Ang mga pangaral na manuskrito at mga videyo ay ngayon lumalabas sa 1,500,000 na mga kompyupter sa lampas na 221 na mga bansa kada taon sa www.sermonsfortheworld.com . Daan-daang iba ang nanonood ng mga videyo, sa YouTube, ngunit di nagtatagal ay iniiwan ang YouTube at nagpupunta sa aming websayt, dahil bawat pangaral ay nagtuturo sa kanila papalyo mula sa YouTube tungo sa aming websayt. Ang YouTube ay nagdadala ng mga tao sa aming websayt. Ang mga pangaral na manuskrito ay ibinibigay sa 46 na mga wika sa halos 120,000 na mga kompyuter kada buwan. Ang pangaral na manuskrito ay hindi nakarapatang magpalathala, kaya nagagamit ng mga mangangaral ang mga ito na walang pahintulot. Mayroong daan-daang mga videyo ni Dr. Hymers at ng kanyang mga estudyanteng nangangaral. Ang mga manuskrito ay hindi nakarapatang magpalathala, ngunit lahat ng mga videyo nakarapatang magpalathala. Paki-klik ito upang matutunan kung paano ka maaring gumawa ng isang buwan-buwanang donasyon upang tulungan kami sa dakilang gawaing ito ng pagkakalat ng Ebanghelyo sa buong mundo, kasama ang mga Muslim at mga Hindu na mga bansa.
Tuwing nagsusulat kay Dr. Hymers, laging sabihin sa kanya kung anong bansa ka nakatira, o hindi ka niya masasagot. Ang email ni Dr. Hymers’ ay rlhymersjr@sbcglobal.net .
TSINA – ANG MUNDO AY NANONOOD! CHINA – THE WORLD IS WATCHING! ni Dr. R. L. Hymers, Jr. Isang pangaral na ipinangaral ng Gabi sa Araw ng Panginoon, “Kaunaunahan, ay nagpapasalamat ako sa aking Dios sa pamamagitan ni Jesucristo tungkol sa inyong lahat, na ang inyong pananampalataya ay bantog sa buong sanglibutan” (Mga Taga Roma 1:8). |
Sinasabi ng The Applied New Testament Commentary tungkol sa bersong ito,
Sa panahon ni Pablo, ang Roma ang pinaka importanteng lungsod sa Kanlurang mundo. Ito’y kapital ng Imperyong Romano. Kung gayon, ang mga tao sa buong mundo ay madalas na pumupunta sa Roma para sa isang dahilan o iba. Dahil dito, ang kahit anong balita tungkol sa mga Romanong Kristiyano ay likas na kakalat ng malayo at malawak. Gayon matapat na masasabi ni Pablo na ang kanilang pananampalataya ay [“bantog sa buong sanglibutan”]…Sa katunayan, ang bilang nga mga Kristiyano ay lumalaki ng mabilis na, sa reaksyon, ang mga Romano ay nagsimulang usigin sila ng may tumataas na paglala…
Kung gayon si Pablo ay nagpapasalamat dahil ang mga Romanong nanampalataya ay tumayong matatag sa kanilang pananampalataya sa kasamaan ng ganoong teribleng pag-uusing…
Sa loob ng maikling panahon ng kamatayan ni Pablo, isang bagong batas ang inilagay sa bisa hinihinging ang lahat ng tao sa buong Imperyong [Romanong] sambahin ang Romanong Emperor bilang isang diyos. Noong tumanggi ang mga Kristiyano, sila ay inilagay sa bilangguan at binigyan pati ng sentensiyang kamatayan. Doon ay mayroon pa rin sa Roma ngayon isang malaking istadyum [ang Koloseyum] kung saan, para sa pag-aaliw, ang Emperor at maraming iba pang mga Romano ay pumupunta dati at pinanonood ang mga Kristyanong pinagkakain ng mga mabangis na mga leyon. (Isinalin mula sa The Applied New Testament Commentary, Kingsway Publications, 1997 edition, p. 547; sulat sa Mga Taga Roma 1:8).
Mayroong isang malakas na pagkatugma sa pagitan ng mga lumang lungsod ng Roma at modernong lungsod ng Beijing. At mayroong maraming mga pagkakapareho sa pagitan ng mga Kristiyano sa lumang Roma at mga Kristiyano sa Beijing ngayon. Ang mga saligan ng Kristiyanismo sa Roma at Beijing ay parehong inilatag ng pagkamartir ng mga Kristiyano. Inusig ng mga Romano ang mga maaagang Kristiyano sa kanilang lungsod ng may matinding karahasan. Ito’y ay naging totoo rin sa modernong Tsina, at sa kapital nitong, Beijing.
Si Pastor Richard Wurmbrand, nakahanap ng “The Voice of the Martyrs,” sa isa sa kanyang mga libro, ay nagbigay ng maraming mga paliwanag ng mga matitinding pag-uusig ng mga Kristiyano sa Tsina.
Si Rev. Fang Cheng [noo’y] nasa bilangguan. Siya ay pinahirapan, ngunit hindi pinagtaksilan ang kanyang kapatid [sa pagbibigay ng listahan ng kanilang mga pangalan sa mga Komunista].
Isang araw dinala siya sa harap ng [Komunistang] taga-imbestigang opisiyal. Nakikita niya sa sulok ng silid ang isang tambak ng mga basahan, at naririnig ang isang pagkalampag ng mga kadena…Ito’y kanyang ina. Ngunit wala siyang puting buhok noon. Ngayon mayroon na. Ang kulay ng kanyang mukha ay katulad ng mga abo. Makikita mo na siya din, ay dumaan sa mabigat na pagsubok [sa kamay ng mga Komunista].
Tinanong ng mga Komunista si Cheng, “Narinig ko na kayong mga Kristiyano ay mayroong sampung utos sabihin nating binigay ng Diyos, na dapat magsikap upang magawa. Ako’y interesadong malaman ang mga ito. Sa iyong kabutihan, maari mo bang bigkasin ang mga utos?”
[Nagsimula] si Cheng isa-isahing bigkasin ang mg autos hangang sa dumating siya sa “Igalang mo ang iyong ama at ina.” Dito siya ay nahinto. Sinabi sa kanya ng Komunista, “Cheng nais kong ibigay ko sa iyo ang pagkakataong igalang ang iyong ina. Andito siya naghihirap, sa mga kadena. Sabihin mo sa amin ang alam mo tungkol sa iyong mga [Kristiyanong] kapatid at pangako ko ngayong gabi ikaw at an iyong ina ay mapalalaya. Mabibigyang alaga at galang mo siya. Tignan ko nga kung talagang naniniwala ka sa Diyos at ninanais na gawin ang kanyang mga utos.”
Iyan ay isang hindi madaling desisiyon gawin para sa binatang Tsino. Ililigtas niya ba ang kanyang ina, ngunit pagtaksilan ang kanyang mga Kristiyanong mga kaibigan sa pagbibigay ng kanilang mga pangalan? O proprotektahan ba niya ang mga Kristiyano at pabayaan ang kanyang inang magpatuloy maghirap sa mga kadena?
[Tumingin] si Cheng sa kanyang ina – “Nanay, ano ang dapat kong gawin?” [Sumagot] ang ina, “Tinuruan kita mula pagkabatang mahalin si Kristo at Kanyang…simbahan. Huwag mong pansinin ang aking paghihirap. Hanapin mong manatiling matapat sa Tagapagligtas at Kanyang [mga tagasunod]. Kung pagtataksilan mo [sila], hindi na kita aking anak.”
Iyon ang huling beses na nakita ni Fang-Cheng ang kanyang ina. Possibleng namatay siya sa ilalim ng pagpapahirap.
Ano ito? Isang tagpo mula sa Lihim na mga [simbahan] sa Tsina (isinalin mula sa isinulat ni Richard Wurmbrand, If That Were Christ, Would You Give Him Your Blanket?, 1970, Diane Books, pp. 8-9).
Muli, isinulat ni Pastor Wurmbrand,
Sa Tsina…isang milyong mga Katoliko ang iniulat na pinatay…[at] parehong bilang ng mga Protestante. Ang mga bilangguan ay puno. Ang mga Kristiyano ay nagsasagawa ng kanilang relihiyon…palihim, sa ilalim ng panganib ng pagpapahirap at kamatayang parusa (isinalin mula sa isinulat ni Wurmbrand, ibid., p. 29).
Muli, sinabi ni Pastor Wurmbrand,
Ang mga simabahan sa [Komunistang Tsina] ay inuusig. Kailangan niya ang ating tulong. Kung gayon ang katuparan ng kanyang pagkamartir ay dapat makilala. Kahit sa mga [Kanlurangang] seminaryo tinuturuan kayo ng tungkol sa lahat ng mga uri ng mga simbahan, ngunit [hindi] tungkol sa mga lihim na simbahan, isang simbahan na namamalagi sa isang pangatlong mundo. Ito’y…dapat [matigil]. Ang buhay nito, ang paghihirap nito, ang tagumpay nito ay dapat maiproklama (isinalin mula sa isinulat ni Wurmbrand, ibid., p. 33).
Pagkatapos inilarawan ni Pastor Wurmbrand ang nangyari noong “Rebolusyong Kultural” (1966-1969) sa ilalim ng Tsinong Komunistang diktador si Mao Tse Tung
.Ang saksing tumakas sa Hong Kong ay [nag-ulat] tungkol sa pamamato sa kamatayan ng isang Kristiyanong batang babae sa isang Komunistang kampo ng mga manggagawang alipin. Siya ay nakatali kamay at paa, at pinaluhod sa gitna ng isang bilog ng mga tao na nautusang batuhin siya. Yoong mga tumangging sumali ay binaril. Sinabi ng saksi na namatay siya na may mukhang kumikinang, tulad ni San Esteban. Isa doon sa mga nakakita sa kanya ay nadala sa pananampalataya kay Kristo sa pamamagitan ng batang babae na sinelyuhan ang kanyang patunay gamit ang kanyang dugo.
Limang mga estudyante ay pinalabas upang maghukay ng mga malalalim na mga butas saan sila ay inilagay, kumanta ng mga Kristiyanong mga himno habang sila ay inilibing ng buhay…Isang pastor mula sa distrito ng Swatow ay kinaladkad sa mga kalsada ng may isang gora ng tumag sa kanyang ulo. Ang gora ay may pangit na sulat nakasulat dito. Ang mapag panalampalatayang mga pastor ay dinadala, ng may mga inahit na ulo, sa isang nangungutyang prosesiyon, nakalantad sa mga pag-iinsulto…ang mga Kristiyano ay dapat lumuhod sa mga kalsada. Sila ay inaaway. Na may ilan, ang kanilang mga buhok ay ginupitan, iniiwanan lamang sila ng isang krus bilang isang marka na sila ay mga Kristiyano…
Habang isang pagpapahirap na tinatawag na “ang maliit na pamumuna,” ang tao ay pinaparada sa mga kalye na mayroong isang gora ng tumag sa kanyang ulo, na may nakasulat sa kanyang dibdib na nakalista ang mga paratang laban sa kanya. Ito ay nagpapatuloy ng tatlong sunod sunod na mga araw. Pagkatapos ng mga parada, siya ay inilalagay upang gawin ang pinaka madumi at pinaka mabigat na trabaho. Tumatanggap lamang siya ng pagkain isang beses sa isang araw, ngunit bago tanggapin ang pagkain siya ay dapat yumukod ng siyam na pung beses sa lupa, sa harap ng litrato ni Mao.
Kung ang pagtratratong ito ay hindi makaka muling pangaral sa kanya, pagkatapos susundan ng “malaking pamumuna.” Na ang mga kamay na nakatali sa kanyang likod, kailangan siyang pumunta sa mga pang-araw araw na pagpupulong ng dalawang buwan. Sa mga pagpupulong na ito ang kanyang mga kasalanan ng hindi paniniwala kay Mao ay ilalantad. Siya ay walang-awang bubugbugin at aawayin. Pagkatapos sa bawat pagpupulong, muli ang [hinihinging] siyam na pung pagyukod sa harap ng litrato ni Mao.
Ang pangatlong pagpapahirap ay tinatawag na “eroplano.” Isang tubo ay inilalagay sa ibabaw ng balikat ng tao. Ang mga kamay, na nakatali sa likod ay inilulusot pataas ng tubong ito, hanggang ang mga ito ay lumabas sa mga kasukasuan. Sa posisiyong ito, kailangan siyang yumukod ng 180 beses sa harap ni [Mao] ang nag-iisang mas magaling kaysa lahat ng mga diyos [ayon sa mga Komunistang Pulang Gwardya.]
Sa pagpapahirap na tinatawag na ang “Gintong Timbangan,” sa balikat ng mga may salang [Krisitiyano] ay inilalagay ang isang mabigat na mesa. Sa bawat tabi ng mesa ay naglalagay ang mga Pulang Gwardya ng tatlong mga ladrilyo. Na ang mga ladrilyo sa kanyang mga balikat, kailangan siyang tumayo sa atensiyon sa harap ng [litrato] ni Mao ng dalawang oras. Bawat dalawang minuto, isang ladrilyo ay idinadagdag sa bawat tabi. Sa katapusan siya ay mayroong labing walong mga ladrilyong buhat [sa kanyang mga balikat]. Kawawa siya kung gumalaw ang mga ito. Kung [babaluktot] ang kanyang mga tuhod kahit kaunti lang, ang buong pagpapahirap ay mag-sisimula muli.
Isang pagpapahirap ay ang pag-aahit ng mga ulo ng mga Krisitiyano at paglalagay ng mga abo sa kanila. Kaya kailangan nilang tumayo sa atensiyon sa harap ng sagradong imahe ni Mao. Hindi maaring gumalaw.
Ang isang Kristiyanong tiniis ang lahat ng pagpapahiya, ngunit tumangging yumukod, sumasagot paulit-ulit, “Alam ko ang isang bagay: mayroong isang Diyos. Bukod rito, wala akong alam.”…Sumagot siyang muli’t muli, “Gawin ninyo ang kahit anong gusto niyo, ngunit hindi ko ikakaila ang aking pananampalataya.” Matapang na Sung-Fu. Hindi namin alam [kung anong nangyari sa kanya].
Ang mga Kristiyano ay pinipilit na isuko ang kanilang mga Kasulatan at relihiyosong libro sa sunod ang mga ito’y dapat masunog sa publiko. Ang pagbibigay ng mga Kasulatan upang sunugin ay tulad ng pagbibigay kay Kristo upang patayin. Mayroong mga Kristiyanong naintindihan ang nararapat sa nakasulat na Salita ng Diyos. Itinago nila ang Bibliya…Sa Canton, isang Krisitiyanong babae na nagtago ng kanyang Bibliya sa isang unan ay isinupil ng mga Pulang Gwardya sa pinaka nakakatwang kahihiyan. Siya ay hinubaran, pinahiran sa buong katawan ng pulot-pukyutan at pintatayo sa matinding araw ng maraming oras…
Ang mga Pulang Gwardya ay nagsisisunog ng mga tao gamit ang maiinit na panusok. Nagkaroon ng maraming pangyayari ng pagpapako sa krus. Ngunit…minsan mas gusto ng mga Komunistang makulong imbes na magpatuloy sa pagpapahirap ng mga Kristiyano. Isa sa kanila ay narinig na nagsasabing, “Kung puputulin natin ang kanilang mga dila at pagbabawalan ang Kristiyanong pagsasalita, nagmamahal sila gamit ang kanilang mga kamay, at gamit ang kanilang mga paa at gamit ang kanilang mga mata, nagmamahal sila palagi at kahit saan hangang sa kanilang huling [hininga]. May nakaka alam ba sa [inyo] kung paano alisin ang kapangyarihan ng pagmamahal sa mga mga ulol na mga Kristiyanong ito? May nakaalam ba [inyo] ng isang paraan upang mabugbog ang kanilang Kristo? (isinalin mula sa Wurmbrand, ibid., pp. 55-60).
Sinabi rin ni Pasto Wurmbrand,
Ang mga Tsinong bilangguan ay mga tunay na impiyerno: madumi, basa, malamig at puno ng mga insekto. Iniisip na ilang apat na libong mga Protestante ay ngayon nasa bilangguan [noong 1970]. (isinalin ibid. p. 61).
Nagpatuloy si Pastor Wurmbrand sa pagsasabing,
Sa Kanyang krus pinalaya ni Hesus ang sangkatauhan. Upang dalhin ang mga kaluluwa sa kaligtasang ginawang possible ng Tagapagpalaya, ang iba ay dapat handang magdala ng mga krus. Ang ating mga Tsinong kapatid, kapag tinitiis ang tubig na ipinipilit sa kanilang mga ilong, mga piraso ng kahoy na inilalagay sa kanilang mga buko at pinipisil ng mahigpit, matinding mga pangongoryente at pati pagpapako sa krus, napaghahatian nila ang paghihirap ni Hesus…Ang malaking bilang ng mga misiyonaryong namatay sa Tsina sa rebelyong Boxer at ang mga martir ng panahon ng mga Komunista [lalo na sa “Rebolusiyong Kultural,” ngunit nagpapatuloy ngayon] ay ngayon napaluwalhatiang mga santo sa langit. [Ang mga Tsinong Kristiyanong ito na pinahihirapan para kay Kristo] ay tinatawag tayong sundin ang kanilang halimbawa (isinalin mula sa isinulat ni Wurmbrand, ibid., pp. 61, 62, 64).
Ang pagpapahirap at pagkabilanggo ng mga Kristiyano sa Tsina ay hindi natapos sa “Rebolusyong Kultural” o sa kamatayan ni Mao Tse Tung. Gaya ng ipinakita ko nitong umagang pangaral (“Tsina – Sila’y Manggagaling Mula sa Silangan!”, ika-10 ng Agosto, taon 2008) ang mga pag-uusig ay nagpatuloy sa taong ito (2008), dinadala ang Olimpiko sa Beijing, na nagsimula ng ika-8 ng Agosto, 2008. Sa kanilang paghihirap, ang mga nanampalatayang Krisitiyano ng Tsina ay ngayon natatalo ang kapangyarihan ng kasamaan. Gaya ng sinabi ni Pastor Charles Lyons,
Ang Kristiyanismo ay umuusbong sa Tsina. Ang mga hula ay umaabot ng mula sa 40 milyon hangang 130 milyon para sa bilang ng mga Tsinong nanampalatya… sinabi ng Christianity Today ang mga nag-aaral ng populasyon ng mga tao ay humula ng sukat ng [di-mabilang na libo ng] mga Tsinong nagbagong loob sa Kristiyanismo bawat taon. Ibig sabihin nito ang pinaka mabilis lumaking relihiyon sa bansang [iyon] ay naiwanan ang populasyon ng Partido ng mga Komunista ng 70 milyong tao (isinalin mula sa isinulat ni Charles Lyons, Baptist Bible Tribune, Hulyo/Agosto 2008, p. 21).
Ang Kristiyanong pananampalataya ay lumaganap sa matandang Roma sa pananampalataya ng ebanghelismo ng mga maaagang martir. Parehong totoo ngayon sa Beijing at sa buong Tsina. Maaring itong sabihin sa kanila, gaya ng mga maaagang Kristiyano sa Roma nito,
“Kaunaunahan, ay nagpapasalamat ako sa aking Dios sa pamamagitan ni Jesucristo tungkol sa inyong lahat, na ang inyong pananampalataya ay bantog sa buong sanglibutan”
(Mga Taga Roma 1:8).
Kahit na ikaw at ako ay nakatira sa Los Angels, kung saan ito’y makukumparang madaling maging isang Kristiyano, naway sundin natin ang kanilang halimbawa at buhayin ang ating buhay na nag-eebanghelismo para kay Hesu-Kristo. Naghirap Siya’t namatay sa Krus upang palayain tayo. Bumangon siya mula sa kamatayan upang bigyan tayo ng buhay. Kung ikaw ay hindi pa naliligtas, lumapit sa Kanya! Dalhin ang iba upang marinig ang Ebanghelyo ni Kristo at maging ligtas! Tayo na’t magsitayo at kantahin ang huling kanta sa inyong papel.
Bigyan kami ng sagisag para sa oras, Isang masigasig na salita,
Isang salita ng kapangyarihan,
Isang hiyaw ng labanan, isang umaapoy na hininga
Na tumatawag sa pananakop o sa kamatayan.
Isang salitang magpapakilos sa simbahan mula sa pananahimik,
Upang tignan ang malakas na hiling ng Panginoon.
Ang tawag ay ibinigay, Kayong mga masa, magsibangon.
Ang ating sagisag ay, mag-ebanghelismo!
Ang masayang ebanghel ngayon ay nagproklama,
Sa lahat ng lupa sa ngalan ni Hesus;
Ang salitang ito ay kumakalembang sa mga himpapawid:
Mag-ebanghelismo! Mag-ebanghelismo!
Sa mga namamatay na mga tao, isang bumagsak na lahi,
Ipakilala ang kaloob ng Ebanghelyong biyaya;
Ang mundo na ngayon sa kadiliman ay nakahimlay,
Mag-ebanghelismo! Mag-ebanghelismo!
(“Mag-ebanghelismo! Mag-ebanghelismo! Isinalin mula sa
“Evangelize! Evangelize!” ni Dr. Oswald J. Smith, 1889-1986;
sa tono ng “At Maari Ba Itong Maging?” isinalin mula sa
“And Can It Be?” ni Charles Wesley, 1707-1788).
(KATAPUSANG NG PANGARAL)
Maari ninyong mabasa ang mga sermon ni Dr. Hymers linggo-linggo sa Internet
sa www.realconversion.com. I-klik ang “Mga Pangaral sa Tagalog.”
Banal na Kasulatan na Binasa Bago ang Pangaral ni Dr. Kreighton L. Chan:
Mga Taga Roma 1:1-8.
Kumantang Mag-isa Bago ang Pangaral si Gg. Benjamin Kincaid Griffith:
“Mas Manapa Kong Asa Akin Si Hesus” isinalin mula sa
“I’d Rather Have Jesus” (mga salita ni Rhea F. Miller, 1922;
musika iniayos ni George Beverly Shea, 1909 - ).