Print Sermon

Ang mga pangaral na manuskrito at mga videyo ay ngayon lumalabas sa 1,500,000 na mga kompyupter sa lampas na 221 na mga bansa kada taon sa www.sermonsfortheworld.com . Daan-daang iba ang nanonood ng mga videyo, sa YouTube, ngunit di nagtatagal ay iniiwan ang YouTube at nagpupunta sa aming websayt, dahil bawat pangaral ay nagtuturo sa kanila papalyo mula sa YouTube tungo sa aming websayt. Ang YouTube ay nagdadala ng mga tao sa aming websayt. Ang mga pangaral na manuskrito ay ibinibigay sa 46 na mga wika sa halos 120,000 na mga kompyuter kada buwan. Ang pangaral na manuskrito ay hindi nakarapatang magpalathala, kaya nagagamit ng mga mangangaral ang mga ito na walang pahintulot. Mayroong daan-daang mga videyo ni Dr. Hymers at ng kanyang mga estudyanteng nangangaral. Ang mga manuskrito ay hindi nakarapatang magpalathala, ngunit lahat ng mga videyo nakarapatang magpalathala. Paki-klik ito upang matutunan kung paano ka maaring gumawa ng isang buwan-buwanang donasyon upang tulungan kami sa dakilang gawaing ito ng pagkakalat ng Ebanghelyo sa buong mundo, kasama ang mga Muslim at mga Hindu na mga bansa.

Tuwing nagsusulat kay Dr. Hymers, laging sabihin sa kanya kung anong bansa ka nakatira, o hindi ka niya masasagot. Ang email ni Dr. Hymers’ ay rlhymersjr@sbcglobal.net .




TAKOT – ANG NAWAWALANG BAHAGI BILANG 3

FEAR – THE MISSING ELEMENT #3

ni Dr. R. L. Hymers, Jr.

Isang pangaral na ipinangaral ng Umaga sa Araw ng Panginoon,
ika-13 ng Hulyo taon 2008 sa Baptist Tabernacle ng Los Angeles

“Walang pagkatakot sa Dios sa harap ng kanilang mga mata”
(Mga Taga Roma 3:18).


Ang bersong ito ay naglalarawan ng kalagayan ng lahat ng tao bago sila ay mapagbagong loob. Ito ay kasukdulan ng pagtatalo ng mga Apostol, sa Mga Taga Roma 3:9-20, ipinapakita na ito ang kalagayan ng lahat ng mga hindi nagpabagong loob na mga kalalakihan at kababaihan sa mundo. Ang pagtatalo ng Apostol para sa katotohanang ito ay ang kasukdulan na umaapaw palabas galing sa Mga Taga Roma 3:9, kung saan sinasabi niya sa atin na ang Diyos ay

“kapwa isinasakdal na muna ang mga Judia at ang mga Griego, na silang lahat ay nangasa ilalim ng kasalanan”
      (Mga Taga Roma 3:9).

“Nangasa ilalim ng kasalanan,” iyan ay nasa ilalim ng lubusang kapangyarihan ng tao sa ilalim ng kasalanan, mga alipin sa kasalanan sa kanilang angking kalagayan bilang mga tao. Ang Apostol ay nagpapatuloy, sa mga sumusunod na mga berso sa bahaging ito, upang patunayan ang puntong iyan. Pagkatapos ang kanyang pagtatalo ay tumataas sa pinaka-mataas na pagtaas sa ating teksto,

“Walang pagkatakot sa Dios sa harap ng kanilang mga mata”
      (Mga Taga Roma 3:18).

Ang kalagayan na ito ay napaka-laganap na ang Apostol ay hindi gumagawa ng pagkakataon para sa kahit anong di-pagsasali. Sinasabi niya atin na ang teksto ay nagsasabuhay sa bawat isang mga miyembro ng lahi ng tao. Tiyak na kasali diyan, kung ika’y di nagpagbagong loob. Sinasabi ng Diyos sa iyo ng personal,

“Walang pagkatakot sa Dios sa harap ng [iyong] mga mata”
      (Mga Taga Roma 3:18).

Ang Griyegong salitang “phobos” ay nangangahulugang “takot” hindi “mangha” gaya ng paglagay nito ng makabagong mga pagsasalin sa Mga Gawa 2:43. Sa akin ang gamit nila ng “mangha” sa lugar ng “takot” sa Mga Gawa 2:43 ay “pagbabaluktot ng Kasulatan.” Bakit ang parehong salitang “phobos” ay mangahulugang “mangha” sa Mga Gawa 2:43, ngunit “takot” sa Mga Taga Roma 3:18? Hindi ako makahanap ng dahilan para sa pagbibigay nila ng ngayong lipas na gamit ng salitang “mangha” upang isalin ang isang malinaw na salitang “phobos” bilang ng kahit anong salita maliban sa “takot.” Ngunit ako ay takot na ang napaka kaunti ng alam ng mga makabagong mga taga-salin tungkol sa tunay pagbabagong loob sa ating panahon, at na ito ang dahilan na mali nilang nasalin ang “phobos” sa Mga Gawa 2:43 bilang “mangha.” Habang nakikita nating “binabaluktot” nito ang kahulugan ng isang malinaw na salita sa Kasulatan sa isang napaka kritikal na punto, patungkol doon sa mga nakarinig ng pangangaral ni Pedro at ng ibang mga Apostol sa Pentecost at pagkatapos diresto.

Ito’y “takot” na kailangang maramdaman ng mga tao kung umaasa silang mapagbagong loob. Ngunit walang tao sa isang di-napagbagong loob na kalagayan ang nakadarama ng takot, dahil sinasabi ng ating teksto sa kanila,

“Walang pagkatakot sa Dios sa harap ng [iyong] mga mata”
      (Mga Taga Roma 3:18).

Ngunit kapag ang Espiritu ng Diyos ay dumadating sa isang tao, kanyang madarama ang takot. Ito’y ginawang madali sa paliwanag ng Pentecost, sa Mga Gawa 2:43,

“At ang takot ay dumating sa bawa't kaluluwa”
      (Mga Gawa 2:43).

Ano itong takot na ito? Para sa isang bagay, ito ang takot ng walang hangang kaparusahan. Kapag ang Espiritu ng Diyos ay mahanap na nagsala ang isang tao, pinapaisip niya siya ng “sa paghatol” (Juan 16:8). Magsisimula siyang makaramdam na

“siya'y pahihirapan ng apoy at asupre sa harapan ng mga banal na anghel, at sa harapan ng Cordero” (Apocalipsis 14:10).

Noon, kakaunti ang pag-iisip niya tungkol sa Impiyerno. Noon, naisip niya lamang ang tungkol sa “mga bagay na ukol sa lupa” (Mga Taga Filipos 3:19). Noon, naiisip lamang niya ang pagigiging magaling sa paaralan. Noon, naiisip lamang niya ang pagkakaroon ng kasiyahan. Noon, may pakialam lamang siya tungkol sa pagiging matagumpay at pagkakaroon ng pera. Noon, naiisip lamang niya ang mga tungkol sa “mga bagay na nangasa ibabaw ng lupa” (Mga Taga Colosas 3:2). Noon, “walang pagkatakot sa Dios sa harap ng [kanyang] mga mata” (Mga Taga Roma 3:18).

Ngunit ngayon, takot ay dumating sa kanyang kaluluwa (Mga Gawa 2:43). Ngunit ngayon nagsisimula na siyang mag-isip ng walang hangan. Ngunit ngayon naiisip niya na ang apoy sa Impiyerno na umaantabay sa kanya. Ngunit ngayon madalas na siyang naaalalahanan ng mga salita ni Kristo,

“Ang mga ito'y mangapaparoon sa walang hanggang kaparusahan” (Mateo 25:46).

Sinabi ni Dr. Nettleton,

Hindi nakagugulat na bagay na [ikaw] ay dapat nasa ilallim ng pagkakondena. Kung ang nasabi ay totoo, na ang makasalanan ay nakondena sa walang hangang kamatayan, at bawat sandali ay nasa panganib ng pagiging nawawala magpakailanman, ito ay hindi nakagugulat na [ikaw] ay dapat maalarma…At dito payagan akong itanong, mayroon ba [sa inyong] nakikinig sa aking tinig, na nagsisimulang maramdaman na [kayo] ay nakondena, at na hindi ni isa sa [iyong mga kasalanan ay [napatawad]? Kung [hindi ka na kay] Kristo, hayaan mo akong sabihin, ang iyong mga takot ay hindi walang pundasyon [hindi walang isang pinagbasehan]. Ikaw ay nakondena, at O na iyong sakaling matanto ito ng higit higit pa (isinalin sa isinulat ni Asahel Nettleton, D.D., “Causes of Alarm to Awakened Sinners,” Sermons from the Second Great Awakening, International Outreach, 1995, pages 418-419).

Muli, nag-iisip ka ba ng lubos, kung sakali man, ng tungkol sa pagpunta sa

“mapasa impierno, sa apoy na hindi mapapatay” (Marcos 9:43)?

Sinabi ni Dr. Nettleton,

Muli – nag-uumpisa ka bang matakot na ikaw ay [nasira na] sa walang hangang kaparusahan? Kung [wala ka kay] Kristo, ang iyong mga takot ay hindi walang patibayan [hindi walang basehan]. Ito ang [katotohanan], at O na sakaling matanto mo ito na higit higit pa (isinalin mula sa isinulat ni Nettleton, ibid.).

Muli, madarama mo ang pagkawalan ng kasiguraduhan, ang masamang pagkawalang kasiguraduhan, ng iyong buhay. Kapag ang Espiritu ng Diyos ay darating sa iyo, makikita mo iyan,

“sa isang sandali ay [magsisilusong ka sa hukay]” (Job 21:13).

Hindi ba sinabi ng Diyos,

“ako'y sumampa sa gitna mo na sangdali, ay lilipulin kita”
      (Exodus 33:5)?

“Ano ang inyong buhay? Kayo nga'y isang singaw na sa sangdaling panahon ay lumilitaw, at pagdaka'y napapawi”
      (Santiago 4:14).

Ang masamang walang kasiguraduhan ng iyong buhay, at ang katotohanan na ikaw ay bababa sa hukay “sa sangdaling panahon,” ay magsasanhi sa iyong maramdamang puno ng takot (Mga Gawa 2:43). Sinabi ni Dr. Nettleton,

Muli – nagsisimula mo na bang matanto ang walang kasiguraduhan ng iyon buhay? Nanginginig na baka biglaang maputol ka sa hampas ng kamatayan, at [mamadali] sa isang kahabag-habag na walang hanganan [sa Impiyerno]? Kung [wala ka kay] Kristo, ang iyong mga takot ay hindi walang patibayan [hindi walang isang basehan]. Ikaw ay nasa isang panganib…At O na sakaling matanto mo ito ng higit higit pa (isinalin mula sa isinulat ni Nettleton, ibd.).

Muli, natatakot ka ba na ang Espiritu ng Diyos ay maaring tumigil makipagpunyagi sa iyo? Natatakot ka ba na maaring iwan ka ng Diyos mag-isa, at hindi kailan muling tuturukin ang iyong konsiyensiya, at hindi kailanman magsanhing matakot ka na iiwan ka ng Diyos at hindi na kailanman gawin kang puno ng takot, at hindi ka na kailanman ikondena ng iyong mga kasalanan? Sinasabi ng Bibliya na ito ay isang tunay na panganib.

“At sinabi ng Panginoon, Ang aking Espiritu ay hindi makikipagpunyagi sa tao” (Genesis 6:3).

Ang mga salitang iyan ba ay nakagugulo sa iyo? Natatakot ka ba na maaring iwanan ka ng Diyos sa ayos mo? Natatakot ka ba na maaring hindi na kailanman mapagbabagong loob? Sinabi ni Dr. Nettleton,

Muli – natatakot ka ba na ang Espiritu ng Diyos ay maaring [tumigil magkipagpunyagi] sa iyo? Ang mga takot mo ay hindi walang patibayan [hindi walang isang basehan]. Mayroong isang matinding panganib na ang Espiritu ay [tumigil makipagpunyagi sa iyo]. Maraming mga naging kasing kabado gaya mong, bumalik sa kahangalan, at nawala ang kanilang mga kaluluwa…kung tatanggihan mo ang Espiritu, at babalik sa kahangalan, iyan ang pinaka matinding dahilan upang matakot na ikaw ay patuloy na [matutulog]…[hangang sa] ikaw ay masawi [sa Impiyerno] (isinalin mula sa Nettleton, ibid., pp. 419-420).

Muli, natatakot ka ba na maaring hindi na kailanman mapapatawad ang iyong mga kasalanan? Sa iyong kamatayan, masasabi ba sa iyong,

“Ang liko, ay magpakaliko pa: at ang marumi, ay magpakarumi pa” (Apocalipsis 22:11)?

Sinabi ni Dr. Nettleton,

Muli – nagsisimula ka na bang matakot na hindi ka na kailanman mapapatawad? Hayaan mo akong sabihin sa iyo, ang iyong mga takot ay hindi walang patibayan [hindi walang basehan]. Ito ay isang masamang walang kasiguraduhan maging ang iyong mga kasalanan ay kailanman [mapapatawad]. At O na sakaling matanto mo ito ng higit higit pa (isinalin mula sa Nettleton, ibid., p. 419).

Nakita ko ang bumubukas na mga pwerta ng impiyerno,
   Mayroong walang katapusang mga kirot, at mga pagdurusa doon
Alin ay wala kundi sila na nakararamdam ang makakasabi,
   Habang ako ay na madali upang mawalan nga pag-asa.
(isinalin mula sa di- kilalang manunulat)

Tumingin sa baba, ang aking kaluluwa, sa lupain ng impiyerno,
   Iyang mundo ng pagdurusa at mga kirot!
(isinalin mula sa isinulat ni John Ryland, 1777).

Muli, natatakot ka ba na, kung hindi ka lalapit kay Kristo ngayon, maaring hindi na kailanman muling magkakaroon ng pagkakataon? Mayroon bang kahit anong takot niyan sa iyo kapag binabasa mo ang Kasulatan na nagsasabing,

“Inyong hanapin ang Panginoon samantalang siya'y masusumpungan” (Isaias 55:6)?

Hindi ba malakas na iminumungkahi nito na mayroong darating na oras kung kailan si Kristo ay hindi na mahahanap? Kapag ang Espiritu ng Diyos ay wala na, marahil hindi na kailan man babalik sa iyo, paano mo ngayon magagawang mahanap si Kristo Hesus? Paano mo ngayon magagawang lumapit sa Kanya? Sinabi ni Timothy Dwight, isang dakilang ebanghelista ng Pangalawang Matinding Pagkagising,

Kayong mga makasalanan, kinatatakot ang Panginoon,
   Habang ito’y tinatawag pa rin ngayon:
Malapit nang masamang tinig ng kamatayan
   Ay uutusan ang iyong kaluluwa pa layo.

Malapit na ang ani ay sasara,
   Ang tag-init ay malapit ng matapos,
O mga makasalanan pagkatapos ang iyong nasugatang Diyos,
   Ay di na maririnig ang iyong mga panalangin.

Tapos habang ito’y tinatawag pa rin ngayon,
   O pakinggan ang tunog ng ebanghelyo;
Lumapit, makasalanan, magmadali, lumapit
   Habang si Kristo ay maari pang mahanap.
(“Ang Araw ng Biyaya” isinalin mula sa “The Day of Grace”
   ni Timothy Dwight, 1752-1817).

Maaring magsitayo at kantahin ang huling kanta sa inyong papel. Kumanta ng malakas!

Mayroong isang linya na naguguhit sa pagtatanggi sa ating Panginoon,
   Kung saan ang tawag ng Kanyang Espiritu ay nawawala,
At ika’y nagmamadali kasama ang mga baliw sa kasiyahang masa,
   Nabilang mo na ba, nabilang mo na ba ang halaga?
Nabilang mo na ba ang halaga, kung ang iyong kaluluwa ay dapat mawala,
   Kahit na makuha mo ang buong mundo para sa iyong sarili?
Kahit ngayon maaring ang linyang iyong tinawid,
   Nabilang mo na ba, nabilang mo na ba ang halaga?
(“Nabilang Mo na ba Ang Halaga?” isinalin mula sa
      “Have You Counted the Cost?” ni A. J. Hodge, 1923).

(KATAPUSAN NG PANGARAL)
Maari ninyong mabasa ang mga sermon ni Dr. Hymers linggo-linggo sa Internet
sa www.realconversion.com. I-klik ang “Mga Pangaral sa Tagalog.”

Banal na Kasulatan na Binasa Bago ang Pangaral ni Dr. Kreighton L. Chan:
Mga Taga Roma 3:9-18.
Kumantang Mag-isa Bago ang Pangaral si Gg. Benjamin Kincaid Griffith:
“Kung Mananatili Kang Masyadong Matagal” isinalin mula sa
“If You Linger Too Long” (ni Dr. John R. Rice, 1895-1980).