Print Sermon

Ang mga pangaral na manuskrito at mga videyo ay ngayon lumalabas sa 1,500,000 na mga kompyupter sa lampas na 221 na mga bansa kada taon sa www.sermonsfortheworld.com . Daan-daang iba ang nanonood ng mga videyo, sa YouTube, ngunit di nagtatagal ay iniiwan ang YouTube at nagpupunta sa aming websayt, dahil bawat pangaral ay nagtuturo sa kanila papalyo mula sa YouTube tungo sa aming websayt. Ang YouTube ay nagdadala ng mga tao sa aming websayt. Ang mga pangaral na manuskrito ay ibinibigay sa 46 na mga wika sa halos 120,000 na mga kompyuter kada buwan. Ang pangaral na manuskrito ay hindi nakarapatang magpalathala, kaya nagagamit ng mga mangangaral ang mga ito na walang pahintulot. Mayroong daan-daang mga videyo ni Dr. Hymers at ng kanyang mga estudyanteng nangangaral. Ang mga manuskrito ay hindi nakarapatang magpalathala, ngunit lahat ng mga videyo nakarapatang magpalathala. Paki-klik ito upang matutunan kung paano ka maaring gumawa ng isang buwan-buwanang donasyon upang tulungan kami sa dakilang gawaing ito ng pagkakalat ng Ebanghelyo sa buong mundo, kasama ang mga Muslim at mga Hindu na mga bansa.

Tuwing nagsusulat kay Dr. Hymers, laging sabihin sa kanya kung anong bansa ka nakatira, o hindi ka niya masasagot. Ang email ni Dr. Hymers’ ay rlhymersjr@sbcglobal.net .




TAKOT – ANG NAWAWALANG BAHAGI BILANG 1

FEAR – THE MISSING ELEMENT #1

ni Dr. R. L. Hymers, Jr.

Isang pangaral na ipinangaral sa Baptist Tabernacle ng Los Angeles Sabado ng
Gabi, ika-5 ng Hulyo taon 2008

“At ang takot ay dumating sa bawa't kaluluwa” (Mga Gawa 2:43).


Iyan ang isa sa mga mahahalagang berso sa pagpapaliwanag ng muling pagbabangon sa Pentecost. Ito ay ang unang muling pagbabangon sa Kristyanong kasaysayan. Naging isang halimbawa ito ng lahat ng muling pagbabangon na darating sa mahabang kasaysayan ng Kristyanismo.

Ang pangaral ni Pedro sa Pentecost, at ang sagot noong mga nakarinig sa kanya, ay “natadtad” ng lampas sa ilang taon, pinagputolputol, sinuri at siniyasat mula sa halos bawat posibleng anggulo. At gayon mayroong isang bahagi na tungkol sa Pentecost na umiiwas sa atin, na hindi natin pawang madakot, at madalas hindi maintindihan. At ito ay nakakaligtaang bahagi na ginagawang isa sa mga pinaka importanteng pangyayari sa kasaysayan ng Kristyanismo ang kwento ng Pentecost. Ang nakaligtaang bahagi sa Pentecost ay hindi naman talaga nakatago – ngunit ito ay hindi napapansin, at sa pagwawalang pansin nito ating nalaktawan ang tunay na kahulugan ng muling pagbabangon. Siya nga, sa pagwawalang bahala nitong “nakaligtaang bahagi” nawawala natin ang isang simpleng pag-uunaw ng pagbabagong loob mismo. Nawawala natin ang ulirat ng nangyari sa atin na gumawa sa ating mga Kristyano sa umpisa. Sige, gusto mong sabihin ko sa iyo ano ang nawawalang bahagi, at (bagaman binakas ko na ito) sasabihin ko ito sa isang salita, simple at malinaw. Ang salitang inilalarawan ang isang sentrong kinakailangang bahagi ng tunay na muling pagbabangon, ang isang hindi nag-iiba, na kung wala ito ay walang tunay, na tradisyonal na muling pagbabangon, gaya ng sinasabi ng ating teksto, -- “TAKOT.”

“At ang takot ay dumating sa bawa't kaluluwa”
      (Mga Gawa 2:43).

Maraming ibang mga bagay na nangyari sa mga muling pagbabangon ng kasaysayan. Sa Pentecost mayroong mga ibang wika na ibinigay upang magsalita ng katotohanan ng Ebanghelyo sa mga lumingap ng pagpupulong. Mayroong “isang tunog mula sa langit gaya ng “isang ugong na gaya ng sa isang humahagibis na hanging malakas” (Mga Gawa 2:2). Mayroong “mga dilang kawangis ng apoy, na nagkabahabahagi; at dumapo sa bawa't isa sa kanila” (Mga Gawa 2:3). Mayroong mga “ginawa ang maraming kababalaghan at tanda sa pamamagitan ng mga apostol” (Mga Gawa 2:43), at maraming ibang mga pangyayari na nangyari sa Pentecost. Ngunit mayroong isang hindi nagbabago, at isa lamang, na nagpapatunay sa Pentecost bilang isang tunay na muling pagbabangon, at naging hindi nagbabagong totoo ng bawat muling pagbabangon sa buong kasaysayan. Ang ibang pangyayari ay hindi sentro, ngunit itong isang ito ay naging at ay ang sentro.

“At ang takot ay dumating sa bawa't kaluluwa”
      (Mga Gawa 2:43).

Nagkaroon ng maraming mga muling pagbabangon, ang iba ay malaki at ang iba mas maliit, sa mahabang kasaysayan ng mga simbahan. Ngunit isang bagay ay sentro sa lahat noong mga totoo,

“At ang takot ay dumating sa bawa't kaluluwa”
      (Mga Gawa 2:43).

Ang bahaging “takot” ay naging totoo sa bawat tunay na muling pagbabangon mula Pentecost, pababa sa araw na tayo ay nabuhay. Ito ay ang “pagsubok ng asido” – kung walang takot hindi ito isang tunay na muling pagbabangon!

At gayon man ang susi sa muling pagbabangong, “takot,” ay inalis sa makabagong mga pagsasalin ng bersong ito at ipinalit ang salitang “mangha.” Ang “mangha” ay isang mabuting salita, ngunit hindi nito sapat na ipinapaliwanag ang nangyari sa mga taong ito noong narinig nila si Pedrong mangaral, at sa tinggin ko ito ay isang malaking pagkakamali na ginawa ng mga tagasalin ng Bagong Internasyonal na Bersiyon [New International Version] at ng Bagong Amerikanong Parisang Bibliya [New American Standard Bible] noong isinalin nila ang Griyegong salitang “phobos” bilang “mangha.” Totoo, ang salitang “mangha” ay minsan nangahulugang “takot at lagim,” ngunit ang New Webster’s Twentieth Century Dictionary, Collins/World, 1975 ay nagsasabi na ang gamit ng salitang “mangha” ay ngayon ay “lipas” na (isinalin mula sa pahina ng libro 131). Ang ibig sabihin niyan ay hindi na iniisip ng mga tao ang “mangha” bilang “takot”! Iniisip na nila ito bilang “pagsasamba at pagrespeto.” At maaring sabihin ko sa iyo na ang “takot” ay isang tamang salita, dahil ibig sabihin nito ay mahalagang magkatulad gaya nito noong 1611 noong ang King James Bible ay na buo. Ang kahulugan ng “phobos” ay “takot” noon, at hanggang ngayon ay “takot” pa rin! Alam iyan ng mabuti ng mga taga salin ng Bagong Internasyonal na Bersiyon at Bagong Amerikanong Parisang Bersyon. Iyan ang dahilan na isinalin nila ang “phobos” bilang “takot” sa maraming ibang mga lugar sa Bagong Tipan. Halimbawa, sa Mga Gawa 5:5, ang NIV [New International Version] at NASV [New American Standard Version] ay isinaling “phobos” bilang “takot.” Sa Mga Gawa 5:11, isinalin nila ang “phobos” bilang “takot.” Sa Mga Gawa 19:17 isinalin nila ang “phobos” bilang “takot.” Sa Mga Taga Roma 3:18 isinalin nila ang “phobos” bilang “takot.” At sa II Mga Taga Corinto 7:15, muli nilang isinalin ang “phobos” bilang “takot.” Noon lamang na dumating sila sa ating teksto na pinahinaan nila ang salitang “phobos,” isinasalin ito gamit ang isang lipas na salitang “mangha.”

Hindi ko alam ang dahilan na pinahina nila ang pagsasalin ng “phobos” sa paggamit ng lumang kahulugan ng “mangha” sa ating teksto. Hindi ko alam ang dahilan na mali ang pagkasalin nila nito sa Mga Gawa 2:43 lamang. Ngunit nagsususpetsa ako na hindi ito isang pagkakamali na lumalabas sa kanilang maling pagkakaintindi ng teyolohiko ng muling pagbabangon, na iniisip nila ang mga tao ay na “mangha” kapag dumating ang muling pagbabangon, sa halip ng pagiging “gulat.” Ang salitang “nakakabighani” ay lubos na popular (at masyadong gamit) ngayon. Ngunit sa makabagong paggamit ang ibig sabihin nito ay “dakila” o “mahiwaga.” Hindi nito buhat ang ideya ng takot sa kahit anong paraan. Ang kahulugang iyan ay lipas na, gaya ng sinasabi ng diksyonaryo. Ang Exhaustive Concordance ni Strong ay nagbibigay ng tamang kahulugan ng “phobos.” Sinasabi nito ang “phobos” ay nangangahulugang “alarma o gulat – maging takot, humihigit, takot, [pati] kilabot” (isinalin mula sa isinulat ni Strong #5401).

Hindi kinakailangang alam natin ang ganyang karami tungkol sa Griyegong wika upang mahayag ang kahulugan nito. Sinasabi ng Webster’s New Twentieth Century Dictionary na ang “phobos” ay pumupunta sa Ingles bilang “phobia” mula sa Griyegong phobos, takot… “Ang lumalabis na takot ng isang natatanging bagay o sitwasyon” (isinalin mula sa ibid., p. 1348, tignan ang “phobia”). At ito ay saktong nasa ating teksto – isang “lumalabis na takot ng isang natatanging bagay o sitwasyon.” Sa kalagayang ito, sa ating teksto, ibig sabihin nito ay “isang lumalabis na takot ng Diyos.” Ang ngayong lipas na kahulugan ng salitang “mangha” ay mahirap nang maghatid ng ideya ng “isang lumalabis na takot ng Diyos” sa makabagong kaisipan. Kaya, pinaka mabuting tanggihin ang pagsasalin ng “phobos” bilang “mangha” sa NIV at NASV, at mamalagi sa literal na pagsasalin ng “takot” sa ating tekstong, ibinigay sa King James Bible, at mas maaga sa 1599 Geneva Bible (isinalin mula sa Tolle Lege Press, 2006 edition).

Ibig ko sanang hindi na dumaan sa lahat ng pagpapaliwanag na ito at pagsusuri ng Griyegong salitang “phobos,” ngunit nadarama ko na ito’y kinakailangan kung umaasa tayong madakot ang ibig sabihin ng ating teksto, habang inilalarawan nito ang emosyonal at espiritwal na pagkakalito na nangyayari sa mga puso ng mga tao sa Araw ng Pentecost,

“At ang takot ay dumating sa bawa't kaluluwa”
      (Mga Gawa 2:43).

Ito’y mahalaga na ang “takot,” sa bersong ito ay, talagang nangangahulugang takot, hindi lang “mangha” sa makabagong kahulugan nito, hindi bilang “mangha” na naintindihan ng mga tao ngayon. Alam ng lahat kung ano ang ibig sabihin ng “takot,” at siya nga ito ay takot na naranasan ng mga tao sa unang dakilang muling pagbabangon sa kasaysayan, sa Araw ng Pentecost.

“At ang takot ay dumating sa bawa't kaluluwa”
      (Mga Gawa 2:43).

Ako’y bubunot ng maraming mga aral mula sa tekstong ito.

I. Una, hindi ka maaring magkaroon ng tunay na muling pagbabangon ng
hindi nakararanas ng takot.

Nagkaroon ako ng pambihirang pagkakataong makapunta at makapangaral sa dalawang tradisyonal na, mga Biblikal na muling pagbabangon. Hindi maraming mga mangangaral ang makasasabi niyan ngayon. Ngunit sa biyaya ng Diyos ako’y nandun at nakapangaral pati ng ilan ng mga pangaral sa loob niyong dalawang mga kamanghamanghang muling pagbabangon. Isa ay sa isang malaking simbahan ng mga Tsino, at ang iba ay sa isang pagpupulong ng mga puting may isang pananampalataya sa Timog. Wala ni isa sa mga pangyayaring ito ang matatawag nating mga “ebanghelistikong pagpupulong.” Sila ay higit na mas malayo kaysa diyan sa parehong mga pangyayari. Literal na daan-daang mga tao ay pinatnugot ng Espiritu ng Diyos, dinadala sila sa ilalim ng malalim na pagkilala sa kasalanan, at nagbubuo ng takot sa mga puso ng marami. Sa pareho ng mga pinahabang mga pagpupulong na ito daan-daan ay napagbagong loob at naidagdag sa simbahan.

Masasabi ko, bilang isang saksi, na ang takot at pagkilala ng kasalanan ay mga namumunong mga emosiyon sa pareho ng mga muling pagbabangon na mga ito, gaya nila noong araw ng Pentecost.

“At ang takot ay dumating sa bawa't kaluluwa” (Mga Gawa 2:43).

Sinabi ni Iain H. Murray,

Nagkaroon ng isang bahaging nandun noong ginawa ng ebanghelyo ang pinakamabilis na mga pagsulong sa mundo na ngayon ay bantog na kakaiba, na tinaguriang takot ng Diyos. Hindi lamang ang karanasan, ngunit ang mga pinaka salita ay lahat naglaho. Gayon sa lugar nito sa Kasulatan ay hindi makamamali. Pinatnubayan ni Kristo ang kanyang mga disipolo upang “katakutan ninyo’y yaong makapupuksa kaluluwa at sa katawan sa impierno” (Mateo 10:28), at ang takot na ito ay malinaw na bahagi ng kalusugan ng mga apostolikong mga simbahan. Ito’y nakita sa mga disipolo mismo at tapos doon sa mga nakarinig ng kanilang mensahe: “Sa paglakad na may takot sa Panginoon” (Mga Gawa 9:31). “Yamang nalalaman nga ang pagkatakot sa Panginoon” (II Mga Taga Corinto). Noong nangaral si Pedro sa Pentecost “ang takot ay dumating sa bawa’t kaluluwa.” Sa Ephesus, nabasa natin na “At ang takot ay dumating sa bawa't kaluluwa” (Mga Gawa 19:17) (Isinalin mula sa isinulat ni Iain H. Murray, The Old Evangelicalism: Old Truths for a New Awakening, The Banner of Truth Trust, 2005, p. 3).

Takot ay naging isang karaniwang bahagi, at ang pinaka kapansin-pansing bahagi, sa Unang Matinding Pagmumulat, ang Pangalawang Matinding Pagmumulat, ang muling pagbabangon noong 1859 sa Scotland at sa iba pang lugar, ang malaking Pyongyang na muling pagbabangon sa Korea, at sa maraming mga muling pagbabangon na lumalawak sa Tsina sa oras na ito. Napaka karaniwang makakita ng mga taong lumuluha, at humihiyaw pati, sa ilalim ng pagkilala ng kasalanan, sa Tsina ngayon. Lumuluha dahil sa kasalanan at humihiyaw dahil sa takot sa Diyos ay mga bahagi na hindi natin nakikita dito sa Kanluran. Wala sila kahit sa mga Karismatikong pagkilos. Maryoon silang marami pang ibang mga karanasan, ngunit hindi natin nakikita ang “takot” na dumating sa kanilang lahat sa Pentecost.

“At ang takot ay dumating sa bawa't kaluluwa”
      (Mga Gawa 2:43).

Kung nakakapit man sila niyan, sakaling-mabuti na sila ay magkaroon ng totoong, muling pagbabangon! Hiling ko na maranasan ng mga Bautista ang naranasan nila sa Mga Gawa 2:43!

Mayroong maliit na maliit sa Kanluran na makukumpara sa takot ng Diyos na naranasan sa Tsinong muling pagbabangon ngayon. Sinabi ng isang saksi sa isa sa mga muling pagbabangong iyon, “Ang isang malalim na nangungunang tanda ay isang namimighating ulirat ng kasalanan. [Ang mga tao] ay nagsi-luha at nagsi-iyakan na parang ang kanilang mga puso ay mabibiyak sa pagdurusa” (isinalin mula sa isinulat ni Murray, ibid., p. 4).

Paniniwala ko na hindi ka maaring magkaroon ng tunay na muling pagbabangon maliban na lang na mayroong takot, maliban na lang na ang mga tao ay matakot sa Diyos at pumunta sa ilalim ng isang malalim na ulirat ng kasalanan – alin ay madalas tumakas at ihayag ang sarili sa pagluha, at pati paghiyaw, dahil sa kasalanan at takot ng poot ng Diyos. Wala tayong mga pagpupulong kung saan ang mga tao ay nakararanas ng ganoong takot at pagkilala ng kasalanan sa Kanlurangang mundo ngayon – na ang ibig sabihin, ay payak, na wala tayong tunay na muling pagbabangon, gaya ng pagkaranas nito sa Pentecost.

“At ang takot ay dumating sa bawa't kaluluwa”
      (Mga Gawa 2:43).

II. Pangalawa, hindi ka maaring magkaroon ng namumukod na
pagbabagong loob ng walang takot.

Ang Apostol Pablo ay “nanginig” sa takot bago ng kanyang pagbabagong loob (Mga Gawa 9:6). Ang natakot ng husto ang Taga Philipi na taga pamahala sa mga bilanggo na siya’y handa nang patayin ang kanyang sarili, “at, nanginginig sa takot, ay nagpatirapa sa harapan ni Pablo at ni Silas” (Mga Gawa 16:29) noong siya ay napagbagong loob. Pwede tayong magpatuloy tuloy, dahil maraming mga halimbawa sa Bibliya ng takot na nagsisi-litaw sa mga puso ng mga nagising na mga makasalanan noong sila ay nakutya ng Espiritu Santo.

Narito ay mga ilang mga bahagi ng mga testimonyo na ibinigay ng mga kabataan sa ating simbahan noong sila ay napagbagong loob. Sinabi ng isa,

Sa araw na iyon bago ng pagtapos ng pagpupulong ako’y naging natagpuang may sala at nadismaya sa aking mga kasalanan…umupo ako sa silid ng pag-uusisang nanginginig, natatakot sa aking kalagim-lagim na mga kasalanan…ang Jeremias 8:20 ay nagpatuloy na tumatakbo sa aking ulo, “Ang pagaani ay nakaraan, ang taginit ay lipas na, at tayo’y hindi ligtas.” Ako’y nandiri sa aking sarili.

Sinabi ng isa pa,

Naisip ko ang sarili ko bilang isang patay na tao, o isang zombi, dahil ako ay patay sa paglalabag at kasalanan. Nadama ko na tumawid na ako sa linya upang makutya habang buhay sa walang hangang pag-aalipusta. Sigurado ako na pupunta ako sa Impiyerno na walang pag-asa ng anoman.

Sinabi ng isa pa,

Ang mga pangaral…ay nagsimulang panginigin ako. Nagsimula akong matakot… Natakot ako na ang pinaka Diyos na kayang ipadala ang aking kaluluwa sa pinaka malalim na kalaliman ng Impiyerno…Umupo akong muli mag-isang umiiyak. “Bakit ako nandito pa rin?” Tinanong ko ang aking sarili. Alam kong nararapat sa aking mapadala sa Impiyerno…Ako’y walang pag-asa gaya ng kahit sinong tao.

Ito ay iilan lang mga bago ng pagbabagong loob na mga testimonyo ng mga kabataan sa ating sariling simbahan. Tignan kung paanong ang takot ng Diyos ay bumaba sa kanila!

“At ang takot ay dumating sa bawa't kaluluwa”
      (Mga Gawa 2:43).

III. Pangatlo, ikaw ay naiwan sa iyong walang diyos na kalagayan hangang
sa maranasan mo ang ganoong takot.

Ang tao ay nasa ilalim ng kasalanan, ito’y inalipin nito. Inilarawan ng Apostol Pablo ang kalagayan nito:

“Walang pagkatakot sa Dios sa harap ng kanilang mga mata” (Mga Taga Roma 3:18).

Iyan ay totoo sa lahat hangang sa siya ay matagpuang nagkasala ng Espiritu Santo. Kapag siya ay matagpuang nagkasala, kahit na “walang pagkatakot sa Diyos sa harap ng [kanyang mata” dati, siya na ngayon ay biglaang makakakita na siya ay isang karumaldumal na makasalanan na may isang lubusang nakapandidiring nabulok na puso. Kapag siya ay gayon matagpuang nagkasala, ang kanyang kahambugan at di-paniniwala ay masisira, at nakikita niya na siya ay isang hamak na makasalanan, na siya ay naging kaaway ng Diyos, na nararapat sa kanya ang poot ng Diyos at ang mga apoy ng Impiyerno. Tapos, at pagkatapos lamang, na ang takot ng Diyos ay darating sa kanya, at kung mayroong higit pa sa isa sa ganoong kalagayan ng pagkatagpong nagkasala, masasabi nating,

“At ang takot ay dumating sa bawa't kaluluwa”
      (Mga Gawa 2:43).

Kinakailangan ng biyaya ng Diyos upang magawa ang isang makasalanang atatakutin. Mahusay na sinabi ni John Newton, “Biyaya ang nagturo sa aking pusong matakot” (“Nakamamanghang Biyaya” isinalin mula sa “Amazing Grace” ni John Newton, 1725-1807).

Takot ka ba sa Diyos? Takot ka ba sa Impriyerno? Takot ka bang maparusahan dahil sa iyong kasalanan sa buong walang hangan? O wala pa ring “pagkatakot sa Diyos sa harap ng [iyong] mga mata?” (Mga Taga Roma 3:18). Yoon lamang mga nakararamdam na sila ay mga sinumpang mga makasalanan ay makatatakas kay Kristo. Ngunit Kanyang ipaparatang ang Kanyang kabanalanan sa lahat ng mga lumapit sa Kanya, kahit na sila ay matatakutin at nagulat. Naway ito ay maging iyong kalagayan at ang iyong kondisyon ngayong gabi. Amen.

(KATAPUSAN NG PANGARAL)
Maari ninyong mabasa ang mga sermon ni Dr. Hymers linggo-linggo sa Internet
sa www.realconversion.com. I-klik ang “Mga Pangaral sa Tagalog.”

BALANGKAS NG

TAKOT – ANG NAWAWALANG BAHAGI #1

ni Dr. R. L. Hymers, Jr.

“At ang takot ay dumating sa bawa't kaluluwa” (Mga Gawa 2:43).

(Mga Gawa 2:2, 3)

I.   Una, hindi ka maaring magkaroon ng tunay na muling pagbabangon ng
hindi nakararanas ng takot., Mateo 10:28; Mga Gawa 9:31;
II Mga Taga Corinto 5:11; Mga Gawa 19:17.

II.  Pangalawa, hindi ka maaring magkaroon ng namumukod na
pagbabagong loob ng walang takot., Mga Gawa 9:6; 16:29;
Jeremias 8:20.

III. Pangatlo, ikaw ay naiwan sa iyong walang diyos na kalagayan hangang
sa maranasan mo ang ganoong takot., Mga Taga Roma 3:18;
Mga Gawa 2:43.