Ang mga pangaral na manuskrito at mga videyo ay ngayon lumalabas sa 1,500,000 na mga kompyupter sa lampas na 221 na mga bansa kada taon sa www.sermonsfortheworld.com . Daan-daang iba ang nanonood ng mga videyo, sa YouTube, ngunit di nagtatagal ay iniiwan ang YouTube at nagpupunta sa aming websayt, dahil bawat pangaral ay nagtuturo sa kanila papalyo mula sa YouTube tungo sa aming websayt. Ang YouTube ay nagdadala ng mga tao sa aming websayt. Ang mga pangaral na manuskrito ay ibinibigay sa 46 na mga wika sa halos 120,000 na mga kompyuter kada buwan. Ang pangaral na manuskrito ay hindi nakarapatang magpalathala, kaya nagagamit ng mga mangangaral ang mga ito na walang pahintulot. Mayroong daan-daang mga videyo ni Dr. Hymers at ng kanyang mga estudyanteng nangangaral. Ang mga manuskrito ay hindi nakarapatang magpalathala, ngunit lahat ng mga videyo nakarapatang magpalathala. Paki-klik ito upang matutunan kung paano ka maaring gumawa ng isang buwan-buwanang donasyon upang tulungan kami sa dakilang gawaing ito ng pagkakalat ng Ebanghelyo sa buong mundo, kasama ang mga Muslim at mga Hindu na mga bansa.
Tuwing nagsusulat kay Dr. Hymers, laging sabihin sa kanya kung anong bansa ka nakatira, o hindi ka niya masasagot. Ang email ni Dr. Hymers’ ay rlhymersjr@sbcglobal.net .
TSINA – ANG PINTUAN AY BUKAS! CHINA – THE DOOR IS OPEN! ni Dr. R. L. Hymers, Jr. Isang pangaral na ipinangaral ng Umaga sa Araw ng Panginoon, “Inilagay ko sa harapan mo ang isang pintuang bukas, na di mailalapat ng sinoman, na ikaw ay may kaunting kapangyarihan” (Apocalipsis 3:8). |
Sinabi ni Dr. McGee, nauukol sa bersong ito,
Sa isang araw kapag ang pagkadyos ni Kristo ay malinaw na ikinakait ng mga seminaryo at mga pulpito, narito’y isang grupo ng mga naniniwala na nanatiling totoo sa Kanya sa paglalahad ng Diyos-tao at Kanyang pakikipagpalit na kamatayan para sa mga makasalanan. Ang simbahang ito sa Philadelphia ay napangalanan ng maraming mga bagay. Ang ilan ay tinatawag itong misyonaryong simbahan; ilan ay tinatawag itong naglilingkod na simbahan; ilan ay tinatawag itong isang buhay na simbahan – lahat ng mga ito ay wagas. Para sa akin gusto ko itong tawaging ang muling bumangong simbahan (isinalint mula sa isinulat ni J. Vernon McGee, Th.D., Thru the Bible, Thomas Nelson Publishers, 1983, volume 5, p. 918; kumento sa Apocalipsis 3:8).
Iyan ay isang kagilagilalas at totoong komento sa simbahan sa Philadelphia. Sinabi ni Kristo, “ikaw ay may kaunting kapangyarihan.” Ang Griyegong salitang naisaling “kapangyarihan” ay “dunamin,” isang uri ng “dunamis.” Nakuha natin ang Ingles na salitang “dynamite” mula sa Griyegong salitang iyan. Hindi Niya sinabi na wala silang kapangyarihan. Sinasabi Niya na mayroon silang kakaunting dunamis, kakaunting kapangyarihan, kakaunting kapangyarihan ng Diyos. At malayo ang mararating ng isang kakaunting dunamis! Isang maliit na dinamita ay kayang pasabugin ang isang malaking gusali. At ang kakaunting kapanyarihan ng Diyos ay kayang pasabugin ang mga pader at mga balakid na inilalagay ng tao sa daan, upang patigilin ang muling pagbabangon at paglaganap ng Ebanghelyo.
Kapag ang dunamis ng Diyos, ang Kanyang kapangyarihan, ay bababa, nagbubukas Siya ng mga pintuan na hindi kailan man mabubuksan ng tao. Sa katunayan, saktong iyan ang sinabi ni Kristo sa unang berso. Inilalarawan niya ang kapangyarihan ng Diyos bilang,
“Niyaong nagbubukas at di mailalapat ng sinoman, at naglalapat at di maibubukas ng sinoman” (Apocalipsis 3:7).
Nagbubukas siya ng mga pintuan na hindi kailan man mabubuksan ng tao, at Siya rin ang nag-sasara ng pintuan. At kapag sinarado Niya ang mga ito, hindi ito mabubuksan ng tao, kahit na anong hirap niyang subukan.
Sa tinggin ko nakikita natin ang saktong larawan nito ngayon kapag tinitignan natin ang espiritwal na kalagayan ng Amerika at ikumpara ito sa Tsina. Mayroon tayong dalawampu’t-apat-na-oras-bawat-araw na “Kristyanong” telebisiyon sa Amerika. Marami tayong mga naglalakihang mga simbahan. Mukhang mayroon tayo ng lahat ng ito! Ngunit mayroong isang naka-aalarmang kababawan sa karamihan ng Amerikanong Kristyanismo. Gaya ng sinabi ni Dr. McGee, kahit ang maraming mga simbahan dito sa Amerika at sa Kanluran ay ikinakaila ang “pagkadyos ni Kristo.”
At nakawiwiling panoorin ang lahat ng iba’t ibang mga pakana ng mga Amerikanong pastor na sinusubukang gamitin upang makuha ang mga taong pumunta sa simbahan. Ang ibig kong sabihin, sinusubukan nila ang bawat posibleng paraan na manipulahin ang mga taong pumunta. Ngunit mukhang wala sa mga ito ang mabisa. Ang dahilan ay ibinigay sa berso pito,
“Niyaong nagbubukas at di mailalapat ng sinoman, at naglalapat at di maibubukas ng sinoman” (Apocalipsis 3:7).
Tignan mo, mukhang isinasara ng Diyos ang pintuan sa karamihan ng mga simbahan sa Amerika – “at di maibubuksan ng sinoman”! Walang tao ang makabubukas ng pintuan sa umaapaw na muling pagbabangon sa Amerika dahil sa pinaka simpleng dahilan – isinara ng Diyos ang ang pintuan! Iyan ay isang madaling pahayag ng katunayan. At makikita nating, “di maibubukas ng sinoman.” Iyan ay, walang tao ang maka-iisip kung paano “makukuha” ang Diyos na magpadala ng muling pagbabangon. Ang Diyos ay ang Kanyang sariling hari. Nagbubukas Siya. Nagsasara Siya. Hindi magagawa ng taong gawin ng Diyos ang gusto niya! Gagawin ng Diyos ang gustuhin Niya, at ang Diyos, sa kasalukuyang panahon, ay di gustong buksan ang pintuan ng pagpapala sa mga simbahan ng Amerika. At walang taong kaya Siyang pilitin na gawin Niya ang napagpasiyahan Niya nang hindi gawin – dahil Siya ang hari ng Kanyang sarili! Hiling ko na mas marami pang mga mangangaral ay makaiintindi niyan! Na ang Diyos ay ang hari ng Kanyang sarili. Na ang ibig sabihin nito ay hindi mo Siya makukuhang gawin ang gustong mong gawin Niya – liban na lang na magpasiya Siyang gawin ito Mag-isa. Hindi ka papasok sa litrato sa kahit anong paraan – dahil ang Diyos ay ang Kanyang Sariling hari. Ngunit para sa akin mukhang karamihan sa ating mga mangangaral dito ay hindi ito “[nakukuha].” Iniisip pa rin nila na isang bagong “paraan” o “pakulo” ay “mabisa.” Aking kaibigan, wala talagang “mabisa” ngunit ang Espiritu ng Diyos – at Siya ang nagpapasiya na maranasan mo o hindi ang muling pagbabangon! Hindi ikaw ang magpapasiya!
Ngunit ngayon nakikita natin ang saktong kabaligtaran ng nangyayari sa Republika ng Tsina! Dito sa Amerika nakikita natin sa harap ng ating mga mata ang pagtalikod sa dating pananampalataya ng maraming mga simbahan. Ngunit sa Tsina nakikita natin ang saktong kabaligtaran! Ito ay nauulat kahit saan. Sinabi ni Franklin Graham, ang anak ni Billy Graham na ang mga simbahan sa Tsina ay “lumaki ng napakalaki sa sariwang mga dekada. Halos ipinagbawal sa ilalim ng Rebolusyong Kultural ni Mao, ang mga Kristyano ngayon ay mabibilang na 40 milyon o higit pa [ilan ay nagsasabing kasing dami ng 130 milyon] – at sila ay rumarami pa.” [Aking sinisipi pa rin si Franklin Garaham.] “Sa gitna ng paglago ay isang dedikasyon ng mga ordinaryong mga Kristyano upang ‘gawin ang trabaho ng isang ebanghelista’ (isinalin mula sa II Timothy 4:5)…[Ang mga Kristyano sa Tsina ay] itinulak paharap dahil sa mga tagasunod ni Kristo [doon] ay naging matapang sa kanilang pananampalataya, minsan ay ibinubuwis ang kanilang buhay para kay Kristo” (isinalin mula sa isinulat ni Franklin Graham, Decision Magazine, Hulyo/Agosto 2008, p. 40). Iyang uri ng pagsisikap para sa pag-eebanghelismo ng mga nawawala ay bigay ng Diyos, at wala tayo masyado nito dito sa Amerika. (Ilang mga tao sa karamihan ng mga Amerikanong simbahan ay kailanman nagdadala ng mga nawawala kasama nila upang marinig ang pangangaral?) Ngunit ang mga Tsino ay may matinding pagsisikap upang mag-ebanghelismo ng mga nawawala – at ito ay isang ibinigay ng Diyos na pagsisikap! Ang Diyos Mag-isa ay nagpapasigla ng mga Tsinong gawin ang Tsinang isang Kristiyanong bansa sa harap ng mga mata ng mundo!
Ang mabilis na paglaki ng Kristiyanismo sa Tsina ay nakaapekto kahit sa mga pinuno ng mga Komunistang Partido doon. Iniulat ng Christianity Today ang sinabi ng Komunistang pangulo ng Tsinang si Hu Jintao sa isang di pa natatagalang talumpati, “Ating…gagamitin ang positibong tungkulin ng relihiyosong mga tao at mga mananampalataya [basahin – “mga Kristiyano”] sa pag-eendorso ng ekonomikal at sosyal na pagsulong” (isinalin mula sa Christianity Today, Mayo 2008, p. 31). Iyan ay isang tunay na nakamamanghang salaysay mula sa Komunistang pangulo ng Tsina! Ipinapakita niyan na nakikita niya ang pagdaluhong ng muling pagbabangong dinadala ang mga libo-libong mga Tisno sa Kaharian ng Diyos, at gusto niya ang kanilang tulong “sa pageendorso ng ekonomikal at sosyal na pagsulong.” Sino kailan man ang maka-iisip na ang isang Komunistang pangulo ng Tsina ay magsabi ng mga ganoong mga bagay ng tahasan sa isang malawakang-lantad na talumpati? Sinasabi sa artikulo ng Christianity Today na maraming mga miyembro ng Komunistang Partido sa Tsina mismo ay nagiging mga Kristiyano! (isinalin ibid.). Sinasabi sa artikulo ng Christianity Today, “Ang mga tao sa Tsina ay gutom tanggapin si Hesus. Nabuksan na ng Espiritu Santo ang kanilang mga puso. Ang mga tao ay nagmamadali sa simbahan” (isinalin ibid.). Ito ay gawa ng Diyos! Hindi ito gawa ng tao! Para sa Tsina, sinasabi ni Kristo,
“Narito, inilagay ko sa harapan mo ang isang pintuang bukas, na di mailalapat ng sinoman, na ikaw ay may kaunting kapangyarihan” (Apocalipsis 3:8).
Kahit sa “mababang” bilang, tinantiya ni Franklin Graham, nasa 40 milyong mga bagong napagbagong loob [kahit na siguradong masmataas ito kaysa diyan] ang bilang ng mga Tsinong mga Kristiyano ay mas higit na mas malayo kaysa sa malaking Southern Baptist Convention, at maraming iba pang malaking Amerikanong denominasyon na ipinagsama, mas higit sa bilang na mas malayo kaysa sa lahat ng mga Katimugang Bautismong, Karismatiko, at iba pang mga Amerikanong ebangheliko na pinagsama! Masasabi lamang natin, kasama ang Panginoong Hesu-Kristo,
“Ito'y mula sa Panginoon, At ito'y kagilagilalas sa harap ng ating mga mata?” (Mateo 21:42).
Maaring magsitayo at kantahin ang Pagpupuri sa Diyos [Doxology], at magbigay puri sa Diyos para sa makapangyarihang muling pagbabangon sa Tsina – at sa buong Asiya at ang “Pangatlong Mundo.” Kantahin ito ng may pagpupuri sa Diyos para sa Kanyang kapangyarihan at lakas sa matinding muling pagbabangon na ito!
Purihin ang Diyos sinong pinagmulan ng lahat ng pagpapala,
Purihin Siya lahat ng nilalang dito sa ibaba!
Purihin Siya sa itaas, kayong kalangit-langitang masa,
Purihin ang Ama, Anak at Espiritu Santo. Amen.
Magpatuloy tayong magdasal para sa muling pagbabangon sa Tsina at sa buong Asiya at “Pangatlong Mundo.” Tayo na’t magdasal para sa kapangyarihan ng Diyos na panatilihing bukas ang mga pintuan doon sa mga malalayong mga lupain. Tayo na’t magdasal sa Kanya
“nagbubukas at di mailalapat ng sinoman, at naglalapat at di maibubukas ng sinoman” (Apocalipsis 3:7).
Magdasal tayo ngayon din, bawat isa sa inyo sa sarili ninyong wika, para magpatuloy ang Diyos magpadala ng ebanghelistiko, nagtatagumpay ng mga kaluluwang muling pagbabangon sa buong Tsina at Asiya! (pananalangin ng kongregasiyon). Maari magsi-upo.
Ngayon mayroon pa akong isang kaisipan na importante sa ating sariling simbahan. Natagpuan namin na sa di natatagalang mga buwan na mga Tsino at ibang mga Asiyanong kabataan dito ay mas bukas sa Ebanghelyo kaysa sa iba dito sa Los Angeles. Naniniwala ako na ang muling pagbabangon sa Asiya ay “umaapaw” sa mga Asiyano sa ating lungsod. Ito’y ang oras para sa ating bumangon at gawin ang lahat ng makakayang dalhin ang mga Tsinong ito, at ibang mga Asiyanong kabataan, sa ating sariling simbahan, upang maghandog sa kanila gamit ang Ebanghelyo, sabihin sa kanila na si Hesus ay namatay sa Krus upang bayaran ang kanilang mga kasalanan, sabihin sa kanila na Siya ay bumangon ng pisikal mula sa katamayan at ngayon ay nakaupo sa kanang kamay ng Diyos sa Langit, sabihin sa kanila na ang Kanyang mahalagang Dugo ay kayang hugasan ang kanilang mga kasalanan, sabihin sa kanila na maari silang maligtas sa pagtitiwala sa Kanya, at magdadala sa kanila sa isang tunay na pagbabagong loob kay Kristo Hesus, mabinyagan sila sa loob ng samahan sa ating simbahan, at pagkatapos at sanayin silang lumabas sa mga kalye at mga kolehiyo ng Los Angeles upang magdala ng mas marami pang mga Asiyanong kabataan upang mapuno ang simbahan na ito at gawin ang simbahang itong isang kumikibot, masigasig na sentro ng ebanghelismo at pagbabagong loob para sa Kaharian ng Diyos! Ang Diyos ay kumikilos! Huwag tayong magpigil. Naway ang Espiritu ng Diyos ay magpakilos sa ating dalhin sila mula sa parang ng kasalanan, upang dalhin ang mga gumagala kay Hesus!
Maraming mga Tsino at ibang mga Asiyanong kabataan dito sa ating simbahan na andito sa unang beses ngayong umaga. Mayroong ibang mga nagpupunta ng iilang linggo lamang. Ang aming hinihingi sa iyo ay ito – umangkas sa tren ng Ebanghelyo. Maging bahagi ng masigasig ng Pangatlong Mundo ng Diyos sa isang kritikal na panahon sa kasaysayan. Lumapit ng pus pusan sa loob ng aming simbahan. Huwag ka lang pumunta ngayon at tapos ay sa umaga ng Linggo! O hindi! Bumalik sa gabi ng Linggo! Pumasok sa loob ng simbahan, at siguraduhing ikaw ay napagbagong loob kay Hesu-Kristo! At kapag ikaw ay napagbagong loob, magpabinyag. Maging isang lubos na miyembro ng simbahang ito, at magtrabaho agad agad sa pageebanghelismo ng iba pa! Dalhin ang iyong mga kaibigan sa simbahan. Dalhin ang iyong mga kaklase sa simbahan. Tulungan kaming gawin ang simbahang itong isang malaking sentro ng pag-aabot para sa mga kabataang Asiyanong, at iba pa, dito sa Baptist Tabernacle ng Los Angeles! At naway ang Diyos, sa Kanyang haring pagpapala’y, tulungan kang gawin ito para sa Kanyang luwalhati! Magsitayo tayo at kantahin ang tula ni Oswald J. Smith, “Mag-ebanghelismo! Mag-ebanghelismo!” na aking binago ng kaunti at inilagay ang mga salita sa, “At Maari Ba Itong Maging?” [“And Can It Be”] ni Charles Wesley,
Bigyan kami ng sagisag para sa oras, Isang masigasig na salita,
Isang salita ng kapangyarihan,
Isang hiyaw ng labanan, isang umaapoy na hininga
Na tumatawag sa pananakop o sa kamatayan.
Isang salitang magpapakilos sa simbahan mula sa pananahimik,
Upang tignan ang malakas na hiling ng Panginoon.
Ang tawag ay ibinigay, Kayong mga masa, magsibangon.
Ang ating sagisag ay, mag-ebanghelismo!
Ang masayang ebanghel ngayon ay nagproklama,
Sa lahat ng lupa sa ngalan ni Hesus;
Ang salitang ito ay kumakalembang sa mga himpapawid:
Mag-ebanghelismo! Mag-ebanghelismo!
Sa mga namamatay na mga tao, isang bumagsak na lahi,
Ipakilala ang kaloob ng Ebanghelyong biyaya;
Ang mundo na ngayon sa kadiliman ay nakahimlay,
Mag-ebanghelismo! Mag-ebanghelismo!
(“Mag-ebanghelismo! Mag-ebanghelismo! Isinalin mula sa
“Evangelize! Evangelize!” ni Dr. Oswald J. Smith, 1889-1986;
sa tono ng “At Maari Ba Itong Maging?”
isinalin mula sa “And Can It Be?” ni Charles Wesley, 1707-1788).
“Narito, inilagay ko sa harapan mo ang isang pintuang bukas, na di mailalapat ng sinoman, na ikaw ay may kaunting kapangyarihan” (Apocalipsis 3:8).
(KATAPUSANG NG PANGARAL)
Maari ninyong mabasa ang mga sermon ni Dr. Hymers linggo-linggo sa Internet
sa www.realconversion.com. I-klik ang “Mga Pangaral sa Tagalog.”
Banal na Kasulatan na Binasa Bago ang Pangaral ni Dr. Kreighton L. Chan:
Apocalipsis 3:7-13.
Kumantang Mag-isa Bago ang Pangaral si Gg. Benjamin Kincaid Griffith:
“Ang Diyos ay Kumikilos sa isang Misteryosong Paraan” isinalin mula sa
“God Moves in a Mysterious Way” (ni William Cowper, 1731-1800).