Ang mga pangaral na manuskrito at mga videyo ay ngayon lumalabas sa 1,500,000 na mga kompyupter sa lampas na 221 na mga bansa kada taon sa www.sermonsfortheworld.com . Daan-daang iba ang nanonood ng mga videyo, sa YouTube, ngunit di nagtatagal ay iniiwan ang YouTube at nagpupunta sa aming websayt, dahil bawat pangaral ay nagtuturo sa kanila papalyo mula sa YouTube tungo sa aming websayt. Ang YouTube ay nagdadala ng mga tao sa aming websayt. Ang mga pangaral na manuskrito ay ibinibigay sa 46 na mga wika sa halos 120,000 na mga kompyuter kada buwan. Ang pangaral na manuskrito ay hindi nakarapatang magpalathala, kaya nagagamit ng mga mangangaral ang mga ito na walang pahintulot. Mayroong daan-daang mga videyo ni Dr. Hymers at ng kanyang mga estudyanteng nangangaral. Ang mga manuskrito ay hindi nakarapatang magpalathala, ngunit lahat ng mga videyo nakarapatang magpalathala. Paki-klik ito upang matutunan kung paano ka maaring gumawa ng isang buwan-buwanang donasyon upang tulungan kami sa dakilang gawaing ito ng pagkakalat ng Ebanghelyo sa buong mundo, kasama ang mga Muslim at mga Hindu na mga bansa.
Tuwing nagsusulat kay Dr. Hymers, laging sabihin sa kanya kung anong bansa ka nakatira, o hindi ka niya masasagot. Ang email ni Dr. Hymers’ ay rlhymersjr@sbcglobal.net .
SINASAKSIHAN BA NATIN ANG KAMATAYAN NG AMERIKANONG ARE WE WITNESSING THE DEATH OF AMERICAN CHRISTIANITY? – ni Dr. R. L. Hymers, Jr. Isang pangaral na ipinangaral sa Baptist Tabernacle ng Los Angeles “Mapalad ang bansa na ang Dios ay ang Panginoon” |
Ang tekstong ito ay tumutukoy unang-una sa bansa ng Israel, alin ay mayroong walang hanggang lupaing tipan kasama ang Diyos na di-mababago. Ngunit, sa pagsasagawa, ang teksto ay tumutukoy sa bansa ng mga Griego alin ay naglagay ng kanilang mga sarili sa ilalim ng Kapanginoonan ng Diyos. Sinabi ni Dr. Gill, na “hindi dapat ito limitado sa kanila [sa Israel]; dahil siya rin ang Diyos ng mga Griego; ang bansang ito ay napiling henerasyon, ang banal na bansa at ang mga kakaibang mga tao, parehong mga Hudyo at mga Griego: at ang Panginoon at ang Diyos ng mga ito” (isinalin mula sa John Gill, D.D., An Exposition of the Old Testament, The Baptist Standard Bearer, 1989 reprint, volume III, p. 664).
Gayon ang mga Amerikano ay maaring minsang ipagyabang na ang pinag-uusapan ng bersong ito ay ang ating bansa.
“Mapalad ang bansa na ang Dios ay ang Panginoon”
(Mga Awit 33:12).
Ngunit maari bang masabi iyan sa atin?
Si Alexis de Tocqueville (1805-1859) ay isang Pranses na mananalaysay at nakakaalam ng teoriya ng politika na naging tanyag dahil sa kanyang pagsusuri ng demokrasya ng Amerika. Habang bumabiyahe sa Estados Unidos noong maagang 1830s, itinala niya ang mga naobserbahan sa lipunan ng Amerika, kung saan isinama niya ang librong, Democracy in America (1835-1840). Sa ipinagdiriwang na libro iyan, isinulat ni Alexis de Tocqueville,
Hinangad ko ang kadakilaan at talino ng Amerika sa kanyang maluwag ng mga daungan at ang kanyang malawak na mga ilog, at ito’y wala doon; sa kanyang matabang na mga palayan at mga walang hanggang mga kapatagan, at ito’y wala doon; sa kanyang mayamang mga minahan at kanyang malawak na mundo ng pangangalakal, at ito’y wala doon. Hind hangang sa napuntahan ko ang mga simbahan ng Amerika, at narinig ang kanyang mga pulpitong umaapoy ng katuwiran na aking naintindihan ang sekreto ng kanyang talino at kapangyarihan. Ang Amerika ay dakila dahil siya ay mabuti, at kung ang Amerika ay kailanman titigil na maging mabuti, ang Amerika ay titigil maging dakila.
Ang siping iyan mula kay Alexis de Tocqueville ay nagdadala ng isang pangingilabot sa aking puso: “Hindi hangang sa napuntahan ko at narinig ang mga pulpitong umaapoy ng katuwiran na aking naintindihan ang sekreto ng talino at kapangyarihan ng [Amerika].” Maari kayang sabihin niya iyan ngayon? Hindi para kay Leonard Ravenhill. Sinabi niya,
Ilang mga araw ang nakalipas isang magaling na mangangaral at kapatid ang nagsabi sa akin, “Wala na tayong mga dakilang mga mangangaral sa ating bansa.” Sa tinggin ko alam ko ang ang ibig niyang sabihin: wala ng namumukod na tao na may isang “gayon sinabi ng Panginoon,” isang taong kakilakilabot sa pananalita sa ilalim ng pagbabasbas ng Espiritu. Mayroon tayong mga biniyayaang mga mangangaral, magagaling na mangangaral, mananalumpating mangangaral, tanyag na mangangaral, mga nag-oorganisang mga mangangaral, ngunit saan, O na saan, ang mga mangangaral na ginugulat ang bansa ng mapanghulang pananalita? Mayroong isang kasalatan ng dakilang pananalita…isang kasalatang gumigising ng konsyensyang pangangaral, isang kasalatan na nakabibiyak ng pusong pangangaral, isang kasalatan ng pumupunit ng kaluluwang pangangaral, isang kasalatan ng pangangaral katulad ng kilala ng ating mga amang alin ay nagpanatili ng mga taong gising ng buong gabi sa takot na sila ay mahuhulog sa impiyerno. Inuulit ko, “Mayroong isang kasalatan ng salita ng Panginoon” (isinalin mula sa isinulat ni Leonard Ravenhill, America is Too Young to Die, Bethany Fellowship, 1979, p. 79).
Sa loob nitong mapanganib na oras ng kasaysayan ng Amerika, wala tayong mga propeta! Ang Ebanghelyong aliwan ay nasa isang lumalalang pagtaas (isinalin mula sa ibid., p. 81).
Sinabi ni Dr. A. W. Tozer,
Ito’y isang bukas na tanong maging o hindi man na ang ebanghelikong pagkilos ay nagkasala ng masyadong matagal at lumayo ng masayadong malayo mula sa Diyos upang bumalik sa espiritwal na bait. Sa aking palagay hindi ko naiisip na masyado ng huli upang magsisi…Kung ang malaking problema. Gagawin ba nila? O masyado na silang kontento sa mga relihiyosong kasayahan at kababawang makilala ang kanilang malungkot na pag-alis mula sa Bagong Tipang pananampalataya? Kung ang nahuli ay totoo, gayon wala nang natira kundi paghahatol (isinalin ni A. W. Tozer, D.D., Of God and Men, Christian Publications, 1960, pp. 18-19).
Sinong magsasalita? Saan at kailan na ang ating mga pulpito ay “[mag-aapoy] ng katuwiran”? Sinabi ni Dr. Tozer,
Napaka desperado ng simbahan sa sandaling ito na mangailangan ng mga kalalakihan ng katapangan...Takot ay umaakay sa mga simbahan na tulad ng isang lumang sumpa. Takot para sa ating mga kabuhayan, takot para sa ating mga trabaho, takot na mawala ang katanyagan, takot sa isa’t-isa; ito ang mga multong lumalagi ng mga kalalakihang tumatayo ngayon sa mga lugar ng pamumunong simbahan (isinalin mula sa isinulat ni A. W. Tozer, D.D., The Best of A. W. Tozer, Baker Book House, 1978, p. 83).
Muli, sinabi ni Dr. Tozer,
Ngayon nakikita natin ang ating mga sarili sa…maginaw na mga hagdan na nagdadala pababa: (1) Walang pagkilala sa kasalanan. (2) Walang nakakapagbagong pagbabagong loob. (3) Walang pagtatagpo kasama ang Diyos. (4) Walang adhika ng pagsasamba. Saan tayo pupunta mula rito? (isinalin mula sa isinulat ni A. W. Tozer, D.D., The Price of Neglect, Christian Publications, 1991, p. 31).
At sinabi ni Dr. J. Vernon McGee,
Ang simbahan ay nakulang na sabihin sa akin na ako ay makasalanan. Ang simbahan ay nagkulang na tukuyin ako bilang isang nawawalang nag-iisang tao. Ang simbahan ay nagkulang na alokin ako ng kaligtasan kay Hesu-Kristo lamang. Ang simbahan ay nagkulang na sabihan ako ng kasuklamsuklam na mga idudulot ng kasalanan, ang kasiguraduhan ng impiyerno, at ang bagay na si Hesu-Kristo lamang ay nakaliligtas (isinalin mula sa isinulat ni J. Vernon McGee, Th.D., Thru the Bible, Thomas Nelson Publishers, 1983, volume V, p. 924).
Sumasangayon ako sa lahat ng sinabi ni Leonard Ravenhill, A. W. Tozer, at ni Dr. McGee. Mukhang malinaw sa akin na ang mga simbahan sa Amerika ay malayo na sa kung ano sila noong naobserbahan sila ni Alexis de Tocqueville noong 1835! Ito ay labin dalawang dahilan para sa pagtanggi ng Amerikanong Kristiyanismo.
1. Ang German na “mas mataas na panunuri” ay nagsimulang kainin ang nauukol sa Bibliyang puso palabas ng Amerikanong Protestanismo sa pangalawang hati ng panlabing siyam na siglo, na nag-iiwan ng maraming pastor na hindi sigurado sa pagkamakatotohanan at di-pagkakamali ng mga Kasulatan. Ipinaglaban ni Spurgeon ang laban sa simula nito, sa “Downgrade Controversy” (tignan ang isinulat ni [at isinalin mula sa isinulat ni] Harold Lindsell, Ph.D., The Battle for the Bible, Zondervan Publishing House, 1976; Harold Lindsell, Ph.D., The Bible in the Balance, Zondervan Publishing House, 1979; W. A. Criswell, Ph.D., Why I Preach that the Bible is Literally True, Broadman Press, 1973).
2. Ang “Desisyonismo” ay nagsimulang palitan ang “lumang ebanghelismo” sa loob ng parehong panahon. Mula sa humigit kumulang 1835 pasulong, “ang mga desisyon para kay Kristo” ay mabilis na napalitan ng lumang nauukol sa Bibliyang ideya ng pagpapabong loob (tignan ang isinulat ni [at isinalin mula sa isinulat ni] Iain H. Murray, The Old Evangelicalism: Old Truths for a New Awakening, The Banner of Truth Trust, 2005; Iain H. Murray, Revival and Revivalism: The Making and Marring of American Evangelicalism, The Banner of Truth Trust, 1994; and C. L. Cagan and R. L. Hymers, Jr., Today’s Apostasy: How Decisionism is Destroying Our Churches, Hearthstone Publishing, Ltd., 2001 edition, makikita online. I-klik dito upang makita ang buong libro [English]).
3. Ang Feminismo, dito ay sa parehong panahon, dahan-dahang nanakop, dinadala kahit ang ating pinaka konserbatibong mga simbahan na tumataas na napailalim ng pananakop ng feminisasyon – sabay ng mga kalalakihan at ng mga kabataang iniiwan ang mga simbahan ng maramihan bilang isang resulta. Kahit ang mga simbahang iyon na pinapastor ng mga kalalakihan ay kontrolado pa rin ng mga kababaihan, na pinanmumunuan ang sumpong ng simbahan. Ito ay totoo sa mga pinaka konserbatibong simbahan, pati ng mga iba (tignan ang isinulat ni [at isinalin mula sa isinulat ni] David Murrow, Why Men Hate Going to Church, Thomas Nelson Publishers, 2004; Leon J. Podles, Ph.D., The Church Impotent: The Feminization of Christianity, Spence Publishing Company, 1999).
Ang tatlong pagkilos na ito ay bumunga sa mga simbahan sa Kanluran, at tiyak sa Amerika, pagiging puno ng mga hindi napagbagong loob na mga tao, habang kasabay na 88% ng mga kabataang pinalaki sa mga simbahan ay umaalis bago ang edad na dalawam-pu’t lima, na hindi na muling babalik; ang mga babae ay mas marami kaysa sa mga lalake higit kumulang tatlo sa isa; at ang totoong bilang ng mga taong lumilingap ay bumaba sa lahat ng mga pangunahing denominasyon bawat dekada. Halimbawa, ang Southern Baptist Convention ay nag-ulat,
Ang bilang ng mga taong nabinyagan sa mga Southern Baptist na mga simbahan ay nahulog sa pangatalong deretsong taon noong taon 2007 pinakamababang antas para sa Southern Baptist Convention mula sa taong 1987…Sinabi ni Thom S. Rainer, pangulo ng Lifeway Christian Resources, walang pagtatakas sa bagay na ang mga Southern Baptist ay hindi na nakakaabot ng maraming mga tao para kay Kristo katulad noong minsan nagawa nila (isinalin mula sa “SBC, California Baptism Statistics Show Decline: National Baptisms Drop to Lowest Level Since 1987,” by Rob Phillips, Baptist Press, reported in The California Southern Baptist, June 2008, p. 3).
Gayon, kahit ang minsang maginhawang mga Timugang Bautismo [Southern Baptist] ngayon ay nakararanas ng parehong klase ng pagbagsak ng mga miyembro na naging totoo sa lahat ng mga pangunahing mga Protestante at Bautismong mga denominasyon mula sa umpisa ng panlabing dalawang siglo.
Naniniwala ako na ang pagkasira ng Amerikanong Protestante at mga Bautismong simbahan ay isang deretsong kinalabasan ng mga tatlong pagkilos na nabanggit ko na: (1) Isang pag-aabondona ng mga di-pagkakamali ng mga Kasulatan, (2) Ang Desisyonismo, na pinalitan ng nauukol sa Bibliyang pagbabagong loob na may kasamang isang mababaw, karamihang walang saysay na “desisyon para kay Kristo,” at (3) ang feminisasyon ng mga simbahan, alin ay ang pangunahing sanhi ng pagtakas ng mga kalalakihan at kabataan mula sa mga pangunahing denominasyon. Ngunit mayroon pang ibang mga pagkilos na kaugnay deretso o di-deretso sa lumalaking suliraning ito.
4. Malambot na pananlitang “Pagtuturo ng Bibliya” ay mayroon lahat maliban sa pagpalit ng lumang-panahong pangangaral, gayon ay naglalayong gawin ang mga simbahang isang makababaeng lugar ng pag-aaruga, kaysa isang kuta ng matapang na ebanghelistikong pangangaral, at bawat-miyembrong ebanghelismo. Kahit ang “pangangaral” sa maraming patibayang Bautismong mga simbahan ngayon ay kaunting na-iiba mula sa kung anong naririnig sa isang liberal na Metodista, liberal na Presbyteryan o Episkopal na simbahan. Ito’y totoo! Siyasatin mo! Tayo’y lumubog na ganoon ka layo na hindi ito napapansin!
5. Ang mga pagpupulong ng panalingin ay karamihang napalitan ng mga grupo na may natatanging hangaring sa gitna ng linggong mga paglilingkod. Ang pagpupulong ng panalingin ng nakaraan ay mabilis na umuusog palabas ng eksena.
6. Ang kontemporaryong musika ay naging isang nangingibabaw na panghihikayat sa mga simbahan, kaysa ebanghelistikong pangangaral. Habang napalitan ng musika ang ebanghelistikong pangangaral, ang pangangaral mismo ay naitulak sa likuran. Ang mga tao ay naeenganyong sumapi sa mga “pagpupuring karanasan” imbes na mga paglilingkod kung saan ang ebanghelistikong pangangaral ay nasa gitna, gaya nito minsan noon. Sa libo-libong mga Amerikanong simbahan, ang ebanghelistikong pangangaral ay naabandona na sabay-sabay. Ang paraan na ito ay mukhang “gumagana” sa ilang “malalaking simbahan,” ngunit hindi gumagana sa karaniwang kongregasyon.
7. Ang diin sa pageebanghelismo ng mga kabataan mula sa labas ng mga simbahan ay pinapalitan ng aliwan, sa isang walang kabuluhang pagsubok na maingatan ang kahit iilang mga kabataan iyon na ipinanganak sa simbahan. Ngunit ipinapakita ng pagsisiyasat na ang paraang ito ay isang pagkukulang. Gayon man mukhang walang nakaiintindi na ang ang mga nawawalang mga kabataan mula sa labas ng simbahan ay dapat maakit papasok sa pamamagitan ng tradisyonal, mabagsik-pumalong ebanghelistikong pangangaral. May isa na nagsabing, “kung hindi natin mapanalunan ang mga di-masimbahan kay Kristo, ang ating mga simbahan ay mamamatay.” Naisip na mas marami pang aliwan ang sagot, ngunit ito ay mas marami ng katulad lamang, at ipinapakita ng mga datos na ito ay hindi gumagana. Gusto ng mga kabataan at kalalakihang mahamon, at hindi maaliw. Liban na lang kung ang pangyayari ay marahas na bumaligtad, dapat nating asahan ang isang mas higit pang pag-alis ng mga kabataan at kalalakihan, yoong gustong mahamon upang harapin ang walang-diyos na lipunan sa hawak kamay na laban, sa pamamagitan ng malakas personal at pulpitong ebanghelismo.
8. Ang pananatili ng mga matatanda at ng isang kumokonting grupo ng mga kabataan na kontento, kaysa sa paghahamon sa kanilang harapin at hikayatin [evangelize] ang namamatay na kultura, ay pinalitan ang sukdulang ebanghelismo ng mga lumang-panahong mangangaral.
9. Ang tunay na pagbabagong loob ay napalitan ng walang saysay na mga “desisyon,” na hindi nagbubunga ng mga masikap na nagwawagi ng mga kaluluwa [soul winners] na kumakayod na magdala ng mga di-masimbahan upang marinig ang umaapoy na ebanghelistikong pangangaral, na maaring magpabago ng ilan sa kanilang galing sa mundo.
10. Ang Linggo ng gabing paglilingkod, na minsan ay isang kuta ng ebanghelistikong pangangaral, ay kinaltas na sa tumataas na bilang ng mga simbahan, iniiwan ang mga kalalakihan at mga kabataan ng walang kabuluhang gagawin sa gabi ng Linggo. Ang mga simbahan ay hindi lalagong muli maliban na lang kung ang Linggo sa gabing ebanghelistikong paglilingkod ay maibalik sa tama nitong lugar. Ang pagpapalit nito ng marami pang mga “pag-aaral ng Bibliya” pagkatapos ng tanghalian, tulad ng ginagawa ngayon ng maraming mga simbahan, ay dinudukutan lamang ang mga simbahan ng pagkakataon ng pagdadala ng mga nawawalang mga tao galing sa mundo ng Linggo sa gabi upang madinig ang pangangaral ng Ebanghelyo. Ang pagkakaltas ng Linggo sa gabing mga paglilingkod ay hindi tutulong sa pagdagdag ng mga tao sa mga simbahan. Ito’y bahagi ng dahilan ng ating pag-uunti.
11. Ang hamon ng Krus ay napalitan ng makababaeng pangangaral at hindi mabisang mga programa na nagbibigay ng maliit na hamon sa mga kabataan at mga kalalakihan ng simbahan upang harapin ang namamatay na kultura ng may isang matigas na ala hukbo ng kristyanong mandirigmang [crusading] espiritu. Baka sakaling sila ay magaling na tutugon diyan kung bibigyan ng pagkakataon, ngunit hindi sila tumutugon sa binabaeng, pinalabnaw na mga programang sila ay binibigyan ngayon.
12. Ang mga pastor mismo ay madalas kumakawing na kumilos na parang mga Punong Pagpapaganap na Kawani [CEOs], kaysa sa “[paggawa] [ng] gawa ng evangelista” (II Timoteo 4:5). Ang pastor ay “[gagawa]” sa pageebanghelismo ng nawawala, kaysa sa pamamatnugot ng ilang mga matatandang babae at ilang maliliit na mga bata na lumilingap na sa kanyang simbahan.
Ang bagay lamang na mukhang mayroon tayo sa ating pabor ay ang mga pinaka konserbatibong mga simbahan ay sinosuportahan ang mga tipan ng Diyos na mga tao, ang Israel. Ginawang malinaw ng Diyos,
“pagpapalain ko ang mga magpapala sa iyo [mga Hudyo], at susumpain ko ang mga susumpa sa iyo” (Genesis 12:3).
Ang ating mga simbahan at ang ating bansa ay maaring nasa isang mas matinding krisis kung hindi dahil sa bagay na ang karamihan ng mga ebanghelistikong mga Kristyano ay nanalangin para at sinusuportahan ang mga Hudyo ng pamahalaan ng Israel. At, kasing hina ng ating mga simbahan, binigyan ang ating bansa ng pagpapala ng Diyos dahil tumayo tayo sa pagkakaisa kasama ang mga Hudyo sa pangkalahatan, at natatanging ang pamahalaan ng Israel.
Kung dapat tayong kailanman magkakaroon ng isang bagong Pangulo sa Washington na uurong sa pagsusuporta ng Israel, kinakatakot ko na ating mga araw bilang isang dakilang bansa ay matatapos na, dahil sinabi ng Diyos,
“pagpapalain ko ang mga magpapala sa iyo [mga Hudyo], at susumpain ko ang mga susumpa sa iyo” (Genesis 12:3).
Ang ating mga konserbatibong mga simbahan ay karaniwang sinosuportahan ang Israel. Nakakalungkot, mukhang iyan ay humigit kumalang ang kaisa-isang sinulid na natira na tumatali sa atin sa lumang teksto,
“Mapalad ang bansa na ang Dios ay ang Panginoon”
(Mga Awit 33:12).
PAGTATAPOS
Ang ibang mga bansa ba ay mas nakakayanan kaysa sa ating angkinin iyang tekstong iyan bilang kanila? Kinatatakot ko ito nga.
1. Ang Timog ng Korea, ay isang maliit na bansa, sa huling ilang mga linggo nilampasan ang Estados Unidos at Canada pinagsama sa bilang (hindi ang porsyento, ngunit ang tunay na bilang) ng mga banyagang missiyoneryong kanilang ipinapadala upang mag-ebanghelismo ng mundo. Sila na ngayon ay mayroong mas maraming mga misiyoneryo kaysa mayroon tayo sa mga banyagang mga lupain sa buong lupa!
2. Ang Indotsina ay nakararanas ng mga matitinding mga muling pagbabangon ngayon, ang uring alin ang hindi pa nakikita ng Amerika mula pa taong 1859!
3. Ang Tsina mismo ay nasa gitna ng pinakamatinding pagtitipon ng mga kaluluwa sa kahit anong bansa sa makabagong mga panahon. Kayayari lang na nagbigay si Franklin Graham ng “mababang” pahalaga ng 130 milyong mga Kristyano sa Tsina (isinalin mula sa Decision Magazine, Hulyo/Agosto 2008, p. 13). Ngunit maraming mga nag-aaral ng pagsabog ng Kristyanismo sa Tsina ang naglalagay ng bilang sa mas malayong mas mataas pa diyan. Ito’y hinulaan na higit kumulang 1,000 na Tsinong mga napagbago sa Kristyanismo bawat oras, gabi at araw, 24,000 bawat araw, pitong araw sa isang linggo! Ito ang uri ng muling pagbabangon na hindi naririnig sa Amerika mula taon 1859. Ang Tsina ay nasa gitna ng pinakamatinding muling pagbabangon ng kahit anong bansa sa makabagong mga panahon. (tignan [at isinalin mula sa] isinulat ni David Aikman, Jesus in Beijing: How Christianity is Transforming China and Changing the Global Balance of Power, Regency Publishing, 2003; available from The Voice of the Martyrs, P.O. Box 443, Bartlesville, OK 74005, (918)337-8015; website at www.persecution.com.)
4. Ang mga simbahan ng Africa ay pinangungunahan ang Kanluran sa mga bagay ng moralidad at ebanghelismo. Maraming mga Episkopalyan, pati ang mga tanyag na mga taga Canadang mga teyolohiyong si Dr. J. I. Packer, ay iniiwan ang mga Episkopal na mga Simbahan, at inilalagay ang kanilang mga sarili sa ilalim ng kapangyarihan ng mga taga Africa na mga opisbo, dahil sa moral na pagkukulang ng kanilang denominasyon sa Amerika at Canada.
5. Ang Sentro at Timog na Amerikanong mga simbahan ay nagawang panatilihin ang kanilang mga batas sa mga libro ng kanilang bansang pinagbabawal ang aborsyon na nasasakdal, at ibang mga panlipunang pagbabaluktot, mga bagay na hindi nagawa ng mga simbahan sa Amerika.
“Mapalad ang bansa na ang Dios ay ang Panginoon”
(Mga Awit 33:12).
Ang tinatawag na “Pangatlong Mundong” mga bansa ay mayroon, ito’y para sa akin mukhang, isang malayong matinding karapatang angkinin ang ating teksto kaysa Amerika sa puntong ito ng kasaysayan.
Habang ang Amerika ay dudulas pababa sa madulas na gulod sa loob ng “kultura ng kamatayan,” ang Diyos ay nagtataas ng mga bagong bansa, kung sino ay malapit ng masasabing,
“Mapalad ang bansa na ang Dios ay ang Panginoon”
(Mga Awit 33:12).
Ngayon ay kakailanganin ng mas higit pa sa isang muling pagbabangon o dalawa upang iligtas ang Amerika gaya ng pagkaalam natin nito. Kakailanganin ng isang bagong Pagreporma! Kakailanganin nating bumalik sa “solas” ng Protestanteng mga Repormista, at isabuhay nila ng malakas sa ating mga pangangaral at sa ating mga simbahan, at sa ating ebanghelismo. Hindi ko nakikita iyan na nangyayari sa Amerika. O naiisip ko na mangyayari ito. Marami ng nagsasabi na ang ebanghelikalismo ay namamatay sa ating bansa, at na ang katapusan ng Kanlurangang kabihasnan ay malapit na. Magbabayad tayo ng isang mabigat na halaga siya nga dahil sa pagtatanggi ng “pananampalataya na ibinigay na minsan at magpakailan man sa mga banal” (Judas 3). Tayo ay marahas na huhusgahan bilang isang kultura dahil sa paglalayo mula sa masinsin, naka sentro kay Kristo, naka sentro sa pagbabagong loob na pananampalataya ng ating mga Ama.
Gaya ng sinabi ni Churchill sa kanyang gwardya, na may mga luhang umaagos sa kanyang mukka, noong siya ay ginawang Unang Tagapangasiwa [Prime Minister] sa madilim na mga araw at sa umpisa ng pangalawang Digmaan ng Mundo, “Umaasa ako na hindi pa huli. Ako’y natatakot ng lubusan na huli na. Magagawa lamang natin ang lahat ng makakaya natin” (isinalin mula sa isinulat ni John Lukacs Ph.D., The Duel: 10 May – 31 July 1940, The Eighty-Day Struggle Between Churchill and Hitler, Ticknor and Fields, 1991, p. 7).
At, pagkatapos ng lahat, iyang ang saktong inaasahan ng Diyos sa bawat isa sa atin na gawin sa mga panahon na itong walang paninigurado. “Magagawa lamang natin ang lahat ng makakaya natin.” Sa ika-apat ng Hulyo, taon 2008, iyang ang aking naisip, at ito ang hamon ko sa iyo. Kahit anong mangyari sa ating minamahal na bansa, “Magagawa lamang natin ang lahat ng makakaya natin.” Tayo na at magpatuloy ebanghelismohin ang Los Angeles. Tayo na at magpatuloy na humiyaw, gaya ng ginawa ni Jeremiah, laban sa mga bagay na wumawasak ng ating mga simbahan at ating mga bansa sa oras na ito. At naway ang Diyos Siya mismo ay tutulong sa ating gawin ito. Amen.
(KATAPUSAN NG PANGARAL)
Maari ninyong mabasa ang mga sermon ni Dr. Hymers linggo-linggo sa Internet sa
www.realconversion.com. I-klik ang “Mga Pangaral sa Tagalog.”
Kumantang Mag-isa Bago ang Pangaral si Gg. Benjamin Kincaid Griffith:
“Sa Mga Panahong Tulad Nito” (isinalin mula sa isinulat
“In Times Like These” ni Ruth Caye Jones, 1944).