Print Sermon

Ang mga pangaral na manuskrito at mga videyo ay ngayon lumalabas sa 1,500,000 na mga kompyupter sa lampas na 221 na mga bansa kada taon sa www.sermonsfortheworld.com . Daan-daang iba ang nanonood ng mga videyo, sa YouTube, ngunit di nagtatagal ay iniiwan ang YouTube at nagpupunta sa aming websayt, dahil bawat pangaral ay nagtuturo sa kanila papalyo mula sa YouTube tungo sa aming websayt. Ang YouTube ay nagdadala ng mga tao sa aming websayt. Ang mga pangaral na manuskrito ay ibinibigay sa 46 na mga wika sa halos 120,000 na mga kompyuter kada buwan. Ang pangaral na manuskrito ay hindi nakarapatang magpalathala, kaya nagagamit ng mga mangangaral ang mga ito na walang pahintulot. Mayroong daan-daang mga videyo ni Dr. Hymers at ng kanyang mga estudyanteng nangangaral. Ang mga manuskrito ay hindi nakarapatang magpalathala, ngunit lahat ng mga videyo nakarapatang magpalathala. Paki-klik ito upang matutunan kung paano ka maaring gumawa ng isang buwan-buwanang donasyon upang tulungan kami sa dakilang gawaing ito ng pagkakalat ng Ebanghelyo sa buong mundo, kasama ang mga Muslim at mga Hindu na mga bansa.

Tuwing nagsusulat kay Dr. Hymers, laging sabihin sa kanya kung anong bansa ka nakatira, o hindi ka niya masasagot. Ang email ni Dr. Hymers’ ay rlhymersjr@sbcglobal.net .




TAKOT – ANG NAWAWALANG BAHAGI BILANG 2

FEAR – THE MISSING ELEMENT #2

ni Dr. R. L. Hymers, Jr.

Isang pangaral na ipinangaral sa Baptist Tabernacle ng Los Angeles
Sabado ng Gabi, ika-12 ng Hulyo taon 2008

“Walang pagkatakot sa Dios sa harap ng kanilang mga mata”
(Mga Taga Roma 3:18).


Ang layunin ng Apostol Pablo sa pagsusulat ng Mga Taga Roma 3:9-20 ay magpakita na lahat ng sangkatauhan ay “nangasa ilalim ng kasalanan” (Mga Taga Roma 3:9). Mahalagang maintindihan ang ibig niyang sabihin sa pariralang, “nangasa ilalim ng kasalanan.” Itinuro ni Dr. McGee ang ibig sabihin ng “ang tao ay isang makasalanan sa pamamagitan ng pagpaparatang [ng pagpaparatang ng kasalanan ni Adan]…ang tao ay isang likas na makasalanan. Hindi ginagawang makasalanan ang pagsasala; nagsasala tayo dahil tayo ay mga makasalanan” (isinalin mula sa isinulat ni J. Vernon McGee, Th.D., Thru the Bible, Thomas Nelson Publishers, 1983, volume IV, p. 662, sulat sa Mga Taga Roma 3:9).

Pagkatapos sumipi ang Apostol Pablo ng maraming mga bahagi ng Kasulatan mula sa Lumang Tipan upang patunayan ang punto na lahat ng tao ay pinanganak na makasalanan, na sila ay nasa “ilalim ng kasalanan.” Sinipi niya mula sa Mga Awit 5:9; 10:7; 14:1-3; 36:1, atbp. Ang sipi mula sa Mga Awit 36:1 ay ibinigay rito, sa Mga Taga Roma 3:18,

“Walang pagkatakot sa Dios sa harap ng kanilang mga mata”
      (Mga Taga Roma 3:18).

Sinabi ni Dr. McGee, patungkol sa berso,

Mukhang ipinagsasama lahat ni Pablo ang kasalanan ng tao sa pinakahuling salaysay. Wala siyang anomang takot sa Diyos. Ang tao ay nabubuhay na para bang ang Diyos ay hindi nabubuhay…Anong larawan ang ibinibigay nito ng sangkatauhan! (isinalin mula sa ibid., p. 664, sulat sa Mga Taga Roma 3:18).

Ang Griyegong salitang isinaling “takot” sa Mga Taga Roma 3:18 ay “phobos.” Ang Strong’s Exhaustive Concordance ay nagsasabi na ang kahulugan ng “phobos” ay “alarma o gulat – matakot, ng sobra, takot, sindak” (isinalin mula sa Strong #5401). Ang salitang “phobos” ay dumating sa Ingles bilang “phobia,” ayon sa Webster’s New Twentieth Century Dictionary, na ang ibig sabihin ay, “takot ng isang tiyak na bagay” (isinalin mula sa ibid., p. 1348, tignan ang “phobia”). At iyan ang saktong liban sa tao sa “ilalim ng kasalanan.” Ang tao ay hindi takot sa Diyos! Sa isang hindi napagbagong loob na kalagayan

“walang pagkatakot sa Dios sa harap ng kanilang mga mata”
      (Mga Taga Roma 3:18).

Ngunit noong ang Espiritu ng Diyos ay umabot sa mga puso ng mga makasalanan, gumagawa Siya ng isang bagay na napaka-mamangha. Ang isang tao na dati ay “walang takot sa Diyos” ay nagiging natagpuang nagkasala ay nag-uumpisang maranasan ang takot ng Diyos. Maaring lumipat sa Juan 16:8. Ang bersong ito ay nagsasabi sa atin ng tungkol sa gawain ng Espiritu ng Diyos sa mga puso ng mga makasalanan.

“At siya, pagparito niya, ay kaniyang susumbatan ang sanglibutan tungkol sa kasalanan, at sa katuwiran, at sa paghatol” (Juan 16:8).

Ang Griyegong salitang isinaling “susumbatan” ay nangangahulugang “magtagpo ng pagkasala, bumulyaw” (isinalin mula sa W. E. Vine). Ang sulat sa Juan 16:8 sa 1599 Geneva Bible ay nagsasabing, “Kanyang susumbatan ang mundo, na ang mga taong lupa ay hindi makakagawa ng dahilan.” Sila ay matatagpuang nagkasala. Sila ay matatagpuang nagkasala sa sarili nilang walang katuwiran. Sila ay matatagpuang nagkasala sa hatol na darating sa kanila. Diyan papasok ang “phobos”. Mag-uumpisa silang “matakot” sa Diyos! Ito’y simple sa akin na ang Juan 16:8 ay nangangahulugan na sila ay, sa isang salita, ay gagawing “matakot” sa Diyos. Nagkulang akong makita kung paano ang isang tao ay magawang madama ang pagkamakasalanan, walang katuwiran, at ang paksa ng pagdating ng paghahatol ng walang pagkakaranas ng isang takot sa Diyos!

Hindi pa iyan ang nangyari sa Pentecost? Lumipat sa Mga Gawa 2:37.

“Nang marinig nga nila ito, ay nangasaktan ang kanilang puso, at sinabi kay Pedro at sa ibang mga apostol, Mga kapatid, anong gagawin namin?” (Mga Gawa 2:37).

Ang “[pagsasakit ng] […] puso” ay gawa ng Espiritu ng Diyos, na nagpapakita sa kanila ng kanilang kasalanan, ang katuwiran at ang paghahatol. Ang ibig sabihin ng “pagsasakit ng] […] puso” ay ginawang napaka linaw ilang mga berso pagkatapos, sa unang hati ng Mga Gawa 2:43. Maaring basahin ang unang hati ng berso ng malakas.

“At ang takot ay dumating sa bawa't kaluluwa”
      (Mga Gawa 2:43).

Noong ang kanilang mga puso ay “nangasaktan” nag-umpisa silang matakot sa Diyos! Ang salitang isinaling “takot” dito sa King James Bible (at ang 1599 Geneva Bible) ay ang saktong parehong Griyegong salitang isinaling “takot” sa Mga Taga Roma 3:18,

“Walang pagkatakot sa Dios sa harap ng kanilang mga mata”
      (Mga Taga Roma 3:18).

Gaya ng sinabi ko, ito’y sa Griyegong salitang “phobos.” Ito ay tiyak na parehong Griyegong salita sa parehong mga berso (Mga Taga Roma 3:18; Mga Gawa 2:43). Gayon man mali ang pagkasalin ng salitang “mangha” ng NIV at ang NASV sa Mga Gawa 2:43. Ngunit ang Ingles na salitang “mangha” ay hindi naghahatid ng isipan ng “takot.” Ito’y isang karumaldumal na kakahiyan na ang makabagong pagsasalin ay ipinapakita ang “phobos” bilang “mangha” sa Mga Gawa 2:43, dahil ang “takot” ay ang saktong kailangan maranasan ng mga taong hindi napagbagong loob. Bago ang pagbabagong loob,

“Walang pagkatakot sa Dios sa harap ng kanilang mga mata”
      (Mga Taga Roma 3:18).

Ngunit, sa pagbabagong loob,

“At ang takot ay dumating sa bawa't kaluluwa”
     (Mga Gawa 2:43).

Makinig sa mga salita ni Spurgeon,

Hindi ba may ilan sa inyo, na hindi ligtas, at gayon hindi takot sa Diyos? O mga ginoo, naway ang Banal na Espiritu ay gawin kang takot at manginig bago Niya! Ika’y nagsanhi ng sapat upang matakot…ito’y isang matinding pagka-awa na marami sa inyong mga hindi nagpabagong loob na mga tao ay hindi takot sa Diyos na may isang mapanilbeng [tulad ng isang alipin] takot. Kung sila ay mag-uumpisa lamang diyan, baka mapatunayan itong bilang pinaka mababang baytang ng mapa-langit na hagdanan, at magdala sa mapalad na takot alin ay bahagi ng mga anak ng Diyos (isinalin sa isinulat ni C. H. Spurgeon, “A Fear to be Desired,” The Metropolitan Tabernacle Pulpit, Pilgrim Publications, 1977, volume XLVIII, p. 501).

Matanong kita hindi napagbabagong loob, aling berso ang naglalarawan sa iyo? Ito ba’y ang

“Walang pagkatakot sa Dios sa harap ng kanilang mga mata”
      (Mga Taga Roma 3:18)?

O ang

“At ang takot ay dumating sa bawa't kaluluwa”
     (Mga Gawa 2:43)?

Gaya ng sinabi ko ng paulit-ulit, ang pagbabagong loob ay hindi isang bagay na maari mong matutunan. Ito ay isang karanasan na dapat mong maramdaman. Tanging kapag ang tao ay maturok ng isipan ng kanyang kasalanan at sala, at magawang matakot sa paghahatol ng isang Diyos na kinamumuhian ang kasalanan, tanging tapos niyan na siya ay matatakot sa Diyos sa isang tamang paraan. Tanging kapag matakot siya sa Diyos, at Impiyerno, na siya ay hinahanda ng Espiritu ng Diyos na lumapit kay Kristo Hesus, na nagsabing,

“Magsiparito sa akin, kayong lahat na nangapapagal at nangabibigatang lubha, at kayo'y aking papagpapahingahin”
      (Mateo 11:28).

Ikaw ay nangangapapagal at nangabibigatang lubha, sa ilalim ng pagkatagpo ng kasalanan, at ang takot na binubunga nito. Ngunit kapag ikaw ay lalapit kay Hesus, ang lahat ng takot ay mawawala, at ikaw ay mahuhugasang malinis mula sa iyong mga kasalanan sa pamamagitang ng Anak ng Diyos!

(KATAPUSAN NG PANGARAL)
Maari ninyong mabasa ang mga sermon ni Dr. Hymers linggo-linggo sa Internet
sa www.realconversion.com. I-klik ang “Mga Pangaral sa Tagalog.”