Ang mga pangaral na manuskrito at mga videyo ay ngayon lumalabas sa 1,500,000 na mga kompyupter sa lampas na 221 na mga bansa kada taon sa www.sermonsfortheworld.com . Daan-daang iba ang nanonood ng mga videyo, sa YouTube, ngunit di nagtatagal ay iniiwan ang YouTube at nagpupunta sa aming websayt, dahil bawat pangaral ay nagtuturo sa kanila papalyo mula sa YouTube tungo sa aming websayt. Ang YouTube ay nagdadala ng mga tao sa aming websayt. Ang mga pangaral na manuskrito ay ibinibigay sa 46 na mga wika sa halos 120,000 na mga kompyuter kada buwan. Ang pangaral na manuskrito ay hindi nakarapatang magpalathala, kaya nagagamit ng mga mangangaral ang mga ito na walang pahintulot. Mayroong daan-daang mga videyo ni Dr. Hymers at ng kanyang mga estudyanteng nangangaral. Ang mga manuskrito ay hindi nakarapatang magpalathala, ngunit lahat ng mga videyo nakarapatang magpalathala. Paki-klik ito upang matutunan kung paano ka maaring gumawa ng isang buwan-buwanang donasyon upang tulungan kami sa dakilang gawaing ito ng pagkakalat ng Ebanghelyo sa buong mundo, kasama ang mga Muslim at mga Hindu na mga bansa.
Tuwing nagsusulat kay Dr. Hymers, laging sabihin sa kanya kung anong bansa ka nakatira, o hindi ka niya masasagot. Ang email ni Dr. Hymers’ ay rlhymersjr@sbcglobal.net .
TSINA – NATATAKAN NG ESPIRITU NG DIYOS! CHINA – SEALED BY GOD’S SPIRIT! ni Dr. R. L. Hymers, Jr. Isang pangaral na ipinangaral ng Gabi sa Araw ng Panginoon, “Huwag ninyong ipahamak ang lupa, kahit ang dagat, kahit ang mga punong kahoy, hangang sa aming matatakan sa kanilang mga noo ang mga alipin ng ating Dios” (Apocalipsis 7:3). |
Ang lahat ng mata ay nasa Tsina. Ang Olimpiko sa Beijing ay nakita sa telebisyon ng di-mabilang milyon sa buong mundo. Ang ekonimiya ng Tsina ay lumalago, ang pinaka mabilis lumaki sa kahit anong bansa sa lupa. Ngunit ang pinaka nakamamanghang bagay tungkol sa Tsina ay ang paglaki ng Kristiyanismo sa mga lumipas na dalawam pu’t limang taon.
Sinabi ni David Aikman, dating Hepe ng Departamento ng Time magasin, sa kanyang librong, Jesus in Beijing (Regnery Publishing, Inc., 2003),
Ang Tsina ay nasa proseso ng pagiging Kristiyano. Hindi nangangahulugan na lahat ng mga Tsino ay magiging Kristiyano, o kahit ang karamihan ay maging Kristiyano. Ngunit sa kasalukuyan ang bilis ng paglaki sa bilang ng mga Kristiyano sa probinsiya, sa mga lungsod, at lalo na sa loob ng sosyal at cultural na organisayon, ito’y possible na binubuo ng mga Kristiyano ang…30 porsyento ng populasyon ng Tsina sa loob ng tatlong dekada [ngayon 25 na taon, mula noong ang libro ay naisulat]…Ng may isang bilis ng paglaki na 7 porsyento taon taon, ang bilang ng mga Kristiyano sa Tsina ay minamaliit na ang bilang ng mga Kristiyano sa karamihang bansa sa lupa. Tulad ng mga Kristiyano sa buong [ibang bahagi ng] ng lumalaganap na mundo, mga Tsinong Kristiyano ang nagrerepresenta ng taliba ng simbahan sa dalawam pu’t isang siglo…ang pagkalat ng Tsina sa Asiya at sa katimugang kalahating bilog sa lumipas na dalawang dekada ay posibleng umapekto sa Krisitiyanismo sa isang global na antas. Ito ay ipinaliwanag ni Philip Jenkins sa kanyang librong The Next Christendom…Mahalagang isipin ang posibiledad iyan at hindi lang numerikal, ngunit ang intelektwal na sentro ng katindihan para sa Krisitiyanismo ay maaring gumalaw ng sigurado sa labas ng Europa at Hilagang Amerika habang ang Kristiyanisasiyon ng Tsina ay nagiging isang pang buong mundong matinding kapangyarihan…Ang ika-dalawan pung siglo ba ang magiging siglo ng Tsina sa mundo?...Ito ang pinagdedebatihan sa librong ito na babaguhin ng Kristiyanismo ang kalikasan ng Tsina sa maraming paraan sa mga susunod na mga dekada, at sa pagkagawa nito, ay babaguhin ang mundo kung alin tayo’y naninirahan (isinalin mula sa isinulat ni David Aikman, Jesus in Beijing: How Christianity is Transforming China and Changing the Global Balance of Power, Regnery Publishing, Inc., 2003, pp. 285, 291, 292).
Ngunit kailangan tayong mapaalalahanan na ang matinding muling pagbabangon sa Tsina ay hindi dumating ng madali. Sa paggamit ng mga salita ni Churchill, ito’y dumating lamang ng may “dugo, kayod, mga luha at pawis.” Ito’y dumating lamang sa pamamagitan ng isang namantsahang-dugong laban kay Satanas na tumagal ng mga lampas sa 100 taon. Masasabi ko sa inyo ang tungkol sa Rebelyon ng Boxer ng 1900. Sinabi ni Riley K. Smith,
Ang mga Boxer ay nagkaroon ng isang bayolenteng galit ng mga Kristiyano…Nakumbinsi nila [ang tiyahin ng emperor, Tzu His] na ang mga misiyonaryo ay nagnanakaw ng mga Tsinong espiritu at binubunot ang mga mata ng mga Tsinong bata upang gamitin sa kanila medisina. Ang empresang biyuda ay kumilos laban sa mga “banyagang puting demonyo,” at sa ika-21 ng Hunyo, taon 1900 ay nagbigay ng isang lihim n autos na bitayin ang lahat ng mga banyaga. Ang pagpatay ay nagsimula…nagsimulang maminsala ng mga bayan ang mga Boxer…kanilang sinuggab ang mga listahan ng simbahan at nagpunta sa bawat bahay binabaldado at pinupugutan ng ulo parehong mga misiyonaryo at Tsinong Kristiyano…Isa sa pinaka madugong pagkakatay na nangyari sa Taiyuan kapital ng Shanxi. Dahil sa ang mga tarangkahan ng lungsod ay iniutos na isara, ang mga banyaga ay hindi makalabas.
Sa nahuling Hunyo 1900, lumikha ng apoy ang mga pulong ng tao tungo sa mga Britanyang Bautismo at sa mga sentro ng misiyon ng Shao Yang. Ang mga misiyonaryo at isang grupo ng mga Tsinong Kristiyano ay humsnsp ng kupkupan sa paaralan ng mga Bautismong batang lalake kalahating milya ang layo. Pagkatapos nilang dumating, isa sa mga misiyonarya, si Edith Coombs, ay naisip na naiwan niya ang dalawang Tsinong batang babaeng mag-aaral. Tumatakbo pabalik sa nagsisisunog na mga gusali, iniligtas niya ang dalawang batang babae ngunit naipit ng mga pulong ng mga tao at hindi nakalabas sa umaapoy na estraktura. Ang huling kilos ni Edith ay lumuluhod [sa panalangin] sa apoy habang nilamon siyanito…
Sa Soping…ang mga misiyonaryo ay Tsinong Kristiyano kasama nila ay tinugis, pinagbabato sa kamatayan, at pinugutan ng ulo. Ang kanilang mga ulo ay isinabit sa pader ng lungsod bilang babala sa lahat… Isang ganoong misiyonaryo ay si Carl Lundberg, na sinubukang tumakas kasama ang mga kapwa misiyonaryo at kanilang mga anak sa Mongolia…Isinulat niya, “Kung hindi tayo makatatakas, sabihin ninyo sa aming mga kaibigan na kami’y nabuhay at namatay para sa Panginoon. Hindi ko pinagsisisihang ang pagpunta sa Tsina. Tinawag ako ng Panginoon at ang Kanyang biyaya ay sapat…Ipagpaumanhin ang aking sulat kamay, ang aking kamay ay nanginginig.” Siya at ang iba ay [hindi tumagal] na pinugutan ng ulo.
Ang mga Tsinong Kristiyano ay hindi nakatakas mula sa pagkakatay. Karamihan ay inalok ng kalayaan kung kanila lamang itatakwil si Kristo. Ang ilan ay sumuko; marami ang hindi sumuko. Isang tumanging magtakwil ay isang lalaking kialala bilang “Tapat” na Yen, na kasama ang kanyang asawa ay itinali sa isang haligi sa isang paganong templo…malupit silang binugbog ng mga Boxer gamit ng mga batuta at pagkatapos ay nagpatuloy na gumawa ng apoy sa ilalim nila, sinusunog ang kanilang mga binti. Ngunit tumanggi pa rin ang mag-asawa itakwil si Kristio. [Sa wakas] ang mga hibang na kalalakihang [Boxer] ay pinalawa si Gng. Yen, ngunit ang kanyang asawa ay hindi pinagpala. Itinapon nila ang kanyang katawan sa isang siga [patong patong na mga kahoy] at sinidihan itong [magsunog]. Habang ang kanyang katawan ay nasusunog sa apoy [isang sundalo ang sumubok na iligtas siya]. Ang sundalo ay pinagpuputol ng pira-piraso. Galit sa hindi kinailangan pagbabalasik, tinugis ng mga sundalo ang mga Boxer palabas ng templo at kinuha si Gg. Yen, sunog ngunit naghihirap na buhay, sa opsiyal, na nagtapon kay [Gg. Yen] sa bilangguan kung saan…siya’y namatay.
Noong ang pagkakatay ay sa wakas huminahon, higit pa sa 30,000 na Tsinong Kristiyano ay namartir na. Sa The China Martyrs of 1900, isinulat ni Robert Coventry Forsythe na “ang mga masaker ng Boxer ay nagbunga ng mas maraming Protestanteng martir kaysa sa lahat ng mga naunang dekada ng kasaysayan ng mga Protestanteng Simbahan sa Tsina…marami ay naghirap ng hindi masabing pagpapahirap, at marami ang pumili ng kamatayan sa pagtatalikod sa pananalampalataya” (isinalin mul sa isinulat ni Riley K. Smith, China: The Blood-Stained Trail, Living Sacrifice Book Company, 2008, pp. 46, 47, 49, 50, 51).
O pwede kong sabihin sa inyo na ang pag-uusig ng mga matinding tagahangang mga Hapones na pumatay ng maraming mga Krisitiyano noong sinakop nila ang Tsina sa simula ng Pangalawang Makamundong Digmaan. Ang dati kong pastor, si Dr. Timothy Lin, ay pinuno ng isang bahay ampunan. Habang ang mga Hapon ay papalapit, pinagkawan ni Dr. Lin ang mga ulila, ang kanyang asawa at kanyang anak na babae sa isang bangka upang tumakas. Ang mga Hapones na eroplano ay lumipad at binaril ang karamihan noong mga nasa bangka, pinpatay ang asawa’t anak na babae ni Dr. Lin. Nahulog si Dr. Lin bago umangkas sa bangka at nabali ang kanyang leeg, at gayon natakasan ang pamamaril. Muntik na siyang namatay mula sa nabiling leeg, ngunit nabuhay at sa wakas pumunta sa Amerika, kung saan siya ang naging pastor ko at guro ng maraming taon. Tulad ni Pastor Wurmbrand, si Dr. Lin ay isang nabubuhay na martir, isang taong nabuhay sa loob ng muntik ng pagkamartir, ngunit nakatakas upang magsalita para kay Kristo sa lugar ng ibang namatay.
O pwede kong sabihin sa inyo yoong mga nasa Tsinang naghirap at namatay sa ilalim ng pag-uusig ng Komunistang diktador na si Mao Tse Tung, sa loob ng “Rebolusyong Kultural” ng 1966-1909. Ngunit hahayaan kong si Pastor Wurmbrand ang gumawa niyan. Nakilala ko si Pastor Wurmbrand ng mabuti. Nagsalita siya ng maraming beses sa ating simbahan. Siya ay nirerespetong nakahanap ng “The Voice of the Martyrs.” Siya rin ay isang nabubuhay na martir, nakapag gugol ng 14 na taon sa isang Rumaniyang Komunistang konsentrasyong kampo. Tatlo ng mga taong iyon siya ay pinahirapan sa nakabukod na pagkabilanggo, hindi kailan man nakadidinig ng isang tinig ng tao o nakakakita ng sinag ng araw. Hahayaan ko si Pastor Wurmbrand na magsabi ng tungkol sa paghihirap ng mga Tsinong Kristiyano sa ilalim ni Mao Tse Tung, sa loob ng “Rebolusyong Kultural.”
Ang paghihirap ng mga Tsinong Simbahan ay nilalampasan ang lahat ng imahinasyon…si Dr. D. Rees, dating misiyonaryo sa Tsina, bumabalik mula sa isang paghahanap ng katotohanang paglalakbay, ay sumulat sa amin, “Lahat ng aking mga Tsinong kaibigan ay pinatay o nakakulong. Isa ay nabulag, isa ay itinapon sa balon, dalawa ay namatay ng tuberkolosis, at isa pa, noong ang kanyang utak ay kinondisyon, nabaliw at pumirma ng pagsusuko ng pananampalataya. Noong ang kanyang pag-iisip ay bumalik, pinunit niya papel ng pagsusuko.” Ngunit ang Tsinong Simbahan ay lumalaki ng libo-libo…
Pinutol ang mga binti isang Indiyang doktor, si Kamun Chandah, at ang kanyang mga mata ay nabunot sa isang bilangguan ng Pulang Tsina.
Sa isang ganoong kaganapan, inaresto [sa Tsina] sa Shanghai, si Vladimir Tatishtshev, isang Rusiyano. Ang Tsinong [Komunistang] tagapahirap ay nagtali ng mga tubong bakal sa kanyan mga binti gamit ang mga turnilya at minartilyo ang mga ito hanggang sa ang mga buto ay nabali, upang paaminin siya ng mga gawang isip na mga krimen. Noong tumanggi siya, ang Komunistang pulis ay pumunta sa kanyang tahanan. Isang opisyal ang pumulot sa [kanyang] sanggol at sinabi sa ina, “Kung hindi ka pipirma sa isang akusasyon laban sa iyon asawa, dudurugin ko ang ulo ng iyong sanggol.” Ang ina’y…tumanggi. Pagkatapos ang pulis opisyal, isang babae rin, ay dinurog ang ulo ng sanggol sa pader…at binaril ng ibang Komunista ang ina.
Sinabi sa radio ng Moscow noong ika-7 ng Abril, 1970, “Sa direksyon ng sampung taon, higit sa 25 milyong [Krisitiyano] sa Tsina ay nalupil. Ang [iba] ay itinapon ga-milyon sa malalaking kampo ng konsentrasiyon.”
Ang peryodiko ng Moscow si Krasnaia Zvezda [ika-7 ng Mayo, 1969] ay sumulat na, “Ang Tsinong Komunistang Partido…ay nagsisisunog ng mga mata ng mga tao gamit ang kumukulong tubig at sulporikong asido, nagsisiputol ng mga [binti] gamit ang mga malilit na kutsilyo at nagbibiyak ng mga bungo gamit ang mga bato at…malalapad na espada.”
Marami sa ating Tsinong kapatid ay ay ngayon nangangapa sa pagkabulag o nagsisigapang sa kanilang mga tiyan, dahil ang kanilang mga [binti at brasa] na pinutol. [Gayon] ang mga lihim sa na simbahan ay lumalago (isinalin mula sa isinulat ni Pastor Richard Wurmbrand, Where Christ is Still Tortured, Marshalls Paperbacks, London, 1982, pp. 130, 131).
Noong narinig ang tungkol sa hindi masabing pagdurusa’t paghihirap ng mga Krisitiyano sa Tsina gabi ng na huling Linggo, isang dumating sa ating simbahan ay narinig na nagsabing, “Bakit napakaraming mga tao ang nagiging Kristiyano sa Tsina kahit na sila ay nakulong at napahirapan?” Ang sagot ay nanggagaling sa ating teksto. Sa loob ng pagdating nga Matinding Pagsubok isang anghel ng Diyos ang magsasabing,
“Huwag ninyong ipahamak ang lupa, kahit ang dagat, kahit ang mga punong kahoy, hangang sa aming matatakan sa kanilang mga noo ang mga alipin ng ating Dios” (Apocalipsis 7:3).
Ang bersong ito ay nagsasalita ng tungkol sa 144,000 na mga Hudyong bumaling kay Kristo at matatakan sa kanilang mga noo (kanilang mga isipan) sa Espiritu Santo. Tayo ay sinabihan kung ano ang ibig sabihin ng “pagtatak” na ito sa Mga Taga Efeso 1:12-13,
“Cristo, na sa kaniya’y kayo rin naman, pagkarinig ng aral ng katotohanan, ng evangelio ng inyong kaligtasan: na sa kaniya rin naman, mula nang kayo’y magsisampalataya, ay kayo’y tinatakan ng Espiritu Santo, na ipinangako”
(Mga Taga Efeso 1:12-13).
Kapag ang isang tao ay magtiwala kay Kristo, siya ay pagkatapos natatatakan sa pamamagitan ng Espiritu Santo. Tulad ng 144,000 na Hudyong nananampalataya sa Pagsubok, sila ay natatakan sa pamamagitan ng “ating Diyos [sa kanilng mga noo]” (Apocalipsis 7:3). Noong si Noah ay pumunta sa Arko bago ang Matinding Baha, sinasabi ng Bibliya, “at kinulong siya ng Panginoon” (Genesis 7:16). Ang pagtatatak ni Noah sa Arko ay isang uri ng tunay na napagbagong loob na nilalang “tinatakan ng Espiritu Santo, na ipinangako” (Mga Taga Efeso 1:13). Ang mga Hudyong napagbagong loob sa Pagsubok ay matatatakan sa kanilang mga noo, gaya ni Noah na itinatak sa Arko sa pamamagitan ng Espiritu ng Diyos. Minsang ikaw ay “kinulong” at “tinatakan” sa iyong isipan sa pamamgitan ng Espiritu ng Diyos walang bagay sa lupa ang maaring magsanhi sa iyong mawala ang iyong kaligtasan. Ikaw ay walang hanggang ligtas, “tinatakan ng Espiritu Santo, na ipinangako” (Mga Taga Efeso 1:13). Walang dami ng pag-uusig, o kahit pagpapahirap, ang maaring makahihiwalay sa iyo mula kay Kristo kapag ikaw ay “tinatakan” sa iyong “noo.”
Ito ay hindi isang bagay na mangyayari lamang sa mga Hudyong napagbagong loob sa darating na Pagsubok. Ito ay nangyayari ngayon sa daan daan at libo libo sa Komunistang Tsina. At maaring mangyari rin ito sa iyo.
Pumunta kay Kristo. Mananampalataya sa Kanya. Magtiwala sa Kanya ng buong puso. Kapag gawin mo ito, ikaw ay maisisilang muli. Tatatakan ng Diyos ang iyong isipan upang walang problema, o pag-uusig, o gulo ang kailan man muling makakukuha ng iyong kaligatasan – at ikaw ay walang hanggang ligtas kay Kristo Hesus kahit anong mangyari sa iyo! Iyang ang sekreto ng mga Hudyong martir sa Pagsubok. Iyang ang sekreto ng mga Tsinong martir ngayon. Nananampalataya sila kay Hesus, at sila ay walang hanggang ligtas. Kahit anong gulo at pag-uusig ang dumating sa kanila, sila ay hindi kailan man susuko sa Satanas o bumalik sa mundo.
Si Kristo ay namatay sa Krus upang bayaran ang multo ng iyong kasalanan. Nagbuhos Siya ng Dugo upang mahugasan ang iyong mga kasalanan. Pumunta sa Kanya! Magtiwala sa Kanya! Ililigtas ka niya habang buhay, at ikaw ay hindi na kailan man maliligaw. Kahit anong pagsubok ang darating sa iyong buhay, ikaw ay hindi iiwan ng iyong simbahan o aabandonahin ni Kristo!
(KATAPUSANG NG PANGARAL)
Maari ninyong mabasa ang mga sermon ni Dr. Hymers linggo-linggo sa Internet
sa www.realconversion.com. I-klik ang “Mga Pangaral sa Tagalog.”
Banal na Kasulatan na Binasa Bago ang Pangaral ni Dr. Kreighton L. Chan:
Mga Taga Efeso 1:5-14.
Kumantang ng Solo Bago ng Pangaral si Gg. Benjamin Kincaid Griffith:
“Mula Sa Bawat Bumabagyong Hanging Umiihip”
(“From Every Stormy Wind That Blows” by Hugh Stowell, 1799-1865).