Print Sermon

Ang mga pangaral na manuskrito at mga videyo ay ngayon lumalabas sa 1,500,000 na mga kompyupter sa lampas na 221 na mga bansa kada taon sa www.sermonsfortheworld.com . Daan-daang iba ang nanonood ng mga videyo, sa YouTube, ngunit di nagtatagal ay iniiwan ang YouTube at nagpupunta sa aming websayt, dahil bawat pangaral ay nagtuturo sa kanila papalyo mula sa YouTube tungo sa aming websayt. Ang YouTube ay nagdadala ng mga tao sa aming websayt. Ang mga pangaral na manuskrito ay ibinibigay sa 46 na mga wika sa halos 120,000 na mga kompyuter kada buwan. Ang pangaral na manuskrito ay hindi nakarapatang magpalathala, kaya nagagamit ng mga mangangaral ang mga ito na walang pahintulot. Mayroong daan-daang mga videyo ni Dr. Hymers at ng kanyang mga estudyanteng nangangaral. Ang mga manuskrito ay hindi nakarapatang magpalathala, ngunit lahat ng mga videyo nakarapatang magpalathala. Paki-klik ito upang matutunan kung paano ka maaring gumawa ng isang buwan-buwanang donasyon upang tulungan kami sa dakilang gawaing ito ng pagkakalat ng Ebanghelyo sa buong mundo, kasama ang mga Muslim at mga Hindu na mga bansa.

Tuwing nagsusulat kay Dr. Hymers, laging sabihin sa kanya kung anong bansa ka nakatira, o hindi ka niya masasagot. Ang email ni Dr. Hymers’ ay rlhymersjr@sbcglobal.net .




NAKAPAKO SA KRUS KASAMA NI KRISTO

CRUCIFIED WITH CHRIST

ni Dr. R. L. Hymers, Jr.

Isang pangaral na ipinangaral sa Baptist Tabernacle ng Los Angeles
Sabado ng Gabi ika- 23 ng Agosto taon 2008

“Ako'y napako sa krus na kasama ni Cristo; at hindi na
ako ang nabubuhay” (Mga Taga Galacia 2:20).


Ako ay pinuna na dahil sa pagsisipi ng tanyag na pahayag ni Dietrich Bonhoeffer na “Kapag si Kristo’y tumatawag ng tao, iniuutos niya siyang lumapit at mamatay” (isinalin mula sa Dietrich Bonhoeffer, The Cost of Discipleship, Macmillan Publishing Company, 1963 reprint, p. 7). Sinabi na sa akin ng mga Konserbatibong Kristiyano na si Bonhoeffer ay isang teolohikal na liberal. Sa ilang mga bagay siya nga, ngunit mayroong isang punto kung saan si Bonhoeffer ay mas umaayon sa pinaka-una, mas patunay sa Bibliya, kaysa maraming mga konserbatibong mangangaral, at ito ang puntong iyon – “Kapag si Kristo’y tumawag ng isang tao, inuutusan niya siyang lumapit at mamatay.” Sa tinggin ko ibig niyang sabihin ang saktong ibig sabihin ni Pablo sa Mga Taga Galacia 2:20,

“Ako'y napako sa krus na kasama ni Cristo; at hindi na ako ang nabubuhay” (Mga Taga Galacia 2:20).

Sa tinggin ko naintindihan ni Bonhoeffer ang bersong iyan. O, oo, alam kong nag-aral siya sa isang napaka liberal na seminaryo noong dumating sa New York mula Alemanya. Alam kong pinaniniwalaan niya ang ilang liberal na pagtuturo na natutunan niya. Sinabihan ako ng tungkol kay Bonhoeffer sa liberal na Katimugang Bautismong seminaryong dinaluhan ko. Ngunit alam ko rin na si Bonhoeffer ay mas nanaig na Kristiyano kaysa isang teolohiyano. Ang ibig kong sabihin ang kanyang puso ay mas nanaig kaysa kanyang ulo. Ito’y matatagpuan doon sa kanyang tanyag na pahayag na, “Kapag si Kristo’y tumatawag ng tao, iniuutos niya siyang lumapit at mamatay.” Sa tinggin ko sinasabi niya sa sarili niyang paraan, kung ano ang sinabi ng Apostol Pablo,

“Ako'y napako sa krus na kasama ni Cristo; at hindi na ako ang nabubuhay” (Mga Taga Galacias 2:20).

Kung ano ang ginagawa ng tao ang pinakamainam na pagtatapat ng kanyang puso. At talagang binuhay ni Bonhoeffer ang bersong iyan sa kanyang sariling buhay. Bumalik siya mula Inglatera at New York, kung saan nangaral siya at nag-aral, sa Nazi Alemanya sa ilalim ni Hitler. Pinirmahan niya ang Barmen Confession, na isinulat ng ilang mga Alemang pastor at mga teolohiyano laban kay Hitler. Sinadya niyang pumunta sa Alemanya upang ipangaral si Kristo sa ilalim ng pag-uusig ng mga Nazi. Nawala nito ang kanyang buhay. Siya ay dinakip ng mga Nazi Gestapo at inilagay sa bilangguan dahil sa kanyang pangangaral. Ilang araw bago ng katapusan ng Pangalawang Pandaigdigang Digmaan ang mga Nazi, sa ilalim ng utos mula kay Hitler, tinali gamit ang isang alambre ng piyano sa paligid ng kanyang leeg at ibinitin siya. Siya ay nasakal hanggang sa kamatayan, isang martir para kay Kristo, hindi katagalan bago pinaraya ng Magkakakamping pwersa ang Alemanya sa katapusang ng Pandaigdigang Digmaan. Siya noon ay tatlumpung taong gulang. Hinahangaan ko ang Alemang mangangaral na ito dahil ibinigay niya ang pinaka buhay niya bilang isang martir para kay Kristo, gayon nagpapatunay sa aking isipan na ang kanyang pananampalataya ay mas nanaig kaysa kanyang teolohiya, at na totoong pinaniniwalaan niya ang sinabi niya, “Kapag si Kristo’y tumatawag ng isang tao, iniuutos niya siyang lumapit at mamatay.” At sa tinggin ko na ang kanyang mga salita ay sumasalamin sa pahayag ng Apostol Pablo,

“Ako'y napako sa krus na kasama ni Cristo; at hindi na ako ang nabubuhay” (Mga Taga Galacias 2:20).

Ano ang ibig sabihin ng Apostol Pablo sa pahayag na iyan, “Ako’y napako sa krus na kasama ni Cristo”? Sinabi ni Dr. Lenski,

Pansinin ang pwersa ng perpektong panahunang “Ako’y napako sa krus”: napakong minsan sa krus, si Pablo ay nanatiling gayon; ang epekto ay pirmihan. Ang kalagayang ito ng pagpapako sa krus ay ang kalagayan ng kamatayan na pinasukan ni Pablo noong namatay siya sa batas. Tanging sa pagkakapako sa krus kasama si Krsito na ang isa ay mamatay sa batas. Ito ang iisang daan ng pagtakas. Kung hindi hawak tayo ng batas sa leeg at sisirain tayo. Pananampalataya…mag-isa ang dumudugtong sa atin kay Kristong ipinako sa krus upang maipako sa krus “kasama” siya (isinalin mula sa isinulata ni R. C. H. Lenski, Ph.D., The Interpretation of St. Paul’s Epistle to the Galatians, to the Ephesians and to the Philippians, Augsburg Publishing House, 1961 reprint, page 116).

Naniniwala ako na ang ibig sabihin ni Pablo na ang tunay na Kristiyano ay dapat mamatay kasama si Kristo, kung siya ay mabubuhay kasama si Kristo.

1.  Si Hesus ay nagsimulang mamatay sa Hardin – sa ilalim ng bigat ng kasalanan ng tao. Kaya, dapat mong pagdaanan ang karanasan ng Gethsemane bago ka mapapako sa krus kasama Siya, at naging isang tunay na Kristiyano.

“Ako'y napako sa krus na kasama ni Cristo; at hindi na ako ang nabubuhay” (Mga Taga Galacia 2:20).

2.  Si Hesus ay dumaan sa matinding paghihirap sa Hardin ng Gethsemane. Kaya, ika’y dapat dumaan sa paghihirap ng pagkatagpo ng sala at panloob na paghihirap dahil sa iyong kasalanan bago ka maaring mapako sa krus kasama si Kristo at maging isang tunay na Kristiyano.

“Ako'y napako sa krus na kasama ni Cristo; at hindi na ako ang nabubuhay” (Mga Taga Galacia 2:20).

3.  Si Hesus ay dinakip sa Gethsemane, binugbog at tinawanan ng mga mataas na saserdote – kaya dapat kang dumaan sa pagmamaliit at sakit mula sa mga hindi nanampalataya bago ka maaring mapako sa krus kasama si Kristo at maging isang tunay na Kristiyano.

“Ako'y napako sa krus na kasama ni Cristo; at hindi na ako ang nabubuhay” (Mga Taga Galacia 2:20).

4.  Si Hesus ay hinampas sa ilalim ni Poncio Pilato. Ang paghahampas na ito ay bahagi ng kabayaran para sa iyong kasalanan. Kaya, ika’y dapat mahampas kasama ni Kristo sa pamamagitan ng Espiritu ng Diyos, hanggang sa ang iyong puso ay mapalambot at madama mo ang pangangailangan mo para kay Kristo sapat na malakas upang naisin mo si Kristo.

“Ako'y napako sa krus na kasama ni Cristo; at hindi na ako ang nabubuhay” (Mga Taga Galacia 2:20).

5.  Si Hesus ay napako sa isang krus upang mamatay para sa iyong mga kasalanan. Kaya, dapat kang mapako sa krus kasama si Kristo. Dapat kang mamatay kasama ni Kristo sa pangaa-akit ng mundo.

“Ako'y napako sa krus na kasama ni Cristo; at hindi na ako ang nabubuhay” (Mga Taga Galacia 2:20).

6.  Tanging pagkatapos mong maaring sabihin kasama ang Apostol,

“Ako'y napako sa krus na kasama ni Cristo; at hindi na ako ang nabubuhay” (Mga Taga Galacia 2:20).

Ito ang mga tanda ng tunay na pagbabagong loob: ang paghihirap ng pagkakondena dahil sa kasalanan (gaya ng ginawa ni Kristo para sa iyo, kaya dapat mong maranasan ito sa pamamagitan ng pangungumbinsi ng iyong kasalanan). Dapat mong pagdaanan ang paghihirap ng kaluluwa, gaya ng ginawa ni Kristo sa Hardin, bago ka maligalig ng bigat ng kasalanan sa hangganan ng dismaya. Dapat kang dumaan sa pagmamaliit at pag-aalipusta ng mga dating kaibigan. Gaya ng ginawa ni Hesus, dapat mong mawala ang iyong pinaka-ginigiliw na mga kaibigan (iniwan nilang lahat Siya at tumakas). Dapat kang mahampas ng napaka sakit ng Espiritu ng Diyos na madama mong ika’y punit punit sa loob. Gaya ng nadama ni Hesus noong pinaghahampas nila Siya, dapat mong madama ang paghampas ng iyong sariling kaluluwa dahil sa iyong panloob at panlabas na mga kasalanan. Higit pa diyan, dapat kang pumunta sa Krus kasama si Hesus, at umugnay sa Kanya sa Kanyang namamatay na hapis para sa iyong kasalanan. Sa madaling salita – dapat kang “mapako sa krus kasama si Kristo.” Tangging kapag lumapit ka kay Hesus, na maari kang mapako sa krus kasama Siya. At tanging kapag namatay ka kasama Siya, sa tunay na pagbabagong loob, na maari mong sabihin,

“Ako'y napako sa krus na kasama ni Cristo; at hindi na ako ang nabubuhay” (Mga Taga Galacia 2:20).

Sinabi minsan ni George Bernard Shaw,

Ang tao ay masyadong nabakakunahan sa kamusmusan ng maliliit na dami ng Kristiyanismo na bihira nilang nahuhuli ang totoong bagay (isinalin mula sa isinipi ni Richard Wurmbrand, In God’s Underground, Living Sacrifice Books, 2004 reprint, p. 120).

Kung nasa simbahan ka na ng mahabang panahon sa isang ligaw na kalagayan, nakapagdududa na ika’y mapagbabagong loob, dahil ika’y “nabakunahan ng maliliit na dami ng Kristiyanismo.”

Yoong mga naghihirap para kay Kristo bilang mga martir ay tunay na napako sa krus kasama si Kristo. Hindi sila “nabakunahan ng maliliit na dami ng Krirstiyanismo.” Nahuli nila ang totoong bagay. Masasabi nilang,

“Ako'y napako sa krus na kasama ni Cristo; at hindi na ako ang nabubuhay” (Mga Taga Galacia 2:20).

Sinabi ni Pastor Wurmbrand,

      Ako’y ikinulong sa bilangguang nag-iisa dito sa seldang ito ng dalawang taon. Oo wala akong mabasa at walang mga gamit pangsulat; tanging mga kaisipan ko lamang ang mayroon ako bilang kasama, at hindi ako palaisip na tao, ngunit isang kaluluwa na di-karaniwang alam ang katahimikan…
       Naniniwala ba ako sa Diyos? Ngayon ang pagsubok ay dumating. Ako’y nag-isa. Walang sweldong iipunin, walang gintong opiniyon ang ginugunita. Tanging paghihirap lamang ang inialay ng Diyos sa akin – ipagpapatuloy ko ba Siyang mahalin?
       Dahan-dahan, natutunan ko na sa puno ng katahimikan ay nakasabi ang bunga ng kapayapaan. Nagsimula kong maisip ang aking tunay na katauhan, at sinugurado ko na ito’y pinagmamay-ari ni Kristo. Natagpuan ko na kahit dito sa aking isipan at pakiramdam ay bumaling sa Diyos, at na maari kong daanan bawat gabi sa panalangin, espiritwal na ehersisiyo, at pagpupuri. Alam ko na ngayon na hindi ako umaarte. NANINIWALA AKO (isinalin mula sa isinulat ni Wurmbrand, ibid.).

“Ako'y napako sa krus na kasama ni Cristo; at hindi na ako ang nabubuhay” (Mga Taga Galacia 2:20).

Ika’y dapat dumaan sa isang madilim na gabi ng kaluluwa. Dapat mong madama ang iyong kasalanan, madama ang hagupit ng batas, madama ang mga pako, mamatay kasama si Kristo, at maisilang muli – nakaugnay kay Kristo sa Kanyang kamatayan at muling pagkabuhay – nahugasan mula sa iyong mga kasalanan sa Kanyang Dugo!

(KATAPUSANG NG PANGARAL)
Maari ninyong mabasa ang mga sermon ni Dr. Hymers linggo-linggo sa Internet
sa www.realconversion.com. I-klik ang “Mga Pangaral sa Tagalog.”