Ang mga pangaral na manuskrito at mga videyo ay ngayon lumalabas sa 1,500,000 na mga kompyupter sa lampas na 221 na mga bansa kada taon sa www.sermonsfortheworld.com . Daan-daang iba ang nanonood ng mga videyo, sa YouTube, ngunit di nagtatagal ay iniiwan ang YouTube at nagpupunta sa aming websayt, dahil bawat pangaral ay nagtuturo sa kanila papalyo mula sa YouTube tungo sa aming websayt. Ang YouTube ay nagdadala ng mga tao sa aming websayt. Ang mga pangaral na manuskrito ay ibinibigay sa 46 na mga wika sa halos 120,000 na mga kompyuter kada buwan. Ang pangaral na manuskrito ay hindi nakarapatang magpalathala, kaya nagagamit ng mga mangangaral ang mga ito na walang pahintulot. Mayroong daan-daang mga videyo ni Dr. Hymers at ng kanyang mga estudyanteng nangangaral. Ang mga manuskrito ay hindi nakarapatang magpalathala, ngunit lahat ng mga videyo nakarapatang magpalathala. Paki-klik ito upang matutunan kung paano ka maaring gumawa ng isang buwan-buwanang donasyon upang tulungan kami sa dakilang gawaing ito ng pagkakalat ng Ebanghelyo sa buong mundo, kasama ang mga Muslim at mga Hindu na mga bansa.
Tuwing nagsusulat kay Dr. Hymers, laging sabihin sa kanya kung anong bansa ka nakatira, o hindi ka niya masasagot. Ang email ni Dr. Hymers’ ay rlhymersjr@sbcglobal.net .
TSINA – SILA AY DARATING MULA SA SILANGAN! CHINA – THEY SHALL COME FROM THE EAST! ni Dr. R. L. Hymers, Jr. Isang pangaral na ipinangaral ng Umaga sa Araw ng Panginoon, “At sila’y magsisipanggaling sa silanganan at sa kalunuran, at sa timugan at sa hilagaan, at magsisiupo sa kaharian ng Dios” (Lucas 13:29). |
Sa magkaagapay na sipi, sa Mateo 8:5-13, pinagaling ni Kristo ang utusan ng isang Romanong senturiyon na isang Gentil. Sa pagkakataong ito ibinigay ni Kristo ang mga salita sa ating teksto, yamang ito ay inulit sa Lucas 13:29, humihinggil sa pagbabagong loob ng maraming mga Gentil sa lahat ng bahagi ng mundo.
“At sila’y magsisipanggaling sa silanganan at sa kalunuran, at sa timugan at sa hilagaan, at magsisiupo sa kaharian ng Dios” (Lucas 13:29).
Sinabi ni Dr. John Gill (1697-1771) tungkol sa bersong ito,
“At sila’y magsisipanggaling…” mula sa lahat ng bahagi ng mundo, mula sa bawat bansa sa ilalim ng mga langit; ibig sabihin ang mga Gentile…ang mga ito’y “magsisipanggaling sa silanganan at sa kalunuran”: mula sa pagsikat ng araw, hangang sa pagbaba ng pareho (Isaias 45:6; Malakias 1:11; Mateo 8:11) “at mula sa hilagaan, at mula sa timugan”: mula sa pinaka malayong mga bahagi ng mundong tinitirahan ng mga tao; tignan ang Isaias 43:5-6. Ang Diyos ay mayroong mga napili…sa lahat ng bahagi ng mundo; at gayon ang kanyang Ebanghelyo ay dapat mapangaral sa lahat ng bansa, para sa pagsasama-sama nila sa loob, alin ay dapat magawa sa isang huling araw (isinalin mula sa isinulat ni John Gill, D.D., An Exposition of the New Testament, The Baptist Standard Bearer, 1989 reprint, vol. I, p. 628; note on Lucas 13:29).
Buhat ng nagsimula ang Olimpiko ng Biyernes, ika-8 ng Agosto taon 2008, ang isipan ng mundo ay nasa Tsina. Ang mga salita ni Kristo ay pumapasok sa isipan, “At sila’y magsisipanggaling sa silanganan at sa kalunuran” (Lucas 13:29). Narito ay isang maikling dibuho ng kasaysayan ng Kristiyanismo sa Tsina.
Di natatagalang arkeyolihikong patunay ay nagbubunyag na ang Kristiyanismo ay unang dinala sa Tsina ng 86 A.D., sa panahon ng buhay ng Apostol na si Juan. Ang ebanghelyo ay tinanggihan ng mga Tsino sa panahong iyon. Dinala ng mga Nestoriyanong mga Kristiyano ang ebanghelyo ng pangalawang beses sa Tsina ng 635 A.D., sa ilalim ng pangangaral ni Alopen at mga iba pa. Ang Kristiyanismo ay nakakuha ng kapit pagkatapos ay nagpatuloy ng mga isang daan at anim na pu’t limang taon. Sa pang-siyam na siglo ang mga Nestoriyanong Kristiyano ay pinag-usig at tinapos ang pamamalagi bilang isang kilusan, kahit na ang ilan sa kanilang mga gusaling simbahan ay hangang ngayon nakatayo pa rin.
Pagkatapos sa taong 1807 ang Kristiyanismo ay napakilala sa Tsina sa pangatlong beses, noong ang taga Britanyang misiyonaryong si Robert Morrison ay umabot sa Macao at isinalin ang Bibliya sa Tsino. Bininyagan niya ang isang Tsinong napagbagong loob bago ng kanyang kamatayan sa taon 1834. Walong taon ang nakalipas ang Kasunduan ng Nanjing ng taon 1842 ay nagpahintulot ng mga banyagang misiyonaryong pumasok ng Tsina ng Malaya. Nangangaral mula Bibliyang isinalin sa Tsino ni Morrison, ang mga misiyonaryo ay nagsimulang makakita ng mga bilang ng mga pagbabagong loob. Dalawam pu’t tatlong taon ang nakalipas, sa taon 1865 ang taga Britanyang misiyonaryo si James Hudson Taylor ay nagsimulang magtatag ng una sa 205 ng kanyang mga estasiyong pangangaralan (o mga misiyon) sa kalaliman ng loob ng Tsina. Para sa gawaing ito, ang ilan ay tinawag si Hudson Taylor na “Apostol sa Tsina.” Mga taong 1928 ang bilang ng mga misiyonaro sa Tsina ay nasa pinaka mataas 8,325. Libo-libong mga Tsino ay napagbagong loob kay Kristo sa ilalim ng kanilang mapagpasakit na pangangasiwa.
Ang mga Komunista ay dumating sa kapangyarihan sa taon 1949 at nagsimulang magpatalsik ng lahat ng mga banyagang misiyonaryo. Isa sa mga huling taga Britanyang misiyonaryong umalis (posibleng ang pinaka huli) ay si Binibing Gladys Aylward, isang Ingles na misiyonaryo na kanyang magiting na kwento ay inihayag sa isang pelikulang pinamagatang “Inn of the Sixth Happiness.” Nagkaroon ako ng karangalang madinig si Binibinig Alyward sa kanyang katauhan sa loob ng tatlong oras noong 1962. Ito’y testimonyong nakagigising ng kaluluwang, naaalala ko ng higit ang sinabi niya ngayon, mga higit pa kaysa apat na pung taon ang natapos. Nakagawa siya ng isang pagkabisa sa akin na aking itinalagang muli ang aking buhay bilang isang misiyonaryo sa mga Tsino pagkatapos ko siyang marinig magsalita, noong ako ay dalawam pu’t isang taong gulang.
Na ang lahat ng mga banyagang misiyonaryo ay napatalsik nila mula sa Tsina, ipinagbawal ngayon ng mga Komunista ang ordinasyon ng mga Tsino sa kanilang sarili. Hindi nagtagal bago nito ang aking dating pastor, si Dr. Timothy Lin, ay umalis ng Tsina upang mag-aral ng teolohiyo at Semitikong mga wika sa Estados Unidos. Natutunan ng lubos kong anong nangyari sa Tsina, bago sumakop ang mga Komunista, diretso mula kay Dr. Lin, na ngayon ay malapit ng 98 taong gulang. Bago dumating upang ipastor ang aming Tsinong simbahan sa Los Angeles, nagturo si Dr. Lin ng Hebreo sa pagtatapos na departamento sa Unibersidad ng Bob Jones ng maraming taon. Pagkatapos dumating si Dr. Lin upang ipastor ang aming Tsinong simbahan sa Los Angeles. Ang pangangasiwa ni Dr. Lin ay nakagawa ng malalim na pag-epekto sa aking buhay noong mga taon ng 1960, na ako ay habang buhay na nagpapasalamat. Tinuruan niya akong magkaroon ng kumpletong pananampalataya sa Bibliya bilang pinaka Salita ng Diyos. Ang ama ni Dr. Lin ay naging isang pastor din, sa lumang Tsina, bago ang rebolusiyon noong 1911.
Pinagbawal ng mga Komunista ang kahit sinong Tsino mula sa pagkaka-ordina sa pangangasiwa sa gitna ng 1955 at 1985. Ang mga ordinasiyon ay dapat gawin ng sekreto sa gitna noong mga sekretong “bahay simbahan” [“house church”] kilusan. Noong 1995 ipinagbawal ng mga komunista ng tinatawag nilang mga “masasamang kulto” [“evil cults”] sa bahay simabahang kilusan. Ibinigay nila ang pangalang “masasamang kulto” sa mga pinaka magagaling na mga Kristiyano sa Komunistang Tsina!
Si Jonathan Chao ay nagkaroon ng isang artikulo sa Reformation Today (Nobiyembre-Disiyembre taon 2000) alin sinabi niya, “Sa Tsina, ang Protestanteng Simbahan ay lumago ng isang daang beses sa loob ng huling limam pung taon (1950-2000) sa ilalim ng mahirap na kalagayan at isang marahas na kapaligiran. Ang kapaligiran ay naging isang pag-uusig ng mga ateyistikong [Komunistang] pamamahala” (isinalin mula sa Reformation Today, Nob.-Dis. 2000, p. 3).
Nagpatuloy si Chao sa pagsasabing, “Noong Enero ng 1950…maryroong 834,000 na mga Protestanteng…miyembro. Ngayon, habang walang mapagkakatiwalang pag-aaral na makuha, isang napag-aralang hula ang maglalagay sa bilang ng mga nananampalataya sa malapit na 85 milyon…70 milyon ay nahahanap sa isang paghahalo ng mga bahay simabahang nakakalat sa buong lupain” (isinalin ibid.). [Ang mga numerong ito ay mas higit na mas mataas ngayon, pagkatapos ng sampung taon.] Tinapos niya sa pagsasabi na “Ngayon iniulat na ipinapakita sa Hilaga at Hilagang-silangang Tsina na mayroong isang simbahan sa bawat barangay” (isinalin ibid.).
Nagsabi ni Chao ng tungkol sa kakaibang paglago ng mga simbahan sa Tsina sa ilalim ng matinding pag-uusig. Binanggit niya ang mga nanampalatayang pastor gaya ni Wang Mingtao (1900-1991) na nabilanggo ng dalawam pu’t tatlong taon dahil sa pangangaral ng ebanghelyo; si Yuan Xiangcheng ng Beijing, na nabilanggo ng dalawam pung taon, at nagpastor ng isang simbahan buhat ng 1979; si Xie Moshan ng Shanghai, na nabilanggo ng dalawam pung taon; at si Samuel Lam ng Guangzhou, na nagpalipas ng 20 taon sa bilangguan dahil sa pangangaral ng ebanghelyo ni Kristo.
Ang mga pambihirang mga pastor na ito, at libo libong iba pang mga lubusang dibotong mga Tsinong Kristiyano ay nagdala ng mga Tsinong simbahan sa isang sumasabog na muling pagbabangon, ang pinaka matinding muling pagbabangon sa lupa sa loob ng huling pitom pu’t limang taon.
Sinabi ni Jonathan Chao, “Bilang isang mag-aaral ng pag-aaral ng mga Tsinong simbahan, masasabi ko na ang nagpapatuloy na paglaganap ng mga simbahan sa Tsina ay nalampasan na ang dulo ng kakayahan ng [Komunistang] pamahalaang pigilin ito. Mayroon ng mas maraming mga Kristiyano kaysa mga miyembro ng [Komunistang] partido, ilan ay bumabaligtad kay Kristo” (isinalin ibid.).
Ang tagumpay ng makapangyarihang muling pagbabangon ay nakamamangha, lalo kapag maisip mo ang kinailangang tiisin ng mga pinaka matinding paghihirap ng maraming mga Tsinong Kristiyano. Ang lugar sa internet na religiousfreedomforchina.org/English (Nobiyembre 24, 2002) ay nagbigay ng ulat na ito na naglalarawan na nangyari sa libo libong iba pa sa Tsina:
• Sa lokal na estasyon ng pulis, tinanong at pinahirapan sila ng pulis. Ng may Bibliya sa kanyang kamay na nahanap niya mula kay Yuxi Wei, sumigaw si Yang Zhang kay Wei, “Saan mo ito nakuha? Sino ang iyong pinuno?” Bago pa magkaroon si Wei ng pagkakataong sumagot, hinampas ni Zhang ng maraming beses ang kanyang mukha, at pagkatapos ay gumamit ng isang de-kuryenteng batute ng pulis upang paluin ang tainga ni Wei. Nakikitang umuungol si Wei sa palo, sumigaw si Zhang, “Kailangang pahirapan ka namin dahil naniniwala ka sa Diyos.” Pagkatapos sinabihan niya ang isa pang pulis, “Pumunta ka’t tignan mo kung ano ang nangyayri kay Xiang. Paluin mo siya sa kamatayan kung tatangi siyang umamin!”
Ang Christian Persecution Magazine (http://www.christianpersecution.info/) ay nagbibigay ng isang listahan ng mga pag-uusig sa taong ito (2008) sa Tsina. Ang mga pag-uusig na ito laban sa mga Kristiyano ay nangyari sa mga buwan at mga linggo bago ng simula ng Olimpiko sa Beijing.
• Tsina: Pinatalsik ng mga Awtoridad ang Isang Pastor Mula sa Beijing Bago ng mga Palaro
Habang ang Pangulo ng Estados Unidos ay nasa kaganapan ng Olimpiko sa Beijing sa linggong ito at sa isang paglilingkod sa simbahan sa kapital sa sumunod na Linggo, pinatalsik ng mga Tsinong awtoridad ang pastor ng bahay simbahan na si Zhang Mingxuan mula sa lungsod sa kahabaan ng Palaro. Maraming ibang mga Kristiyano ang nanatili sa piitan o nakaharap sa nagpapatuloy na pag-uusig.
Dinagdag: ika- 6 ng Agosto, 2008 3:46 AM
• Ang kalagayan ng nagmamay-ari ng Kristiyanong tindahan ng mga librong si Shi Weihan ay lumalala sa kulungan
Ang nagmamay-ari ng tindahan ng mga libro at pinuno ng Bahay Simbahang si Gg. Shi Weihan, ay naghihirap sa kanyang lumalalang kalusugan buhat ng kanyang pagkabilanggo apat na buwan ang nakalipas.
Dinagdag: ika-1 ng Agosto, 2008 4:06 AM
• Isang Bahay Simbahang Pinuno sa Tsina ay “Nawalan ng tahanan” Pagkatapos Makapulong ang Kongreso Pagkakinatawan ng Estados Unidos
Isa sa pinakanirerespetong pinuno ng bahay simbahan ay nanatiling walang tahanan Linggo, ika- 20 ng Hulyo, kasama ang kanyang asawa pagkatapos silang patalsikin ng mga awtoridad mula sa kanilang tahanan sa Tsinong kapital na Beijing dahil sa pakikipagpulong sa isang Amerikanong Kongresiyonal pagkakinatawan, sinabi ng mga opisiyal ng isang grupo para sa mga karapatan.
Dinagdag: ika- 21 ng Hulyo, 2008 4:14 AM
• Kinondena ang isang Ebanghelikong Pinuno ng Dalawang Taong Pilitang Pagtrabaho
Isang ebanghelikong pastor na nagsanay ng mga Krisityanong misiyonaryo at nagebanghelismo sa hilagang kanlurang Tsina at Tibet ay kinondena ng dalawang taong pilitang pagtratrabaho dahil sa kanyang mga gawaing pang-Kristiyano, sinabi ng mga imbestigador.
Dinagdag: ika-10 ng Hulyo, 2008 3:31 AM
• Ipiniit ng Tsina ang Bahay Simbahang Misiyonaryo at mga Kapawa-manggagawa
Isang importanteng miyembro at misiyonaryo ng isang hindi opisyal na ‘bahay simbahan’ sa Probinsiyang Heilongjiang ng Tsina ay humarap ng mga kahirapan Lunes, ika-7, upang magbigay puri kasama ang kapawa mananampalataya pagkatapos siyang ipiniit ng mga puwersa ng Tsinong seguridad at ng dalawang kapawa manggagawa, sinabi ng mga kinatawan.
Dinagdag: ika- 8 ng Hulyo, 2008 2:38 AM
• Sinugod ng Puwersa ng mga Tsinong Seguridad ang Bahay Simbahan sa Minahan ng Uling
Sinugod ng puwersa ng mgaTsinong seguridad ang isang bahay simbahan sa isang minahan ng uling sa Probinsiyang Gansu ng Tsina at ipiniit ang maraming mga Tsino bilang bahagi ng isang paglilinis ng mga hindi awtorisadong pagsasambang paglilingkod sa Komunistang bansa, isang Kristiyanong grupo para sa mga karapatan ang nagsabi Lunes, ika- 30 ng Hunyo.
Dinagdag: ika-1 ng Hulyo, 2008 1:32 AM
• Inurong ng Tsina ang Pagdinig sa Korte Ng Mahinang Pinuno ng Bahay Simbahan
Isang mahina [masakitin] kilalang pinuno ng bahay simbahan at may-ari ng Kristiyanong tindahan ng mga libro na napiit na ng tatlong buwan ay nanatili sa isang Tsinong bilangguan Linggo, ika-22 ng Hunyo, pagkatapos ng isang pagdinig sa korte ay hindi inaasahang mauurong, sinabi ng mga Tsinong Kristiyano.
Dinagdag: ika- 23 Hunyo, 2008 2:49 AM
• Tsina: Nagmamay-ari ng Isang Tindahan ng mga libro ay Inaasahang Humarap sa Korte
Ang nagmamay-ari ng tindahan ng mga librong si Shi Weihan, ay piniit sa isang Tsinong bilangguan na wala ang kanyang mga gamot para sa diyabetes, ay inaasahang nasa korte Huwebes (ika-19 ng Hunyo) upang harapin ang sa ngayon ay hindi pa masabing mga pag-aakusa [konektado sa pagbebenta ng mga Bibliya at mga Kristiyanong libro].
Dinagdag: ika- 19 ng Hunyo, 2008 3:34 AM
• Ipiniit ng Tsina ang isang Pinuno ng Simbahang Inaasahang Makipagtagpo sa Opisiyal ng EU
Ang pangulo ng Alyansa ng Tsinong Bahay Simbahan, isang pangunahing punong grupo [umbrella group] ng mga sekretong simbahan, ay napiit kasama ang kanyang taga-pagpaliwanag habang siya ay papuntang makitagpo sa isang punong Uniyong opisiyal na Taga-Europa, sinabi ng kapwa Kristiyanong manggagawa.
Dinagdag: ika- 19 ng Hunyo, 2008 3:33 AM
• Ang Tsina ay Nagpapatuloy sa Paglilinis ng mga Bahay Simbahan Habang ang Bansa ay Tumatangis sa mga Biktima ng Lindol
Habang ang Tsina ay tumatangis Lunes, ika-19 ng Mayo, ilang 34,000 na mga tao ay pinatay sa isang malaking lindol, ang puwersa ng mga Tsinong seguridad, na gumagawa sa labas ng internasiyonal na kabatiran sa mediya, ay nagpatuloy ng isang paglilinis ng sekretong bahay simbahan, sinabi ng mga Kristiyano.
Dinagdag: ika- 20 ng Mayo, 2008 3:15 AM
• Ang Kristiyanong Taga Beijing na May-ari ng Tindahan ng mga libro ay Inaresto sa Tsina
Isang may-ari ng tindahan ng mga libro sa Beijing ay nasa likod pa rin ng mga rehas ng Sabado, ika-19 ng Abril, isang buwan pagkatapos siya nahuling muli dahil sa paglalathala ng mga Bibliya at Kristiyanong sulating, sinabi ng kanyang asawa.
Dinagdag: ika- 22 ng Abril, 2008 11:11 AM
• Ipiniit ng Tsina ang Dosenang mga Kristiyano Sa Xinjiang
Ang puwersa ng Tsinong seguridad ay pumiit ng dosenang mga Bahay Simbahang Kristiyano sa Malayang Rehiyon ng Xinjiang, pinipilit silang magpakita ng pagtatapat sa [Komunistang] gobryerno bilang bahagi ng paglilinis katulad ng isang kampanya laban sa mga mongheng taga-sunod ni Buddah malapit sa Tibet, sinabi ng mga tagabantay ng karapatan Huwebes, ika 17 ng Abril.
Dinagdag: ika- 18 ng Abril, 2008 10:04 AM
• Ipiniit ng Tsina ang mga Pinuno ng Bahay Simbahan Dahil sa Pamamalakad ng “Masamang Kulto”
Ang mga pinuno ng Bahay Simbahan at ibang mga Kristiyano ay nanatiling nakapiit Linggo, ika- 6 ng Abril, sa Probinsiyang Sichuan ng Tsina, sa mga akusa ng pamamalakad ng isang “masamang kulto” [ang Komunistang pangalan para sa mga ebanghelikong bahay simbahan] pagkatapos sugurin ng mga puwersa ng seguridad ang kanilang mga bahay simbahan at mga Paaralan ng Linggo, kapwa mga Kristiyano ang nagsabi.
Dinagdag: ika- 8 ng Abril, 2008 7:37 AM
• “Paglalaganap ng Pag-uusig sa Tsina”; Grupo Nagpapalusot ng Milyong mga Bibliya
Ang gobyerno ay nagsimulang sumugod sa Tsina laban sa mga Kristiyano at kanilang mga simbahan ay “ang pinaka malala sa loob ng ilang taon” na may isang “paglalaganap ng pag-uusig” iniulat sa buong Komunistang bansa, isang mahusay na nakaaalam na grupo ay binunyag ng Martes, ika- 1 ng Abril.
Dinagdag: ika- 2 ng Abril, 2008 10:39 AM
• Isang Tsinong Kristiyanong Ebanghelista ay Minaltrato Sa Muslim na Bilangguan
Isang Tsinong Kristiyano na nakondena ng 18 buwang pagkabilanggo nitong huling Nobiyembre dahil sa pamimigay ng mga maliliit na sulatin sa mga Muslim ay minaltrato sa isang Muslim…na bilangguan, isang Krisitiyanong ahensiya ng mga ulat ang nag-ulat Martes, ika- 18 ng Marso.
Dinagdag: ika- 20 ng Marso, 2008 10:21 AM
• Mga 7:00 sumunod na umaga, dumating si Xian Li, ang direktor ng partido ng Sanga ng Proteksiyong Pampolitika ng Departamento ng Seguridad ng Publiko ng bansa. Gumamit si Li ng isang balat na sinturong pamalo kay Kapatid na Cai hangang sa ang madugong pasa’y bumalot sa buong mukha niya at ibang bahagi ng kanyang katawan. Pagkatapos pinahigpitan nila siya sa isang bangko, at tinuturok siya gamit ang isang dekuryenteng linya. Hindi matiis ni Kapatid na Cai ang kuryente, at siya’y sumigaw at umungol. Pagkatapos ay sinipa siya ni Li sa sahig, at tumapak sa kanyang mukha, sumisigaw, “Puputulin ko ang iyong [maselang bahagi] kung hindi mo [tatanggihan] ang Diyos!” (isinalin mula sa religiousfreedomforchina.org/English, Nob. 24, 2002).
Gumugol si Pastor Richard Wurmbrand ng labin apat na taon ng paghihirap at pagdurusa sa isang Rumaniyang Komunistang bilangguan, kung saan nasaksihan niya ang dedikasyon ng maraming tinugis na mga Kristiyano. Nagkaroon ako ng karangalan na makilala si Pastor Wurmbrand ng mabuti. Nagsalita siya sa ating simbahan ng maraming beses, at ang aking asawa at ako ay naghapunan kasama siya at si Gng. Wurmbrand sa kanilang tahanan maraming taon na ang nakalipas. Sa kanyang librong, Tortured for Christ, sinabi ni Pastor Wurmbrand,
Dapat maintindihan na walang mga munti, mahina, maaligamgam na Kristiyano sa…Tsina. Ang halagang binabayaran ng mga Kristiyano ay malayong matindi. Ang sunod na puntong tandaan ay na ang pag-uusig ay laging nagbubunga ng isang mas-maiging Kristiyano – isang nagsasaksing Kristiyano, isang nagtatagumpay ng mga kaluluwang Kristiyano. Ang Kristiyanong pag-uusig ay bumaligtad at nagbungga ng mga seryoso, dedikadong mga Kristiyano mga ganoong malimit makita sa mga malayang lupain [tulad ng Amerika]. Ang mga taong ito’y hindi maintindihan kung paanong ang kahit sino ay maaring maging isang Kristiyano at hindi gustong mapanalunan ang bawat kaluluwang masalubong [kay Kristo] (isinalin mula sa isinulat ni Rev. Richard Wurmbrand, Tortured for Christ, Diane Books, 1976, p. 105).
Aking panalangin na ika’y maging katulad ng mga dedikadong Kristiyano sa Tsina, hindi katulad ng maraming mga mahihinang ebangheliko sa Estados Unidos! Upang maging katulad ng mga dedikadong Krsitiyano sa Tsina, dapat kang maging napagbagong loob. Dapat humarap ka ng buong puso kay Hesu-Kristo, at pagkatiwalaan Siya mag-isa. Namatay Siya sa Krus upang bayaran ang multa ng iyong mga kasalanan. Binuhos Niya ang Kanyang Dugo para ang iyong mga kasalanan ay mahugasang malinis. Bumangon Siya ng pisikal mula sa pagkamatay, at ngayon ay buhay – nakaupo sa kanang kamay ng Diyos Ama – sa taas sa Langit. Lumapit kay Kristo. Manampalataya sa Kanya. Maging napagbagong loob. At pagkatapos, buhayin ang Kristiyanong buhay ng may parehong dedikasyon katulad noong mga nasa Tsina. Magpunta sa simbahan bawat umaga ng Linggo at bawat gabi ng Linggo, katulad nila. Magpunta’t magebanghelismo, katulad ng ginagawa nila. Magpunta sa mga pananalanging pagpupulong, gaya ng ginagawa nila. Buhayin mo ang iyong buhay para kay Hesu-Kristo – gaya nila!
Lampas sa isang daang taong nakalipas, sinulat ni Horatius Bonar ang isang himno na naghahayag ng dedikasyon ng mga Tsinong Kristiyano ngayon. Pabayaang ang kanyang himno’y magpalakas ng loob mong buhayin ang iyong buhay para kay Kristo gaya nila sa Tsina!
Humayo’t , kumayod; gumugol, at magpagugol,
Iyong ligayang gawin ang kagustuhan ng Ama:
Ito ang daang dinaanan ng Panginoon;
Hindi ba dapat utusa’y lakarin ito pa rin?
Humayo, kumayod habang ito’y araw pa:
Ang madilim na gabi ng mundo ay tumutulin;
Dalian, dalian iyong kayod, alisin ang katamaran;
Hindi sa ganito nakapapanalo ng mga kaluluwa.
Kumayod, huwag manghina, magbantay ay manalangin,
Maging matalino ang namamaling kaluluwa upang mapanalunan;
Humayo sa loob ng langsangan ng mundo,
Udyokin ang mga gumagalang pumasok.
(“Humayo’t, Kumayod; Gumugol, at Magpagugol”
isinalin mula sa “Go, Labor On; Spend, and Be Spent”
ni Horatius Bonar, 1808-1889).
Naway tulungan ka ng Diyos gawin ito! Amen.
(KATAPUSANG NG PANGARAL)
Maari ninyong mabasa ang mga sermon ni Dr. Hymers linggo-linggo sa Internet
sa www.realconversion.com. I-klik ang “Mga Pangaral sa Tagalog.”
Banal na Kasulatan na Binasa Bago ang Pangaral ni Dr. Kreighton L. Chan: Mateo 8:5-13.
Kumantang Mag-isa Bago ang Pangaral si Gg. Benjamin Kincaid Griffith:
“Humayo’t, Kumayod; Gumugol, at Magpagugol” isinalin mula sa
“Go, Labor On; Spend, and Be Spent” (ni Horatius Bonar, 1808-1889).