateo 24:3, 11-12, 14.
Paki-lipat sa Mateo 24:3. Si Kristo ay pumunta kasama ang Kanyang mga Disipolo sa Bundok ng mga Olibo. Sila lamang ang kasama Niya noong tinanong nila,
“Ano ang magiging tanda ng iyong pagparito, at ng katapusan ng sanglibutan?” (Mateo 24:3).
Imbes na bigyan sila ng isang tanda, alin ay yoong tanging tinanong nila, binigyan Niya sila ng maraming tanda. Ngunit gusto kong pansinin ninyo ang dalawa sa mga paghuhulang ito na hindi posibleng nangyari hanggang sa kasalukuyang panahon, mga paghuhulang mukhang hindi sumasang-ayon sa isa’t isa, alin ay mukhang mga balintuna [paradox] na hindi mapagtugma ng maraming mga manunulat.
Una, sinabi ni Kristo na ang pagtalikod ay isang tanda ng Kanyang pagbalik at ng katapusan ng mundo. Pansinin ang mga bersong 11 at 12. Maaring magsi-tayo at basahin ang Mateo 24:11-12 ng malakas.
“At magsisibangon ang maraming bulaang propeta, at kanilang ililigaw ang marami. At dahil sa pagsagana ng katampalasanan, ang pagibig ng marami ay lalamig” (Mateo 24:11-12).
Maari ng magsi-upo.
Si Dr. James O. Combs ay isang matalinong tao at mayroong mabuting pagkaunawa ng mga paghuhula sa Bibliya. Siya ay ang importanteng administrador ng Bautismong Unibersidad ng Louisiana, at isang kasamang namamahala ng The Tim LaHaye Prophecy Study Bible. Isinulat ni Dr. Combs ang konstitusiyon ng ating simbahayn at nagsalita sa unang pagpupulong, noong ang ating simbahan ay naitatag 23 taon ang nakalipas. Pinahahalagahan ko ang kanyang kaalaman ukol sa mga nauukol sa paghuhulang Kasulatan. Hinggil sa Mateo 24:12, sinabi ni Dr. Combs,
Ang Olibong Diskorso at maaring mabalangkas sa ganintong pagkakasunod: (1) tanda ng huling mga araw…(Mateo 24:4-14) (isinalin mula sa The Tim LaHaye Prophecy Study Bible, AMG Publishers, 2000, p. 1039).
Iyan sakto ay tama. Ang mga berso 4 hangang 14 ng Mateo 24 ay hinulaang mga tanda ng pagdating ni Kristo at ang mga pangyayari ay magdadala sa katapusan ng panahon.
Inilalagay nito ang mga berso 11 at 12 sa pinaka kawiliwiling posisiyon ng paghuhula sa pagtatalikod sa pananampalataya ngayon at ang kakulangan ng buhay sa mga pangunahing simbahan ng Kanluran, kasama ang Europa at Estados Unidos. Hindi ako makaisip ng isang mas mabuting paglalarawan ng Krsitiyanismo dito sa Kanluran. Kahit na malalim ang pagkalungkot ko sa paghuhula ni Kristo, alam ko na ito’y totoo sa personal na karanasan ng pag-aaral ng liberalismo sa liberal na Katimugang Bautismong seminaryong pinuntahan ko noong maagang 1970, at sa pamamagitan ng pagtalikod sa pananampalataya ng marami sa apat na pangunahing mga pagwawatak ng simbahang aking nasaksihan sa apat na mga simbahan sa lumipas na labin limang taon. Malinaw na si Hesus sa paghuhula ng pagtalikod sa pananampalataya, ang mga tinawag na Kristiyano ay tumtalikod mula sa Bibliya dahil naniniwala sila sa mga “bulaang propeta” na “ililigaw ang marami” (Mateo 24:11). Hindi ko alam kung ano pa ang mas lilinaw rito. Ginawa itong sapat na madali ni Kristo para sa isang labing dalawang taong gulang na bata maunawaan ang sinasabi Niya, “Ang mga simbahan ay magiging masama!” “Tatangihan ng mga simbahan ang marami sa mga katotohanan ng Bibliya.” Iyan ay napaka simple sa Mateo 24:11-12.
“At magsisibangon ang maraming bulaang propeta, at kanilang ililigaw ang marami. At dahil sa pagsagana ng katampalasanan, ang pagibig ng marami ay lalamig” (Mateo 24:11-12).
Naniniwala ako, kay Dr. James O. Combs, na pangunahing ipinapaliwanag ng dalawang bersong ito ang nangyari sa mga simbahan sa Europa at Estados Unidos sa lumipas na mga huling generasyon. Huwad, hindi napagbagong loob na mga mangangaral at mga teyolohiyan ay nagdala sa mga simbahan ng mga kasuklamsuklam na mga maling pananampalataya, hindi itinuturo sa Banal na Kasulatan, lalo na mga maling pananampalataya tungkol sa katauhan ni Kristo, mga maling pananampalataya na itinatanggi ang buong awtoridad ng mga Kasulatan, at lalo na ang mga maling pananampalataya tungkol sa pakikipagsundo ni Kristo sa Krus para sa ating mga kasalanan, at maraming iba pang maling pananampalataya, katulad ng huwad na pagtuturo na ang Dakilang Komisiyon (Mateo 28:19-20) ay hindi nag-uutos na lahat ng mga Kristiyano ay mag-ebanghelismo. Maari mong basahin ang isang mainam na aklat na naglalarawan ng marami nitong mga katapusan ng panahong maling pananampalataya sa aklat ni Dr. Harold Lindsell na pinamagatang, The Battle for the Bible (Zondervan, 1976).
Noong 1887 nakita ng dakilang si Spurgeon na ito ay parating, at nagsalita tungkol nito sa kanyamg sermon “Ang Dugong Ibinuhos para sa Marami” [“The Blood Shed for Many.”] Sinabi ni Spurgeon na ang pakikipagsundo ni Kristo para sa kasalanan sa Krus ay sinasalakay na noong 1887 pa. Nagbigay siya ng isang malakas na bulyaw laban doon sa mga nagsisuko ng pakikipagsundo. Sinabi ni Spurgeon,
Tumatayo ako para sa katotohanan ng pakikipagsundo kahit na ang simbahan ay nakalibing sa ilalim ng kumukulong pag-aambon ng putik ng makabagong maling pananampalataya (isinalin sa isinulat ni C. H. Spurgeon, “Ang Dugong Ibinuhos para sa Marami,” [“The Blood Shed for Many,”] The Metropolitan Tabernacle Pulpit, Pilgrim Publications, 1974, volume XXXIII, p. 374).
“Ang simbahan ay nakalibing sa ilalim ng kumukulong pag-aambon ng putik ng makabagong maling pananampalataya.” Iyan ang sinabi ni Spurgeon noong 1887. Ito ang unang sigaw ng digmaan ng naging kilalang Pundamentalismo ng Krisitiyano 25 taon ang nakalipas. At si Spurgeon ay tama. Ang teyolohikal na liberalismo ay tumataas. Ang dakilang Bautismo at Protestanteng denominasyon ay siguradong magiging “nakalibing sa ilalim ng kumukulong pag-aambon ng putik ng makabagong maling pananampalataya” sa ika-dalawampung siglo. Ibinigay ni Leonard Ravenhill itong mga “kasuklamsuklam na estatistiko” noong 1983, halos isang daang taon pagkatapos ibinigay ni Spurgeon ang babala.
Si Hesus ba ay ipinanganak ng isang birhen?
60% ng mga Metodista ay nagsbing “Hindi.”
49% ng mga Presbiteryano’y nagsabing “Hindi.”
44% ng mga Episkopaliyano’y nagsbing “Hindi.”
Si Hesus ba’y ang Anak ng Diyos?
82% ng mga Metodista’y nagsabing “Hindi.”
81% ng mga Presbiteryano’y nagsabing “Hindi.”
89% ng mga Episkopaliyano’y nagsbing “Hindi.”
57% ng mga Amerikanong Lutheran “Hindi.”
Ang Bibliya ba’y ipinukaw ng Salita ng Diyos?
82% ng mga Metodista’y nagsabing “Hindi.”
81% ng mga Presbiteryano’y nagsabing “Hindi.”
89% ng mga Episkopaliyano’y nagsbing “Hindi.”
57% ng mga Amerikanong Lutheran “Hindi.”
Nabubuhay ba si Satanas?
82% ng mga Metodista’y nagsabing “Hindi.”
81% ng mga Presbiteryano’y nagsabing “Hindi.”
89% ng mga Episkopaliyano’y nagsbing “Hindi.”
57% ng mga Amerikanong Lutheran “Hindi.”
Bumangon ba si Hesus mula sa pagkamatay?
51% ng mga Metodista’y nagsabing “Hindi.”
35% ng mga Presbiteryano’y nagsabing “Hindi.”
30% ng mga Episkopaliyano’y nagsbing “Hindi.”
33% ng mga Bautista’y nagsbing “Hindi.”
(isinalin mula sa isinulat ni Leonard Ravenhill, Revival God’s Way:
A Message for the Church, Bethany House Publishers, 1983, pp. 145-146).
Ang mga numerong ito ay nagpapakita na si Spurgeon ay saktong tama noong 1887, noong sinabi niya, “Ang simbahan ay nakalibing sa ilalim ng kumukulong pag-aabon ng putik ng makabagong maling pananampalataya.”
Bilang resulta ng teyolohikal na liberalismo, ang Protestante at Bautistang mga simbahan ay nagsimulang mamatay sa Amerika at Europa. Kung mukhang ang aking pagpapalagay ay masyadong matapang, pag-isipan ang mga sumusunod na estatistikong, ibinigay ni Dr. Woodrow Kroll, ang direktor ng Pagbalik sa Bibliya [Back to the Bible,] sa kanyang aklat, The Vanishing Ministry:
Maraming mga Amerikanong simbahan ay hindi malusog. Hinuhulaang 80-85 porsyento ng mga Amerikanong simbahan ay tumigil lumago o bumabagsak.
Ang bilang nga mga simbahan sa Amerika ay hindi lumalago. Noong 1900 mayroong 27 na mga simbahan para sa bawat 10,000 mga Amerikano. Nong 1985 ang bilang na ito ay bumagsak ng malubha na ito’y masakit i-ulat. Mayroon na lamang ngayong 12 na mga simbahan para sa bawat 10,000 mga Amerikano; mas kaunti pa kaysa kalahati ng dating dami…
Idagdag dito ang bilang ng mga simbahan na nagsisisara ngayon. Mayroong lampas sa 66,000 saradong mga simbahan sa Amerika. Isa pang 62,000 sa kasalukuyan ay walang mga pastor. Sa pagitan ng 3,500 at 4,000 na mga simbahan ay nagsara ng kanilang mga pinto bawat taon sa Estados Unidos.
Noong 1900, 66 porsyento ng populasyon ng mga Amerikano ay kasapi sa isang nananampalataya sa Bibliya, nananalo ng mga kaluluwang simbahan…gayon man hinuhulaan pa rin na sa taong 2000 na magkakaroon lamang nga 33 porsyento ng populasyon ng mga Amerikano ang magiging kasapi sa isang simbahan [tama siya. At karamihan sa mga simbahan na nabubuhay pa ay kaunti o hindi nananalo ng mga kaluluwa, at kahit sa mga konserbatibong mga simbahan mayroong napakaliit na ebanghelistikong pangangaral, nakasentro sa Ebanghelyo, ngayon. Karamihan sa kanila ay nagtuturo ng mga “Kristiyano” sa bawat paglilingkod. Ang pangangaral ng Ebanghelyo ay mabilis na nagiging isang bagay ng nakaraan!] (isinalin mula sa isinulat ni Woodrow Kroll, Ph.D., The Vanishing Ministry, Kregel Publications, 1991, pp. 31-33).
Ang babala ni Spurgeon ay nagkatotoo sa kasuklamsuklam na paraan: “Ang simabahan ay nakalibing sa ilalim ng pag-aambon ng putik ng makabagong maling pananampalataya.” Gayon, ang paghuhula ni Kristo ay aktuwal na natupad sa ating panahon. Tinanong Siya ng mga Disipolo,
“Ano ang magiging tanda ng iyong pagparito, at ng katapusan ng sanglibutan?” (Mateo 24:3).
Nagbigay si Kristo ng maraming tanda, ngunit isa sa kanila ay isang saktong paghuhula ng pagtatalikod sa pananampalataya sa mga simbahan sa katapusan ng panahon. Sinabi Niya,
“At magsisibangon ang maraming bulaang propeta, at kanilang ililigaw ang marami. At dahil sa pagsagana ng katampalasanan, ang pagibig ng marami ay lalamig” (Mateo 24:11-12).
Iyan sakto ang nangyari sa Amerika at Europa. Sino ang tatanggi na ang paghuhula ni Kristo ng pagtalikod sa pananampalataya sa mga simbahan ay aktwal na matutupad? At sino ang makahuhula na isang kasuklamsuklam na bagay ay maaring mangyari sa ika-dalawampung siglo, nalalapit sa dalawang libong taon pagkatapos ibinigay ni Kristo ang paghuhula? At gayon man nangyari ito, sakto gaya ng hinulaan Niya, sa ika-dalawampung siglo.
Ngunit dito sa parehong kapitulo ay isang mas nakamamangha paghuhula. Maaring magsitayo at basahin ang Mateo 24:14.
“At ipangangaral ang evangeliong ito ng kaharian sa buong sanglibutan sa pagpapatotoo sa lahat ng mga bansa; at kung magkagayo'y darating ang wakas” (Mateo 24:14).
Maari ng magsi-upo.
Sino kaya ang nakahula na ang pandaigdigang pangangaral ng Ebanghelyo ay magaganap kasabay ng paglamon ng pagtalikod sa pananampalataya ng mga puso ng mga simbahan ng Amerika at Europa? Walang iba kundi si Kristo ang nakabibigay ng isang nakamamanghang paghuhula! Sinabi ni Kristo kasabay ng pangunahing katawan ng mga Kristiyano (dito sa Kanluran) ay dinadalang maligaw ng mga huwad na guro, at nagkakawatak watak bilang isang resulta – kasabay – ng Ebanghelyo ay ipinangaral “sa buong sanglibutan sa pagpapatotoo sa lahat ng mga bansa; at kung magkagayo'y darating ang wakas” (Mateo 24:14). Si Kristo lamang, sa kalangitang pagbubunyag, ang nakabibigay ng isang nakamamanghang paghuhula!
At gayon man ito’y aktwal na nagkatotoo sa ating panahon. Sa pamamagitan ng kamay ng Diyos lamang, ng walang tulong mula sa mga Kristiyano ng Amerika at Europa, ang mga simbahan ng Tsina ay sumabog sa muling pagbabangon, upang maraming mga ulat ang magsasabi na mayroong libong mga pagbabagong loob kay Kristo bawat oras, gabi at araw, 24,000 bawat araw, sa Republika ng Tsina!
Ito ay nangyayari rin sa Timog-silangang Asiya, sa Biyetnam at Kambodiya sa mga Hmong; sa mga bahagi ng Indonesiya, at sa ibang mga lupain sa rehiyon na iyon; sa mga Di-mahawakan [Untouchables] sa Indiya, libo-libo ang mga napagbabagong loob kay Kristo; at ang parehong bagay ay nangyayari sa maraming bahagi ng Aprika. At nadinig ko ang isang ulat sa telebisiyon ilang gabi ang nakalipas na mas maraming Muslim sa mga Arabong lupain ang napagbabagong loob kay Kristo kaysa kahit anong ibang panahon sa kasaysayan. Isipin ninyo iyan! Ito’y tunay na isang milagro! At ito’y isang saktong pagkakatupad ng paghuhula ni Kristo sa Mateo 24:14.
“At ipangangaral ang evangeliong ito ng kaharian sa buong sanglibutan sa pagpapatotoo sa lahat ng mga bansa; at kung magkagayo'y darating ang wakas” (Mateo 24:14).
Wala kundi si Kristo ang makakapag bigay hula ng malawakang-pandaigdigang pangangaral ng Ebanghelyo kasabay ng pagkamatay ng mga simbahan sa Amerika at Europa! Ngunit iyan mismo ang nangyayari ngayon! Ang paghuhulang ito ay hindi isinulat pagkatapos at isiningit sa Bibliya, gaya ng sinabi ng Komunistang Atheist’s Handbook. Hindi ito maari. Ang mga paghuhulang ito ay natupad lamang sa ating panahon, at hindi kailan man bago ng kasaysayan ng tao!
Narito ang aking pagtatapos: Si Hesus ay tama tungkol sa mga Hudyong nagsisibalik sa Israel sa katapusan ng panahon. Si Hesus ay tama noong hinulaan Niya ang pagtalikod sa pananampalataya sa Kanluran kasabay ng pagbubuhos ng Diyos sa mga bansa ng Pangatlong Mundo ng mga milagrosong muling pagbabangon. Maari mo gayong paniwalaan ang mga paghuhula ng Bibliya, dahil ito’y mga salitang ibinigay ng Diyos, na nagpapakita kung ano ang mangyayari sa katapusan ng kasaysayan, sa ating panahon!
Ngunit mayroong pangalawang aplikasyon, at ito iyon. Tayo, sa ating simbahan, ay dapat kunin para sa ating halimbawa ang mga simbahan ng Pangatlong Mundo, na nag-eebanghelismo sa kanilang mga bansa na walang pagbabahala sa pag-uusig at kahirapan. Naniniwala ako na tayo sa Amerika at Europa, kung saan ang mga simbahan ay namamatay, ay dapat tumingin sa mga Pangatlong Mundo bilang ating espiritwal na halimbawa. Kung tayo ay magtatagumpay sa pagpapalaki ng isang malakas na simbahan dito sa Los Angeles, dapat natin sundin ang kanilang halimbawa, hindi ang halimbawa ng mga Amerikano at Europiyanong simbahan, o ang ating simbahan sa Los Angeles ay mabibigo. Dapat tayong manalangin, gaya ng pananalangin nila sa Pangatlong Mundo. Dapat tayong magpaliban sa pagkain gaya ng pagpapaliban nila sa pagkain sa Pangatlong Mundo. Dapat tayong umasa sa Diyos, hindi sa ating sarili, gaya ng pag-aasa nila sa Diyos sa Pangatlong Mundo. At higit sa lahat, dapat tayong mag-ebanghelismo ng mga ligaw at dalhin sila sa ating simbahan, sa paraan nilang mag-ebanghelismo ng mga ligaw at pagdadala sa kanila sa kanilang mga simbahan sa Pangatlong Mundo. At iyan mismo ang balak nating gawin dito sa Baptist Tabernacle ng Los Angeles! Hangad nating mag-ebanghelismo ng buong puso at kaluluwa, upang maging mga taga-panalo ng mga kaluluwa katulad nila. Hangad nating mag-ebanghelismo ng mga ligaw gaya ng pag-ebanghelismo nila ng mga ligaw, at hangad nating maglagay ng lakas at sikap ng buong puso sa pag-ebanghelismo gaya nila. At hangad nating sundin ang Dakilang Utos na ibingay ni Kristo sa atin gaya nila, at hindi kailan man uurong papunta sa pormalismo at pagkapatay ng mga simbahan ng Amerika at Europa. Sinabi ni Kristo,
“Dahil dito magsiyaon nga kayo, at gawin ninyong mga alagad ang lahat ng mga bansa, na sila'y inyong bautismuhan sa pangalan ng Ama at ng Anak at ng Espiritu Santo: Na ituro ninyo sa kanila na kanilang ganapin ang lahat ng mga bagay na iniutos ko sa inyo: at narito, ako'y sumasa inyong palagi, hanggang sa katapusan ng sanglibutan” (Mateo 28:19-20).
Diyos, tulungan ang aming simbahang sundin ang Inyong Dakilang Utos. Diyos, tulungan kaming maging kasing sikap sa pag-ebanghelismo at pananalo ng kaluluwa gaya ng aming mga kapatid sa Pangatlong Mundo, kung saan Ika’y nagbubuhos ng Iyong Espirito sa muling pagbabangon. Diyos, tulungan kaming makuha ang kanilang pangitain at sundin ang Dakilang Utos sa aming bahagi ng mundo, gaya ng ginagawa nila sa kanila. Diyos, bigyang katuparan ang aming panalangin sa ngalan ng Iyong Anak, ang Panginoong Hesu-Kristo. Amen.
Maaring magsitayo at kantahin ang himno noong dakilang pastor na may puso ng misiyonaryo, si Dr. Oswald J. Smith.
Bigyan kami ng isang saligan para sa oras,
Isang nakagagalak na salita, isang salita ng lakas,
Isang sigaw sa digmaan, isang umaapoy na hininga
Na tumatawag sa pagsakop o sa kamatayan.
Isang salitang gigising sa mga simbahan mula sa katahimikan,
Upang pansinin ang pakiusap ng Panginoon.
Ang tawag ay ibinigay, Kayong masa, magsibangangon,
Ang ating saligan ay, mag-ebanghelismo!
Ang masayang ebanghel ay ngayon nagproklama,
Sa lahat ng lupa, sa ngalan ni Hesus;
Ang salita ay tumutugtog sa mga ulap:
Mag-ebanghelismo! Mag-ebanghelismo!
Para sa mga namamatay na tao, isang bumagsak na lahi,
Gawing kilala ang handog ng biyaya ng Ebanghelyo;
Ang mundo na ngayon ay nakasalalay sa kadiliman,
Mag-ebanghelismo! Mag-ebanghelismo!
(“Mag-ebanghelismo! Mag-ebanghelismo!” Isinalin mula sa
“Evangelize! Evangelize!” ni Dr. Oswald J. Smith, 1889-1986;
sa tono ng “At Maari Ba Ito” isinalin mula sa
“And Can It Be?” ni Charles Wesley, 1707-1788).
Naway tulungan tayo ng Diyos sa isang masikap na pag-ebanghelismo ng mga naliligaw na kabataan dito sa matindi at malupit na lungsod ng may parehong lakas ng loob at katatagan gaya noong mga nasa Pangatlong Mundo. Naway tulungan Niya tayong dahlin ang mga naliligaw sa ating simbahan upang marinig ang pangangaral ni Kristong ipinako sa krus upang bayaran ang mga kasalanan ng tao; upang madinig ang pangangaral ng Kanyang maluwalhating pisikal na muling pagkabuhay mula sa pagkamatay; upang madinig na Siya ay umakayat pabalik sa Langit at handang magligtas ng kahit sinong makasalanang lalapit sa Kanya, handang hugasan ang kanilang mga kasalanan sa Kanyang mahalagang Dugo. Amen.
(KATAPUSAN NG PANGARAL)
Maari ninyong mabasa ang mga sermon ni Dr. Hymers linggo-linggo sa Internet sa
www.realconversion.com. I-klik ang “Mga Pangaral sa Tagalog.”
Panalangin Bago ang Pangaral ni Dr. Kreighton L. Chan.
Kumanta ng Solo Bago ng Pangaral si Gg. Benjamin Kincaid Griffith:
“Sa Mga Panahong Tulad Ng Mga Ito” isinalin mula sa
“In Times Like These” (ni Ruth Caye Jones, 1944).
ANG BALANGKAS NG DALAWANG DI-KAPANIPANIWALANG HULA ni Dr. R. L. Hymers, Jr. I. Una ang pagkalat at pagbalik ng mga Hudyo, Lucas 21:20-24. II. Pangalawa, ang pagtalikod sa pananampalataya at pagbabangong |