Ang mga pangaral na manuskrito at mga videyo ay ngayon lumalabas sa 1,500,000 na mga kompyupter sa lampas na 221 na mga bansa kada taon sa www.sermonsfortheworld.com . Daan-daang iba ang nanonood ng mga videyo, sa YouTube, ngunit di nagtatagal ay iniiwan ang YouTube at nagpupunta sa aming websayt, dahil bawat pangaral ay nagtuturo sa kanila papalyo mula sa YouTube tungo sa aming websayt. Ang YouTube ay nagdadala ng mga tao sa aming websayt. Ang mga pangaral na manuskrito ay ibinibigay sa 46 na mga wika sa halos 120,000 na mga kompyuter kada buwan. Ang pangaral na manuskrito ay hindi nakarapatang magpalathala, kaya nagagamit ng mga mangangaral ang mga ito na walang pahintulot. Mayroong daan-daang mga videyo ni Dr. Hymers at ng kanyang mga estudyanteng nangangaral. Ang mga manuskrito ay hindi nakarapatang magpalathala, ngunit lahat ng mga videyo nakarapatang magpalathala. Paki-klik ito upang matutunan kung paano ka maaring gumawa ng isang buwan-buwanang donasyon upang tulungan kami sa dakilang gawaing ito ng pagkakalat ng Ebanghelyo sa buong mundo, kasama ang mga Muslim at mga Hindu na mga bansa.
Tuwing nagsusulat kay Dr. Hymers, laging sabihin sa kanya kung anong bansa ka nakatira, o hindi ka niya masasagot. Ang email ni Dr. Hymers’ ay rlhymersjr@sbcglobal.net .
MGA TANDA NG MGA PANAHON SIGNS OF THE TIMES ni Dr. R. L. Hymers, Jr. Isang pangaral na ipinangaral sa Baptist Tabernacle ng Los Angeles “Kayo’y marurunong magsikilala ng anyo ng langit; datapwa’t hindi ninyo mangakilala ang mga tanda ng mga panahon” (Mateo 16:3). |
Ang mga Fariseo at mga Saduseo ay dalawang pangunahing relihiyosong grupo sa panahon ni Kristo. Huminggi sila ng isang espesyal na tanda mula sa Langit. Nakatanggap na sila ng magkakasunod na tanda na pinatutunayan na si Hesus ay kanilang Mesiyas. Nagpakain siya ng limang libong tao sa pamamagitan ng milagrosong pagpaparami ng limang tinapay at dalawang isda (Mateo 14:15-21). Lumakad na Siya sa tubig, sa Dagat ng Galileo (Mateo 14:22-33). Nakapagpagaling na siya ng malaking bilang ng mga tao na hinawakan Siya (Mateo 14:36). Nagkapagpagaling na Siya ng isang babaeng Cananea (Mateo 15:21-28). Nakapagpagaling na Siya ng malaking grupo ng mga taong bulag, pipi, pingkaw “at iba pang marami” (Mateo 15:29-31). Pinakakain Niya ang apat na libong mga tao sa pangalawang milagro, sa pamamagitan ng pagpaparami ng pitong tinapay at “ilang maliliit na isda” (Mateo 15:32-39).
Binigayan sila ng mga magkakasunod na tanda – nagpapakita na si Hesus ay ang kanilang Mesiyas. Ngunit ngayon gayon man ay nagtatanong pa rin ng isa pang tanda. Si Matthew Henry, ang dakilang taga-Inglaterang kumentador, ay nagsabi na gusto nila ng “isang tanda mula sa langit,” hindi dahil gusto nilang maniwala sa Kanya. Gusto nila ng isang tanda “mula sa Langit” upang maparatang ito kay Satanas, “ang prinsipe ng kapangyarihan ng hangin.” Gusto nilang mapatunayan na si Kristo ay kumikilos para sa Satanas, hindi para sa Diyos (isinalin mula sa isinulat ni Matthew Henry’s Commentary on the Whole Bible, Hendrickson Publishers, 1991 reprint, volume 5, p. 182).
Sinabi ni Kristo sa kanila,
“Ang isang lahing masama at mapangalunya ay humahanap ng tanda; at hindi siya bibigyan ng anomang tanda, kundi ng tanda ni Jonas…” (Mateo 16:4).
Ang tanda ng propetang si Jonas ng muling pagkabuhay ni Kristo mula sa pagkamatay.
“Sapagka't kung paanong si Jonas ay napasa tiyan ng isang balyena [halimaw ng dagat] na tatlong araw at tatlong gabi; ay gayon ding mapapasa ilalim ng lupa na tatlong araw at tatlong gabi ang Anak ng tao” (Mateo 12:40).
Gaya ng muling pagkabuhay ni Jonas mula sa tiyan ng halimaw ng dagat, gayon din si Kristo ay babangong pisikal mula sa hukay (isinalin mula sa isinulat ni J. Vernon McGee, Th.D., Thru the Bible, Thomas Nelson Publishers, 1983, volume IV, p. 69; sulat sa Mateo 12:40). Ang muling pagkabuhay ng patay na katawan ni Kristo ang tanging tanda na inialay Niya sa kanila sa panahong ito.
Ngayon dumating tayo sa mga salita ng teksto mismo,
“Kayo'y marurunong magsikilala ng anyo ng langit; datapuwa't hindi ninyo mangakilala ang mga tanda ng mga panahon” (Mateo 16:3).
Maari nilang malaman kung anong katulad ng panahon sa sunsunod na araw sa pagtingin sa himpapawid. Ngunit masyadong bulag ang kanilang espiritung maintindihan ang mga tanada, ang bukas na milagro, na ginawa ni Kristo sa kanila, sa payak na paningin, sa panahon ng mga araw bago ng salaysay na ito sa Mateo 16:3.
At iyan ang nangyayari ngayon. Mayroong mga tanda nakapaligid sa atin na nagtuturo sa katotohanan na tayo ay nabubuhay sa napaka lapit na katapusan ng mundo. Ang Pangalawang Pagdating ni Kristo at ang katapusan ng mundo ay ngayon nalalapit na. Ang katapusan ay malapit na.
“Hindi ninyo mangakilala ang mga tanda ng mga panahon”
(Mateo 16:3).
Bakit hindi ninyo mangakilala, o mapag-iba, o makita, ang mga tanda ng panahon? Ano ang pumipigil sa iyo mula sa pagkakita na ang katapusan ng iyong mundo ay napaka lapit na? Bawat tanda ay nagtuturo sa katotohanan na ang ora ay naubos na. Ang katapusan ay malapit na para sa buong sangkatauhan.
“Hindi ninyo mangakilala ang mga tanda ng mga panahon”
(Mateo 16:3).
I. Ang unang tanda na ang katapusan ay malapit na ay ang pagtaas ng
paganismo at ang pagtalikod kay Kristo sa Kanlurang mundo ngayon.
Ang USA Today ay nagkaroon ng isang pangunahing kwento na pinamagatang, “Pagsisiyasat: Mas Maraming Amerikano ang Lumalayo Mula sa Relihiyon” (isinalin mula sa USA Today, Marso 7, 2002, pp. 1A, 1D, 7D). Dito sa kanlurang bahagi ng Estados Unidos isinusuko ng mga tao ang seryosong Kristiyanismo. Narito ang mga porsyento, sa pitong pinakamataas na nasyon, na nagsasabi na “wala silang relihiyon”:
Ang tunay na ipinapakita nito ay na ang mga matatandang jeprox [hippie] – hindi nakagugulat – na sinasamba ang kanilang mga sarili imbes na nasa simbahan, gaya ng itinuturo ng Bibliya (sa Hebreo 10:25). Sinasamba nila ang “nilalang kay sa Lumalang” (Mga Taga Roma 1:25). “Mga nangamamarunong [karamihan ng generasyon ng mga Jeprox]…ay naging mga mangmang” (Mga Taga Roma 1:22).
Sinabi sa atin ni Kristo na ang tunay na Kristiyanong pagmamahal ay mawawala sa Kanlurang mundo habang ang katapusan ay papalapit:
“At dahil sa pagsagana ng katampalasanan, ang pagibig ng marami ay lalamig” (Mateo 24:12).
Ang matandang generasyon ay sa pagitan ng mga edad na 44 at 64. Nagsinungaling ang matatandang mga jeprox sa inyo mga kabataan. Sinabi nila sa inyo na maari kayong lumabas at tignan ang kalikasan at hindi ninyo kailangang pumunta sa simbahan. Itong mga utak drogang jeprox ay nagsinungaling sa inyo! Ito’y isang kasinungalingan! Kasinungalingan! Kasinungalingan! “Kung wala kang simbahan bilang iyong ina, hindi mo maaring makamit ang Diyos bilang iyong ama! Si Cyprian ay napagbagong loob bandang huli sa buhay. Siya ay nahalal bilang pastor ng pinaka malaking simbahan sa Aprika, sa lungsod ng Carthage. Nakasangga niya ang Obispo ng Roma, binalaang ihihiwalay sa simbahan si Cyprian dahil sa kanyang matapang na pangitain ng disiplina ng simbahan. Maraming mga tao ay umalis sa mga simbahan sa ilalim ng matinding pag-uusig ng mga Romano. Ipinaglaban ni Cyprian na hindi sila dapat tanggapin muli sa mga simbahan pagkatapos nilang umalis ng walang matinding pagsisisi. Ikinatwiran ni Papa Stephen ang madaling pagtatanggap noong mga umalis ng simbahan dahil sa pag-uusig. Ikinatwiran ni Cyprian na hindi sila dapat tanggapin sa kahit anong pangyayari. Noong binantaan ng Papa ng Romang ihiwalay si Cyprian sa simabahan, siya ay napalaya mula sa paghihiwalay sa simbahan sa pamamagitan ng pagiging martir, pinapatay ng mga pagano. Siya ay naalala dahil sa kanyang matapang na posisiyon sa disiplina ng simbahan.
Kinilala ni Cyprian ang simbahan bilang lokal na simbahan, ang tinawag niyang “ang nakikitang simbahan.” Naramdaman niya na yoong mga umalis sa mga nakikitang lokal na simbahan sa ilalim ng pag-uusig ay dapat mapasa-ilalim sa isang matinding pagsusuri at pagsisisi bago matanggap muli sa kanilang lokal na simbahan. Ako ay kumbinsido na kailangan natin ng bagong generasyon ng mga Bautistang mangangaral na kasing higpit nitong maagang pastor sa tema ng disiplina ng simbahan. At masasabi ko, sa mga salita ni Cyprian, “Siyang walang simbahan bilang kanyang ina, ay hindi makakamit ang Diyos bilang kanyang Ama” (isinalin mula sa sinabi ni cf. J.D. Douglas, Who’s Who in Christian History, Tyndale House, 1992, pp. 186-187). Sabihin ninyo kahit kanino na sumasang-ayon kayo kay Cyprian, martir ng pananampalataya, sa kanyang pinangangatawiran ika’y dapat manatiling mananampalataya sa iyong lokal na simbahan. Ang mga taong magsasabi sa iyong umalis sa iyong simbahan ay mga sinungaling. “Kristiyanismo” na walang lokal na simbahan ay isang tanda ng huling mga araw.
“Hindi ninyo mangakilala ang mga tanda ng mga panahon?”
(Mateo 16:3).
II. Ang pangalawang tanda ng katapusan ay ang nauukol sa isipang
pagkalito na sanhi ng droga, walang katapusang telebisiyon, at oras
oras ng palaro sa computer at panonood sa internet.
Sinasabi ng Bibliya sa atin na ang mga tao ay bababa ng mas mababa sa mga hayop sa kanilang makasalanang kalagayan sa huling mga araw:
“Datapwa’t alamin mo ito, na sa mga huling araw ay darating ang mga panahong mapanganib. Sapagka’t ang mga tao’y magiging…mga walang pagpipigil sa sarili, mga mabangis”
(II Kay Timoteo 3:1, 3).
Ang Griyegong salita na isinaling “mapanganib” ay mahahanap sa isa lamang tanging lugar sa Bagong Tipan, sa paliwanag ng sinapian ng demonyong Gadareno. Tayo ay sinabihan na siya ay “totoong mabangis” (Mateo 8:28). Ang Griyegong salitang isinaling “mabangis” rito ay kapareho ng salitang “mabangis” sa II Kay Timoteo 3:1. Ang salitang ito ay “chalepos,” at ang kahulugan nito ay “mapanganib, galit, mabangis” (isinalin mula sa Strong’s). Isang tumataas na bilang ng mga tao ay nagiging katulad niyan – “mapanganib, galit at mabangis.”
Naalala niyo ba ang ulat ng isang babae sa Fort Worth, Texas? Siya ay isang katulong ng nars. Binunggo niya ang isang mama gamit ang kanyang kotse at nagmaneho pauwi kasama ang mamang nakaipit na nauuna ang ulo sa kanyang nawasak na salamin. Ipinasok niya ang kanyang kotse sa loob ng garahe at sinarado ang pinto. Nanatili ang mamang nakaipit sa salamin ng kanyang kotse ng tatlong araw, habang dahan dahan siyang namatay mula sa pagkawala ng dugo. Maraming beses sa isang araw siya ay lumalabas upang tignan kung patay na ba siya. Noong sa wakas ay patay na siya pagkalipas ng tatlong araw, isinuksok niya ang katawan sa likod ng kanyang kotse at itinapon ito sa parke. Idineklara ng taga-usig ng Distrito ng Tarrant sa Texas na, “Malupit hindi sapat. Walang puso? Hindi makatao? Baka muli nating binigyan ng bagong kahulugan ang kawalan ng katauhan” (isinalin mula sa Los Angeles Daily News, ika-8 ng Marso 2002, p. 1). Dapat tandaan na ang babaeng ito ay isang katulong ng nars. Dapat pansinin na naniniwala ang babaeng ito na siya ay isang Kristiyano. Ngayon mayroon tayong mga walang awang mamatay taong nagsasabing sila ay mga Kristiyano. Hindi ba ito kapanipaniwala! Mga tunay na Kritiyano’y hindi kikilos tulad ng babaeng iyon!
Sinabi ng Pulis sinabi sa kanila ni [Chante] Mallard na siya ay uminom ay gumamit ng drogang Ekstasi noong gabing [ang mamang] si Biggs ay nabundol. Ang lakas tama ay tumapon sa kanya ng ulong nauna sa harapang salamin ng kotse, iniwan ang kanyang mga baling mga binting nakalawit sa harapan ng kotse.
Ang babae ay natakot at nagmaneho ilang milya papunta sa kanyang tahanan sa Fort Worth, na ang mama nakaipit pa rin sa salamin ng kotse, ipinasok ang kanyang kotse sa garahe at ibinababa ang pinto habang [ang mama] ay humingi ng tulong, ayon sa mga pulis.
Sinabi ng tagapagsalita para sa tagasuring manggagamot na si Biggs ay hindi nadusa ng mga sugat sa loob ng katawan at kapansin pansin na namatay mula sa pagkawala ng dugo at pagkagulat.
Sinabi ng mga imbestigador na sinabi ni Mallard sa kanila na bumalik siya sa garahe ng ilang beses…ngunit hindi kailan man humingi ng tulong habang nagmamakaawa siya sa kanya. Hindi niya sinabi bakit tumanggi siyang kumuha ng tulong…
Mga paratang ay maaring isagawa laban sa ilan sa mga kaibigan ni Mallard na tumulong sa kanyang dalhin ang katawan [ng mama] sa parke…
“Paano niya nagawang iwan siya mamatay ng ganoon? Droga’t alcohol ay nawawalan ng bisa, gayon bakit hindi siya humanap ng tulong?” sinipi siya ng Star-Telegram. “Dapat mas nagdasal pa ako.”
Dinagdag ng Los Angeles Times ang mga detalyeng ito:
Sinabi ng pulis ng Fort Worth na si Mallard ay nalasing at uminom ng Ekstasi bandang huli ng Oktubre, tapos ay sumakay sa kanyang kotse at nagmaneho pauwi. Nabunggo niya si Biggs at nagpatuloy magmaneho, na ang katawan ng tatlom pu’t pitong taong gulang na mama naka-ipit sa salamin ng harapan ng sasakyan, hanggang sa nakarating siya sa kanyang garahe.
“Pagkatapos ay pumasok siya sa loob, at nakipagtalik sa kanyang nobyo at…lumabas sa garahe at iyong mama ay hindi pa patay, ngunit siya’y namamatay,” sinabi ng isang nakumpirmang salaysay sa linggong ito. “Nagmamakaawa ang mamang tulungan nila siya, ngunit bumalik lang sila sa loob.” (isinalin mula sa Los Angeles Times, ika-9 ng Marso taon 2002, p. A-12).
Hindi ka maaring uminom ng “ekstasi” o kahit anong uri ng droga tulad nito na hindi kahit minsan nagiging nasapian ng demonyo. Ang mga sinapian ng demonyo ay mga mabangis na tao, mapanganib at wala pagpipigil. Ang mga kalye ay puno ng mga sinapian ng demonyong mga tao. Sila ay nakakalat sa mga telebisiyon at sa mga pelikula. Ang buong generasyon ay na impluwensiyahan ng mga demonyo. Marami sa mga sinapian ng demonyong mga taong ito’y gagawin ang lahat ng kanilang makakayang makuha kayong iwanan ang inyong lokal na simbahan. Ngunit sinasabi ng Bibliya,
“Magsiligtas kayo sa likong [malupit, sinungaling, baluktot, isinalin mula kay Strong’s] lahing ito” (Mga Gawa 2:40).
Ang nauukol sa isipang kawalan ng kasiguraduhan at dinemonyong kabangisan ng maraming mga tao ngayon ay isang tanda na ang katapusan ay malapit na.
“Hindi ninyo mangakilala ang mga tanda ng mga panahon?”
(Mateo 16:3).
III. Pangatlo ang tanda ng katapusan ay ang pataas
ng terorismo sa buong mundo.
Sinabi ng bagong paksa ng Time magasin:
Isang 10-kiloton ng [nukleyar] na sandata ay nagsisisabog sa Lungsod ng New York? Hindi ito nangyari. Ngunit maari ito mangyari.
Anim na buwan pagkatapos ng ika-11 ng Setyembre, ang Amerika ay nagkakagulo sa pag-aalala upang ayusin ang isang wasak na sistema bago dumating ang isa na namang pagtatama. Habang hinihigpitan ng ating mga espiya ang lambat, nagtanong ang isang pag-iimbestiga ng Time, Maari ba Nating Mahinto ang Sunod na Pagsalakay? (isinalin mula sa salaysay ng ika-11 ng Marso taon 2002, pp. 24-25).
Hindi sigurado ang Time kung kaya nating ipagtanggol ang ating sarili. Natapos ang artikulo sa mga salitang ito, “Ngayon nagpunta na tayo sa opensibo. Ang malaking tanong ay kung ginawa natin ito sa paglipas ng panahon” (isinalin mula sa ibid., p. 37).
Nagpatuloy ang Time magasin sa pagsasabing:
Ang Sunod na mga Pagbabanta. Sinasabi ng mga dalubhasa na ang mga terorista ay kumikilos sa paghahanap ng mga paraan upang gumawa ng pasakit sa Estados Unidos, alin ay hindi pa rin ginagawa ang lahat ng magagawa nito upang protektahan ang sarili mula sa pagsalakay.
Si Bin Laden ay pinaniniwalaang interesado sa mga makinang puno ng uraniyum na magkakalat ng radiyasyon sa isang malawak na saklaw at magsasanhi ng takot (isinalin mula sa ibid., pp. 26-27).
Magagawang magpasabog ba ng mga radikal na Muslim ng mga termonukleyar na bomba sa New York o Los Angeles? Iniisip ng Time magasin na maaring gawin nila. Mayroong nakakatakot na kwento ang Reuters, isang Britanyang ahensiya ng mga balita, pinamagatang “Ipinapakita ng mga Numero ang Binahang Mundo ng mga Nakaw na Gamit na Nukleyar” [“Data Shows World Awash in Stolen Nuclear Material”] (isinalin mula sa ulat noong ika-6 ng Marso taon 2002, sa www.reuters.com).
Sinabi ni Dr. Lyudmila Zaitseva ng Unibersidad Stanford, “Ito’y tunay na nakakatakot.” Ipinagsamasama ng mga internasiyonal na mananaliksik ang sinasabi nilang pinaka kompletong listahan ng mga nawawala, nakaw, at mga nawala sa lugar ng mga materyales na nukleyar – nagpapakita ng isang mundong nabaha sa isang armas na klaseng uraniyum at plutoniyum at walang aangkin ng responsibilidad para sa mga ito. Sinasabi ng balitang paglilingkod ng Reuters, “Ang mga katunayan ay nakanginginig” (isinalin ibid).
Ang kwento sa harapang pahina ng Los Angeles Times (ika-9 ng Marso taon 2002, p. A-1) ay mayroon ito bilang kanilang punong ulat:
ANG ESTADOS UNIDO AY GUMAGAWA NG ISANG PLANO PARA SA PAGGAMIT NG MGA NUKLEYAR NA ARMAS. Ang administrasyon, sa lihim na ulat, ay nangangailan ng isang pamamaraan laban sa kahit pitong bansa lamang…upang gamitin ang mga nukleyar na armas laban sa pitong mga bansa at magtayo ng mas maliliit na armas para magamit sa mga partikular na mga labanan.
Ang lihim na ulat na ito ay nakuha ng Times. Ipinapakita na si Pangulong Bush ay naghahanda para sa digmaang nukleyar. At naniniwala ako na ang susunod na Pangulo ay maaring aktwal na gamitin ang mga nukleyar na armas sa Iran, sa pagsubok na iwasan ang isang pang kalahatang digmaan sa Gitnang Silangan.
Ang mundo ba’y sasabong sa isang termonukleyar na bagyo ng apoy? Sinasabi ng Bibliya:
“At ibinuhos ng ikaapat ang kaniyang mangkok sa araw; at ibinigay nito sa kaniya ang masunog ng apoy ang mga tao. At nangasunog ang mga tao sa matinding init…”
(Apocalipsis 16:8-9).
Paano kung hindi nalalayong ipahintulot ng Diyos na pakawalan ng mga bansa ang bagyong apoy na iyan? Kung ang Los Angeles ay masusunog sa isang umaapoy na nukleyar na matinding pagkawasak sa apoy, anong mangyayari sa iyo? Ano ang gagawin mo kapag ang mundo ay nasusunog? Saan ka magtatago kapag ang lungsod ay napasa ilalim sa nukleyar na pagsalakay?
Sa kanyang mas mabuting mga araw, pabalik sa 1960, ginawa ni Billy Graham ang mga totoong salaysay na ito tungkol sa pagdating ng apoy ng paghahatol:
Noong ang mga propeta ay nagsasalita ng tungkol sa apoy sa paghahatol ng mundo, o noong binanggit ni Pedro ang apoy sa katapusan ng panahon, hindi posibleng ang tinutukoy niya ay ang apoy na nasusunog. Maaring ito ay ang paghihiwalay ng atomikong nukleyus, ang pagpapakawala ng nukleyar na kapangyarihan sa pamamagitan ng paghihiwalay ng mga atomiko…Tiyak ito ay magiging isang apoy ng paghahatol sa malupit na mundo (isinalin mula sa isinulat ni Billy Graham, World Aflame, Doubleday, 1965, pp. 246-247).
Kapag ang galit ng paghahatol ng Diyos ay babagsak sa Los Angeles, ano ang gagawin mo upang tumakas? Kapag ang mga radikal na Muslim ay magpapasabog ng “maruruming” nukleyar na bomba sa ating mga lungsod, at gawin silang aktwal na butas ng Impiyerno, saan ka magtatago?
Walang hindi napagbagong loob ang handa para sa apoy ng Diyos na ipadadala Niya sa lupa sa mga huling araw. Ang tanging paraan upang maging handa ay ang pumasok sa isang naniniwala sa Bibliyang simbahan tulad nito at pumunta sa bawat paglilingkod. Makinig sa mga sermon na para bang ang iyong buhay ay nakasalalay rito. Pagkatapos, siguraduhin, gawing lubusang tiyak, na ika’y napagbagong loob – at hindi lang isa na namang ligaw na miyembro ng simbahan.
Iyan ang dahilan na kailangan mong lumapit diretso at kaagad-agad kay Hesu-Kristo, ang taga pagitan sa pagitan ng makasalanang tao at isang banal na Diyos. Si Kristo ay namatay ng isang kasuklamsuklam na kamatayan sa Krus upang bayaran ang multa ng iyong mga kasalanan. Ibinuhos Niya ang Kanyang Dugo sa Krus para ang iyong mga kasalanan ay mahugasan. Pagkatapos si Kristo ay bumangong pisikal mula sa pagkamatay at umakyat pabalik sa Langit, kung saan Siya na ngayon ay naka-upo sa kanang kamay ng Diyos. Dapat kang lumapit kay Kristo, Mismo, upang maligtas. At pagkatapos ay pumunta sa isang lubusang pakikisama sa Bagong Tipang Bautismong Simbahang ito at mabinyagan sa kasapian nito. Tanging kapag ika’y napag bagong loob na ika’y magiging ligtas kapag susunugin na ng apoy ng paghahatol ang malupit na lungsod na ito.
(KATAPUSAN NG SERMON)
Maari ninyong mabasa ang mga sermon ni Dr. Hymers linggo-linggo sa Internet sa
www.realconversion.com. I-klik ang “Mga Pangaral sa Tagalog.”
Pagbabasa ng Kasulatan Bago ng Pangaral: Mateo 16:1-4.
Kumanta ng Solo Bago ng Pangaral si Gg. Benjamin Kincaid Griffith:
“Sa Mga Panahong Tulad Nito” isinalin mula sa
“In Times Like These” (by Ruth Caye Jones, 1944).
BALANGKAS NG MGA TANDA NG MGA PANAHON ni Dr. R. L. Hymers, Jr. “Kayo’y marurunong magsikilala ng anyo ng langit; datapwa’t hindi ninyo mangakilala ang mga tanda ng mga panahon” (Mateo 16:3). I. Ang unang tanda na ang katapusan ay malipit na ay ang pagtaas ng II. Ang pangalawang tanda ng katapusan ay ang nauukol sa isipang III. Pangatlo ang tanda ng katapusan ay ang pataas ng terorismo sa buong |