Ang mga pangaral na manuskrito at mga videyo ay ngayon lumalabas sa 1,500,000 na mga kompyupter sa lampas na 221 na mga bansa kada taon sa www.sermonsfortheworld.com . Daan-daang iba ang nanonood ng mga videyo, sa YouTube, ngunit di nagtatagal ay iniiwan ang YouTube at nagpupunta sa aming websayt, dahil bawat pangaral ay nagtuturo sa kanila papalyo mula sa YouTube tungo sa aming websayt. Ang YouTube ay nagdadala ng mga tao sa aming websayt. Ang mga pangaral na manuskrito ay ibinibigay sa 46 na mga wika sa halos 120,000 na mga kompyuter kada buwan. Ang pangaral na manuskrito ay hindi nakarapatang magpalathala, kaya nagagamit ng mga mangangaral ang mga ito na walang pahintulot. Mayroong daan-daang mga videyo ni Dr. Hymers at ng kanyang mga estudyanteng nangangaral. Ang mga manuskrito ay hindi nakarapatang magpalathala, ngunit lahat ng mga videyo nakarapatang magpalathala. Paki-klik ito upang matutunan kung paano ka maaring gumawa ng isang buwan-buwanang donasyon upang tulungan kami sa dakilang gawaing ito ng pagkakalat ng Ebanghelyo sa buong mundo, kasama ang mga Muslim at mga Hindu na mga bansa.
Tuwing nagsusulat kay Dr. Hymers, laging sabihin sa kanya kung anong bansa ka nakatira, o hindi ka niya masasagot. Ang email ni Dr. Hymers’ ay rlhymersjr@sbcglobal.net .
KAPAYAPAAN SA DUGO PEACE THROUGH THE BLOOD ni Dr. R. L. Hymers, Jr. Isang pangaral na ipinangaral sa Baptist Tabernacle ng Los Angeles “At sa pamamagitan niya ay pakipagkasunduin sa kaniya ang lahat ng mga bagay, na pinapayapa niya sa pamamagitan ng dugo ng kaniyang krus; sa pamamagitan niya” (Mga Taga Colosas 1:20). |
Si Heneral Douglas MacArthur ay isa sa mga dakilang Amerikanong bayani ng Pangalawang Pandaigdigang Digmaan. Minsa’y sinabi ni Heneral MacArthur, “Ang tao mula sa simula ng panahon ay nagnais ng kapayapaan. Ang alyansa ng militar, balanse ng kapangyarihan, liga ng mga bansa, lahat sa pagkakasunod-sunod ay nabigo.” Tama siya. Sinasabi ng Bibliya, “Sila’y magsisihanap ng kapayapaan, at wala doon” (Ezekiel 7:25).
Noong ako’y bata pa palagi kaming takot sa digmaan ng nukleyar. Malinaw kong natatandaang humihiga sa kama ng bahay ng aking lola nakikinig sa mga eroplanong nagsisiliparan. Nakahiga ako doon at nagpapawis sa ilalim ng mga kumot, nag-iisip na isa sa mga eroplano ay magbabagsak ng isang bombang atomika sa amin. Nakahiga ako doon bumabaluktot at umiikot hanggang sa ang aking tiyan ay nagsibuhol.
Kayong mga kabataan ngayon ay walang mga takot na gayon. Ang tinawag naming “ang Malamig na Digmaan,” ang digmaan ng Unyong Sobyet ay tapos na. Nagkaroon kami ng panahon ng kapayapaan. Ngayon mayroon tayong isang maliit na operasyong militar sa Iraq. Ngunit wala itong katulad sa Digmaan sa Vietnam o ang Malamig na Digmaan.
At gayon man karamihan ng mga taong nakakausap ko’y hindi nakararamdam ng kapayapaan sa loob nila. Tayo ay nasa kapayapaan. Walang digmaan. At gayon man hindi tayo payapa sa ating sarili.
Isang tumataas na bilang ng mga tao ay nagdrodroga upang makahanap ng kapayapaan sa loob. Maraming mga sosyolohista at mga sikolohista ay naalarma sa katotohanan na mga sampu ng mga libo-libong maliliit na bata ay nasa niresetang mga medikasyon dahil hindi nila mapigilan ang kanilang sarili. Wala silang kapayapaan – kahit sa kamusmusan. Ang mga kabataan ay bumabalikwas sa alkohol at mga droga humahanap ng kapayapaan sa loob. Ang pagpapakamatay ay bilang dalawa sa sanhi ng mga kamatayan sa edad kolehiyong mga kabataan, sa ilalim ng edad na tatlompu. Malubhang pagkalungkot at takot ay mga karaniwang katangian ng mga kabataan ngayon. Ngunit sa lahat ng ating teknolohiya, siyensiya, droga at alkohol, sa dami ng ating libreng oras at telebisyon at mga palaro sa kompyuter, ang kapayapaan sa loob ay mukhang nasa labas ng kapit ng karamihan sa mga tao ngayon, lalo na ang mga kabataan. “Sila’y magsisihanap ng kapayapaan, at wala doon” (Ezekiel 7:25).
Ang mga kabataan ay takot mabigo sa buhay. Sila ay takot na hindi sila magtatagumpay. Takot sila na hindi nila kailanman mahahanap ang tamang taong mapangangasawa. Sila ay takot na hindi sila kailanman magiging tunay na masaya. At, oo, sinasabi nila sa akin na sila’y takot sa kamatayan. At wala sa mga gawin nila ay makatutulong sa kanilang mahanap ang kapayapaan sa loob na kanilang hinahangad.
Maari kang malasing o ma-adik – ngunit ang takot ay naroon pa rin, sa loob. Maari kang pumunta sa isang diskohan at sumayaw ng mga oras. Maari kang makipag talik, ngunit ang takot ay naroon pa rin, sa loob. Hindi ba ito tama? Hindi ba tama na takot kang hindi na kailanman mahanap ang tunay na kaligayahan? Hindi ba totoo na wala kang kapayapaan sa iyong puso at buhay na alam mong dapat mayroon ka?
Ngayon maaring mukhang kakaiba sa iyo na ako ay nangangaral tungkol sa kapayapaan mula sa alang-alang ng pagkapako sa krus ni Kristo. Mukhang walang mapayapa sa madugong tagpo ng isinaalang-alang na kamatayan ni Kristo na ibinigay sa Marcos 15:24-39. Nagsasabi ito ng tungkol sa pagkapagko sa krus ni Kristo. Ngunit ang siping ito ng Kasulatan ay tungkol sa kapayapaan. Sinasabi nito sa atin ang isang matinding kahalagahan ukol sa pagkakaroon ng tunay na kapayapaan. Sinasabi ng ating teksto,
“Na pinapayapa niya sa pamamagitan ng dugo ng kaniyang krus” (Mga Taga Colosas 1:20).
Ang paliwanag sa pagpapako sa krus ay nagsasabi sa atin ng maraming mga bagay tungkol sa paghahanap ng kapayapaan.
I. Una, walang kapayapaan sa mga masasama.
Sinasbi ng Bibliya, “Walang kapayapaan, sabi ng aking Dios, sa mga masama” (Isaias 57:21). At iyan ay malinaw na paglalarawan ng paliwanag ng kamatayan ni Kristo sa Krus. Ang mga pulong ng taong pumunta upang matitigan si Kristo habang Siya ay nakabitin sa krus ay puno ng galit, kapaitan at walang pananampalataya. Hindi nila alam ang “ang daan ng kapayapaan” (Mga Taga Roma 3:17). Ang pulong na iyon ay walang kapayapaan sa kanilang mga puso.
Naroon ang mga sundalo, ang mga Romanong senturyon. Ipinako nila si Hesus sa Krus at pagkatapos ay lumuhod at nag-itsa ng dais, nagsusugal para sa isang balabal na isinuot ni Kristo. Sila’y matigas at walang mga pusong tao. Ang pagpapako sa krus ay isang paraan ng pagbibitay, at sila ay mga taga bitay. Ang kanilang mga puso ay tumigas ng sobra at ang kanilang konsyensya ay napaka tigas na sila’y tumawa noong sumigaw si Hesus ng sakit habang pinupunit ng mga pako ang kanyang laman sa Kanyang mga kamay at paa. Sinabi ng Bibliya “At nililibak rin naman siya ng mga kawal” (Lucas 23:36).
Mayroong mga tao katulad nila ngayon. Matigas, malamig, masama, galit na mga tao – nakapalibot sa atin. Marahil ika’y ganoon din. Ang buong ideya ng relihiyon ay isang malaking biro sa iyo. “Anong katatawanan!” maari mong sabihin. Iniisip mo na ang Krisitiyanismo ay para sa mga matatandang babae at mga maliliit na bata, hindi para sa isang matalinong tao tulad mo. Katulad noong mga Romanong sundalo, ang iyong puso ay napaka tigas na kaya mong magkasala ng wala pagsisisi. Ang iyong konsiyensiya ay hindi kailanman gumugulo sa iyo – kahit anong kasalanan ang iyong magawa.
Ngunit maski paano hindi mo pa rin nahahanap ang kapayapaan. Sa panlabas, iniisip ng lahat na mabuti ang iyong pakiramdam. Ngunit sa walang laman sa loob at nag-iisa at takot.
“Walang kapayapaan, sabi ng aking Dios, sa mga masama”
(Isaias 57:21).
Pagkatapos, “ipinakong kasama niya ang dalawang tulisan, isa sa kanan at isa sa kaliwa” (Mateo 27:38). Sinasabi ng Bibliya sa atin na nilibak nila si Hesus at sinigawan Siya. Sinasabi ng Bibliya, “At minumura (o ininsulto) siya ng mga kasama niyang nangapapako” (Marcos 27:38). Sila, rin, ay hindi nakahanap ng kapayapaan at dinala nila ang galit nila at inilabas sa nakapakong Tagapagligtas.
Maari mong sabihin, “Bakit gagawin ng mga tulisan iyan? Hindi ba namamatay din sila? Bakit iinsultohin ng isang namamtay na tao si Hesus?” Iyan ay isang mainam na tanong. Ngunit palagi itong ginagawa ng mga tao. Tignan mo, lahat tayo ay mamatay balang araw. Kung mabubuhay ka ng pitompung taon pa, ito’y dadaan ng mas mabilis kaysa iyong naisip. Lahat tayo ay mamatay na pawang malapit na. At gayon man ilan sa inyo’y nalilibak. Iniinsulto ninyo si Kristo katulad ng ginawa ng mga tulisan.
At ika’y aalis sa paglilingkod na ito at babalik at gagawing isang biro ang lahat na narinig mo dito ngayon. At ang iyong mga nawawalang kaibigan at kamag-anak ay sasang-ayon sa iyo. Sasabihin nila, “Huwag kang babalik doon sa Bautismong simbahang iyon. Huwag kang maging isang panatiko. Huwag mong hayaang buyuin ka ng mangangaral na iyon. Huwag mong paniwalaan ang lahat na sinasabi niya. Huwag kang susobra.” Iyan ang madalas sabihin sa iyo ng mga nawawalang kaibigan at iyong mga magulang at kamag-anak. At marami sa iyo ay tatawanan at makikipagbiruan sa kanila tungkol sa narinig ninyo sa pangangaral ngayon. At ika’y magiging katulad noong dalawang tulisan na nang-insulto kay Kristo sa araw na iyon. Maya maya isa sa kanila ay napagbagong loob at naging isang Kristiyano, ngunit ang isa pa ay namatay na nililibak si Kristo. “Walang kapayapaan, sabi ng aking Dios, sa mga masama” (Isaias 57:27).
Pagkatapos naroon ang mga relihiyosong mga pinuno. Sinasabi ng Bibliya,
“Ang paglibak sa kaniya ng mga pangulong saserdote, pati ng mga eskriba at ng matatanda, na nagsipagsabi, Nagligtas siya sa mga iba; sa kaniyang sarili ay hindi makapagligtas. Siya ang Hari ng Israel; bumaba siya ngayon sa krus, at tayo'y magsisisampalataya sa kaniya” (Mateo 27:41-42).
Ang mga saserdoteng ito at ang mga guro ng Bibliya ay inakala na alam nila ang lahat. Mahahanap mo ang mga sekular na mga guro sa kolehiyo, o mga saserdoteng Katoliko at mga Protestanteng mangangaral katulad nila sa lungsod na ito. Maari silang magbigay pakunwaring kay Kristo, ngunit sasabihin nila sa iyo na hindi mo kailangang mapagbagong loob. Sasabihin nila, “Huwag kang makinig sa Bautismong mangangaral na iyan. Ika’y MABUTI bilang ikaw lamang.”
Sila ay kasing mali ng mga saserdote at mga guro ng Bibliya na tumayo malapit sa Krus na nanlilibak kay Kristo sa araw na iyon. Kailangan mo si Kristo. Kailangan mong mapagbagong loob. Wala kundi isang lubusang pagbabagong loob ang maaring magbigay sa iyo ng kapayapaan sa Diyos.
“Walang kapayapaan, sabi ng aking Dios, sa mga masama”
(Isaias 57:21).
II. Ngunit pumapangalawa, mayroong kapayapaan para doon sa mga
naglalagay ng kanilang tiwala kay Hesu-Kristo.
Sinasabi ng ating teksto:
“At [...] pinapayapa niya sa pamamagitan ng dugo ng kaniyang krus …” (Mga Taga Colosas 1:20).
Pansinin kung ilang mga tao ang nakahanap ng kapayapaan sa araw na iyon, habang si Kristo ay namatay sa Krus para sa kanilang mga kasalanan.
Naroon ang ina ni Kristo, si Maria. Hindi niya lubusang naintindihan ang misiyon ng kanyang Anak, si Hesus. O oo, naalala niya ang anghel. Naalala niya ang Kanyang di-pangkaraniwang pagkapanganak. Alam niya Siya’y iba, na tinawag Siya ng Diyos. Ngunit itinuro ng Bibliya na hindi niya lubusang naintindihan ang misiyon ni Kristo at kapalaran. Sinasabi ng Bibliya na ang sariling kalahating kapatid ni Kristo’y hindi siya pinaniwalaan hangang sa pagkatapos ng muling pagkabuhay (Juan 7:5). Sa pangatlong kapitulo ng Marcos tayo ay sinabihan na ang Kanyang mga kamag-anak ay sumubok pigilan Siya mula sa pangangaral at tinawag Siyang hibang. Pagkatapos ang kanyang mga kalahating kapatid at ina ay pumunta sa isang pang malinaw na pagsubok na pigilan Siya o makuha Siyang “huminahon” sa Kanyang mensahe. Ngunit sinabi ni Kristo, “Sapagka't sinomang gumaganap ng kalooban ng Dios, ito'y ang aking kapatid na lalake, at aking kapatid na babae, at ina” (Marcos 3:35).
Sinabi ni Dr. J. Vernon McGee,
Sinasabi ng Panginoon na ang pinaka malakas na ugnayan ngayon ay ang ugnayan sa pagitan ni Kristo at isang mananampalataya. Kaibigan, kung ikaw ay isang anak ng Diyos at mayroon kang di-ligtas na mga miyembro ng pamilya, ikaw ay mas malapit kay Hesu-Kristo kaysa ikaw sa sarili mong pamilya, pati ang iyong ina na nagdala sa iyo. Ikaw ay mas malapit na nakaugnay sa iba pang mga nanampalataya kaysa sa iyong mga di-ligtas na mga miyembro ng iyong pamilya (isinalin mula sa Thru the Bible, volume IV, p. 70, notes on Matthew 12:46-49).
Ang ina ni Kristo ay naroon sa araw na ipinako Siya. Siya ay nakatayo doon, nakatingala sa kanyang Anak na nakabitin sa Krus. At si Hesus ay tumingin pababa sa kanya, at pagkatapos ay tumingin sa Apostol Juan. At sinabi niya kay Juan na alagaan ang Kanyang ina (Juan 19:26).
Ang ina ni Kristo at mga kapatid ay dumating sa lubusang pagkakilala kay Kristo pagkatapos ng Kanyang muling pagbabangon mula sa pagkamatay. Ang Kanyang ina ay nakahanap ng matinding kapayapaan sa paniniwala sa kanyang Anak, si Hesu-Kristo. At ikaw rin ay maaring makahanap ng parehong kapayapaan at kapatawaran kung ilalagay mo ang iyong pananampalataya at tiwala kay Hesu-Kristo, tulad ng ginawa niya.
Ang pangalawang tulisang, nakabitin sa krus katabi ni Kristo, ay nakahanap rin ng kapayapaan sa Dugo ng Krus ni Kristo. Nilibak niya si Kristo buong umaga tulad noong isa pang tulisan. Ngunit habang ang araw ay naubos, nagsimula siyang makinig kay Kristo. Narinig niya ang pitong salita ni Kristo mula sa Krus. Nakinig siya kay Hesus habang nangaral ng isang sermon mula sa Krus.
Ilang sandali maagang hapon, ang pangalawang tulisan na ito ay napagbagong loob. Naranasan niya ang pananampalataya kay Hesu-Kristo at muling naisilang. Ang napagbagong loob na tulisan na ito ay tumingin mula sa kanyang sariling krus kay Hesus na nakabitin sa Kanyang Krus ng Dugo. At sinabi ng tulisan kay Hesus, “[Panginoon], alalahanin mo ako, pagdating mo sa iyong kaharian. At sinabi niya sa kaniya, Katotohanang sinasabi ko sa iyo, Ngayon ay kakasamahin kita sa Paraiso” (Lucas 23:42-43). Nagkaroon siya ng kapayapaan sa Diyos sa paniniwala kay Hesus.
At maari malaki ang ating matututunan tungkol sa pagiging isang Kristiyano mula sa tulisan na ito. Hindi siya naging isang Kristiyano sa paggawa ng kabutihan o sa pagiging nabinyagan. Siya ay namamatay, nakapako sa isang krus. Wala na siyang oras upang gumawa ng kabutihan o makuhang mabinyagan. Masyadong huli na. Mayroon lamang siyang oras maniwala kay Hesus. Inihagis niya ang sarili niya sa Anak ng Diyos sa pananampalataya. Pinagkatiwalaan niya si Hesus ng buong puso. Ang kanyang simpleng pagtitiwala kay Kristo ay sapat na. Iniligtas siya ni Hesus, at naranasan niya ang kapayapaan sa Diyos.
At maaring iligtas ka rin ni Hesus, kung magtitiwala ka sa Kanya ng lubusan. Hindi lang ito paniniwala sa mga bagay tungkol kay Kristo. Hindi sapat upang maniwala na namatay Siya para sa iyong mga kasalanan o na bumangon siya mula sa pagkamatay. Iyon ay mga doktrina, at mga doktrina mag-isa ay hindi makaliligtas sa iyo. Sinasabi ng Bibliya, “Manampalataya ka sa Panginoong Jesus, at maliligtas ka, ikaw at ang iyong sangbahayan” (Mga Gawa 16:31). At maari kang mananampalataya kay Hesus gaya ng ginawa ng tulisang ito. At kapag ilagay mo ang lubos na pananampalataya kay Kristo, ililigtas ka rin niya. Huhugasan Niya palayo ang iyong mga kasalanan sa Kanyang Dugo at ikaw ay maliligtas mula sa pighati ng kasalanan.
III. At pagkatapos, pumapangatlo, mayroong kapayapaan
sa Diyos kay Kristo.
Ngayon iyan ang sinasabi sa Bibliya dito sa Mga Taga Colosas 1:20. Tinatalakay nito ang tungkol sa pagkikipagsundo sa Diyos – kapayapaan sa Diyos.
Itinuturo ng Bibliya ang sangkatauhan ay nagrebelde laban sa Diyos. Si Adan ay nagrebelde. Ang kanyang kasalanan ay sumira sa kalikasan ng tao. Itinuturo ng Bibliya na tayo ay mga angking na makasalanan. Namana natin ang ating makasalanang kalikasan mula kay Adan.
At pinutol ka ng kasalanan mula sa Diyos. Iyan ang dahilan bakit ang Diyos ay mukhang hindi totoo sa iyo. Ikaw ay naputol mula sa iyong mga kasalanan. Sinasabi ng Bibliya:
“Pinapaghiwalay ng inyong mga kasamaan kayo at ang inyong Dios, at ang inyong mga kasalanan ay siyang nagpakubli ng kaniyang mukha sa inyo” (Isaias 59:2).
Mayroong isang pagkakahiwalay sa pagitan mo at ng Diyos. Ikaw ay nakahiwalay, pinutol mula sa Diyos, sa iyong mga kasalanan.
Ngayon, buhat na ikaw ay isang likas na makasalanan, wala kang magagawa upang maligtas ang sarili. Dahil ikaw ay walang pag-asang nawawala sa isang latian ng kasalanan, hindi ka makatatakas mula sa kasalanan mag-isa. Wala sa mga gagawain o sasabihin mo ang maaring makaligtas sa iyo mula sa kasalanan at ang mga ikahihinatnan nito – Impiyerno. Kinailangan ng Diyos na kunin ang pagkukusa. Ibinibigay ng Bibliya ang tanging sagot sa problema ng iyong kasalanan.
“Datapuwa't ipinagtatagubilin ng Dios ang kaniyang pagibig sa atin, na nang tayo'y mga makasalanan pa, si Cristo ay namatay dahil sa atin” (Mga Taga Roma 5:8).
Ipinadala ng Diyos ang Kanyang natatanging Anak pababa mula sa Langit upang mamatay sa Krus. At ipinadala ng Diyos si Kristo upang mamatay sa Krus na iyon upang bayaran ang iyong mga kasalanan – upang ipagkasundo ka sa Diyos, at bigyan ka ng kapayapaan sa Diyos.
Paano maaring maging makatarungan ang Diyos – totoo sa Kanyang sarili sa Kanyang kabanalan – at gayo’y makapagpatawad at magbigay matwid ng isang makasalanan? Ang tanging solusyon ay na kay Hesus upang mamatay sa Krus na iyon upang maging isang kabayaran para sa iyong mga kasalanan sa Kanyang kamatayan, at upang mahugasan ang iyong mga kasalanan sa Kanyang Dugo. Ang kanyang kamatayan at Kanyang Dugo ay ginagawa itong posible para sa iyo upang maging nakapagsundo – upang maging maibalik sa isang tamang ugnayan sa Diyos.
Maari kang maugnay sa Diyos sa pamamagitan ng Dugo ni Kristo.
“Datapuwa't ngayon kay Cristo Jesus kayo na noong panahon ay nalalayo ay inilapit sa dugo ni Cristo” (Mga Taga Efeso 2:13).
“Mayroon tayong kapayapaan sa Dios sa pamamagitan ng ating Panginoong Jesucristo” (Mga Taga Roma 5:1).
“At sa pamamagitan niya ay pakipagkasunduin sa kaniya ang lahat ng mga bagay, na pinapayapa niya sa pamamagitan ng dugo ng kaniyang krus” (Mga Colosas 1:20).
Kinanta ni Gg. Griffith ang isang dakilang himno ilang minuto ang nakalipas. Ito’y tungkol sa Dugo ni Hesus na naglilinis ng mga tao tulad mo ng kaninlang mga kasalanan. Ano ang kailangan mong gawin upang makatanggap ng kapayapaan na inaalay ni Kristo sa Kanyang Dugo?
Una, kailangan mong magpatuloy magpunta sa simbahan. Mas matagal kang pumupunta rito, mas malaki ang kapalaran mo ng paniniwala sa ebanghelyo at pagiging napag bagong loob. Ang pagbabagong loob ay hindi lang pagsasabi ng isang mabilis na dasal o simpleng pagsasa-ulo ng isang berso, o pag-aaral ng isang doktrina o dalawang doktrina. Ang pagbabagong loob ay nagpapabago ng buong direksyon ng iyong buhay, ngayon, at para sa buong walang hangan.
At mas matagal na patuloy na pagpunta mo sa simbahan, upang marinig ang ganitong uri ng sermong ipinangangaral, mas malaki ang kapalaran mong maging napagbagong loob kay Kristo.
Ngayon susubukan ng mga taong makuha kang tumigil sa pagpunta. Gagamitin sila ng diablo dahil ayaw niyang mapag bagong loob ka. Gusto ka ng diablo para sa kanyang sarili – sa Impiyerno. Kaya kukunin niya ang iyong mga kaibigan at mga kamag- anak na subukan at pigilan ka sa pagbalik sa simbahang ito.
Isang binata ay nagmamaneho ng walang lisensya. Ngayon ang kanyang pamilya ay mga Pentekostal. Sila’y ipinagpalagay na “ligtas” noong 1998. Ngunit ang binatang ito ay pumunta sa ating simbahan ng ilang mga Linggo. Ang kanyang mga Pentekostal na mga kapatid ay sinubukan siyang pigilan. Gusto nilang magtrabaho siya. Tulad ng napakaraming mga bagong-ebanghelikal at Pentekostal, nagsinungaling sila sa kanya. Sinabi nila sa kanya, “Hindi mo kailangan pumunta sa simbahan upang maging isang Kristiyano.” Iyan ay isang kasinungalingan! Ito’y isa sa pinaka malaking kasinungalingan na sinasabi ng diablo sa mga tao ngayon. Hindi mo ito maaring suportahan gamit ang Kasulatan dahil hindi ito Eskriptural. Sinasabi ng Bibliya, “At idinaragdag sa kanila ng Panginoon araw-araw yaong nangaliligtas” (Mga Gawa 2:47). Iyan ang katotohanan! Isang kasinungalingang sabihinng hindi mo kailangang magpunta sa simbahan upang maging Kristiyano! Kung magpupunta ka sa simbahang ito paulit-ulit mong maririnig ang Ebanghelyo at gagawin nitong mas higit na posibleng ika’y maliligtas.
Ngayon itong mga Kastilang ebangheliko’y sinubukan ang lahat na kanilang makakaya upang makuha itong binatang itong tumigil magpunta. Nagmamaneho siya ng walang lisensiya, naghahatid ng mga bagay. Ngunit tumigil na siya sa paggawa nito ng Linggo at ginagawa na ito ng Sabado para makapunta siya sa simbahan. Pinahinto siya ng isang pulis ng Sabado at binigyan siya ng isang tiket dahil sa pagmamaneho ng walang lisensiya. Iyong mga bagong-ebanghelikong kapatid ay sumabog! Sinigaw nila, “Tumigil ka sa pagpupunta sa Bautismong simbahang iyan. Kung nagmamaneho ka ng Linggo, tulad ng dapat mong gawin, hindi ka sana nakakuha ng tiket!”
Noong narinig ni Dr. Cagan ang tungkol dito sinabi niya, “Hindi ba nagpapahinto rin ang mga pulis at nagbibigay ng tiket ng Linggo?” Siyempre ginagawa nila ito. Ngunit hindi gagamitin nitong mga nawawalang ebanghelikal ang pangangatwirang ito. Gumamit lang sila ng kahit anong hangal na pangangatwiran na maisip nila upang mapigilan itong binatang ito mula sa pagbabalik at pagliligtas – upang pigilin siya sa pagiging isang tunay na Kristiyano.
Kaya, iyan ay bilang isa. Magpatuloy sa pagbalik dito.
Tapos, pumapangalawa, makinig ng mabuti habang ako’y nangangaral ng ebanghelyo ni Kristo. Ang iyong walang hangang kaluluwa ay nakasalalay sa pakikinig ng Ebanghelyo at pagsunod nito. Makinig sa mga ebanghelyong sermon na ito na para bang ang iyong buhay ay nakasalalay rito – dahil ito nga’y nakasalalay rito!
At pagkatapos, pangatlo, lumapit kay Hesu-Kristo. Hindi siya patay. Bumangon Siya. Buhay Siya sa Langit, nasa kanang kamay ng Diyos, sa Langit. At maari kang lumapit kay Hesus, ang Anak ng Diyos, at ililigtas ka Niya at patatawarin ka at papagbaguhin ka. Itapon ang iyong sarili kay Hesus sa pananampalataya!
“At sa pamamagitan niya ay pakipagkasunduin sa kaniya ang lahat ng mga bagay, na pinapayapa niya sa pamamagitan ng dugo ng kaniyang krus” (Mga Taga Colosas 1:20).
(KATAPUSAN NG PANGARAL)
Maari ninyong mabasa ang mga sermon ni Dr. Hymers linggo-linggo sa Internet
sa www.realconversion.com. I-klik ang “Mga Pangaral sa Tagalog.”
Panalangin Bago ang Pangaral ni Dr. Kreighton L. Chan.
Kumantang ng Solo Bago ng Pangaral si Gg. Benjamin Kincaid Griffith:
“Naligtas sa Dugo ng Ipinakong Isa” isinalin mula sa
“Saved by the Blood of the Crucified One” (ni S. J. Henderson, 1902).
ANG BALANGKAS NG KAPAYAPAAN SA DUGO ni Dr. R. L. Hymers, Jr. “At sa pamamagitan niya ay pakipagkasunduin sa kaniya ang lahat ng mga bagay, na pinapayapa niya sa pamamagitan ng dugo ng kaniyang krus; sa pamamagitan niya” (Mga Taga Colosas 1:20). (Ezekiel 7:25) I. Una, walang kapayapaan sa mga masasama., Isaias 57:21; II. Pangalawa, mayroong kapayapaan para doon sa mga naglalagay ng III. Pangatlo, mayroong kapayapaan sa Diyos kay Kristo, Isaias 59:2; |